[B-1] Chapter 16: D-Day


Jennie's POV

2 days later.........

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatulala akong nakatingin sa ceiling ng kwarto ko.

Kagigising ko lang at kinukuwestyon ko yon kung bakit nagising pa'ko ngayong araw.

Todo-todo ang kabog ng dibdib ko simula nung sinabi saakin ni Taehyung na ipapakilala na nya ako bilang girlfriend nya sa mga magulang nya

I seriously suck at acting

I can't believe it's already Saturday. Kung pwede ko lang sana pahintuin ang oras gagawin ko para lang hindi kami umabot sa araw na to Aishhh

Biglang may kumatok sa kwarto ko

"Ma'am Jennie gumising na po kayo kakain na!" sabi ni yaya habang kumakatok

"Yaya pwede bang wag mong istorbohin ang pagtulog ko!?" pasigaw kong sabi

"Sige po. Bumaba na lang kayo pag gusto nyo ng kumain" sabi nya at narinig kong bumaba na sya sa hagdan

una sa lahat, ayokong kumain dahil hindi ko kayang lumunok ng pagkain na may dinadaing na kaba

Bat ba kasi ako pumayag sa ganito!??

Ilang saglit pa nagring ang cellphone. Agad akong bumangon at kinuha ito

At nakita kong tumatawag si Taehyung saakin

"Good Morning!~" panimula ni Taehyung

"Tsk! Anong good sa morning?" sabi ko with umiiyak na tone

"Ang aga aga ang drama mo"

"Hindi ako nag dadrama ok? Nagiinarte ako!"

"Jennie I'm sure you can do better later"

"Malamang I'll do better talaga! Dahil pag pumalpak tayo sa pagpapanggap natin, mapapa-aga ang pagiging misis ko!"

"Misis? Pshh. Pasasaan pa at mapupunta din tong pagpapanggap natin sa pagiging mag-asawa" rinig kong natatawang sabi ni Taehyung

"Gusto mo bang masapak ha!?"

"Eto naman syempre joke lang! Alam mo namang hindi kita gusto no"

"Tss lalo naman ako! Kailan ba ako magkakagusto sayo? Syempre, never!"

"Oo na! Susunduin kita sa bahay nyo before 2:00 pm a."

"Sige!"

"Sya nga pala, ayusin mo yung pagmumuka mo mamaya a. Kailangang magandang maganda ka mamaya para naman walang masabi si Mama sayo"

"Ano bayan ang easy easy lang naman nyan e.. Kahit nga siguro kahit anong suotin ko, maganda ako always" confident kong sabi. Bakit ba?

"Ang aga mo namang mag joke"

"Bwisit ka! Ibaba mo na nga to!"

"HAHAHA! Sige na. See you later, babygirl~" sabi ni Taehyung

"Ulol! Mukha mo babygirl!"

Agad kong binaba ang linya ng telepono ko sa kanya

Babygirl!? Tss. Ang corny a.

Taehyung's POV

Kakatapos ko pa lang maligo at ngayon mag bibihis nako

Malapit nang mag 2:00 pm kaya naman kailangan ko ng magmadali at susunduin ko pa si Jennie

¦

Andito nako sa labas ng gate nila Jennie. Limang sunod-sunod na malakas na beses ang ginawa kong busina sa sasakyan ko para marinig nya ako

Pero bingi ata sya dahil mukhang di nya ako naririnig

Kaya naman agad ko syang tinawagan at sumagot naman sya kaagad

"Ano na?" panimula ko

"Teka lang! Pwede bang wag kang bumusina ng malakas!? Ang ingay ingay mo! Mamaya isipin ng ibang tao dito na nanggugulo ka!"

"E bakit ba kasi ang tagal mo!?"

"Nag cha-charge pako! 25% pa lang yung battery! Di ko kayang umalis ng bahay pag ganto!"

"Tanginang yan.. Seryoso ka ba!? Jennie ang yaman-yaman ng pamilya nyo! Impossibleng wala kang power bank dyan"

"Wala! Sira power bank ko!"

