Part 58

Ang haba ng tulog ko, sabi ko iidlip lang ako pero pag gising ko, gabing gabi na. Nagising lang ako dahil sa amoy ng bacon. Nakita ko si Sir Jack na nagluluto.



Isang malaking kwarto lang kasi yung tinitirahan niya. Kaya makikita mo kaagad yung buong bahay.



"Pst. Pogi" sabi ko habang nakaupo sa kama.



Tumalikod siya at ngumiti saken. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi.



"Pagod ka pa?" tanong niya.



"Hindi! Bakit hindi mo ko ginising? Sayang yung oras na sana lumabas man lang tayo!"



"Nako, edi lalabas tayo pagkatapos natin kumain. Isa pa, nag eenjoy akong pagmasdan ka habang tulog eh"



"Nakakahiya!"



"Ano ka ba, ang cute mo nga eh"



Hinawakan niya kamay ko at pumunta kami sa may kainan. Naghain siya ng bacon, tinapay, hotdog, itlog.



"Sorry, walang bigas eh. Hindi ko kasi alam na pupunta ka!"



"Okay lang hehe"


"Don't worry, kakain tayo sa labas mamaya"



"Anong oras na ba?"



"10 na"


"10 na? Eh saan pa tayo makakapunta niyan?"



"Ano ka ba babe, mas maraming mapupuntahan dito kapag gabi. At saka, nasa New York tayo, the city that never sleeps. Hehe kaya bilisan mo na. Maligo ka na pagkatapos, tapos alis na tayo"



Kitang kita ko sa mukha niya yung excitement. Nakakatuwa talaga si Sir Jack, nakakakilig.



Nagmadali na akong kumain at naligo, medyo malamig na rin dito kapag gabi compare kanina na mainit.



Pagkatapos ko, nagbihis na ako at nakita kong nakabihis na rin siya.


"Ang pogi mo" bigla kong sabi. Hello, sino ba naman hindi mapopogian sa boyfriend kong to. Ang hot hot.






Hinawakan na niya kamay ko at lumabas na kami ng apartment niya.



+++


Pumunta kami sa City mismo. Grabe, ang liwanag pa rin ng mga building, akala mo nagsisimula pa lang silang magtrabaho. Ang dami pa ring tao sa lansangan, hindi kasing rami kanina pero marami pa rin.



Organize dito, sumusunod talaga sa traffic lights.



Isa pa, kahit na magkahawak kami ng kamay ni Sir Jack, hindi masyadong big deal sa kanila, may napapansin pa nga akong katulad namen na magkahawak kamay din. Nakakatuwa lang.



"Saan tayo pupunta?" tanong ko.



"Basta. Surprise hehe."



Maya maya, tumapat kami sa isang napakalaking building.



"Empire State Building!" sabi niya.



"Wow. Ang ganda. Anong gagawin natin sa loob?"


"Hehe, you'll see."



Pagpasok namen sa loob, diretso elevator. Parang never ending elevator hanggang sa makarating kami sa tuktok.



Ang lamig, sobrang mahangin doon! May parang restaurant doon pero ang pinaka main attraction eh yung view, kitang kita mo yung buong City dito. Buhay na buhay.



Lumapit pa kami para makita lalo yung view. Tumingin ako sa ibaba, halos malula ako sa taas pero grabe! No words can explain! Sobrang ganda talaga!



"Good, right?" biglang sabi ni Sir Jack.



"Super!"



Hinahangin yung buhok niya sa pwesto namen pero kahit ganon, kahit gumugulo, ang gwapo gwapo pa rin.



"Nilalamig ka?" tanong niya saken. Naka Tshirt lang kasi ako at pants. Hindi ko dinala jacket ko.



"Medyo"



Kaya pumunta siya sa likuran ko at niyakap ako. Hinawakan niya rin yung mga kamay ko at niyakap niya sa katawan ko.


"Okay na?" bulong niya.



"Okay na okay" sabi ko.



Nanatili kami sa ganong posisyon. Napakaganda ng gabi para sameng dalawa.




"Alis na tayo bukas." bulong niya uli.



"Bukas na kaagad? Akala ko may trabaho ka pa rito?"



"Hindi na, aalis rin naman ako eh at hindi ko pa matatapos yon, masasayang lang yung oras natin dito"



"Sigurado ka ba?"



"Oo. Ikaw? Sigurado ka na ba saken?" bigla niya ulit bulong.


Humarap ako sa kanya. Magkadikit pa rin katawan nameng dalawa at mas nakita ko siya ng harapan, parang naiiyak na naman siya.



"Bakit ka na naman naiiyak?" sabi ko sabay punas sa mata niya.


"Wala lang. Sobrang mahal na mahal kasi kita, Ethan. Hindi mo alam kung paano mo talaga ako napapasaya. Alam kong nasabi ko na ng paulit ulit yon pero ganon talaga...."



"Ehh bakit ka naiiyak?"



