[B-1] Chapter 1: Her

Jennie's POV

"Miss Kim! Are you sleeping in my class again!?" Bungad saakin ng gumambala sa tulog ko, si Ma'am Sandra

Sino bang hindi aantukin sa lesson nya? First period na first period, History agad yung topic nyo sa umaga. Isa pa, nasa pinaka likuran naka-pwesto yung upuan ko at tanging pader at bakanteng upuan lang ang katabi ko don. Kaya sinong hindi makakatulog duon!?

"Ma'am I'm sorry po" sabi ko sabay kusot ng mata ko

"Besides, sinong nagsabi sayo na may karapatan kang matulog sa oras ng klase ko!? Kung pumasok ka lang para ipikit yang mga mata mo, mas mabuti pa siguro na doon ka magpalipas ng oras sa clinic kesa naman sa nandito ka nga pero yung isip mo naman absent dahil naglalakbay ka sa panaghinip mo!" sigaw saakin ng mataray na si Ma'am Sandra

"Ma'am I'm sorry, hindi na po talaga mauulit" sabi ko habang nakayuko. Alam kong pinagtitinginan na'ko ng mga kaklase ko ngayon dahil sa pinagsasasabi ni Ma'am Sandra saakin

"You should be Miss Kim! Dahil sa susunod na mahuli pa kitang matutulog, I'll make sure na hindi ka makakapasa saakin this quarter" sabi nya at dahil doon, bigla na syang nag walk out palabas sa classroom namin

Napa-irap na lang ako sa kanya after nyang mag walk out. Kung alam lang sana nya yung mga dahilan ko para mapuyat ng ganto, siguro maiintindihan nya ako. Eh ano na nga bang magagawa ko? Hays...

Pagkalingon ko naman sa kanan ko, nakita kong nakatingin saakin yung tatlong bwisit kong mga kaibigan na sila Rosé, Jisoo, at Lisa

"O Ano? Tingin na tingin nanaman kayo sakin? Gandang-ganda ba kayo?" sabi ko habang nakataas yung kanang kilay ko. Natawa naman si Jisoo sa sinabi ko dahilan para mapatayo sya sa upuan nya papunta sa pwesto ko

"Alam mo ikaw, kung hindi ka lang mayaman, hindi talaga kita kinaibigan e." pabirong sabi ni Jisoo saakin at dahil don natawa at napa apir naman sa isa't-isa si Rosé at Lisa. Inirapan ko na lang silang tatlo to the highest level.

"Pano ka tuloy magugustuhan ni Jungkook nyan kung puro tulog ka?" pabulong na sabi sakin ni Jisoo. Sa mga oras na toh, gustong-gusto ko syang sabunutan ngayon dahil sa pangbibwisit nya sakin ngayon

Oo... May crush ako kay Jungkook. Like sino bang hindi mahuhulog sa kanya? Bukod sa mayaman ang pamilya nya, matalino, responsable, talented, mabait, at sobrang pogi nya, wala nakong hahanapin pa. Swak na swak sya sa taste ko.

Bukod pa don, tropa nya yung lima pang pogi na lalaki na sila Namjoon, Hoseok, Jin, Yoongi, at Jimin na kaklase rin namin. Sabi nga ng iba, itong classroom daw namin ang pinaka gusto nang lahat dahil sa andito ang mga pinaka poging mga lalaki na nag-aaral sa eskwelahan na toh, andito rin yung pinaka magandang estudyante na meron ang school na to. Walang iba kundi AKO.

"Pwede ba tantanan nyoko!? Umagang-umaga ang lalakas nyong mang bwisit" sabi ko sa kanilang tatlo

"Grabe naman toh di mabiro. Sige na nga dyan ka na, Mamaya ka nalang namin kakausapin pag nahismasan kana" sabi ni Jisoo at bumalik na sya sa inuupuan nya at kanla Rosé at Lisa na sya nakipag daldalan.

Bigla namang pumasok yung susunod na teacher. And guess what? After ng History class na pinaka unang hate ko sa lahat sumunod naman na subject namin this time ay Mathematics which is ang second na pinaka hate kong subject sa lahat. Need kong makinig para naman kahit papano pag-uwi ko nang bahay mamaya may masabi naman akong bagong natutunan this day.

12:30 na ng tanghali at oras na namin para kumain ng lunch. Niyaya ko silang tatlo na kumain kasama ko sa canteen at pumayag naman sila.

