Part 50
Good News!!!! Nanalo ako sa WATTYS2016 sponsored awards!!!!!
Bad News: Binawi rin nila after 6 hours. 😭😭😭😭😭
Pati sa wattpad, paasa. I'm not really sure kung bakit nila binawi. Nagmessage ako pero wala pa ring explanation. Hays. Well, sorry kung hindi tayo nanalo guys haha. Bawi na lang sa susunod 😊😊
Mas pagbubutihin ko pa, haha!
+++++++
I tried to compose myself. Alam kong nakatingin pa rin siya saken ng mga oras na yon pero hindi ako tumitingin sa pwesto niya.
Nung naupo na siya, sumakto pang magkaharap kaming dalawa kaya naiintimidate ako.
Tinignan ko siya sandali, nakatingin pa rin siya saken pero tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin uli ako sa laptop ko.
Mahilig kasi akong mag type ng mga sinasabi ng nagrereport, ganon ako kahit nung sa college.
After non, hindi ko na uli tinignan si Sir Benj.
+
Almost 2PM na ng natapos yung meeting at tumayo kaagad ako dala dala yung gamit ko at nagmadaling lumabas. Kinakalma ko sarili ko pero parang nanginginig ako. At sa nakakabwisit pang pangyayari, nahulog ko yung dala dala kong papel. Buti hindi nadamay yung laptop ko.
May tumulong naman sa pagpulot ng mga papel ko.
Si Sir Benj.
"Stop, I can do it on my own" sabi ko sa kanya.
"I'm just trying to help"
"I don't need you."
Pero nagpumilit pa rin siya sa pagtulong ko kaya hinablot ko na sa kanya lahat ng gamit ko. Tumayo kaming dalawa, pero ako naglakad na palayo. Hinawakan naman niya yung braso ko para pigilan ako.
"Ethan..."
"Sir?" tumingin ako sa kanya, yung tingin na "tanginaa ka bakit ka pa bumalik sa buhay ko" na tingin.
"How are you?"
"I'm doing good, Sir. Happy. Very happy." sabi ko.
"That's good to know.... Are you busy tonight?"
"Yes."
"Gusto ko lang mag catch up."
"Wala tayong icacatch up Sir,"
"Galit ka pa....."
"Be professional, Sir. Nasa office pa rin tayo. And if you're asking about the thing you're thinking just now, don't worry about that. I already deleted everything about you okay?"
Hindi naman siya nakasagot. Nakatingin lang siya saken na parang nalulungkot. Hindi ko maexplain pero may lungkot sa mata niya habang nakatitig siya saken.
"Well.... Ingat ka pauwi." ayun na lang sinabi niya.
"Okay." tumalikod na uli ako at naglakad. Narinig ko pang tinawag niya pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.
Galit pa rin ako sa kanya, naiinis ako. Ayoko siyang makita. Ano pa ba dahilan bakit siya bumalik. Akala ko doon na siya forever!
Tinawagan ko kaagad si Adrian at sinabi kong pababa na ako. Sakto nasa tapat na yung sasakyan at sumakay na ako kaagad.
"Go, bilisan mo!" sabi ko.
"Grabe naman makapag utos."
"Bilis! Wala ako sa mood!!" hindi na lang nagsalita si Adrian at hinatid na niya ako pauwi.
++++
Kanina pa ako nakahiga sa kama ko. Nakatitig lang sa kisame. Parang ayoko ng pumasok. Pero naisip ko, hindi naman siya nag tatrabaho sa office kaya okay lang. Pero nung nagkita kami, parang malungkot talaga siya.
Alasais na, simula ng umuwi ako kanina, ganito lang ginawa ko.
Buti na lang tumawag na si Sir Jack saken.
"Nakakainis!" bigla niya kaagad sabi.
"Huh? Bakit?"
"Pinipilit pa rin ako ni papa rito. Nagkita kami kanina eh."
"Hala. Please. Huwag. Bumalik ka na rito please?"
"Uyy.... Sa tono ng boses mo parang may nangyari. Anong nangyari?" tanong niya.
Shet naman.
Hindi tuloy ako nakasagot.
Nagulat naman ako ng babaan ako ng tawag ni Sir Jack. Hindi ko alam kung nagalit ba, pero bigla uli siyang tumawag at ngayon naman via video call.
