Beginning

"Everyone, listen!"

Agad akong napatigil sa pagbabasa ng chart ng isang pasyente nang marinig ang malalim na tinig ng Chief of Surgery ng aming ospital. Tumikhim siya na tila ba hudyat iyon ng isang paparating na masamang balita.

Nilipat ko ang aking tingin sa mga nurse na nagbubura ng mga nakasulat sa malaking whiteboard kung saan nakasulat ang upcoming surgeries. My brow automatically shot up after I had a hint of what's going on.

"We just received a mass casualty incident nearby. Kailangan kong magpadala ng isang team sa field ngayon mismo. This is an emergent situation and I need your cooperation," seryosong anunsyo niya.

My heart skipped a beat when the chief's hawk eyes darted at me. "Dr. Carvajal, I want you to be in charge of the situation. Now, go!" mariing utos niya kaya wala na akong ibang nagawa kun'di ang kumilos at asikasuhin ang pagbuo ng team.

Habang nakasakay ako sa loob ng isang ambulansya kasama ang ilang residents at interns ay ipinikit ko ang aking mga mata upang ihanda ang sarili sa haharapin mamaya. Gusto kong samantalahin ang oras na wala akong ginagawa at wala akong nakikitang nanganganib ang buhay na kailangang sagipin.

I spent my years of studying to save other people's lives and this is what I've been studying for. All my hard works are now paying off and the memories of my days spent for studying in medical school seems like a distant memory to me now.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay tila bumagal ang takbo ng oras at pati na rin ang mga kilos ng lahat ng tao sa aking paligid. Pagbukas ng pinto ng ambulansya ay umalingawngaw agad sa aking pandinig ang tunog ng iba't ibang ambulansya at firetrucks.

The distant noises coming from different people trying to save other people's lives sent my senses back to reality. Nandito kami sa isang highway kung saan naganap ang isang malaking accident dahil sa pagkakalaglag ng isang tren ng ikatlong linya ng sistema ng Metro Rail Transit.

Dahil madalas ay traffic sa highway na ito dahil sa mga ginagawang kalsada, marami ang nabagsakan nito at napasama sa aksidente. Lahat ng malalapit na ospital katulad namin ay pinadalhan ng alerts tungkol sa nangyaring insidente kaya naman marami ang naririto upang tumulong at sumagip ng mga buhay.

Inayos ko ang suot na jacket at hinarap ang team. "Okay, everyone! Move your IDs outside of your jackets. Green tags are for non-emergent cases, Yellow tags are for delayed care, and Red tags are for those who needs immediate treatment."

Marahan silang tumango at hinanda ang mga dalang supplies at tags. Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang mga tensyonadong mukha bago bumuntong-hininga.

"Remember to assess carefully. We're here to save lives. Do not get in the way of the rescuers and remain calm," paalala ko sa kanila bago ngumiti. "Assess before putting tags and get all the critical patients to the ambulance as fast as possible."

"Dr. Carvajal, saan po kami magsisimula?" tanong ng isang babaeng 1st year resident sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang paligid.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "You know the protocol, right? Now, go do it, get out of my face, and save lives now!"

Halos magtulakan sila paalis sa harapan ko kaya napailing ako. Agad akong tumakbo sa isang bahagi kung saan nakahiga sa mga stretchers ang ilang mga na-rescue. Nakasarado ngayon ang highway at napuno ito ng mga sasakyang kasama sa aksidente pati na rin ang mga sasakyan ng rescuers.

Inalis ko ang stethoscope sa ibabaw ng aking balikat at inilagay sa aking tainga. Ipinatong ko ang kabilang dulo nito sa dibdib ng pasyente.

"Take a deep breath for me, okay?" mahinahong sabi ko sa kanya na sinunod naman niya agad. "Minor injuries lang po ang natamo niyo, Sir. Magiging ayos din po kayo. Do you have anyone with you?"

