[B-1] Chapter 10: Feelings

Jennie's POV

"Jennie??"
"Ma'am Jennie!!"
"Gising na po! Tanghali na!!"
"Ma'am gumising na kayo pleasee"

Ughhhh!! Umagang-umaga ang ingay ingay!!

"Ma'am Jennie Gising na po! " sabi ni Yaya sabay katok ng malakas sa pinto ko

"YAYA PLEASE PWEDE BANG WAG KANG MAINGAY!!? iritado kong sigaw habang nakapikit ang mga mata ko

"Ma'am sorry po.. Pinapagising ho kasi kayo ng Daddy mo saakin e"

WAIT WHAT!? ANDITO NA SI DAD!?

Dali dali akong napabangon sa kinahihihigaan ko at dahil duon pinagbuksan ko ng mabilis si Yaya sa pinto

"Andyan na si Dad!?" gulat kong tanong

"Opo kaninang 7:00 lang po dumating" sabi nya

"Wait.. 7:00? Bakit anong oras na ba?" tanong ko

"Mag e-eleven na po" sabi ni Yaya

"Uh.. Sige pakisabi kay Daddy susunod nako, maghihilamos lang ako" sabi ko

"Sige po Ma'am" sabi ni Yaya saka baba ng hagdan

Agad kong sinara ang pinto at nag punta ako sa cr para maghilamos

Ilang saglit pa.. Nang matapos akong maghilamos kinuha ko muna ang phone ko para icheck if I have messages ba.

Well malamang wala dahil hanggang ngayon I'm sure mga tulog pa yung mga kaibigan ko

Bumaba na ako ng hagdan at nagpunta sa dining area

"Oh Jennie.. Gising kana pala" sabi ni daddy na naka-upo sa dining area habang nagbabasa ng news paper

"Yes dad I'm awake" sabi ko at lumapit ako sa kanya sabay beso at upo sa upuan

"Dad I thought sa Wednesday pa ang balik mo?" tanong ko

"Well napa-aga yung tapos ng business trip namin that's why I'm here already" sabi ni Dad

"Ah okay" sabi ko sabay subo ng pagkain

"Eh si Mommy nasaan?" dagdag ko

"Kaya kita pinapagising sa Yaya mo dahil aalis tayo ngayon at may pupuntahan tayo kung saan nauna na ang Mommy mo" sabi ni Dad. "So that's why bilisan mo na" dagdag pa nya sabay tayo at alis

Pagka-alis ni Dad, ilang saglit pa.. Tumayo na rin ako at umakyat sa kwarto ko. Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil wala ako sa mood kumain

Nakaligo na ako ngayon lahat lahat at hinihintay ko na lang na ipatawag uli ako ni Daddy

Gosh... Ang sakit parin sobra ng ulo ko dahil sa alak kagabi

SHIT.. BIGLA KONG NAALALA YUNG GINAWA KO KAGABI KAY TAEHYUNG

SHITTTTTTTTTT

WHY DID I EVEN KISSED HIM!???

"Ma'am tawag na po kayo ni sir sa garahe" sabi ni yaya sa pinto

"Coming" sabi ko

Taehyung's POV

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko si Mama

"Ma naman bakit mo pa ko dinala dito? May pagkain naman sa bahay bakit dito pa tayo?" tanong ko

"Pwedeng manahimik ka dyan? Isa pa may atraso ka pa saamin ng Papa mo kagabi. Akala mo di ko alam na uminom ka at madaling araw kana umuwi?" galit na sabi ni Mama

Oo nga pala nahuli nila akong umuwi ng madaling araw at amoy alak kagabi. Hay nako..

"Ma at least hindi ako lasing diba?" sabi ko at bigla na lang akong pinalo ni Mama at sinabing "Sa susunod na uuwi ka pa ng ganong oras sisiguraduhin ko na duon ka mag-aaral sa Japan kasama mga pinsan mo" sabi nya sabay walkout sakin. Mga babae talaga ang hilig mag walkout

Jennie's POV

Andito na kami ngayon sa building ng kakainan namin. Well actually kanila Taehyung tong building dahil pagmamayari to ng Kim Enterprises

Mayaman rin sila gaya namin pero syempre mas mayaman kami. Papakabog ba ang kumpanya namin? HAHAHA

Bumaba na kami ni Dad sa sasakyan at pumasok na sa loob.

Sa totoo lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Siguro dahil nahihiya akong iharap tong pagmumukha ko kay Taehyung dahil sa kagagagahang nagawa ko kagabi....

Aishh.. Erase! Erase!

"Finally andito na kayo!" sabi ni Mommy at sinalubong kami

Paglingon ko sa kanan ko... Ayon... Nakita ko si Taehyung pero this time.. Hindi sya nakatingin saakin.. Buti naman.

Nagmadali akong nagpaalam kay Mommy na mag c-cr muna ako dahil hindi ko pa talaga kayang humarap kay Taehyung ngayon...