"Anong nangyari? Bakit ganyan tono ng boses mo?" napansin kong nasa sasakyan siya ngayon.
"Nagdadrive ka ba?"
"Hindi. Gumilid muna ako. Ano nga?"
Nag aalala siya. Kita ko sa itsura niya.
"Hindi, wala po. Nagkita lang kami ni Sir Benj kanina. Nasa meeting din siya." sabi ko.
"Oh..."
"Pero huwag kang mag alala, wala ka naman dapat ikabahala. Ayoko lang talaga siyang makita!"
"Hehe. Okay po."
"Oh, bakit ikaw naman ata yung nagbago ng mood diyan?"
"Wala. Ang lapit lapit niyo kasing dalawa tapos ako eto, napakalayo. Andiyan ka nga sa harap ko ngayon pero ang layo layo mo naman"
"Huwag ka ng sad. Uuwi ka naman di'ba? Pagbalik mo, babawi tayo sa isa't isa,"
"Nalulungkot lang talaga ako kasi iniistress ako ni papa. Ang dami niya pang pinapagawa saken. Tapos ngayon, nagkita pa kayo ni Benjamin...."
"Hindi naman kami nagkita, nagkataon lang. At saka, wala kang dapat ikalungkot. Ikaw naman love ko eh."
Bigla siyang ngumiti. Kahit ako napangiti sa smile niya. Iba yung dating kapag mapapangiti ka dahil sa ngiti ng ibang tao at palaging ganon yung nangyayari kay Sir Jack kapag nakikita ko siya.
"Pagod na Pagod lang ako ngayon, pero buti na lang sinabi mo yan. Para ginanahan ulit ako."
"Nagtatampo nga ako sayo eh." bigla kong sabi.
"Hala, bakit naman?"
"Sabi ko love kita tapos hindi mo sinabi na love mo ko."
"Haha, grabe naman po siya. Love na love kasi kita, hindi lang basta love."
"Promise?"
"Yeap yeap. Hubad ka na diyan dali, tuloy natin yung naudlot natin kagabi!"
Nakasuot kasi siya ng longsleeve ngayon at dahil sa laki ng katawan niya, mapapansin mo yung muscles niya. Batak talaga.
"Nasa sasakyan ka! Ano ba!"
"Naka hinto naman ako eh. Dali na. Excited na ako hindi na ako makapag hintay!" naghuhubad na nga siya ng long sleeve niya. Naka TShirt na lang siya na white.
Inayos ko naman yung phone ko at hinubad yung suot kong damit.
Napakagat labi siya na parang sabik na sabik. Napapansin kong hinuhubad na rin niya yung pantalon niya.
"Excited na ako!" sabi niya pa.
Pero nagbago yung expression niya at sumenyas siya na wait lang daw.
"Hala, may pulis haha. Wait lang ha?" bigla niyang sabi. Iniswitch niya sa call yung tawag namen at naririnig ko yung usapan nila.
"Sorry Sir, emergency. I had to take this call." boses ni Sir Jack.
"I appreciate that Sir. I just thought that there's a problem"
"No, officer, everything's okay here."
"Okay. Take care."
"Have a nice day, officer"
Iniswitch niya uli yung tawag sa video call. Nakadamit na uli ako at natatawa.
"Sa bahay na lang, babe" sabi niya.
Babe yung tawag niya saken before pa. At ngayon niya na lang uli akong tinawag ng ganito.
"Kasi ikaw ehh... Ang naughty."
"I'm always naughty when I see you."
"Baka bigla kang matakam sa mga foreigner diyan ah!"
"Susme, wala silang dating saken. Ikaw lang at katawan mo hinahanap ko." sabi niya pa sabay kindat.
Napansin kong nagdadrive na siya uli.
"Mamaya ka na tumawag kapag nasa bahay ka na." sabi ko.
"Okay, I love you. Mwaaaaaa."
"I love you too.... Mwaaaa"
Nag smile lang siya at alam kong wala siyang balak ibaba yung tawag kaya ako na nagbaba.
+++
"Hays. Very wrong bes, ang bilis ng pangyayari. Ano ng plano mo niyan?!" sabi ni Jaycee saken. Kinwento ko kasi sa kanya lahat thru phone.
"Well, hindi ko alam. Ewan. Sana lang hindi na kami magkita!"
"Dapat lang, anong sabi ng boyfriend mo?"
