[B-1] Chapter 24: The Kiss

Taehyung's POV

"Wag mo na muna akong kausapin Taehyung, please lang"

Mabilis akong tinalikuran ni Jennie at nagmadaling tumakbo palayo

Alam kong may masamang bagay na sinabi si Irene sa kanya kaya naman nagkakaganyan si Jennie

Tumakbo rin ako paakyat sa room ng next subject nila Irene

Nang makarating ako, hindi na ako nagdalawang-isip pa na buksan agad ang pintuan

At nung nabuksan ko ito, agad namang bumungad saakin si Irene na umiiyak habang pinapatahan ni Rosé, Namjoon, at Jin

Nagulat silang lahat at napatingin nang dumating ako

Direcho ang tingin ko kay Irene ngayon na mukhang naguguluhan sa nangyayari

Agad kong hinawakan ang braso nya at hinila syang patayo

"Taehyung anong gagawin mo!?" sabi ni Jin

"Hyung wag na kayong mangielam" sabi ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso ni Irene at hinila ko sya habang naglalakad kami palabas ng classroom

"Taehyung aray! Nasasaktan ako!" sabi pa nya habang sinusubukan nyang tanggalin ang kamay ko pero hindi nya ito nagawa dahil hinigpitan ko pa ang hawak rito

Dinala ko si Irene sa isang bakanteng classroom. Sinarado at ni-lock ko ang pintuan nito

"Ano bang ginagawa mo!?" sigaw nya saakin

Padabog akong bumitaw sa mga kamay nya at sinabing "Kailan ka ba titigil ha Irene!?"

"Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik saakin Taehyung!"

Mabilis kong hinawakan ang mga balikat nya at malakas na isinandal ito sa pader

"Etong tatandaan mo, kahit kailan o kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi na ako babalik sayo!" pagalit kong sabi saka ko sya binatawan

Nakita ko namang unti-unti ng bumagsak ang mga luha ni Irene at mabilis nyakong niyakap at sinabing "Taehyung please. Taehyung please come back to me. Hindi ko na kaya. Nagsisisi na ako sa lahat lahat ng ginawa ko sayo noon. Please Taehyung.... Bumalik ka na saakin.. Please"

Marahan kong inalis ang dalawang kamay nya na nakayakap saakin at sinabing "Irene I'm sorry. Hindi na kita kayang mahalin gaya ng dati. May Jennie na ako ngayon"

"Pero nagpapanggap lang kayo diba? Taehyung naman... Wag ka ng magsinungaling saakin. Alam kong inaarte nyo lang lahat ng kinikilos nyo. Alam kong hindi totoo ang nararamdaman mo para sa kanya dahil nagkukunwari ka lang"

"Sinong nagsabing hindi totoo ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya Irene?"

Biglang nagbago ang expression ng mukha nya at sinabing "You're kidding me, right?"

"Pwede ba Irene, layuan mo si Jennie simula ngayon. Dahil sa susunod na saktan at sabihan mo pa sya ng masama, ako na ang makalaban mo" sabi ko sa kanya at binuksan ko na ang pintuan saka lumabas rito

Napatingin naman ako sa orasan ko at halos 5 minutes na lang, magsisimula na ang susunod naming klase

Nagmadali nakong tumakbo at umakyat sa hagdan. Pagkadating ko sa room, agad na hinanap ng mga mata ko si Jennie

Nasaan si Jennie??

Tumayo si Jisoo sa kinauupuan nya at lumapit saakin at sinabing "Wala si Jennie dito Taehyung"

"Nasaan sya?"

"Umalis na sya kasama si Jungkook, kaka-alis lang nila at mukhang hindi na sila babalik ngayong araw"

"Pero bakit!? Bakit kasama nya si Jungkook!?"

"Sa pagkakarinig ko, may maraming bagay daw na gustong sabihin sa kanya si Jungkook pagkatapos nung nangyaring gulo kanina nila Irene"

Napakagat na lang ako ng labi ko dahil sa dismaya

"Wag ka ng mag-alala, mukhang hindi naman sya sasaktan ni Jungkook at isa pa, wala syang ganong intensyon" sabi pa ni Jisoo

"Alam ko" sabi ko with a low tone voice

Bigla naman ng pumasok ang Prof namin kaya naman nagpuntahan na kami sa kanya-kanya naming mga upuan at nagsimula na ang klase

Jennie's POV

"Sigurado ka bang ayaw mong i-uwi kita sa bahay nyo?"

