Part 66
Nakakagigil si Sophie, pero mas nakakagigil yung mga pinagsasasabi niya. Parang sa inasal niya, parang ang dami niyang pwedeng gawin na masama. Alam kong kailangan kong lumaban kung sakaling tatarayan niya ako, kailangan eh hindi ako magpatalo.
+
Kinwento ko kay Tom lahat ng nangyari sakin sa Isabela, natuwa siya at the same time nainis saken.
"Gusto ko rin makilala yung kapatid ni Benjie!" sabi niya.
"Huwag na, nako, malayong malayo ugali nilang dalawa"
"Ex mo lang kaya ayaw mong makilala ko eh haha"
"Haha! Hindi, bahala ka! Kung gusto mo.... so? bati na ba tayo? Hindi ka na galit?"
"Luh, bakit naman ako maggalit? Eh, ayaw ko lang naman mapahamak ka sa mga ginagawa mo. Nasabi mo na ba sa boyfriend mo 'yan?"
Natahimik ako.
"Jusko naman Ethan, ano bang mahirap sa pagsabi? Di'ba wala ka namang ginawang masama doon? Ayaw pa rin ba niyang maniwala tungkol sa kapatid ng ex mo?"
"Okay na kasi kami ngayon. Sasabihin ko na lang pagkauwi niya kasi uuwi na 'yun sa susunod na araw!"
"Ahh. Sige, pwede rin naman!"
Simula talaga nung nalaman niya yung tungkol sa kapatid ni Adrian eh naging close na kami ni Tom, Ganon talaga no? Kailangan may mangyaring hindi maganda bago kayo magkalagayan ng loob ng isang tao.
"Tuloy pa ba Ilocos niyo sa kinukuha mong deal?" tanong niya.
"Ay sht. oo nga pala, bukas na 'yun! Nawala sa isip ko nung nasa Isabela ako"
"Tsk. So pupunta ka?"
"Siguro.... Kailangan ko ng makuha yung deal na 'yun. ASAP. Marami na akong nasayang na oras"
Kailangang kailangan ko 'yun para samen ni Sir Jack.
+++
Kinabukasan, dumiretso na ako sa meeting place namen nila Sir Miggy at Cielo, syempre nandoon na rin si Sir Benj! Umuwi na rin pala siya, akala ko nagpaiwan siya doon.
"Sorry I'm late...." sabi ko,
"No no, maaga lang talaga kami. Let's eat first!" sabi nila.
"Uhm, wala po ba tayong service?"
"Well, tayong apat lang at yung driver na hinire namen hehe. Anong akala mo? marami tayo?"
"Uhm... opo"
"Haha. Ipapakita ko lang yung bagong site na gusto nameng pagtayuan ng new business namen. Well, kailangan niyo rin kasing makita 'yun if you want that deal... right?"
Si Sir Benj naman sumagot.
"Nako, iniwan ko kasi sa bahay 'yan, tulog na tulog pa. Nag inom kasi kagabi, hindi naman nagpaalam!" bigla niyang sabi.
"Oh.... Why???"
"I don't know, hindi na rin niya ako sinasama lately sa mga lakad niya eh"
fvck, so gumaganti pala siya ngayon.
"Sorry honey... 'Di ko nasabi, I was with your family.. Yeah, birthday kasi ng Tito niya, ako lang umattend. May importante pa raw kasi siyang lakad. I mean, come on, what's more important than your own family right? So naglasing na lang ako kasama parents niya" bigla kong sabi.
Tumingin lang siya saken ng masama, pero ako nakangiti.
"Hay nako, kung anong pinagdadaanan niyong dalawa, sana mapagusapan niyo na 'yan. Huwag niyo ng palalain" sabi pa ni Sir Miggy.
"Oh, take out na lang natin. Sa daan na lang tayo kumain para makabyahe na!" sabi ni Sir Cielo.
Umoo naman kami at lumabas kami saka sumakay sa sasakyan. Sa gitna nakapwesto ng sila Sir Miggy at Cielo at kami naman sa likuran nakaupo, magisa lang yung driver sa harap.
Bigla naman akong inakbayan ni Sir Benj ang inamoy amoy.
"Ang bango bango talaga!" sabi niya ng malakas.
"Anong ginagawa mo!" medyo pabulong kong sabi.
"Nagdududa na sila saten, kailangan pa natin galingan magpanggap!" bulong niya naman
"mahuli na kung mahuli pero ayoko na!"
"bahala ka! Kapag nalaman nila na nagloloko lang tayo sa tingin mo matutuwa sila? Masyado silang seryoso sa ganitong klaseng relasyon at masisira lang pinaplano mo, at pinaplano ko! kaya sumabay ka na lang!" bulong niya uli.
