Part 54

Shoutout sa mga little monsters diyan!! Haha alam niyo na kung gaano ko kamahal si Lady Gaga? Okay lang na single basta nandiyan si #JOANNE 😊😊

Pakinggan niyo sa YOUTUBE, SPOTIFY, TAPOS VOTE NIYO SA MYX PARA MAG NUMBER 1 YUNG "PERFECT ILLUSION" super ganda. Para sa mga iniwan yan! Pakinggan niyo na dali haha.

++++++

Ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Kanina lang ang gaan gaan ng loob ko matapos ng usapan namen ni Sir Benj pero parang sumobra ata ako.



Pero okay na rin siguro na ganon. Hahayaan ko na lang, siguradong lilipas yung usapan namen. At saka sa meeting lang naman kami nagkikita palagi kaya hindi ko na siya kailangan pang kausapin.



Pag uwi ko naman sa bahay, nakita ko si Tom na nagiinom mag isa sa sala. Tinignan ko yung oras, alas otso pa lang.

"Uy, bakit parang ikaw lang tao?" sabi ko.



"Nasa taas na sila eh hehe." sagot niya.



"Aba, mukhang problemado ka at nag iinom ka magisa ah?"



"Hindi.... Makikitulog sana ako dito kung ayos lang?" tanong niya.



"Aba oo naman!"



"Hehe salamat, tara, shot tayo" yaya niya.



Medyo awkward pa saken pero mukhang kailangan niya ng kausap kaya dinamayan ko na siya.



"Aakyat na rin ako maya maya ahhh?" sabi ko


"Sure, 12 hours yung pagitan ng oras dito sa New York diba?"


"Huh?"



"Hehe, yung boyfriend mo. Diba nasa New York?"



"Hay nako bwisit man! Chismoso ka talaga haha!"



"Namiss ko yang pagtawag mo saken ng bwisit man ah! Haha"



"Napakachimoso mo paano mo nalaman!"



"Pulis ako diba? Mahilig akong mang imbestiga haha. At saka okay lang naman yon, may mga kakilala naman ako na ganyan kaya huwag kang mahiya."


"Hindi kaya ako nahihiya!"



"Halata naman eh. Proud na proud ka pa haha"



"Hello, nakita mo naman na siya diba? Hindi ka ba mayuyummyhan doon?"




"Tahong type ko, tol. Ayoko ng sausage haha"



"Excuse me, jumbo hotdog yon, hindi lang basta sausage."



Natawa siya ng malakas at kahit ako hindi ko alam kung bakit ayon yung sinabi ko. Medyo nahiya ako kaya napainom na lang ako.


"Mukhang may problema ka ah? Baka gusto mo naman ishare?" bigla ko na lang binago yung topic.



"Ahhh... Hindi, wala. Nagpapaantok lang talaga ako"



"Sus, ikaw pa. Ang lakas mong mang asar, hindi naman ganyan kababa energy mo nung nagkakausap tayo noon eh!"



"Haha, hindi... Syempre, nag aadjust pa rin ako."



"Sabagay. Ang hirap pa rin paniwalaan eh. Hindi naman tayo magkamukha." sabi ko.



"Loko, nagmana ako sa nanay ko eh haha. Nako, ayoko munang pag usapan yung mga yon. Eh wala rin naman kasi akong ikekwento. At saka medyo nakakailang."



May point siya. Ayoko rin pag usapan yung tungkol doon.



"Pero ano bang problema mo? Pwede mo naman kasi ishare saken eh." sabi ko.



"Medyo.... Nakakahiya kasi."



"Ano nga?"



"Hindi. Huwag na."



"Hala, ang arte. Pulis ka ba talaga? Ano nga kasi!" pangungulit ko.




"Ikaw."



"Ako?"




"Oo. Ikaw."



"Anong meron saken?"



"Ang ibig kong sabihin. Kayo. Kayo na lang kasi yung totoo kong pamilya, andiyan nga si Benjie kaso pa minsan minsan lang. Sa tuwing kasama ko si Butchok, palagi akong natutuwa kasi Kuya yung trato niya saken. Sa tuwing sinusundo ko siya, ayon, nakakatuwa..... Ewan ko, parang gusto ko....."




"Gusto mong?...."



"Parang gusto ko kasi kayong kasama. Gusto ko kayo maka close. Wala naman na akong ibang mapupuntahan eh. Pero nahihiya lang ako."