"Bilisan mo na nga at bumaba ka na dyan! Dito ka na magcharge saakin, may power bank ako!"

"Oo eto na! Bababa na nga o! Hintayin mo lang ako saglit" sabi nya at pinatay na nya ang linya nya

Jusko Jennie Kim....

Jennie's POV

"Saan po kayo pupunta?" rinig kong tanong ng pakielamera kong Yaya

"Yaya paghinanap ako ni Mommy pakisabi na birthday nung aso ni Jisoo at makiki-celebrate kamo ako a. Okay?" sabi ko sabay labas ng pintuan

Agad ko namang nakita na nakaparada sa labas ng gate ang sasakyan ni Taehyung at nagmadali nakong pumunta doon

Binuksan ko na ang pintuan sa front seat at na-upo na ako

Tinignan ko si Taehyung na ngayon ay nakatitig saakin "Tss...Bat ganyan ka makatingin? Pakiramdam ko tuloy hinuhubaran mo na ako sa isip mo" natatawa kong sabi habang nagtatali ng buhok

"Ano yang suot mo!?" sabi nya with nakakairitang tone

Nilingon ko sya at tinaaasan ng kilay. "Malamang damit! Duh!" sabi ko sabay irap

"Seryoso ka? Ang ikli ng damit mo!" pagalit nyang sabi

Natigilan ako sa pagtatali ng buhok at natawa ako sa sinabi nya

"Ang oa mo naman. Hindi naman nakikita kaluluwa ko dito a. Isa pa, bat parang mas masahol ka pa kesa sa tatay ko?" natatawa kong sabi

Hindi na sya umimik sa sinabi ko. Inayos na nya ang pagkaka-upo nya at pinaandar ang sasakyan saka minaneho ito

"Tanggaling mo na yang tali mo. Mas maganda ka pag nakalugay lang ang buhok mo"

Napangiti ako sa sinabi nya at sinunod ko ang utos nya. Tinanggal ko ang tali sa buhok ko. Humarap ako sa kanya at sinabing "Okay na?"

Lumingon sya saakin. Ngumisi sya saka tumango at nagpatuloy na sya sa pag da-drive

Taehyung's POV

"Paki-ulit nga ng sinabi mo" sabi ni Jennie na ngayon ay gulong-gulo

"Ang sabi ko, kailangan nating umarteng sweet sa isa't-isa para maconvince natin sila na totoong mag-shota tayo" sabi ko

"Ah...okay okay.. Pero paano pag nagtanong saakin yung Mama mo tungkol saatin? Taehyung alam mo namang hindi ako magaling umarte diba?" sabi ni Jennie

"Wag kang mag-alala. Pinaghandaan ko na yung mga sagot sa mga possibleng tanong saatin ni Mana mamaya. Isa pa, pwede bang kumalma ka? Baka mamaya dahil sayo mabisto pa tayo"

"Sigurado ka bang hindi magrereklamo yung Mama mo pagnalaman nyang ako yung shinota mo?"

"Tss.. Wag kang mag-alala. Base sa obserbasyon ko noon, pakiramdam ko maganda naman ang amor ni Mama sayo kaya wala kang dapat ikatakot"

"Taehyung kinakabahan ako... Baka mamaya ma-tameme lang ako dun"

"Tsk! Kaya mo yan. At saka hindi ganyang Jennie yung kilala ko. Ang kilala kong Jennie is yung malakas yung loob, confident, matapang, at syempre, yung makapal yung mukha" natatawa kong sabi

Lumingon si Jennie saakin at sinabing "Wow a! Nang-iinsulto ba yan o nag co-compliment?" tanong nya

"Ikaw, bahala ka kung pano mo ita-take yung sinabi ko" sabi ko sabay ngisi

"Nako Kim Taehyung a, wag mokong binubwisit dahil baka magulat ka na lang at mag-backout ako dito sa plano mo"

"Ngayon ka pa talaga mag ba-backout kung kailan andito na tayo?" sabi ko sabay park ng sasakyan

