[B-1] Chapter 12: Fever

Jennie's POV

Nakakagat labi akong umakyat mag-isa sa room, umalis nako sa gymnasium dahil nawalan ako ng ganang mag pe dahil sa resulta ng groupings. Hayss

Bago ako umupo, narinig kong may nagbukas rin ng pinto ng classroom. Unti unti kong nilingon ito kung sino ito

Si Jungkook

Pagkakita ko sa kanya, agad akong tumalikod at nagkunwaring may kinukuha sa bag

At nagsalita na sya

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya

"Bigla kasing sumama pakiramdam ko e, kaya hindi muna ako mag p-pe ngayon" nakaralikod kong sabi

"Okay" sabi nya at binuksan ang pintuan. Agad naman akong lumingon at nagsalita

"Jungkook!" pagpigil ko

"Bakit?"

"Ayos lang ba sayo na maging ka-grupo mo ako?" tanong ko

Napangisi sya at sinabing "Ako nga dapat ang nagtatanong sayo nyan e" sabi nya sabay labas ng pinto at isinara ito

Aishhh! Kung hindi lang sana dumagdag si Taehyung di na sana ako namomroblema nito. Hayss

Taehyung's POV

Andito ako ngayon nakaupo sa bench ng gymnasium habang pinapanuod ko ang mga kaklase namin nag p-pe.

Katabi ko naman si Hoseok ngayon sa upuan at ilang saglit pa, bigla nyakong inakbayan at sinabing "Uy! Pano ka nyan?"

"Huh? Bakit naman?" tanong ko

"Kagrupo mo si Jungkook o.. Ediba hindi pa kayo ayos nun? Ano ng balak mo ngayon?" tanong nya

Maya-maya umupo na rin si Jin sa tabi ko at pinagigitnaan nila ako

"May balak ka bang magpalipat? Makipagpalit ka kay Jimin, mukhang ayaw nya sa grupo nya e" sabi ni Jin

Inalis ko ang kamay ni Hoseok na naka-akbay saakin at sinabing "Hyung.. Ayos lang.. Wala naman akong problema sa kanya e. Sya ata ang meron kaya sya dapat ang tinatanong nyo nyan" sabi ko sa kanila sabay alis

Umalis ako ng gymnasium at pupunta ako ngayon sa cr para magpalit ng pe uniform to school uniform

Bago ako maka-akyat, nakasalubong ko si Jungkook sa may hagdanan

Hindi kami nagpansinan kaya naman nilampasan lang namin ang isa't isa at nagpatuloy ako sa pag-akyat

Pagkatapos kong magpalit, agad na akong pumunta sa classroom, hindi na ako baba uli dahil wala na akong gana mag pe

Pagpasok ko sa room, hindi ko inaakala na andito rin pala si Jennie sa loob na mukhang nakatulog sa desk nya

Unti-unti ko syang nilapitan sa pwesto nya

At dahil nga magkatabi lang ang mga upuan namin, umupo ako agad at pinagmasdan ko ang pagtulog nya na nakatapat saakin

Sinubukan kong ilapat ang mga kamay ko sa pisngi nya pero bakit parang may iba?

Bakit ang init ng pisngi nya?

Sunod kong hinawakan ang noo nya at pinagkumpara ko ito saakin. Ganon rin, mas mainit ang temperature nya kesa saakin

Agad agad akong tumayo at lumabas ng classroom

Pupunta ako ngayon sa clinic para manghingi ng gamot sa sakit ng ulo

Andito nako sa tapat ng clinic at pumasok na ako

"Good afternoon po. Pwede po bang manghingi ng gamot sa sakit ng ulo?" tanong ko

"Para sayo ba?" tanong nung nurse

"Ah.... Opo" sabi ko

"Teka lang.." sabi nya at kinuha ang gamot sa cabinet

Inabot nya ang gamot saakin at sinabi "Pagkatapos mo inomin yan bumalik ka dito kung masama parin pakiramdam mo" sabi nya

"Sige po, Salamat. Mauna na ako" sabi ko at lumabas na ako ng pinto

Mabalis akong tumakbo papuntang classroom

Pagpasok ko, natutulog parin si Jennie hanggang ngayon

Lumapit ako sa pwesto nya at nilapag ko ang gamot sa desk nya kung saan agad nya itong makikita pag gising nya

