[B-1] Chapter 17: Bouquet

A/N: Please, wag kayong maging silent reader :'>

Jennie's POV

Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa bintana. Umaga na, kaya tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw

Inuwi ako ni Taehyung dito sa bahay kagabi at hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba yung mood nya. Hindi nya ako kinausap the whole time na magkasama kami sa sasakyan at napansin ko rin na parang may malalim syang iniisip

But we're fine. Bago ako matulog kagabi nakatanggap pa ako ng goodnight call galing sa kanya so I think okay naman sya ngayon

Tumayo na ako sa kama ko at naglakad palabas

Bumaba na ako ng hagdan para pumunta sa kusina at kumain ng agahan

Bago ako tuluyang makarating sa kusina, narinig ko ang boses ni Mommy na parang may kinakausap na bisita

Gumilid ako sa pader para pakinggan ang pag-uusap nila

"Nung una nga hindi pa ako makapiniwala dahil mukhang hindi naman kapani-paniwala" rinig kong sabi ni Mommy

"Alam ko, nung magkakasama nga kaming tatlo kahapon may nararamdaman nga akong kakaiba e" teka.. Mama ba ni Taehyung yun??

"Sigurado ka bang totoo ang relasyon ng mga anak natin?" sabi ni Mama

Wait ano!? Kami ba ni Taehyung yung pinag-uusapan nila??

"Well base sa kahapon, mukhang magka-relasyon naman sila. Pero pakiramdam ko may mali sa dalawang yun e" tama nga.. Mama nga ni Taehyung

"Possible kayang nagpapanggap lang yung mga anak natin dahil alam nila na may mga kanya-kanya silang arranged marriage?" sabi ni Mommy

"Pakiramdam ko, oo. Isipin mo a.... bakit ngayon lang sila umamin kung pwede namang noon pa diba?" sabi ng Mama ni Taehyung

Hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko ngayon. Umalis na ako at mabilis na umakyat ulit sa kwarto ko

Pagkadating ko sa kwarto, ni-lock ko ang pinto ko at agad kong hinanap ang cellphone ko at nung nahanap ko ito, dali dali akong tumawag kay Taehyung

"Sumagot ka please, sumagot ka" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ng paikot ikot sa kwarto ko

Sinagot na ni Taehyung ang tawag ko

"Hmmm?" sabi ni nya sa kabilang linya na mukhang bagong gising lang

"Taehyung? Bumangon ka na dyan please. Kailangan mong marinig tong sasabihin ko sayo" sabi ko

"Ano ba yun??" sabi nya with inaantok na tono

"I think alam na ng mga nanay natin na nagpapanggap lang tayo"

"ANO!? PAANO!? BAKIT!?" nilayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa lakas ng pagkakasabi nya

"Teka kumalma ka nga muna! Actually hindi naman talaga nila alam e, pinahdududahan lang nila tayo" kalmado kong sabi

"P-paano mo naman nalaman?"

"Narinig kong nag-uusap sila Mommy at Tita sa may kusina. And oo.. Andito sa bahay namin ang nanay mo" sabi ko

"Jennie makinig ka.. Bumaba at magpakita kana sa kanila. May gagawin lang ako. Pupunta rin ako dyan"

"Wait a-ano?"

"Taehyung!!"

"Hello!????"

Wala na, binaba na nya

Agad akong nagpunta sa banyo ko para mag toothbrush man lang. Pagkatapos non, sinunod ko na ang sinabi ni Taehyung at bumaba na ulit ako

Ganun parin, hanggang ngayon nag-uusap parin silang dalawa habang nag ka-kape

"Good morning!~" nakangiti kong sabi sa kanila at napatingin naman sila agad

"O, gising ka na pala. Halika na dito kumain kana" sabi ni Mommy

Tumango na lang ako kay Mommy at nung nakita ko ang nanay ni Taehyung, binati ko muna ito

"Good morning Tita!~" nakangiti kong sabi at bumeso ako sa kanya

"Good morning rin sa daughter in law ko" sabi nya

I awkwardly smiled and said "Grabe naman po tita, daughter in law agad?" sabi ko habang umuupo

"Syempre pasasaan pa at dun din mapupunta yon, right mare?" sabi nya kami at nag-apiran silang dalawa

Aishhh

¦

Nakakadalawang kuha at sandok na ako ng kanin at ulam ko pero hanggang ngayon, wala parin si Taehyung

Asan ka na ba???????

"Jennie, next week gusto mo bang sumama saamin ng Mommy mo?"

