[B-1] Chapter 22: Courting

[A/N: Guys sorry if ngayon lang ako uli nakapag-update. Enjoy Reading♥]

Jennie's POV

"Jennie gising na!"

"Huy bumangon ka na dyan!"

"Jennie!!"

Agad kong minulat ang mga mata ko, umaga na ngayon at nakatapat saakin ang sinag ng araw

Pinalo ni Taehyung ang kama at sinabing "Bumangon ka na dyan, malelate na tayo!"

Umupo ako sa pagkakahiga ko at tinignan ko si Taehyung na ngayon ay nagsusuot ng uniform

"Jennie kilos na dali!" sabi pa nya

"Teka, anong oras na ba?"

"Basta maligo ka na kasi malelate talaga tayo nito!! Bilis na!!!" sabi nya at hinila nya ako patayo at nagmadali naman akong nagpunta sa banyo

¦

"Di ka pa ba tapos dyan?" kumakatok na sabi nya

"Saglit lang" sabi ko habang nag lalagay ng pulbo sa harap ng salamin

Ng matapos ako, agad kong kinuha ang bag ko at binuksan ko na ang pintuan

"Tara na" sabi ko at nauna na akong naglakad palabas ng condo nya

Sumunod naman agad si Taehyung at nung nasa labas na kami, mas minabuti namin na tumakbo na lang papuntang elevator

Lumabas na kami ng elevator at nagamamadali kaming tumakbo ulit papuntang parking lot

Agad kaming sumakay ni Taehyung sa sasakyan nya at mabilis nyang pinaandar at minaneho ito

¦

Muli kaming nagmamadaling tumayo ni Taehyung papuntang classroom namin, alam namin sa mga sarili namin na mahigit 10 minutes na kaming late sa unang subject namin

At ngayon ay nasa tapat na kami ng pinto, si Taehyung na mismo ang kumatok sa pintuan

Bumukas naman agad ang pinto at bumungad saamin ang Prof namin na mukhang imbyernang-imbyerna sa pagkakalate namin

"Wow naman Mr Taehyung Kim and Ms Jennie Kim! Napaka-aga nyo naman ata ngayon?" sabi ni Prof

"Prof hindi po ba kami na late?" nagtataka kong tanong

"HINDI DAHIL, ANG AGA NYO NGAYON PARA SA KLASE KO BUKAS!" sigaw nya saaming dalawa

nagulat naman ako sa pagsigaw na ginawa nya at nung nasalip ko ang loob ng classroom, nakita kong nagatatawanan silang lahat

Napansin ko rin na mukhang hindi nanaman pumasok yung bruha na si Irene at nagka-eye contact kami ni Jungkook pero agad akong umiwas ng tingin dahil bigla nanaman kaming tinalakan ni Prof

"Both of you! Wag kayong papasok sa klase ko ngayon! Alam nyo naman na ayaw na ayaw ko sa mga estudyanteng katulad nyo ang nalelate!" sabi ni Prof at nagtinginan lang kami ni Taehyung

"At isa pa, baka nakakalimutan nyo na graduating kayong dalawa? Wag nyong hintayin na itong pagkalate nyo ang maging dahilan para hindi ko kayo ipasa ng hindi kayo makagraduate! See you tomorrow!" sabi ni Prof at mabilis padabog nyang sinara ng malakas ang pinto

Napahinga nalang ako ng malalim at saka tumingin kay Taehyung

"So ano na?" tanong ko sa kanya

"Tara, sa library tayo" sabi ni Taehyung at hinila nya ang kamay ko at nagsimula na syang tumakbo dahilan para mapatakbo narin ako

¦

"Anong gagawin natin dito sa library? Pwede namang sa canteen na lang tayo tumambay diba?" tanong ko kay Taehyung

Nasa loob na kami ng library ngayon, and as usual, tahimik dito sa loob, malamig dahil sa aircon, at amoy libro ang buong kapaligiran

"Ang ingay mo naman Jennie" sabi ni Taehyung at umupo sya sa isang bakanteng upuan na nasa naharapan namin ngayon, umupo na rin ako sa tabi nya at hindi na ako nag salita