Hinawakan ko ang buhok nya at hinamas ko ito ng mahina, gumalaw sya ng unti at akala ko nagising ko sya pero binaling nya ang ulo nya sa kabilang direksyon at natulog uli

Ningitian ko sya saka lumabas uli ng classroom

Bababa uli ako papuntang gymnasium dahil baka mamaya pag may nakakita saamin na magkasama sa room, baka mamaya kung ano-ano na ang isipin nila

Pagpasok ko sa gymnasium bigla akong sinalubong ni Rosé at Jisoo

"Taehyung nakita mo ba si Jennie?" tanong ni Jisoo

"Uh.. Oo andon sa room natutulog ata" sabi ko

"Ano naman ginawa mo dun?" tanong ni Rosé

"Nagpalit ako ng pe ko at binalik ko yung damit sa room" sabi ko

"Ahh.. Okay" sabi ni Jisoo

Tsk! Eto na nga ba yung sinasabi ko e. Hayss

Ilang saglit pa, bumalik na uli si Prof at sinabing "Umakyat na kayo sa classroom nyo. Tapos na ang oras ng PE nyo" sabi nya at tumango naman kaming lahat at umalis na sa gymnasium

Jennie's POV

Agad kong minulat ang mga mata ko at ininat ko ang mga buto ko. Argh! Ang sakit ng ulo ko~~~

Pagkalingon ko sa desk ko, nakita ko ang isang tablet ng gamot, kinuha ko to at pinagmasdan

Bakit may ganito dito?

Sino kaya nagbigay saakin nito?

Omg...

No way...

Hindi kaya si Jungkook ang nagbigay nito!? Yieee sana nga~~

Ilang saglit pa, nagsibalikan na ang mga maiingay kong kaklase

Hinanap naman ng mga mata ko ang presensya ni Jungkook at nung nakita ko sya, hindi ko na magawang alisin ang paningin ko sa kanya

"UY!" malakas na sabi ni Jisoo

"Bwisit to nakakagulat ka naman e!" sabi ko

"Sorry na Hahaha! Tara na lunch na tayo" sabi nya

"Kayo na lang, masakit pa ulo ko e" madrama kong sabi sabay lapag uli ng ulo ko sa desk

"Edi mas lalong sasakit yang ulo mo kung hindi ka kakain"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig kung kaninong boses yun nanggaling

Unti unti kong inangat ang ulo ko at unti unti rin akong humarap sa gilid ko

Nakita kong nakatingin si Taehyung saakin

Pagkatapos naming mag eye contact, tumayo sya agad at lumapit kanla Jin at Yoongi sabay labas sa pinto

HAY SALAMAT!! NAMANSIN RIN SA WAKAS TONG BWISIT NA TOH

"O ano? Kakain ka ba o hinde?" nakangiting sabi ni Jisoo

Ngumiti na rin lang ako at sabay sabay na kaming lumabas
























Andito na kami ngayon sa pwesto namin sa canteen

And guess what..

KATABI KO NGAYON SI JEON JUNGKOOK SA UPUAN!!

okay Jennie, kalma. Kalma lang. Kaya mo to! HAHHAHAHA

kumakain na silang lahat habang yung iba nag-uusap, lalo na yung mag jowa -.- Hay nako.. Sana balang araw maging ganyan rin kami ni Kookie. Char! AHAHHA




Tapos na ako kumain ngayon at iinumin ko na yung gamot

Wait.. I think alam ko na kung kanino to galing OMG

"Jungkook, salamat nga pala dito sa gamot a" mahina kong sabi sa kanya

"Huh? Anong gamot?" nagtataka nyang tanong

"Eto o" sabi ko sabay pakita nung gamot

Natawa sya ng konti at sinabing "Hindi sakin galing yan Jennie" sabi nya sabay kuha ng phone nya

OMG!

E kung hindi sya.. Sino!?

