[B-1] Chapter 20: Surprise

Jennie's POV

"Gawin na nating totoo to, Jennie"

Oh my god nababaliw na ba sya!?

"A-anong sinabi mo?" nakataas isang kilay na tanong ko sa kanya

"Ang sabi ko, gawin na nating totoo to" kalmado nyang sabi

"Taehyung h-hindi kita maintindihan"

Nagulat ako ng biglang ngumiti si Taehyung at bigla syang natawa nyang napakalakas

"HAHAHAHAHA! Jusko Jennie nagbibiro lang ako!" sabi nya habang patuloy syang tumatawa

Agad kong pinalo ng malakas ng paulit- ulit ang braso nya kaya naman napa-aray na lang sya sa sakit

"Bwisit ka! Gusto mo bang sabihin ko sa nanay mo na dinamay damay moko para lang makapag-cutting ka!?" galit na galit kong sabi sa kanya

Natigilan ako ng biglang hinawakan ni Taehyung ang kamay ko and by hinawakan, I mean hinawakan nya ang kamay ko na tila para kaming magshota

Na speechless at natulala lang akong napatingin sa kamay ko ng ginawa nya yun

"Jennie.. Hindi tayo pwedeng mabisto ng kung sino man. Alam mo namang ayokong mangyari yung gusto na parents ko diba? Sigurado akong ganon ka rin, At isa pa, ayokong madamay kapa sa mga gustong gawin ni Irene. Wala kang kaalam-alam tapos malalaman ko na lang na idadamay ka pala nya? Ayoko nun. Importante ka saakin" maamo nyang sabi saakin at naaninag ko na konti na lang at mahuhulog na ang luha sa mga mata nya

Teka bakit sya naiiyak!?

"Huy huy huy... Bakit ka naiiyak? Ayos ka lang? Taehyung a, nababaklaan ako sayo pag ganyan ka" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko yung pisngi nya

Natatawang tinaggal ni Taehyung ang kamay nya sa kamay ko at agad nyang pinunasan ang mga luhang bigla na lang pumatak

"Sira! Hindi ako bakla! Kailan pa kinabakla ng mga lalaki ang pagiyak ha?" natatawa nyang sabi

Sabagay, may point sya.

"E bakit ka nga naiiyak!?" pasigaw kong sabi sa kanya

"Jennie kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw madamay dito" sabi nya

"Wow salamat sa pake mo para saakin a" pabiro kong sabi at tumayo ako sa kama nya at kinuha ko ang charger ni Taehyung na nakapatong sa desk nya ichinarge ko ang phone ko

Lumingon ako sa kanya at sinabing "Ano ba kasi talaga ang balak mo?"

"Sinabi ko na sayo kanina diba?"

"Ha? Alin?"

"Tss.. Ano ka may amnesia?"

"Ano nga kasi!?"

"Gawin na nating totoo to"

"Seryoso ka ba!? Sa tingin mo magiging totoo yung feelings ko para sayo!? Kala ko ba, walang inlaban ha?"

Tumayo si Taehyung at lumapit saakin saka hinawakan ang braso ko at sinabing "Yun na nga yung point Jennie!"

"A-ano?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"Kung dati, ang plano lang natin ay sa mga pamilya lang natin tayo magpapanggap pwes, ngayon ipapakita na natin sa lahat na tayo na. We're going to act that we're real in front of everyone"

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. Ano to!? Mahirap na nga tas pahihirapan pa nya lalo!?

"Taehyung nagbibiro ka ba!? Magpanggap tayo pati sa mga kaibigan natin!? Ayoko! Hindi ko kaya"

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay nya na nakahawak sa braso ko pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang hawak rito at sinabing "Jennie makinig ka, alam na ni Irene na nagpapanggap tayo, kung sasabihin nya sa lahat to, mas maganda na kung papaniwalain natin silang lahat na nagpanggap tayo pero narealize nating dalawa na naging totoo na pala lahat ng pagpapanggap natin" bumitaw na sya sa mga braso ko

Shit. Its a 50 - 50 for me. Kung papayag ako na ibahin yung script ng pagpapanggap namin, magiging ok, mapapanatag kami both sides. Pero kung hindi naman ako papayag, ilalantad ng bruhang Irene na yun itong ginagawa namin at possible pang dumating at magkatotoo yung worse case scenario na ayaw naming mangyari ni Taehyung

Tanginang buhay to...