"Bakit ba kasi tayo nalate? Hindi ko ba marunong mag pa-alarm?" singhal ko sa kanya

"Paano kasi may pa cuddle cuddle ka pang nalalaman kagabi, ayan tuloy" sabi ni Taehyung sabay ngisi

"Wow kasalanan ko pa talaga ngayon? E sino bang unang nag cuddle? Ako ba?" sabi ko at nung tumingin sya saakin agad ko syang inirapan

"Yieee pero aminin mo, ang sarap sa feeling nung cuddle ko sayo diba?" sabi nya sabay ngiti

"Oks lang" tipid kong sagot sa kanya

"Kahit wag mo ng aminin, alam ko namang kinilig ka kagabi e"

"Tsk! Dyan ka na nga bababa lang ako sa canteen" sabi ko at tumayo na ako sa upuan ko at naglakad paalis

¦

Taehyung's POV

Kakatapos lang ng third subject namin at ngayon at break time na

Andito ako ngayon sa locker area para kumuha at ibalik ang mga libro ko

Bigla akong nakarinig ng tunog na may sumandal sa katabing locker ko. Sinarado ko na ang locker ko at tinignan kung sino ito

Si Irene

"Ano nanaman bang kailangan mo?" sabi ko sa kanya

"Totoo ba yung nabalitaan ko?" sabi nya

"Alin?"

"Na totoong girlfriend mo na si Jennie? Isang araw lang ako nawala tapos ngayon malalaman ko yan? Baka naman nagpapanggap parin kayo?" sabi ni Irene sabay smirk

"Tss.. Ano naman sayo kung girlfriend ko na sya? Isa pa, di ko na kailangang mag explain sayo" sabi ko at naglakad na ako palayo sa kanya

Nagamamadali kong hinahanap si Jennie ngayon

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko sila Jisoo at Jin na magkasama

"Hyung nakita nyo si Jennie?" sabi ko

"Sa tingin ko nasa library sya ngayon. Bago ko sya iwan tinawag sya ni Jungkook e" sabi ni Jisoo

"Sige salamat" sabi ko at mabilis na tumakbo

Agad akong nakarating sa library. Pumasok na ako sa loob para hanapin si Jennie, pero nung nakita ko sya, kitang-kita ngayon sa mga mata at ngiti nya ang tuwa na kahit kailan, mukhang hindi ko maipaparanas sa kanya

Masayang nagtatawanan sila Jennie at Jungkook

Nilapitan ko silang dalawa at nung nasa gilid na ako, agad akong nagpapansin

"Ah Ehem!" sabi ko habang hinihimas-himas ang lalamunan ko

Napatingin naman kaagad silang dalawa saakin. Nanlaki bigla ang mga mata ni Jennie nang nakita ako. Napatayo sya at nilapitan ako

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong nyang tanong saakin habang nakahawak sya sa braso ko

"Sinusundo ko lang naman yung Girlfriend ko" sabi ko pa at agad kong tinignan si Jungkook

Napangisi si Jungkook saka tumayo at tumingin saamin

"Tss.. Taehyung pwede ba.. Alam ko na.. Alam ko ng nagpapanggap lang kayo" naka-crossed arms na sabi nya

Agad kong binaling ang tingin ko kay Jennie na ngayon ay umiiling na

"Sinabi mo!???" tanong ko kay Jennie

"Hindi ko alam, nagulat nga rin ako kung paano nya nalaman. Promise hindi ako ang nagsabi sa kanya" sabi pa ni Jennie

"Paano mo nalaman? Si Irene ba ang nagsabi sayo?" tanong ko kay Jungkook

"Oo sya nga. Wag kayong mag-alala, wala naman akong pagsasabihan. Promise ko yun kay Jennie kaya makaka-asa ka" sabi nya at kinindatan nya si Jennie

"Hoy kahit nagpapanggap kami, alam mo bang totoong mag girlfriend at boyfriend parin ang turingan namin kapag kaming dalawa lang?" confident kong sabi at nung nilingon ko si Jennie, inirapan nya ako

"Taehyung... Alam kong kinukulit ka na ni Irene na makipagbalikan sayo, bat di mo pagbigyan ng chance yung samahan nyo dati?" tanong ni Jungkook

"Wala na akong pake sa kanya. At isa pa, bakit ka ba nangingielam ha? Bat di na lang ikaw makipagbalikan dun total, baliw na baliw ka sa kanya dati diba?" sabi ko

"Sinabi ko na sayo nuon diba, na hindi ko na hinahabol si Irene at gaya ng sabi mo, wala na rin akong pake sa kanya"

"E bakit sinasabi mong makipagbalikan ako sa kanya?"