Naka uniform pa siya ng pang Pulis tapos nagdadrama siya ng ganito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero deep inside natutuwa ako. Gusto ko rin naman makilala si Tom, kasi kahit papano Kuya ko siya.



"Edi dito ka na lang tumira." sabi ko.



Natuwa siya. Pero nalungkot uli.



"Nahihiya nga ako."



"Haha, ang arte mo! Dito ka na nga lang. Para may pulis naman kami rito di'ba? Haha"



"Hindi ko alam...."



"Ano ka ba, gusto rin kita makilala. Nahihiya lang din ako. Nagkakahiyaan lang tayo. Edi kung ganon, walang mangyayari saten niyan. Kaya dito ka na lang tumira."



Hindi siya sumagot at alam kong deep inside, gusto niya.



Bago pa ako makapagsalita uli, napansin kong tumatawag si Sir Jack saken via video call.



Tumayo muna ako saglit at pumunta sa may kainan.


"Good Morning" bati ko sa kanya. Halatang bagong gising siya dahil sa itsura niya. Gulo gulong buhok, yung matang singkit dahil sa kakagising lang pero kahit ganon e sobrang gwapo pa rin.



"Good Evening diyan. Oh bakit parang namumula ka? Umiinom ka ba?"




"Magsasabi pa lang sana ako eh. Hehe, opo. Nagiinom po"




"Hehe, okay lang. Si Jaycee kasama mo?"



"Hindi po. Si Tom."



"Tom? .... Yung step brother mo?"

"Opo. At saka sinabi ko pala sa kanya na dito na lang siya tumira. Okay lang ba?"



"Nge eh bakit nagpapaalam ka pa saken? Okay lang naman eh, dapat nga matagal niyo ng pinatuloy yan sainyo para nakilala niyo pa"




"Buti naman pumayag ka hehe."



"Bakit naman ako hindi papayag? Eh dapat kinoclose ko na rin yan. Kasi sa future magiging bayaw ko yan diba?" sabi niya.




Hindi ko alam kung naririnig ni Tom yung pinag uusapan namen, naka loudspeaker kasi siya.



Syempre ako, ngumiti at kinilig ng todo.



"Nga pala babe. Uhm, napaka OA ng schedule ko ngayon halos walang time kahit kumain. Kapag hindi ako nakatext ibig sabihin busy ako ah. Babawi ako pag uwi ko ha?" sabi niya.



"Okay lang. Naiintindihan ko."



"Pero for now, I have 20 minutes to talk to my super pogi na future mapapangasawa ko." ngumiti siya. Yung ngiti na sobrang nakakakilig.




"Wait lang, aakyat lang po ako." nagpaalam muna ako kay Tom at umoo naman siya. Pero gusto kong mafeel ni Tom na welcome talaga siya rito kaya pinakilala ko sa kanya si Sir Jack.




"Oh... Babe, si Tom, ang Kuya kong pulis. Oh, si Jack.... Boyfriend ko." pakilala ko.



"Oy bayaw!" sabi ni Sir Jack.



"Haha, bayaw!" sagot naman niya.



"Pahiram muna sa mahal ko ah? Hehe may pasok na kasi ako maya maya eh" sabi ni Sir Jack.



"Sure bayaw!"

Natatawa lang ako sa kanila at umakyat na nga ako sa kwarto para kay Sir Jack.


+++++



Alam kong ngayon na kami pupuntang Pampanga para sa meeting. Kaya umaga palang, nasa office na ako para gumawa ng reports.



Habang gumagawa naman ako, napansin kong may nagtext na saken. Baka nakauwi na si Sir Jack. Nung tinignan ko, si Sir Benj yung nagtext pero hindi siya nangungulit ngayon, business talk lang.




"Sana ready ka na sa report mo later." sabi niya.



"Yes, sir." reply ko na lang.



"Good. See you later."



Hindi na ako nagreply. Baka ano pang isipin niya.



Pagkatapos ko naman, bumaba na ako kaagad at nagpahatid kay Adrian. Kailangan ko pa kasing aralin para siguradong hindi ako papalya mamaya.



"Balita ko doon na titira sainyo si Tom ah?"biglang sabi ni Adrian habang nasa gitna ng byahe.




"Ahhh oo..."



"Iiwan na niya ako, wala na akong kasama!" medyo madrama niyang sabi pero hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa report.



"Nako, ang seryoso ng boss ko. Ayaw mamansin"bigla niyang sabi.




"Tumahimik ka diyan."