"Ano? G ka ba?" tanong ni Taehyung

Unti-unti kong inangat ang ulo ko and I let out a deep sigh

"Gawin na natin to"

Taehyung's POV

Malapit ng mag 6:00 pm ngayon. Nandito kami ni Jennie sa loob ng sasakyan ko para ihatid sya pauwi. Halos ilang oras naming pinagusapan ni Jennie yung mga babaguhin at gagawin namin simula bukas

Magpapanggap sa mga magulang - sa mga kaibigan - sa kaaway - at syempre, sa mga sarili namin

"Alam mo, dapat kang magpasalamat saakin" tanong ni Jennie

Lumimgon ako sa kanya na ngayo'y nakatingin saakin

"At bakit naman?" nagtataka kong tanong at muli kong ibinaling ang mata ko sa kalsada

"Kasi dahil sa ginagawa nating pagpapanggap, unti-unti nang nawawala yung feelings ko para kay Jungkook"

Natatawa kong nilingon ulit si Jennie na ngayon ay nakatingin sa aircon ng sasakyan ko

"So ano? Dapat na ba akong matuwa dahil saakin na napupunta lahat ng feelings mo para sa kanya dati?"

Lumimgon si Jennie saakin na nakataas ang isang kilay at sinabing "Sa tingin mo type kita?"

"Oo? Hindi? Baka? Ata? Dipende? Alam mo Jennie Kim, hindi mo man ako type sa ngayon, sisiguraduhin ko naman na mangyayari din yun balang araw" sabi ko sabay kindat sa kanya at muling ibinaling sa daan ang tingin

"Ohmygadh dapat na ba akong kikiligin nito?" sarcastic nyang sabi

"Bumaba ka na nga andito na tayo" natatawa kong sabi at hininto ko na ang sasakyan

"Thanks" tipid nyang sabi at biglang nag ring ang phone ni Jennie

"Sino yan?" tanong ko

"Si Mommy?" sabi nya at sinagot na nya ang tawag

"Hello ma? Bakit?"

"Kayo ba ni Taehyung tong nasa loob ng sasakyan dyan sa baba?"

Tumingin si Jennie saakin na parang nanghihingi ng tulong

"Kami nga po, Tita!" sabat ko

"Bumaba na kayong dalawa dyan, kumain kayo dito" sabi ng Mama nya at binaba na ang linya nito

"Ma teka! Hello? Ma!"

Napatingin uli si Jennie saakin at saka napa-irap

¦

"Grabe Tita, the best ka talagang mag-luto!" sabi ko pa at muling akong sumubo ng pagkain sa bibig

"Naku! Ikaw talagang bata ka, pag maranig ka ng Nanay mo baka magtampo pa yun sayo" sabi ni Tita at bigla nya kaming iniwan ni Jennie na kumakain

Nilingon ko si Jennie na mukhang ayaw na atang kumain dahil nakatulala sya sa plato

Siniko ko sya sinabing "Ayos ka lang?"

"Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula bukas" sabi nya habang nakatingin parin sya sa plato nya

Tumigil ako sa pagkain ko at nilabas ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinabing "Tss.. Madali lang yon. Ngayon pa lang magbibigay motibo na ako para sa kanila" biglang napatingin si Jennie saakin

"A-anong gagawin mo?" nagtataka nyang tanong

Tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ko ang phone ko at pinindot ang camera

*click*

"Tapos" proud kong sabi habang nagpopost ng picture sa instagram

"Photography na pala ang plano mo ngayon sa buhay?" natatawang tanong ni Jennie

Umupo na ako sa upuan at itinapat ko kay Jennie yung phone ko para makita nya kung ano yung post ko

INSTAGRAM

ttaehyungkim Dinner with my love❤
with Jendukkie💕~
posted 18 seconds ago......

Nakangiti kong binalik ang phone ko sa bulsa ko habang si Jennie naman halos nakanganga na ngayon

"Bakit ka nagpost ng ganun!? Taehyung anong sasabihin nila saatin bukas pag nakita nila yun?"

"Kalma ok? Sabi sayo magbibigay nako ng motibo e, para bukas may clue na sila kung bakit tayo sweet sa isa't-isa" sabi ko sabay kindat kay Jennie at muling bumalik sa pagkain

¦

"Asan ka na ba!?"

"Teka lang saglit!"

"Bilisan mo na e-excite nako!!"

"Excited ka ng pagpyestahan?"

