[B-1] Chapter 25: Marriage

[A/N: Sorry po sa late update :'>]

Jennie's POV

Nakahilata ako ngayon sa kama ng kwarto ko. As usual, ang boring dito. Kanina pa ako naka-uwi galing school. Wala namang masyadong naganap ngayong araw

At dahil mag-isa lang ako dito sa kwarto ko, bigla namang sumagi sa isipan ko yung ginawa ni Taehyung saakin kagabi

That dammed kiss of his

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ko at nakita ko si Mommy na nakangiti habang nakahawak sa doorknob

"Ma naman sana kumatok ka man lang diba!?" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa gulat
"Sorry na nak, Sya nga pala, mag bihis ka ng magandang damit a, magdidinner tayo ngayon sa labas ng Daddy mo" sabi ni Mommy

"Bakit sa labas pa Ma? Di na ba kayo nagsasawang kumain ng pagkain sa labas?" sabi ko sabay kuha ng phone ko

"Kayo na lang ni Daddy, mag-date na lang kayo habang wala ako" dagdag ko pa

Sinarado ni Mommy ang pinto at tuluyan na syang pumasok ng kwarto ko at sinabing "Hindi nga pwede, gusto kong mag-bonding tayong tatlo ngayong gabi, isa pa, naka-bihis na ang Daddy mo, alam mo naman na pag ready na yan, iinit ang ulo pag na-cancel yung mga gala nya. Tsaka, wala ka namang pasok bukas kaya ok na yan"

"Tsk. Ok ma, gets ko na, magbibihis na ako" sabi ko at tumayo na ako sa kama ko

"Sige bilisan mo a" sabi ni Mommy at binuksan na nya at pinto sabay labas, pero binuksan nya rin ulit at sinabing "Sya nga pala, mag-suot ka ng magandang damit at tsaka mag paganda ka" dagdag pa nya

"Ma, alam mo naman na kahit wala akong ginagawa, maganda parin ako diba? Kaya no need na saakin ang mag paganda pa" pabiro kong sabi kay Mommy at ang tanging sagot nya lang ay "Basta magpaganda ka parin" at tuluyan na nyang sinarado ang pintuan

Tsk. Bat kailangan ko pang mag-ayos ng bongga kung kakain lang naman pala kami sa labas?

Di kaya may ibang lakad pa kami maliban sa dinner na to?

¦

Nasa loob pa kaming tatlo dito sa sasakyan ni Daddy at andito na kami ngayon mismo sa restaurant na kakainan namin

This place is actually familiar to me dahil dito ako dinala ni Taehyung nung pinakilala nya ako kay Tita as her girlfriend

Teka nga..

Hindi kaya andito rin sila Taehyung!??

"Jennie bumaba kana" sabi ni Daddy at bumaba na rin sya sa sasakyan pati na rin si Mommy kaya naman sumunod na ako at bumaba na rin ako

Naka-suot ako ngayon ng black dress at naka-suot ng wedge na sapatos at syempre, medyo light make-up lang
Masyado atang halata na nag-effort talaga akong mag-ayos ng sarili ko para sa dinner na to kuno

Habang nagalalakad kami papasok sa malaking restaurant, tumabi ako kay Mommy sa paglalakad at sinabing "Ma, kaya mo ba ako sinabihang mag-ayos dahil alam mong andito rin si Taehyung at ang parents nya?" pabulong kong tanong kay Mommy. Ngumiti si Mommy saakin at sinabing "Buti nakuha mo rin" at napahinto ako sa paglalakad ko kaya naman nauna na sila

At nung nakita kong pumasok na sila Mommy at Daddy sa loob, agad na nahagip ng mga mata ko si Taehyung at dahil don nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko sya at as usual nginisian nya ako nung nakita nya ako

Nai-statwa lang ako habang nakikita ko syang naglalakad papalapit saakin

Naka-suot sya ng denim na pantalon at black turtleneck na long sleeves at naka-suot rin sya ng Gucci na sapatos at masasabi ko talaga na he does look really good in those outfits. So for short, ang pogi nya

Nandito na sya ngayon sa harapan ko at nakatulala lang ako sa kanya ngayon. I flinched a bit nung nilapit nya ang pisngi nya sa mukha ko para bumeso, ng matapos sya, tinaasan ko lang sya ng kilay at sinabing "At kailan ko pa sinabi na pwede tayong mag besohan ha?" mataray kong tanong sa kanya habang naka-crossed arms

"Tsk. Baka nakakalimutan mo, andito ang mga magulang natin kaya malamang oras nanaman ng pagpapanggap nating dalawa" sabi nya sabay ngisi at inirapan ko lang sya

"Tara na, pumasok na tayo babe" sabi nya sabay lapat ng braso nya saakin

Ok I admit, talaga namang na nakaka-cringe pakinggan para saakin yung pagtawag nya sakin ng babe. Arggh!

