[B-1] Chapter 13: Deal
Jisoo's POV
"Guys bilis! Bilis! Mag kumpulan kayo dito... May sasabihin akong importante sa inyo" nagmamadali kong tawag sa kanila pag pasok ko ng classroom
"Ang aga-aga may baon ka ng chismis agad" sabi ni Yoongi sabay hikab
"Hindi to chismis okay. Di ko nga alam kung dapat ko bang sabihing bad news to e" sabi ko
"Bakit naman?" sabi ni Namjoon
"Bago ako mag simula pwede bang i-promise nyo saakin na hindi makakalabas kahit kanino to lalong-lalo na kanla Taehyung at Jungkook?" sabi ko
"Tss.. No problem. Ligtas saamin yang sasabihin mo" sabi ni Jimin sabay ngisi
"Alam mo ikaw sa pag ngisi ngisi mo dyan, pakiramdam ko pag kakalat mo to" sabi ko
"Grabe ka naman sakin! Wala ka bang tiwala? Sige ka, aagawin ko si Seokjin sayo!" sabi ni Jimin
"Subukan mo lang!" sabi ko
"Ano ba kasi yang sasabihin mo? Nakakaintriga ka naman e" sabi ni Lisa
"Si Irene kasi e...... "
"Bakit!?" gulat na tanong ni Hoseok
"Ohmygod... Hearing her name hurts my eardrums" mataray na sabi ni Rosé
"Buhay pa pala sya" natatawang sabi ni Jin
"Pwede ba patapusin nyo muna ako bago kayo umentrada!?" sabi ko at nanahimik sila
"So Irene and I had a small talk yesterday. Actually nagulat ako dahil after 2 years.. Bigla na lang syang nagparamdam saakin"
"So anong pinag-usapan nyo?" tanong ni Jimin
"She told me that.... She's coming back.... For good"
"Ano!? Nababaliw na ba sya!? Pagkatapos nyang mag-iwan ng napakalaking gulo nung umalis sya babalik sya ngayon na parang wala lang nangyari!?" naiiritang sabi ni Lisa
"Pero bakit pa!? Akala ko ba.. Doon na sya sa states titira? E bakit ngayon babalik-balik pa sya? Ano? Manggugulo ulit sya?" sabi ni Namjoon
"Grabe naman kayo sa kanya.... Kahit papano naging kaibigan din natin yun a.. At isa pa.. Parang wala naman na syang intensyon na makipagbalikan kung sino man dun sa dalawa"
"Aba dapat lang no! Dahil sa kanya, halos mabaliw na si Jungkook nung iniwan nya sya. Si Taehyung naman kung hindi nya nalaman na umalis na si Irene dito sa Korea, hindi sya uuwi dito galing Japan" sabi ni Hoseok
"Jisoo.. Pano mo naman nasabi na wala na syang intensyon na makipagbalikan isa sa kanla Jungkook at Taehyung?" tanong ni Rosé
"Dahil sinabi nya saakin na kaya nya gustong bumalik dito dahil gusto nyang ayusin yung gulong ginawa nya."
"Psh.. Ang aga mo mag joke Jisoo.. Dyan na nga kayo. Mas gusto ko pang matulog kesa sa marinig ko yan" sabi ni Yoongi sabay tayo at umupo sya sa desk nya sabay higa
"S-seryoso ba sya!?" sabi ni Hoseok
"Sa tingin ko...Seryoso naman sya" sabi ko
"Uhm...Duh! Jisoo baka nakakalimutan mo? Nagawa na nyang magsinungaling sa atin noon. Isa pa, di ko nga alam kung pano natin naging kaibigan yan e" sabi ni Lisa
"Guys malay nyo naman nagbago na talaga yung tao diba? In fact, 2 years din syang nawala kaya possible na seryoso talaga sya" sabi ni Jimin
"Ewan ko a.. Pero sa oras na malaman to nila Taehyung at Jungkook, sigurado akong hindi nila gugustuhin makarinig ng balita tungkol sa kanya" sabi ni Namjoon
"Anong sinasabi nyo?"