Pag dating namin sa canteen naghanap kami ng bakanteng upuan para saaming apat. And OMG may bakanteng table na malapit sa pwesto nila Jungkook. "Uy Lisa! Dito na kayo umupo oh!" sabi ni Jimin saamin

"Ah hindi na nakakahi----" di na natapos ni Lisa sasabihin nya dahil siniko at tinapunan ko sya ng masamang tingin. Ningitian ko na lang sya pag tapos at ngumiti na lang din sya kasi na gets nya na doon ko gustong maupo kasi andun si Jungkook.

"Uhm... Sure ba kayong okay lang sainyo na dito kami maupo sa pwesto nyo?" mahihin kong tanong

"Psh... Syempre ayos lang! Isa pa, magkakaibigan naman tayo e" sabi ni Hoseok sabay kindat saamin at ngumiti sya dahilan para mapangiti ako sakanya

Naka-upo na kami ngayon at kumakain na. Katabi ko si Rosé at Lisa, katabi naman ni Lisa si Jisoo. Saktong nasa harap ko si Jungkook na ngayo'y nag ce-cellphone lang. Animo'y may ka-text syang babae kaya ganon na lang sya ka focus sa phone nya.

Ilang segundo nakong nakatitig sa kanya hanggang sa bigla na lang tumingin si Jungkook sakin at nagka-eye contact kami. Gosh! Parang sasabog yung puso ko sa tingin nya

"Uy Jennie ayos ka lang?" sabi ni Jungkook dahil don bigla akong napakurap

Gosh, nakakahiya!

"Ah eh w-wala o-ok lang ako" utal-utal kong sabi dahil sa kilig. Ramdam kong parang umiinit yata ang mga pisngi ko
"Teka bakit namumula pisngi mo?" tanong ni Yoongi saakin

Tinakpan ko agad yung pisngi ko kasi oo nga, namumula na ako sa kilig. "Ha? Hindi kaya" deny ko pa.

"Alam mo Jennie patagal ng patagal, pakiramdam ko may gusto ka kay Jungkook" seryosong sabi ni Jin dahilan para mapatingin kaming lahat lalo na si Jungkook sa kanya

"Ayon Seokjin! Nadali mo rin sa wakas!" sabi ni Jisoo at bigla ko syang nilakihan ng mata at ang tanging reaksyon lang nya ay napangiti sya saakin

"Seryoso type mo si Jungkook?" pabirong tanong ni Namjoon saakin. Di ko na alam sasabihin ko. Para akong nabagsakan ng kung ano at hindi na rin ako makapag-salita

Nakita kong nakatingin na saakin si Jungkook at nang magka eye contact kami, bigla nalang syang napangisi saakin

"Uy Jennie!" sabi ulit ni Namjoon

"Ha? Ako? Magkakagusto kay Jungkook? Psh... Hindi no! Isa pa, may boyfriend na ako" palusot ko pa

What the actual heck did I just said!?

Nakita kong naka nga-nga at tulala na lang silang lahat dahil sa sinabi ko. Di ko alam kung nagulat sila dahil wala akong type kay Jungkook o dahil sa sinabi kong may boyfriend ako

"Ano!?" confused at gulat na tanong ni Jisoo saakin

"Seryoso ka ba?" tanong ni Lisa saakin
"May boyfriend ka na!?" sabi ni Rosé

"Hoy para kayong mga tanga! Wag nga kayong magkunwaring di nyo alam" pabiro kong sabi sa kanilang lahat. Sa totoo lang kitang-kita sa mukha nila na talagang gulat sila sa nasabi ko

"May boyfriend kana pala? Sayang naman" sabi ni Jungkook na ikina gulat ko ng todo

Patuloy-tuloy na nag play sa utak ko yung sinabi nya sa huli..

"Sayang naman"

Ano ka ba naman kasi Jennie Kim!

¦

Nakabalik na kami ngayon sa classroom. Sa oras na to, Physics na ang subject namin. Gusto ko mang makinig sa lecture pero hindi ko naman magawa dahil sa nangyari kanina sa canteen. Hanggang ngayon, iniisip ko parin if anong meaning nung sinabi ni Jungkook saakin kanina

Mababaliw na yata ako

Tulala lang ako ngayon sa isang tabi. Feeling ko talaga masisiraan nako ng bait dito. Hinihintay ko na lang matapos ang araw na to at nang makapag-mukmok nako sa kwarto ko mamaya pag-uwi ko nang bahay

Kasalanan talaga to ni Jisoo eh. Kung hindi na lang sana sya nag-react sa sinabi ni Jin kanina edi sana hindi pa nabubunyag yung lihim ko

¦

Uwian narin namin sa wakas! Gusto ko nang maka-uwi sa bahay as soon as possible. Hindi na'ko nagpakita pa sa mga kaibigan ko dahil mamaya baka asarin nanaman nila ako kay Jungkook. Isa pa, baka makasalubong ko sya at yung tropa nya kaya eto ako, nagmamadaling maka-sakay sa kotse ko para umuwi

Saktong pag-upo ko naman sa kotse ko, bigla na lang akong nakatanggap ng text galing kay Mommy. Syempre minamadali nya akong umuwi ng bahay ngayon sa di malamang dahilan. Agad kong ini-start yung engine ng kotse ko at umalis nako.

