Part 69
Thank you for supporting my story up to now, alam ko magiging hati ang opinion ng lahat sa huli pero ganon talaga hehe.
SANA SUPORTAHAN NIYO RIN YUNG BAGONG ALBUM NG PINAKAMAMAHAL KO, QUEEN, INSPIRASYON, LADY GAGA!! #JOANNE NAPAKINGGAN KO NA YUNG ALBUM AT HINDING HINDI KAYO MAGSISISI. STREAM ON SPOTIFY HA?!!
THANK YOU :)
Read my story: Greg's Diary! :)
++++
JACK'S POV
Sasabihin ko ba kay Ethan? Eto siya sa harap ko ngayon, umiiyak, wala akong magawa. Wala lang naman ako para sa kanya eh, kahit anong gawin ko, si Benjamin talaga mahal niya, kaya iniwan pa siya neto.
Wala akong magawa, at kung may magagawa man ako siguradong hindi sapat 'yon.
Sasabihin ko ba yung sinabi ni Benjamin? Bakit? May mangyayari ba kung sasabihin ko? babalik ba siya rito para kay Ethan? Kaya niyang gawin kay Ethan 'to, baka hindi niya talaga mahal si Ethan katulad ng pagmamahal ko. Nakakalungkot lang pero ayoko ng dagdagan pa yung iniisip ni Ethan, kailangan nandito lang ako sa tabi niya kahit na anong mangyari.
+++
First month was the worst, halos hindi ko siya makausap ng matino, nahuhuli ko pa siyang nakatulala na parang ang lalim ng iniisip, Kapag lalapitan ko naman siya ngingiti lang siya na parang pilit. Alam kong nasasaktan pa rin siya pero kailangan kong maging matapang for him.
2 months at parang nagbago lang ng kaunti, kaunting kaunti lang talaga.
3 months, nakakatawa na siya. Gusto ko siyang pinapatawa, gusto ko palagi siyang masaya. Magaling na magaling na kasi si Butchok pati yung mama niya. Nakakatuwa lang dahil sabay silang gumaling, at ayun ang pinapaalala ko kay Ethan.
4 months, productive na yung trabaho niya, nakikita ko 'yun sa performance niya. Hindi ko siya pinipilit about samen, basta ang gusto ko lang, mapasaya siya sa bawat oras na pwede ko siyang mapasaya.
"Ethan?" bigla kong sabi sa kanya habang nasa sasakyan kami, hinahatid ko siya pauwi sa kanila.
"Hmm?"
"Bibilhin ko yung bahay sa tabi niyo"
"Ha? Bakit? Anong problema sa condo mo?"
"Wala naman. Uhm, gusto ko lang mapalapit sa'yo"
Natahimik siya, tinignan ko siya sandali at nakatingin siya saken na parang natuwa sa sinabi ko.
"Talaga?" tanong niya.
"Oo. Hehe, pero alam ko naman na hindi ako pwedeng tumira sainyo kaya bibilhin ko na lang 'yun hehe"
"Eh paano yung papa mo?"
"Hindi naman niya malalaman eh hehe. Ano?"
"Mahal 'yun!"
"Nabili ko na. Sinabi ko lang sa'yo haha"
"Haha loko ka talaga!!"
"So magkatabi na tayo ng bahay hehe. Uhmmm... Baka pwede naman na..."
"Alam mo na hindi pa ako ready di'ba?" bigla niyang sabi. Nararamdaman niya talaga kapag isisingit ko yung tungkol sameng dalawa,
"I understand hehe."
Patuloy lang sa pagbabalik ng buhay niyang masaya.
6 months was really really okay. Minsan, nakakapuntos na ako ng akbay sa kanya. Hindi niya tatanggalin, minsan hahawakan ko kamay niya ng pahapyaw pero pag naramdaman niyang hahawakan ko na yung buong kamay niya, aalisin na niya, okay lang naman sabay aakbayan ko siya uli,
One time, umalis kaming tatlo nila Butchok. Para kaming one big happy family sa gala namen, hawak kasi namen ng magkabila yung kamay ni Butchok.