Nagulat kaming lahat dahil sa boses na narinig naming lahat
Si Taehyung
"Ah.. Anong pinag-uusapan nyo? Anong sinasabi nyo na hindi namin gugustuhing marinig ni Taehyung yung alin?" nagtataka nyang tanong
Ilang saglit pa dumating na rin si Jungkook
"Oh? Bakit naririnig ko pangalan ko?" tanong nya
"E mukha atang binabackstab tayo ng mga to e" sabi ni Taehyung kay Jungkook
"Sabihin nyo na.. Ano ba yun?" seryosong tanong ni Jungkook
Shocks.. Pano namin lulusutan to?
Jennie's POV
Oh? Bakit nasa tapat ng pintuan sila Jungkook at Taehyung? Anong meron?
Naglakad na ako papalapit sa kanila at nakita na seryoso silang nag-uusap-usap ng mga kaibigan ko at kaibigan nila. Gosh may away ba?
"Sabihin nyo na kasi.. Ano ba yun!?" tanong ni Taehyung sa kanila
"Uhm.. Ano kase e.. A-ano kase.... " utal utal na sabi ni Jisoo
Ano bang nangyayari sa kanila?
"Guys anong meron?" entra ko
"Jennie~~~!" nakangiting tawag ni Jisoo saakin
Napatingin naman silang lahat saakin ngayon
"Bakit?" tanong ko kay Jisoo at sinenyasan nya akong pumasok sa loob "Hah?" sabi ko sa kanya at sinenyasan nya uli ako kaya naman naka-kunot noo akong pumasok sa room at tumabi sa kanya
"Huy anong nangyayari dito?" bulong ko sa kanya
"Sakyan mo lang sasabihin namin a. Maawa ka please. Ililibre kita ng kape sa Starbucks mamaya" bulong nyang sabi
"Hoy ano ba? Wala bang magsasalita sa inyo? Bakit nyo kami pinag-uusapan?" tanong ni Jungkook sa kanila. Gosh ang poging magalit ni Jungkook..
"Bro kase......" na-udlot na sabi ni Jimin dahil nagsalita si Jisoo
"Si Jennie!"
Lumingon ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat
"Ano!?" tanong ko
"Si Jennie kasi e.. May sinabi saamin"
Agad akong tumingin sa pwesto nila Rosé at Lisa pero tumatango lang sila saakin at parang sinasabihan ako na makisabay na lang ako sa mga walang kwentang sinasabi ni Jisoo saamin
"Uy Jennie diba.. May sinabi ka saamin tungkol sa kanila?" tanong sa akin ni Jisoo na nakangiting pilit na nakangiti sa akin
"Ah.. Ano ba ulit yun? Nakalimutan ko na yung sinabi ko sayo e" sabi ko sa kanya
Humarap sya sa dalawa at sinabing "Diba iisang grupo lang kayong tatlo?"
"O? Ano namang meron dun?" tanong ni Taehyung
"Sinabi kasi saamin ni Jennie na.. Ayaw nyang makipag participate sa grupo nyong tatlo" sabi ni Jisoo
ANO!?? KIM JISOO HUMANDA KA SAAKIN MAMAYA!
"Anong sinasabi mo dyan!?" bulong ko sa kanya
"Ayaw mo?" tanong ni Jungkook saakin
"Ah.......Kase..... "
"Jennie please sakyan mo na.. Malilintikan kaming lahat pag di mo sinakyan to" mahinang bulong ni Jisoo saakin
"Bakit Jennie may problema ka ba saamin?" tanong ni Taehyung
Napakagat labi muna ako at sinabing "Oo! T-tama ang narinig nyo! A-ayaw kong m-mag participate sa r-reporting dahil......... Ayoko" utal utal kong sabi
Nakita ko namang nakasalubong ang kilay ni Taehyung saakin habang si Jungkook naman naka taas ang isang kilay saakin. Si Jisoo naman nakangiting nakatingin saakin. Habang sila Lisa, Rosé, Jimin, Namjoon, Jin, at Hoseok naman ay natatawang nakatingin saakin
"Uh.... Yun lang ba? Fine.. Okay" kalmadong sabi ni Jungkook at pumasok na sya sa loob at nilampasan nya ako saka umupo sa upuan
Nagsi-alisan naman na sa pagkakagrupo sila Lisa, Rosé, Jimin, Namjoon, Jin, at Hoseok na umupo na sa kanya kanya nilang upuan habang si Jisoo naman naka lock-arm parin sa mga braso ko
