[B-1] Chapter 21: Cuddle
[A/N: Sorry po sa late update :'>]
Jennie's POV
Pag pasok ko sa loob ng bahay, agad na sumalubong saakin si Mommy na naka-upo sa sofa habang nanunuod ng tv
"San ka galing?" panimula nya saakin
"Galing kami sa Mall ma, kasama ko sila Rosé, Lisa, at Jisoo" matamlay kong sabi at nagsimula nakong maglakad paakyat ng hagdan
"Magbihis ka na, mag di-dinner na tayo" tanong ni Mommy
"Di na Ma, busog pa ako" sabi ko at binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at pumasok
Agad kong ni-lock ang pinto at napasandal na lang ako rito
Agad na sumagi sa isip ko yung nalaman namin kanina
flashback....
Nung nakita naming magkasama sila Jungkook at Irene kanina, agad na tinawagan ni Lisa si Irene para itanong kung nasaan sya
"Hello?" sagot ni Irene sa kabilang linya, sinet ni Lisa sa speaker mode ang phone nya
"Irene where are you?" sabi ni Lisa
"I'm here at the mall, why?"
"Ah talaga? Sinong kasama mo?"
"Uhm.. Si Jungkook bakit?"
Nagtinginan kaming apat at nagtaka dahil hindi man lang nag-deny at nag sabi pa ng totoo si Irene na inakala naming magsisinungaling sya
"At bakit mo kasama si Jungkook!? Kala ba namin hindi mo na guguluhin yung mga ex mo?" sabi ni Lisa habang nakatingin saamin
"Alam ko. Hindi ko na sila guguluhin pero si Jungkook ang mismong unang kumasap saakin"
"At tapos????"
"And nagkabalikan na uli kame"
Lahat kami nagulat. Nanlaki ang mga mata ni Jisoo, Rosé's jaw just dropped, natameme si Lisa, at eto ako, broken hearted
"ANO!?" pasigaw na tanong ni Lisa
"Yup and I gotta hung this down now kasi mag de-date pa kami.. And before I forgot.. Pwedeng sa atin lang muna tong revelation ko? Love you Lisa! See you tomorrow, byee~" and Irene hungged up
end of flashback....
After nung kanina hindi ko na alam gagawin ko, like having a crush on Jungkook for like 2 consecutive years and today nalaman ko na bigla na lang ulit syang nagka-girlfriend really upsets me
Bakit pakiramdam ko nadudurog ako?
Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone ko at nung tinignan ko ito, nakita kong tumatawag si Taehyung
"Hello?" matamlay kong sagot
"Asan kana? Naka-uwi ka na ba?"
"Oo"
"Bakit ang tamlay mo sumagot? May nangyari ba sayo kanina?"
"Pag sinabi ko sayong meron, anong gagawin mo?"
"Wait, Jennie are you serious?"
"Taehyung?"
"Bakit??"
"Pwede bang dyan muna ako sayo? Pakiramdam ko kasi nasu-suffocate akong mag-isa dito sa bahay e"
"Jennie naman pinapakaba moko e, ano bang nangyari sayo?"
"Paki sagot na lang nung tanong ko please"
"Sige na bilisan mo"
Agad ko ng binaba ang phone ko at magsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko
Nang matapos ako, agad akong nagpaalam kay Mommy na ngayon ay nasa dinning area
"Ma pwede ba akong maki-sleepover kanila Rosé?"
"Sleepover? May pasok pa kayo bukas a"
"Mommy please sige na, pleaseeee" pagmamakaawa ko pa
Tumingin saakin si Mommy at bigla syang napangiti "Ano pa nga bang magagawa ko e mukhang nakapag-impake ka na"
Agad akong napangiti at niyakap ko si Mommy "Thanks ma, uuwi ako ng maaga bukas, I promise" sabi ko
"Sige na umalis kana, mag-iingat ka a" sabi nya
Tumango na lang ako at kinuha ko na ang bag ko at lumabas nako ng pintuan
Paglabas ko ng gate, agad na akong sumakay ng kotse ko at dali dali ko itong pinaandar at minameho
¦
Andito na ako sa parking lot ng condo ni Taehyung saktong pagbaba ko ng kotse, agad akong naka-recieve ng text galing sa kanya
Taehyung:
Ano? Asan ka na? Mamaya ginu-goodtime mo lang pala ako a
Jennie:
Malapit na'ko
Naglakad na ako papasok sa loob at nung nasa loob na ako, sumakay nako ng elevator
The door opened and I walked out, agad akong naglakad at pinuntahan ang unit ni Taehyung
Nasa tapat nako ngayon ng pintuan nya at hindi na ako nagdalawang isip na katokin ng malakas ang pinto nya
"Taehyungggggg" sabi ko while knocking
Agad namang bumukas ang pinto at bumungad saakin ang isang Kim Taehyung na ngayon ay nakasuot lang ng black bathrobe na may basang buhok na pinupunasan nya
minsan ko lang to sasabihin sa sarili ko pero, shet ang hot nya
"Di ka ba papasok?" tanong nya saakin
Napakurap naman ako at napatingin sa kanya
Nilakihan nya ang pagbukas ng pinto at gumilid sya rito at pumasok naman na ako
Nagtanggal na ako ng sapatos ko at nilagay ito sa isang gilid. Sinarado naman nya ang pintuan at naglakad papuntang sala
"Kumain ka na ba?" tanong nya
Naglakad ako papunta sa kung nasaan man sya at nakita kong mukhang nagpa-deliver pa sya ng pagkain
My box ng fried chicken ngayon sa mesa nya at sino ba naman ako para tanggihan yun diba??