Nakasakay ako ngayon sa front seat dito sa sasakyan ni Jungkook

Nalaman nyang balak kong mag-cutting ngayong araw kaya naman nung nakita nya ako kanina, agad nya akong tinulungang makalabas ng palihim at ngayon, dinadamayan nya ako sa pag cu-cutting ko

"Sa tingin mo matutuwa ang mga magulang ko pag nakita nilang umuwi ako dahil nag cutting ako ngayon?" sabi ko kay Jungkook habang nakatingin ako sa labas ng bintana

"So saan kita dadalhin?" tanong nya

"Ihinto mo na dyan sa tabi, bababa na ako" sabi ko pa

"Hindi kita pwedeng ibaba kahit saan Jennie, pag napahamak ka pa, ako ang masisisi sa lahat" sabi nya

Agad ko syang nilingon at sinabing "Bakit mo ba kasi ginagawa to!? Bakit mo ako sinasamahan ngayon!? Wala ka namang pake saakin diba!? Wala ka namang gusto saakin dahil pinilit ka lang ni Irene. Ibaba mo na ako dyan sa tabi please lang Jungkook. Wag mo nang dagdagan pa yung bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko!" pagsigaw ko pa sa kanya

Napatingin rin saakin si Jungkook at kinabig nya ang manibela nya at hininto nya sa isang gilid ang sasakyan nya

Tinignan nya uli ako at sinabing "Jennie may pake ako sayo kaya ko to ginagawa"

Natigilan ako at nanahimik

"Look, I'm sorry kung naging malamig ang pakikitungo ko sayo ever since. I'm sorry kung hindi ko napakita sayo na concerned na ako sayo kahit noon pa lang"

"Pero everything changed Jennie simula nung nalaman kong naging kayo ni Taehyung. Kahit nung sinabi na ni Irene saakin na nagpapanggap lang kayo, hindi ako naniniwala dahil pinag-obserbahan ko kayo ni Taehyung at yung ginagawa nyo, alam kong hindi na yun pagpapapanggap" dagdag pa ni Jungkook

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan akong tumingin sa kanya

"I guess huli na ang lahat para saakin. Masyado ata akong naging torpe kaya nangyari to"

Oh my gosh

Hindi to totoo diba??

"I'm sorry, Jungkook. H-hindi ko alam na ganyan pala yung nararamdaman mo" sabi ko

"Ayos lang. As long as masaya ka sa tabi ni Taehyung, okay lang saakin. Pero sa oras na saktan ka nya, andito lang ako" sabi ni Jungkook at ibinaling na nya ang tingin nya saakin
Bakit wala akong maramdaman!?

Bakit hindi ako kinikilig!?

Bakit nawala lahat ng nararamdaman ko para kay Jungkook?

Bakit!?

"Does that means na simula bukas we're gonna treat each other as f-friends? Hindi na gaya dati na ini-isnob mo ko?" tanong ko sa kanya

Muli syang tumingin saakin at sinabing "Of course, simula bukas we're gonna treat each other as friends" sabi nya at bigla syang ngumiti

Dahil duon, hindi ko na napigilan ang sarili ko at binigyan ko si Jungkook ng isang friendly hug

Niyakap nya rin naman ako pabalik at ngayon hinihimas himas pa nya ang likuran ko

I think na confirm ko na sa sarili ko..

Totoo ngang wala na talaga akong nararamdaman para kay Jungkook

Parehas na kaming bumitaw sa pagakakayakap sa isa't-isa

Parehas rin kaming natahimik at nabalot kami ng silence awkwardness ng halos ilang segundo

"Alam mo may alam akong lugar na pampatanggal stress, sasama ka pa ba?" tanong saakin ni Jungkook

"Sige na nga" sabi ko sa kanya sabay ngiti

Taehyung's POV

"Ano nag reply na ba?" tanong ko sa kanilang lahat

Nasa iisang table kaming lahat dito sa may canteen, lunch na ngayon pero ni-isa saamin, wala pang kumakain

Jin-Jisoo-Lisa-Yoongi-Namjoon
Rosé-Jimin-Ako-Hoseok
Yan ang seating arrangement namin ngayon

"Mukhang patay yung phone ni Jennie" sabi ni Lisa

"Teka, si Jungkook nga subukan nyo" sabi ni Jimin

"Eto na" sabi ni Jin

"Si Irene nasaan?" tanong ni Yoongi

"Nasa clinic, nahihilo daw" sabi ni Rosé

"Tsk wag nyo ng problemahin si Irene, ano hyung? Sumagot na ba?" tanong ko kay Jin