"Aba! edi sasabihin ko yung totoo, na iniwan mo ko! Ako pa tinakot mo!"
"Well, sa tingin mo maniniwala sila? Pwede kong sabihin na nakipaghiwalay ka, at nagpapanggap lang tayo haha! Goodbye deal na, Goodbye approval of Zachary's father!"
Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to eh!
"Nung isang araw lang ang bait bait mo saken! Ngayon, ganyan ka na naman!" sabi ko
"Nung isang araw 'yun. I'm not the same person as I was!"
"Tse! Akala mo naman gwapo!"
"Aba? hindi ba? Eh di'ba napapa 'OMG SI SIR BENJ" ka pa everytime na makikita ako. Don't me Ethan, Don't me" bulong niya uli.
Nakakainis, ang lakas niya mang asar ngayon. Napaghandaan niya kung paano ako aasarin.
"Everything okay back there?" tanong bigla ni Sir Miggy.
"Ahh opo hehe" sagot ko.
"Hehe, ganon lang po kami. Magbabati din kaagad. Hindi ko kasi matiis 'to eh! Mahal na Mahal ko 'to eh!" sabi bigla ni Sir Benj.
"Hehe, I can see naman. Matutulog lang kami rito ha?" sabi nila.
"Sure hehe. Baka po maglandian lang kaming dalawa dito sa likod hehe" sabi bigla ni Sir Benj, natawa na lang sila at napansin na namen na nakatulog sila. Tinanggal ko na yung pagkakaakbay niya saken non.
"Sus, kunwari ka pa, alam ko naman na gusto mo!" sabi niya, mahina lang boses namen ngayon, naka earphones naman silang dalawa sa harap kaya siguradong hindi kami naririnig.
"Huwag kang feeling ah! At saka pagsabihan mo 'yang girlfriend mo na umalis sa buhay ko! Alam mo bang sinugod ako non sa opisina ko?!"
"Nakwento niya nga"
"Oh? wala ka bang gagawin?
"Wala akong gagawin! Hindi naman na kaming dalawa, bahala na siya sa buhay niya!"
"Aba, akala ko ba mahilig mantrip na magpapakamatay 'yun?"
"Edi sige, hayaan mo na siya para hindi na gumulo buhay ko!"
"Grabe ka naman, parang hindi mo naman minahal 'yon! Patay na patay ka pa doon dati tapos ngayon ganyan na sinasabi mo!"
"Hindi naman kasi nakakatuwa yung ginagawa niya, at saka sinabi ko na sa'yo...." natigilan siya. Hinintay ko yung sasabihin niya pero hindi na niya tinuloy.
"Ethan.... about pala doon sa mga sinabi ko sa Isabela..."
"Please, huwag na. Tama na. Alam mo na yung sasagot ko diyan!"
"Alam ko... pero... despite na nalaman mo yung ginawa ni Jack, siya pa rin?"
Nag isip ako. Natahimik. Totoo naman na mahal ko talaga si Sir Jack, mahal na mahal. Ang babaw lang nung rason niya.
"Hindi niya sinabi saken na iniwan mo ko para sateng dalawa pero sa tingin ko, tama naman 'yung ginawa niya. Kasi, kahit anong rason mo, hinding hindi mo ko dapat iwan lalo na sa mga panahong kailangang kailangan kita. Namatay tatay ko, siButchok inatake, tapos doon mo pa napiling iwan ako? Walang wala pa rin yung ginawa mo kesa sa ginawa ni Jack"
Huminga lang siya ng malalim.
Hindi na siya nagsalita.
Tinignan ko siya, nakapikit na siya at mukhang natutulog.
+++
Pagdating namen ng Ilocos, dumiretso muna kami sa hotel kung saan kami magsstay ni Sir Benj. Since alam nila na kaming dalawa, isa lang yung kwarto namen, pati kama, isa lang.
"Sige, sa sahig na lang ako matutulog mamaya." biglang sabi ni Sir Benj pagkakita sa kwarto. Hindi naman ako sumagot pero dumiretso siya sa kama.
"Akala ko ba sa sahig ka?"
"Mamayang gabi pa naman eh, Ngayon, dito muna ako sa kama hehe"
"Hays, sige, lalabas na muna ako!" sabi ko.
Bumaba muna ako para makapag wifi, maganda naman yung hotel, parang nasa siyudad ka rin pero may touch of probinsiya pa rin kahit papano.
Sinubukan kong tawagan si Sir Jack pero alas tres na ng hapon kaya sigurado akong tulog na siya.
