Part 8

Read my story: Greg's Diary! :)

++++

Naiinis ako sa ginawa ni Sir Benj! Oo, yummy siya, hot siya pero ayoko lang talaga ng ganun. Hindi purkit ganito ako eh sa tingin niya kaya na niya akong makuha ng ganun ganun na lang.


Pero hindi ko rin naman matatanggi yung malambot niyang labi na dumikit sa mga labi ko.

Namiss ko bigla yung may kahalikan.

Pero mali pa rin! Mali talaga. Sobrang mali!

Nagmamadali akong umuwi non' para makatulog na. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip yung nangyari.

Aware naman si Sir na nandun ako pero hinalikan niya pa rin ako.

Argh! Ang dami tuloy tumatakbo sa isip ko ngayon.

++

Ang hirap harapin ng boss ko ngayon. Literal na nagtatago ako sa office dahil sa nangyari kagabi.

"Dito ka lang ba sa pantry maghapon, Ethan?" tanong ni Laura.

"Ah, hindi, nagtatago ako kay Sir Benj eh"

"Nako, lumabas ka na, hindi raw siya papasok"

"Oh? Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam, sabi nila after daw ng July 8 eh hindi raw talaga siya pumapasok."

"Ahhhh...."

Iba rin pala yung tama ni Sir Benj sa babaeng 'yon kaya naman lumabas na ako ng pantry at pumunta sa table ko,

Pero bwisit. Bwisit! Bwisit talaga! Nandun pala si Sir Benj!!

"Sorry, akala ko hindi siya papasok"sabi ni Laura saken.

Napansin naman ako ni Sir Benj pero dinaanan niya lang ako.

Matapos mo kong halikan kagabi, dadaan daanan mo lang ako! Purkit hindi lang ako lumaban ehh, ganyan ka na. Sabi ko na lang sa isip ko.

Pero again, bwisit! Mukhang narinig niya yung nasa isip ko

"Ethan, office, now!" sigaw niya galing sa opisina niya.

Patay na naman ako neto.

Pag dating ko sa office niya, hindi ko mawari kung anong ibig sabihin ng reaksyon niya.

"Kumain ka na?" tanong niya.

What? Bakit ako kinilig sa tanong niya? Shet. Epekto ba 'to ng halik niya kagabi at feeling ko yung pagka concern niya saken eh dahil may feelings na siya saken?

"Po?"

"Uulitin ko talaga? Kumain ka na ba?"

"Ahh... Opo, sa bahay"

"Ayaw mong umupo?"

Umupo ako pagkasabi niya non'. Hindi ko talaga mawari ugali neto pero ngayon, ang bait bait niya.

Inabot niya saken bigla yung wallet ko.

"Naiwan mo sa condo kagabi"

Hindi ko namalayan na wala na pala yung wallet ko kakaisip sa nangyari kagabi.

"Ah, salamat sir, akala ko nawala na" pagsinungaling ko na lang.

"No prob..." maya maya, may pumasok sa loob na nagdeliver ng pagkain. Umalis din kaagad yung lalaki.


"Halika, kain na tayo rito" yaya niya.

Shet. Ang bait niya talaga.

"Busog na po ako" pero hindi pa talaga. Isang alok pa, sasabayan na kita.

"Please, I insist"

"Okay sir" naupo ako at magkaharap kaming dalawa na kumakain.

Tahimik.

Nagpapakiramdaman.

Naririnig ko yung pagnguya ko.

Naririnig ko yung tunog ng orasan.


Ang awkward. Sobrang awkward.

"Ethan" bigla siyang nagsalita.

"Po?"

"Salamat pala kagabi"

"Ah, wala 'yon sir."

"Pasensiya ka na, wala naman akong matawagan para sumundo saken eh."

"Okay lang po Sir, mahina pala kayo uminom hehe"

"Loko, ayokong may makaalam ng tungkol sa kagabi ah?"

"Noted sir"

"Good."

Nakangiti na kami pareho pero hindi pa rin niya inaacknowledge yung halik kagabi.