"Ayoko kasi ng may bumabalakid saten eh. Naiisip ko pa lang si Mama parang nalulungkot na ako. Natatakot din ako na baka di niya tayo matanggap"



"Susubukan naman natin diba?"



"Alam ko...." bigla niya akong niyakap ng mahigpit.


"Huwag mo akong iiwan ha? Kahit na anong mangyari" bulong niya uli saken.



"Hinding hindi...." bulong ko rin sa kanya.



"Promise?"



"Promise"



I want to kiss him. At mukhang nabasa niya nasa isip ko dahil dahan dahan niya akong hinalikan sa pwesto namen habang hawak hawak namen yung kamay ng isa't isa.




++++


"Natutulog ka na ba?" tanong niya saken habang magkatabi kami sa kama. Pinaglalaruan niya yung buhok ko habang ako naman nakayakap lang sa kanya.




"Hindi.... Nakapikit lang."



"Uhm.... Kumusta pala ka trabaho si Benjamin?" bigla niyang sabi.



"Huh? Okay naman.... Nangungulit pa rin minsan pero tumitigil din naman"



"Hehe, sila mama mo? Butchok?"



"Okay din naman..... Hmmmmm, matutulog ka na ba?"


"Hindi ako makatulog eh. Sobrang saya ko pa rin na nandito ka"



"Ako rin hehe. Hmmm, pa kiss" bigla kong sabi.


"Alam mong hindi ko matatanggihan yan!" humarap ako sa kanya at hinalikan niya ako sa labi. Slowly pero passionate.


"This will be our first making love outside the country!" bigla niyang sabi.



"Hehe, sana hindi last"


"Ofcourse. Sa lahat ng bansa, gagawin natin to!"


Next thing I know, ginawa na uli namen yung kinasasabikan namen sa isa't isa.



++++++++



Back to the Philippines na kami at dumiretso na muna kami sa bahay para magpahinga dahil kinabukasan, haharapin na namen yung papa ni Sir Jack.



Kahit na sinabi kong sa bahay na siya matulog, doon pa rin siya nagpahinga sa kwarto niya.



Kinabukasan sa office, sabay kaming pumasok habang ako dumiretso sa office ko. Si Sir Jack naman sa office ng papa niya.



Sobrang kinakabahan ako pero nilalakasan ko lang loob ko para sameng dalawa.


Bigla naman pumasok yung secretary ko at pinapaakyat ako.


Fvck, eto na talaga!



Kaya umakyat ako sa office ni Sir Jack pero pagbukas ko, bumungad saken si Sir Benj.



"Ethan!" bigla niyang sabi.



"Bakit ka nandito? Nasaan si Jack?"



"Nasa office ng papa niya. May meeting kasi mamaya, remember?"



"Hindi ko alam"


"Oh well, now you know. Uhm, magkausap kami ni Zachary kanina ah? May pinagdadanaan daw kayo"



"None of your business"


"He's my friend and you're my friend so I guess, it's my business."



"My personal life is none of your business. And excuse me, pupuntahan ko pa si Jack"


"Trust me, huwag mong gawin"



"At bakit?"


"Well, for starter, anong sasabihin mo? Hindi mo naman alam kung anong pag uusapan nila. Malay mo trabaho lang then bigla kang sumulpot out of nowhere, diba?"



Medyo may point siya.



"Just wait, okay" pahabol pa niya.



Kaya naupo muna ako sa gilid at sobrang kinakabahan.


"Grabe, mahal na mahal mo talaga no?" tanong niya.



"Sobra."



"Wow. Hehe, lucky for him..."


Ayoko siyang kausapin baka mamaya san pa mapunta yung usapan.


"Oh nga pala, nag out of town sina Stephen at Jaycee, wala atang signal, kahit si Stephen hindi ko macontact eh"



"Kaya naman pala!"



"Ethan, I love you"



Hindi ko alam kung mali lang ako ng narinig pero napatingin ako sa kanya, nakatingin pa rin siya saken at parang hindi ako namali ng dinig.



"I tried so hard.... Pero hindi ko talaga kaya. And now, I'm looking at you, kitang kita ko na mahal na mahal mo na nga si Zachary. At sobrang sakit. Sobrang sakit."




"Please stop..."


"Hindi ako manggugulo. I just wanna let you know what I'm feeling."



Hindi ako sumagot. Gusto ko na sana umalis kaso siguradong pipigilan ako neto.



"Karma's a bitch. Parang nakakamatay naman yung karma ko sa'yo"



Hindi pa rin ako sumagot at tumayo na ako para lumabas pero biglang bumukas yung pinto at pumasok si Sir Jack, kasama ang papa niya.



"Kaya mo na akong sagutin dahil sa baklang yon?!!" sigaw ng papa niya. Nung makita ako ng papa niya, tumingin siya ng masama saken.




"Dad, mahal ko siya!" nung nakita ako ni sir Jack, lumapit siya saken at inakbayan ako.


"You're not inlove. Libog lang yan! Pampalipas oras lang yan. Alam kong mahal mo pa si Hannah, siya na lang anak..."



