Part 65
LAST 5 CHAPTERS!
++++
Tinignan ko kung pwede ng makadaan yung sasakyan sa ginagawang daan pero mas lumala talaga ngayon, jusko, bakit ganitong araw pa natapat yung pag aayos at talagang sa araw mismo na pumunta ako rito.
Buti na lang maganda yung araw pag gising ko, kahit lasing ako kagabi sa inuman eh umaayon yung magandang panahon dito.
Hindi ko rin makakalimutan yung usapan namen ni Sir Benj kagabi, more like yung side of the story niya. I don't know pero I have this weird feeling na dapat hindi ko siya kausapin kasi baka madala pa ako sa mga sasabihin niya.
Pagbalik ko sa bahay nila Adrian, wala na namang tao. Ang sabi kasi ni Adrian palagi silang nasa kabilang bahay. Tapos ngayon, kaming tatlo na naman yung naiwan.
"Kain na Ethan, nagluto ako." sabi ni Sir Benj.
Tinignan ko kung ano yung niluto niya, nakita ko na korean food 'yun. Napatingin ako sa kanya pero hindi siya tumitingin saken, pero kita ko na parang nakangiti siya na ewan. Napangiti rin ako at naupo na para kumain.
Kada subo ko naaalala ko tuloy yung nag away kami dahil hindi ko kinain yung korean food na binigay niya saken. Natatawa pa ako habang kumakain, Nagkatinginan kaming dalawa ni Sir Benj at ngumiti din siya, siguro parehas kami ng iniisip.
"Teka. nag uusap ba kayo sa isip niyo? Bakit kayo nagngingitiang dalawa?" sabi bigla ni Adrian.
"Haha, wala tol. Favorite lang namen ni Ethan 'to noon"
"Anong favorite, eh ikaw lang naman may gusto niyan. Ayoko nga niyan eh pinipilit mo lang ako"
"haha pero kinain mo naman di'ba? haha"
"Pero hindi ko nga favorite"
"Pwes, ako na lang mag aadjust sa kalandian niyong dalawa hano? doon na ako kakain sa kwarto!" biglang sabi ni Adrian at tumayo siya papunta sa kwarto. Natawa na lang din kami ni Sir Benj at nagpatuloy sa pagkain.
Nakaramdam ako na parang nakakailang. Ang tahimik kasi tapos hindi mapakali si Sir Benj ng tingin. Titingin siya saken, kapag mahuhuli ko siya, iiwas siya, tapos kapag nahuli ko uli siyan bigla siyang ngingiti. Nakakainis lang kasi bakit ang cute cute niya sa paningin ko ngayon. Ayoko ng ganito, kahit ano pa yung nalaman ko kagabi, kami pa rin ni Sir Jack at mahal ko pa rin siya.
Umiwas na ako ng tingin at inayos ko na yung kinain ko saka pumunta sa lababo.
"Ako na diyan," alok niya.
"Hindi, kaya ko na"
"Alam ko naman na kaya mo, gusto ko lang na ako gumawa"
sht. Ayoko ng makipagtalo kaya umalis na ako at dumiretso na uli sa kwarto.
Chineck ko kaagad phone ko, nakakainis lang talaga yung signal, pawala wala tapos wala ring data. Nakakalungkot, baka kasi marami ng chat si Sir Jack saken.
"Ethan?" biglang katok ni Sir Benj sa pinto.
"Bakit?"
"Pwede ba pumasok?" aba biglang naging mabait si loko.
"Sige"
Pagpasok niya, nakahubad siya at naka short lang. Pucha, stop Sir Benj!
"Bakit ka nakahubad?!!" halos sigawan ko siya.
"Ayy sorry. Maliligo na kasi ako. Pagkatapos ko, maligo ka na rin, alis naman tayo. Enjoyin mo na lang yung nandito bago ka bumalik sa office. Alam ko naman na stressed out ka na." Ang bait niya. sobrang bait. as in!!
"Ahhh... Dito na lang ako." sagot ko naman
"Ay, dali na. May ilog dito! Napuntahan ko na hehe, tara na. Kasama naman natin sila Adrian eh. Baka kasi nahihiya ka saken"
"Hindi ako nahihiya no!"
"Defensive naman hehe sige hindi na"
"Hindi ako defensive!"
"Oo na! Hindi na hehe, edi sasama ka na?"
"Sige! Pero gusto ko kasama sila Adrian kasi sila naman talaga pinuntahan ko rito!" sabi ko.
"Okay okay, sige!"
"Teka, ako muna maliligo!" sabi ko naman.