"Wait ano!? Andito na tayo!?" aligagang tanong ni Jennie

"Yep. Andito na tayo kaya ayusin mo na yang state of mind mo at bumaba ka na dyan. We have a lot of acting to do" sabi ko sabay kindat sa kanya at baba sa sasakyan

Jennie's POV

"Okay wait... Breathe in...... Breathe out.. Breathe in... Breathe out..... " sabi ko sa sarili ko habang nag i-inhale exhale

Agad ko ng binuksan ang pinto saka bumaba sa sasakyan

Pagkababa ko, agad na dumampi sa balat ko ang medyo mainit-init na sikat ng araw. Nakita ko naman na sinuot ni Taehyung ang shades nyang Gucci saka tumingin saakin

"Ayos ba?" nagmamayabang nyang tanong

"Mukha kang bulag" natatawang sabi ko

Hinubad naman agad ni Taehyung ang shades nya saka inirapan ako

"Tara na nga!" iritado nyang sabi at nauna na syang naglakad papasok

Taehyung's POV

"Uhm.. Dining reservation for Kim Taehyung" sabi ko sa receiving area ng restaurant

"Kayo po ba yun sir?"

"Yeah"

"Sir may tao na po sa table nyo and ang sabi nya sya daw po yung Mama nyo"

"Yeah I know"

"Paki-lagay na lang po ng name nyo sa log book" sabi nya at sinulat ko ang pangalan ko

"May kasama pa po ba kayo Sir?"

"Oo meron" sabi ko tumingin ako sa likod at nakita kong naglalakad papasok si Jennie na naka-shades rin na Gucci gaya ng akin

"Ako, I'm with him" sabi ni Jennie at sinulat nyo na rin ang pangalan nya sa log book

Pagkatapos nyang magsulat agad syang tumingin saakin ng nakangiti

"Wow ano to? Pagkatapos mokong sabihang mukhang bulag kanina ikaw naman tong naka-shades ngayon?" sabi ko

"Tsk! Tsk! Tsk! Alam mo kasi, may mga piling tao lang ang nababagayan na magsuot ng ganito sa mga mata nila" sabi ni Jennie

"Alam mo buti na lang tinaggal ko yung akin. Dahil na realize ko na magmumuka akong tanga na pumasok sa loob ng restaurant ng naka-shades"

"And so what? At least I looked classy" sabi nya

"Kung ako sayo, tanggalin mo na yan. Dahil baka isipin ng mga tao dito na may sore eyes ka" natatawang sabi ko

Mabilis na tinanggal ni Jennie ang shades nya at nakita ko sa mga mata nya na naiirita sya

Hinampas nya ang kaliwang braso ko at sinabing "Alam mo ikaw bwisit ka talaga kahit kailan!"

Naglakad ako at tumabi sa gilid ni Jennie at pabulong kong sinabing "At least quits na tayo"

Napa-irap naman sya saakin

Hinawakan ko ang kamay ni Jennie at binulong ko na "Tara na, magpapanggap na tayo"

Wala na syang sinabi at naglakad na kami papasok

Agad ko namang nakita si Mama na naka-upo na sa table na pinareserve ko. Abala sya sa pag ce-cellphone kaya hindi nya parin kami nakikita hanggang ngayon

Dahil na gagambala yung mga mata ko sa maiksing damit na suot-suot ni Jennie. Ako mismo ang naghila pababa ng garterized nyang sexy black dress

Huminto si Jennie sa paglalakad, bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko. Hinila nya ako at sinabing "Taehyungggg.. Kinakabahan ako"

Kalmado akong tumingin sa kanya at sinabing "Tss..Wag kang kabahan. Basta sakyan mo na lang lahat ng gagawin ko mamaya a? Tanong ko at tumango lang sya

"Ma!" tawag ko sa atensyon ni Mama

Nagulat syang napatingin saakin. Tumayo sya sa kinauupuan nya at sinabing "O, buti naman dumating ka na!" at binaling nya ang tingin nya kay Jennie "Jennie iha why are you here?" nakangiting tanong ni Mama sa kanya
Hinakan ko uli ang kamay ni Jennie, pero this time, sinuguro ko na makikita ito ni Mama

"Ma gaya nga ng sabi ko sayo diba, I'll introduce you to my girlfriend. And..."

