[B-1] Chapter 2: Encounter

Taehyung's POV

"Miss teka ang bigat mo!" sambit ko habang buhat-buhat ko ang hinimatay na babae para isakay sa kotse ko

Isinakay ko sya sa loob ng kotse ko at kinuha ang cellphone nya sa bag nya para matawagan man lang yung mga kakilala nya. Pero hindi ko mabuksan ang telepono nya dahil low-bat na pala ito

Pinipilit kong gisingin yung babae pero hindi talaga sya magising. Wala na akong ibang choice kung hindi ang iuuwi sya kesa naman sa iwan ko sya doon sa loob ng club na wala naman syang ibang kakilala

¦

"Argh! Ang bigat!" buhat-buhat ko uli sya ngayon sa elevator. Madaling araw na ngayon kaya wala ng makakakita o makakarinig sa mga reklamo ko

Wala akong balak na masama sa kanya. Inuwi ko sya dito para man lang makapag-pahinga sya pagkatapos ng nangyari sa kanya kanina

Nandito na kami ngayon sa loob ng condo unit ko. Dali-dali ko syang hiniga sa kama ko dahil hindi na kaya ng mga biceps ko ang pagbubuhat sa kanya. Ininat ko agad yung mga kamay ko pagkalapag ko sa kanya

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at ng face towel para mapahiran ko yung babae at nang mahimasmasan na sya

Pinigaan ko ang face towel na hawak ko. Sa mga oras na to, hindi ko alam kung paano at saang parte ako magsisimulang ipahid ito sa kanya

Binuhat ko muna sya at ipinwesto ko sya ng maayos para maging madali lang ang lahat. Ilang saglit pa, nagulat nalanh ako na bigla na lang syang nagkamalay

Bigla na lang nanlaki ang mga mata nya saakin dahil sa gulat. Tinignan nya yung kamay ko na ngayon ay nakahawak parin sa baywang nya. Agad kong inalis ang pagkaka-hawak ko sa baywang nya

"Bastos ka ah!" panimula nyang sabi saakin at ngayon ay nakatingin sya saakin na parang binabalatan na nya ako ng buhay.

"Miss nagkakamali ka ng iniisip. Wala akong balak na----" hindi ko na natapos yung pag e-explain ko kasi bigla syang nagsalita.

"Pinlano mo to no!? Ikaw talaga siguro yung naglagay ng pampatulog sa inumin ko kanina para madala mo ako dito!" pasigaw nyang sabi saakin

"Ako na nga tong nagmamalasakit na tumulong sayo dahil hinimatay ka kanina sa club! Alam mo bang ilang minuto kitang tiniis na buhatin para lang madala kita dito sa condo ko!?" pasigaw kong sabi sa kanya

"Nakikita mo yon?" tinuro ko sa kanya yung timba na may laman na maligamgam na tubig. "Balak pa sana kitang pahiran ng maligamgam na tubig para man lang mahimasmasan kana at magising ka" sabi ko sa kanya

Napatingin sya sa balde na nakalagay sa mesa ko pero bigla ulit syang tumingin sakin at parang hindi sya convinced sa mga sinabi ko

Pinag-dududahan nya ba ako ngayon?

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?" sabi nya saakin sabay irap

"Ano bang gusto mong marinig? Na kaya kita dinala dito para pagnasaan kita?" sabi ko sabay ngisi sa kanya. "Pwes Miss nagkakamali ka! Isa pa, hindi ko type ang mga tulad mo no" sabi ko sa kanya dahilan para taasan nya ako ng kilay at panlakihan ng mata dahil sa mga sinabi ko

"Nang iinsulto ka ba?" pataray nyang sabi saakin

"Affected ka ba?" sarcastic kong tanong

Hindi sya nakasagot saakin. Bigla syang tumayo at pumunta duon sa desk ko na kung saan duon ko nilagay yung bag nya. Kinuha nya yung cellphone nya at nakita ko sa mukha nya na parang nadidismaya sya kasi low-batt yung cellphone nya

"Teka... Anong oras na?" tanong nya

Hindi ko namalayang naka-tulala lang pala ako sa kanya the whole time dahilan para tanungin nya ulit ako. "Huy! Anong oras na?"

"Madaling araw na. Bakit? May balak ka bang mag overnight dito sa condo ko?" pabiro kong sabi sa kanya

"Alam mo bastos ka talaga eh no? Yung kotse ko? Nasaan?" tanong ulit nya

"Ano? Malay ko bang may kotse ka? Balikan mo bukas sa club! Baka nandon sa parking lot" sabi ko

Inirapan nya lang ako at nag mamadali syang umalis. Hindi na rin sya nagsalita kaya tinanong ko sya. "Oh. Saan ka pupunta?" nilingon naman nya'ko agad

"Hindi ba obvious? Malamang aalis na ako!" sabi nya sabay irap at inayos nya ulit ang mga gamit nya

"Oh sige, umalis ka mag-isa mo. Pero hindi ka man lang ba natatakot para sa kaligtasan mo?" sabi ko sabay ngisi

Napatingin naman ulit sya saakin at this time feeling ko hindi sya familiar sa lugar na to dahil kitang-kita sa mukha nya ngayon na naiistress sya. "W-wala akong pake! Mag ta-taxi na lang ako pabalik doon sa club!" sabi nya sabay irip sakin

Sinara na nya yung zipper ng bag nya at lumakad na sya palabas sa pinto ko.

