[B-1] Chapter 18: She's Back
Taehyung's POV
Pumasok ako ng maaga ngayon dahil kailangan ko pang kausapin si Jungkook para sa gagawin naming report mamaya
Pagpasok ko ng pinto sumalubong agad ang mga tropa ko na muling naka-kumpol
Natigilan sila nung pumasok ako
"Sige lang, magkwentuhan pa kayo. Isali nyo na ako dahil may gusto rin akong sabihin sa inyo tungkol kay Irene" sabi ko sa kanila at nagsimulang magsilakihan ang mga mata nila
"A-alam mo na!?" sabi ni Jisoo
"Alam ang alin? Na uuwi uli si Irene dito?" tanong ko
"Paano mo nalaman? May nagsabi ba sayo?" tanong ni Namjoon
"Irene talked to me already" sabi ko
"What!? Anong sinabi nya sayo!?" tanong ni Lisa
"Sinabi nya saakin na nakabalik na sya ng Seoul at bago nya ibaba ang linya nya saakin, sinabi nya na isu-surprise daw nya tayo ngayon" sabi ko at naglakad na ako papuntang pwesto ko at umupo
Nakita kong nagtinginan silang lahat sa isa't-isa at bigla silang nagsipaglapitan pa punta sa pwesto ko
"A-ano pang sinabi nya? Meron pa ba? Yun lang ba?" tanong ni Jimin
Pumasok si Yoongi sa classroom at bigla nyang sinabi na "Taehyung! Di raw papasok si Jungkook ngayon, masama yung pakiramdam pero pinaabot nya tong research nya para daw sa report nyo. Salamat daw in advance" nilapag ni Yoongi ang ang folder sa desk ni Jungkook
Tinignan ko naman sila na nakakumpol sa gilid ko
"Pwede ba wag nyo na akong tanungin tungkol kay Irene? Ayoko ng marinig ang pangalan nya" sabi ko at tumayo ako para kuhain ang folder na nasa desk ni Jungkook
Nagsibalikan na sila sa mga kanya-kanya nilang upuan habang ako, nararamdaman ko na hindi magiging maganda tong araw na to
Maya-maya pa at magsisimula na ang unang klase namin kay Ma'am Sandra
Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan
Andito na si Ma'am Sandra hayss
But eyes suddenly widened ng makita ko kung sino yung pumasok sa pintuan
Si Irene
Naglakihan rin ang mga mata nila Jimin, Yoongi, Lisa, Rosé, Namjoon, Hoseok, Jisoo, at Jin nang pumasok si Irene sa loob
Irene came in while smiling. Ang daming nagbago sa kanya. Her waist looks more smaller than before, her hair was black with a mix of brown, and I think naka contact lens na sya this time
"Oh my god" mataray na sabi ni Lisa at napatayo sya sa upuan nya at lumapit kay Irene
"I-Irene? Bessy!! Long time no see! I'm glad you're back, for real" sabi ni Jisoo at tumayo rin sya para lapitan si Irene. Tss.. Base sa tono ng pananlita ni Jisoo, I'm sure pinaplastik nya lang si Irene
"Irene pasalubong namin nadala mo ba?" isa pa to si Rosé na pinaplastik si Irene
"Namiss ko kayong tatlo omg! Namiss ko yung friendhip nating apat!! Alam nyo bang ilang taon kong pinagtiisan kaibiganin yung mga malditang mga amerikana dun sa states? Like mas mataray naman ako sa kanila really pero I don't want them to see that side of me that's why nag-paka santa santita na lang ako sa harap nilang lahat like ohmygod" maarteng sabi ni Irene at nagyakapan yung dating apat na magbe-bestfriends
Di parin nagbabago ang ugali ni Irene, mataray, maarte, at madaldal parin talaga sya hanggang ngayon
Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang lahat at dahil nasa pinakalikuran ang upuan ko, nakita ko halos lahat sila, saakin na nakatingin ngayon
Nakatingin lang ako kay Irene ngayon at hindi ko maalis ang titig ko sa kanya
"Kailan ka pa umuwi?" tanong ni Namjoon at tumayo rin sya para yakapin si Irene. Well close kasi sila, before pero hindi na ngayon
"Oo nga at isa pa, bakit ka pa bumalik?" sabi ni Jimin na naka-crossed arms lang habang naka-upo
"Gosh Park Jimin, ganyan ka parin ba saakin hanggang ngayon?" nakangiting tanong ni Irene sa kanya
"Ano naman? Tss. Asan na yung pasalubong namin?" tanong uli ni Jimin sa kanya
"Nasa condo ko pa, bukas ibibigay ko sayo" sabi nya
Wait may condo si Irene!?