"Cannot be reached e" sabi ni Jin at nilapag na nya sa mesa ang phone nya
"So guys ano na?" naka-crossed arms na tanong ni Namjoon

"Tsk. Bat ba ang o-oa nyo? Wala namang sigurong balak si Jungkook kay Jennie wag nga kayong ganyan" sabi ni Jimin

"Alam nyo pakiramdam ko parang ibang version to ng relasyon nyo nila Irene. Mantakin nyo, nung shota pa ni Jungkook si Irene, si Taehyung ang naging dahilan ng break-up nila. Tapos ngayong shota ni Taehyung si Jennie mukhang may balak tong si Jungkook" sabi ni Hoseok

"So anong ibig mong sabihin??" tanong ko

"Di kaya pag naghiwalay kayo ni Jennie, si Jungkook ang naging dahilan?" sabi ni Hoseok

"Aisshhh ang epal talaga nito" sabi sa kanya ni Namjoon

"Feeling ko rin e" sabi ni Jimin kaya naman pinalo ko sya ng water bottle na hawak ko at nagtawanan naman sila

"Guys kumalma na lang kayo at pwede ba, kumain na tayo?" sabi saamin ni Jisoo at lahat naman kami sumang-ayon sa kanya

"Oo tama, kanina pa ako nagugutom e" sabi ni Jin

"Since lahat kayo mukhang stressed-out, ililibre ko na yung lunch nating lahat ngayong tanghali" sabi ni Yoongi at lahat kami naghiyawan

"Yes namannnnn!!~" sabi ni Namjoon at hinampas nya ang likod ni Yoongi

"Ang sarap talagang maki-tropa sa inyo guys" natatawang sabi ni Lisa

"Manlilinbre yung tatay natin whoo!~" sabi ni Hoseok

"Hay nako, Iba talaga pag anak ng Mafia" sabi ni Jimin at lahat kami nag tawanan

"Ulul, mafia ka dyan. Baka gusto mong ipa assassinate kita?" seryosong sabi sa kanya ni Yoongi

"Luh Hyung joke nga lang e" sabi ni Jimin at nag tawanan muli kami

¦

Natapos na kaming mag lunch at andito na ako ngayon sa next subject namin

Katabi ko naman ngayon sila Seokjin at Lisa. Kasama rin namin dito sa room na to si Irene pero nasa pinaka harap sya naka-upo

"Ano nga palang pinag-usapan nyo ni Irene kanina? Bakit parang umiyak sya nung bumalik sya sa classroom?" pabulong na tanong saakin ni Jin

"Sinabi ko lang naman sakanya yung mga sagot sa mga kagustuhan nya" blangko kong sabi

"Ano nga?" pangungulit pa nya

Tinignan ko si Jin at sinabing "Hyung, gusto mo bang bigyan ko kayo ni Jisoo ng pwede nyong pag-awayan ng maghiwalay na kayo?" sabi ko pa sa kanya

"Tsk eto talaga di mabiro. Oo na! Di ko na tatanungin" sabi ni Jin at inirapan nya ako

¦

Tapos na ang klase namin ngayong araw kaya naman uwian na namin

"Punta ka sa bahay, magalalaro kami nila Yoongi at Jimin, sasama ka ba?" tanong saakin ni Hoseok

"Pass muna ako dyan Hyung, may dadaanan pa ako e" sabi ko at binuksan ko na ang pinto ng kotse ko at sumakay na rito

"Sige ingat" sabi nya at tumango na lang ako saka sinarado ang pinto ng kotse ko at pinaandar na ito

¦

Jennie's POV

"Salamat nga pala for today Jungkook a" nakangiti kong tanong sa kanya

"Psh.. Wala yun. Pumasok ka bukas a? Wag kang umabsent" sabi nya

"Bat naman sa tingin mo aabsent ako?" sabi ko sabay ngisi

"Pakiramdam ko kasi aabsent ka bukas dahil sa nangyari kanina e"

"Oo na, di na ako aabsent" sabi ko sabay ngiti

"Sige na bumaba ka na, baka mamaya sabihin ng magulang mo na lalaki mo ako" pabiro nyang sabi

"Luh.. Eto na nga, bababa na o" sabi ko at parehas na kaming nag ngitian

Bumaba na ako sa kotse ni Jungkook "Ingat ka sa pag di-drive a" sabi ko at tumango naman sya kaya naman sinarado ko na ang pinto ng kotse nya

Nakangiti akong naglalakad papasok ng bahay ngayon

Agad na sumalubong saakin si Mommy sa pintuan

"O kumain ka na ba?" tanong nya saakin

"Di na ma" sabi ko

"Nak yung kaibigan mo nga pala andun sa taas, pinapunta ko na dun sa kwarto mo kasi kanina pa naghihintay dito sa sala" nakangiting sabi ni Mommy

