Part 56

Natakot ako sa papa ni Sir Jack pero mas natatakot ako kung mawawala si Sir Jack saken.




Naiisip ko pa lang na maghihiwalay, parang hindi ko kaya. Masyado ko ng mahal si Sir Jack, pero mahirap kalaban ang magulang. Sobrang hirap.




Hindi muna ako umuwi, tumambay muna ako sa Mozu, nag inom mag isa. Tinatawagan ko at tinetext si Jaycee pero hindi pa rin siya sumasagot.




Naka 5 bote na ako. Hindi naman ako sanay uminom kaya medyo nahihilo na ako. Gusto ko na rin umuwi para makapagpahinga kaya tinawagan ko si Adrian para magpasundo.



Hindi rin naman nagtagal eh dumating na siya rito.



"Aba, mag isang nag iinom. Siguradong problemado ka!" bigla niyang sabi. Sabay inom sa isang bote pa sa lamesa.



"Hatid mo na ako sa bahay" sabi ko.



"Oh, wait lang. Alam kong problemado ka, kaya maganda kung pag uusapan nating dalawa 'to!"



"Wala ako sa mood."



"Nako, please, Adrian? Wala akong gana."



"Sus. KJ mo naman. Halika na nga!" sabi niya. Hindi naman ako pagewang gewang maglakad pero feeling ko babagsak ako kapag mag isa ko lang.



Sinakay niya ako sa kotse at umalis na. Ginigising na lang niya ako pero pagtingin ko sa labas, wala kami sa bahay. Nasa sea side kami sa Roxas Boulevard.



"Bakit tayo nandito?!" medyo inis kong sabi.



"Ano ba. Kailangan mo muna ilabas yung problema mo bago ka umuwi. Alam kong mabigat yan! Halika na. Bumili akong pagkain, para matanggal din yung lasing mo"



Wala na akong lakas para makipagtalo sa kanya kaya sumunod na lang ako. Ang presko naman dito kaya nag enjoy na rin ako kahit papano.



"Ohh...." inabutan niya ako ng cup noodles.



"Seryoso, saan ka nakakuha neto?"



"Ayan o, 7/11 sa tapat. Jusko naman!" magkatabi kaming dalawa habang nakaupo at nakatingin sa dagat. Tho, wala akong makita, yung tunog lang ng dagat eh nakakakalma na.




"Oh, ilabas mo na yan. Ano bang problema mo?" tanong niya.



Pero hindi ko sinabi sa kanya. Nako, bakit ko naman sasabihin sa kanya diba?



"Sus. Ayaw pa mag share saken. Ilabas na yan..... Dali na...." pangungulit niya pa.


"Lasing ako, baka mabuhos ko sayo tong kinakain ko!" sabi ko sa kanya.



"Ay naniniwala ako sa sinasabi mo kaya tatahimik na lang ako"



Ganon nga ginawa niya, inenjoy ko muna yung mainit na sabaw na hinihigop ko ng bigla siyang nag salita.



"Pwede ba akong magkwento sa'yo?"bigla niyang sabi.


"Okay" ayun lang sagot ko.



"Uhm, alam mo ba ang laking pasalamat ko sa'yo dahil sa trabaho kong 'to?"



"Nasabi mo na yan ehh"



"Hehe, gusto ko lang magpasalamat. Ang dali lang, at saka ligtas, at saka nagkakaroon pa ako ng oras para sa anak ko."




Natigilan ako sa kinakain ko.



"Anak mo?" tanong ko.



"Ay oo. Hindi ko ba nasabi sa'yo? Hehe. May anak na ako. Isang napakagandang babae."



Wow, hindi ko ineexpect.



"Suspended ako dahil nanapak ako ng officer ko diba? Nakita ko kasi kung paano niya tratuhin yung pulubing babae sa may eskwelahan. Naawa lang naman ako sa bata tapos pinagsabihan na ako ng kung ano ano. Ayon nasapak ko."




