[B-1] Chapter 23: Unknown


Jennie's POV

Unknown:
Posporo ka ba?

Jennie:
Luh.. FC? Sino to?

Unknown:
Paki sagot na lang nung tanong ko

Unknown:
Posporo ka ba?

Jennie:
Hindi. Bakit?

Unknown:
Kasi sa tingin ko, perfect match tayo together e

Jennie:
Okay

Unknown:
Ilaw ka ba?

Jennie:
Definitely not. Bakit?

Unknown:
Kasi sa tuwing nandidilim
ang piligid ko, makita lang kita,
lumiliwanag ang lahat sa paligid ko

Jennie:
Kung sino ka man,
parang awa tumigil ka na

Unknown:
Uy.. Last na lang

Unknown:
Wi-Fi connection ka ba?

Jennie:
Bakit?

Unknown:
Kasi di ko kayang
mabuhay pag wala ka

Unknown:
bOooMmm

Jennie:
May boyfriend na'ko.
You can stop now

Unknown:
Pogi ba yung boyfriend mo?

Jennie:
BAKLA KA BA?

Unknown:
Bakla mo to. Baka nga mas pogi pako dun sa boyfriend mo e


Jennie:
I don't talk to strangers
you know?

Unknown:
Kilala mo ako, Jennie Kim

Jennie:
Taehyung kung ikaw man to, humanda ka saakin bukas!

Unknown:
Hindi ako si Taehyung

Jennie:
Ayoko sanang itanong to pero..

Jennie:
Ikaw ba to Kookie??

Unknown:
Keep guessing...

Jennie:
So sino ka nga?

Unknown:
Saka nako magpapakilala sayo
pag may free time nako

Jennie:
So busy ka ngayon? Busy ka, tapos nakuha mo pang mag text ng kagaguhan saakin?

Unknown:
Ang sweet kaya
nung mga pick up lines ko

Unknown:
Sabihin na nating corny pero wag mong i-deny, kinilig ka no??

Jennie:
Pag-ihi ko lang ang nagpapakilig saakin. Bakit? Ihi ba kita para kiligin ako sayo?

Unknown:
Dami mo namang sinabi. Oo o Hindi lang kailangan kong sagot e

Unknown:
See you tomorrow, Jennie

Jennie:
Layuan mo ako please



Kinabukasan.....




Naglalakad ako ngayon papasok sa classroom namin

Pag pasok ko, agad na tumambad saakin si Jungkook na katabi sina Jimin at Hoseok. Bigla naman akong kinindatan ni Jungkook at nginitian ko lang sya kahit deep inside ko, para nakong hihimatayin sa kilig

Sunod kong nakita sila Irene at Jisoo na nag-uusap. Ganon rin sila Rosé at Lisa

Habang ang lahat ay abala sa kani-kanila nilang mga mundo

And lastly....

Si Kim Taehyung

Nakita ko syang nakatingin saakin kaya naman inirapan ko sya kaagad at naglakad papuntang upuan ko

Pagkadaan ko kay Irene, nagka-eye contact din kami ng ilang segundo at sabay naming inirapan ang isa't-isa

Nilapag ko na ang bag ko sa upuan at saka umupo na ako

"Hoy! Bat may pakindat-kindat si Jungkook sayo? Ako lang pwedeng gumawa nun sayo a" pabulong na sabi ni Taehyung habang nakatingin saakin

"Tsk. Manahimik ka nga dyan" pabulong na singhal ko sa kanya

"Mukhang liligawan ka na nya talaga a" sabi pa nya

"Ano naman? Gusto mo manligaw ka rin ng iba dyan para parehas tayong may ibang kalandian"

"Ay weh? Naglalandian kayo ni Jungkook?" natatawang sabi ni Taehyung

Agad kong binato sa kanya ang librong hawak ko pero nasalo naman nya agad ito

"Baka gusto mong ipagsigawan ko sa kanilang lahat na break na tayo?" sabi ko

"Sige nga, gawin mo" sabi nya sabay ngisi

Bigla kaming nakarinig ng tatlong mabibilis na malalalas na katok mula sa pintuan

Natigilan kaming lahat sa kanya-kanya naming mga pinaggagagawa at napatingin sa pinto

Tumayo naman si Namjoon at binuksan nya ang pintuan nakita namin ang isang lalaki

"May kailangan ba kayo?" tanong ni Yoongi duon sa lalaki

"Andito ba si Jennie Kim?" tanong nung lalaki

At lahat sila, as in lahat, napatingin saakin

"Ah.. Andito ako. Bakit?" naka-upo kong sabi

"May nag-paabot kasi saakin nito kanina sa baba. Ang sabi, i-abot ko daw dun sa Jennie Kim ang pangalan. May sulat din na naka-attached dyan kaya paki basa na lang daw" sabi nung lalaki at inabot nya ang isang bouquet of flowers kay Namjoon saka umalis