"Ha? Sinong kaibigan? Tsaka, bat mo pa pina-akyat sa kwarto ko ma? Ang kalat kalat kaya doon"

"Wag kang mag-alala, nilinis ko yung kwarto mo kaya naman pinapapunta ko sya doon. Sige na puntahan mo na" sabi ni Mommy at marahan nya akong tinutulak pa akyat sa hagdan

"Ma bat mas atat ka pa kesa saakin!? Teka nga, sino ba yung nasa kwarto ko ngayon ha?" naka-crossed arms kong tanong sa kanya

"Tsk basta.. Sige na, puntahan mo na kasi duon sa taas" sabi ni Mommy

"Eto na nga o, aakyat na" sabi ko sabay talikod at akyat ng hagdan

Sinong kaibigan ba tong andito!?

Impossible namang sila Jisoo, Rosé, at Lisa tong nandito dahil kung andito sila, malamang magpapasabi yung mga yun

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ko

Nang mabuksan ko ito nagulat ako dahil wala naman akong nakikita dito sa loob

"Ah.. Hello??~~" sabi ko pa pero walang sumasagot

"May tao ba dito?~~" muli akong nagtanong pero wala paring sumagot

Dahil doon, mabilis akong pumasok sa kwarto ko at ni lock ang pintuan

Nilapag ko naman ang bag ko sa kama ko at nagpunta ako sa tapat ng salamin ko at umupo sa dresser nito

Ng maka upo ako, bigla akong nakarinig ng parang may nag flush ng toilet sa cr ko

Napahinto ako at tinignan ko lang ang itchura ko sa salamin

Hanggang sa nakita ko na kung sino yung lumabas galing sa loob ng cr


























Si Kim Taehyung......










Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko syang nakatingin saakin sa salamin

"A-anong ginagawa mo d-dito!?" nanginginig kong tanong sa kanya

Umupo si Taehyung sa kama ko at nakita kong direcho syang nakatingin saakin

"So... Kamusta ang araw mo ng pag-cucutting kasama si Jungkook?" tanong ni Taehyung saakin sabay ngisi

Tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap ako sa kanya at sinabing "Ano bang ginagawa mo dito ha!? Diba sinabi ko sayo na wag mo na akong kausapin?" naka-crossed arms kong tanong sa kanya sabay irap

"Tsk.. Bat ko gagawin yon? Diba boyfriend mo ako?" sabi nya at tumayo rin sya sa kinauupuan nya

Unti-unti nya akong nilalapitan kaya naman unti-unti rin akong umaatras sa kanya

"A-anong sinasabi mo? Hoy Kim Taehyung, for your Information, lahat ng toh, lahat ng ginagawa natin, lahat ng toh ay puro pagpapanggap lang!" sabi ko sa kanya at ngayon, na corner na nya ako sa pader

Ngumisi si Taehyung at nilagay nya sa pader ang dalawang kamay nya kaya naman napagigitnaan ngayon ang katawan ko ng mga kamay nya

Tinignan ko ng direcho ang mga mata nya at napalunok na lang ako

"Pwes.. Kung sinasabi mo pala na lahat ng ginagawa natin ay puro pagpapanggap lang, sana isipin mong parte rin ng pagpapanggap natin tong gagawin ko sayo" sabi nya sabay ngisi

"Teka, a-anong bang sinasa---" naudlot kong sabi dahil






Hinahalikan na ako ngayon ni Taehyung

Wala na akong nagawa at napatulala na lang ako habang ginagawa nya saakin to ngayon

Tumigil na si Taehyung sa pag halik saakin at hanggang ngayon nakatulala parin ako

"Kahit anong mangyari Jennie Kim, hindi pa ngayon matatapos tong pagpapanggap natin dahil nag sisimula palang tayo" sabi nya sabay ngisi

Dahan dahan akong napatingin kay Taehyung at sinabing "B-bakit mo ako hinalikan?"






"Dahil yan ang tanda na pag ma-may-ari kita sa ngayon"

- To be continued -

A/N: YIEEEEEEEEE MY TAENNIE HEARTUEEEE ♥♥♥♥♥

Btw guys, kung napansin nyong hindi ko sinama si Mr. Unknown dito dahil sa mga next chapter pa uli sya magpaparamdam

SANA NAGUSTUHAN NYO YUNG CHAPTER NGAYONNN 😊

again, sorry uli sa late update :'>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top