"Excited nakong maging girlfriend ka sa harap nila"

"Ibaba mo na, lalabas nako"

Sabi ni Jennie sa kabilang linya at agad ko namang binaba yung phone ko

Lumabas naman na sya sa pintuan nila at mabilis na tumakbo palabas ng gate at dali-daling sumakay sa kotse ko

"Ano nagawa mo ba?" tanong ni Jennie habang nagse-seatbelt

"Yes boss" sabi ko at inabot ko sa kanya yung mga pinagawang homeworks kahapon na ako na ang gumawa para sa kanya

Kinuha nya ito at sinabing "Thanks" habang pinapasok ito sa bag nya

"Ready ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Handa na ako" sabi nya saakin sabay ngisi

¦

Jennie's POV

Sabay kaming pumasok ngayon ni Taehyung at sinadya naming mangyari yon. Ang sabi nya kung sabay kaming papasok ngayon, siguradong magtataka silang lahat kung bakit. And I agreed with him

Sinadya rin namin na pumasok sa room ng medyo 10 minutes away bago mag simula ang unang klase namin

At ngayon malapit na kami sa pintuan
"Play it cool, Jennie" mahinang bulong ni Taehyung saakin sakto naman para marinig ko at nauna na syang pumasok sa pintuan

at malamang sumunod nako

Nung pumasok ako sa loob ng room, nakita kong pinagtitinginan na nila kaming dalawa ngayon

Natigilan si Taehyung at napasandal sa whiteboard at sinabing "Bakit parang nakakita ata kayo ng multo?"

Tumingin ako sa kanila na lahat ay nakatingin saamin

"Kayong dalawa...... Baka naman may gusto kayong sabihin o aminin man lang samin diba?" tanong ni Jisoo na ngayon ay katabi si Jin sa upuan

"Bakit? Meron ba?" sabi ko kay Jisoo with a resting bitch face

"Sigurado ka bang wala?"
naka-cross arms na tanong ni Lisa

"Ano ba talagang meron kayo ha? Kahapon nalaman namin na sabay kayong nag-cutting, tapos nung gabi nag post si Taehyung na mukhang magkasama kayong nag dinner, tapos ngayon sabay kayong papasok? Ng gantong oras pa talaga?" tanong ni Namjoon

"Oh e... Ano naman ngayon?" sabi ni Taehyung sa kanya

"Joon, ano bang inaakala nyo ha?" tanong ko

"Na baka gaya nyo lang rin kami ni Jisoo na magshota na pero hindi lang umaamin?" sabi ni Jin

Napatingin ako kay Taehyung

"Ganun ba? Ok. Edi kami na nga" sabi ni Taehyung at napangisi na lang ako sa sinabi nya at tumingin sya saakin para kindatan ako

"OHMYGOD KAILAN PA!?" exaggerated na tanong ni Rosé

"Uh... Last week?" sabi ko

"LAST WEEK PANG KAYO!?" isa pa tong si Hoseok

"Hyung bingi ka ba?" sabi ni Taehyung sa kanya

"Bat di nyo man lang sinabi saamin!?" tanong ni Jisoo

"Nung naging kayo ba ni Jin, may una kayong sinabihan? Wala diba? Kayo mismo ang umamin saamin. Kaya ayon din yung ginawa namin" sabi ko at naglakad na ako papuntang pwesto ko

"May sasabihin pa ba kayo?" tanong ni Taehyung sa kanila

"ulul magb-break din kayo" sabi ni Jimin at natawa sila

"Patuli kana kasi para magkashota kana rin" sabi ni Taehyung at naglakad na sya papuntang pwesto nya

Napa "Owwww!~" naman silang lahat sa ginawang pambabara ni Taehyung kay Jimin

Umupo na si Taehyung sa upuang nasa gilig ko saka kinindatan uli ako

Kindat ng kindat to, nakakabwisit. Akala nya siguro kikiligin ako sa pakindat-kinds nya pwe

Huli na ng mapansin kong absent yata ngayon yung demonyitang si Bae Joo Hyun or for short Irene. Sayang naman, dapat nagseselos na sya ngayon Tsk

Pati Jungkook hanggang ngayon absent parin, tatlong araw na syang wala nasaan na ba sya? Miss ko na sya huhu. Ay charot hahaha

Maya-maya pumasok na si Prof at nagsimula na kami

¦

"Sumama ka saamin, gagala tayo sa labas" sabi ni Lisa saakin

"Teka lang... Mag cu-cutting ba tayo?" tanong ko

"Wag mo kaming itulad sayo" sabi ni Rosé

"Mamaya pa tayo aalis, pupunta tayo ng Mall, libre ko" sabi ni Jisoo

"Oo na sigeee"

¦

Lunch na namin ngayon at sabay-sabay kaming kumakain sa iisang mesa, wala si Irene ngayon kaya walang nagpaplastikan dito

Siguro ang tanging plastic lang dito, ay yung disposable spoon and fork naming lahat ^_^

Taehyung-Ako-Jisoo-Jin-Namjoon Jimin-Rosé-Lisa-Yoongi-Hoseok

Yan ang pwesto naman sa mesa ngayon

"Ah~" sabi ni Taehyung na may hawak na kutsara na mukhang gusto ata akong subuan

"Kailangan ba talagang gawin yan?" pabulong kong sabi sa kanya

"Sakyan mo na lang, Ah~" sabi pa nya

Syempre no choice ako, hinayaan ko na syang pakainin ako kahit deep inside gustong-gusto ko ng tumgil

Napatingin silang lahat sa subuang ginagawa namin ni Taehyung. Wag kayong GM! SUBUAN NG PAGKAIN OK??