"Yon!! Bukas a! Dalhin mo! Pag hindi bubwisitin ko araw araw mo" nakangiting sabi ni Jimin at tumayo rin sya para yakapin si Irene
"Oppa~~~" sabi ni Irene at lumapit sya kay Yoongi para yakapin ito
"Psst oy! Wag kang lalapit saakin! Di pa tayo okay" sabi ni Yoongi sa kanya
"One year ng nakalipas yung utang ko sayo hanggang ngayon ba sisingilin mo parin ako?" sabi ni Irene
"Hoy Irene! Kala mo ba nakakalimutan ko na yung pagsuka mo sa loob ng kotse ko ha?" sabi ni Hoseok sa kanya
"Hyung antagal na nun and I'm sure malinis na yung kalat ko dun" nakangiti nyang sabi kay Hoseok
"Omg Seokjinnie~~~" sabi ni Irene at lumapit sya kay Jin pero humarang si Jisoo sa kanya
"Hep! Kung gusto mong yakapin si Jin, ako na lang yakapin mo, ako na yayakap sakanya para sayo" sabi ni Jisoo at nakangiti lang si Jin habang nakatingin sa shota
gagu mag be-break rin kayo! d joke lang hahah
"Let me guess, kayo na no?" nakangiting tanong ni Irene kay Jisoo at muli nyang niyakap si Jisoo
"Duh! Di ba obvious" sabi ni Jisoo sa kanya at inirapan nya si Irene
Niyakap na ni Jisoo si Irene at niyakap pagkatapos ni Jisoo si Jin kaya naman nagsigawan na yung mga kasama ko sa room
"yiee~"
"lul, walang forever~"
"malapit na 23, magbe-brake rin kayo~"
"eskwelahan to anlalandi nyo!~"
"hayop andaming langgam sa room, mga peste!~"
Nagsisigawang sabi nila, nakita kong tumingin na si Irene saakin ngayon
Nagka-eye contact kami pero mabilis lang dahil agad akong umiwas ng tingin sa kanya at nagkunwaring nagpakabusy sa folder na nasa desk ko
Ilang saglit pa, naaaninag na ng mga mata ko na papunta sya sa pwesto ko
"Hindi mo man lang ba ako babatiin, Taehyung?"
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong nakatingin na saamin ang lahat ng kasama namin dito sa room
Tinignan ko si Irene na ngayon ay nakangiting nakatayo sa harapan ko
Kaya mo to, Taehyung
"Hindi kita na miss" sabi ko with cold expression
Ngumisi lang si Irene at umupo sya sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko, ang upuan ni Jennie
"That seat is taken" sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at umupo parin sya
Maya-maya pa, pumasok na si Ma'am Sandra sa room at binati namin sya
"All right, before we start today, I would like you all guys to welcome a new student here in Hangkuk Han University, or should I say, we should welcome her back, right Ms Bae?" sabi ni Ma'am Sandra referring kay Irene
"Introduce yourself in front Ms Bae" agad na tumayo si Irene at nagpunta sya sa harapan
"Nice to see you all, I'm Bae Joo-Hyun or you can call me Irene for short. As you can see, alam kong kilala na ako ng iba dito because I used to study here before more like 2 years ago, that's it" sabi nya at nag bow sya saaming lahat
"Okay Ms. Bae since absent naman ata yung naka-upo sa tabi ni Mr Kim Taehyung, dun ka muna maupo for today" sabi ni Ma'am Sandra at tumango na lang si Irene at naglakad na sya papuntang pwesto ni Jennie saka umupo
Wala naman na akong magagawa, uupo lang naman sya sa tabi ko e, nothing will happen
¦
Oras na ng lunch namin at kakatapos lang namin kumain. Andito ako ngayon sa locker area para ibalik yung mga libro ko
Nagulat ako ng biglang may umakbay sa likuran ko
Si Jin at Jimin
"Okay ka lang ba?" tanong ni Jin saakin
Tinignan ko sya habang nakataas ang isang kilay ko
"Tss. Oo naman, isa pa, ayokong pinaguusapan natin yung babaeng yon, mamaya pag narinig nun na pinaguusapan natin sya, akalaingin nyang hinahabol ko parin sya" sabi ko at kumalas ako sa akbay nila at naunang naglakad
Sinundan ako nila Jin at Jimin at ngayong magkabilangang nasa gilid ko
"Tol kasi, nung kaninang pinagmamasdan ka namin para kang naaaligaga. So iniisip namin na baka, well baka lang naman.."