"Ah ganun ba?" sabi ko with dismayadong tone

"Alam mo sa tingin ko masakit pa yang ulo mo, kaya inumin mo na yan saka pumunta kana sa clinic" sabi nya
Sabagay may point sya

Ininom ko na yung gamot at pagkatapos nun bumulong ako kay Lisa na sa clinic lang muna ako mag sta-stay haggang uwian dahil hindi ko ata kakayanin ang sakit ng ulo ko lalo na kapag tumuloy pako sa next class namin












Pumasok na ako sa may clinic

"Anong kailangan mo?" sabi nung nurse

"Ah.. Masakit pa kasi yung ulo ko e, di ko po alam kung nilalagnat ba ako o dahil lang to sa init" sabi ko

"Sige halika dito" pinaupo nya ako sa tapat nya at kinapa nya ang leeg at noo ko

"Ang init mo naman sobra" sabi nya. Ikr! I'm so hot talaga

"Eto, inumin mo tapos magpahinga ka dyan sa kama" sabi nya sabay abot ng gamot

"Ah.. Hindi na po! Naka-inom na po ako pagkatapos kong kumain kanina" sabi ko

"Osige duon ka na muna sa kama. After 2 hours pwede ka ng bumalik sa room nyo" sabi nya

"Sige po" sabi ko at humiga na ako sa kama

2 hours? No way! Ayoko ng 2 hours lang.. Meron pa kaming 4 na klase ngayon which is equivalent to 4 hours kaya sisiguraduhin ko na makakatulog ako dito ng 4 hours at hindi 2 hours hahaha
















¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Jennie!"
"Miss Jennie Kim 6:30 na!"
"Mukhang ayaw magising nito, ikaw nga!"

"Jennie! Jennie gising na kanina pa uwian at oras na ng uwi namin kaya gumising kana"
"Jennie!!"

Nagising ako at mabilis na napa bangon

"I'm sorry po, I'm sorry" sabi ko habang nagmamadaling magsapatos

"Okay lang yun, sa inyo mo na lang ituloy yang pagpapahinga mo para tuloy tuloy ang paggaling mo" sabi nung nurse

"Sige po maraming salamat. Alis na po ako" sabi ko sabay labas


Aish! Ano kaba Jennie Kim!? Yung 4 hours mo naging 5 hours. Aishh!

Gosh.. Wala nga pala akong kotse ngayon.. Hayss.. Mag cocomute nanaman ako. Huhu








Pagkalabas ko ng gate sa school. Umupo muna ako sa waiting area dito sa labas dahil bigla nanaman akong nakaramdam ng pananakit ng ulo at pagkahilo

Ilang saglit pa, nakarinig akong ng malakas na busina na gumising sa diwa ko

May sasakyan na nakahinto sa harapan ko at unti-unting bumababa ang bintana nito

"Sumakay ka na"

Nagulat ako ng makita kung sino yung lalaki sa sasakyan






Si Taehyung

"A-a-ano?" utal kong sabi

Ngumisi sya at sinabing "Gabi na, ihahatid na kita sa inyo" sabi nya at unti-unti ng umangat yung salamin ng bintana nya

Mabagal akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad papunta as sasakyan

Hinawakan ko na ang handle ng sasakyan nya at napahingang malalim naman ako bago sumakay

Binuksan ko na ito sabay sakay







Naka-upo na ako ngayon kasama nya sa front seat at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi parin kami umaandar

Dahan dahan ko syang nilongon at sinabing "Bakit di pa tayo umaalis?" tanong ko

"Good question. Hindi ka pa kasi naka seatbelt" sabi nya

Agad kong tinignan ang sarili ko at agad kong hinila ang seatbelt pero hindi ko ito mahila kahit anong klaseng hila ang gawin ko

Tinanggal naman ni Taehyung ang seatbelt nya at lumapit sya saakin as in sobrang lapit saka hinila ang seatbelt at isineatbelt nyako. Hayss kala ko kung ano

Pinaandar na nya ang sasakyan at sinabing "Tsk. Wala ba kayong kotse? Bat hirap na hirap kang mag seatbelt?"

"E ikaw? Bakit mo to ginagawa? Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin? Akala ko ba hindi mo na ako papansinin?" seryosong tanong ko

Nilingon ako ni Taehyung at bigla syang natawa

Bakit sya tumatawa?

Nasisiraan na ba sya?

"Grabe ka Jennie Kim, Sineryoso mo talaga yung sinabi ko sayo!? HAAHAHAHA!" tumatawa nyang sabi

Aba bwisit to a!

