Part 59
Nabasa niyo na ba super duper hot intimate scene ni Jaycee at Stephen? Haha sa susunod na updates non may mga marereveal sa story ni Ethan hihi.
PS: huwag na maghanap kay Ethan. 😊😊😊
+++++++
Hindi ako umalis sa tabi ni Sir Jack habang hinihintay namen yung nangyari sa tatay niya. Hindi naman din masyadong nagtagal, tinawag na kami ng nurse at sinabing okay na ang lahat at pwede na namen makausap yung papa niya.
Medyo kinakabahan na naman ako pero hinanda ko na sarili ko sa mangyayari.
Pagpasok namen ng kwarto, kami lang yung bisita.
"Balak niyo ba talaga akong patayin?!" biglang sabi ng papa niya.
"Pa.... Hindi po."
"Oh, edi umalis na kayo. Bahala ka na sa buhay mo Zacharhy. Ayoko ng problemahin pa yang katarantaduhan mo"
"Pa. Alam kong galit kayo pero kahit ganon, mahal na mahal ko pa rin kayo. Sana maging masaya na lang kayo sa gagawin ko kasi kung nararamdaman niyo nararamdaman ko, sobrang saya ko kay Ethan. Sana ayon na lang makita niyo"
"Umalis na kayo." sinabi niya lang, walang galit, walang kahit ano.
Lumapit lang si Sir Jack at hinalikan niya papa niya sa noo saka naman kami lumabas ng ospital.
+++++
Sa tingin ko naging okay naman ang lahat. Tolerable naman yung mga pinagsasasabi saken dahil sanay na rin ako doon kaya nung umuwi kami ng bahay, niyakap kaagad ako ni Sir Jack.
"Everything will be okay. I promise" bulong niya pa saken.
"Sana nga."
"It will, don't worry."
Naupo muna kaming dalawa.
"Are you okay?"tanong niya.
"Yeah. Ofcourse."
"I mean, with Benjamin."
"Huh? What's with him?"
"Wala naman, forever rival tingin ko sa kanya pagdating sa'yo. Natatakot lang ako one day, magising ka at marealize mo siya yung mahal mo"
"What? After what happened, ngayon ka pa nag ganyan? Haha."
"Haha, parang baliw lang eh no? Sabagay
Baliw naman kasi talaga ako sa'yo."
"Hehe ayan ka na naman"
"Hehe. I feel so tired.... Can I sleep here tonight?" tanong niya.
"Oo naman! Pwedeng pwede"
"Tabi tayo?"
"Hehe, gusto mo?"
"Oo. Cuddle?"
"Sige sige"
"Tara na!" niyaya niya na ako paakyat at ganon nga ginawa namen pag akyat sa kwarto.
+++++
After ilang araw ng hindi pagpapaalam, biglang nagparamdam si Jaycee saken at gusto niyang makipag kita sa condo niya kaya pumunta ako sa kanila nung bandang hapon.
Niyakap niya ako ng mahigpit nung makapasok na ako sa loob.
"Super miss kita bes!!!" sabi niya.
"Miss eh wala ka ngang paramdam!"
"Sorry na, out of town with my boyfriend, you know..."
"Tignan mo!! Sa iba ko pa nalaman na may boyfriend ka!"
"Ehhh huwag ka ng magalit. Dapat magkikita tayo non diba kaso nag inarte ka kaya di natuloy. Ayon dapat sasabihin ko eh"
Mukhang masaya si Jaycee, kitang kita naman eh.
"Ang daming nangyari bes ah? Kwento ni Stephen saken."
"Updated ka rin?"
"Oo! Eh palaging magkausap yan si Stephen at Sir Jack mo! Minsan mapagkakamalan ko ng mag jowa yan eh!"
"Hehe.... Eh bakit ka ba nakipagkita?"
"Wala naman, kakamustahin lang kita. Parang kailangan mo kasi ng friend tapos wala ako sa side mo"
"Ano ka ba, happy ka naman ehhh"
"Super happy bes."
"Oh diba, kinain mo lahat ng sinabi mo non haha" sabi ko.
"Oo, busog na busog nga ako eh. Inside and out, if you know what I mean"
"Jusko ayoko na malaman! Teka, nasaan ba jowa mo?" tanong ko.
