Part 61
"Ang tanga mo rin bes eh, diyan ka nga nagsimulang mainlove sa kanya tapos uulitin mo lang uli?"
"Grabe ka naman saken bes. Iba na ngayon, may history na, may galit na"
"Oh ,akala ko ba wala ka ng galit? Bati na nga kayo nung nakaraan diba?"
Nasa condo ako ngayon ni Jaycee. Nasa kwarto pa rin si Stephen at mukhang natutulog.
"Nakakainis lang kasi bes, ang sabi niya kaya raw siya nakikipag ayos saken, dahil gagamitin niya ako uli!"
"Oh My shet! Seryoso?! Sinabi niya yon?"
"Oo nga! Tapos sabi niya pa hiwalay na sila ni Sophie, di'ba, napakalanding nilalang talaga!"
"Ay true? Grabe! Bakit naman ganyan si Sir Benj, nung una ang bait bait niya pa ah"
"Ganon talaga ang kulay, lumalabas kapag tumatagal. Tignan mo si Sir Jack, habang tumatagal, mas lalong sumasarap"
"Hahahaha ang landi mo diyan bes!"
"Haha, habang tumatagal, mas lumalalim kasi yung feelings. Mas lalo ko siyang minamahal. Ewan ko ba bes...." sabi ko pa.
"Good for you. Alam mo naman na Team Jack ako di'ba?"
"Hehe, salamat bes. Pero teka, bakit sa tuwing nandito ako eh nasa kwarto lang si Stephen? Ayaw ba niya akong kausap?"
"Hindi. Baka raw kasi magtanong ka sa kanya tungkol kay Hannah. Eh, loyal nga sa tropa niya yan kaya magtatago na lang daw siya sa kwarto"
"Wala ka bang picture diyan, bes? Wala kang nakita sa phone niya?"
"Wala! Puro pictures lang namen together, pati nga videos namen nandoon eh"
"Yak ano ba yan!"
"Haha. Bes, kapag may balita ako, sasabihan kita."
"Sige, salamat."
"Pero paalala lang, huwag ka ng mainlove ha? Kasi ako unang sasapak sa'yo, maniwala ka saken" sabi niya.
"Oo naman no!"
"Teka, anong balita kay Kambal? Masasabi mo na ba kay Benjamin?"
"Ha? Hindi pa! At isa pa, I need this deal for me and Jack, kaya may plano sana ako that will involve Adrian"
"Hmmm.... Feeling ko masamang balak yan ah pero kung against Benjamin, go ako!" sabi niya.
"Hehe, hindi naman masama. Basta. Ako ng bahala"
++++
"Adrian?" tawag ko sa kanya habang nagdadrive siya at hinahatid ako sa bahay.
"Yes, boss"
"Uhm, pwede ba tayong pumunta sainyo?"
"Samen? Bakit? Hala andoon anak ko at yung girlfriend ko... Medyo maingay pa naman yung baby ko kapag ganitong oras"
"Talaga? Okay lang.... Tara, ayoko muna kasing umuwi" sabi ko pa.
"Uhm... Sige, ikaw bahala"
Kakausapin ko lang siya tungkol sa plano ko. Desperado na ako para makuha yung deal, siguradong gagawin ni Sir Benj lahat makuha lang yon kaya ako, gagawin ko rin lahat.
Pagdating sa bahay niya, nandoon nga yung baby at girlfriend niya. Infairness, maganda yung girlfriend at mukhang yayamanin nga. Yung baby girl naman nila, super cute din.
"Hello," bati ko sakanila.
Ngumiti naman yung girlfriend niya saken. Ang awkward lang kasi nagpapadede siya ng bata kaya hindi ko siya matignan ng diretso.
"Sorry boss.... Bakit mo ba kasing gusto pumunta dito samen?" tanong niya.
"Gusto ko kasi makita baby mo"
"Sus. Nakakahiya, wala pang pagkain dito"
"Oh tara samahan mo ko, bili muna tayo" sabi ko naman. Lumabas kaming dalawa at naglakad para bumili na lang ng Andoks.
"Sorry ha, kasi naubos na yung binigay mo saken ehh. Nagtitipid kami ngayon sa bahay" panimula niya.
"Okay lang ano ba, bigay ko na yung sweldo mo next week, gusto mo?"
"Hindi na po. Okay lang, kaya pa naman."