Hindi ko alam na may ganito pala siyang side.

"Problemado pa ako sa pera kasi malapit na siya mag 3, eh gusto niyang lumabas kaming dalawa. Nagsasalita na nga eh, ang ingay ingay hehe"




Iba yung ngiti sa mukha ni Adrian kapag kinekwento niya yung tungkol sa anak niya. Nakita ko tuloy sa kanya si Sir Benj.




"Ehhh yung asawa mo???" tanong ko.



"Aba, akala ko hindi ka nakikinig"



"Sabi mo kasi may sasabihin ka?"



"Akala ko nga hindi ka makikinig. Gusto ko lang din kasing ilabas tong problema kong to."




"Naiintindihan ko. So yung asawa mo nga?"tanong ko uli.



"Girlfriend ko lang siya hindi ko pa pinapakasalan."


"May balak ka naman di'ba?"



"Oo naman! Gusto ko! Nung nalaman ko ngamg buntis siya noon nagpropose na ako sa kanya kahit pagraduate pa lang ako non"


"Oh, bakit hindi natuloy?"



"Ayaw kasi ng Pamilya niya saken eh"



Grabe, parehas kami ng storya. Pero mas malalim lang yung sa kanya.



"Eh anong ginawa mo?"



"Mayaman kasi yung Pamilya niya. Tapos ako, wala naman akong maayos na Pamilya, ako lang nagpaaral sa sarili ko, kasama ko yan si Tom, kaming dalawa kaya magkapatid na turingan nameng dalawa."




"Talaga?" nakakamangha pala yung storya niya.



"Oo, mahal na mahal ko girlfriend ko kaya kahit anong mangyari, hindi ako susuko"



"Paano kayo nagkikita ng anak mo? At ng girlfriend mo?"



"Close kami ng anak ko, hindi siya pinagkakait saken ng girlfriend ko. Ang kaso, hindi ako pumupunta sa kanila. Nasamen sila palagi, sa bahay namen ni Tom."




So kaya pala nung sinabi ni Tom na okay lang na umalis siya doon eh okay lang kay Adrian. Kasi pamilyado na pala siya.



"Grabe, alam mo ba yung feeling na kapag kasama ko anak ko at yung girlfriend ko, napakasaya ko. Parang kumpleto araw ko. Kaya nagsisikap ako, gusto ko tumaas ranggo ko sa Pulisya para maging proud saken yung pamilya niya."




"Hanggang ngayon ba, hindi ka tanggap?"



"Hindi pa rin nila ako pinapapunta sa kanila eh, ayaw pa raw kasi ng papa niya. Pero okay naman sa Mama niya. Ang problema lang kasi eh wala daw akong Pamilyang matino."




"What do you mean?"



"Jusko inenglish mo na naman ako! Ehhh.... Kasi, may issue ako sa tatay ko"



Eto na naman sa issue sa tatay. Magkapatid nga sila ni Sir Benj!



"Anong meron?" tanong ko.



"Yung tatay ko kasi malandi. May ibang babae!"




"Grabe ka naman sa tatay mo"



"Totoo naman kasi! Nakakairita din kasi. Pero ayon, wala nga akong nakagisnan na tatay, yung mama ko naman mahirap lang. Mahirap lang kami. Sa probinsiya siya, ayaw niya kasi rito eh mas may opportunity dito kaya dito ako sa Manila nag aral"




Hindi ko talaga maexplain yung nararamdaman ko habang kausap ko siya, ang bait bait. Nakakatuwa, nakakainspire lalo na sa nangyayari saken ngayon.



"Oh tama na sa buhay ko! Ang dami ko ng na share! Ikaw naman mag share kasi alam kong problemado ka. Mukhang hindi ka naman palainom tapos mag isa ka pang iinom."




"Hehe, wala. After mo magkwento, parang gumaan loob ko. Medyo parehas kasi tayo."



