Part 5

VOTE AND COMMENTS GUYS! :)

Read my story: Greg's Diary! :)

++++

Lasing na lasing ako na umuwi sa bahay. Asusual, hindi naman nagtaka si mama pero yung kapatid kong si Butchok ang umalalay saken.

"Si Kuya lasing na naman!"

"Maka 'nanaman' ka naman diyan akala mo palagi akong umiinom!"

"Joke lang kuya, kailan mo ba ako ililibre?"

"Kapag sumahod na ako, wala pa diba, kakasimula ko pa lang magtrabaho"

12 years old na kasi tong si Butchok. Nathaniel true name niya pero ganun lang palayaw niya. At isa pa, mahal na mahal ko 'tong kapatid kong 'to.

"Sine kuya ha?!"

"Oo! Hehe!"

"Yay! Gagawan kita ng mainit na tsokolate bago ka matulog!" sabi niya pa.

Pwede ko namang utusan si manang kaso nag insist na rin siya.

Yung kotse ko, graduation gift saken ni mama. Actually, sakanya 'yon. Ayun na lang binigay niya saken, kaya naman maayos yung buhay namen at may pera kami dahil na rin sa business ni mama.

Si papa, hindi ko na inalam kung anong nangyari sakanya. Lumaki naman akong nakakasama ko si papa kaso nung nagkamuwang na ako, parang mali na magkahiwalay sila ni mama.

Hindi ko naman alam yung storya at wala na rin akong balak alamin, ewan ko ba, nasanay na ako at paano na lang kung hindi niya ako tanggap edi mas malaking problema.

Okay na ako sa set up ng buhay ko ngayon.

++

Walang pasok naman sa weekend kaya nanuod lang ako ng Big Bang Theory magdamag sa kwarto ko. May date naman si Jaycee at nagsabi ako kina mama na 'Wag kumatok sa kwarto dahil busy ako.

Ang sarap lang ng panunuod ko ng tumawag si Sir Benj saken.

Shet. Ano naman kayang kailangan neto.

"Hello, Sir."

"Are you busy?"

"Uhm, nanunuod lang po ng Big Bang Theory"

"Screw that, meet me here sa Starbucks sa BGC in an hour. We'll talk about my proposal to them"

Fvck, bakit damay naman ako?!

"Sir, off natin ngayon at saka tinatamad po ako eh"

"You'll get paid. OT Pay pa 'to kasi weekend at treat ko don't worry. Hindi rin tayo magtatagal dalawa"

Hindi ako sumagot, gusto ko ng ibaba yung tawag at manuod na lang kaso....

"Honeyyyy.... Samahan mo ko rito" naging mapang akit naman yung boses niya at alam kong nanttrip na naman 'to.

"Sir, hindi mo na kailangang mag ganyan!"

"Hehe, just kidding. So, see you?"

"Yes sir. Benj,"

"Uh uh, I'm your honey right?"

"Okay, bye." binaba ko na yung tawag.

Pucha, bawal kang kiligin Ethan. Hindi ka kinikilig, ang tawag diyan.... Kunwaring kilig. Tama! Kunwaring kilig lang.

Since fake boyfriend mo siya ibig sabihin, fake kilig lang 'yan. Tama tama.

Nag asikaso na kaagad ako at pumunta sa meeting place namen. Nakita ko siya sa loob nakaharap sa laptop niya at mukhang busy.

Nung makita ko siya, naalala ko yung hinalikan ko siya sa pisngi at siya pa nag utos. Pwede ko naman gawin ngayon kaso walang dahilan, wala naman yung pinag tataguan namen.

"Thanks!" sabi niya.

"Basta bayad 'tong araw na 'to, wala tayong problemang dalawa!"

"Haha don't worry."

"Ano ba ipapakita mo saken?"

"Well, as you can see, maliit lang yung department natin at sila Sir Miggy at Cielo, hmmm let's say na big time sila. Marami silang properties at shares sa iba't ibang company at kapag nakuha natin yung pirma nila na mag invest saten, malaking bagay 'yon para saken at lalo na saken."


"Hmm, okay. Pero paano naman ako? I mean, I'm part of the plan naman di'ba? Dapat may extra pay ako" sabi ko. Pero hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon!