"Ganon ba? Sige, ayusin ko lang yung pagliliguan mo!" bigla siyang tumakbo palabas, bumalik na lang siya na hingal na hingal at sinabing okay na ang lahat! Nag approve sign siya saken na okay lang siya.
"Bakit ba kasi ganyan ka ngayon?"
"Wala lang hehe. Sige na, maligo ka na! Pagkatapos mo na lang ako na susunod" sabi niya.
Nginitian ko lang siya at naligo na ako.
+++
Tatlo lang kami ni Adrian at Sir Benj yung pumunta sa ilog. Mababaw lang pala yun pero ang linaw ng tubig, may mga puno sa gilid kaya hindi masyadong maaraw sa pwesto namen. Namangha ako ng tuluyan sa nakita ko.
"Nako! May ganito pala rito!" sabi ko pa. Wala na akong sinayang na oras at lumangoy na ako, hindi ko na pinansin yung araw at lumangoy ako sa kabilang side. Kinawayan ko naman silang dalawa at kumaway rin sila.
Pero nacurious ako sa parang gubat na part dito sa kabilang side ng ilog kaya naglakad ako. Narinig kong sumigaw si Sir Benj pero hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako papasok.
"Ethan, saan ka pupunta?' tanong ni Sir Benj.
"Naglalakad lakad lang. Nacurious ako eh."
"Nako, sabi ni Adrian marami raw palaka rito"
"Ano naman kung maraming palaka?"
Maya maya, nagsisisigaw na si Sir Benj at talon ng talon. Turo siya ng turo sa palaka na nakita niya. Halos matawa ako kasi ang cute niya, ang laki ng katawan na lalaki pero takot sa palaka.
"Seryoso ka?!! Takot ka diyan?! hahahhaa" asar ko.
"Hoy wag mo kong tawanan. Baka magkaroon ka ng kulugo dahil diyan!!"
"Kulugo? e diba nga kinakain yan dito sa probinsiya?"
"Yak eew... paalisin mo siya Ethan!!" sigaw niya.
Lalaking lalaki pa rin siya kahit takot siya na siyang kina cute niya. Pinagtatawanan ko lang siya. Pwede naman sana siya tumakbo kaso nga may palaka rin sa likuran niya. Halos batuhin niya na lang para umalis.
"Hindi nakakatawa ah!" bigla niyang sabi.
"Haha, edi sige, huwag ka ng sumama. Ako na lang maglalakad" sabi ko.
"Teka, sandali! Balik na tayo!"
"Ayaw!!" nagpatuloy lang ako sa paglalakad non.
"Ethan!! May palaka pa rin!!" sigaw niya. tawa lang ako ng tawa pero natigilan ako sa paglalakad ko ng hindi ko na marinig yung boses niya. Medyo kinabahan ako kaya binalikan ko siya at nakita ko siyang nakahiga at walang malay!
Jusko! Anong nangyari rito!
"Sir Benj!!" gising ko sa kanya pero ayaw niya gumising.
"Sir Benj!!" sigaw ko uli. Hiniga ko muna siya pero hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko nung patayo na ako.
"Uy, okay ka lang?!"
"Hehe, ikaw kasi ehhh, Takot nga ako sa palaka, nauntog tuloy ako!" sabi niya. mukhang okay na siya pero ramdam ko yung hilo niya sa pananalita niya.
"Ewan ko sa'yo! tumayo ka na!"
"wait lang. Pwede ba dito muna tayo?"
"Sir Benj..."
"Hindi mo na ba ako mahal?" bigla niyang tanong. Ang higpit pa rin ng hawak niya sa kamay ko. Gusto ko na sana umalis pero parang gusto ko rin na nandito lang ako.
"Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para bumalik tayo sa dati. Huli na ang lahat, oo. Pero may pag asa pa ba ako? Mahal mo pa ba ako?"
Hindi naman ako makasagot.
"Nako, silence means yes daw" bigla niyang sabi.
"Ahh... Tara na, kasi baka hinahanap na tayo ni Adrian"
Ngumiti lang uli siya at tinayo ko na siya. Mukhang okay na siya uli at good thing, wala ng palaka sa paligid.
"Atleast, hindi mo ko pinagtabuyan ngayon hehe, that's good to know. Tara na!" sabi niya. Hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko, pero parang ako pala yung nakahawak kaya dali dali ko siyang binitawan.
"Akala ko wala ka ng balak bitawan ako eh. Don't worry, nakakapit pa rin naman ako sa'yo" bigla niyang sabi habang naglalakad kami. Bigla na lang siyang tumalon sa ilog at pumunta sa kabilang side kung saan naghihintay si Adrian.
Ethan, umayos ka please.
