Part 9
Read my story: Greg's Diary! :)
++++
Medyo kinakabahan ako kasi bukas na yung dinner ko kay Sir Benj kasama sila Sir Miggy at Cielo. Pero mas kinakabahan ako sa bestfriend kong si Jaycee kasi mag aapply daw siya malapit sa company na pinapasukan ko.
"Hiring bes, kaya ako mag aapply kasi hiring sila" aniya saken. Sinasamahan ko pa kasi siya mamili ng damit sa SM Aura.
"Alam kong hiring, pero ready ka na ba?"
"If not now, when? If not tomorrow, when again?"
"Ano naman 'yan? Sino nagsabi n'yan?"
"Ako lang, pero bes, 'wag kang mag alala. Hindi ko habol mga cutie bosses mo! Maghahanap ako ng sarili kong boss!"
"Eh paano kapag walang cute 'don?"
"Edi resign! Jusko, ganun ganun kaagad!"
Hindi ko rin alam kung seryoso minsan 'tong bestfriend ko pero natatawa naman kasi ako sakanya eh, kaya umoo na lang ako.
"Oh, bes look. Bagay sa'yo 'to! Gwapo mo, very borta" inabot niya saken yung itim na long sleeves na fit saken.
"Marami akong ganyan, ikaw na lang bumili"
"Yayamanin ehhh, sige bes, wait, try ko lang 'tong mga 'to ah?" sabi niya sabay pasok sa fitting room.
Nagmuni muni muna ako doon at nagtingin tingin ng kung ano ano pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakakita ako ng kulay pink na TShirt, bigla ko na namang naalala si Bill.
Binilhan niya kasi ako ng pink na Tshirt, pero tinapon ko na 'yon nung naghiwalay kami, ayoko kasing magkaroon ng bagay na naaalala ko siya.
"Hay nako bes, hindi mo tuloy ako maaappreciate" sabi bigla ni Jaycee sa likod. Nakita niya siguro na nakatingin ako sa damit na 'yon.
"Pasensiya na bes, ang gwapo mo!" sabi ko habang suot yung damit.
"Tse, maganda ako!"
"Gwapo"
"Maganda, tigilan mo ko baka masampal kita ng hindi oras bes"
Tumawa ako sa kanya pero naalala ko na naman si Bill. Leche naman kasi yang Bill na 'yan eh!
Sana pwedeng idelete yung memories kasama yung taong gusto mong makalimutan, pero kailangan mong tanggapin ang lahat para na rin sa sarili mong kapakanan.
"Ang korny mo kasama mo today, bes!" sabi niya uli.
"Sorry na. Okay, I'm gonna clear my mind na muna" pinikit ko muna yung mata ko at nag isip ng magagandang bagay.
Si Butchok, naglalaro kaming dalawa. Magkatabi kaming matutulog. Okay, medyo gumagaan pakiramdam ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Sir Benjamin, nakahubad siya sa isip ko. Naghuhubad sa harapan ko, yes Sir Benj, work it! Maghubad ka lang!
Pero biglang sumingit si Sir Jack sa isip ko at nagsimula rin siyang mag hubad. Sige, tignan natin kung kanino ako bibigay, sige lang Sir Benj at Sir Jack.
"Bes..." kalabit saken ni Jaycee.
"Wait, bes! Nagdedaydream pa ako!" sabi ko. Nakapikit pa rin ako at nag iimagine sakanilang dalawa.
"Bes!" medyo tinulak niya pa ako kaya nasubsob ako ng kaunti.
"Ano ba bes, naghuhubad na nga si Sir Jack sa isip ko eh! Masyado kang panira ng moment!"
Pero hindi sumagot si Jaycee, mukhang may tinitignan siya sa likuran ko.
Pag lingon ko naman, halos mapahiya ako ng sobra! Parang gusto ko na lang mawala sa mundo!
Nandun si Sir Jack!
Nakangiti siya saken at alam kong narinig niya yung sinabi ko.
"So? Nakahubad na ako sa isip mo?" tanong niya saken. Shet naman, bakit nakangiti ka Sir Jack? Bakit ka ganyan?!
"Ahh... Hindi po....."