"Mukhang may kaya naman yung girlfriend mo ah? Bakit hindi muna kayo doon sa Pamilya niya?"
"Nakwento ko na sa'yo di'ba, hindi kami okay. At syempre, Pride ko 'yun. Dapat ako bumubuhay sa kanila. Responsibilidad ko 'to, dapat hindi ko pinapasa sa iba"
Nakakatuwang isipin na hindi siya katulad ng kapatid niya.
"Pero parang kailangan mo ng tulong ko ah? Ano ba gusto mong sabihin saken?" tanong niya.
"Ahhh... Hmmm.... Kanina ang lakas pa ng loob ko pero sa mga sinabi mo, nahihiya na ako bigla."
"Nako, ikaw pa ba. Tignan mo si pareng Tom, ang saya saya kasi may pamilya ng totoo. Tapos ikaw, tinutulungan mo pa ako, next week naman na babalik na ako sa serbisyo ko kaya hanggang ngayon, personal alalay mo ako hehe so anong plano mo?" tanong niya.
Huminga lang ako ng malalim.
"Kasi may deal na dapat akong makuha tapos yung tatay ni Sir Jack pinepressure ako tapos kailangan ko makuha yon dahil sa stress tapos si ex kailangan niya rin makuha yung deal eh naglalaban kami so kailangan ko ng tulong mo"
Nakatulala siya. Parang wala siyang naintindihan sa sinabi ko, kahit ako wala akong naintindihan eh.
"Ha? Paikliin mo nga lang. Yung importante lang!" sabi niya.
"Pwede ka bang maging fake jowa?" sabi ko sabay napapikit ako. Ayoko makita reaksyon niya pero sooner or later, kailangan kong malaman.
Binuka ko mga mata ko at nakita ko siyang nakangiti saken.
"Seryoso ka ba? G naman ako." sabi niya.
"Seryoso? Okay lang sa'yo?"
"Oo naman! Diyan kami nagsimula ng girlfriend ko, as fake jowa pero tignan mo, may anak na kaming dalawa di'ba?"
"Talaga?"
"Oo! Kaya kung ayan lang gusto mo edi sige, basta fake lang ah. Alam ko masarap ako at yummy, at gwapo pero huwag kang maiinlove saken ah?"
"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Hindi!"
"Pinapaalalahanan lang kita. Sige, deal ako diyan. Sabihin mo lang kung anong gagawin ko ha?"
"Sige sige!! Salamat talaga!"
"Akala ko naman kasi kung ano yung sasabihin mo, ayan lang pala. Hehe. Pero secret lang natin, huwag mo sabihin sa girlfriend ko para walang gulo hehe"
"Sure. Deal!" sabi ko at nakipagkamay ako sa kanya non.
++++
Tama ba tong ginagawa ko? Parang ang sama sama ko ng tao, pero siguro ganon talaga, gagawin mo lahat para sa mahal mo. Ginagawa ko naman 'to para kay Sir Jack. At tinutulungan ko naman si Adrian, ang sabi ko naman reasonable yung ibabayad ko sa kanya.
Pero parang nakokonsensiya ako. Si Sir Benj naman kasi ang masisira. Pero deserve niya ba yon? Karma niya siguro yon sa ginawa niya at balak niyang gawin saken pero ano yung karma ko sa gagawin ko?
Parang ayoko na sanang ituloy pero naalala ko na naman yung sinabi ni Sir Benj na kaya siya nakikipag ayos saken para sa dahilan na 'to. Bumalik uli yung galit ko para gawin 'to sa kanya.
Hinanda ko na lang sarili ko sa mga mangyayari.
+
Kinabukasan, tinext ko sila Sir Miggy at Cielo na makikipagkita ako sakanila. Tinext ko rin si Adrian na pumunta sa bahay.
"So anong plano natin?" tanong niya.
"Una, magbihis ka ng maayos. Bakit nag TShirt ka lang. Tsk, halika nga!" sinama ko siya sa kwarto ko at pinapili sa mga damit ko. Buti na lang may mga kasya pa sa kanya.
Naghubad siya sa harapan ko at hindi ko inaasahan yon. Malaki yung braso niya mukhang nagbubuhat pero wala siyang abs katulad ng kay Sir Benj, pero ang nagpapa attract sa kanya yung tattoo niya sa batok na hanggang sa likod pala. Parang dragon 'yon, hindi ko kasi tinitigan kasi nailang ako.
