[B-1] Chapter 15: Second Plan

Jennie's POV

Nakahiga ang ulo ko sa desk ko ngayon. Pumasok akong inaantok ngayong umaga nang dahil kay Mommy

Sino ba kasi ang hindi makakatulog ng mahimbing kung kinukulit ka ng nanay mo tungkol sa shota mong hindi mo naman talaga shota diba?

Arghhh

Taehyung's POV

Aligaga akong pumasok ngayon. Di ko alam kung dahil ba to kay Irene o may ibang dahilan pa

Gusto kong kausapin ng harap harapan si Jungkook dahil ang dami kong gustong sabihin ng personal sa kanya

Pumasok ako sa classroom at saktong nagtama ang paningin namin ni Jungkook pero agad nya itong iniwas

Lumapit ako sa pwesto nya at nakita ko naman na nakatingin silang lahat saamin ngayon

"Jungkook kailangan kitang maka-usap. Importante ang sasabihin ko sayo" mahina kong sabi sa kanya

Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya saka tinignan nya ako

"Siguraduhin mong importante yan" sabi nya at agad syang tumayo at lumabas ng classroom

"San kayo pupunta?" tanong ni Namjoon

"Wag kang mag-alala, hindi kami magpapatayan" sabi ko at sinundan ko na sa labas si Jungkook

"Bilisan mo ano bang sasabihin mo?" sabi ni Jungkook

"Tungkol kay Irene"

"Ano namang meron sa kanya?"

"Babalik na sya ulit dito. Hindi ko alam kung eksaktong kailan pero ang sabi nya uuwi sya"

"Taehyung anong gusto mong gawin ko?"

"Sinasabi ko to sayo para hindi kana mabigla pag dumating yung araw na yun"

"Matagal ko ng alam. Nung isang araw pa"

"Alam mo na!?" gulat tanong ko

"Wag kang mag-alala. Wala na akong pake sa kanya at wala na akong balak na habulin pa sya. Hindi na sya ang gusto ko Taehyung kaya naman solo mo na sya ngayon" sabi nya saka ngumisi sya at hinampas nya ng mahina ang balikat ko sabay pasok ulit sa loob

Pakiramdam ko tuloy ngayon para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi ni Jungkook. Nararamdaman kong ka-kaunti na lang at mababalik na sa dati ang samahan namin bilang matalik na kaibigan

Jungkook's POV

Umupo na ako sa upuan ko at bigla na lang akong nilapitan nila Hoseok, Jimin, at Yoongi

"Psst oy! Anong pinag-usapan nyo?" sabi ni Jimin

"Kaya nga.. Bakit kailangan sa labas pa kayong mag-usap?" tanong ni Yoongi

"Pero in fairness a, after how many years ngayon ko lang kayo nakita ulit na nag-usap ng ganon" sabi ni Hoseok

"Ang oa naman nung after how many years mo, pwede namang how many months diba?" sabi ni Jimin

Nakangiti lang akong tumingin sa kanila at sinabing "Wag kayong mag-alala. Okay na kami" sabi ko

Pare-parehas na naging blangko ang reaksyon ng mga mukha nila dahil sa sinabi ko

Ilang saglit pa, pumasok na ang Prof namin at nagsimula na ang klase

Jennie's POV

"Bakla bat ang tamlay mo today?" tanong saakin ni Rosé

Lunch break na namin pero hindi ko ginagalaw yung pagkain ko dahil wala akong ganang kumain sa sobrang sakit ng ulo ko

"Wala to. Ayoko munang kumain. Naka diet mode ako ngayon e" sabi ko pa

"Well.. If gusto mo magpaslim like me, why don't you come with me pag pupunta ako ng gym?" sabi ni Lisa

"Thanks but no thanks na lang" sabi ko

"Ano ba kasing dinadrama mo dyan ha? Kanina pa kita inoobserbahan e. May sakit ka ba?" sabi nya at agad na nilapag ni Jisoo ang palad nya sa noo ko at pinagkumpara nya ito sa kanya

"Hoy Jennie Kim! Nilalagnat ka!" sabi nya at napalingon naman saakin sila Rosé at Lisa

"Nilalagnat ka nanaman!?" sabi ni Lisa

"Pabalik-balik na yang lagnat mo a" sabi ni Rosé

"Ang o-oa nyo naman! Di pa ako mamamatay no. Ok lang ako" sabi ko pa

"Jennie ang init mo sobra! Pumunta ka muna ng clinic tapos mag pahinga ka dun. Kami na bahala sa next subjects na pupuntahan mo" sabi ni Lisa

"Ang kukulit nyo naman e. Ok nga lang ako" sabi ko

"Sigurado ka? Alam mo kasi magkatabi kami kanina ni Jungkook sa upuan and I think medyo masama rin yung pakiramdam kaya nung tinanong ko sya kanina ang sabi nya pupunta daw sya sa clinic" sabi ni Rosé

Agad akong napatingin sa kanya at sinabing "Nako Roseanne! Wag mokong inu-uto a!"