"Anything you want, Sir?" biglang sabi saken ng crew.
"No thanks, I'm good."
Umalis naman siya kaagad at sinagot ko na yung mga emails habang wala pang ganap dito. Maya maya, bumalik naman yung crew na may dalang ice cream.
"Oh, sabi ko okay lang"
"Pinapabigay po nung lalaki doon sa dulo" sabay turo kay Sir Benj na umiinom siguro ng beer. Nakatingin siya saken na parang nang aakit na ewan.
"Thank you" sabi ko na lang sa crew, maya maya, lumapit naman si Sir Benj saken.
"Hangang dito, busy ka pa rin?" tanong niya,
"Work is life. Kaya if you don't mind, you're bothering me."
"Haha. Okay, Just so you know, pinapapunta tayo nila Sir Miggy at Cielo sa conference room"
"Ay talaga? meron non dito?"
"Haha ofcourse, so ako na lang pupunta?"
"Eh bakit umiinom ka ng beer?"
"Sasabihin ko magkaaway tayo tapos naglalasing lang ako. Para masira image mo haha"
"Tse! Tara na nga!" bigla kong tayo dala dala gamit ko at pumunta na kami sa conference room.
+
Pagdating namen doon, may ibang tao at mukhang party 'to! May videoke, may pagkain at lahat nagsasaya. Mukhang mga business people din tong mga to.
"Eto na ang ating couples!!" Sigaw naman ni Sir Miggy. Jusko, nagkatinginan tuloy lahat samen. Bigla naman akong inakbayan ni Sir Benj at hinalikan sa pisngi. Sht! Ang bilis ng pangyayari.
Lumapit kami sakanila.
"Ang tagal niyo naman bumaba. Sabi ko kay Benjamin, pagkaakyat niyo eh bumaba kaagad kayo"
"Sorry... Alam niyo na... moment po nameng dalawa hehe" sabay kurot sa pwet ko ni Sir Benj. Sumusobra na tong lalaking to ah!
"Haha Sabi ko naman sa'yo eh! Sige, kumain na kayo! Magsaya kayo ngayon!" sabi ni Sir Cielo.
"uhm, paano po yung.... uhm... deal?" sabi ko.
"Deal? haha Nasa party tayo, Ethan! Magsaya ka haha!" inabutan niya ako ng alak, wala akong nagawa kundi uminom! Ang hirap ng ganito, wala akong laban. dahil lang sa gusto kong makuha tong deal na 'to para samen ni Sir Jack eh hindi ko na nakikilala sarili ko.
Nakisama na lang ako at uminom. Hapon na hapon eh nagiinuman kami. Hindi ako lumayo sa tabi ni Sir Benj pero hindi ko naman siya kinakausap.
Lumipas yung oras, buryong buryo na ako. Nagkekwentuhan lang silang lahat. Bigla namang bumukas yung malaking TV doon at nagkaroon ng malakas na tugtog, binuksan pala yung videoke at ang unang tugtog eh...
Can't take my eyes off you.
Nagkatinginan kami ni Sir Benj at sabay natawa. Bigla namang inabot ni Sir Miggy yung mic kay Sir Benj at pinapakanta siya. Sumunod naman siya sabay hawak niya sa kamay ko at sabay kaming pumunta sa gitna.
"You're just too good to be true
can't keep my eyes off you
you'd feel like heaven to touch
I wanna hold you so much"
Nakatingin lang siya saken habang kumakanta. Hindi rin naman naaalis yung tingin ko sakanya non.
"I love you baby, and if it's quite alright
I need you baby to warm the lonely nights
I love you baby, trust in me when I say"
Gusto ko sanang umalis pero ang higpit ng hawak niya at saka nakikita ko yung mga tao na natutuwa sila sameng dalawa.
Hinayaan ko na lang muna siya at inisip ko na lang na si Sir Jack yung nasa harapan ko pero..... hindi. Si Sir Benj talaga nakikita ko. Siya lang.
Nung matapos siyang kumanta, biglang nag request yung mga tao ng kiss. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero bigla niya akong hinila at niyakap at hinalikan sa labi ko. Nagulat ako! Nakita ko siyang nakapikit habang magkadikit yung labi namen.
Pagkatanggal niya ng halik, naghiyawan lahat ng tao. Tinignan niya ako sa mga mata, pero hindi ko na napigilan yung sarili ko at tumakbo ako palabas papunta sa kwarto ko.
Tama na! Sobra na tong ginagawa ko kay Sir Jack, masyado ko na siyang niloloko!
Sumunod pala si Sir Benj saken sa kwarto.
"Ethan, sorry...."