"Aw, sayang naman, willing naman ako eh"
Pvtakfoqofmclsp!!!! Sir Jack, 'Wag mo kong ngitian! Mamamatay na ako sa kilig at kahihiyan.
"Just kidding, I think you're busy" sabi niya pa.
Ang hot din neto ni Sir Jack! Bakat na bakat yung abs at muscles sa fit na polo shirt niya! Tapos yung smile!! Yung smile talaga yung nagpapalakas ng appeal niya!
"Sinasamahan ko lang po...." bago matapos sinasabi ko, may lumapit naman kay Sir Benj na babae, super duper sexy at super duper ganda rin.
"Babe, may nakita akong damit there," ang arte naman magsalita, pero bagay naman eh maganda kasi siya.
"Okay babe"
"Sino sila babe?"
"Oh, this is Ethan and his friend," pakilala niya.
"Hi, I'm Laine" nakipagkamay siya samen ni Jaycee.
"Hi," sagot ko.
Despite the fact na maarte siya magsalita, hindi naman siya yung tipo ng babae na nangmamata. Mukha naman siyang mabait kaso clingy lang, kung katulad ba naman kasi ni Sir Jack ang jowa mo eh baka hindi mo rin papakawalan ng tingin eh!
"Hey, Ethan. We'll go ahead okay, I'll text you later okay?" sabi niya.
Akala ko naman may chance na bi siya, pero hello, yung ganung lalaki imposible.
"Yes Sir" sabi ko.
Tinitigan niya lang ako ng seryoso.
"Yes, Jack" sabi ko.
"Good. Okay, see you then" paalam ni Sir Jack. Magkaholding hands pa sila ni Laine habang palayo.
Bumulong naman si Jaycee saken.
"Mukhang hindi seryoso si Sir Jack mo doon! Mukhang pang kama lang si girl"
"Ay grabe ka! Mukhang mabait naman!"
"Mukhang mabait ikama, mga ganung level"
"Tumigil ka bes,"
"Tumigil tumigil, pero deep inside hoping ka sa kanya di'ba? Magkatext tapos yun pala, straight huhu"
"Haha mapang asar ka rin eh 'no?"
"Hehe, hayaan mo na si Sir Jack, may Sir Benj pa oh! Dalawa naman 'yan eh."
"Haha gaga!"
"Haha so okay ka na ah? Tara shopping galore pa tayo there" ginaya niya yung tono ni Laine nung sinabi niya 'yon. Natawa na lang ako at sumama sa kanya.
++++
Pagkauwi ko ng bahay, sinalubong ako ng kapatid kong si Butchok at agad akong hinilot pag upo ko sa sofa.
"Anong meron?" tanong ko.
"Wala naman kuya,"
"Sus, sige, aalis tayo sa sabado at sweldo naman na 'yon"
"Eeeeeh kuya, hindi 'yon"
"So ano nga? Sabi na kapag may ginagawa kang maganda eh may kapalit eh"
"Ehhh pwede po ba akong makitulog kina Krisha sa susunod na linggo?"
"Hala, bakit? Wala ka bang bahay?"
"Si kuya naman ehhhh.... Kasi po birthday niya at nagyayaya siya. Marami naman pong invited na friends dito sa subdivision ehh, sige na po please?"
"Diba bawal ka nga..."
"Hindi po ako magpapapagod promise, tapos po tatawag ako every 30mins para updated po kayo"
Ayoko talagang nawawala sa paningin si Butchok pero ayoko naman sa kanya ipagkait yung pagiging bata.
"Nagpaalam ka na ba kay mama?"
"Wala naman po si mama eh"
Nagsisimula na naman si mama sa hindi pag uwi, minsan hindi ko alam kung may ibang pamilya na siya eh pero tinatanggal ko sa isip ko yung mga ganung scenario.
"Okay pumapayag ako"
"Yehey!!!!"
"Oppss oppps, pero marami akong condition ah, gusto ko susunod ka sa lahat!"
"Opo kuya! Yehey!!" niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ginawa ko sa kanya. Gusto ko lang din naman maging masaya 'tong kapatid kong 'to.
Tumigil na si Butchok sa pag masahe saken at umakyat na ako sa kwarto ko. Pagka check ko ng phone ko, bumungad kaagad yung text saken ni Sir Jack.