Sinuntok ko ng malakas ang kaliwa nyang braso

"Aray ko!!!" sabi nya sabay himas ng braso nya

"AKALA MO NAKAKATUWA KA!? HINDI MO BA ALAM NA HALOS MABALIW AKO DUN SA SINABI MO NUNG ISANG ARAW HA!? ALAM MO BANG IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NANAKIT NG LALO TONG ULO KO HA!? ALAM MO BA YON!?" sigaw kong sabi

"Kalma lang okay" natatawa nyang sabi

Sinuntok ko uli ang braso nya at sinabing "KALMA!? PAANK AKO KAKALMA!? BWISIT KA PAG AKO NA CONFINE NGAYONG GABI AT NAMATAY, MUMULTUHIN TALAGA KITANG HAYOP KA!" sabi ko

"Alam mo effective din pala yung sinabi ko sayo no? Edi nakapagpahinga rin yung tenga ko sa ingay ng boses mo, Nakakamiss rin pala yung talak ng bunganga mo noh?" sabi nya sabay lingon saakin at ngiti

"Tumabi ka! Ibaba mo ko dyan sa tabi! Mas gugustuhin ko pang umuwi mag-isa kesa sa sumakay dito kasama ka!" sabi ko

"Paano kung ayaw ko?" sabi nya

"Gusto mo bang mabugbog ha!?" sabi ko naman

Lumigon sya saakin at sinabing "Jennie magpasalamat ka na lang dahil iuuwi kita sa inyo, isa pa, di mo ba alam na saakin galing yung gamot na ininom mo kanina?" sabi nya sabay ngisi at tingin sa kalsada

"Ano? Sayo galing yun!?" tanong ko

"Tss. Bakit? Akala mo siguro kay Jungkook galing yun no?" tanong nya

"Ha? H-hindi noh! Akala ko nga sila Lisa nagbigay nun e" sabi ko

"Pero pano mo nalaman na kailangan ko ng gamot?" dagdag ko pa

"Na panaghinipan ko kasi na meron daw akong kaklaseng lalagnatin ngayon, so feeling ko ikaw yun, at tumama ako" sabi nya

"Sinungaling" sabi ko sabay sandal sa upuan

"Wow Grabe! Thank you a?" sarcastic nyang sabi

"Thank you" mahina kong sabi

"Huh? Ano ulit?"

"Sabi ko thank you" sabi ko

"Di ko marinig. Ano?"

Nilapit ko ang bigbig ko sa tenga nya at sumigaw ng "THANK YOU SO MUCH KIM TAEHYUNG! HULOG KA NG LANGIIIIIT!~" sabi ko sabay sandal uli. Tinignan ko uli sya at inirapan




















"Sige na bumaba kana" sabi ni Taehyung

"Sige thank you ulit. Ingat ka" sabi ko at bumaba na ako

"Noted po boss!" sabi nya at nagkangitian pa kami bago ko isara ang pinto



Umalis na si Taehyung at pumasok nako sa bahay

Ilang saglit pa, naka tanggap ako ng text galing sa kanya

Taehyung:
Sorry dahil sa sinabi ko sayo nung isang araw. Hindi ko naman alam na seseryosohin mo yun e. But seriously, seryoso ako duon, it's just that, namiss ko bigla yung pag-uusap natin kaya di ako nagtagal at pinansin uli kita.

Taehyung:
Magpahinga ka na, alam kong stressed kana this past few days. Pag galing ka kaagad, partner :)

Jennie:
Thank you para sa kanina :)
Seen





Jisoo's POV

Irene:
Hi Bessy! 💖💖💖💖💖

Jisoo:
Oh! Hi Irene :)
Kamusta ka dyan sa states?
Bakit napa-chat ka?
May problema ba dyan?

Irene:
Wala naman

Irene:
Actually may good news ako :)

Jisoo:
Ano yun???
Ipapadala mo na ba yung regalo mo for me? HAHAHA

Irene:
Nope. Mas good news pa dyan

Jisoo:
Eh ano nga? HAHAHA

Irene:
BABALIK NA AKO DYAN!
DYAN ULI AKO MAG-AARAL!! :)))

Jisoo:
What!?

- To be continued -

A/N:
Hi guys! 😊😊 Sorry if ngayon lang naka-update uli. :))

Btw, any thoughts about this chapter?
Paano ba yan babalik na si Irene.. Ano kaya magiging reaction nila Jungkook at Taehyung pag nalaman nila to?
HAHAHA

Stay tuned for next updates guys :)

LABYU ALL! 💞💞💞💞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top