"We? Pinapagaan mo lang loob ko eh"




"Hindi ah, bakit ko naman gagawin yon haha. At saka parehas talaga, kanina kinausap ako ng tatay ni Sir Jack... Ayon, same issue ayaw saken"




"Ahh, mahirap talaga kasi kapag boyfriend. Haha"



"Bakit ka natatawa?"



"Wala naman. Parang nakakatuwa lang na hindi ka pala perpekto"



"Anong ibig mong sabihin?"



"Ang taas kasi ng tingin ko sa'yo eh. Ang bait bait mo kasi, kahit nung parang pinapahirapan mo ko, hindi nagbago tingin ko sa'yo. Parang ang perpekto ng buhay mo."




"Wala kang idea sa kung ano ang pinagdaanan ko"



"Alam ko naman hehe. Kaya nga salamat sa pag share. Ang masasabi ko lang sa problema mo, huwag kang sumuko. Fight for it!"



"Dapat ko bang sabihin sa kanya na kinausap ako ng tatay niya?"



"Tanga ka kung hindi mo gagawin!"



"Maka tanga ka naman!"



"Eh kasi bakit hindi mo sasabihin? Dapat nga una mong gawin eh sabihin sa kanya eh! Dali tawagan mo na ngayon!!" kinukuha niya yung phone ko sa bulsa ko.



"Ano ba, nasa sasakyan phone ko! At saka sa bahay, mas mabilis wifi!"



"Oh ano pang hinihintay mo? Halika na!" halos hilahin niya ako pasakay ng sasakyan.




"Nako, dapat hindi ka naglilihim ng ganyan!" sabi niya pa habang nagdadrive na siya pauwi.




Natuwa ako sa kwentuhan nameng dalawa ni Adrian. At medyo gumaan loob ko sa kanya.



"Hoy"bigla kong sabi.



"Ano?"



"Kailan mo ako isasama sa Isabela?" tanong ko.



"Oh talaga?sasama ka na? Sige!! Baja next month, Birthday kasi ni mama eh"



"Hmm, kapag okay sa sched, sige. Sama ako" sabi ko.



"Nice!!"


Nagmaneho na siya pauwi ng bahay para raw makausap ko na si Sir Jack.



"Oy" sabi naman niya.



"Ano?"



"Friends na tayo ah?"



Naalala ko bigla si Sir Benj.



"Oo, friends na" sabi ko.




++++


Tulog pa siguro si Sir Jack, alam ko kasi alas kwatro na siya natulog dahil sa dami ng ginagawa. Hindi kami nakapag usap masyado, at dahil sa nakainom ako at nakahiga, nakaramdam ako ng antok kaya nakatulog na ako.




Pag gising ko naman, bumaba ako para kumain. Wala pa ring paramdam si Sir Jack, natatakot na ako baka sinabihan na rin siya ng tatay niya kaya siya lumayo.



Pagbaba ko, narinig kong may kumakatok sa pinto. At nung binuksan ko, nandoon na si Adrian, ang ayos ng suot niya. As in formal.



Nagulat naman ako ng bigla siyang lapitan ni BE, ang likot ng buntot at parang miss na miss niya 'to.



Lumuhod naman si Adrian para buhatin si BE, hinahalik halikan siya neto at nung tumalikod si Adrian, nawala yung tattoo niya sa may batok!!



Si Sir Benj 'to!



"Sir Benj?!" sabi ko.


"Bakit ngayon ka lang nag react?"




"Ahhh.... Anong ginagawa mo rito?"



"Ah, naiwan mo kasi sa Pampanga 'to kahapon. Ibabalik ko lang" inabot niya saken yung folder na naiwan ko doon.



Bigla namang nagtext saken si Adrian.



"Boss, papunta na ako diyan sainyo!"



Sht. Baka magkita silang dalawa.



"Ahh sige salamat, umuwi ka na!" sabi ko.



"Hindi mo ba ako papakainin?"



"Walang pagkain, tulog pa si mama"



Pero biglang sumigaw si mama at sinabing luto na yung pagkain.