"Hi, textmate 😊"
Parang nawala yung kilig ko sa kanya dahil nalaman kong may girlfriend pala siya. Hindi ko na lang siya nireplayan at binuksan ko rin yung message ni Sir Benj!
"Hoy, magbihis ka ng maayos. Bukas, boyfriend mo ko! May unlimited access ka saken, kiss hug kahit ano!"
Jusko naman 'tong boss kong 'to! Napaka moody talaga! Hindi ko mawari kung ano yung tunay niyang ugali!
"Yes, boss"
"Good! Magpabango ka rin!"
"Opo!"
"Okay, matulog ka na para fresh ka bukas"
"Opo"
"Ayan lang ba kaya mong ireply?"
"Hindi po, sige Sir, matutulog na ako" sabi ko.
"Aba, mamaya na, kausapin mo muna ako!"
Ano na namang problema netong lalaking 'to?!
"😴😴😴😴😴😴😴😴"
"😡😡😡😡😡😡"
"😋"
"Padila dila ka pa, hindi ka nga marunong humalik!"
Inopen na naman niya yung halik na 'yon! Bakit ba parang wala lang sa kanya 'yon? Nakakainis, pero sa'kin hiyang hiya akong pagusapan namen 'yon.
"😒😒😒"
"😂😂😂😂"
Walang katuturan yung pinaguusapan namen, pero napapangiti naman ako.
Nag paalam na talaga ako kay Sir Benj na matutulog na ako. Naririnig ko pang nagmemessage sa sa'kin pero hindi na ako nagrereply.
Pero nagulat ako ng bigla siyang tumawag sa'kin!
Sasagutin? Or what?
Hinayaan ko lang na maputol yung tawag pero tumatawag na naman siya! Jusko naman. Ano ba 'to!
"Hello" yung boses ko mukhang antok na antok.
"Hoy, bakit hindi ka na nagreply!"
Seryoso talaga siya na tumawag siya para tanungin 'yan?
"Matutulog na po ako,"
"Mamaya na!"
"Goodnight"
"Kumusta lakad niyo ng bestfriend mo kanina?"
"Okay naman po" tamad na tamad talaga ako makipag usap pero siya bigay todo.
"Alam mo ba kanina, nanunuod ako ng 50 First Dates sa office!"
"Ahhh talaga po?"
"Oo, sobrang ganda talaga nung palabas na 'yon no?"
Ano ba talaga problema neto?
"Opo"
"Hehe, tapos naalala ko si Sophie bigla, paborito niya kasi 'yon eh"
Sa moment na 'yon, nagbago bigla yung tono ng boses niya. May lungkot akong naramdaman nung sinabi niya 'yon.
Hindi ako nakapagsalita.
"Favorite part niya doon yung convo ni Adam Sandler at Drew Barrymore sa waffle house. Palagi siyang natatawa doon"
"Sir..."
"Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong iwan eh" naririnig ko ng umiiyak siya. Napabangon ako bigla.
"Umiiyak po kayo, Sir?"
"No, I'm okay, parang mababaliw lang ako kasi wala akong makausap."
"Sige sir, sabihin niyo sa'kin lahat"
"Sus, gusto mo na ngang matulog eh!"
"Hehe, syempre akala ko nambibwisit ka lang eh"
"Pasensiya na kung ganon ako,"
Hindi naman ako nakasagot. At ganun din siya, parang hindi ko na alam sasabihin ko bigla.
"Bakit ganun no? Mas pinili niya yung career niya kaysa saken?" nagsisimula na naman siyang magdrama.
"Eh baka gusto niyang magkapantay kayong dalawa"
"Hindi naman dahilan 'yon, Ethan. Nag propose ako sa kanya, pumayag siya. Pero all of a sudden, nakakuha siya ng offer sa ibang bansa tapos iniwan niya ako"
"Atleast ikaw sir pinagpalit ka sa career, ako nga pinagpalit sa babae eh!"
"Oh?"
"Opo, ang hirap din kasi minsan kapag nasa same sex relationship ka, baka bigla na lang gustong magka pamilya yung partner mo tapos iiwan ka na lang din bigla."