"Pabalik na yon, bibili lang daw pagkain."
"Oh, okay...." sakto naman pumasok na nga si Stephen at may dalang pagkain. Pizza at softdrinks.
"Baby, sa kwarto lang ako ah. Bahala ka na rito.,... Hi Ethan." sabi ni Stephen na mukhang masayang masaya rin.
"Ok po" sagot lang ni Jaycee.
Nung makapasok na si Stephen sa kwarto biglang lumapit saken si Jaycee.
"Oh, ano? Nasabi mo na ba yung tungkol sa kakambal ni Sir Benj?" bigla niyang sabi.
"Huh? Ahhh..."
"Bakit mo ba siya tinatago kay Benjamin o kay Sir Jack mo? Ano bang plano mo?"
"Plano? Wala ah!"
"Hello, eh bakit ayaw mong sabihin? Pinagkakait mo sa kanya yung nalalaman mo. Bad yan bes"
"Grabe, nagkalovelife lang bumait na. Naalala mo sabi mo saken gamitin natin siya para makapaghiganti kay Sir Benj tapos ngayon gusto mo ng sabihin ko"
"Haha, sabihin mo na kasi bes. Feeling ko kasi magkakagulo kapag nagkabukingan na."
"Gusto ko lang naman talagang tulungan si Adrian. Naaawa kasi ako sa storya niya saken nung isang araw"
"Bes, sagip kapamilya, ganon? May kapamilya siyang tunay at sigurado doon na tutulungan niya yan!"
"Alam ko.... Pero iba na yung sitwasyon ngayon."
"Sabihin mo lang bes, sabihin mo na. Hindi nakakaganda ang pagsisikreto."
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sinasabi kay Sir Benj yung tungkol sa kakambal niya, kahit kay Sir Jack pa, hindi ko alam.
"May chika din ako sa'yo about sa Sir Jack mo!" bigla niyang sabi.
"Ano naman?"
"Nako, may mala 'Sophie' din pala yan sa buhay niya. Mamaya ma SophieZoned, BillZoned ka na naman!"
"Huh?"
"Hannah yung name eh. Nadulas kasi one time si Stephen about doon kaya nalaman ko"
"Bakit hindi ka nagtanong kay Stephen?! Tanungin mo!"
"Kada tanong doon eh may bayad, 20 na sex. Jusko, keri naman pero every other day lang, mahihintay mo ba after 40 days?"
Ang weirdo talaga ng magjowang to pero naintriga ako sa sinabi ni Jaycee.
"Ikwento mo saken, ano sinabi ni Stephen"
"About nga sa Hannah na yon!"
"Ano ngang meron??"
"Basta, mala SophiexBenjamin level naman daw pala yung feelings ng Sir Jack mo doon!"
Natahimik naman ako, hindi naman kasi nakekwento saken ni Sir Jack yung ex niya kaya wala rin akong idea.
"Pero huwag kang mag isip ng kung ano ano! Kasi mas mataas daw yung level ng love niya sa'yo kesa doon sa Hannah na yon!" pahabol pa ni Jaycee.
"Hehe, alam ko naman. At saka wala na rin akong paki, ang mahalaga naman yung ngayon eh"
"True! Kaya dapat inaaraw araw niyo rin ni Sir Jack yung pagaanuhan!"
"Haha loko ka! Palibhasa ka kasi araw araw eh!"
"No, I told you every other day kaming dalawa. May interval para daw makapagpahinga ako!"
"Haha baka mamaya pwede na akong tumira diyan sa ano mo sa sobrang luwang ah!"
"Haha okay lang, at least proud akong isang lalaki lang yung may gawa non!"
Ayun naman talaga nakakaproud kay Jaycee kaya kahit asarin ko siya eh hindi siya maaasar.
Namiss ko makipagkwentuhan sa bestfriend ko kasi kapag siya kausap ko, nasasabi ko talaga ang lahat.
+++++
Magkasama kami ni Sir Jack na pumunta sa bahay nila, sa bahay ng parents niya.
Hindi na nakakagulat yung magandang bahay nila, sobrang ganda talaga.
"Ready?" sabi niya.
"Medyo nakakakaba."
"Okay lang yan."
"Paano kung katulad ng papa mo?"