"Eto, okay na ba?" tanong niya. Suot niya yung blue kong long sleeves at hindi ko na pinapalitan yung pants niya. Bagay naman sa porma niya yung rubber shoes na white kaya okay na rin.
"Tara!" sabi ko. Bumaba kami at siya na yung nag drive.
"Nagyoyosi ka, right?" tanong ko.
"Oo. Lilibre mo ba ako?"
Shet, masyado naman ata kung papakita ko kina Sir Miggy na nagsisigarilyo si "Sir Benj''
"No, don't smoke okay!" sabi ko.
"Tsk, ano ba yan. Sige sige."
"Ganito ang plano. Papasok ako sa restaurant na pupuntahan natin tapos huwag kang sumunod, diyan ka lang sa sasakyan. Pero lumabas ka, marami akong bitbit pero huwag mo kong tutulungan. Hayaan mo lang akong mag isa. Basta yung tipong wala kang paki saken, ganon. Okay?"
"Nako, hindi kita maintindihan pero sige na nga lang."
Okay. Let's do this.
Nakita ko sa may loob ng restaurant sina Sir Miggy at Cielo. Sa Ortigas kasi ako nakipagmeet at sabi ko kasama ko si Sir Benj.
"Seryoso ka ba? Eto na yung 'fake jowa' plano mo? Ano ba talaga plano mo?" tanong saken ni Adrian.
"Basta. Huwag ng matanong. Basta kapag kinausap ka, huwag mo silang kakausapin ha?" sabi ko pa.
Hindi na lang siya sumagot at pumayag na lang siya.
Pagkalabas ko ng sasakyan, lumabas na rin siya pero sumandal lang siya sa sasakyan habang dala dala ko yung laptop at mga papel papasok.
Dumiretso ako sa table nila Sir Miggy at Cielo.
"Oh, what happened? Bakit ayaw kang tulungan ni Benjamin diyan?" sabi ni Sir Miggy.
"Sorry po, may tampuhan lang kami."
"Well, dapat hindi ka niya pinapabayaan ng ganyan."
"Sige, okay lang po. Iintindihin ko na lang po siya" pagdadrama ko. Awang awa naman sila saken. Kitang kita kasi si Adrian sa bintana na nakasandal lang sa sasakyan.
"Never kong ginagawa sa'yo yan"biglang sabi ni Sir Cielo kay Sir Miggy.
"Kaya nga. Nakakadisappoint."
"Oh. Hayaan niyo na po, magiging okay rin po samen lahat, huwag po kayong magalit kay Benjamin" sabi ko na lang.
"Hays buti na lang at mapagunawa ka."
"Opo, ganon po talaga ako sa relasyon nameng dalawa" sabi ko naman.
Maya maya tinext ko si Sir Benj, yung tunay, na pumunta rito at makipag meeting samen. Pumayag naman kaagad siya.
Tinext ko naman si Adrian na umalis na muna doon at umalis nga siya kaagad.
"Saan naman siya pupunta?" tanong nila.
"Hindi ko po alam. Hehe, let's continue na lang po yung usapin natin about the deal?" sabi ko. Pumayag naman sila at mukhang effective tong plano kong 'to.
++
"Thank you, Sir. For listening" sabi ko pagkatapos ko mag explain, ang ganda ng pagkakadeliver ko at sandali lang yung usapan.
"We'll think about it okay? Nothing personal but mas gusto namen yung pinapahalagahan yung relasyon ng isa't isa and I see that in you, Ethan" sabi ni Sir Miggy.
"Oh please, don't be like that with Benjamin. Magiging okay din po kami, promise" pagdadrama ko uli.
"He's lucky with you, you know"
Ngumiti lang ako at maya maya, tumayo na kami para umalis. Hinatid ko na sila sa may parking lot at sakto naman, dumating si Sir Benj sakay ng sasakyan niya.
"Tapos na yung meeting?" tanong niya.
Hindi naman sumagot yung dalawa at sumakay lang ng sasakyan.
"Anong problema nila?" tanong ni Sir Benj saken.
"Late ka raw kasi"
"Late? Eh nagmamadali nga akong pumunta rito eh!"
"Easy. Huwag kang magalit saken, wala rin naman kaming napag usapan dahil nga late ka"
"You texted me 30mins ago...."