"Bakit mo ginawa yon? ha?!"
"Sorry... Nadala lang ako..."
"Ayoko na. Sa'yo na tong deal na 'to. ayoko na!"
"Ethan, please, wag si Zachary, Huwag siya please, ako na lang Ethan."
"Ano ba?! Akala ko ba malinaw na sa'yo? Paulit ulit na lang lahat eh!"
"Please, Ethan. Huwag na. Pinaglaruan ka lang niya!"
"Pinaglaruan?! Dahil lang hindi niya sinabi saken yung tungkol sa ginawa mo? Paglalaro na yung tawag mo doon?!!"
"Hindi 'yun, Ethan."
"Huwag mo ng siraan si Jack saken kasi kahit anong sabihin mo, hindi siya masisira saken! Mahal ko siya!"
Napansin ko naman may tumatawag sa phone ko at pagkakita ko, si Laura. Lumabas na muna ako para kausapin siya. Huminga ng malalim para maging maayos ako.
"Uy, Ethan nasaan ka ba? Bakit hindi ka pumasok?" sabi niya.
"Nasa Ilocos ako, may meeting. Bakit?"
"Nako, si Sir Jack, ikakasal na!"
"Ha?!!!"
"Oo! Kalat na kalat na sa office, Hindi ko sure kung anong name eh. Hindi ko alam, kulang pa nasagap kong chismis pero totoo. Papa niya raw nagsabi!"
"Papa niya?"
Hindi ako makahinga, Ginagawa ko 'to para makuha yung approval niya pero ganito pala ginagawa niya.
"Ethan, sorry. Makikibalita muna ako. Tawagan mo si Sir Jack! Baka hindi niya alam tong mga 'to!" sabi niya. Kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto para kunin yung phone ko. Tinatry kong tawagan si Sir Jack pero hindi niya sinasagot.
"Ethan, sorry..." sabi na nama ni Sir Benj.
"Tigilan mo muna ako sa kakasorry mo! May importante akong inaasikaso ngayon!"
"Huwag mo ng tawagan si Zachary kasi wala ring mangyayari"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sorry Ethan, sana malaman mo na kaya ko 'to ginagawa kasi mahal na mahal kita."
"Anong ginawa mo?!!!" sigaw ko sa kanya.
"Nakipag usap ako sa tatay ni Zachary, sinabi ko yung nakaraan natin, sinabi niya lang na gusto niyang makuha mo yung deal para sa approval niya pero ang totoo, set up 'to para masira ka kay Zachary"
"Anong sinasabi mo?!"
Bago siya makasagot, nakita kong nag chat si Sir Jack saken ng picture. Picture yung halik ni Sir Benj saken kani kanina lang sa baba. Pati yung magkaholding hands kami, magkaakbay siya saken, hinalikan niya ako sa pisngi. Kitang kita lahat!
"Lahat ginagawa ko para saten tapos ganito lang malalaman ko :(" chat ni Sir Jack saken.
Namumuo na yung luha sa mga mata ko pero mas tumataas yung galit ko kay Sir Benj.
"Pucha!! Ano bang gusto mo ha?!!!!!!!!" Sigaw ko sakanya, halos sapakin ko na siya sa galit ko!
"Ayoko lang mapunta ka sa kanya!"
"Ano bang problema mo saken?!!!! Ha?!!"
"Ayoko lang na mapunta ka sakanya, ayon lang yun Ethan."
"Bakit na naman ba?!!!"
"You deserve better!"
"So you're the better one, ganon ba 'yon?!"
"Yes! I am. Simula pa lang mahal na kita!"
"No, simula pa lang niloloko mo na ako!"
"Hindi kita niloloko, Si Zachary ang nanloloko sa'yo!"
"Hindi niya ako niloloko, simula pa lang mabait na siya saken at nag aalala!"
"Of course, it was part of the deal!"
"Deal? Anong sinasabi mo?!"
Hindi siya nakasagot na parang may kahulugan yung sinabi niya. Maya maya hinawakan niya ako sa braso ko.
"I was never part of that deal Ethan, it's just Stephen and Zachary"
"Ano ngang sinasabi mo?!" sigaw ko uli sa kanya.
"I love you Ethan."
"Fvck you! Ano ngang sasabihin mo?!!"
"Pinagpustahan ka lang ni Zachary at Stephen. Yung pustahan eh kung sino unang makagalaw sa'yo, will win 50K. Natalo si Stephen non kaya tinanggap ni Zachary yung 50K"
Wala akong nasabi. Nahuli ko na lang sarili ko na naiiyak.
++++
LAST 4 CHAPTERS!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top