"Sorry, hindi ko alam Ethan. Eto siguro yung sinasabi mo sa'kin nung lasing ako na naiintindihan mo yung pinagdadaanan ko"
"Opo, bakit pa kasi nauso yung nangiiwan eh!"
"Haha tama ka Ethan, pero umaasa ka pa rin ba na magkakabalikan kayo ng boyfriend mo?"
Napaisip ako, umaasa ba ako? Siguro hindi, siguro rin oo.
"Oh, bakit nag isip ka ata bigla?" sabi niya pa
"Mahirap kasing magsalita ng tapos,"
"Hehe, tama ka uli! Alam mo may sensa ka rin palang kausap no?"
"Ikaw lang naman yung palaging moody sir,"
"Haha pasensiya na uli, malay mo pala tayong dalawa pala para sa huli di'ba?"
Shet!!!! Sinabi niya ba talaga 'yon?!
"Malay mo, destiny 'tong nagsasabi na magsimula tayo bilang mag fake partner tapos sa dulo maiinlove ka sa'kin, maiinlove ako sa'yo, oh di'ba?"
Hindi ako makapagsalita. Talagang sinasabi niya yung mga ganun!
"Haha joke lang Ethan, alam ko sa sarili ko na babae ang gusto ko pero gusto ko rin magpasalamat sa'yo, kasi pumayag ka sa gusto kong mangyari"
"Ano pong tinutukoy niyo?"
"Yung pumayag ka na magpanggap tayo"
"Oo nga sir, bakit po ba parang nakasalalay sa buhay niyo yung pag oo nila Sir Miggy at Cielo?"
"May company sila US, sobrang laki non, at kapag makuha natin yung market nila, mas lalaki yung sakop natin. Alam ko naman na same sex partner din yung anak ng may ari non, sakto naman na nandun ka sa office nun kaya ikaw yung napagdiskitahan ko!"
"Alam ko na 'yan sir, I mean, syempre may personal na dahilan 'yan. Kahit kay Sir Jack nga tinago mo 'yan eh, ibig sabihin may personal kang dahilan"
"Hehe, sige, tutal naman eh honey kita!" sabi niya pa.
"Haha sige po!"
"Si Zachary, si Sir Jack mo at ako eh bestfriends nung college. Parehas kami ng course and all, may friendly competition din sa amin pag dating sa grades pero hindi naman namen pinepersonal. Pero nung 3rdyear namen, parehas kaming may nililigawan. Hindi ko kilala yung nililigawan niya, surprise na lang daw kapag sila na."
"So...."
"So, ayun, pinakilala niya sa'kin yung nililigawan niya at siya yung babaeng nambasted sa'kin! Hehe, dahil sa babae, kaya nagkaroon ng lamat sa amin ni Zachary"
"Ibig sabihin kaya niyo 'to ginagawa dahil gusto niyo.... Gumanti?"
"No no no, don't take it that way. Parents ni Zachary may ari ng company natin pero syempre tumatak na sa isip ko na kailangan kong maging mas successful para makuha ko mga gusto ko. Kasi mas pinili nung babae sa Zachary dahil mas mayaman siya sa'kin"
"Gold digger!"
"Haha oo, naghiwalay din silang dalawa pero may something na eh... Parang may nawala.. Ganun yung naramdaman namen sa isa't isa"
"Naiintindihan ko po"
"So ayun, ginagawa ko 'to para sa company, ginawa kasi kaagad akong manager ng parents ni Zachary eh, pang surprise lang sana 'to sakanila. At the same time, pang boost up sa sarili ko"
Mas naiintindihan ko na ngayon si Sir Benj. May ibang hugot din pala 'to. Gusto ko rin sana malaman about sa family niya kaso masyado na atang personal kaya hindi ko na tinanong.
Nagpatuloy lang yung kwentuhan nameng dalawa hanggang sa makatulog kaming dalawa.
Parang mas gumaan na yung pakiramdam ko kay Sir Benj matapos ng kwentuhan nameng dalawa.
++++++
Paalala lang, after ko mag update ng lima eh may pahingang dalawang araw haha parang teleserye, 5x a week lang haha!
VOTE AND COMMENTS!!!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top