"Nalungkot syempre, pero naging okay din naman kami. Ikaw!! BFF si Stephen at si Sir Bwisit, wala ka man lang bang ishashare saken?!"
"Jusko, hindi kami nag uusap nung lalaking yon. Pero palagi siyang umaalis eh. Baka nagkikita sila. One time nakita kong nagtext si Sir Bwisit sa kanya, hindi ko lang binasa"
"Ano ba, basahin mo naman! Tapos sabihan mo ko"
"Ayoko nga. Hindi ko siya kakausapin!"
"Talaga?edi hindi na kayo nagseseex niyan?"
"Duh, tuloy pa rin ang seex, wala nga lang usap. Ganon lang. Pagtapos eh parang walang nangyari."
Kakaiba talaga tong lalaking to.
"Please, help me na lang bes? Baka kasi may pinaplano siya ehhh... Nararamdaman ko kasi eh" sabi ko na lang.
"Hays, sige, kakausapin ko na lang siya. Okay na?" sabi niya.
"Okay bes!!"
Pagkatapos namen mag usap ni Jaycee eh natulog na ako.
Kinabukasan, pag pasok ko sa office ko eh may nakita akong pagkain na nakalagay sa styro.
Korean food at may note.
"Remember this? Sana makapag usap tayo. I miss you. -Benj."
Sa sobrang inis ko lumabas ako ng office.
"Sinong may sabi na pumasok kayo sa opisina ko?!" sigaw ko. Nagmadali naman lumapit yung secretary.
"Sorry, Sir. May nagpadala lang po ng pagkain. Ang sabi eh friend niyo raw po"
"Last mo ng gagawin to ha! Ayoko ng kumukuha kayo ng kahit anong regalo galing sa kanya!"
"Okay po sir, sorry po"
Pumasok na uli ako sa office, itatapon ko na sana yung pagkain kaso sayang kaya lumabas uli ako at binigay ko sa secretary.
"Sorry nasigawan kita, uhm. Sayo na lang yan. Kung ayaw mo itapon mo na lang." ngumiti lang ako at bumalik sa office.
Maya maya, may kumatok naman at pumasok sa office ko si Laura.
"Mainit ang ulo ah? Nakita mo siguro yung multo ng nakaraan mo? Haha" sabi niya.
"Alam mo?"
"Chismis ng office kahapon. May picture kasi si Sir Benj kung saan nandoon ka kahapon kaya syempre, alam mo naman, ng bilis ng chismis."
"Hay nakoo... Nakakaasar."
"Don't. The fact na naaasar ka eh baka deep inside, may tinatago ka pang feelings. Kaya don't. Stay casual and composed."
"I know. Pero, naiinis tlaga ako kapag nakikita ko siya"
"Well, kahit naman siguro ako ganyan. Good thing may closure kami ni Jack noon kaya hindi ganyan pakiramdam ko sa kanya ngayon haha"
"Haha, eh kumusta na ba kayo ng bago mo?"
"Happy naman.... Well, papakilala ko na siya sayo soon hehe. Dapat kapag hindi ka bad mood!"
"Haha, ngayon lang ako bad mood"
"Well, okay. Babalik na ako, chineck ko lang kung okay ka talaga hehe."
"Thanks, Lau!" sabi ko.
"Sure thing, boss." ngumiti lang siya saka siya umalis.
++++
Panibagong meeting na naman, sa Makati pa rin. Nakakainis, alas dos na ng hapon. Bakit kasi late na masyado.
"Sir, huwag niyo na akong bigyan ng pera. Nagbaon na ako ng pagkain!" sabi ni Adrian
"Wala akong balak bigyan ka."
"Grabe ka naman."
"Again, huwag kang lalabas ng sasakyan. Ayokong may makakakita sayo okay?"
"Copy, sir."
"Good." so umakyat na ako uli at this time, nandoon na sa kwarto si Sir Benj. Mukhang ako na lang yung hinihintay nila.
"Sorry Sir, I'm not usually like this." sabi ko
"It's okay, proceed now." sabi nung matanda.
12 kami sa loob ng kwarto. Anim sa hilera namen, 5 sa harap ko tapos si Sir Benk yung magsasalita. Sa dulo ako kaya pwede akong magtago sa katabi ko para hindi ko makita si Sir Benj.