7 months, alam kong okay na siya. Okay na okay dahil hindi ko na siya nakikitang nakatulala, palagi na siyang busy in a good way at nagpapasalamat ako dahil doon.
"Saan tayo pupunta?" bigla niyang tanong habang pinagdadrive ko siya after ng shift niya.
"Basta."
Gusto ko na magtapat sa kanya ng formal. Alam kong alam na niya pero gusto ko ipakita sa kanya na mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko siya kayang lokohin.
Dinala ko siya sa pinakataas ng building ng condo ko. Alam kong nilalamig siya dahil sa hangin kaya niyakap ko siya sa likuran. Akala ko aayaw siya pero siya pa naghigpit sa kamay ko para mayakap siya.
"Mahal kita" bulong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot. Hindi ko rin makita kung anong reaksyon niya pero hinayaan niya lang yung pwesto nameng ganon.
"Seen lang?" sabi ko
"Hehe. Hindi..... I need time, I mean, gusto kong sure na sure na talaga ako di'ba?"
"I understand. Hindi naman kita pinipilit pero gusto ko lang gawing official yung panliligaw ko sa'yo"
"Hala, hindi ka pa ba nanliligaw?"
"Uhm. Medyo pero gusto ko lang sabihin hehe,"
Hinarap ko siya saken. Kahit mahangin, nakangiti kami sa isa't isa.
"Can I court you, Ethan?" sabi ko sa kanya mata sa mata.
Una umayaw siya pero parang nagpapacute siya na ewan hehe, grabe, bakit ganito ako kay Ethan. Hindi ko mapaliwanag. Mahal na mahal ko talaga siya.
Nagtyaga ako para sa matamis niyang oo at hindi naman ako nabigo sa kanya nung sinagot niya ako.
+++
Isa lang sa pinakamasakit na nangyari ay yung kailangan kong pumunta ng New York para sa kagustuhan ng papa ko. Mahal ko si Ethan at dapat mahal ko rin pamilya ko.
Kaya nung nasa US ako, ginawa ko lahat ng dapat kong gawin para mapabilis yung trabaho ko at makauwi kaagad.
Kaso nakatanggap ako ng mga pictures, pictures na magkasama si Benjamin at Ethan ng hindi ko alam, hindi sinasabi ni Ethan. Una, akala ko paninira lang pero may picture sila na magkahalikan. Tanginaa, ang sakit. Anong ginawa ko para gawin niya saken 'to?
Tumatawag siya pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, galit ako at the same time nalulungkot.
Mahal na Mahal ko siya pero kaya niyang gawin saken 'to!
Hinayaan ko na lang muna siya at tinapos ko lahat ng trabaho ko rito, mas gusto ko siya makausap ng harapan. Gusto kong marinig mismo sa kanya yung paliwanag niya.
Habang naglalakad ako pauwi galing office...
"Sabi na nga ba eh, you're here" sabi ng familiar na boses.
Si Heidi.
Si Heidi ang kapatid ni Hannah.
"Oh, hello!" bati ko. Niyakap ko siya, kahit naman papano eh naging close kaming dalawa.
"How did you know?" tanong ko,
"Well, sinabi ng papa mo hehe"
"Hehe..."
"Ikakasal ka na raw ah?"
"What? Pakulo lang ni papa 'yon haha I'm not that stupid"
"I know I know hehe so, you're seeing someone?"
"Hmm.. yes" sagot ko. Kahit medyo awkward.
"Oh good for you! hehe Nakausap mo na ba si Hannah?"
"Haha, well... Siguro pag uwi ko. Pinupuntahan ko pa rin naman siya minsan"
"Well, good good to know... uhm, well, you look good as always. Gwapo gwapo. hehe stay inlove okay? I got to go hehe"
"Sure Heidi." niyakap ko uli siya bago ako nagpaalam.
