Kapitulo II - Text message

"Just call me when it's your turn," I calmly said without looking at him.

Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko at tumungo sa isang bakanteng monoblock chair kung saan uupo at pipila ang magpapa-screening for blood donation.

Nakahinga ako nang maluwag at napagtantong kanina pa pala ako hindi humihinga simula noong kinausap niya ako. Saka ko lang naalala na naririto nga pala ang mga kaibigan ko matapos akong kurutin sa tagiliran ni Rafael.

"Sino 'yon teh? Bago mo na namang boylet?! Ang gwapo naman!" eksaheradang aniya habang nananatili ang malagkit na tingin sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Sinimangutan ko siya. "Hindi mo ba narinig kanina? Siya nga 'yong kapalit ng isang donor ko!" I argued.

Bago pa makasagot si Rafael ay tinawag ako ng aking kaklase. "Carvajal, tawag ka ni Dean Rodriguez!"

Isa-isa ko munang sinamaan ng tingin  ang mga kaibigan kong nang-aasar sa akin bago tuluyang tumulak patungo sa kinaroroonan ng dean ng College of Medical Technology.

"Dean, pinapatawag niya raw po ako?" panimula ko nang makalapit sa kanya. Nahihiya akong napatigil nang mapansing may kausap pala siya.

Makahulugang tumingin sa akin si Dean Rodriguez at ngumisi. Bumaling siyang muli sa kanyang kausap na nakausot ng isang formal attire at leather shoes. Sa unang tingin ay mapapagkamalan mo itong business man o kaya board member ng isang kumpanya pero napansin ko ang bitbit niyang white coat kaya napaghinuha kong isa siyang doktor.

Tumikhim ako at bahagyang yumuko bilang pagrespeto sa kanya bago muling tumingin kay Dean. "Georgianna, this is Dr. Avanzado, my former colleague."

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at nakaramdam ng kaunting hiya sa kaharap. Nakipagkamay ako sa matandang lalaki at nahihiyang ngumiti. "Good afternoon po, Dr. Avanzado..." pormal na bati ko.

Nang bitiwan niya ang kamay ko ay pasimple akong napaisip kung sino ang kamukha niya at kung saan ko ito nakita. Naputol ang aking iniisip nang pormal din siyang bumati pabalik sa akin. "Good afternoon din, hija."

He glanced at Dean Rodriguez and gave him a knowing look. Bahagya akong na-intriga dahil sa kanilang makahulugang palitan ng tingin ngunit nawala ito sa isip ko nang muling magsalita si Dean. "She also wants to be a doctor someday, Arturo."

Dr. Avanzado looked at me with amusement. Ngumiti siya sa akin. "Do you want to be a surgeon?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla. Paano niya nalaman? Is it that obvious?

Tumikhim muna ako bago marahang tumango. "Kung kakayanin po sana..." nahihiyang sagot ko.

"Kayang-kaya mo 'yan lalo na't sabi nitong si Thomas ay masipag kang mag-aral. Actually, surgeon din ako, hija. I'm an army surgeon," aniya bago magiliw na tumawa.

Dean Rodriguez gave out a hearty laugh after he saw how my jaw dropped at his revelation. Pasimple kong pinagmasdan ang hulma ng kanyang katawan. No wonder why his body looks a bit lean and muscular kahit nakasuot siya ngayon ng pormal na kasuotan at medyo ma-edad na.

"Papa..." a familiar deep voice echoed behind me.

I stiffened when he walked past me and stood beside the old man. I tried to maintain my composure in front of them pero sa loob-loob ko'y unti-unti na akong ginagapangan ng kaba at hiya.

He swiftly glanced at me before fixing his gaze to his father. Tinapik siya ng kanyang ama sa balikat. Dr. Avanzado looked at me and smiled. "My son here is also training to become a part of the Philippine army. He is currently finishing his degree here before applying to the military academy," aniya bago sumulyap sa anak.