¦

Andito na ako ngayon sa labas ng bahay at feeling ko parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko habang papasok ako sa pintuan. Sana naman hindi ituloy ni Mommy yung balak nya ngayong araw

"Ma I'm home.. Bakit nyo ba ako pinapa-uwi agad?" tanong ko kay mommy. Lumingon naman sya sakin at tinignan lang ako. "Ma ano ba? Bakit nga?" ulit ko

"Ano nakalimutan mo na? Kailangan mong sumama saamin ng Daddy mo mamaya para sa business event ng Kim Enterprises" sabi ni Mommy dahilan para panlakihan ko sya ng mata dahil sa gulat.

Ayaw na ayaw ko talagang magpunta sa mga ganyang klase ng business events. Ano ba kasing mapapala ko doon? Bukod sa kailangan naming makipag-plastikan sa mga tao doon na tulad namin na mayayaman, kailangan ko ring makipag-usap sa mga anak ng mayayamang shareholders doon na ang papangit naman ng mga ugali dahil feeling nila sa sobrang yaman nila wala kang karapatang kausapin sila

"Ano? Sasama ka ba o magiging grounded ka for this month?" tanong ni Mommy sakin

"Ma naman e... Alam mo namang ayaw ko sumama sa mga ganyan. Kayong dalawa lang naman ni Daddy ang kailangan doon e, bakit sasama pa ako?" sabi ko kay Mommy at dahil doon tinaasan nyako ng kilay

"Pag hindi ka sumama sa amin ng daddy mo, iisipin nang ibang nandoon na hindi ka namin sinasanay ng daddy mo sa business natin. Isa pa, after mong magpakita mamaya sa event, you can do whatever you want" sabi ni Mommy na nagpangiti at nagpabago ng mood ko

"Okay fine, sasama na ako" matamlay kong response kay Mommy para hindi mahalata sa mukha ko na natuwa ako sa sinabi ny

Umakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ko. Pagka-bukas ko ng pintuan, nakita ko naman na nakaprepare na yung black dress na susuotin ko

7 o'clock na ng gabi ngayon at ang pagkaka-alam ko, kailangan before 8 o'clock ay dapat nasa event na kami

Nasa labas na ako ngayon ng bahay at nakasandal ako sa kotse ko habang hinihintay sila Mommy and Daddy.Suot ko ang mahabang black dress ko with matching gladiator heels and of course, with complete hair and make-up

Lumabas ng sabay sila Mom and Dad at ready na silang umalis

"Jennie, sundan mo na lang yung sasakyan namin ng Mommy mo at dyan kana sumakay sa kotse mo. Alam ko naman na kaya ka lang sumama kasi sinabi ng Mommy mo pwede kang gumala pagkatapos" sabi ni Daddy at napangiti naman ako sa kanilang dalawa

Tumango ako sa sinabi nya at sumakay na sa sasakyan ko. Pinauna ko silang umalis at sumunod ako sa likuran nila gaya ng sabi ni Dad

¦

We are now here at the venue of the event. Pagpasok namin sa loob,nagulat ako sa itsura at ayos ng venue. Indeed it is glamorous and elegant

Umupo na kami sa nakareserved na round table para saamin. May mga ka-table rin kami na mayayaman na saktong kakilala nila Mommy and Daddy. Buti na lang wala silang kasamang mga anak nila kaya naman ako lang ang bata sa pwesto namin

"Oh, eto na ba si Jennie?" narinig kong sabi nung babaeng ka-table namin

"Oo sya nga" nakangiting sabi ni Daddy

"Ang gandang dalaga naman ng anak nyo, manang-mama sa nanay yung ganda o" sabi nung babae dahilan para mapangiti ako ng todo sa kanya

"Thank you po" tipid kong sabi sa kanya

Pagkatapos non bumulong ako kay Mommy na kukuha lang ako ng pagkain duon sa food station. Pumayag naman si Mommy at dumirecho nako doon.