"Ang dugyot mo naman kumain!" okay, from concern boss to suplado boss real quick.

Pero kumuha siya ng tissue at pinunas sa labi ko.

Nakita ko na naman tuloy siya ng malapitan. Pucha, sobrang gwapo talaga ng boss ko! Nakakainis.

"Oh? Bakit ganyan ka na naman makatingin?"

"Ahh, wala po"

"Inaalala mo yung halik?"

Shet! Eto na!!

"Hindi po"

"Okay, sorry din about doon"

"Okay lang po"

"Mag sorry ka rin saken"

"Hala, bakit naman po? Ikaw kaya humalik!"

"Oo, ako nga, pero mag sorry ka kasi ang panget mo humalik! 'Di ka marunong!"

Aba aba 'tong lalaking 'to!

"Lasing po kayo, hindi ko po kayo itatake advantage"

"Reasonssssssss. You're not a good kisser,"

Aba, sinusubukan ata ako neto.

"Baka kapag nasubukan niyo kung paano ako humalik eh hanap hanapin niyo"

"Really?" Bigla siyang nagbasa ng labi niya na parang hahalikan ako. "Try me then, now that I'm sober" pahabol niya pa.

Pero badtrip, biglang pumasok si Allen sa kwarto at nag abot ng folder. Lumabas din kaagad siya.

"If you're done, go back to work" nawala na naman yung mapang akit kong boss at naging boss na lang siya.

Tumayo ako kaagad at lumabas pero may pahabol pa siyang sinabi saken.

"Let's practice that kiss soon, okay?"

Hindi ko alam kung seryoso siya kasi nakangisi siya at mukhang nagbibiro.

+++

Sinalubong ako ni Butchok pag uwi ko. Ang paborito kong kapatid, well nag iisa lang naman siya kaya wala akong choice.

"Kuya, Kuya!" niyakap niya ako ng mahigpit.

"Oh, bakit parang ang sweet sweet mo ata ngayon?"

"Eh kasi Kuya may bago akong friend"

"Friend?!" hindi naman sa ayaw ko siyang magkaroon ng kaibigan, pero bawal kasi 'to lumabas ng bahay.

"Manang!!" sigaw ko. Alam kong tulog na si mama ngayon.

Dali dali namang lumapit si Manang.

"Bakit pinapalabas mo si Butchok? Diba sabi ko dito lang siya sa bahay?!"

Bago pa makasagot si Manang, sumingit na yung kapatid ko.

"Kuya, hindi naman ako naglaro sa labas. Nandiyan lang ako sa tapat ng bahay tapos nakipagkaibigan saken si Krisha, yung bata sa tabing bahay natin"

"Opo Kuya Ethan, hindi ko po pinalabas ng bahay kasi alam kong magagalit kayo kaya pinapunta ko na lang dito yung bata" sabi naman ni Manang.

Naguilty tuloy ako sa pag sigaw ko kay Manang kaya pinabalik ko na siya sa ginagawa niya.

"Kuya, ang saya pala ng may kalaro no'?"

"Bakit naghahanap ka pa ng iba? Eh nakikipaglaro naman ako sa'yo ah?"

"Eh kuya, busy ka na kasi sa work. Nabobored na ako eh, bawal naman ako magpapawis diba?"

"Bawal na bawal! Hindi pwede. Ayoko ng maospital ka!"

"Opo Kuya."

Niyakap ko siya ng mahigpit at pinapunta ko siya sa kwarto ko saka kami naglaro ng PSP.

May sakit kasi sa puso si Butchok, bawal mapagod, bawal pag pawisan, bawal lahat. Nakakaawa lang din kasi bata pa lang siya tapos naeexperience na niya yung mga ganitong bagay.

Dito ko na rin siya pinatulog sa kwarto ko.

Mahal na Mahal ko 'tong kapatid kong 'to.

+

Patulog na sana ako ng biglang mag text si Sir Jack! Hindi ko alam kung bakit pero, oo!! Nagtext siya!