"Alam nyo hindi ako sanay na makita kayong ganyan" naka resting bitch face na sabi ni Rosé

Humarap ako sa kanya at sinabing "Well, dapat masanay ka na ngayon"

"Gusto mo bang subuan din kita baby ko??" sabi ni Jimin kay Rosé

Tinignan sya ni Rosé with
what-dafuq-look at sinabing "Patuli ka muna gagu"

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Jimin na mukhang galit na ngayon sa mundo ang itchura

"Chim okay lang yan, andito ako para sayo. Sabihin mo lang pagmagpapatuli ka na a? Samahan kita" sabi ni Yoongi at muli kaming nagtawanan

"Hyung tuli na ako ok? Hindi na nga ako virgin e!" sabi ni Jimin dahilan para mabilaukan si Rosé, maduwal si Jin, mapamura si Namjoon, manlaki ang mga mata ni Yoongi, at the rest, tumawa na lang ulit kami

"Ang dugyot mo kumain ka na nga lang" natatawang sabi ni Taehyung sa kanya

¦

Sobrang bilis lang ng oras ngayon at uwian na namin, sa wakas

Nagulat ako ng bigla akong nakaramdam ng mabigat na kamay na naka-akbay sa balikat ko




Si Taehyung

"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya

"Hatid na kita, wala kang kotse ngayon diba?" sabi nya habang iniikot sa daliri nya yung susi sa kotse nya

"Di pa ako uuwi" sabi ko

"Bakit? Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?" sunod sunod nyang tanong

"Daming mong tanong. Magulang ba kita?"

"Boyfriend mo ako"

okay shit tangina what to react?





"Taehyung hindi sya sasama sayo dahil aalis kami" rinig kong sabi ni Jisoo sa likuran ko my savior

Agad kaming lumingon ni Taehyung sa likod at nakita namin sila Jisoo, Rosé, at Lisa

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Taehyung sa kanya

"Mag bo-boys hunting sana kami e, sama ka ba?" sabi ni Lisa sa kanya

"Ginagago nyo ba ako?" sabi ni Taehyung

"Matagal ka ng gago ok? Tara na Jenjen!!" sabi pa ni Rosé

Tangina nireregla ba tong mga tropa ko? HAHAHA

"Tss.... Sige na... Ingatan nyo yung babygirl ko a?" sabi pa ni Taehyung at napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakaakbay parin saakin

"Oa mo naman, sayo lang ako kaya wag kang mag-alala ok?" sabi ko pa at tinanggal ko na ang braso nya sa balikat ko

Napangiti naman si Taehyung sa sinabi ko at sinabing "Mag-iingat kayo a" at naglakad na sya papunta kanla Namjoon at Yoongi

Nang tumingin na ako sa kanilang tatlo halos di na maipinta ang mga expression sa pagmumuka nila

"Ano na?" sabi ko pa

"Alam mo narealize ko lang na mas maharot ka pa pala kesa saakin" natatawang sabi ni Jisoo at naglakad na kami papuntang parking lot

Ikaw lang ang maharot dito Jisoo, nandamay ka pa pwe!

¦

Nakatambay at nagkakape kami ngayon sa Starbucks pero nasa loob ito ng Mall

Lisa-Jisoo
Ako-Rosé
That's our seating arrangement

"Buti naman sinabi mo na saamin lahat lahat kung paano kayo nagkakilala at nagkadevelopan ni Taehyung" sabi ni Lisa habang sinisipsip ang straw

"Well, no choice nako. Pinilit nyo ko e" sabi ko pa

"Basta as long as happy ka, happy rin kami for you" sabi ni Rosé

"Thanks" tipid kong sabi

"HOLY SHIT! NAKIKITA NYO BA TONG NAKIKITA KO NGAYON!?" nagulat ng magsalita si Jisoo

"Bakla ang ingay mo, ano ba yun?" tanong ni Lisa sa kanya

Tinuro ni Jisoo ang isang direksyon sa likod ko na kung saan, ikinagulat ng mga mata namang apat ang nasaksihan namin











Bakit magkasama ngayon sila Irene at Jumgkook!?


-To be continued-

A/N: Na-hopia kayo no? Akala nyo bang real na yung Taennie sa chapter na to? HAHAHAHAHA

Sorry guys pero this is not the right time for them to fall in love with each other 😊😏😏

Abang abang sa next chapter mga gucci gang! HAHAH Labyu all! 💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top