"Baka ano?"
"Na baka maguguluhan ka lang sa feelings mo at si Irene parin ang laman ng puso mo?" sabi ni Jimin
Napahinto ako sa paglalakad at tinignan ko silang dalawa ni Jin
"Anong bang pumasok sa mga kokote nyo at naisip nyo yan ha? Di nyo ba alam na sa tuwing nakikita ko si Irene, bumabalik lahat ng mga tanong si utak ko na kung bakit pinaniwala nya saakin na mahal nya ako kahit hindi naman, kung bakit pinagsabay nya kami at nung isa pang lalaki, at kung bakit hinayaan nyang magalit si Jungkook saakin kahit alam ni Irene sa sarili nya na wala akong kasalanan kung bakit sila naghiwalay ni Jungkook. Kaya please... Wag na wag nyong sabihin saakin na may gusto parin ako sa kanya, dahil ang totoo, galit na lang ang nararamdaman ko para sa kanya"
Tinalikuran ko na silang dalawa at naglakad papunta sa next subject namin
Kanina pa natapos ang reporting namin, at nairaos ka naman lahat ng yon
Pumasok na ako sa isa pa naming room at nakita ko si Rosé na nakaupo na at mukhang isi-nave nako ng upuan
"Dito ka na" sabi ni Rosé at ngumiti lang ako sa kanya saka umupo sa tabing upuan
"Rosé bakit kung patunguhan nyo si Irene kanina parang wala lang sainyo lahat ng ginawa nya sainyo noon?" seryosong tanong ko sa kanya
Lumingon si Rosé saakin at sinabing "Grabe... Taehyung hindi pa ba obvious? We're just being plastic with her. Syempre hindi namin makalimutan lahat ng ginawa nya saamin, actually napagplanuhan na naming tatlo yung gagawin namin ngayong bumalik na sya, don't worry.. Sabi nga di ba... Keep your friends close and your enemies closer" sabi ni Rosé at ngumisi sya saakin
¦
Uwian na namin at gustong gusto ko ng makauwi asap kaya naman nagmadali akong pumunta sa parking lot ng school
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakatayong nakasandal si Irene sa tabi ng kotse ko
"What do you think your doing right now?" tanong ko sa kanya as I crossed my arms
"Well I think, dapat mo akong isabay pauwi ng kotse mo" nakangiting sabi ni Irene
"At Bakit ko naman gagawin yon?" nakataas kilay kong tanong sa kanya
"Because you used to always take me home before, remember?" sabi nya
"Pwede ba Irene? Hindi pa ba malinaw lahat sayo na ayaw kitang makita, makausap, at lalong-lalo na, ayokong nakikipaghalubilo pa sayo" sabi ko sa kanya at hinila ko ang braso nya para maka-alis sya sa pagkakasandal nya sa kotse ko
"Alam ko ng magiging ganito ang trato mo saakin once na magkita ulit tayo, and I'm correct" sabi nya sabay ngisi
"What do you mean?"
"You see Kim Taehyung, I've known you for how many years. At nung mga panahong wala ako, I heard na never ka ng nagka-girlfriend ulit, right?"
"Ano naman ngayon?"
"Well, to clear things up, halos isang linggo na simula nung makabalik ako dito sa Seoul, I started talking to Jisoo, to Jungkook, and lastly sayo"
"Magiisang linggo ka ng andito!?"
"Yep. And do you know that I secretly followed you this past few days?"
"A-anong sabi mo!?"
"Sinundan kita nung araw na nag punta ka dun sa coffee shop. I was there. Actually, I heard everything" nakangising sabi ni Irene
"Anong narinig mo?"
"You and that girl was talking about the deal that you made up with her and then she agreed to that so called temporary girlfriend thing and you know what? Alam ko na niloloko nyo na ngayon ang mga magulang nyo sa fake relationship nyo"
"So what? Ano to ha? You're gonna blackmail me? Hindi ka parin nagbabago, you were just the same Bae Joo Hyun that I've known"
"I never changed Kim Taehyung, you did"
"Anong sinasabi mo?"
"Look, if you'll continued being like this to me, mapipilitan akong gawin sa babaeng yon yung mga bagay na ginawa ko sa inyong lahat noon"
Agad kong hinawakan ng mahigpit ang braso ni Irene at sinabing "Bakit ka pa bumalik ha!? Manggugulo ka nanaman? Mangdadamay ka? Kelan ka ba titigil ha? Ano bang gusto mo!?"
"Makipag-balikan ka saakin"
- To be continued -
A/N:
Bwisit no? HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top