++
Hinahanda ko na sarili ko pag uwi pero nung naalala ko si Heidi, naisipan kong bisitahin si Hannah. Alam ko naman na hindi niya ako makakausap eh kaya ginawan ko na lang siya ng sulat bago ako pumunta sa condo.
Nakipaghiwalay ako kay Ethan. Pero hindi dahil hindi ko na siya mahal, gusto ko lang na makapag isip isip muna siya bago namen itulog 'to. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya saken pero unfair naman kung hindi ko aalamin yung totoo niyang nararamdaman kaya hinayaan ko na lang muna siya.
1 day...
2 days...
3 days...
Wala akong ginawa. Hinayaan ko si Ethan. Gusto ko siya yung lumapit saken dahil ako, hinihintay ko lang naman siya.
4 days na pero hindi na siya tumatawag saken. 5 days... wala na rin.
Ayoko ng ganito
Ako naman may gusto neto pero hindi ko maisip na mawawala siya saken.
Mahal ko ba? Oo. Handa ba akong magpakatanga uli? Oo. Handa ba ako sa magiging future namen? Oong oo.
Ayoko! Gusto ko na siya makita! Kaya nagmadali akong pumunta sa bahay nila,
Pagbaba ko pa lang sa tapat ng bahay nila, nakita ko na siya. Sa may labas ng pinto, nakangiti at mukhang masaya,
Pinagmasdan ko lang muna siya, parang nag slowmo yung mundo dahil sa ginagawa niya. Wala siyang ginagawang kakaiba, nakangiti lang talaga siya at parang may hinihintay sa loob,
Lumabas na ako ng sasakyan ko para tawagin siya pero biglang may lumabas sa pinto ng bahay nila, kasunod lang niya.
Si Benjamin.
Parang hindi ko kaya na makita silang ganon. Ang sakit ng dibdib ko sa nangayayari.
Hindi ko mapigilan yung luha ko sa nakita ko.
Napansin ko na lang na nagkatitigan kami ni Ethan. Nung nakita kong palapit na siya saken, nagmadali na akong sumakay ng sasakyan ko. Pero ang bilis niya, nakapasok na siya sa loob.
"Bakit ka nandito????" tanong niya,
Sht. Akala ko sasabihin niya, wala lang yung nakita ko, pero hindi, parang panggulo pa ako sa buhay niya.
"Pauwi na rin ako, dumaan lang ako" sabi ko. Punyemas, ang hirap pigilan ng luha ko! Talagang tutulo at tutulo siya!
"Bakit ka galit???"
"Hindi ako galit!"
"Galit ka eh. Mag usap naman tayo ng maayos,"
"Wala tayong dapat pag usapan. Aalis na ako"
"Ano ba bakit ba ganyan ka Jack?!! Mag usap naman tayo ng matino!"
"Matino? Sige, sabihin mo saken kung bakit kayo magkasama ni Benjamin ha?!!"
"Ayan ba yung kinagagalit mo? Wala lang yan! Alam mo naman na ikaw mahal ko di'ba?!"
"Eh bakit hindi mo na ako tinatawagan?!"
"Akala ko kasi kailangan mo ng space"
"No Ethan, ikaw ang may kailangan ng space. Hinihintay lang kita na bumalik saken pero mukhang wala kang balak!"
"Uy...."
"Lumabas ka na ng sasakyan!"
"Ikaw may gusto neto diba?!" tinataasan niya na rin ako ng boses.
"Akala ko magiging okay saten 'to! Pero....."
"Oh ano? makikipagkita ka na naman kay Hannah?!"
"Huwag mo siyang idamay rito!"
"Wow. Okay!!"
Galit na rin siya, bakit siya nagagalit saken? Wala naman akong ginagawang masama ah!
"Gusto mo siya makausap? Halika! Kausapin mo siya!!" sabi ko sakanya. Humarurot ako ng paandar sa sasakyan papunta kay Hannah.