"Para hindi na kayo magpanggap ni Jennie" sabi nya

Tinignan ko si Jennie na ngayo'y nananahimik lang na pinagmamasdan kaming nag-uusap

"At bakit ko naman gagawin yung gusto mo?" naka-crossed arms kong tanong sa kanya

"Dahil balak kong ligawan si Jennie"

Agad kong tinignan si Jennie na ngayon ay mukhang bigla na bigla sa sinabi ni Jungkook

"Hindi. Hindi kami titigil sa pagpapanggap ni Jennie" sabi ko kay Jungkook

Hinila ko ang kamay ni Jennie at minadali ko ang paglabas namin habang hawak hawak ko ang kamay nya

Nang nakalabas na kami ng library dinala ko sya sa isang gilid at binitawan ang kamay nya

Alam kong kinikilig sya ngayon pero wala akong pakielam sa nararamdaman nya para kay Jungkook

"Pwede ba, wag ka ngang kiligin dyan" sabi ko pa

Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at tumingin saakin

"T-totoo ba yung narinig ko kanina?" sabi nya

"Hindi! Hindi totoo yun" sabi ko pa sa kanya

Tuluyan ng lumabas sa mga mukha ni Jennie ang ngiti nya na halos abot tenga na

Mabilis nya akong niyakap at sinabing "Nangyari na rin sa wakas yung matagal ko ng hinihintay"

Marahan ko syang tinulak at sinabing "Baka nakakalimutan mo, mag shota parin tayo sa paningin nilang lahat kaya kung ako sayo bustedin mo agad si Jungkook" sabi ko

"Tss.. Ang KJ mo talaga.. Dyan ka na, pupuntahan ko lang sila Jisoo. Kita na lang tayo mamaya sa next subject a? Save mo'ko ng upuan para tabi tayo" sabi nya at tumango na lang ako at nagsimula na syang lumakad palayo

Ano pa nga bang magagawa ko? Nakalimutan kong hindi nga pala ako yung taong nag papatibok ng puso nya

Jennie's POV

Para akong tanga ngayon na nakangiti. Kinikilig at nababahala at the same time

Paano ba naman kasi... Bat ngayon lang lumabas sa bibig ni Jungkook yung mga salitang yon? Kung nuon palang sinabi na nya, sana hindi ko na tinuloy yung pakikipagpanggap ko kay Taehyung

Ang wrong timing mo naman Jungkook e

Agad kong nakita na magkakasama sila Lisa at Rosé at mabilis ko silang nilapitan

"Hoy san kaba nagpupupunta? Kanina ka pa kaya namin hinahanap" sabi ni Lisa

"S-si Jisoo? Nasaan?" tanong ko

"Andon, hinila nung malanding bruha" sabi ni Rosé

"Ah si Irene ba?"

"Psh.. Malamang. Sino pa ba?" sabi ni Lisa

"By the way guys. I have something to tell you, alam nyo bang hindi totoo yung sinabi ni Irene sa phone kahapon?"

"What do you mean?"

"Kasama ko si Jungkook kanina at kinompronta ko sya kung totoo bang nagkabalikan na sila ni Irene"

"And????????"