After kong kumuhang pagkain ko, bumalik na ako kaagad sa table namin. Ilang saglit pa, matapos kong maubos ang mga kinuha ko, saktong nag simula na ang program ng event

Di ko maatim na pakinggan yung mga pinag-uusapan nila na puro sa business. Sobrang OP na OP na ako sa mga nangyayari ngayon. Nilabas ko na lang yung cellphone ko at pagtingin ko, saktong 9:30 na ang oras ngayon. Gosh, I'm so bored

Ilang saglit pa, binulungan ako ni Dad  "Jennie kung gusto mo na umalis ngayon, pinapayagan na kita. Basta umuwi ka before midnight okay?"

Parang nagising bigla yung inaantok kong diwa at napangiti ng todo. "Thank you Dad! Promise po uuwi ako mamaya" sabi ko naman at nag paalam na ako kay Mommy at sa mga ka-table namin

¦

Nandito ako ngayon sa pinaka paborito kong lugar sa lahat, ang Night Light Club. Dito na ako tatambay dahil gustong-gusto kong uminom ngayon sa di malamang dahilan

Naisipan kong i-message sa group chat namin sila Rosé, Lisa, at Jisoo para ayain sila dito kasama ko. Pero ang sabi ni Rosé, hindi daw sya pwedeng uminom kasi maaga silang aalis bukas para bisitahin yung mga kamag-anak nila doon. Sabi naman ni Lisa, hindi raw sya pwede dahil hindi sya pinapayagan umalis sa bahay nila. Si Jisoo naman ay hindi rin daw pwede dahil masama raw pakiramdam nya. Meaning, it's only just me, myself, and I for tonight

Nagsimula na akong mag-order ng drinks ko sa bartender at agad itong na-serve. Hindi ako nakasuot ng suot ko kanina. Syempre nagpalit ako ng outfit ko. Nakasuot ako ng sleeveless dark red na pang-itaas at naka shorts na maong, and naka gladiator heels parin ako gaya ng suot ko kanina

Napatingin na lang ulit ako sa phone ko at nakita kong 10 o'clock na pala

After how many minutes of drinking,hindi ko na namalayang nakakarami na ako ng naiinom. Medyo nahihilo narin ako ng slight ngayon

May lalaki naman ang biglang tumabi sa inuupuan ko at bigla akong kinausap na ikinagulat ko. "Miss? Do you need a drinking-buddy?" tanong nya. Tinaasan ko sya ng kilay

"I'm sorry. I don't talk to strangers" sabi ko

"Miss ano ba. Wag ka nang mahiya, it's my treat" sabi nya sabay kindat saakin. Ewan ko ah pero nawe-weirduhan nako ng sobra sa lalaking to

Nagulat na lang ako kasi bigla na lang nag-abot ng inumin yung bartender saakin. "Excuse me. I didn't order for this" sabi ko sa bartender

"Sinabi ko naman sayo diba, it's my treat" sabat nung lalaki "If you'll excuse me, Mag c-cr lang ako" dagdag pa nya at umalis na sya papuntang cr

Tinignan ko muna at inamoy yung inuming binigay nya. Baka mamaya may kung ano na pala syang nilagay dito. But to my surprise, wala akong naamoy na kakaiba kaya ininom ko na lang ito

Ilang saglit pa, nakaramdam na lang ako ng hilo at pananakit ng ulo. Sinubukan kong tumayo sa upuan ko at natutumba-tumba ako. Nagbayad na ako sa bartender at sinabing keep the change na lang kasi di ko na talaga kaya. My vision is now blurry

Paglakad ko, bigla akong natumba pero nasalo ako kaagad ng isang panibagong lalaki

"Miss okay ka lang?" tanong nya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Damn, he's tall and handsome

"H-Ha? Ano... Ah... A-Ayos lang ako" nauutal-utal kong sabi saka pinilit na itayo ng tuwid ang katawan ko

"Miss alam mo bang nilagyan ng lalaking yon yung inumin mo ng pampa-tulog?" concerned nyang sabi saakin

Hindi na ako nakapag-salita nang bigla kong narinig na nagsalita yung lalaki kanina na nanlibre ng unimin ko. "Excuse me? How dare you say that to me na nilagyan ko ng pampatulog yung inumin nya!?" galit na sabi nung lalaki

"Pero nakita kita, nilagyan mo ng pampatulog yung inumin nya" sabi nung poging lalaki. Tinignan ko sya at parang totoo nga yung sinasabi nya

Napahawak na lang ako bigla sa damit nya. "Hindi ko na kaya, nahihilo ako" mahina kong sabi

Napatingin ang lalaking katabi ko saakin. I was about to say something more but my body got drained and my surroundings blacked out

To be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top