+++
Nagkulong lang ako sa kwarto at naglaro sa phone ko, nung napansin kong medyo madilim na, napagpasyahan kong kausapin si Sir Benj. Hindi ko alam, gusto ko lang siyang kausapin.
"Salamat, lumabas na rin siya!" biglang sabi ni Sir Benj, Ang dami palang tao sa labas, yung mga kamag anak na naman nila.
"Ohh... Siya ba yun?" sabi ng mama ni Sir Jack na kakambal ng mama niya.
"Opo tita," sagot ni Sir Benj.
Nakipagkamay siya saken na parang firstime lang namen magkita.
"Hello! Ikaw pala kinekwento ng pamangkin ko hehe, Bakit kayo naghiwalay?" bigla niyang tanong. Nagulat naman ako sa tanong niya.
"Ahh ehhh"
"Joke lang eto naman hehe. Nako, dito samen tanggap na tanggap namen yan. Lalo na kung si Benjamin pa nako, oo kaagad kami!"
Ang awkward. Super awkward.
"Tita, baka mailang naman si Ethan niyan hehe, Huwag niyo na pong kulitin" sabi ni Sir Benj.
"Haha, okay. Sabihin niyo lang kung kailan ang kasal, ako ng bahalang mag organize basta dito gaganapin ang reception haha!"
"Nako tita, tama na 'yan! hehe, tara muna sa labas Ethan, mamaya kung ano pang sabihin ni tita sa'yo" lumabas kami ni Sir Benj non at naglakad lakad sa bukid. Grabe, ang sarap talaga promise. Ang presko at ang aliwalas.
"Sorry ha! Kinwento ko lang kasi yung dati pero hindi ko naman sinabi lahat. Yung importante lang" bigla niyang sabi.
"Buti ka pa tanggap no?"
"Nako, ganon lang 'yun, halos kakakilala lang nameng dalawa eh syempre kailangan niyang maging mabait saken hehe"
"Bakit, yung mama mo ayaw ba niya?"
"Nako, hindi. boto nga sa'yo 'yun eh."
"Alam ba niya?"
"Hindi naman pero ramdam ko alam niya, Nanay ko 'yun eh. Siguradong alam niya lahat hehe. Bakit kayo ni Zachary? hindi ba alam sakanila?"
"Nako, kunwari hindi alam."
"Ay oo nga pala. You're doing the deal pala to get his dad's approval"
"oh di'ba, alam mo naman"
"Hehe, sorry. ...."
Natahimik kaming dalawa.
"I want to talk to you about last night...."
"Sure! SIge, ano 'yun?'' mabilis niyang sabi.
"Uhm... Please... I know what you're trying to do and I'm sorry but it's not going to happen."
"Ano bang ginagawa ko?"
"Ayan. Ang bait bait mo. Though nagconfess ka about sa nangyari, it will not change the fact na iniwan mo pa rin ako."
"Ethan...."
"Sobrang babaw ng reason mo, as in! I don't know kung bakit ngayon ko lang sinasabi 'to pero sobrang babaw talaga. Bakit hindi mo na lang sinabi saken nung umuwi ka na ganon pala nangyari? Bakit hinintay mo pa sa moment na 'to, right?"
"I saw that you're still mad..."
"Okay, sabihin na natin na ganyan pero come on, you could've atleast told me that when you're in New York? Bakit kailangan mong iasa kay Jack? Maybe you're using him now just like on how you used me then. Pinapasama mo lang siya saken para ma gain uli yung trust ko"
"No, totoo lahat ng 'yun!"
"Okay, and if it's true? I still love Jack no matter what"
Natahimik siya at tumalikod. Humarap uli siya saken ng nakangiti.
"To be honest, nag iisip ako kagabi pa kung anong nangyari sa sinabi mo. Naapektuhan ako oo pero again, I still love Jack."
"And me? Hindi mo na ba ako mahal?"
"You've become part of my life and I love you in a way that I can't explain. But one thing's for sure, it's not as intimate as my love for Jack"
"Alam mo Ethan, I don't believe you. I really don't"
"Bakit naman?!"
Wala siyang pasabi at bigla niya akong hinalikan sa labi ko! Ang higpit ng hawak niya sa mukha ko! Gusto kong kumawala pero bakit ayoko! Hindi naman ako gumagalaw, kahit siya, nanatili lang kami sa ganong pwesto.
At pumasok sa isip ko yung mukha ni Sir Jack.
Natulak ko si Sir Benj ng malakas.
"see? You're lying!"
Hindi ako makasagot. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Nabigla ako sa mga nangyari. Hindi naman ako pinuntahan ni Sir Benj sa kwarto pero naiisip ko pa rin yung ginawa niyang paghalik saken.