++++
ETHAN'S POV
"Saan ba tayo pupunta Jack?!"medyo kinakabahan na ako sa nangyayari. Ang bilis masyado ng takbo niya pero hindi niya ako sinasagot,
Naiiyak siya, nakikita ko. Pinupunasan niya lang yung luha niya. Medyo naaawa na ako, bakit ko kasi siya nasigawan. Wala naman akong ginagawang masama.
Pero pinunta niya ako sa isang sementeryo. Bumaba kami ng sasakyan, hawak hawak niya kamay ko habang nagmamadali kaming maglakad,
Maya maya tumayo kami sa isang puntod na may nakasinding kandila at may magandang bulaklak sa gilid.
"Oh! Kausapin mo siya!" sabi ni Sir Jack.
Nakita ko yung lapida.
Hannah yung pangalan.
Patay na pala si Hannah.
Paglingon ko, wala na si Sir Jack at pabalik na ng sasakyan niya.
Sobra akong naguilty. Sobra sobra.
Pero napansin ko yung sulat na nakalagay sa may tabi ng bulaklak. Binuksan ko 'yun at alam kong sulat 'to ni Sir Jack.
"Hannah.
I'm sorry kung hindi na ako nakakadalaw sa'yo. I'm sorry kung hindi na ako nakakakwento. Kakauwi ko lang from New York, alam mo naman si Papa, gusto niya talaga na doon ako magtrabaho pero hindi ko ginawa eh. Napaglaban ko yung gusto ko dahil sa isang tao.
Naaalala mo yung kinekwento ko sa'yo? Si Ethan? Ayun, kami na pala. Malapit na rin mag isang buwan pero medyo may tampuhan lang kami ngayon.
Sorry kung ngayon ko lang nasabi, nangako ako sa'yo na ikekwento ko lahat sa'yo, hayaan mo kapag okay na kaming dalawa, ipapakilala ko siya sa'yo ng maayos.
Mahal na Mahal ko 'yun! Sobrang mahal na mahal ko. Akala ko hindi na ako magmamahal simula nung iniwan mo ako, pero mali ako. Iba siya, sana matanggap mo siya kahit na magkaibang magkaiba kayo.
Miss na kita. Oo, miss na miss.
Hindi ko alam kung nasabi ko na sa'yo pero salamat ha? Salamat dahil tinuruan mo ko kung paano magmahal, ayon, naaapply ko naman ngayon kay Ethan lahat. Hehe,
Hope magkakilala na kayo soon."
Feel ko, ako ang pinakamasamang tao sa lahat. I accused him of something na wala naman ng dapat iakusa.
Tinatawagan ko siya pero hindi ko siya macontact. Dinala ko yung sulat niya para humingi ng tawad sa kanya. Pero pag uwi ko wala siya sa bahay niya. Sa condo niya, wala rin.
Tinawagan ko si Stephen pero wala rin siyang idea.
Medyo kinakabahan na ako, ayoko sanang isipin na baka may masamang nangyari sa kanya.
Naghintay ako ng tawag at text pero wala.
Alas dose na ng gabi ng makarecieve ako ng tawag galing sakanya.
"Nasaan ka na ba? Anong oras na!!!" sagot ko.
"Do you know who's the owner of this phone?" babae yung nagsalita.
"Ahh....opo opo."
"Oh, I'm sorry but he had an accident. Nasa St. Lukes po siya ngayon, this is the only contact na nakasave sa phone niya."
Suddenly, parang huminto yung mundo ko.
Wala akong magawa, parang nanigas buong katawan ko. Pero nung nabuhayan ako, agad agad akong nagmadali para pumunta ng Ospital.
+++
Ang lala, sobrang lala ng kalagayan niya. Ang dami raw dugong nasayang, kitang kita ko naman dahil sa bandages sa ulo niya sa katawan niya sa paa niya. Lasing na lasing daw at ang bilis magdrive, bumangga sa poste kaya ganito yung tinamo niya.
Hindi ko napigilan pgiyak ko nung nakita ko siya. Pwede kong sisihin sarili ko dahil sa nangyari.