"Psh. Bahala ka. Kung ayaw mo edi wag mo. Katawan at kalusugan mo naman yan e" sabi ni Rosé sabay subo ng pagkain nya

"Hoy! Kung binabalak mo ng magpunta sa clinic ngayon, mas mabuti kung kakain ka muna" sabi ni Jisoo

"Tss.. Eto na nga o.. Kakain na'ko" sabi ko at nagsimula nakong kumain

Taehyung's POV

"Sigurado kayo!? Nanggaling mismo yun sa bibig nya!?" gulat kong tanong

"Tol, pati nga kami nagulat e. Tila may kung anong klaseng anghel ata ang sumanib dun" sabi ni Hoseok

"Isa pa, mukhang sincere talaga sya. Nagulat nga ako kasi may ngiti sa mukha nya nung sinabi nya yun e" sabi ni Yoongi

"Sigurado ba talaga kayong ok na daw kami!?" tanong ko

"E bakit kasi hindi na lang ikaw mismong magtanong dun?" nakataas kilay na sabi ni Jimin

"Pero may bumabagabag sa isip ko kanina e" sabi ko pa

"Ano?" tanong ni Hoseok

"Sinabi nya saakin na wala na syang pake kay Irene dahil may iba na daw syang gusto. Alam nyo, kung sino man yung babaeng yon, gusto kong magpasalamat doon dahil finally natapos na ang kabaliwan nya kay Irene" sabi ko pa

"Huh!? E wala namang nilalanding bago yang si Jungkook e" sabi ni Jimin
"Alam nyo mas mabuti na sa kanya na may bago na syang gusto at hindi na gaya dati na patay na patay sya kay Irene" sabi ni Yoongi

Lumabas na kaming apat sa cr at nagkanya-kanya na kami ng pinasukang room

Pumasok na ako sa next subject namin at ka seatmate ko ang pinaka mabait naming kakaklase

Si Rosé

"Si Jennie, kasama nyo ba kanina?" tanong ko sa kanya at umupo nako sa katabi nyang upuan

"Oo pero nasa clinic yun ngayon e. Nilalagnat kasi" sabi nya

"Ano? Nanaman!?" tanong ko

"Ang oa mo namang mag-react! Jowa ka? Shota ka?" natatawang sabi ni Rosé

Aishh

¦

Natapos na agad ang lahat ng klase namin ngayong araw kaya naman oras na ng uwian namin

At dahil nga nasa clinic nanaman si Jennie, pakiramdam ko, mamaya pa magigising yung babaeng yun duon sa loob

Agad na akong nag punta sa parking lot at minarapat ko na hintaying lumabas si Jennie para naman ako na ang maghahatid sa kanya pauwi

¦

6:30 na, I'm sure any minute now, lalabas na yung babaeng yon

Pinaandar ko kaagad at minaneho ang sasakyan ko at agad ko itong pinwesto sa tapat ng gate sa school para makita nya agad ako











Pero teka......

Bakit hindi lang si Jennie ang nakikita ko?

Bakit kasama nya si Jungkook?

Magkasama sila Jungkook at Jennie ngayon na naglalakad palabas ng gate at mukhang parehas silang masaya at nagtatawanan pa habang nag-usap

Tss. Magagawa ba nyang tunawa ng ganyan kung may lagnat talaga sya?

Mas minabuti ko ng umalis kaagad kesa naman sa makita ko pa kung gaano sila ka landi sa harap ko

Jennie's POV

Bago ang lahat, gusto kong pasalamatan yung bacteria o yung kung ano man yon na naging dahilan nang pagkalagnat ko ngayong araw dahil sa wakas

Nakausap ko ng matagal si Jeon Jungkook!!

Tanginaaaaa

Pero syempre in the outside kalmado lang ako the whole time nung kasama ko sya

Nasa bahay na ako ngayon at para akong tanga na nakasubsob ang buong pagmumuka ko sa unan ko habang tumitili

Alam kong para akong tanga, pero wala akong pake

Kinikilig ako :'>>

Ilang saglit pa may kung sinong buset ang biglang kumatok sa pintuan ko at natigilan ako sa pagkakilig

"Sino ba yan??" sigaw ko

"Nak ako to" sabi ni Mommy at binuksan nya ang pinto ng kwarto

"Ma naman ano nanamang kailangan mo?" sabi ko kay Mommy

"Ok ka na ba? Balita ko nilagnat ka daw kanina a?" nag-aalalang tanong ni Mommy

Bumangon ako sa kama at agad akong lumapit kay Mommy at hinawakan ang dalawang kamay nya

"Ma I'm fine~~ Really really fine~ Bigla ng nawala ang lagnat ko because of him" kinikilig kong sabi kay Mommy

"Him? Si Taehyung yan no?" sabi ni Mommy

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Mommy saka nagngiwi at napa-upo ako sa kama ko

"Ma labas ka ulit please. Sumakit ulit ulo ko e. I think I need to take a rest again" pag-aarte kong sabi

"Oo eto na lalabas na. Basta pag nagugutom ka at di mo kayang bumaba sabihin mo lang magpapadala ako ng pagkain mo dito kay Yaya" sabi ni Mommy at lumabas na sya sa kwarto ko

"Thanks Ma!" sabi ko at this time ni-lock ko na yung pinto para wala ng makapasok

Speaking of Taehyung, bat parang di nya ako masyadong kinukulit ngayon?

Tss. I'm gonna call him

"Hello?" sabi ko

"Anong kailangan mo?"

"Grabe naman to, di ka ba marunong bumati ha?"

"Psh. Kala ko ba may lagnat ka? Bat ka nag ce-cellphone?"

"Okay na ako. Nahanap ko na yung nagpagaling saakin e"

"Lul ang drama mo"

"Luh? Bat ang moody mo? Taehyung may regla ka ba?"

"Jennie may sasabihin ako sayo"

"Ano?"

"Libre ka ba this Saturday evening?"

"Uh... Oo naman. Bakit?"

"The second part of the plan came up already" sabi ni Taehyung na nagpa-kabog ng dibdib ko

"A-as in this S-saturday agad!?" kinakabahan kong tanong

"Oo. This Saturday ipapakilala na kita sa mga magulang ko as my girlfriend"

- To be continued -

A/N:
Excited na ba kayo for the next chapter? Hihihi :'> Be ready coz I'll make sure na kikiligin kayo sa next chapter :")

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top