"And? Ano?"

"Well Jennie is my girlfriend Ma" sabi ko

Napangiti naman ng husto si Mama at agad nyang inagaw saakin ang kamay ni Jennie at sinabing "Jusko Iha.. I'm so happy for the both of you~~ Welcome to the family" at niyakap nya si Jennie

Niyakap din sya ni Jennie pero nakatingin sya saakin na parang hindi na sya makahinga sa yakap ni Mama

"Oops..Ma! Hinay hinay lang.. Baka nasisikipan si Jennie sa yakap mo" sabi ko

Humiwalay na sila sa isa't-isa sa pagkakayakap at nag salita si Jennie

"Hindi ano ba. Ok lang yon" nakangiti nyang sabi saamin ni Mama

"Sige na.. Maupo na tayo" sabi ni Mama

Inalalayan ko ang pag-upo ni Jennie para mag mukha kaming sweet sa harap ni Mama at umupo na rin ako

"Taehyung bakit ngayon mo lang sinabi saakin na girlfriend mo pala si Jennie? Samantala nung nagpunta tayo sa bahay nila, tila hindi kayo nagkikibuan?" tanong ni Mama at napatingin si Jennie saakin at nilakihan ako ng mata

As expected, alam kong itatanong nya to saakin kaya naman I already have an answer to her question

"Well ma, nung araw na yon, kami na talaga. It's just that nahihiya lang kaming gumalaw sa harap nyo that time dahil baka mahalata nyo kami" sabi ko at tinignan ko Jennie at mabilis nyang iniwas ang tingin saakin at ningitian nya lang si Mama habang tuma-tango

"It doesn't matter anymore. Ang mahalaga ngayon is both of you are on a relationship. Alam mo Jennie I think ikaw na yung pinaka the best na naging girlfriend ng anak ko" sabi ni Mama

Napangiti naman si Jennie at sinabing "Bakit naman po Tita?"

"Because you're perfect. I mean look, your family and our family are great friends. Ikaw, maganda ka, mabait, and I'm sure na matalinong bata ka" sabi ni Mama

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napatawa ng banggitin ni Mama yung word na matalinong bata AHHAHA

Napalingon saakin si Jennie at tinignan nya ako ng masama kaya naman tumigil na ako

"Tita, you don't have to say those words to compliment me" nakangiting sabi ni Jennie

"Nako, hindi compliment yun. Facts yon" sabi ni Mama at nakangiti na silang dalawa ngayon

"Oy tama na yan. Kumain na tayo, nagugutom na ako" sabi ko sa kanila at sumang-ayon naman sila

Jennie's POV

Habang nakikita kong enjoy na enjoy sa pagkain yung dalawang mag-ina, ako naman hindi ko magawang malunok yung pagkain ko dahil hanggang ngayon kinakabahan ako

"By the way Jennie, paano nga pala kayo nagkakilala ni Taehyung?" nagulat ako ng biglang nag tanong si Tita

Mahina kong sinipa si Taehyung para sya na ang magsalita dahil hindi ko alam kung paano ako mag re-react

"Ma remember nung nasa Japan ako before? Jennie also went to Japan for a vacation and the first time that I saw her is in a restaurant. At nung first time na nakita ko sya, I knew it was love at first sight" sabi ni Taehyung at tumingin sya saakin sabay kindat

Okay, kumindat na si Taehyung. So ibig sabihin it's my turn now to throw my lines

"Aww. Ang sweet mo naman babe." hinawakan ko ang kamay ni Taehyung at tumingin ako kay Tita at sinabing "You know what tita? I felt exactly the same. Nung pagpasok ko pa lang sa restaurant na yon sa Osaka. Everything was so blured out at tanging si Taehyung lang ang tanging malinaw sa paningin ko that time. And Yeah I think I can call that love at first sight" sabi ko pa