"Ay grabe talaga"



Hindi ko na lang pinansin. Manang mana sa kakambal, napakalakas mangbwisit.



Nakaidlip pala ako sa byahe namen at ginising lang ako ni Adrian dahil nandoon na raw kami. Nag asikaso naman ako para umakyat at medyo maaga pa nga ako kasi tatlo pa lang tao doon, kasama si Sir Benj.




Lumapit siya saken. Casual lang. Parang walang nangyari.



"Okay na ba lahat?" tanong niya.



Pansin ko naman yung namamaga niyang mata. Ayokong maapektuhan pero iba talaga yung aura niya.



"Opo, Sir."



"Set up na natin para dire diretso na tayo mamaya" sabi niya



"Ako na po" sabi ko. Pumayag naman siya at ako na yung nag set up mag isa.



Tinignan ko yung oras, 8 na. Pero hindi pa rin nadadagdagan yung tao.



Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo muna ako at tumingin sa may pantry kaso wala naman pagkain.




Pagbalik ko, may styro na ng pagkain sa may pwesto ko at tubig.



"Gutom ka ata? Ayan. Korean food." biglang sabi ni Sir Benj.



"Okay lang. Busog pa ako" pagsisinungaling ko. Pero kumukulo na talaga yung tyan ko.




"Talaga? Sige na. Huwag ka ng mahiya. Alam kong gutom ka. I know that face, ganyan ka kapag gutom."




"Thank you sir. Tubig na lang siguro" sabi ko naman.




"Okay. Uhm, sige lalabas na muna ako." paalam niya.



Nung lumabas siya ng kwarto, parang kinakausap ako ng korean food na naka styro sa harapan ko.




"Kainin mo na ako!" parang sinasabi saken ng pagkain.



"Ayoko!" sagot ko sa isip ko, hindi ko sure kung sa isip ko sinagot o talagang nagsalita ako.



"Gutom ka na. Pagkain lang ako. Ayon purpose ko. Kainin mo na ako."



"Tumahimik ka!"



"Masarap ako. Sobrang sarap. Diba eto paborito mo. Korean food na spicy. Yummy... Eat me, Ethan. Eat me. Eat me. Eat me."



Napepressure ako, ang dami ng tumatakbo sa isip ko sa gutom.



"Eto na!!" napasigaw ako.



Tumingin tuloy saken yung dalawang tao sa kwarto.




"Eto na....... Eto na....... Waaaa.... Dobidoo dobiii dooo bidoo bidoo hehehe sorry po kumakanta lang po. Dobidoo po by Kamikazee hehe" sabi ko sa dalawa.



Hindi naman nila ako pinansin at nagtuloy sa kwentuhan. Binuksan ko yung pagkain at shet, sobrang sarap sa paningin.




Tinignan ko muna baka papasok si Sir Benj, mukhang hindi naman kaya nagsimula na akong kumain. Shet, para akong patay gutom. Gutom na gutom pala ako, hindi ako aware. Ang sarap ng kinakain ko, sobra.




"Oh, tubig. Baka mabulunan ka diyan" biglang sabi ni Sir Benj sa gilid ko. Hindi ko namalayan na pumasok na pala siya.




Hiyang hiya ako nung inabutan niya ako ng tubig.




"Tinitikman ko lang kung masarap" sabi ko



"Ahhh.... Okay, sabi mo eh. Masarap naman ba?" tanong niya. Mukhang nang aasar siya sa tingin niya.




"Sakto lang. Pwede na" sabi ko.



"Ohh... I see. Okay sige, lalabas na ako uli. May tatawagan lang ako hehe"




Paglabas naman niya, inubos ko na ng mabilis yung pagkain. Simot na simot, tinapon ko na sa basurahan yon at bumalik sa pwesto ko. Pumasok na uli si Sir Benj at tumabi 2 seats apart from me.




"Busog?" sabi niya.



Nag thumbs up lang ako.



"Naubos mo ba?" tanong niya uli.




"Hindi po. Natapon po eh. Sayang nga" sabi ko na lang.



"Ahh... Natapon.... Okay." ngumiti siya na sobrang lakas mang asar.





Hindi ko na lang siya pinansin at maya maya, nagsisidatingan na yung mga tao. 9 pala yung meeting. Sobrang aga ko lang talaga kumilos.




Huminga na ako at tumayo nung nakarating na lahat ng inaasahan. Pumunta ako sa harap at nagsimula na yung presentation ko.