Pumasok naman na rin si Taehyung sa loob saka sinabi saakin na "Grabe talaga ang katamaran mo sa academics Jennie Kim. Tsk! Tsk! Tsk!" sabi nya at nilagpasan nya ako saka umupo na sya sa upuan nya
Mabilis kong siniko ang tagiliran ni Jisoo at napadaing sya sa sakit
"Aray ko naman!" pabulong nyang arte
Bumitaw ako sa arm-lock nya saakin saka sinabing "Siguraduhin mong mabubusog ako sa ipapakain mo saakin mamaya sa Starbucks a!" bulong kong sabi sa kanya at um-oo naman sya kaya umalis nako at umupo na rin ako sa upuan ko
Taehyung's POV
Break time na namin ngayon at nasa labas na silang lahat kaya naman agad na akong sumunod sa kanila at sa paglabas ko nakita ko sila Namjoon at Jimin na nag-uusap
Lumapit ako sa kanila at pumagitna ako sa harap nila
"Hoy! Ano bang problema mo?" tanong ni Namjoon saakin
"Mga sinungaling kayo" sabi ko sa kanila sabay ngisi
Nagulat naman silang dalawa sa sinabi ko at natigilan sa paglalakad
"A-anong sinasabi mo dyan?" tanong ni Jimin
"Wag kayong mag-alala.. Hindi tatalab yung mga palusot nyo saakin kanina... Narinig ko lahat" sabi ko sabay talikod sa kanilang dalawa at naglakad palayo
Ang totoo nyan.. Di ko talaga alam kung ano ba yung pinag-uusapan nilang lahat kanina. Pero may kutob ako na tungkol kay Irene yon dahil parehas na nadamay yung pangalan namin ni Jungkook. Kaya baka pag sinabi ko sa kanila na narinig ko, paniguradong ikukwento nila yun saakin
Jennie's POV
Andito kami ngayon sa open garden ng school na malapit sa canteen. Sinabi ni Lisa na mas mabuting wag muna kaming makasama dun sa mga lalaki naming kaibigan para maiwasan nila sila Jungkook at Taehyung. Ano ba kasi talaga yung pinag-uusapan nila?
"Jennie salamat pala sa kanina a" sabi ni Jisoo na ngayon ay kumakain ng ramen sa tabi ko
"Salamat ka dyan, ilibre moko mamaya a. Pag ikaw tumalk-shit humanda ka saakin, isusumbong ko kayo ni Jin sa mga magulang nyo" mataray kong sabi sabay inom ng soft drinks
"Eto naman.. Syempre ililibre kita mamaya ng kahit anong gusto mo no" sabi nya
"Talaga? Kahit ano?" nakangiti kong tanong sa kanya
"Ay ang kulit? Alam ko namang kahit mayaman kayo saksakan ka ng kuripot kaya ililibre kita mamaya. Sama ba kayo Lisa, Rosé?" tanong nya
"Uh... I'm sorry di ako pwede e. May schedule ako ngayon sa gym kaya kailangan kong pumunta after school" sabi ni Lisa sabay kagat sa burger na hawak nya
"Paano mo ma a-achieve yung body goals na sinasabi mo kung panay lamon ka naman dyan?" tanong ko sa kanya
"Duh.. Jennie every morning na nga lang ako kumakain e. Isa pa, di nako nagahahapunan sa gabi and kailangan ko ng magka-abs dahil malapit na yung school outdoor activity natin. Dapat sexy ako pag dumating yung araw na yun" sabi nya sabay kagat ulit sa pagkain hawak nya
"Dami mo namang sinasabi pwede namang hindi lang sabihin mo e" sabi ni Jisoo at natawa naman kami ni Rosé at napa-irap lang si Lisa
"Ikaw Rosé? Sama ka ba?" tanong ni Jisoo
"Actually hindi rin e marami pakong gagawin. Alam nyo na.. Acads muna bago lakads" sabi nya sabay buklat ng pahina ng librong binabasa nya
"Hays... Mukhang tayo nanaman ang magkasama mamaya" dismayado sabi ni Jisoo
"Teka.... Tungkol saan ba kasi yung pinag-uusapan nyo kanina?" tanong ko. Napatigil naman sa pagkain si Jisoo at Lisa habang si Rosé naman huminto sa pagbabasa saka tumingin saakin
Uh... May problema ba?