Nahihirapan siyang tumango sa sinabi ko habang tinatalian ko siya ng green tag. "A-Ang asawa ko po, Doc... N-Nandoon po siya sa ilalim ng sasakyan," aniya.

Tumango ako bago agad na tumayo at tumungo sa itinuro ng pasyente. Agad nga lang akong napaatras nang may makabanggaang tao na sa tingin ko ay isang rescuer dahil sa kanyang suot na jacket na nakapatong sa kanyang suot na uniporme ng sundalo.

The moment I lifted my eyes from his chest to his deep-set eyes, I was immediately lost. Ang gulat sa ekspresyon ng kanyang mukha ay sumasalamin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumikhim. Umayos ako nang pagkakatayo at pormal siyang hinarap.

"Sorry..." I calmly said before walking past him.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kanyang mainit na kamay sa aking pala-pulsuhan.

"Can you... uh... check on her first?" dinig kong sabi ni Caleb.

Iritado ko siyang nilingon ngunit napansin ko ang babaeng nakahiga sa stretcher na nasa tabi niya. Buntis ito at duguan dahil sa ilang natamong sugat. Namimilipit siya dahil sa sakit na nararamdaman kaya agad ko siyang dinaluhan.

Tinapunan ko lang ng tingin si Caleb bago chineck-up ang babae at ang kanyang sinapupunan. Habang pinapakinggan ang paghinga ng babae ay saglit na nawala ang atensyon ko nang mapansin ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri.

Tumikhim ako. "Sino ang kasama niya?" malamig na tanong ko kay Caleb bago inalis ang stethoscope sa aking tainga.

"I'm with her," sagot niya agad. I looked at him sideways and cleared my throat.

My brow shot up and pursed my lips while examining her. Nakahawak siya nang mahigpit sa kamay ni Caleb habang pinapakalma siya nito.

"I'm here... don't worry. You'll be fine, okay?" marahang pag-alu niya sa babae.

"C-Caleb, hindi ko na kaya..."

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at inawang ang aking bibig upang magsalita ngunit walang lumabas dito. Itinikom ko na lang ulit ito habang pinapanood ang eksena nila.

Hinagkan niya ang babae sa noo at marahang pinalis ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. "Calm down, Maddie..." he whispered.

Gusto kong umirap dahil hindi naman talaga emergent ang sitwasyon ng babae pero kung makapag-inarte silang dalawa sa harapan ko ay para akong nanonood ng isang eksena sa pelikula.

When our eyes met, the pounding of my heart suddenly became thunderous. Agad naman itong naglaho at bumalik ang pait sa aking lalamunan nang marinig ko muli ang pagdaing ng babaeng kasama niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinalian ng tag ang babae bago isinabit muli sa aking leeg ang stethoscope ko. "Take her to the ambulance immediately. They'll take her to the hospital and they know what to do," malamig na sinabi ko bago iniwan siya roon kasama ang babae niya.

"Gella..."

Nilagpasan ko siya upang daluhan ang pasyenteng nasa ilalim ng sasakyan at hindi na pinansin ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko. Tinulungan ako ng mga rescuer upang iangat ang kotseng nakadagan sa babae at marahan siyang inilagay sa isang stretcher.

Nang makita ako ng pasyente ay nakitaan ko ng pag-asa ang kanyang mata ngunit nagulat ako nang bigla siyang manginig at magkumbulsyon. Inilagay ko ang stethoscope sa kanyang dibdib at namilog ang aking mata.

Agad akong sumakay sa stretcher niya at nagperform ng CPR. "Asystole! Move her to the ambulance and prepare the defibrillator immediately! Push 1 epinephrine," utos ko sa mga kasama na agad naman nilang sinunod.

Pagkasakay namin sa ambulansya ay agad namin siyang sinubukang i-revive at nang bumalik ang kanyang heartbeat ay nakahinga ako nang maluwag. Hinilamos ko ang aking palad sa mukha at inayos ang pagkakatali ng aking buhok.