"Ewan ko lang, pero nanay ko yon, siguradong matatanggap niya ako.... Tayo. Kaya huwag kang matakot"
"May sakit siya, paano kung atakihin din siya?"
"Let's be calm okay? Baka ikaw yung atakihin eh"
"Haha, Sorry po."
Nasa sasakyan pa rin kami ngayon. Tinanggal niya yung seatbelt at hinalikan niya ako sa labi ko ng matagal.
"I love you so much. Malalampasan din natin 'to, okay?" sabi niya.
Nung moment na yon, feeling ko at ease na ang lahat kaya biglang lumakas yung loob ko nung bumaba na kami sa sasakyan.
Iniimagine kong nakahiga sa kama yung mama niya at sobrang hina pero pagpasok namen, gulat na gulat ako sa nakita ko.
Nagzuzumba yung mama niya sa harap ng TV! Nakasuot ng pink na sando at leggings. Ang cute cute niya habang sumasayaw, tuwang tuwa kasi siya.
"Ma!" napasigaw tuloy si Sir Jack, nagulat din pala siya.
"Ohhh.... Baby ko!" nagmadaling lumapit sa kanya yung mama niya at niyakap siya.
"Ma! Anong ginagawa niyo?"
"Duh, Zumba syempre! Bulag ka ba?"
"I mean.... Bakit hindi ka nagpapahinga?"
"Hay nako! Para sa mahina lang yon!"
"Ma!!"
"Jack!!"
"Ma, ano ba?!"
"Jack, ano ba?!"
Ginagaya niya lang lahat ng sinasabi ni Sir Jack at natataw siya. Bigla siyang napatingin saken.
"Uy, hindi kita kilala. Sino ka?" bigla niyang tanong.
"Ahh.... Ethan po" pakilala ko.
"Ahhh, ang lambot mo ah. Are you gay?"
Nagulat ako sa tanong niya. Pero bigla siyang tumawa ng malakas.
"Ano ba, loosen up! Tara, let's Zumba for long life!" hinila niya kami ni Sir Jack sa may gitna.
"Ma...."
"Jack...."
"Ma naman eh, huwag mo akong gayahin"
"Ehh alam kong may kailangan ka kaya ka pumunta rito, kaya para pagbigyan kita sa gusto mo, samahan mo ko mag Zumba!"
Bigay todo talaga yung mama niya sa pagZumba, nakakatuwa. Parang wala siyang sakit. Wala naman kaming nagawa ni Sir Jack at sumunod na lang kami.
Maya maya, nakaramdam ng pagod yung mama niya at naupo. Pinatay na namen yung TV at kumuha si Sir Jack ng maiinom.
"Nasaan ba kasi yung katulong, Ma?"
"Huwag na! Hindi na natin kailangan non!"
"Ehhh paano kung may mangyari sa'yo rito?" bumalik na siyang may dalang tubig.
"Walang mangyayari, not unless gusto mong may mangyaring masama saken."
"No, ofcourse wala!" mabilis niyang sabi.,
"Ohhh.... Good, so anong sasabihin mo saken?" tanong ng mama niya.
"Paano mo nalaman Ma?"
"Kausap ko tatay mo. Alam kong nasa Ospital siya pero andito ako Nagzuzumba, ang galing ko rin eh no?"
"So alam mo na po?"
"Na boyfriend mo 'to? Alam ko na"
Natahimik si Sir Jack. Hindi ko alam na magiging ganito yung usapan namen.
"Ang shunga ko namang nanay kung hindi ko mahahalata diba? Magkaholding hands kayo nung pumasok, tinaggal niyo lang nung lumapit ako."
Hindi pa rin kami makasagot.
"Oh diba natahimik kayo? Nakita ko pa kayo sa sasakyan na naghalikan bago kayo bumaba!"
"Hala, Ma! Pati yon nakita niyo?" medyo nahiya pa ako ng konti.,
"Hindi, Joke lang! Pero sa reaksyon mo ibig sabihin may nangyari nga haha"
Grabe, hindi ko ineexpect na magiging ganito yung mama niya. Napaka kalog.