"Jennie I think hindi mo rin mauunawaan if we tell you the truth" sabi ni Lisa
"Pero bakit kanina parang tense na tense kayong sumagot sa tanong ng dalawa? Siguro binabackstab nyo sila no? Ka-babae nyong tao ng babackstab kayo ng lalaki" sabi ko
"Sira! Hindi namin sila binabakstab loko ka!" natatawang sabi ni Rosé
"E ano nga? Ano ba kasi talaga yun?" tanong ko
"We're gossiping about our old classmate before na related kanla Taehyung at Jungkook kaya naman ayaw naming sabihin sa kanilang dalawa dahil I swear, they won't like it" sabi ni Jisoo at bumalik sya sa pagkain nya
"Okay fine... Di nako mangingialam sa sainyo. Basta Kim Jisoo yung Starbucks ko mamaya a!" sabi ko kay Jisoo
"Oo nga! Kahit ilang kape pa orderin mo mamaya, ako bahala sayo" sabi ni Jisoo
Natatawa akong napangiti kay Jisoo at ganon rin sya
¦
Uwian na at hinihintay ko na lang dito sa labas ng gate si Jisoo para sabay na kaming umalis
"Jen una na kami a?" sabi ni Lisa at bumeso naman sya sakin kasama si Rosé
"Sige sige ingat kayo" sabi ko at kumaway ako sa kanila
Ang tagal naman kumuha ni Jisoo ng libro sa locker nya. Aishh
Taehyung's POV
"Psst! Ano na!? Tara na umalis na tayo!" sabi ko kay Jimin na ngayon ay nasa loob ng banyo
"Teka saglit na lang!" sabi nya
"Ano ba kasing ginagawa mo? Jumejebs ka ba dyan? Ang tagal mo, dyan ka na nga!" sabi ko at sinipa ko ang pinto ng banyong pinaroroonan ni Jimin
"Buset ka! Eto na nga o! Lalabas na ako!" sabi nya at binuksan na nya ang pinto saka labas
"Ano? Success ba?" natatawa kong tanong sa kanya
"Bwisit ka! Tara na alis na tayo!" sabi nya at lumabas na sya sa cr at sumunod naman ako
"Punta tayo Starbucks pre!" pagyaya ko sa kanya
"Ikaw na lang! Ang daming kape sa bahay gagastos pa ba ako?" sabi nya
"Eto naman.. Kala mo ang hirap hirap! Boi ang yaman yaman mo tas ayaw mo mag kape sa Starbucks?" natatawa kong tanong sa kanya
"Ayoko munang gumastos ngayon. Saka na.. Sa sabado, yayayain ko kayong lahat, mag cu-clubbing tayo. Libre ko" sabi nya
"Naks naman! Yan gusto ko sayo e! Hahaha! Sige una na'ko, ipapa-gas ko pa sasakyan ko e" sabi ko sa kanya
"Sige ingat ka"
"Ge"
Naglakad na ako papunta sa parking lot ng school. Ayoko mumang umuwi ng bahay ngayon kaya naman hahanap muna ako ng pagtatambayan ko
Jennie's POV
Bumaba na ako sa sasakyan nila Jisoo at andito na kami sa labasan ng Starbucks. At kahit nasa labas palang kami, amoy na amoy ko na yung aroma ng kape. Shocks ang bango~~
"Ohmygadh!" sabi ni Jisoo at napalingon ako sa kanya
"Bakit?" tanong ko
"Uh..Jennie look! Andaming taong nakapila sa loob!" sabi ni Jisoo
"Bakla ka ang OA mo naman! Tara na pumasok na tayo! Pag di pa tayo pumasok ngayon, I'm sure mas hahaba pa lalo pila nyan" sabi ko at lumapit ako sa kanya sabay hila sakanya papasok sa loob
"Tara na!" dagdag ko pa at sumunod naman sya
Nakapila na kami ngayon at medyo mahaba-haba nga ang pila dito.
Nasa likuran ko naman nakapila si Jisoo na ngayon ay mukhang kausap ata si Seokjin sa telepono
Ilang saglit pa kinalabit ni Jisoo ang likuran ko. Lumingon ako sa kanya at sinabing "Bakit?"
"Ano kase e..... "
"Ano?"