Tinignan ko ang lahat ng tao sa paligid ko knowing na kahit sila naguguluhan rin sa mga nangyayari

Tumayo si Jungkook at lumapit kay Namjoon at sinabing "Wow Taehyung, ang effort a" blankong expression na sabi ni Jungkook

Agad ko namang tinignan si Taehyung na nakunot ang noo at mukhang walang alam sa nangyayari

"Hindi ako ang nagpadala nyan. Isang beses palang ako nagbigay kay Jennie ng bouquet at kung bibigyan ko man sya, malamang sa personal. Tss.. Baka nakakalimutan mo? Girlfriend ko si Jennie" naka-crossed arms na sabi ni Taehyung habang nakatingin na direcho kay Jungkook

Tinignan ko naman si Jungkook na ngayon ay napakagat labi na lang at sumandal sa whiteboard

"E kung hindi si Taehyung? Kanino galing yan?" tanong ni Jimin

"Guys naman, impossibleng isa sainyo dito ang nagpapabigay nyan kay Jennie. Alam ng lahat na may boyfriend na si Jennie tapos magbibigay kayo ng ganito?" sabi ni Lisa

"Baka naman kasi maliban kay Taehyung, may iba pang nilalandi tong si Jennie at hindi nya sinabing may boyfriend sya kaya nagpadala tuloy nyan" sabi ni Irene

Napatingin silang lahat saakin pagkatapos mag salita ni Irene

"Sus.. Wag mo kong itulad sa ugali mo" kalmado kong sabi

"Whooo Burnnnnn!"
"Mic Drop!"
"Shet! Osige talon, una ulo!"
"Boooommmm"
"O bilis rebat na!"
"Tangina sunoggg!"
sabay sabay na sigawan nila

Nanahimik na lang si Irene at inirapan ako

"Teka nga, Hoy Namjoon! Baka naman gusto mong ibigay na kay Jennie yan diba?" sabi ni Jin

"Maka hoy naman to! E kung ihambalos ko kaya sayo to!?" sabi ni Namjoon at nagtawanan naman silang lahat, maliban saamin ni Taehyung na seryosong-seryoso

Pumasok agad ang isa naming lalaking kaklase at sinabing "Guys parating na si Prof, umayos na kayo!"

At lahat sila ay nag madaling bumalik sa mga kanya-kanya nilang upuan habang si Namjoon naman, mabilis na inabot saakin yung bouquet at nagmadaling bumalik sa upuan nya

Nang napasa-kamay ko ang bouquet, agad akong napalingon kay Taehyung na muling nakatingin saakin pati na rin sa hawak ko

"Kanino galing yan?" naka-kunot noo nyang tanong saakin

"H-hindi ko rin alam" sabi ko at biglang nag bukas ang pintuan namin at pumasok na si Prof kaya naman binati namin sya kaagad

Binaba ko sa desk ko yung bouquet at nilapag ito sa sahig

Habang nag-aabala si Prof sa pagsusulat sa board, patago kong kinuha ang maliit na puting envelope na nakalagay sa bouquet

Binuksan ko ito at nakita kong may sulat na nakalagay rito

At binasa ko na ito....

Dear Jennie,

Na surprised ka ba? I'm sure hindi lang ikaw ang na surprised dahil lahat sila nagulat rin sa pinadala ko

Ingatan mo yang bouquet na yan a, gusto ko wag mong hayaang mamatay yan hangga't hindi mo pa nalalaman kung sino talaga ako

Wag kang mag-alala, wala akong planong guluhin ka. Wag ka munang ma stress sa pagkatao ko. Gusto lang kita mapasaya. Alam kong magugustuhan mo yan kaya naman,You're welcome :'>

Sincerely Yours,
Mr. Unknown

¦

"Kanino nga pala galing yung bouquet mo?" tanong ni Lisa sabay kagat sa burger na hawak nya

"Aba malay ko" sabi ko

"Luh.. E diba may sulat daw na naka-attached dun?" tanong ni Rosé

"Wala namang nakalagay nung tinignan ko" pagisisnungaling ko pa

"Hindi kaya pina-prank ka lang ng isa sa mga kaibigan natin? O di kaya pakulo lang ni Taehyung sayo yun?" sabi ni Jisoo

"Jisoo tapos na yung April Fools Day kaya I think hindi ito prank" sabi ko
"Sus.. Kahit naman hindi April Fools Day, palagi ka namang naloloko e" sabi ni Lisa at nagtawanan silang tatlo

Nanahimik ako at nag crossed arms saka tinignan sila ng masama

"Uy eto naman joke lang e" sabi ni Lisa

"San mo na nga pala nilagay yung bouquet?" tanong ni Jisoo

"Pinasok ko sa kotse ko, duon na muna yun, malamig naman yung panahon saka mas mabuti nang itago ko muna yun don dahil baka mamaya pag nalingat ako may magnakaw pa nun" sabi ko