Naramdaman kong nanatili sa akin ang kanyang tingin kahit na nakatingin sa kanya ngayon ang kanyang ama. Sumulyap ako kay Dean Rodriguez at ipinahiwatig sa kanya na gusto ko nang umalis ngunit hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin dahil taliwas doon ang sinabi niya.

"Balita ko ay nagpalista bilang donor itong si Caleb dito sa blood-letting activity? Tama ba, hijo?" kuryosong tanong niya bago sumulyap sa anak ni Dr. Avanzado at sa akin.

Kung may iniinom lang akong tubig ay paniguradong nasamid na ako. Why are you making this even more awkward for me, Dean? Damn it.

I caught him staring at me but quickly looked away. "Opo, Dean. Actually... si Ms. Carvajal nga po ang nagdala sa akin dito. Siya ba ang mag-aasikaso sa akin?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He smirked when he saw my reaction.

Ms. Carvajal? Kilala niya ako? Or... maybe Emil told him about me. Of course he would tell him! Siya nga ang proxy niya, hindi ba? At saka paano niya nalaman kanina na ako 'yong kumuha kay Emil, hindi ba? Yeah, right. Whatever floats your boat, Gella.

"A-Ah, oo nga po... Siya ang donor na kinuha ko para sa activity, Dean," napapaos na sagot ko habang pilit na itinutuon ang atensyon kay Dean.

His eyes narrowed and immediately glanced at the guy in front me with amusement in his eyes. "Magkakilala na pala kayo nitong anak ni Dr. Avanzado?" namamanghang tanong niya bago muling tumingin sa akin.

I awkwardly smiled at him. Bago pa ako makasagot ay nakapagsalita na agad ang anak ni Dr. Avanzado. "Opo, actually kanina lang po kami nagkakilala," he said coolly.

I gritted my teeth and held my breath. I slowly sighed and tried to remain calm. I drifted my gaze to his amused father and tried my best to hide the embarrassment I'm feeling in a soft chuckle. "Actually, sabi sa akin kanina ni Mr. Avanzado ay gusto niyang maunang magdonate. 'Di ba, Caleb?" I smiled cutely at him.

Napakurap-kurap siya dahil sa sinabi ko at nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang Adam's apple. Bakas ang pagtatanong sa mata ni Dr. Avanzado nang bumaling siya sa kanyang anak.

"O-Oo nga po, tama si Ms. Carvajal. Mauuna na kami, Papa. Dean..." napapaos na aniya bago yumuko upang magpaalam sa kanila.

I smiled inwardly. Lintik lang ang walang ganti, Caleb!

Nagpaalam na rin ako sa mga kausap at pagkatalikod ay napawi agad ang aking ngiti. Nauna na ako sa paglalakad at nang medyo nakalayo na kaming dalawa ay pasimple ko siyang sinamaan ng tingin. Nakapamulsa lang siyang nagpatuloy sa paglalakad at supladong tsumulyap sa akin.

Kalmado siyang umupo sa bakanteng bed na nakalaan para sa mga magdodonate ng dugo. Inirapan ko siya nang mapansing pinapanood niya ang bawat kilos ko. Lumapit ako sa isa sa volunteers ng Red Cross at nagpaturo kung paano ang gagawin.

Nang matapos siyang mag-demonstrate ay lumakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni Caleb. Nakahiga na siya ngayon at nakapatong pa ang ulo sa isa niyang braso. Nang makitang papalapit ako ay tumuwid siya agad nang pagkakahiga. His sleepy eyes fixated on me while I calmly stride my way to him.

Inilapit ko sa kanyang higaan ang isang monoblock chair at padabog na umupo roon. Ipinatong at inihanda ng staff ang mga gagamitin ko para sa gagawing pagkuha ng dugo. Inabot niya sa akin ang tourniquet na agad ko namang tinanggap.

Kinuha ko mula sa kamay ni Caleb ang kanyang form sa pre-donation screening kanina. Sinulyapan ko lang ito bago inabot agad sa staff.