Agad kong hinila ang braso nya at sinandal sya ng malakas sa pader dahilan para manlaki ang mga mata nya sa gulat ssa ginawa ko

"Aray ko, ano ba!" nanlisik na yung mga mata nya saakin

Lumapit pa ako ng mas malapit sa mukha nya. Unti-unting nawala ang panlilisik ng mga mata nya. "So ano? Aalis ka na lang dito ng hindi nagpapa-salamat saakin?" sabi ko at nginisian sya

"Thank you!? Nag e-expect ka ba na pasasalamatan pa kita matapos mo 'kong cornerin dito sa pader!?" pagalit nyang sigaw saakin. Tinapik nya ng malakas ang isa kong kamay na nakaharang sa kanya. Binuksan na nya yung pinto at tumingin sya sakin for the last time

"Tinitignan mo ba ako kasi hindi kana makakakita ng ganitong ka-poging lalaki sa buhay mo?" asar ko

Inirapan nya ako at sinabing "Tinitignan kita for the last time para sa susunod na makita kita, tatawag agad ako ng pulis!" namumula na sya sa inis

"Miss, ano nga palang pangalan mo?" sincere kong tanong

"Bahala ka dyan!" sabi nya at umalis na sya ng tuluyan papalayo. Natawa na lang ako dahil sa inasta nya. Hindi ko alam pero na c-cutetan talaga ako sa kanya na nabibwisit rin at the same time

Jennie's POV

Argh! Ano ba naman yan! Kung kailan kailangan na kailangan ko pa nang matatawagan dun pa talaga ako nawalan ng battery. Bakit ba kasi dinala-dala pako ng lalaking yon dito!? Aish! Bwiset talaga!

Hindi ko na namalayan na may na sagi na pala ako at nahulog pa nya yung phone nya sa lapag

"Oh my gosh. I'm so sorry!" yumuko ako agad at pinulot ko yung phone nya. Buti na lang rubber at matibay yung casing sa cellphone nya kaya wala tong damage

Pagka-angat ko, hindi ko ine-expect na may makikita akong pamilyar na tao sa lugar na to

Si Jeon Jungkook

"Jennie!?" gulat na sabi ni Jungkook at nanlaki na lang yung mga mata ko dahil sa sobrang gulat, kaba, at syempre kilig nang makita ko sya.

"Anong ginagawa mo dito? Madaling araw na ah" naistatwa na lang ako bigla habang nanginginig naman sa kilig yung kamay na kung saan, hawak hawak ko yung cellphone nya.

"Uy Jennie! Ayos ka lang?" tanong ulit nya at dahil don para akong nabuhusan ng malamig na tubig

"Ha? Ah oo! A-ayos lang ako" sabi ko pa "Phone mo ngapala" inabot ko sa kanya yung phone nya na agad nyang binulsa

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong pa nya

"Ha? Ako? Ah... Binisita ko lang yung kakilala ko dito sa condo" palusot ko pa. "Eh ikaw? A-anong ginagawa mo dito?" sabi ko

"Hindi mo ba alam na sa condo na to ako nakatira?"

What!?

"Ah ganun ba?" tipid kong sagot sa kanya. "Ay oo nga pala, uwi na ako ah. Hinahanap na kasi ako saamin e" sabi ko pa

"Hatid na kita." sabi nya

My gosh! Gustuhin ko mang mag pahatid sa kanya ay hindi rin pwede

"Ha? Hindi wag na. May kotse naman kasi ako, kaya ok lang. Salamat na lanh" nakangiti kong sabi

"Sige. See you na lang sa school ah?" sabi nya sabay kindat saakin at lumakad na paalis

"...S-sure" sabi ko pa

¦

Lumabas na'ko sa building ng condo, sakto naman at may taxi agad sa labas kaya nag pahatid na ako sa pupuntahan ko. Pag-check ko naman sa orasan ko, hindi ko na namalayan na malapit na pala mag 2 o'clock ng madaling araw

Nandito na ako ngayon sa parking lot at pagkakita ko agad sa kotse ko, sumakay nako agad. Nagmamadali kong minaneho pauwi yung sasakyan ko

Nasa labas nako ngayon ng gate at buti na lang hindi nila ni-lock yun. Alam siguro nila na gagabihin talaga ako. Gosh!

Dahan dahan kong ni lock yung gate at pumunta na ako sa tapat ng pintuan. Dahan dahan ko ring binuksan yung pintuan at laking gulat ko na lang kasi hindi rin to naka-lock. Pagpasok ko sa bahay, halos wala na'kong makita sa sobrang dilim. Sinara ko naman ng mahina yung pintuan at ni-lock ito

Paglingon ko naman, agad nanlaki yung mga mata ko dahil nakita ko si Dqd

"At saan ka nang galing?" bungad nya

"Dad I'm sorry if late na akong umuwi" nanginginig kong sabi kay Dad habang nakatingin ako sa lapag

"Bukas na tayo mag-usap. Matulog kana" kalmado nyang sabi

Nakahinga naman ako ng malalim at napatingin nako sa kanya. "Sige po Dad, goodnight" sabi ko at umakyat nako sa kwarto ko

Taehyung's POV

Shit! Umaga na pala ngayon!? Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako agad kagabi ng ganun-ganon lang

Biglang nag-ring ang telepono ko at nakitang tumatawag saakin ngayon si Mama

"Yes, Ma?"

"Ready ka na ba?"

"Huh? For what?"

"Nakalimutan mo naba na aayusin na natin yung arrange marriage nyo sa anak ng business partner natin?"

What the actual heck!?

-—To be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top