"Pa!! Ano ba, tumigil ka na! Maging masaya ka na lang samen!"

"Hinding hindi ako magiging masaya sainyo!! Tandaan mo yan!!"



"I don't need your permisson. I just want yo inform you na siya lang gusto ko makasama!"



"No!! I'll kill myself kapag ginawa mo yan!"



"Dad!"



"Trust me, Jack! Gagawin ko yon, kung yon lang dahilan para maghiwalay kayo!"



Hindi nakasalita si Sir Jack at naiiyak na siya. Ang higpit ng kapit niya sa braso ko at parang gigil na gigil siya.



"Tito, tama na" sabi ni Sir Benj sa papa niya.



"I talked to your mother, Jack. Hindi siya okay sa ginagawa mo. You know she's sick! Kahit sa kanya na lang!"



"Pa, kakausapin ko si Mama. Siguradong maiintindihan niya ako."



"Anak anong gusto mong gawin ko? Gagawin ko! Sundin mo lang ako!"



"Wala kang dapat gawin Pa, tanggapin mo kami. Ayon lang yung dapat mong gawin!"



Humarap saken si Sir Jack.

"Tara na" sabi niya.


Naglakad kami palabas pero sinigawan uli kami ng papa niya.


"Magnanakaw ka! Ikaw kumuha ng passport at visa niya sa bag ko!" sabi ng papa niya saken.



"No dad, it was me!" narinig ko naman yung boses ng ate niya na pumasok sa loob ng kwarto.



"Why?!!!" sigaw ng malakas ng papa niya.



"Dad, tama na. Pabayaan mo na si Zach. Dito siya masaya, tanggapin niyo na siya!"



Doon ka nakitang ngumiti si Sir Jack dahil sa sinabi ng ate niya.



"Wala kang makukuhang pera! Isasara ko lahat ng account mo kapag umalis ka ng opisinang to!!"



"Wala na akong paki sa pera, Pa. Mahalaga saken ngayon, si Ethan"


Hinila ako bigla ni Sir Jack palabas ng opisina niya. Narinig ko pang sumigaw papa niya pero hindi na kami lumingon.



++++


Nasa office ko naman kaming dalawa at nabigla pa rin sa pangyayari.



"Okay ka lang?" tanong niya saken.



"Okay lang ako. Ikaw ang hindi okay."



"Okay lang ako. Huwag kang magalala."


Niyakap ko lang siya. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa namen pero hindi ko makapag isip ng matino ngayon.



Bigla naman pumasok si Sir Benj sa office namen ngayon at parang hingal na hingal.



"Inatake papa mo! Papunta na yung ambulansiya!" sabi niya.


Pinilit ko naman na papuntahin si Sir Jack para sa papa niya. Pumayag naman siya saka kami nagmadaling umakyat uli. May mga medic na na ibinababa siya papuntang elevator.



Grabe, ang bilis ng mga pangyayari.



++++



"Tama ba ginawa natin?" tanong bigla saken ni Sir Jack habang nasa ospital kami.



"Mali tayo. Sobrang mali. Ngayon ko lang narealize, mali tayo"



"Ayoko naman mawala ka."



"I know. And I love you for that. Really, I love you so much. Pero ayoko ng ganitong feeling. Alam mong mahina ako pagdating sa mga tatay kaya hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga nangyayari"



"You want us to stop?"



"No, ofcourse not. Maybe mali lang na nagsigawan kayo kanina. That's all. Ayoko rin na mawala ka saken, pero syempre dapat wala tayong nasasaktang iba. Diba?"




"I understand where you're coming from."



"Hehe, magiging okay din lahat promise. Don't overthink"



"Opo hehe."


"Smile na. Para pogi pogi na uli"



Bigla naman siyang ngumiti saken.



Maya maya, biglang lumapit samen si Sir Benj.


"Salamat sa tulong, pre" sabi ni Sir Jack.



"Walang anuman, para sa'yo alam mo naman kahit anong mangyari, magkaibigan tayo eh"




"Hehe, salamat uli!"



"As for Ethan, grabe. You stood up for him, I never had the guts to that sa kanya. I know na hindi mo siya sasaktan."

"I will never"


"I know. Please take care of him. I still love him pero I can see na masaya na kayong dalawa. I'm happy for the both of you."



Kita ko kay Sir Benj na naiiyak siya pero pinipigilan niya.


"I love him so much, pre. I will do anything for him."



"I can see that. Well, I know my opinion won't matter but please be happy. For the both of you. You deserve that" niyakap niya ng mahigpit si Sir Jack.

Tapos lumapit saken si Sir Benj.


"I'm really sorry for everything. You may not see it, pero sobrang pinagbabayaran ko na yung ginawa ko sa'yo. Sobrang sakit na."



Niyakap niya lang din ako at nung tinaggal niya yon, umiiyak siya. Ngumiti lang siya saken at umalis na sa harapan namen.



+++++

VOTE AND COMMENTS!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top