I firmly held his right arm and tied the tourniquet tightly. I pursed my lips as I tried to palpate the middle vein on his arm. Mabuti na lang dahil labas na labas ang kanyang mga ugat dahil na rin siguro sa intense training at pagwowork-out niya na kita naman sa hulma ng kanyang katawan.

Inilagay ko sa gilid ng aking tainga ang takas na buhok na nakaharang sa aking mukha. I can still feel his warm gaze at me while I'm trying to palpate his vein.

Sinulyapan ko siya at pinagtaasan ng isang kilay. My brows automatically furrowed when I saw a ghost of a smile playing on his lips. Ano kayang iniisip ng isang 'to?

Kinalas ko muna sandali ang tourniquet na nakatali sa kanyang braso bago nagsuot ng surgical gloves. Dinampot ko ang forceps at kinuha ang isang bulak at nilagyan ito ng anti-septic. Matapos linisin nang tatlong beses ay itinali ko muli ang tourniquet. Hinanda ko ang karayom na gagamitin at sinulyapan siya habang hinihintay matuyo ang alcohol sa kanyang braso.

"Do you like Messi?" he asked out of nowhere.

I immediately frowned at his weird question. "Huh? Pinagsasabi mo d'yan?!" naguguluhang tanong ko sa kanya.

He looked at me with disbelief. Napaawang saglit ang kanyang labi ngunit agad niya rin itong itinikom. "Y-You don't watch Korean drama?" he muttered slowly.

Narinig ko ang pagpipigil ng hagikgik ng staff na nasa tabi ko. Nang sulyapan ko siya ay nagkunwari siyang busy sa pag-aayos ng gagamitin kong blood bag.

Maya maya ay napatingin na sa gawi namin ang ilang kaklase ko at lumapit upang panoorin ang gagawin ko.

I ignored his question and just focused on what I have to do. "Take a deep breath for me..." I calmly instructed before inserting the needle carefully into his skin then precisely inserted it to his vein.

Napansin ko ang bahagya niyang pagkibot at ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa pagpasok ko ng malaking karayom sa kanyang braso. Muntik na akong matawa sa kanyang reaksyon kaya kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

Pagkakita ko ng pagdaloy ng kanyang dugo sa needle hub patungo sa blood bag ay nagliwanag ang mukha ko. Nagpalakpakan din ang ilang staff at volunteers na nakinood kasama ang ibang kaklase ko.

Nilagyan ko iyon ng tape upang ma-secure ito habang patuloy na dumadaloy ang dugo niya sa blood bag. Kinalas ko na rin ang pagkakatali ng tourniquet sa kanyang braso. Iniwan ko na siya roon pagkatanggal ko ng suot na gloves at tinawag na si Archi na kanina pa yata naghihintay sa akin.

"Close kayo ni Kuya Caleb?" usisa niya pagkatapos niyang mahiga sa isang bakanteng bed na malayo kay Caleb.

"Kuya? Kapatid mo?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako. "Senior natin 'yon, Gella! He's a few years older than you!" pangaral niya sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at mahigpit na tinalian ng tourniquet sa braso. "Aray ko naman, Gella! Yung balahibo ko, naipit!" reklamo niya.

I chuckled and immediately loosen up the tourniquet. Itinali ko iyon nang bago at mas maayos bago nagsuot ng bagong surgical gloves at hinanap ang kanyang ugat sa braso. Nang makapa ito ay ginawa ko ulit ang procedure na ginawa ko kanina.

"You're good at this, Gella..." napapaos na sinabi ni Archi matapos kong lagyan ng tape karayom sa kanyang braso.

Tinanggal ko ang suot na surgical gloves bago dinampot ang kanyang blood bag. Ngumiti ako habang pinapanood ang mabilis na pagdaloy ng kanyang dugo roon. "Weh? Hindi ba masakit ang turok ko?" I narrowed my eyes and looked at him intently.