"Si Jin kasi e.... "
"Kim Jisoo ano nga!?" itado kong tanong
"Si Jin kasi bigla na lang akong niyayang mag-date e.... "
"O! Ano naman ngayon?"
"E Jennie alam mo namang ayokong tanggihan si Jin pag dating sa ganyan"
"So ibig sabihin ba nyan...."
"Jen sige na please.... Bawi ako sayo next time. As is bawing bawi" sabi nya
Napa-irap ako sa kanya at tinaasan ng kilay at sinabing "Alam mo... Di nako magugulat pag magiging buntis ka ng maaga"
"Huy! Bunganga naman nito! Sige na Jen.. Please??????" pagmamaka-awa ng bruha
"Tss.. Ano pa nga bang magagawa ko? Yan yung nagpapasaya sayo e. Ano bang karapatan kong pagbawalan ka?" sabi ko
"Yieee!! The best best friend ka talaga!" sabi nya sabay yakap saakin
"Promise talaga... Babawi ako sayo next time!" sabi nya
"Sige na sige na! Umalis kana! Mamaya ako pa maging dahilan ng lq nyong dalawa" pabiro kong sabi
"Oo eto na nga aalis na" natatawa nyang sabi at bumeso na sya saakin at ganun rin ako at pagkatapos nun, umalis na si Jisoo
Hays.. Iba na talaga pag nagkashota na ang best friend mo. Nababaliwala ka na lang :'>
Shet.... Bigla akong naiihi
Aishhhh! Pag umalis ako dito sa pila paniguradong babalik uli ako sa dulo nito....
Ano bang magagawa ko? Ihing-ihi na ako at di ko pwedeng pigilan ang ihi ko dahil may UTI ako...
Ay ewan bahala na!
Nagmadali akong umalis sa pila at hinanap ang cr
At nung nakita ko na ito agad akong pumasok dito
Hays sa wakas na tapos din ~~~
At dahil nag ca-crave ako ng kape ng Starbucks ngayon, hindi pwedeng hindi ako uuwi sa bahay ng hindi na sa-satisfied ang cravings ko
Kaya naman binuksan ko kaagad ang pintuan ng cr saka lumabas dito
At nakita kong medyo mahaba ang pila kaya naglakad ako kaagad sabay bumalik sa pinakadulong pila. Hays bwisett~
Medyo bumibilis naman na ang daloy ng pila dito sa pwesto. Nilabas ko ang phone ko sa bag ko para i-check kung anong oras na
Gosh malapit na mag 7 o'clock ng gabi
Biglang dumulas ang cellphone ko sa kamay ko dahilan para mahulog ko ito sa lapag
Nakita kong may pumulot na ng phone ko kaya naman hindi ko na ito pinulot
"Miss phone mo" sabi nung lalaki
Wait.. Bakit familiar ang boses nya!?
"A.. Thank you" sabi ko at lumingon ako sa kanya
Shocks si Kim Taehyung
"Taehyung!?"
"Jennie!?"
sabay naming banggit ng mga pangalan namin
Napangisi si Taehyung at inabot nya saakin ang phone ko
"S-salamat" sabi ko sabay talikod sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong tanong nya
"Uhh... Diba obvious? Andito ako para mag-kape duh.." pagtataray ko
"Alam mo namiss ko yong pagtataray mo saakin" pabulong nyang sinabi sa mga tenga ko
Lumingon ako sa kanya at sinabing "Taehyung ang OA mo naman. Kakataray ko lang sayo nung isang araw a?" natatawa kong sabi
"Well...bakit? Bawal ko bang mamiss yung katarayan mo?" sabi nya sabay ngisi
Okay Jennie Kim.. Kalma.. Wag kang kiligin!
"Bahala ka nga dyan!" sabi ko sa kanya sabay talikod
Dalawang tao na lang at ako na ang susunod na o-order
Hayss salamat ~~
Okay.. Ako na sunod~
"Good evening ma'am! Welcome to Starbucks! May I take your order please?" sabi nung baristang nasa cashier
"Uhm... One Iced Caramel Macchiato please" sabi ko
"Name po nila?"
"Jennie. J - E - N - N - I - E" sabi ko
"Okay po. Bayad po nila?" tanong nya
"Teka" sabi ko at hinanap ko ang wallet ko sa bag ko
Shit... Where is my wallet!?
OH MY GOD!