"Uhm.. Hindi pa e" sabi ko
"Hintayin moko, magbibihis lang ako tapos kakain tayo, ok??" sabi nya
Tinignan ko lang sya with a confused look kaya naman pati sya nagtaka narin
"Bat ganyan ka makatingin saakin?"
"Tanong lang a, pinaghandaan mo ba yung pagpunta ko dito at nakuha mo pang maligo at magpadeliver?" tanong ko sa kanya
Tinaasan nya ako ng isang kilay at bigla syang natawa "Bat naman kita pagahahandaan? Special ka ba? At isa pa, bawal na ba maging malinis sa katawan ngayon? And for your information, lagi akong nagpapadeliver ng pagkain dahil hindi ako marunong magluto. Yan ka nanaman sa assumera mode mo e" natatawa nyang sabi habang pinupunasan ang basa nyang buhok
"Oo na! Ako na ang assumera, magbihis ka na nga, mukha kang basang sisiw!" mataray kong sabi
"Sus, ang sabihin mo, magbihis na ako dahil hindi mo na kinakaya ang hotness ko ngayon sa itsura ko" sabi nya sabay smirk at pasok sa kwarto nya
Pagpasok ni Taehyung sa kwarto nya, bigla nanaman akong nakaramdam ng pagkawasak ng puso ko
Gusto ko sanang kausapin si Jungkook ngayon para tanungin sya if totoo ba talaga na nagkabalikan na sila ni Irene kaso baka magmukha lang akong tanga pag ginawa ko yun
Umupo na lang ako sa mahabang sofa ni Taehyung at nilabas sa bag ko ang phone at charger ko at sinaksak ito sa sasaksakan para mag charge
Ilang sandali pa at lumabas na si Taehyung sa kwarto nya
"Nagugutom na'ko kumain na tayo" sabi nya at nagpunta sya sa may kusina
Agad naman akong tumayo at nagpunta sa kusina
Umupo na ako sa upuan habang si Taehyung naman ang kumuha ng plato naming dalawa
"Paano mo nga napapayag yung nanay mo na dito ka matutulog kasama ko?" sabi nya
"Well actually hindi ko sinabi kay Mommy na ikaw ang kasama ko"
"So pano nga?" sabi nya sabay lapag ng plato, baso, at utensils sa mesa
"Sinabi ko na makiki-sleepover ako kanla Rosé, sya ang dinahilan ko kasi sya ang pinakamabait na kaibigan ko na kakilala ni Mommy kaya naman napapayag ko agad sya" sabi ko
Napangiti naman si Taehyung pagkatapos kong magsalita
"Uh... Bat ka nakangiti?" tanong ko sa kanya
"Wala lang... O ayan kumain ka na" sabi nya sabay abot ng plato na may 2 pieces of chicken
"Thanks" sabi ko sabay ngiti
¦
"
Anong oras na?" tanong saakin ni Taehyung
Tinignan ko ang orasan ko at sinabing "Malapit ng mag 8:00 pm, bakit may bisita ka ba?" sabi ko sabay kagat sa chicken
"Bisita ka dyan, alam mo bang ikaw pa lang yung nakakatapak dito sa loob ng condo ko"
"As in ako pa lang? Kahit sila Jimin? Kahit mga parents mo?"