He chuckled. "Parang kagat lang ng langgam..." he mimicked what I said earlier.

Ginulo ang kanyang buhok at nagpaalam na bibisitahin ko muna ang isa ko pang donor. Tahimik akong umupo sa monoblock chair sa tabi ng kama niya at inangat ang kanyang blood bag. Namamangha kong pinagmasdan ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng kanyang dugo roon at napansing mukhang malapit na agad itong mapuno.

Ibinaba ko ito at inangat ang tingin sa kanyang mukha. I tilted my head and helplessly gawk at his angelic sleeping face.

I don't really have specific standard for an ideal man. Actually, wala rin akong basehan sa lebel ng kagwapuhan at attractiveness ng isang lalaki but I can say that this man in front of me is on a whole other level.

I've already heard a lot about Caleb Atticus Avanzado before. Palagi kasi siyang pinagkukuwentuhan ng batchmates ko noong Senior High. Sa tingin ko ay ilang taon na siyang nagt-training upang maging bahagi ng army.

My classmates and friends find him very attractive and manly, too. Naalala ko pa nga noon ay madalas akong mag-isang kumakain tuwing recess dahil iniiwan nila ako para panooring mag-ensayo sa gymnasium ang lalaking ito.

Hindi ko siya nakikita noon at itinuturing ko pa rin siyang estranghero kahit pa sagana na noon pa man ang pandinig ko mula sa mga kuwento ng mga kaibigan ko tungkol sa kanya.

He is insanely attractive, alright... but I don't like him. There's something about his presence that I dislike the most. Maybe it's the intensity of his gaze every time he looks at me or maybe the depth of his expressive and soulful eyes that looks treacherous to me. Mga matang para bang kayang-kaya kang ihulog sa bitag niya at hayaan kang malunod at mahirapang makaahon at makawala.

The fact that he's this dangerously attractive makes me feel more inferior to him at sigurado akong hindi siya makabubuti para sa akin.

"Paki-check nga, feeling ko kasi natutunaw na ako." Halos mahulog ako sa kinauupuan dahil sa gulat nang bigla siyang magsalita habang nananatiling nakapikit.

Heat rapidly spread across my face. Tumuwid ako nang pagkakaupo at inabala ang aking sarili sa pagkalikot sa weighing scale. Naramdaman ko ang nanunuya niyang tingin sa akin kaya hindi ko na siya tiningnan pang muli.

Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking kamay kaya dinampot ko agad ang kanyang blood bag at sinubukang timbangin. Mabuti na lang at napansin kong nasa tamang timbang na ito kaya nakaalis ako roon upang magtawag ng staff na magche-check doon.

"Okay na 'yan, puwede mo nang alisin 'yong needle. Alam mo na ba ang susunod na gagawin?" tanong sa akin ng staff na kasama ko kanina.

Saglit akong nag-isip bago sumagot. "I'll have the donor elevate his donation arm and tell him to apply slight pressure to promote clotting," I answered.

Bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha habang marahang tumatango. "Very good! Oh sige na, tanggalin mo na 'yon para makapagpahinga na 'yong donor mo," makahulugang sabi niya na nagpasimangot sa akin.

Nang muli akong bumalik kay Caleb ay bakas pa rin ang pang-aasar sa kanyang mukha ngunit hindi ko na ito pinatulan pa. Unti-unti kong tinanggal ang mga tape sa kanyang braso at hinanda ang isang malinis na bulak. I carefully removed the needle and replaced it with the cotton ball.

"You should apply pressure on your arm para hindi magkaroon ng pasa. Wala munang strenuous activities. Magpahinga ka muna dito..." I trailed off when I noticed that he's not listening to me.

Diniin ko ang cotton ball sa kanyang braso kaya napangiwi siya. "Can you please stop mocking me?" masungit na sabi ko.

His lips twisted as he try to hide his sneer. "Alright..." napapaos na aniya.