+++
Nung pwede ng makadaan yung sasakyan ko, pinilit ko ng makauwi kaagad. Nagpasalamat naman ako kay Adrian sa lahat ng ginawa niya para saken, at dumiretso kaagad ako sa bahay. Habang nasa byahe pa lang eh binuksan ko na yung data ko pero ang hina talaga ng signal kaya sa bahay na pumasok lahat ng chats.
Pero wala pa ring chats mula kay Sir Jack. Tinatawagan ko siya pero hindi niya pa rin ako kinakausap. Maya maya, bigla naman siyang tumawag saken. Dali dali kong sinagot.
"Uyy!!!! Buti naman tumawag kana!!" bungad ko.
"Sorry..."
"Sorry saan? Ako dapat mag sorry..."
"Sorry sa inasal ko nung mga nakaraang araw. Nag isip isip lang ako pero mas naisip ko na hindi ko kayang mawala ka. Sorry, Sorry... hindi na mauulit. Sorry talaga...."
Nagiiyakan na naman kaming dalawa.
"Umuwi ka na please? Kailan ka ba uuwi??" tanong ko.
"Sa isang araw, uuwi na ako promise. Malapit na 'to matapos at uuwi na ako, gusto na kita makasama"
"Ako rin, gusto ko na! Umuwi ka na please. I love you"
"I love you too.... Sorry talaga...."
"Okay na. Okay na. promise."
"Kumusta ka nung mga nakaraang araw?"
Sht. Sana hindi na lang niya tinanong, parang ang hirap ipaliwanag sa kanya.
"Ohhhh. sorry babe, kailangan ko ng bumalik sa work. Uhm, kwentuhan mo na lang ako later? I'm sorry uli. I love you so much! please, keep that in mind. I love you, I miss you!" sabi niya at hinalik halikan niya yung screen ng phone niya. Madaling araw na kasi rito kaya siguradong hapon pa lang doon.
Hindi na ako nakasagot dahil nadisconnect na yung tawag at sa sobrang pagod ko naman, nakatulog na ako.
++
Pagdating ko sa office, halos ilang oras lang tulog ko, tumambad yung napakaraming trabaho na naiwan ko dahil sa pagpunta ko ng Isabela.
"Bakasyon galore?" biglang pasok sa office ko ng familiar na mukha na babae.
Si Sophie.
"Pinupuntahan kita rito nung mga nakaraang araw pero naka leave ka raw sabi ng secretary mo" bigla niyang sabi.
Ang bait bait ng aura niya. parang anghel dahil sa boses niya at sa ganda niya,
"Ahh oo hehe. Hindi pa ata tayo nagmemeet?" sabi ko.
"Oh, don't worry wala akong balak hehe"
"Excuse me?"
"Alam ko magkasama kayo ni Benjamin sa Isabela, I'm not stupid you know"
Nawala yung pagka angel niya sa mga sinasabi niya. Tinatarayan na niya ako ngayon.
"I heard that you and Jack, right? hehe. close kami ni Jack." sabi niya hindi naman ako makasagot kasi hindi ko alam kung saan pupunta tong usapan.
"Well, I'm pretty sure na hindi niya alam na magkasama kayo. Right again?"
Sht.
"Oh don't worry, it'll be out little secret. But don't worry hindi ko sasabihin... basta.. LAYUAN MO SI BENJAMIN! Huwag kang maharot, may lalaki ka na gusto mo dalawa pa? Ano 'to kapag nasa US ang isa kailangan meron ka rito sa Pilipinas?!"
"Aba teka lang, Anong sinasabi mo? Eh si Benjamin ang lumalapit saken hindi naman ako."
"Really? I thought pinagsawaan ka lang niya?"
"Akala mo naman affected ako sa sinasabi mo"
"Well, okay. Fine. Gusto kita maging friend eh, alam mo ba 'yun. Seriously. Pero you're irritating pala no? I mean, look at you, nothing special. Just a simple gay na uhaw sa katawan ng lalaki"
Kinalma ko sarili ko, ayokong pagsisihan kung ano man yung gagawin ko.
Maayos akong naglakad palabas at tinawag ko yung guard.
"Please escort, Miss..... Sophie out now." sabi ko.
"Oh, don't bother. I know my way out. Sana alam mo rin kung saan ka lulugar no?"
"Yeah. I know, sana alam mo rin yung daan palabas sa ilusyon mo. Take care on your way home Sophie, paki regards na lang kay Benjamin kasi iniwan ko siya sa Isabela eh, you know, hinahabol kasi ako" Nginitian ko lang siya at hindi ko na inintidi yung sagot niya.
+++
VOTE AND COMMENTS!!! matatapos na talaga siya!!! OMG!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top