Part 7

Read my story: Greg's Diary! :)

+++

Pumunta si Jaycee sa Mozu, malapit sa office at dun kami nag inuman. Chill chill lang kasi sa lugar na 'yon.


"Kanina pala bes, may katagpo ako." bungad ni Jaycee.

"Oh, anong nangyari?"

"Bortang borta sa picture tapos mas malambot pa saken sa personal. Mapanlinlang na talaga mga bakla ngayon!"

"Haha paano mo naman nalaman? Kilos barbie ba?"

"Ken sa picture. Barbie sa personal. May pilantik."

"Grabe ka naman bes, ikaw din naman may pilantik ah?"

"Pero 'di ako mapagpanggap. Inaamin ko sa kausap ko pero siya, top daw tapos ang kapal ng foundation. Jusko."


Tawang tawa talaga ako sa pakikipag usap ko kay Jaycee. Feeling ko ang tagal nameng di nakapag usap dahil sa ilang araw din akong "busy".

"Anong balita sa pagpapanggap niyo bes?" tanong bigla ni Jaycee.

"Okay naman kami ni honey"

"Honey?! Hahaha ang landi ng honey!"

"Well, ganun daw itawag ko sakanya kapag magpapanggap kaming dalawa eh"


"Inlove ka na ba?"

"Gaga, inlove kaagad?"

"Jusko, sa ganung itsura bes, posibleng mainlove ka!"

"Infatuation lang siguro sa ngayon kasi ang hot hot kaya ni Sir Benj, tapos ang dreamy. Super duper hot talaga! Parang 'di ko kakayaning makita siyang shirtless, baka mahimatay ako!"


"Haha, oh di'ba, goodluck sa'yo!"

"Sana lang talaga hindi ako mainlove sa kanya."

"Pero kidding aside bes, ready ka na ba sa bagong relasyon? I mean, seriously, lagpas isang taon na nung maghiwalay kayo ni Bill at kahit isang lalaki o babae wala kang pinansin"



Natahimik ako. Ayoko na kasing maalala yung nakaraan ko kay Bill.

Parang pinagtagpo lang kami pero hindi kami yung para sa isa't isa.


Yung nararamdaman mong siya na pero hindi pa pala.


Yung akala mo makakasama mo habang buhay pero hindi pala.


"Siguro nag fflashback ka ng memories niyo ngayong dalawa kaya ka natahimik"


"Bes, tigilan mo na mo na yang kay Bill!"


"Joke lang bes, okay, back to our hotties, so paano si Sir Jak? May pag text pa kayong dalawa right?"


Nabanggit ko rin kasi sa kanya yung tungkol doon.

"Basta sa ngayon, ang gusto ko lang, magtrabaho, tapos magkapera! Ayun lang, ginagawa ko lang din yung deal namen ni Sir Benj dahil sa 100,000. Tapos, si Sir Jak naman, siguradong wala lang 'yon sakanya, yung pagtext namen. Natuwa lang 'yon dahil na wrong send ako ng I love you sakanya"


"Bes, hindi wrong send 'yon!"


"Either way, natutuwa lang saken 'yon. Kaya 'wag mo kong bigyan ng pag asa kasi aasa talaga ako!"



"Haha, oo nga bes, ayokong umaasa ka eh haha"


"Good!"


+++

Kinaumagahan sa office, napansin kong wala sa mood si Sir Benj dahil na rin sa hindi niya kami pinansing lahat. Dire diretso lang siya sa opisina niya.



At nagsimula na naman ang chismisan sa chatbox.



"Badtrip ang boss natin!"


"Oo nga anong meron?"


"Hello, anong date ngayon?"


"July 8 mga be"


"Ohhh.... I see.."


Nacurious naman ako kung anong meron sa july 8 kaya nagtype ako sa chatbox kung anong meron ngayong araw, nakkatuwa lang sa chat na 'to eh hindi mo alam kung sino yung nagchachat.


Pero bago ko mabasa yung sagot eh lumabas si Sir Benj sa opisina niya at sinigaw pangalan ko.



"Ethan!"


Napatayo kaagad ako at kinakabahan.


"Sumunod ka!" sabi niya pa.


Wala naman akong kamalay malay sa gagawin namen pero sumunod ako sa kanya palabas ng department at papuntang elevator.


Kami lang ni Sir Benj sa loob.


May hiwaga din 'tong elevator na 'to eh. Palagi na lang sa tuwing kasabay ko si Sir Benj o Sir Jak eh solo namen yung elevator.


"Sir...." sabi ko.

"Hindi ka magsasalita hanggang sa sinabi ko"


Okay, back to supladong boss si Sir Benj ngayon.


Bumaba kami ng 6th floor at pumunta sa meeting room.


Medyo kinakabahan na ako kung bakit ako sinama rito ni Sir Benj pero mas nagulat naman ako na hawakan niya yung kamay ko.


Oo!! Holding hands talaga!!


Sa sandaling 'yon, bumilis tibok ng puso ko. Medyo natuwa naman ako sa ginawa niya.


Dahan dahan niyang nilapit mukha niya saken. Akala ko hahalikan na niya ako pero bumulong siya sa tenga ko.