Hay salamat.... Naraos ko rin yung linya ko

"That's so sweet. Alam nyo, I'm really really happy knowing that you two are in a relationship. Buti na lang umamin na kayong dalawa saamin na magkarelasyon kayo. Dahil kung hindi? Malamang may kanya kanyang arrangd marriage kayo saamin ng mga magulang nyo"

"That's exactly why we did tell you guys already the truth. Syempre ayaw ko naman na malagay sa arranged marriage si Jennie dahil saakin lang dapat sya makasal at the end of the day" sabi ni Taehyung sabay akbay sa balikat ko

Syempre hindi na ako umarte at nag lean pa ako lalo sa balikat nya habang nagmumukang kinikilig. Of course, that's called acting

"Okay fine.. Next time I'll set a dinner for both of our families. Para naman next time, hindi lang ako ang kinikilig sa inyong dalawa" nakangiting sabi ni Tita

Oh my god please, sana hindi matuloy ang dinner na yan

"Well this time I think I have to go. I still have to attend sa dalawang meetings ko for today" sabi ni Tita at tumayo sya at tumayo rin kami ni Taehyung

"Okay ma, thank you for today" sabi ni Taehyung

"No son, thank you for today" sabi ni Tita at lumapit sya para ibeso ako. Syempre wag tayong aarte

Bumeso rin ako sa kanya at nagsalita ako after "Thanks tita. Ingat po kayo a" sabi ko

"Oo, I will. Kayo rin mag-iingat kayo. Taehyung ako na bahala magsabi sa Papa mo mamaya. Ingatan mo yang girlfriend mo a?" sabi ni Tita kaya naman napa-akbay ulit si Taehyung saakin at sinabing "Syempre naman Ma, I'll take good care of her"

"Hay nako.. Wag kayong mag be-break a?" sabi ni Tita

"Of course Tita. Hinding-hindi mangyayari yon" sabi ko at nilapat ko ang kamay ko sa baywang ni Taehyung at napatingin sya saakin sabay ngisi

Syempre acting

"Sige na.. I'll go ahead" nakangiting sabi ni Tita at naglakad na sya palabas
"Bye!~" pasigaw kong sabi

Nung nakita kong nakalayo-layo na ang nanay ni Taehyung. Siniko ko kaagad ang tagiliran nya

"Aray ko naman!!" sabi nya

"Nakalayo na yung nanay mo pero bakit di mo parin inaalis pagkaka-akbay mo?" sabi ko sa kanya at inalis ko ang kamay nya sa balikat ko

"Baka kasi bumalik si Mama e" natatawa nyang sabi

Inirapan ko na lang sya at umupo ako agad agad sa upuan

"Shet salamat ohmygadh natapos ren!" sabi ko habang naka-hawak ako sa dibdib ko

Umupo rin si Taehyung sa tabi ko at sinabing "Alam mo, hindi ka naman ganon kasama umarte e. Kaya sigurado ako na sa next time na aarte ulit tayo, you'll do better than today" sabi nya

Tinignan ko sya at sinabing "Ipagdadasal ko talaga na hindi matuloy yang araw na yan" sabi ko sabay tayo sa upuan

"At saan ka naman pupunta?" naka-taas kilay na sabi ni Taehyung

"Umalis na tayo dito. Pakiramdam ko maso-suffocate na ako ng tuluyan pag nagtagal pa tayo dito" sabi ko

"Hoy, baka nakakalimutan mo? Sumang-ayon ka na ikaw ang magbabayad ng kinain nating lahat ngayon" naka-upong sabi ni Taehyung
Napa-irap ako at tinawag ko ang waiter "Uhm.. Kuya! Mag bi-bill-out na kame please" sabi ko sabay cross-arms

Inabot saakin ng waiter yung bill at agad kong sinilid yung pambayad at nilapag ito sa mesa