"As you know, we are all here para sa merging ng companies natin. Pabor na pabor ako doon, lalaki yung market, lalaki yung kita. Everybody happy diba?" nagtawanan naman silang lahat pero ako minimimic ko lang yung ginagawa niya.
Nahuli pa ako ng katabi ko na matanda na sa ginagawa ko. Ngumiti lang ako at nag peace.
"I assure you, after this, we're all be satisfied with the results" sabi niya pa.
Sige, kunwari nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya.
"I promise you all that." ending ng speech niya.
Hindi ko alam kung bakit napasigaw ako ng "sus!" na malakas. Nagtinginan tuloy lahat saken. As in, lahat sila nakatingin saken.
"Problem, Mr. Aguilar?" tanong ni Sir Benj.
"Uhm... No...."
"Well, if you have something to share with group, don't be shy"
"No, really. Proceed." sabi ko.
"You're not being professional." bigla niyang sabi.
Ay! Bakit parang nagsuplado siya saken.
"Wait" sabi ko bago siya mag simulang magsalita uli.
"So, ano na yon?" sabi ni Sir Benj.
"Gaano ka kasigurado na magiging masaya lahat ng company after ng meeting na to.... Sir?" tanong ko.
"Well, I've already planned all the necessary aggreement. It's a win win, you should see it."
"I'd rather not."
"Excuse me?"
"Well, you used the word 'promise', don't you think it's a bit.... Absurd? To think na you can break your promises?"
"No, I don't break promises."
"Really? Since when? Since 8 months ago?"
Ngumiti lang siya. At nahuli ko na naman ang lahat na nakatingin saken! Nakakainis, ano ba tong sinasabi ko.
"Well, sometimes Mr. Aguilar, you sacrifice something to break your promises for a bigger reason. And I appreciate what you've said. Thank you"
Hiyang hiya talaga ako nung mga oras na yon. Kaya naupo na uli ako.
Nung natapos na si Sir Benj, hindi siya umupo sa kabilang hilera. Doon siya mismo umupo sa tabi ko.
Umurong ako pero umuurong din siya. Hindi naman kami napapansin ng iba dahil nasa dulo kami.
Maya maya, may inabot siyang sticky note saken.
"Hi" sabi niya.
Hindi ko pinansin. Maya maya, nag bigay uli siya.
"Humuhugot ka kanina ah :)"
Hindi ko pinansin. Pero bakit ko ba kasi binabasa. Nagbigay na naman siya ng panibago.
"Pansinin mo naman ako. :("
Ang hirap iwasan ni Sir Benj! Dahil na rin sa boss siya at hindi ko pa siya masigawan.
Nag abot uli siya.
"Miss na kita."
Napatitig ako sa huling binigay niya pero kinuha ko yon, kasama ng mga ibang notes at nilukot.
Hindi siya natinag, nag bigay uli siya ng note.
"Kumusta na baby natin?"
"Kumusta si Butchok?"
"Kumusta mama mo?"
"Kumusta ka?"
Tuloy tuloy. Pero hindi ko talaga siya pinapansin. Mukhang napagod na siya sa pagsusulat kaya tumigil siya. Hanggang sa matapos, hindi siya nagbigay ng notes.
Paalis na ako non at inaasahan ko ng haharangan niya ako para kausapin.
"Let's talk. Now." sabi niya.
"Boss lang kita sa loob ng kwartong yan. Pero sa labas, wala ka ng papel sa buhay ko."
"Please?"
"No."
"I'll do anything."
"Anything? Hmmm... Let me see, can you disappear in my life?"
"Ethan, please."
"Hindi tayo close, huwag mo kong tawagin sa pangalan ko"
"Luluhod ako."
"Go."
Nag step back ako para pagmasdan kung gagawin nga niya. Naglalabasan pa yung mga tao sa loob ng room pero nagulat ako ng dahan dahan nga siyang lumuhod sa harap ko.
Ang formal ng damit niya at boss ko siya pero lumuhod siya sa harapan ko.
"Please, talk to me" pakiusap niya.
Naaawa ako sa kanya ngayon. Parang desperado siyang makausap ako. Pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi ako dapat mag paapekto. Inaalala ko yung araw na nakipahiwalay siya. Yung panahong ginamit niya lang ako para sa pansarili niyang interes.
"Nice try, but still a no" ngumiti lang ako at naglakad na palayo.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top