Tinignan ko sya saka pinasok ko na kamay ko sa nilapat nyang braso at sinabing "Alam mo ba na sinet-up tayo ng mga magulang natin ngayong gabi?" tanong ko sa kanya at nagsimula na kaming mag-lakad papasok

"Nung una pa lang na sinabi saakin ni Mama na kakain daw kami sa labas at mag-suot daw ako ng magagandang damit, nagduda na ako. And I guess, tama nga ang hinala ko"

"Quick question" sabi ko

Tinignan nya ako at nakataas ang isa nyang kilay at sinabing "Ano?"

"Bakit parang iniiwasan mo ako the whole time na magkakasama tayo kanina sa school? Alam mo, ako nga tong dapat na hindi namamansin sayo e, alam mo bang di ako makatulog kagabi dahil dun sa pahalik-halik mo saakin ha!?" galit kong sabi sa kanya pero pabulong

Nakita kong ngumiti si Taehyung kaya naman bumitaw ako sa braso nya at pinalo ito, humarap syang nakangisi saakin at nag-crossed arms sya

"Ano? Nakakatawa ba yun ha? Nag-enjoy ka ba? Bwisit ka! Pag yun inulit mo pa masasa---" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil

Mabilis nya akong hinalikan sa labi

"Pag inulit ko ano?" kalmadong tanong ni Taehyung

Agad kong hinampas ng malakas ang balikat nya at napa-aray naman sya pero tumatawa "Bwisit ka talaga Kim Taehyung!" naiinis kong sabi sa kanya pero natawa lang sya sa ginawa ko

"Jennie, Taehyung ano ba yan, sumunod na kayo saamin" sabi saamin ng Mama nya

"Hi Tita, long time no see a" sabi ko at bumeso ako sa kanya at yumakap, ganon rin ang ginawa nya

"Sige na, sumunod na kayo, wag kayong maglandian dito, hindi lang kayo ang tao sa lugar na to" nakangiting sabi nya at naglakad na sya

Nagtinginan kami ni Taehyung at parehas kaming natawa

Pumasok na kami sa isang function area ng restaurant, talaga namang naka-reserved tong area na to para saamin

Agad ko namang binati ang Papa ni Taehyung na ngayon ay kausap si Daddy, binati rin ako ng Papa nya, ngayon ko lang ata to sasabihin sa sarili ko na mukhang napaka powerful tignan ng mga pamilya naming dalawa ni Taehyung, bukod sa parehas na pamilya namin ay mayayaman, both sides pa ng parents namin ay mababait sa isa't-isa

Nakahanda naman na agad sa table namin yung mga pagkain na inorder nila and lahat ng nakahain is definitely most of them are my favorites kaya naman medyo natatakam na ako ngayong kumain

Umupo na ako sa upuan, pinagigitnaan namin ni Daddy si Mommy at sa tapat naman namin ay kaparehas lang din ng pwesto

Katapat ni Daddy ang Papa ni Taehyung, katapat ni Mommy si Tita, at ako, malamang katapat ko si Kim Taehyung

"Sige na, lets start eating na, masamang pinaghihintay ang pagkain" sabi ni Mommy at tumngo na kaming lahat at nagsimula ng magsikain

¦

Sa kalagitnaan ng pagkain naming lahat, tanging ako at si Taehyung lang ang hindi nag-uusap saaming anim. Kaya naman marahan kong sinipa ang paa nya sa ilalim na mesa at agad naman syang napatingin saakin at tinaasan ako ng kilay

"Bat di mo nanaman ako pinapansin?" pabulong kong tanong sa kanya

"Tsk.. Di mo ba nakikita? Kumakain pa ako diba?" sabi nya sabay subo sa kutsara nya

Inirapan ko na lang sya at kinalabit ko si Mommy at sinabing "Ma mag c-cr lang ako saglit" tumango na lang si Mommy at tumayo na ako saka naglakad pa puntang cr habang dala dala ko ang phone ko

Impossible naman siguro na ako lang yung nagdadala ng phone sa banyo diba??

Sinarado ko ang pinto sa cr at sinumulan ko ng ibaba ang undergarments ko at halos mapamura na ako ng nakita ko blood stain sa panty ko

Shocks!

BAKIT NGAYON PA!?

WALA AKONG DALANG NAPKIN!!

Taehyung's POV

Kanina pa ako natapos kumain pero hanggang ngayon, hindi parin bumabalik si Jennie galing sa cr

Alam kong dinala ni Jennie ang phone nya kanina kaya naman tatawagan ko sya ngayon

Nag excuse lang muna ako sa kanilang lahat at sinabi kong magpapahangin lang ako sa labas at tumango naman sila

Ng makarating ako sa labas, agad kong tinawagan si Jennie

"H-hello?" sagot nya sa kabilang linya

"Kala ko naman deds ka na. Bat ang tagal mo? Wag sabihin saakin na jume-jebs ka dyan a" natatawa kong sabi

"Taehyung..."

"Bakit?"