"Tsk tsk tsk" sabi niya na lang.



"Basta, umalis ka na. Hindi pa ako nakaayos. Nandiyan lang yung mama mo sa kabilang bahay oh!"



"Ehhh mas gusto ko kumain dito!"



"Nako, hindi pwede, galit sayo si mama kaya umalis ka na!"



"Talaga?"



"Oo!" mukhang natakot siya sa banta ko kaya napaurong siya bigla.


"Ganon ba?hmmm... Kausapin ko kaya?"



"Huwag na. Sa susunod na, sige na!" pinagtutulakan ko na siya palabas hanggang sa umalis na nga siya at sumakay ng sasakyan niya. Pinagmasdan ko siyang umalis at magdrive palabas ng subdivision namen.



Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.



Pagpasok ko sa loob, tinanong ako ni Mama kung sino yon, ang sabi ko na lang nagbigay lang ng sulat.



++

Pag akyat ko ng kwarto ko, tumatawag na si Sir Jack saken via video call.



Pagkasagot na pagkasagot ko, kitang kita ko na antok na antok na siya at mukhang pagod na pagod.



Pero napangiti siya nung nakita niya ako.



"Itanong mo sa akin, kung sino aking mahal" bigla siyang napakanta.




Humiga naman ako sa kama para mas maramdaman ko yung moment nameng dalawa.



"Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal" pagpapatuloy niya pa.



"Sino ba?"



"Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag ibig mo'y aking kailangan. Pag ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman."



"Nako, ang sweet naman ng boyfriend ko"



"E syempre, para sa pinaka mamahal ko. Hehe, pagod na pagod na ako babe. Pasayahin mo nga ako ngayon" sabi niya.



Napansin kong humiga uli siya sa kama at parang antok na antok na talaga.



Siguro hindi pa to ang tamang oras para sabihin sa kanya yung pinag usapan namen ng papa niya. Ayoko pa siyang ma stress at sasabihin ko na lang sa kanya bukas, kapag okay na siya.



"Ano bang gusto mo?" tanong ko.



"Ikaw."



"Ehhh, I mean anong gusto mong gawin ko para sumaya ka?"



"Puntahan mo ko rito."



"Nag file na ako ng leave."



"Hehe, ipapaayos ko na yan. Hmmm, sabihin mo na lang na love mo ko"



"Hehe, kiss mo muna ako?"



"Hindi, ako muna kiss mo"



"Nako, nagpapa baby na naman siya."



"Hehe, uhm babe. Nga pala, gusto ko ng sabihin natin kina papa at mama yung tungkol saten. Siguro pagbalik ko diyan, ayos lang ba sa'yo?"



Ngumiti ako na pilit. Mukhang napansin niya yon.



"May problema ba?"



"Ah wala...."


"Ayaw mo ba?"



"Hindi hindi.... Gusto ko, promise."



"Eh bakit parang ayaw mo?"



Huminga ako ng malalim. At saka ko sinabi yung nangyari. Habang nagkekwento ako, parang nagising siya. Wrong move, alam kong pagod siya tapos sinabihan ko pa siya ng ganito.



"Talagang sinabi niya yon?!!"


"Uy easy ka lang."



"Lahat ginawa ko para sa kanya tapos ganon!!"


"Babe...."


"Please, huwag mo siyang pakinggan. Please, Ethan?"



"Oo naman syempre. Please, stay calm!"



"Ethan...." umiiyak na siya. Sht.



"Uy, huwag ka ng umiyak! Please, I'm okay. We're both okay. I promise you that."



Hindi siya nagsasalita pero umiiyak siya.


"Please stop crying. Ipaglalaban naman kita. Don't worry, hindi ako bibitaw sa'yo kahit na anong mangyari" sabi ko.



Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.


"Ako dapat nagsasabi sa'yo niyan eh" sabi ko.



"Hay nako. I love you so much, huwag kang mag alala."