"Hindi daw totoo yun dahil coincidence lang daw na nasa mall rin sila kahapon tapos hindi rin daw nya alam na yun yung sinabi ni Irene sayo. So for short, hindi sila nagkabalikan" nakangiti kong sabi

"Oy oy oy!! Kala ko ba may Taehyung kana? E bakit kung makangiti ka dyan kala mo naman may pag-asa ka don?" sabi ni Rosé saakin

"Tss... Bawal na ba akong ngumiti ngayon??" sabi ko pa

"Hoy Jennie Kim, kilala ka namin. Kitang-kita sa expression ng mukha mo na kinikilig ka ngayon o. Pag kayo nag break ni Taehyung at nalaman naming lumandi ka kay Jungkook, ay jusko.. Parehas na kayong title holder ni Irene sa kalandian" mataray na sabi ni Lisa

"Grabe ka naman! Hindi ako malandi no! At isa pa, hindi ako makikipag-break kay Taehyung" sabi ko pa

"O sya, see you nalang mamayang lunch time a, hiwa-hiwalay pa naman tayo ng subjects ngayon" sabi ni Rosé

"Oo sige na mag lo-locker lang ako saglit" sabi ni Lisa

"Oy a! Kayo na magsabi kay Jisoo nung chismis ko sainyo" sabi ko

"Oo sige kami na" sabi ni Rosé at naghiwa-hiwalay na kami sa paglalakad ngayon

¦

Nag cr muna ako saglit para mag ayos ng itsura ko, nasa harap ako ng salamin ngayon at ako lang ang andito sa loob ngayon

Hanggang sa may isang babaeng pumasok sa cr

Si Irene....

"Oh... Look what we have here" sabi nya habang sinasarado ang pinto

Napa-irap na lang ako ng makita ko sya. Hindi na rin ako nag salita pa at nilagpansan ko sya

Pero hinila ang kamay ko at sinabing "Saan ka pupunta? May gusto pa naman akong sabihin sayo"

Mabilis kong tinanggal ang kamay nya na nakahawak sa braso ko at sinabing "Pwede ba.... Wala akong panahong makipag-plastikan sayo"

"I just want to say that you shouldn't take your eyes off of Taehyung. You know why?" sabi nya at lumapit sya saakin saka hinawakan ang buhok ko at nilagay ito sa harapan ko

"Dahil ako mismo ang papalit sayo sa oras na tumigil kayo sa pagpapanggap nyo" sabi ni Irene

Inirapan ko na lang sya at lumabas na ako ng cr

Nagmamadali akong naglalakad ngayon papunta sa classroom namin

Nang makarating ako, agad akong pumasok at hinanap si Taehyung

Bakit wala sya dito?

Umatras ako at tumalikod

Saktong pag talikod ko, nabangga ako sa isang lalaki

Si Taehyung.....

"Jennie?" sabi nya

"San ka ba galing!?" sabi ko sa kanya sabay palo sa braso nya

"Aray ko naman! Bat kailangan mokong paluin!?" sabi nya habang nakahawak sa braso nya

Inirapan ko na lang sya at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa pinakalikod

"Uyy~ Bakit nga?" tanong ulit ni Taehyung at parehas na kaming umupo

"May itatanong ako sayo" sabi ko at humarap ako sa kanya

"Ano?"

"Paano kapag pumayag ako na mag paligaw kay Jungkook, anong gagawin mo?"

"Simple lang"

"Ano nga?"

"Edi liligawan rin kita" sabi nya sabay ngisi

Tumango na lang ako sa sinabi nya at hindi na ako nagsalita pa

"Teka nga... Bat mo ba ako tinatanong nyan? Wag mo sasabihing ititigil natin tong pagpapanggap natin dahil lang nalaman mong balak ka ligawan ni Jungkook" sabi pa nya at ibinaling na nya sa whiteboard yung paningin nya

"Pshh... Wala naman akong sinabi na ititigil natin a" nakatulala kong sabi habang nakatingin sa bintana

"So... Ang ibig sabihin ba nyan, bu-bustedin mo na sya agad agad?"

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin saakin

"Dipende"

"Pshh.. Paanong dipende?"

"Kasi naman.. Gaya ng sabi mo, kung papayag akong ligawan ni Jungkook, edi liligawan mo rin ako?"

"T-teka lang.. Di kita maintindihan" nakangiti nyang sabi

"Basta... Bukas na bukas, magpapaligaw na ako kay Jungkook" sabi ko







"Edi bukas na bukas, liligawan rin kita"

-To be continued-

A/N: Kinilig ba kayo? Yieeee
AHHAHAHAHA ♥♥♥♥♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top