"P-po??"

"Sumama ka saamin next week, mag gi-girls day tayong tatlo" sabi ng Mama ni Taehyung

"Uhm......" tumingin ako kay Mama na ngayon ay tumatangong nakatingin rin saakin

Sa totoo lang ayoko talagang sumama sa kanila dahil maiipit ako sa mga possibleng itanong nila saakin at syempre ayokong mangyari yun

"Uhm... Ano po kasi e...... " na-udlot kong sabi dahil may narinig kaming bumusina ng malakas sa labas

Shet sana ikaw na yan Taehyung

Nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng pajamas ko at agad ko itong kinuha

Taehyung:
Nasa labas na ako Jennie bilisan mo lumabas kana!

Tumayo ako sa upuan at binulsa ang phone ko

"O bakit?" tanong ni Mommy

"Ma saglit lang" sabi ko at mabilis akong tumakbo palabas ng pinto

Lumabas na ako ng bahay at binuksan ko ang gate. Nakita kong nakasandal si Taehyung sa sasakyan nya na may hawak hawak na bouquet of flowers

Naglakad ako at lumapit sa kanya at sinabing "Ano yang hawak mo!?"

Kinuha nya ang isang kamay ko at inabot rito ang bouquet at sinabing "Hawakan mo, props natin yan"

"Ano?" nakataas kilay kong sabi

"Tss.. Basta hawakan mo lang yan, aarte tayo ngayon umaga" sabi nya at bigla nya akong inakbayan which is nakakagulat dahil nakaramdam ako ng something this time

"Ipakita mo sa kanila na saakin galing yang hawak mo" pabulong nyang sabi saakin habang naglalakad papasok ng bahay at tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi nya

Pumasok na kami ng bahay at habang nagalalakad papuntang kusina, nagkukunwari kaming naghaharutan ni Taehyung

"Good morning po!" bati sa kanila ni Taehyung at kitang-kita sa mga mukha nila Mama at Tita ang gulat

Tumayo si Mama sa upuan at nilapitan kami at sinabing "O andito ka pala, anong ginagawa mo dito?" sabi ni Mommy sabay beso sa kanya

"Sayo ba galing yang hawak ni Jennie?" tanong naman nung Mama nya

"Y-yes saakin galing yan and the reason why I'm here is because gusto kong i-abot personally kay Jennie tong flowers" sabi nya sabay tingin saakin ng nakangiti

ok sinyales na yun for me to act out

"Thank you babe! Ang sweet sweet mo naman. Nakakahiya tuloy sa harap nila~" pabebe kong sabi habang pakunwari kong nilalambing si Taehyung

Tumingin ako kanla Mommy at Tita na ngayon ay nagtinginan rin sa isa't-isa

"Ok ang aga-aga baka mamaya langgamin tayong lahat dito" nakangiting sabi ni Mommy

"Kumain ka na ba anak?" nakangiting tanong ni Tita sa kanya

"Uh yes, actually kakatapos lang. After kong kumain umalis agad ako at pinick-up ko yung bouquet na pinagawa ko at dumirecho na ako dito" sabi ni Taehyung

"Ang sweet naman ng anak mo mare~~" kinikilig-kilig na sabi ni Mama kay Tita

"Syempre namana nya ata yan sa tatay nya. Tignan mo, ganyang ganya rin saakin ang Papa nya noon, ayan tuloy nakabuo agad kami" tumatawang sabi ni Tita sabay apir kay Mommy

Nagkatinginan naman kami ni Taehyung at nagkahiyaan na rin after nung sinabi ng nanay nya

Inalis na ni Taehyung ang kamay nya sa balikat ko at napa-ubo sya para makuha ang atensyon nila habang ako, dumistansya ako ng konti sa kanya at nilapag ko ang bouquet sa mesa

"Ma, tita. Una na ako. Nagawa ko naman na yung kailangan kong gawin so I think I should go now" sabi nya

"Tamang tama anak, hindi ko dala ang sasakyan ko ngayon kaya sabay na tayo" sabi ni Tita at tumayo

"Bye mare see you next time" sabi nya kay Mommy at bumeso ito sa kanya

"Bye Jennie"