"Shhhh..." bumulong ako sa kanya "Huwag kang highblood, hindi nakakagwapo" sabi ko sabay ngiti sa kanya at alis sa pwestong yon. Alam kong inis na inis siya noon at buti na lang hindi niya ako hinabol.
++
"Nasaan ka na?" tanong ko kay Adrian.
"Nasa Megamall lang. Tara, nakita ko dito yung mga kameeting mo"
"Andiyan sila? Sige!" nagmadali akong pumunta doon. At nung nagkita na kami, nandoon nga sila Sir Miggy at Cielo sa Starbucks.
"Kanina pa sila?" sabi ko.
"Medyo. Ano ba kasing ginagawa mo?"
"Hmmm... Basta.. Panggap uli tayo?"
"Hindi ko nga maintindihan ginagawa mo eh"
"Basta please. You're helping alot. As in, a lot. Just please, sumunod ka lang?" pagmamakaawa ko.
"Hay nako. Okay, basta babayaran mo naman ako, G na ako doon haha"
"Yehey. So ganito, papasok tayo doon tapos magiging 'walang paki' boyfriend ka. Yung wala kang paki saken. Ganon"
"Teka....."
"Please, wag ng maraming tanong."
"Hay nako. Sige na nga"
"Yes!"
Pumasok kami at naupo sa may gilid. Hindi kalayuan kina Sir Miggy at Cielo, mukhang napansin nila kami noon kaya eto na yung plano ko.
Ako na yung bumili para sameng dalawa. Pagbalik ko, nilalambing ko si Adrian pero wala siyang paki saken. Sumisilip ako kina Sir Miggy at Cielo at napapailing lang sila.
Sinusubuan ko pa ng cake si Adrian pero tinatanggihan niya.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari?"biglang sabi ni Adrian.
Bigla akong nagpanggap na umiiyak. As in umiiyak. Nagtakip ako ng mukha ko.
"Uy, bakit ka umiiyak?"biglang sabi ni Adrian.
"Shhh. Huwag mo kong pansinin, mag walk out ka dali!" sabi ko sabay takip uli sa mukha ko.
"Ha?"
"Basta. Huwag ka na munang bumalik ha. Tatawagan kita uli" sabi ko.
"Hay nako, baliw ka na ata" pero sinunod naman niya ako at lumabas. Naiwan ako doon na nagpapanggap na umiiyak. Maya maya, napansin kong dumating si Sir Miggy at lumapit saken.
"Anong problema?" tanong ni Sir Miggy.
"Wala.... Kinakausap ko lang siya tapos ayaw niya ako kausapin eh" sabi ko.
"Halika muna sa table namen. Tsk, ano ba kasing pinag aawayan niyo"
Okay. So success talaga yung ginagawa kong plano. Pumunta ako sa table nila at nagiiyak iyakan pa rin ako.
"Hay nako, malala na siguro yung away niyong dalawa" sabi ni Sir Miggy.
"Ay hindi po. Okay lang po. Magsosorry na lang po ako sa kanya mamaya"
"Tsk. Nakakaawa ka naman, Ethan...."
"Hindi, kaya ko po 'to. Sanay na po ako"sabi ko.
Dinamayan nila akong dalawa. Pero habang nagdadrama ako, may narinig akong sinabi ni Sir Cielo.
"Alam mo na kung kanino tayo pipirma"
SHET!! YESS!! Success.
Pinigilan ko yung excitement ko mamaya mapasigaw ako at mabuking ako.
"Benjamin, ano ba to, bakit to umiiyak?" narinig kong sabi ni Sir Cielo. Pag tingin ko kung sino, fvck, sht, kainin mo na ako lupa!
Si Sir Benj nga 'to!!!!!
"Wait, what's happening here?" tanong niya.
Fvck! Sobrang kinakabahan ako. Paano niya ako naabutan dito? Paano niya nalaman na nandito kami? Shet. Mukha pa siyang inis na inis! Pakshet talaga!
Hindi ako makasagot at nakatingin lang si Sir Benj saken.
Bigla pang may nagtext saken at pagtingin ko.
Si Adrian.
"Boss, naiwan ko yung bag ko diyan, babalik lang ako" text niya. Sinilip ko yung pwesto namen kanina at nandoon nga yung bag niya.
Sht talaga!!
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top