Pagkalabas mula sa ambulansya ay nagtawag ako ng isa sa interns at hinayaan siyang magtake-over sa pag-aasikaso sa babae.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at napasinghap habang pinagmamasdan ang malaking trahedya. Marami ang binawian ng buhay at mukhang hindi na makakaabot pa sa ospital. Sigurado akong mapupuno ang aming emergency room pagdating ng mga na-rescue namin doon.

Suminghap ako at nagpatuloy na sa pagsagip ng mga maaari pang masagip na buhay. Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay nakabalik na ako sa emergency room kasama ang team.

"We're gonna need plenty of available open chest trays, central line kits, and intubation carts," nagmamadaling utos ko habang nakasakay sa isang stretcher at nagp-pump sa dibdib ng isang pasyente.

"Yes, ma'am!"

"On my count... one, two, three!" Sabay-sabay naming inangat ang pasyente mula sa stretcher at inilipat sa isang hospital bed.

"Read the charts for me, please," sabi ko bago inabot sa kaibigan kong resident.

A ghost of a smile played on her lips. "She's six months pregnant, found under a broken train wagon, sustained crush injuries to her right torso and upper extremities. Her blood pressure is initially low, but now it's up to 90 over 60 after a liter of fluid and after placing her on her left side," basa ni Dr. Fuentebella.

Tumango ako. "And what should we do?"

Nagkatinginan sila ng iba pang interns at sinubukang humingi ng saklolo sa isa pang resident na nandito. Nagkatinginan kami ni Dr. Alcaraz. He flashed a million-dollar smile at my helpless interns before looking at me.

"ABC," nakapamulsang aniya habang mayabang na nakatingin sa akin. Napairap ako dahil sa pagpapasikat niya. "Airway, Breathing, and Circulation. We need to protect her airways first because of the crush injury."

I rolled my eyes and looked at the patient. "Excellent. We need to have blood available. Do a trauma panel, type and crossmatch, and C.T. of her head and neck. Take her to trauma room one," seryosong sabi ko bago iniwan sila roon upang pumunta sa kasunod na pasyente sa kabilang bed.

"One, two, and three!"

Saktong paglipat ko roon ay inililipat din ang isang pasyente mula sa stretcher. Napahiyaw siya sa sakit habang nakahawak sa kanyang nakabukang tiyan.

"36-year-old female, open abdominal wound with omental evisceration," basa ng isang resident sa charts ng pasyente.

Tumango ako sa kanya bago bumaling sa mga nurse. "We need to get her to an OR as soon as possible," utos ko bago sumunod sa pasyente.

Napatigil ako sa paglalakad nang may humablot sa aking braso. Iritado ko siyang nilingon ngunit hindi siya natinag doon.

I sighed and shut my eyes to calm myself. "What do you need?" kalmadong tanong ko bago pagod siyang tiningnan.

He licked his lower lip. I noticed how his Adam's apple moved as he surveyed me from head to foot before looking at me again in the eye. Bahagya akong na-conscious sa itsura ko ngayon dahil paniguradong mukha akong basahan kumpara sa kanya na preskong-preskong nakatayo ngayon sa sa harapan ko.

"Can we talk, Gella?" he asked.

Napasinghap ako dahil sa umusbong na iritasyon. "As you can see, I'm busy saving lives here, Caleb. I need to go," mariing sabi ko bago hinablot ang braso ko sa kanya. "Your fiancee, or wife, or whoever she was... needs you. Bumalik ka na lang doon," mariing sinabi ko.

Natigilan ako habang pinagmamasdan ang namumungay niyang mga mata at nakaawang na labi habang nakatingin sa akin. Napasinghap ako dahil sa pamilyar na paninikip ng aking dibdib kaya mabilis ko siyang tinalikuran.

Narinig ko ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa sa takot na muli na naman akong mabihag ng mapanlinlang niyang mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top