"Wala ka bang clue o kahit anong wild guess man lang sa kung sinong nagpadala sayo nun?" tanong ni Rosé

"Sa totoo lang, wala talaga e. Hayaan nyo na yun. Mukhang wala namang balak na masama yung nagpadala non e" sabi ko pa

Tumayo ako at sinabing "See you na lang mamaya a, mag lo-locker nako bye"

Tumango naman silang tatlo kaya naman umalis na ako at nagsimulang mag lakad

¦

Kakatapos ko lang kunin ang mga libro ko at papunta na ako sa next subject namin

Habang naglalakad akong mag-isa sa hallway, bigla akong nakarinig ng something na di ko inaasahan

Nag-uusap ngayon si Jungkook at Irene sa isang bakanteng classroom

At dahil naintriga ako, dahan-dahan akong gumilid sa pinto ng classroom at sinubukan kong makinig sa kung ano mang pinag-uusapan nila

"Irene ayoko na okay?" sabi ni Jungkook kay Irene

"Gosh Jeon Jungkook! Mahirap ba yung hinihiling ko sayo!?" sabi ni Irene

"Irene naman! Ayokong may nilolokong ibang tao. Ayokong siraan si Taehyung dahil kahit papaano, kaibigan ko parin sya. At isa pa, kahit alam kong gusto ako ni Jennie, ayoko namang lokohin ko sya sa pagsabi ng gusto ko sya kahit hindi naman talaga"

Nang marinig ko ang mga salitang yun, pakiramdam ko para akong unti-unting nadudurog

So all this time, pakana lang lahat to ni Irene!?

ang sakit a

"Parehas kong kaibigan sila Taehyung at Jennie, Irene. Kaya pwede ba, respetuhin mo na lang yun?"

"Jungkook naman... Tulungan mokong makuha ulit si Taehyung... Nagsisisi na ako nung iniwan ko sya, para nakong mababaliw nung nasa states ako. Si Taehyung lang ang nakakaintindi saakin. Alam kong wala akong karapatan na manghingi ng pabor sayo kahit parehas tayong mag-ex. Pero Jungkook, mag kaibigan tayo. Kaya please, Jungkook please. Tulungan mokong mapaghiwalay si Taehyung at yung bwisit na sapaw na Jennie Kim na yun" sabi ni Irene

"Kaibigan ako Irene, hindi ako masamang tao tulad mo" sabi ni Jungkook

Nakita kong palabas na ng pinto si Jungkook kaya naman nag madali akong sinilid ang sarili ko sa gilid para hindi nya ako makita

Nakalabas na ng pinto si Jungkook at umayos na ako ng tayo ko

Umalis na ako sa gilid at nagpatuloy sa pagalalakad

"Saan ka pupunta?"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Irene na naka-crossed-arms

Naglakad sya papalapit saakin at hinarap ko naman ang buong katawan ko sa kanya

"I'm sure you've heard everything right?" nakataas kilay na sabi ni Irene

"Oo! Narinig ko lahat! Bakit? Anong gagawin mo?" mataray kong sabi sa kanya

"So alam mo na pala ngayon na I'm after at your boyfriend, my boyfriend honestly" sabi nya

"For all I know, ex girlfriend ka lang ni Taehyung. At isa pa, I think wala na syang pakielam sayo kahit ano pang mangyari sayo. Saka balita ko, nung araw na dumating ka sa eskwelahan na to, you even asked him na makipagbalikan sayo? Saan ka kaya nakuha ng kapal ng pagmumukha? Sabihan mo naman ako, para maging sobrang kapal rin ng mukha ko, gaya nang sayo" sabi ko at saktong sasampalin na ako ni Irene pero agad kong nahawakan ang kamay nya kaya napigilan ko sya

"Ang weakshit mo naman. Sampal na nga lang di mo pa magawa? How pathetic" sabi ko sabay ngisi at binitawan ko ng padabog ang kamay nya

"Akala mo hindi ko alam na nagpapanggap lang kayo ni Taehyung? Bakit kaya? Kasi malalagay sa utang ang family businesses nyo kaya naman ginagamit nyo si Taehyung at ang pamilya nya para isalba ang natitira nyong yaman?" sabi nya at ngumisi rin sya

"Wag na wag mong madamay damay ang pamilya ko dito Irene! Wala kang alam kaya pwede ba itikom mo yang bibig mo!?"

"Tss.. I never knew that a rich girl like you will turned out as a gold digger? Sa tingin mo? Sinong mas pathetic saating dalawa ngayon?"