Hinila ko agad ng patayo si Taehyung at nakangiti syang sumunod

"Kuya keep the change na lang a!" sigaw kong sabi sa counter at naglakad na kami

"Jennie teka nga... Bat ka ba nag mamadali?" nagtatakang tanong ni Taehyung habang naglalakad kami

"Tsk. Gusto ko ng magpahinga okay? Pagod ako Taehyung" sabi ko sabay bitaw sa kamay nya at nagpatuloy sa pag lalakad

Hindi na nagsalita si Taehyung at sumunod na lang saakin



Sumakay na kaming dalawa sa loob ng sasakyan nya. Pinaandar na nya ito at nag-seat belt sya, ganon rin ang ginawa ko. Nakita ko na malapit nang mag four o'clock ng hapon

"Mukhang pagod ka na talaga a. Iuuwi na kita sa inyo" sabi nya

"Uhm.. Taehyung pwede ba.. Wag mo muna akong iuwi sa bahay?" sabi ko

Nagtataka syang tumingin saakin at sinabing "Huh? Kung hindi sa bahay nyo, saan naman kita dadalhin?"

"E-ewan ko. Siguro sa condo mo?" sabi ko

Natawa sya ng bahagya at sinabing "Sa condo ko? Ikaw Jennie a, baka mamaya may binabalak ka pala saakin"

"Tss.. Ayoko munang umuwi ng bahay no. Puro kasamabahay lang namin ang maaabutan ko don. Bukas pa ang uwi nila Mom and Dad kaya naman ang lungkot ko sa bahay" paawa kong sabi

"Hay nako.. Pasalamat ka malaki ang kailangan ko sayo kaya papayag ako na mag stay ka muna saglit sa condo ko" sabi nya

Napangiti naman ako ng abot sa tenga at saka nilabas ko ang make-up kit ko para mag re-touch

"Teka bakit ganyan ka laki yung ngiti mo? Tapos ngayon mag-aayos ka pa? Samantala kanina di man lang kita nakita na nag ganyan" sabi ni Taehyung

Pero hindi ko sya pinansin at patuloy parin akong nakangiti habang nag a-apply ng face powder

"Teka nga..... Kaya mo ba gustong pumunta sa condo ko dahil nag babakasakali ka na makita mo si Jungkook duon?"

Napatigil ako sa paglalagay ng make-up at lumingon ako ng naka todo ngiti kay Taehyung at saka tumango ako ng dahan-dahan

Napa-irap si Taehyung saakin at minaneho na nya ang sasakyan nya

"Bakit ba asang-asa ka don kay Jungkook ha? E hindi ko nga nakikita na kinakausap ka nya"

"Tss.. Wala kang alam sa nararamdaman ko okay? At isa pa, hindi ako umaasa sa wala no!" sabi ko

"Bat mo naman nasabi? Type ka ba ni Jungkook?" tanong nya

"Well hindi man ngayon pero I'll make sure na I'll be his type" sabi ko at bumalik na ulit ako sa pag re-retouch

"Asa ka naman" natatawang sabi ni Taehyung

Hay nako.. Kala ko ba tutulungan nya ako kay Jungkook pero bakit parang tutol pa sya sa feelings ko para kay Kookie? Tss...

Taehyung's POV

Andito na kami ni Jennie sa loob ng condo unit ko at bakas sa mukha ni Jennie ang pagka-dismaya dahil nung pinuntahan namin ang unit ni Jungkook, wala pala sya doon dahil umalis sya kasama ang parents nya

Tsk! Tsk! Tsk! Kuwawang Jennie HAHAHA

"Kim Taehyung dito muna ako hihiga sa kama mo a" sabi ni Jennie at humiga na sya kaagad kahit hindi pako pumapayag

"Ano pa nga bang magagawa ko? Nakahiga ka na nga e" sabi ko pero hindi sya umiimik dahil para syang baliw na pinapa-ikot-ikot ang hibla ng buhok nya sa daliri nya