"Pwedeng humingi ng favor?"

"Sure basta ikaw. Ano ba yun?"

"Uhm.. Pwede bang ano.."

"Bilisan mo, ano?"

"Bilhan mo naman ako ng napkin o, biglaan kasi e"

"N-napkin??"

"Ayaw mo ba? Sige kay Mommy---"

"Hindi sige sige, ako na, ako na bibili para sayo"

"Thank you Babe~" pabebeng sabi ni Jennie

"Alam mo Jennie Kim napaka plastic mo talaga"

"Sorry na Hahaha. Pwede paki bilisan please"

"Tss. Oo na"

¦

Andito ako ngayon sa 7-eleven at nagmadali akong nagpunta sa may sanitary pad area at napakunot ang noo ko dahil nakalimutan kong itanong kay Jennie if anong brand ba ng napkin at kung with or without wings ba ang ginagamit nya

Hayss ewan

Nagpunta na ako sa cashier at nilapag ang mga napkin na nakuha ko sa kahera at nung nilapag ko ito, nakita kong nakangiti yung babaeng nakatoka sa cashier

"Sir para kanino po tong mga napkin na pinamili nyo?" sabi nung babae habang nilalagay sa plastic yung mga napkin at this time wala na talaga akong planong kausapin sya dahil nga nagmamadali ako

"Para sa aso ko lahat yan" sabi ko at kinuha ko na ang pinamili ko sa kanya at binigay ko na sakanya ang bayad at sinabing "Keep the change"

Nagmadali na akong lumabas sa convenient store at mabilis na sumakay sa sasakyan ko at pinaandar na ito

Jennie's POV

"Jennie buksan mo, andito na'ko" sabi ni Taehyung habang kumakatok sa pintuan

I sighed in relief nung narinig ko sya. Tumayo ako at gumilid sa pintuan at binuksan ko ito at nakita kong pinasok ni Taehyung ang kamay nya sa loob habang nakasabit sa daliri nya yung plastic ng napkin

Sinilip ko sya at nakagilid sya sa may pintuan "Thank you" sabi ko sabay kuha sa plastic at nakita ko naman syang tumango

Sinarado ko na uli ang pinto at sinimulan ko na ang paglalagay ng malaking band-aid sa panty ko

¦

Lumabas na ako ng cr bitbit ang plastic ng maraming brands ng napkin at cellphone sa kamay ko

Nakita ko naman si Taehyung na nakasandal sa pader malapit sa cr

Nakangiti ko syang nilapitan at sinabing "T-thank you ulit a, ire-refund ko na lang lahat ng pinamili mo kanina, grabe ka halos pang-3 months ko ng suplay tong mga pinamili mo"

Natawa naman sya at sinabing "Tss. Wala yun. Tara na. Alam mo buti naniwala sila nung sinabi kong jumejebs ka lang kaya antagal mo sa cr"

Pinalo ko uli ang braso nya at sinabing "Nakakainis ka talaga"

Tumawa lang ulit sya at sinabing "Akin na yang plastic, sa sasakyan ko muna ilalagay yan. Sige na bumalik ka na don" sabi nya at kinuha nya ang plastic sa kamay ko at binigay ko naman ito. Umalis na sya kaya naman bumalik na ako sa upuan namin

¦

Malapit ng mag 9:00 pm at pumipikit-pikit na ang mga mata ko sa antok. Pero halos magising ang buong kaluluwa ko ng kinalampag ni Daddy ang mesa dahilan para direkta kaming mapatingin ni Taehyung

"Bago ko nga pala makalimutan, I think this is the right time na para sabihin sa mga bata ang totoong dahilan kung bakit tayo andito lahat ngayon" sabi ni Daddy at agad kaming nagtinginan ni Taehyung

Tumayo na rin ang Papa ni Taehyung at sinabing "Jennie, Taehyung. Since parehas naman na kayong may relasyon. We decided na....."

"I-ready na ang magiging kasal nyong dalawa"

-To be continued-

A/N: Guys I'm very sorry if sobrang natagalan talaga ulit bago ako makapag-update. Puro gala kasi kami this past few days, ayon nag-enjoy ako masyado kaya di na ako nakapag-sulat AHAHAH

Kung naguguluhan kayo at marami kayong tanong tungkol sa takbo ng kwento nitong MTG, guys wag kayong mag-alala. Gawa na ang whole plot ng kwentong to at gusto kong sabihin sa inyo na nagsisimula pa lang tayo 😊

WAG NA KAYONG MALITO PLEASE HAAHAHHAHAHA

Sana nagustuhan nyo tong Chapter na to, tas patawarin nyo na rin ako kung medyo matatagalan uli bago ako mag-update kasi sa susunod ita-try ko ng mag-update ng dalawa or tatlong beses sa isang araw

ps. Wag na kayong mag-alala tungkol dun kay Mr. Unknown, lalabas din yung character nya sa tamang panahon HAHAHA

Thank you guys! Love you all! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top