"Gosh Irene! Ako naging gold digger? Baka gusto mong isampal ko sa pagmumuka mo ang lahat ng yaman ng pamilya ko? Ikaw!, sa tingin mo, anong klaseng tao ka kaya? Kasi base sa nakikita ko, isa kang desperadang babae na kulang sa pansin kaya naman lahat ng tao sa paligid nya ay pinaplastic sya. Pati tuloy yung taong minahal sya dati, ngayon, kinamumuhuan na sya" mataray kong sabi

At agad akong sinabunutan ni Irene kaya hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko rin sya yung tipo na makakalbo na sya

"Oh my god!! Si Irene at Jennie ba yun!??" rinig kong sabi ni Rosé

"Jennie anong nangyayari sainyo!?" sigaw ni Jisoo saamin

"Irene bitawan mo si Jennie!" sabi ni Lisa

"Guys tulungan nyo kaming awatin tong mga to" tawag ni Jisoo kanila Seokjin

Hinawakan ni Lisa si Irene na ngayon ay hindi ako tinitigilan sa pananabunot

"Sige, Ipakita mo sa kanilang lahat yung tunay mong ugali Bae Joohyun" sabi ko habang nakahawak sa buhok ni Irene

Hinila pa ni Irene ng malakas ang buhok ko pero agad itong napigil dahil naawat kami nila Jin, Jimin, Namjoon, at nila Lisa

"Ano bang nangyayari sainyo ha!?" sigaw saamin ni Namjoon

Dumami na ang mga estudyante ang nakatingin saaming lahat lahat ngayon

Parehas na buhaghag ang buhok namin ni Irene kaya naman pinagpagan ko ang sarili ko at inayos ang buhok ko

"Irene? Jennie? Ano ba!? Hindi ba kayo mag-aayos ha!?" sigaw ni Yoongi

"Si Jennie ang naunang nanabunot saakin!" sabi pa ni Irene

"Ako!? Ako pa talaga!? Pati ba naman dito magsisinungaling ka!? Mahiya ka naman Irene!" sabi ko naman at nakita kong magkasamang tumakbo sila Taehyung at Jungkook papunta sa pwesto namin

"Anong nangyari dito!?" sabi ni Taehyung na nakatingin sa akin

"Sa itsura ng dalawang to, mukhang ikaw ang dahilan" sabi sa kanya ni Jimin

"Gusto nyo bang dalawa na ma-expel dito ha!?" sigaw ni Hoseok

"Guys umayos na kayo kung ayaw nyong may makakita pang alagad ng principal sa inyo dito at baka mapunta pa kayo sa kung saan" sabi ni Seokjin

Tumango silang lahat. Hinila nila Namjoon at Jimin si Irene para bumalik na sa kanya kanya naming klase

"Wow ano to? Palabas? Pwede ba, mga chismoso at mga chismosang estudyante ng Hangkuk Han University pwede bang mag silayas na kayo at magbalikan sa mga klase nyo!?" sabi ni Jisoo sa mga nakatingin na estudyante

"Tara na" sabi ni Jin kay Jisoo at umalis na sila kasama sila Hoseok, Lisa, Yoongi, at Rosé

Naiwan naman kaming magkakasama nila Jungkook at Taehyung

"Ayos ka lang ba?" tanong saakin ni Jungkook

Tinignan ko syang teary-eyed kaya naman nagulat si Taehyung sa itsura ko

Lumapit si Jungkook sa akin at bigla akong niyakap

"Alam kong alam mo na ang lahat Jennie, I'm sorry" sabi nya at dahil duon mas lalo pang pumatak ang mga luha ko sa di ko malamang dahilan

Hinila ako ni Taehyung sa pagakakayakap ni Jungkook saakin at sinabing "Anong sinasabi mo dyan Jungkook?" tanong sa kanya ni Taehyung at agad kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa mata ko

"Alis na ako" sabi ni Jungkook at tumakbo na sya palayo

Pinulot naman ni Taehyung ang lahat ng libro ko na nasa lapag at inabot ito saakin

Kinuha ko ito pero hindi ko tinitignan si Taehyung

"May gusto ka bang sabihin Jennie?" tanong nya saakin

Tinignan ko si Taehyung sa mata

"Simula ngayon, wag na wag mo na akong kakausapin o lalapitan man lang" naluluha kong sabi

Nanlaki ang mga mata ni Taehyung. Hinawakan nya ang kamay ko at sinabing "B-bakit? Anong nangyari!? Dahil ba to kay Irene!? Anong sinabi nya sayo at nagakakaganyan ka?"

Agad kong inalis ang kamay nya nakahawak sa kamay ko at sinabing





"Wag mo na muna akong kausapin Taehyung, please lang"

- To be continued -

A/N: May idea na ba kayo kung sino yung Unknown na nag text at nag pabigay ng bouquet kay Jennie??? :'>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top