+++++


Naitawid kong mabuti yung report ko at natuwa naman silang lahat. Kailangan ko talaga mag bida bida dito, sayang kasi opportunity.




Pagkaupo ko, katabi ko na pala si Sir Benj.




"Nice. Ready na ready ah?" sabi niya.



Umoo lang ako.



"Uhm. Kanina pa pala may tumatawag sayo" bigla niya pang sabi. Nung tignan ko, si Sir Jack yon! Kaya kinuha ko yung phone ko at lumabas.




"Hello, sorry. Nasa meeting ako. Nasa bahay ka na?" sagot ko.



"Yeah. Ngayon lang. I'm tired babe. Wish you were here"





"Hala huwag ngayon. Mamaya magdrama din ako nasa meeting pa naman ako."



"I'm sorry babe. Miss na miss lang talaga kita. You know, pwede kang pumunta rito. Dalaw ka, sama mo sila mama at Butchok."




"Hala, mahal at saka ang dami ko pang gagawin hays. 1 week lang naman extension mo diyan diba?"



"Yes. Tapos ko na yung kalahati ng gagawin ko para bukas. Talagang minamadali ko para makauwi na ako!"




"Hehe good."



"But really punta ka rito. I want a date with you right here. Kahit summer eh ang romantic ng place. Ikaw lang naaalala ko kapag nakakakita ako ng couples dito."



"Mamaya tumitingin ka na sa iba diyan ah?"



"Sus. Bakit ako titingin sa iba eh nahanap ko na yung one and only ko?"



"We????promise?"



"You are my only one." bigla niyang kanta.



"Sus...."



"Haha. I love you so much,"



"I love you too."



"Uhm, I love you so much pala uli. Hindi ko kasi nasabi kaninang umaga eh. Tapos I love you so much uli kasi hindi ko nasabi nung tanghali. Tapos I love you so much uli cause I love you every single second of my life"




Ang cheesy talaga ni Sir Jack pero sobrang nakakakilig.



"May banat pala ako before you go back to your meeting" sabi niya.



"Sige, ano?"



"Melon ka ba?" sabi niya.



"Hindi. Bakit?"



"Cause you're one in a melon"



"Ahhh ganon?!"



"Hindi ka ba natuwa?"



"One in a million? Ibig sabihin may 7000 pa na katulad ko?"


"Ohhh... Hindi po.... Eto na lang. Kapag magkasama na tayong dalawa, magsasawa ka sa kama!"



"Hmp. Siguraduhin mong maganda yan ah! Bakit?"


"Magsasawa ka sa KAMAmahal ko sa'yo"




Napangiti ako ng slight pero slight lang.



"One in a million pa rin naaalala ko" sabi ko.



"O sige, last na. Knock knock"



"Who's there?"



"Kita"



"Kita.... Who?"



"Mahal na Mahal Kita."



Natahimik ako at ayaw kong iparinig sa kanya yung kilig ko nung mga oras na yon.


"Babe, andiyan ka pa?" sabi niya.



"Ahhh... Opo. Andito pa"



"Hehe, okay na ba?"



"Okay na nga sige na." pabebe ko pang sabi.,



"Yes! Sige na, balik ka na. Galingan mo ah? Nakahiga na ako then matutulog na. Sobrang pagod eh."




"Sure, Goodnight"



"Goodluck diyan. I love you" binaba na namen yung tawag at bumalik na ako sa loob.



+



Pagkatapos ng meeting, hinarangan uli ako ni Sir Benj. Hindi naman ako umiwas, hinayaan ko siya sa sasabihin niya.



"I'm sorry sa kahapon. Hindi ko inaasahan yung ganung usapan natin" panimula niya.



"Ahh hayaan mo na lang hehe"



"Oh hindi.... Uhm, to be honest gusto ko humingi ng sorry...."


"You don't have to..."



"Pero kailangan. Look, hindi kita guguluhin. I just wanna say I'm sorry."



Simple yet effective. Damang dama mo yung sincerity sa pagsabi niya non.



Ngumiti lang ako.



"I know that it's weird. But can we be friends? For all time sake" sabi niya.



Hindi ako sumagot pero sa isip ko, kailangan ko ng peace of mind. Dahil sa nangyari kahapon, nalabas ko lahat ng sama ng loob at sa tingin ko, wala na yung galit ko towards him.



"Sige, sure" inabot niya yung kamay niya at nakipakamay naman ako.

"Friends?" tanong niya uli.



"Friends."




+++++


VOTE AND COMMENTS!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top