Dumating na yung pamilya niya kaya lumabas muna ako,
Sinalubong naman ako ng ate niya.
Nagkatitigan kami at niyakap niya ako,
"Sorry po ate" sabi ko habang umiiyak sa kanya. Tinatahan naman niya ako.
"Wala kang kasalanan. Aksidente lahat. Wala kang alam. Okay lang yan" sabi niya,
"Ano raw po sabi ng doctor??"
"Sabi baka medyo matagalan pa bago siya magising"
"Ganon po ba? Sige, hindi na lang po ako aalis. Dito na muna ako"
"Salamat Ethan..." niyakap niya ako uli, at bahagyang gumaan yung pakiramdam ko.
Hindi ako umalis sa tabi niya.
Nung natutulog ako, bigla akong ginising ng mama niya.
"Ethan anak.. Umuwi ka na muna. tatlong araw ka ng nandito, magpalit ka muna ng damit, baka pagkagising ni Jack eh hindi ka niya mahalikan kasi mabaho ka" sabi niya saken
"Hehe... uhm.. paano po kapag gumising siya ng wala ako?"
"Tatawagan kita kaagad pangako. Sige na, baka hinahanap ka na rin ng mama mo"
Ang baho ko na nga at saka hindi pa ako umuuwi. Hindi pa kasi ako nagpaalam kina mama kung nasaan ako at siguradong mag aalala yun lalo kapag nalaman yung nangyari kay Jack,
++
Nung sinabi ko kay mama, nagulat siya at naiyak at sinabing dadalaw rin siya mamayang gabi pagbalik ko. Magpapahinga muna sana ako saglit sa bahay para makabawi ng tulog ng biglang tumawag yung mama niya saken at sinabing gising na si Sir Jack!
Nagmadali kaming pumunta ni Mama at Butchok sa ospital.
Pagpasok pa lang namen, nakita ko na yung mama, papa at ate niya na nakatayo sa gilid at nakikipagtawanan, Nandoon din si Stephen sa tabi.
Lumapit ako sa kanya at nakikita ko na yung mukha niya! Nakatanggal na kasi yung bandages sa ulo niya. Ang dami pa ring sugat sa mukha pero gwapo pa rin naman
"Hello!" bati ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at ngumiti.
"Hello" bati niya.
Medyo awkward lang kasi nandito pamilya niya pero bigla naman silang lumabas muna nung palapit na ako,
"Okay ka na?" tanong ko.
"Medyo masakit pa rin yung sugat pero okay naman hehe"
"Talaga? Hmm... Gutom ka na ba?"
"Medyo hehe"
Pero hindi ko na napigilan sarili ko, niyakap ko na siya ng mahigpit. Sumigaw siya ng ARAY! kaya umalis din ako kaagad.
"Sorry Sorry... Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyaring masama sa'yo!" sabi ko sa kanya.
"Uhm... Hehe salamat...."
Hinawakan ko yung kamay niya pero iniwas niya, wala naman siyang sugat kaya nagtaka ako. Baka galit pa rin siya saken.
"Galit ka pa rin ba?" tanong ko,
"Uhm.. I don't know... Kilala ba kita?"
Tinignan ko lang siya. Nakatitig siya saken na parang hindi niya nga ako kilala.
"Huh? Nagbibiro ka lang diba????"
"No, really. You're weird. Nasaan sila mama? MA!" Sigaw niya
"Hindi mo ko nakikilala????"
"Uhm... Hindi talaga eh..."
Naiiyak na ako. Tinitignan lang niya ako habang umiiyak, mukhang naiilang siya sa presensiya ko kaya nagsisisigaw na siya at tinatawag niya mama niya
"Please tell me you're joking! Please?????' sabi ko pa.
"Please, you're freaking me out. Hindi kita kilala. Ma, ano ba 'to? Sino ba 'to?" I look into his eyes and I know and I feel na hindi niya talaga ako kilala.
++++
LAST CHAPTER GUYS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top