"Look anak...." biglang seryoso ng mama niya. ".... You're my son at kahit anong mangyari tanggap kita. Di'ba sabi nga ni Lady Gaga, no matter gay straight or bi, lesbian transgender life, you're on the right track baby you were born to survive?"
"Aw, little monster?!" bigla kong sabi.
"Ohhh tignan mo, parehas pa kaming dalawa!" biglang sabi ng mama niya.
Nakakatuwa talaga yung Mama niya. Nawala lahat ng kaba at takot ko.
"Anak, successful ka na, nakapagtapos ka na ng pag aaral. Tapos na yung responsibilidad namen sa'yo, kung ano man gagawin mo sa buhay mo simula ngayon, susuportahan ko na lang kasi malaki ka na. Alam mo na kung ano yung tama at mali. Kung ayan talaga gusto mo, sige, okay lang. Buti nga nagpaalam ka kaagad eh, nalaman ko kahapon nung inatake papa mo."
"Eh bakit ikaw? Tanggap mo ko, si papa hindi. At saka bakit hindi kayo pumunta sa Ospital?"
"Nag iinarte lang yung tatay mo para sundin mo siya. Hayaan mo siya!"
Natawa ako pero ang awkward ng tawa ko kaya tumahimik kaagad ako.
"At sa isa mong tanong, tanggap kita anak kasi mahal na mahal kita. Ayon lang yon, okay?"
Nakita kong napangiti si Sir Jack at niyakap niya yung mama niya ng mahigpit.
"Oh, sumama ka na rito, Ethan! Kasama ka na sa family!" sabi pa ng mama niya. Yumakap din ako sa kanila ng mahigpit non.
Ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon. Sobra.
"May isang favor lang ako" biglang sabi ng mama niya.
"Ano po?" sabay nameng sagot.
"Ang dami mong iniwan na trabaho sa New York anak, ikaw na nakipag usap sa mga tao kaya they're expecting you. I just want you to finish your job there."
Nawala yung ngiti sa mukha ni Sir Jack.
"If you're worried about your boyfriend, akong bahala sa kanya. I assure you, walang gagawing masama yung papa mo sa kanya"
"Hindi kasi yon, Ma. Ang layo kasi eh."
"I think kaya mo naman tapusin yon ng 2 weeks? Right? Look.... Yung New York branch na yon, sobrang big deal samen ng papa mo. Kung kaya ko lang, ako na lang sana yung pupunta don eh kaso hindi na ako fit to travel"
Tinitignan ko pa rin yung reaksyon ni Sir Jack.
"Bakit hindi ka na lang sumama sa kanya, Ethan? You can work together. Pwede na rin na mag migrate kayo don, diba? Tapos kasal! Pwedeng magpakasal don!"
Nangiti si Sir Jack at napantingin saken. Ayaw kong tanggihan yung offer ng mama niya kasi nakakahiya pero hindi ko talaga kayang umalis ng bansa at iwan sila mama at Butchok.
"Ma, Ethan is really a family oriented man. Kaya mahal na mahal ko siya kasi mahal na mahal niya pamilya niya. Ayaw niyang umalis ng matagal."
"I see. I see. That's good. Ibig sabihin, magiging okay din pamilya niyong dalawa."
"Ofcourse, Ma" bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko sa harap ng mama niya.
Natuwa yung mama niya sa ginawa ni Sir Jack, kahit ako napangiti.,
"Sige, I'll do it Ma." sabi ni Sir Jack.,
"Thank you... Thank you anak.." niyakap niya ng mahigpit si Sir Jack.,
"Bibilisan ko na lang para matapos kaagad"
"Yes, do that. At isa pa, kuhang kuha niyo yung basbas ko sainyong dalawa, kaya you don't have to worry sa papa mo. I'll talk to him, okay?" sabi pa ng mama niya.
"Thank you so much po" ako naman sumagot.
"Huwag ka ng formal, you can call me Mama na lang." sabi niya saken.
"Hehe, nakakahiya po"
"Good, nahiya ka. Turn on yan! Plus points ka saken!"
Natawa naman kaming dalawa ni Sir Jack.
"Magluluto ako, dito na kayo mag hapunan ah?" sabi pa ng mama niya.
Pumayag naman kaming dalawa ni Sir Jack at sa mga oras na yon, nawala lahat ng sakit ko sa dibdib!
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top