Tumayo si Taehyung at nagpunta sa tapat ng refrigerator at tumingin saakin "Ang kulit mo naman" binuksan nya ang ref at kinuha ang dalawang soju sa reef "Inom tayo?" sabi nya at nilapag nya ang dalawang soju bottle sa mesa
Excited na excited akong tumango sa tanong nya
Kumuha si Taehyung ng shot glass. Binuksan nya ang isang bote ng soju at sinalinan nya amg mga shot glass namin
"Baka naman malasing tayo nyan a, may pasok pa tayo bukas" sabi ko
"Tss.. Kaya nga dalawang bote lang nilabas ko diba?" sabi nya at inabot nya ang isang shot glass saakin
Agad kong kinuha yung shot glass at dali-dali kong ininom ito
"Bakit nga pala ang problemado mo pakinggan kanina sa phone? This past few days na magkasama tayo mukhang wala ka namang problema a" sabi ni Taehyung
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi at kinuha ko yung bote at nagsalang ako ng isa pa sa shot glass ko
"Uy ayos ka lang?" tanong ulit nya
Umarte ako na tila wala akong narinig sa sinabi nya. Nung iinom na ako, agad na pinigilan ni Taehyung ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya
"Ano ba!?"
"Wag ka ngang mag amok dyan, di bagay sayo" sabi nya at nilayo nya saakin yung shot glass
"Teka kala ko ba iinom tayo!?"
"Tsk! Wag na. Mamaya kung ano-ano pang mangyari saatin ngayong gabi, may pasok tayo bukas, buti sana kung wala dahil kahit ilang inom pa ang gawin mo dyan ok lang"
"Ang KJ mo. Ikaw tong naglabas-labas ng soju tas ngayon sasabihin mo, wag na tayong mag-inuman? Anong klaseng kalokohan yun!?"
"Alam mo kasi, kung gusto mo palang iminom ngayon sana pala sa club ka dumirecho at hindi dito sa condo ko!"
"Pagbigyan mo na kasi ako"
"Bat ko naman gagawin yun?"
"Kasi girlfriend mo ako!" malakas kong sigaw sa kanya
Parehas kaming naistatwa ngayon. Napakagat ako sa labi ko dahil sa hiya, habang si Taehyung nakatingin lang saakin ngayon. Agad akong umiwas ng tingin ng mag-tama ang mga mata namin
"Ang ibig sabihin mo ba nyan, pwede tayong mag turingang girlfriend at boyfriend kahit hindi naman tayo nagpapanggap?" kalmadong tanong ni Taehyung saakin
"Dipende..." Unti-unti akong lumingon sa kanya at nung nakatingin na ako sa kanya bigla syang napangisi
"Dipende?" sabi nya with malanding tong
ilang saglit pa, biglang nag ring amg phone ko
kung sino man yung tinawag saakin at this moment utang ko sayo tong moment na to
Agad akong tumayo sa upuan at pinintahan ang phone ko na nakacharge sa may sala
Nakita ko na tunatawag saakin si Rosé ngayon
"H-hello?" kalmado kong sagot
"Hoy Jennie Kim! Kakatawag lang saakin ng nanay mo ngayon at hinanap ka saakin dahil andito ka daw sa bahay dahil nag pa sleepover ako!? Anong kagagahan nanaman ba tong ginagawa mo!?"
"Chaeyoung, sorry na.... Pero anong sinabi mo kay Mommy?"
"Mag pasalamat ka na lang saakin dahil kaibigan kita at um-oo na lang ako. Hinanap ka pa nga saakin e"
"Hinanap ako!? Ano? Nalaman ba nya!?"
"Hindi dahil sinabi kong jumejebs ka kaya hindi ka muna pwedeng makausap"
"Yieeee thank you.. Labyu Chae!! Promise ko sayo, sa next time na mag sho-shopping-spree tayong magkakaibigan ililibre kita"
"Tawagan mo na yung nanay mo, mamaya tumawag uli saakin, di ko na alam irarason ko"
"Sige sige salamatttt!!"
Binaba ko na ang linya ko kay Rosé at agad kong tinawagan si Mommy
Habang nag-riring pa yung phone, lumingon ako kay Taehyung na ngayon ay nakatingin rin saakin
Lumapit ako sa kanya dala-dala ang phone ko habang nakatapat ito sa tenga ko
"Sino yan?" tanong nya
"Si Mommy" pabulong kong sagot sa kanya at napatango naman sya
Nagsimula ng magligpit si Taehyung ng mga kinainan namin at this time sumagot na si Mommy
"Ma?" panimula ko
"O Kamusta kayo dyan?"
"O-okay naman ma, bakit ka pa nga pala tumawag kay Rosé?"