"Hindi ka lalayo ah?"



"Pangako. Hindi."



"Okay, I'm good...." pinilit niya na hindi maiyak at huminga ng malalim.



"Ayoko sanang sabihin sa'yo kasi pagod na pagod ka na"



"No, that's okay. Kailangan ko ng makabalik ng Pilipinas."



"Please, do that. I miss you so much."



"I will do everything, I promise."



"Thank you."



Pagod na pagod na siya at siguradong nastress pa siya sa sinabi ko.



"Sleep ka na. Please, I'm okay huwag mo kong alalahanin."



"I will. Kapag may something na nangyari, sabihin mo kaagad saken ah?"



"Opo"


"Okay. You still love me despite that incident?"



"Oo naman. I think it's time for me to fight for you. Palagi kasing ikaw nag eeffort eh. Ako naman ngayon"



"Hehe, that's my babe. I love you so much!"



"I love you too. Leave your cam, I wanna watch you sleep"


"Okay okay. Ingat pag pasok"



+++


Pagdiretso ko sa office, bukas na naman yung opisona ko. At pagbukas ko, nandoon uli yung papa ni Sir Jack, this time, kasama naman yung ate niya na nameet ko na.



Nagrereunion yung pamilya ni Sir Jack sa opisina ko.




"Oh, nandito na siya" sabi ng papa ni Sir Jack. Napatingin sila saken na parang kakainin nila ako ng buhay.



"You're right dad. Disgusting" biglang sabi ng ate niya.



Hala, akala ko okay kaming dalawa pero kakampi niya yung papa niya.



"See? Well, ikaw ng bahala sa kanya. I gotta leave." biglang sabi ng papa niya.



Naiwan kaming dalawa ng ate niya sa loob at bumalik na naman yung takot ko sa kanya. Hindi pala kami okay na dalawa.



"Ate?" sabi ko.



"Don't you call me Ate, hindi tayo close!" halos sigaw niya saken. Natakot talaga ako at napaurong bigla.



"Ate...."


Palapit siya sa pwesto ko, hindi ko alam kung anong gagawin niya saken pero bigla siyang sumilip sa pinto at bigla niyang ni lock.



"Sorry, baka kasi marinig kasi tayo ni papa"bigla niyang sabi.



"Po?"



"Jack called me awhile ago and told me what happened. Hay nako, nakaka stress talaga yang tatay ko!"



"Ibig sabihin hindi ka po galit saken?"



"Duh, I told you I love you diba? I will help you no! I know you have a meeting in Cebu in 3 days. Am I right?"



"Opo."


"Well ang byahe papuntang New York is 12 hours. Pwede na kayo magsama ni Zach ng isang araw para makapag usap"




Natutuwa ako sa ate niya. Bigla niya akong niyakap.



"Are you okay? Oh gosh. Naiistress ako kay dad."



"Okay na po dahil hindi ka po pala kaaway"



"Ofcourse not. Oh!" bigla niyang inabot saken yung envelope.


"Ano po to?"



"Plane ticket to New York, bukas na yan. Mag usap kayo ni Zach, kailangan niyo yon!"



Nabibigla ako sa bilis ng mga pangyayari.



"Pupunta ako nf New York bukas?"



"Ready na lahat. Wala ka ng poproblemahin. Ang problem lang pala eh kung saan natin makukuha yung passport at visa ni Zach!"



"Hindi ko naman siya makakasama pag uwi ko."



"Shhhh... I think I know kung nasaan niya itatago yon. I can help you get that."



"Seryoso po?"



"Ofcourse, team Jack Ethan ako!"



Nayakap ko siya bigla ng mahigpit.



"Okay, so pag naconfirm ko kung nasaan yung passport at visa ni Zach, kukunin mo yon. Then mag ayos ka ng gamit mo kasi pupunta ka ng New York bukas. Okay ba?" sabi niya.,



"Okay po!"



+++++

VOTE AND COMMENTS!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top