Taehyung's POV

Okay I admit. I already saw Jennie earlier sa labas and alam ko rin na she went to the comfort room dahil sa hiya

How did I know?

Siguro kase halatang halata sa mukha nya at sa mga kilos nya na kinakabahan syang makita ako after what she did to me last night

Inaamin ko medyo naiilang na ako sa kanya ngayon

Saktong pagka-angat ng ulo ko, nakita ko kaagad si Jennie na nakatayo kasama ang Mommy nya sa gilid ko

I looked at her and she was also looking at me pero agad kong iniwas ang tingin sa kanya

"Tara na kumain na tayo" nag-aayang sabi ni Mommy na naka-upo sa tapat ko. Di ko sya katabi sa upuan dahil ang katabi ko daw dapat ay si Jennie. And I don't know why

At umupo na nga si Jennie sa tabi ko. Hindi sya tinitignan pero nakikita ko sa gilid ng mga mata na nakatingin sya saakin nung umuupo sya

Jennie's POV

Shocks naman e.... Sobrang awkward nito pucha...

Pero mas okay na yung ganito.. Wala kaming naririnig sa isa't-isa.. Haysss

Kumakain na kami ngayon and sa pagmamasid ko.. As usual ang ingay ng mga magulang namin habang kami Taehyung, ayun.. Nga nga..

As of what I heard kaya ganito ka-close yung mga parents namin its because of the partnership of our family business

What do I expect? Both of our families needed each other




Ilang minuto na ang nakalipas at maya maya pa ay aalis na rin kami. I still don't get it bakit hanggang ngayon ini-isnob parin ako ni Taehyung..

Sobrang awkward talaga dito.. Gusto ko ng umuwi at matulog. Ughhhh

At dahil nga pakiramdam ko na su-suffocate ako dito I decided na lumabas dito para makasagap ng fresh air

"Ma labas lang ako saglit" bulong kay Mommy

"Sure basta bumalik ka agad a" sabi nya at tumango naman ako sabay tayo sa upuan ko at lumabas

Taehyung's POV

When Jennie stood up, alam kong naramdaman rin nya yung nararamdaman ko.. Awkwardness

Kaya napagdesisyonan ko na umalis na rin at umuwi. Parang gusto ko lang magpahinga ngayon dahil nakakaramdam parin ako ng hilo at antok dahil kagabi

"Ma, Pa. I'll go ahead" sabi ko

"Mag-iingat ka sa pag-uwi" sabi ni Mama at napatango naman ako

"Tita, Tito. Una na po ako" sabi ko at nag-bow sa harap nila saka umalis











Saktong paglabas ko bumungad saakin si Jennie na nakatingin saakin pero di ka sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad



Ilang saglit pa...

I heard Jennie calling my name

"Taehyung saglit!" tawag nya

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at sinabing "Bakit?"

Lumapit sya saakin ng kunti. "Ok ka lang?" nagtataka nyang tanong

Napangisi ako at sinabing "Oo naman.Bakit mo naman natanong out of the blue?"

"Kasi all this time you're not talking to me, hindi mo ako pinapansin. Parang dinededma mo yung existence ko kanina sa loob" malungkot nyang sabi
"Ah yun ba? Wala lang talaga ako sa mood ngayon e" sabi ko sabay talikod sa kanya pero nagsalita uli sya

"Bakit ka ba nagkakaganyan? It is because of that damn kiss!?" sabi nya at dahil don nilingon ko sya saka nilapitan

"Anong sinasabi mo? That kiss was nothing to me. Yes I enjoyed it pero na realize ko na mali na ganon yung maramdaman ko dahil kaya mo lang nagawa yun dahil dulot yon ng alak. And I shouldn't take advantage of that" sabi ko

"Eh ano ngang dahilan mo!?" tanong nya

"After all this time Jennie, narealize ko na masyado yata akong naging feeling close sayo simula't simula pa lang. I made very uncomfortable with me and I even made you hate me. Pagkatapos ng isang linggo na pagkakakilala natin, I think mas mabuti na maging ganito na lang tayo palagi" sabi ko

"W-what do you m-mean?" tanong nya

"Gaya ng kanina. Hindi naguusap, hindi nagkikibuan, hindi nagpapansinan. And just like now, small talks lang" sabi ko

"Look.. Taehyung I'm sorry if I made you feel that way. Sorry rin about what I did to you last night. Tama ka, it's because of that stupid alcohol" sabi nya napayuko sya ng bahagya

Hinimas ko ang balikat nya at napatingin sya saakin. "It's fine. I'll go ahead now" sabi ko at tumalikod na ako sa kanya

Habang naglalakad ako papuntang parking lot, pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan after kung masabi ang mga gusto kong sabihin kay Jennie.

Gaya nga ng sabi ko mas okay saakin na maging ganun na lang kami gaya kanina





Dahil habang maaga pa, kailangan kong pigilan ang namumuong feelings ko para kay Jennie

- To be continued -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top