Naiwan ko ata yung wallet ko sa sasakyan ni Jisoo
Shit... Shit!
"I'll pay for it. Paki-dalawa na lang ng iced caramel macchiato"
Nagulat akong napalingon kay Taehyung na ngayon ay kumukuha ng pera sa wallet nya. Tumingin sya saakin saka kumindat at napangiti
"Name po nila sir?" tanong nung barista sa kanya
"Taehyung. T - A - E - H - Y - U - N - G" sabi nya sabay abot ng bayad at kinuha ito ng barista saka alis sa harap namin para i-prepare ang mga inorder namin
Gumilid kami sa counter at hinintay ang inumin
"Next time kasi bago ka pupunta dito, siguraduhin mong may pera ka okay?" sabi ni Taehyung saakin
"May pera ako no! Naiwan ko lang yung wallet ko dun sa kotse ni Jisoo. Wag kang mag-alala. Babayaran naming kita e. Duh.." sabi ko sa kanya
"Tss.. No need. Treat ko na yan sayo" sabi nya sabay kindat
Pwede ba tigilan nyako sa pakindat-kindat nya? Naiirita ako..
Ilang saglit pa bumalik na yung barista, dala-dala ang mga kape namin
"Ma'am, Sir, here's your Iced Caramel Macchiato. Enjoy your drnks~" sabi nya
"Thank you" sabi ni Taehyung sa kanya at kinuha yung dalawang cup
"Look, mukhang wala ng upuan o" sabi ko
"Actually meron. Ayun o!" sabi nya sabay turo dun sa pangdalawahang upuan
"Uhm... Magkasama talaga tayong uupo?" tanong ko sa kanya
"Oo, nilibre kita diba?" sabi nya at nilagpasan nyako at naupo na sya sa pwestong nakita nya at sumunod naman ako
Dahan dahan akong umupo sa upuan at nakita ko naman na naka-upong nakatingin si Taehyung saakin ngayon
"B-bakit may problema ba?" sabi ko
Ngumisi sya at sinabing "Bat ganyan ka kumilos? Hanggang ngayon parin ba naiilang ka parin saakin?" natatawa nyang sabi
"A-ako? Maiilang? Sayo? Tss.. Hindi no. Ano ba Taehyung, ganto talaga ako" sabi sabay kuha sa cup ng inumin ko
"Uh.. Akin yan Jennie" sabi nya
"Excuse me?" tanong ko
"T-A-E-H-Y-U-N-G" sabi nya
Shocks oo nga pala! May pangalan pala yung mga cup namin. Aishh Jennie! Wag tatanga-tanga okay??
"Oo nga pala" sabi ko sabay balik nung cup at kuha sa inumin ko
Agad kong tinikman yung caramel macchiato ko. Gosh heaven~~~~
Nung napatingin ako kay Taehyung, nakita kong nakatingin nanaman sya saakin
Hayss.. Bakit ba sya laging nakatingin saakin ng ganyan? Alam ko namang maganda ako pero yung tingin nya kasi nakakatunaw e. Naiilang tuloy ako
"Ano nanaman ba Kim Taehyung?" sabi ko
"Jennie nakakalimutan mo na ba?" tanong nya saakin sabay inom ng inumin nya
"Ha? Nakakalimutan ang alin?" tanong ko
"Yung offer ko sayo before" sabi nya
Natigilan ako sa pagsipsip ko sa straw ng iniinom ko saka napa-tingin ako sa kanya
"Alin? Yung pag papanggap natin?" tanong ko
"Oo.. Baka nakakalimutan mo.. Ang daming benefits nung pagpapanggap na gagawin natin. Sasagutin ko acads mo dahil alam kong tamad ka pagdating doon at isa pa ilalakad pa kita kay Jungko----" di na natapos ni Taehyung ang sasabihin dahil nagsalita ako
"Okay fine..... Tinatanggap ko na... I'll be your temporary girlfriend"
- To be continued -
A/N:
Hi guys! I'm sorry if sobrang natagalan bago ako makapag-update ulit.
Sana naman kinilig kayo ng kahit 1% man lang this chapter HAHAHAHA
Bago ang lahat gusto munang mag pa thank you sa inyong lahat na readers ko dahil nakapag 2k+ reads na ang My Temporary Girlfriend. Thank you thank you po talaga :'>>>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top