"Bye Tita ingat po kayo" sabi ko at bumeso na ako sa kanya

"Tita una na po kami" sabi ni Taehyung kay Mommy at bumeso ito

"Oo sige mag-iingat kayo" sabi ni Mommy

Tumingin si Taehyung saakin saka bigla akong niyakap

"Arte bilis!" bulong nya

Mabilis kong pinulupot ang mga kamay ko sa kanya at niyakap kong mahigpit

"Ingat babe ha? Drive safely. Ayoko pang mabyuda ng maaga~" sabi ko

Eww tangina na ci-cringe ako sa sarili ko. Aishh

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Taehyung at agad kong nakita ang ngisi nya

"Tss.. Oo naman babe, mag-iingat ako para sayo" sabi ni Taehyung sabay kindat saakin

"Pstt oy! Tama na yan! Tung mga to kala mo di na magkikita" sabi ni Mommy

"Tara na nga, bye!~" natatawang sabi ni Tita habang naglalakad palabas





Nang maka-alis sila Taehyung, agad akong tumakbo sa kusina para kunin yung bouquet at dali daling umakyat sa taas

¦

Kakatapos ko lang maligo ngayon at hapon na

Ang bilis ng oras no?

Well may mga bagay kasi ako na inasikaso kanina kaya ngayong hapon pa lang ako naligo

Well actually malapit ng mag-gabi

Basa ngayon ang buhok ko at pinupunasan ko ito ng twalya

Napaupo naman ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang magandang bouquet na bigay saakin ni Taehyung

First time kong makatanggap ng bouquet of flowers sa ibang tao

Naalala ko tuloy noon yung sinabi ko sa sarili ko na kung sino man ang unang magbibigay saakin ng ganito, sasagutin ko kaagad kahit hindi naman nanliligaw

Haysss. Pero binabawi ko na lahat ng yun dahil iba na ang sitwasyon ngayon

Tinigilan ko na ang pagpupunas ng buhok ko at kinuha ang phone ko saka tinwagan si Taehyung

He finally picks up

"O ano nanaman? May problema ba nanaman tayo?" sabi ni Taehyung

"Wala naman. Tumawag lang ako sayo para mag pa-thank you"

"Mag pa thank you naman saan?"

"Thank you, dito sa bouquet of flowers na bigay mo"

"Tss.. Bakit? First time mo bang maka tanggap ng ganyan? Ingatan mo yan a, hanggat maari siguraduhin mong hahaba ang buhay ng bulaklak na yan. Medyo may kamahalan pa naman yan" sabi nya at kahit alam kong sa phone lang kami nag-uusap pakiramdam ko todo na ang ngisi ni Taehyung ngayon

"Oo naman.. Pananatilihin ko tong buhay. Basta next time kailangan mas maganda pa dito ang ibigay mo saakin a?" pabiro kong sabi

"Hay nako... Sa susunod baka bulaklak na pampatay na lang ang ibibigay ko sayo" tumatawa nyang sabi

"Bwisit ka! Ibababa ko na nga to"

"Uy uy! Joke lang! Yan ka nanaman e. Ang bilis mong maasar" sabi nya

"Sya nga pala bukas aabsent ako gaya nung sabi mo. Galingan nyo ni Kookie yung pag rereport bukas a? Isa pa, gandahan mo rin yung pagsasabi ng dahilan sa kanila kung bakit ako umabsent"

"Syempre naman, alam mo naman na kasama sa deal natin tong acads mo diba? Ako bahala sayo" sabi ni Taehyung

"Sige sige na. Ba-bye na.." sabi ko

"Ba-bye, babe" sabi ni Taehyung with malambing na tono

"Babe mo yang mukha mo. Sige na bye na!" sabi ko at binaba ko na ang linya ko




















































Taehyung's POV

Gabi na ngayon at malamang lunes nanaman bukas at may pasok nanaman kinabukasan

Pinatay ko na ang lahat ng bukas na ilaw dito sa kwarto ng condo ko

Humiga na ako sa kama ko at ready na akong matulog

Ng maya maya, biglang nag ring ang cellphone ko

Bumangon ako at kinuha ang phone ko saka tinignan kung sino ba tong tunatawag saakin para guluhin ang oras ng pagtulog ko




Unknown number calling.....
Answer || Decline

Alam kong ikaw to, Irene

"Hello??"

"........"

"Pwede ba Irene, alam kong ikaw to okay? Bakit ka ba tawag ng tawag saakin?"

"Buti naman alam mo na ako to, Taehyung"

"Anong gusto mo?"

"Gusto kong malaman mo na, nakabalik na ako. I'm back here in Seoul~"

"Nagbibiro ka lang diba?"

"I'll just surprise you all tomorrow"

the call has been ended

- To be continued -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top