Umupo ako sa tabi ni Jennie na nakahiga sa pwesto ko

"Psst Oy! Ayos ka lang?" tanong ko

Tumingin sya saakin at sinabing "Sabi ko naman sayo diba...Pagod ako. Kaya bang hayaan mo muna akong magpahinga?" sabi nya sabay irap

Tumayo ako sa higaan ko at sinabing "Sige na nga.. Mag pahinga ka lang dyan.. Mamayang gabi na kita ihahatid sa inyo. Maliligo lang ako ulit" sabi ko at agad na tumingin saakin si Jennie

"Wait maliligo ka? Paano yung damit mo? Ano dito ka magbibihis sa tapat ko?" tanong nya

"Sira! Sa tingin mo ganun-ganun na lang yon kadali para makita mo yung pinaghirapan kong six pack abs?" natatawa kong sabi

"Six pack daw e wala naman" narinig kong mahinang bulong ni Jennie

"Wait til you see it" sabi ko napatingin si Jennie na nakataas ang kilay

"Wag kang mag-alala. Ang banyo at closet ko ay nasa iisang kwarto lang kaya hindi mo pa makikita tong abs ko" sabi ko sabay kindat at tumalikod na ako kay Jennie

¦

Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Pero hanggang ngayon, basang-basa parin ang buhok ko

Lumabas ako sa kwarto ng banyo ko habang pinupunasan ang buhok ko gamit ang twalya ko

Nagpunta naman ako sa kwarto ko para i-check kung anong ginagawa ni Jennie

Pinihit ko ang pintuan sa kwarto ko at nakita ko na natutulog ng mahimbing si Jennie sa kama ko

Na cu-cute-tan ako na nawe-weirdohan na makita kong natutulog ng mahimbing si Jennie sa kama ko knowing na sya lang ang tanging babaeng nakahiga sa kama ng isang Kim Taehyung

She should feel blessed

Pumasok ako sa loob at nung pagpasok ko, sinara at ni-lock ko ang pintuan

Hindi ako manyakis kaya wala akong balak sa kanya. Sadyang nakasanayan ko lang talaga na lagi kong ni-lo-lock ang pinto ko pag nasa loob ako

Lumapit ako sa natutulog na si Jennie at nung nakita ko na medyong nilalamigan sya, agad kong inayos ang comforter ko at kinumot ko ito sa kanya

Sino bang hindi lalamigin kung ang suot suot mo lang ay isang maiksing dress diba?

Halos ilang segundo ko ring pinagmasdan ang mala-anghel na itsura ni Jennie habang natutulog dahil ito lang ang tanging oras na kung saan hindi sya nagmumukang maldita kung titignan

Maya-maya, umalis na ako sa tabi nya at tumayo para kuhain ang cellphone ko para I-check kung anong oras na

Saktong pagkakuha ko sa phone, bigla akong nakarecieve ng tawag mula sa unknown number

Syempre out of curiosity na rin kaya sinagot ko na agad yung tawag

"Uhm.. Hello?" panimula ko

"......."

"Helloooo?"

"......"

"Sino ba to ha? Prank call ba to? Kasi kung prank call to, ibababa ko na to"

"I missed your voice Taehyung"

"Hello? Sino ba to?"

"......"

"Wait.. Your voice is quite familiar"

"Well you shouldn't forget my sweet voice tho"

"Irene!? Ikaw ba to!?"

call has been ended

- To be continued -

A/N:
Hi guyseuuuuuu! Kinilig ba kayo this chapter? Ako kasi medj lang, kase sumasakit ulo ko habang ginagawa ko to HAHAHAHA

Sinadya ko talagang gawing long chapter to coz I think you all guys waited so long for an update and I'm sorry for that :'<

Anyways, Thank you so much sa inyo dahil naka 3k+ reads na ang MTG :'>>

Sana wag kayong magsawang basahin tong ginawa ko :')

Please give votes and comments for this chapter. It will mean a lot to me. Thank you so much po ulit! 💕

Stay tuned for next updates 😉

Any thoughts about Irene calling Taehyung? HAHAHAHA #ImbyernaMuch 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top