"Syempre sinisogurado ko lang kung totoo bang nasa bahay ka nila, malay ko ba kung saan saan ka pa nagpupunta"
"Ma naman ang tanda ko na kaya, isa pa, walang mangyayari saakin dahil alam kong ligtas ako dito sa pinuntahan ko" sabi ko at napatingin saakin si Taehyung sabay ngisi
Tss naka-ilang ngisi na sya ngayong araw qouta na sya jusko!
"O sya sige, mag-iingat kayo a"
"Okay Good night Ma, love you" sabi ko at binaba ko na ang linya ni Mama
Agad kong nilapag ang phone ko sa mesa at napa exhale na lang ako sa relief
"Alam mo, kung ako yung kausap mo kanina, nabisto na agad kita" pang-aasar pa ni Taehyung
"Ewan ko sayo" sabi ko sabay irap at kinuha ko ang phone at naglakad uli ako papuntang sala
¦
Taehyung's POV
9:30 na ngayon at nasa sala pa kami ni Jennie ngayon na nanunuod ng tv
Actually parehas lang kaming tutok sa mga cellphone namin ngayon at binuksan lang namin ang tv para pampa-ingay
Maya-maya pa, tumayo si Jennie at sinabing "Taehyung maliligo lang ako saglit a" sabi nya habang kinukuha yung bag nya
"Tss.. Bat ka nagpapaalam saakin? Gusto mo ba sabayan kita?" pabiro kong sabi at bigla nya akong binato ng shampoo nya
"Gagu ka ba!? Gusto mong sapakin kita dyan!?" sabi pa nya
"Toh naman, joke nga lang e" sabi ko sabay abot nung shampoo na binato nya saakin
Inirapan nya lang ako at padabog nyang kinuha ang shampoo saakin at naglakad papuntang cr
Napangiti na lang ako bumalik sa pag ce-cellphone
¦
Pumasok na ako ng kwarto ko kung saan nasa loob rin si Jennie
"San ako hihiga Tae?" tanong nya sakin habang nakatapat sya sa salamin at nagsusuklay ng buhok
"Sa kama ko"
"E pano ka? San ka hihiga?"
"Di tayo pwedeng magtabi kaya dun ako sa sofa"
"Di naman tayo magtatabi, maglagay ka lang ng harang sa pagitan nating dalawa"
"Okay" sabi ko at humiga na ako sa kama
Pinatay na ni Jennie ang ilaw at humiga na rin sya
May malaking unan ang nakaharang saaming dalawa ngayon
Ibinaling ko na sa kabilang pwesto ang higa saka pinikit ko na ang mga mata ko
"Goodnight Taehyung" sabi ni Jennie
"Goodnight" sabi ko pa
20 minutes later......
Ilang minuto na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, hindi parin ako makatulog
It's either nasisikipan ako, nahihirapan ako sa posisyon ng paghiga ko, hindi ako komfortable, or dahil hindi ako makatulog dahil alam kong katabi ko ngayon si Jennie
"Taehyung?" rinig kong tawag saakin ni Jennie
"Tulog ka na ba? Ako kasi hindi pa,hindi ako makatulog" dagdag pa nya
"Ipikit mo na kasi yang mata mo tas mag-imagine kana ng ipapanaghinip mo" nakatalikod kong sabi sa kanya
"Alam mo kasi hindi ako nakakatulog kapag wala akong niyayakap"
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Di naman siguro big deal sayo pag cinuddle kita diba?"
Agad kong binaling ang pwesto ko paharap kay Jennie. Nakaharap rin sya saakin ngayon at tanging yung malaking unan lang ang nasa pagitan namin
Tinanggal ko ang unan na nasa gitna naming dalawa at itinapon ito sa sahig
Umurong pa ako papalapit sa pwesto ni Jennie at maya-maya ako na mismo ang nag cuddle sa kanya
"Matulog ka na" sabi ko habang nakayakap ako sa kanya
Nagulat na lang ako ng biglang nilapit ni Jennie ang ulo nya sa dibdib ko saka yumakap din sya pabalik saakin
"Taehyung, pwede bang mag promise ka saakin?" sabi nya
Tinignan ko sya at sinabing "Mag promise ng alin?"
"Na kahit nagpapanggap lang tayo, pwede parin tayong umarteng mag girlfriend at boyfriend kahit tayong dalawa lang?"
Napangiti naman ako ng todo sa sinabi nya. Niyakap ko sya ng mahigpit at saka sinabing "Oo naman, babe"
At naramdaman ko na humigpit din ang yakap ni Jennie saakin
- To be continued -
A/N: Hi guys!! Alam kong nakakabitin tong chapter na to kaya naman mamayang gabi mag-uupdate uli ako.
Sana naman kinilig kayo kahit onte diba? HAHAAAHA
labyu guys ♥♥♥♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top