"Nasa loob sila Sir Miggy at Cielo, okay? Alam mo na"


Yung boses niya, parang nang hihipnotismo! Napa oo niya kasi ako kaagad ng walang kalaban laban.



Binuksan niya yung pinto at hindi lang sila Sir Miggy at Cielo yung tao, may kasama silang dalawang babae na matanda na, at mukhang foreigner.


"Sila yung sinasabi namen mom" sabi ni Cielo.

Tumayo naman yung babae at nakipagkamay samen.

"Hi, I'm Samantha, and this is my girlfriend, Nicole"


Wow! Lesbian parents niya!! Tapos nasa gay relationship sila. Wow, nakakatuwa!


"Please, sit" sabi naman ni Mam Samantha.


Magkatabi kami ni Sir Benj, pero hindi niya pa rin tinatanggal yung pagkakahawak sa kamay ko.



"Good Day Maam, I'm Benjamin" pakilala ni Sir Benj. Mukhang kinakabahan naman siya dahil nanginginig yung hawak niya saken.



"I heard so much about you, well at first I really don't like the idea of merging our family business to others but when Cielo here says that you were gay. Well, as you can see, we... I'm biased when our partner in the company comes from LGBT people."



English. English, buti na lang prepared ako.


"Well, I'm sure proud of my honey here" sbi naman ni Sir Benj saken sabay tingin sa mga mata ko.


Ang ganda ganda ng mata niya sa malapitan! Sa sandaling 'yon parang naapektuhan ako sa tingin niya.



"Okay, so, you want us to invest in your company, right?"


"Yes maam."


"Okay, I just want a proper presentation on friday!"


"Mom no." si Sir Cielo yung sumagot "... I've scheduled a dinner with them on friday"


"Oh, how about let's all have dinner? Elmer and Patrick would love that!"


"Daddy and Papa are on their vacation in Hawaii,"


"Tell them"


"Well, okay. Okay, okay lang ba sainyong dalawa?" tanong ni Sir Cielo.


"Ofcourse Sir" sagot ni Sir Benj.


Pero naguluhan ako sa sinabi niya. Daddy at papa, kaya tinanong ko siya tungkol 'don tapos pinisil ni Sir Benj yung kamay ko na parang sinasabi na 'bakit ka nagsalita? Sabi ko 'wag kang magsasalita diba?'


"Haha, you'll see. So, friday?" sabi ni Sir Cielo.


"Yes, Sir"


Si Mam Nicole naman nagsalita.


"We've had that business ever since then, and with this partnership, we're expecting more from you okay"

"You'll never regret this one, Maam"


"That's good."


Bigla naman silang tumayo at nakipagkamay.


Lumabas na silang apat at may inabot na folder si Sir Benj sakanila.

Hinatid namen sila sa elevator at pagsara ng pinto, bigla akong pinagalitan ni Sir Benj.



"What was that? Sabi ko 'wag kang magsasalita diba?"


Hala, galit talaga siya.


"Nacurious lang ako...."


"Well stop being so curious, curiousity kills!"


"Sorry sir."


"Gosh, magpapanggap na lang hindi pa marunong sa instructions!"



"Sorry talaga sir...."


"Well, wala na. Iisipin na nila pakielamero tayo sa buhay nila!"


Galit talaga siya, dahil 'don sa ginawa ko.


"Binabayaran kita para sumunod sa sinasabi ko kaya sumunod ka!"

"K"

Naiinis na rin ako sakanya. Parang ang OA masyado ng reaksyon niya.



"What?!"

"Sabi ko, okay po"


"Sarcastic?!"


"Oo sarcastic, ang OA mo kasi!"


Shet, bakit ko sinigawan boss ko.


"OA? Ang sabi ko 'wag kang magsasalita diba? Simple lang naman yung instruction ko, are you really that stupid?!"

"Easy lang sir, una binabayaran niyo ako pero hindi naman kasama sa job description na inapllayan ko ang maging fake boyfriend niyo po, favor niyo na 'to saken at pumayag ako kasi nakiusap kayo. At kung dahil lang sa simpleng pagsalita ko kanina eh magiging ganyan na kayo, mabuti pang itigil na natin 'to!"

Hindi ko naman na hinintay yung sasabihin niya saken at naglakad na ko papuntang hagdan paakyat at bumalik sa office.



Umupo ako sa desk ko at napansin ko ring pumasok na si Sir Benj pero wala siyang imik at dumiretso lang sa office niya.


Pagkacheck ko sa computer ko, may mga chats pa rin pero konti lang kaya nag back read ako. Nakita ko yung tanong ko.


"Anong meron sa July 8?"


At dun ko nalaman yung dahilan

"Anniversarry dapat ni Sir Benj at nung ex fiancè niyang si Sophie"



+++++


Nag undertime si Sir Benj at umuwi na. Samantalang ako naman eh nag overtime. Ewan ko, feel ko kasi mag trabaho ngayon eh.


9PM na ako nagpasyang umuwi at sakto paglabas ko ng office, biglang tumawag si Sir Benj saken.


Ayoko pa sanang sagutin nung unang tawag pero tumawag uli eh.