I sighed. "Magpahinga ka muna dito hanggang sa maging ayos ang pakiramdam mo at para na rin hindi ka mahilo mamaya. Dadalhan kita ng pagkain at inumin... saglit lang," sabi ko bago umambang tatayo na ngunit natigilan ako nang maramdaman ang kanyang paghawak sa pala-pulsuhan ko.

"W-Wait..." Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha kaya napakunot ang noo ko. "Pwede bang... ano..."

"Pwedeng ano?" I impatiently asked him. My eyes drifted from his hesitant eyes to his warm hand holding my wrist. Suplada kong inalis iyon bago ibinalik ang tingin sa kanya.

"Pwede bang makahiram ng cellphone? Makiki-text lang sana ako sa kapatid ko... Lowbatt na kasi ako," he calmly asked.

I narrowed my eyes and looked at him suspiciously. Nang makitang mukha naman siyang seryoso sa kanyang sinabi ay dahan-dahan akong napabuntong-hininga at tumango. Kinuha ko mula sa bulsa ng aking uniporme ang cellphone ko.

Nanatili ang mapanuring tingin ko sa kanya nang mapansing sinusundan niya ng tingin ang unti-unti kong pag-abot sa kanya ng cellphone ko. My heart skipped a beat when he lifted his dazzling eyes and smiled at me. "Thanks," aniya pagkatanggap ng phone ko at nagsimula na agad magtipa ng kanyang mensahe para sa kapatid.

Tumango ako. "Saglit lang, kukuha lang ako ng pagkain at inumin mo," sabi ko bago nagmamadaling umalis sa harapan niya.

Nakahinga ako nang maluwag habang naglalakad patungo sa lamesa kung saan nag-aabot ng pagkain at inumin ang mga staff ng Red Cross para sa mga nagdonate ng dugo. Pumila at kumuha na agad ako ng pagkain para kay Caleb at Archi.

"Here, eat this to replenish your energy," sabi ko bago inabot sa kanya ang isa sa paper box ng pagkain at bote ng tubig.

One corner of his mouth rose after he accepted it and return my phone in exchange. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at pinanood siyang kalmadong binubuksan ang box ng pagkain. Habang kumakain siya ay napansin kong panay ang sulyap niya sa isa ko pang bitbit na box ng pagkain.

"What?" masungit na tanong ko sa kanya nang hindi na napigilan.

Napatigil siya agad sa pagkain at gulat na napatingin sa akin. Nang makuha ang ibig kong sabihin ay dahan-dahan siyang bumuntong-hininga.

"Is that for your boyfriend?" he casually asked before glancing at the helpless Archimedes Vaughn Valderrama laying on his bed while casually talking with my girl classmates flocking in front of him.

Sinimangutan ko si Caleb. "Just eat your damn food and stop being nosy," inis na sabi ko.

Iniwan ko na siya roon at tumungo na sa kinaroroonan ni Archi. Nang makitang nasa timbang na rin ang kanyang blood bag ay tinanggal ko na rin ang karayom sa kanyang braso. Ibinigay ko na sa kanya ang pagkain at tubig niya bago nakipagkuwentuhan din sa mga kaklase ko.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay muli kong naalala ang paghiram ng cellphone sa akin ni Caleb kanina. Pasimple kong kinuha ang phone ko sa bulsa at hinanap sa inbox ang kanyang mensahe.

Napatayo ako sa gulat nang makita ang mensahe niya. Napatigil at napatingin sa akin ang mga kaklase kong nag-uusap.

To: Caleb Avanzado

Thanks for your number! See you around. :)

Iritado akong lumingon upang hanapin si Caleb at nakitang bakante na ang kanyang higaan. Padabog akong umupo muli sa higaan ni Archi at ipinikit nang mariin ang mga mata upang pakalmahin ang sarili. Sabi ko na nga ba't kaduda-duda talaga ang pakiki-text ng lalaking iyon! At talagang s-in-ave niya pa ang number niya sa contacts ko, huh?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top