"Hi, textmate 😊"

Bakkt kinikilig talaga ako sakanya ng todo? Naiimagine ko pa lang yung itsura niya eh kinikilig na ako.

"Hello 😴😴"

Ang landi ng emoji ko.

"Ay, natutulog ka na ba?"

"Patulog pa lang po, Sir Jack"

"Oh, sige, well, goodnight 😊"

Bobo mo Ethan, bakit ganun sinabi mo!

"Sige po, 😊"

"Sige na, matulog ka na 😊"

"Opo, Sir 😊"

"Masyado ka namang formal, you can call me Jack or Zachary, or JZ hahaha 😂"

Hindi ko alam kung ano yung nakakatawa pero nakangiti lang ako sa text niya.

"Jack?"

"Yes! Ganyan nga. 😊"

"Okay, Jack 😊"

"Akala ko ba matutulog ka na?"

"Oo nga po, eto na"

"Goodnight uli, hehe paulit ulit na lang tayo 😊"

"Opo, sige, Goodnight na talaga Jack 😊"

"😜"

Shet, bakit ganyan naman mga emoji niya! Naglalabas ng dila! Gusto siguro ako neto ka torrid.

"😙😙😙😙" pero hindi ko siya sinend, iniisip ko kasi kung ano yung sasabihin ko.

"Typing.... Ang haba naman ng sinusulat mo" sabi niya

"Ay hindi po, hehe hindi ko po kasi alam sasabihin eh hehe"

"Kailan pala tayo magdidinner? 🍝🍗🍟🍔🍕🍖🍛"

"Ang daming pagkain naman niyan, Jack"

"Hehe, bubusugin kasi kita 😉"

Shet!!! May kindat yung emoji niya!!! Bakit naman ganito!!!

"Ehhh nakakahiya naman Sir,"

"Hala, 'wag ka ng mahiya saken. Di'ba, textmate nga? 😉"

No, ang sakit na ng panga ko sa sobrang kilig.

"Hehe, osige po. Kailan po ba?"

"Friday? Okay lang?"

"Oh, may lakad po kami ni Sir Benj"

"Si Benjamin o Ako? 😳😳"

Hala! Ang clingy niya masyado!!!!

"Importante kasi 'yon eh, business meeting"

"Oh, business meeting? Bakit parang hindi ko alam 'yon?"

Ay shet. Mukhang hindi siya aware sa ginagawa ni Sir Benj. Mukhang lagot na naman ako neto.

"Well, kung hindi ka pwede, Saturday night?"

"Saturday? Sige po 😊"

"Nice, so it's a date?"

"Date kaagad?"

Nabigla ako sa sinend ko! Bakit ganun yung sinabi ko!!

"Oh, edi businesa meeting na lang. If you know what I mean 😉😉"

Ayoko na! Parang hindi ko na kaya na ganito.

"Sir, matutulog na po talaga ako hehe. Goodnight"

Hindi ko na binasa yung message niya kasi baka matemp pa akong imessage siya. Ayoko na, hindi ko naman alam motibo ni Sir Jack, hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang naging sweet 'yon.

Pero kahit ano pa 'yon, naaapektuhan ako sa ginagawa niya saken.

+++

Bago ako makapasok, nagulat ako ng makita kong gising na si Butchok at mukhang may inaabangan sa labas.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Inaabangan po si Krisha!"

"Nako ha, mamaya maging girlfriend mo na siya ha? Ka bata bata mo pa"

"Hala si Kuya, masyado pa akong bata diyan"

"Hehe, sinasabi ko lang. Oh, aalis na ako."

"Sige Kuya, mag ingat ka!" sabi pa ni Butchok.

Pagkaalis ko may napansin akong bata na lumabas sa kabilang bahay at dumiretso sa bahay namen, mukhang siya nga si Krisha.

Pag dating ko sa office, sinalubong ako ng mga ka officemate ko at mukhang kinakabahan sila.

"Nako, lagot ka Ethan. Hinahanap ka ni Sir Benj!" bungad saken ni Kristine, isa kong kaofficemate.