"Bakit?" sagot ko.


"Hi, Good Evening po, pwede po bang pasundo netong lalaking 'to? Nanggugulo po kasi sa bar eh" mukhang hindi si Sir Benj yung kausap ko.

"Ahhh.. Sige po, saang bar po ba?"

Pagkasabi 'non eh nagmadali akong pumunta doon. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag eh pero papunta na ako.


Pagkarating ko doon, nakita ko si Sir Benj na nakaupo sa gilid ng kalsada. naka white long sleeves at slacks. Nakatungo at mukhang problemado.


Lumapit ako.


"Sir Benj?" sabi ko.


Tinignan niya ako at ngumiti.


"Honey!!!" lasing nga talaga siya.



"Sir, tara na po, ihahatid ko na kayo pauwi"

"No!! Samahan mo ko rito honey mag iinom pa tayong dalawa!"


Yumakap siya sken at pilit na tumatayo pero lasing na lasing talaga siya.

"Ethan! Tara samahan mo ko!!" sigaw nya pa.


Pero inaalalayan ko siya papunta sa kotse ko.

"Ano ba!! Ayoko pa sabing umuwi!" sigaw niya saken.


"Sir, lasing na kayo..."


"Ano ba! Magsasaya pa ako!! Anniversarry namen ng fiancè ko!"


Sa mga oras na 'yon, tumatawa na si Sir Benj pero alam kong naiiyak siya.


Medyo nanghina na rin siya at napaupo sa gilid ng kotse ko.


"Magcecelebrate ako Ethan, samahan mo ko" kalmado na boses niya at mukhag pagod na siya.


Medyo naaawa naman ako kay Sir Benj dahil dito. Parang wala siyang kalaban laban.

"Baka nagcecelebrate din siya kahit iniwan niya ako. Baka naaalala niya ako."


Wala akong alam sa relasyon niya kaya hindi ako makasagot.


"Ethan, ikakasal na kaming dalawa eh. Alam mo ba 'yon?"


Hindi pa rin ako sumagot.


"Pero mas pinili niya yung career kesa saken. Ang sakit lang, Ethan"


Yumakap naman siya saken bigla at umiiyak.

"Sir, okay lang yan..."


"Hindi okay Ethan, ang sakit! Akala ko siya na! Handa na akong bumuo ng pamilya sa kanya pero hindi pa pala siya!"


Ganyan din sinabi ko kay Bill noon, pero iniwan niya rin ako.


"Naiintindihan ko kayo, Sir"


"Hindi mo ko maiintindihan kasi hindi ikaw ang iniwan!"


Hindi na ako nakipaglaban sakanya at umoo na lang ako.

Maya maya, tinayo ko na siya at pinapasok sa kotse ko. Mukhang gusto niya lang maglabas ng sama ng loob at feeling ko naman, gumaan ng kahit papano yung loob niya.


"Saan kayo nakatira Sir?"

"Hatid mo ko sa condo ko. Eto i waze mo na lang" inabot niya yung phone niya at dun ko nakita yung Sophie, sobrang ganda nga! Bagay na bagay silang dalawa.

Pero binuksan ko na yung Waze at tinuro na yung papunta sa condo ni Sir Benj.


+

Lasing na lasing ko siyang pinasok sa kwarto niya. Sobrang linis ng condo niya at simple lang, wala masyadong gamit.


Dumiretso ako sa kama at hiniga ko siya.


Lasing na lasing talaga siya.

"Ethann..." bulong niya.


"Po?"


"Salamat sa paghatid" sabi niya pero nakapikit pa rin siya.


Natuwa naman ako kasi ang bait niya pala kapag lasing.


"Okay lang Sir," sabi ko.


"Yung phone ko?"

Inabot ko sakanya at mukhang may tinatawagan siya. Halata naman na pinipilit niya lang ibuka mata niya sa kalasingan.

Sinilip ko kung sino tatawagan niya at si Sophie yung dinadial niya!

Dali dali kong kinuha phone niya.


"Bakit?! Akinaaaaa phone ko!!!"

"Hindi, masasaktan ka lang!"

"Ano bang paki mo, Ethan?!"


"Fake boyfriend mo ko kaya ginagawa ko 'to!"


Hindi naman siya nakapagsalita. At mukhang nakatulog na siya.



Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila niya ako sakanya. Napapatong tuloy ako sakanya.


"Sir!!!"

Wala ako sa pwesto kaya yung pagkakayakap niya saken, mahigpit at wala akong kalaban laban.


"Pwede ka bang maging si Sophie ngayong gabi?" sabi niya pa.

Shet! Ang bango ng hininga niya kahit lasing!


"Sir...."

Pero hindi ko natuloy sinasabi ko ng halikan niya ako sa labi ko.


Oo!!! Hinalikan niya ako. At hindi lang halik, torrid talaga!!

"Sir!!" sa gulat ko nasampal ko siya ng malakas.


".... Araaaay." hinawakan niya lang yung pisngi niya pero ako lumabas na ako ng condo niya at nagdrive pauwi.



++++++

PASENSIYA SA WRONG GRAMMAR HAHHAA


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!! HIHI

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top