"Bakit? Hindi naman ako late ah?"

"Magkausap sila ni Sir Jack sa office. Sumigaw siya kanina kung nandito ka na eh, sabi namen wala pa"

Shit, mukhang eto nga yung tungkol sa friday! Nakakainis.

"Pwede bang mag resign na ako?" biro ko.

"Haha, ano ba kasing ginawa mo?"

"Hindi ko rin alam ehh"

"Nako, puntahan mo na. Baka mas magalit pa 'yon kapag mamaya kapa magpakita"

Kumatok ako kaagad sa opisina niya at pagpasok ko, nakita ko rin si Sir Jack sa loob,

"Oh, nandito na pala siya!" sabi ni Sir Jack.

"Ethan, bakit mo sinabi yung tungkol sa dinner natin sa friday?"

"Well, technically, ikaw ang nagsabi Benjamin" sagot ni Sir Jack.

"Paano mo nalaman, diba sinabi ni Ethan sa'yo?"

"Tinanong kita kanina kung anong gagawin mo sa friday, tapos bigla kang nag react at nagalit kay Ethan. Tapos ngayon sinabi mo na may dinner kayo sa friday, kaya na confirm ko talaga. Hay nako Benjamin, 'wag masyadong magpakain sa stress" sagot ni Sir Jack.

Mukhang nainis si Sir Benj sa ginawa niya.

"Well, kung magkakaroon ka ng secret meeting ng hindi ko alam, go ahead. Basta makakabuti sa company, why not right?"

Hindi naman nakasagot si Sir Benj.

"Aalis na ako Benjamin. Ethan." ang classy ni Sir Jack at ang yummy! Nginitian niya pa ako bago makalabas.

Hinahanda ko na yung tenga ko sa sermon ni Sir Benj pero wala siyang sinabing masama.

"Prepare on friday okay? Tuloy tayo." mabait yung tono ng boses niya.

"Okay po Sir."

"Nag breakfast ka na?"

Pangalawang araw na niyang tinanong 'to.

"Yes po"

"Okay, go back to work"

Hindi na ako sumagot at lumabas na ako.

Paglabas ko, nakatutok silang lahat. Lumapit naman si Allen saken at nakichismis.

"Totoo bang nagkabalikan si Sir Benj at Sophie?" tanong niya saken.

"Huh? Bakit ako naman tinatanong niyo?"

"Palagi kaya kayong magkasama ni Sir Benj!"

Shet, alam na nila na palagi kaming magkasama, siguradong napagchismisan na rin nila 'yon.

"Hindi ko alam, wala naman siyang nabanggit"

"Hmmm, eh bakit nandun si Sir Jack? Alam ko pinag agawan nila dati yan si Sophie eh. Napakaganda naman kasi talaga"

"Hindi ko alam, haha. Chismoso!"

"Haha, sige na akala ko may masasagap kaming chismis sa'yo!"

Natawa naman ako sa sinabi niya kaya bumalik na ako sa computer ko.

Chineck ko naman yung phone ko at may message si Sir Jack kagabi na hindi ko nabasa.

"Mamaya ka na matulog 😳😳"

"Well I guess you're asleep now, Goodnight Ethan 😙"

YUNG EMOJI TALAGA NIYA YUNG NAGPAPANGITI SAKEN!

"Hey, hindi ko sinabi kay Benjamin na may sinabi ka saken, sana hindi mo sabihin 😊" text niya pa.

"Opo,😊"

"Oh, bakit ka nagtetext, magtrabaho ka diyan 😊😊😊😊" sabi niya pa.

"Eto na po hehe"

"Akyat ka later pag break mo, dito ka na mag lunch."

Niyayaya niya ako maglunch kasama siya!

"Not so sure, Sir Jack"

"Oh, sad. Well, okay then"

Nakakainis nagpabebe pa kasi ako eh, 'yan tuloy.

Hindi na ako nagreply sakanya at nagtrabaho na ako.

++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top