"Hmmm I see. How about, kapag nakuha natin sila Mr. Herrera, bibigyan kita ng P100,000?"

What the fuck! 100,000?!

"Seryoso?"

"Yes. I mean, for helping me do my job."

"Wow, 'di ko ineexpect 'yun"

"Expect the unexpected nga diba? So is it a deal?"

"Ofcourse it's a deal!" sabi ko pa.

Naglabas naman siya ng papel at inabot saken.

"Ano 'to?"

"Contract! Na I will give you 100,000 kapag nagawa mo yung trabaho mo"

"Naka ready na kaagad?"

"Ofcourse, ganyan ako ka handa!"

Hindi ko na binasa at pinirmahan ko na kaagad.

"Well, let's start! Tell me about yourself" sabi niya.

"Po?"

"I mean, if we wanna be "in a relationship", atleast tell me something about you."

Shet, serious mode na naman siya at mukhang papakinggan niya talaga lahat ng sasabihin ko.

"Are you a virgin?" tanong niya.

"Seriously sir?"

"Yes"

Syempre in reality, hindi na pero parang ang awkward sabihin.

"Pwede bang sabihin ko na lang favorites ko bago tayo dumating sa sex topic?" tanong ko.

Ngumiti siya ng kaunti at umoo.

"Una, hindi ako umiinom ng kape kaya lugi ako dito sa starbucks." sabi ko.

"Why didn't you say so? Let's order desserts?"

"Yes! Gusto ko ng desserts"

"Good. How about movies?"

"Any movies, 'wag lang horror!"

"Ahh, weak!"

"Napapanaginipan ko kasi Benj!" wow, nakayanan kong tawagin siyang Benj lang! Mukhang wala lang din sakanya.


"Okay I understand, how about past relationship...s?"

"Ang daya, dapat ikaw muna!" sabi ko.

"I'm your boss, and I demand you to tell me first!"

"Well, I'm your fake boyfriend and without me, hindi matutuloy ang proposal mo sa friday!" sabi ko.

"Touchè"

Nice, nanalo ako sa labanan namen.

"First, I like coffee.... No, I love coffee. Coffee is life, I like desserts also, sino ba naman kasing hindi diba?"

"Tama na yung tungkol diyan, yung tungkol naman sa relationship mo hehe"

Natawa rin siya sa sinabi ko.

"Una, never pa akong nainlove sa same sex or never pa akong nagka partner ng same sex."

Straight na straight. Mukhang lugi talaga ako dito kasi mukhang ako lang ang maiinlove.


"I like sex." aniya.


Kahit wala akong kinakain eh bigla akong naubo.


"What? Don't act virgin, Ethan."


"I'm not acting one, nagulat lang ako."


"What? Do I look like a virgin saint to you? Well, hindi naman maitatanggi sa angelic face ko right?"


Fvck, mahangin. Mahangin alert pero fvck uli, bagay na bagay naman sa kanya!


"So, do you like sex?" tanong niya saken.


Sakto naman nun kumain ako ng cake at nung naubo ako, may kaunting tumalsik sa table.


"Ew" sabi niya.


"Sorry."


"Answer my question, do you like sex?" shet naman akala ko yung pag ubo ko ng cake eh titigil na siya sa tanong na 'to.


"Ofcourse sir, pero mas prefer ko sa taong mahal ko"



"Wow. That's.... Odd."


"Odd?"


"Well, don't get me wrong, marami kasi akong kilala na gay na, you know... Maraming booking."



"Hey!!!"


"Sorry... Akala ko ganon na hehe, you're the living proof."


Bakit ganon, ang inosente ng mukha niya ngayong kausap ko siya. At kahit ang bilis mag bago ng moods niya, hindi nawawala yung isang bagay sa mukha niya, ang kagwapuhan niya.



"Sir, I have a question"


"Shoot."


"Nung inaccept niyo yung FR ko, nakita kong in a relationship ka...."


"Don't worry, I'm single now."


"What?!"


"I broke up with her."


"Dahil sa akin?"


Fvck, bakit ganon naman yung pagkakasabi ko, feeling ko tuloy ang ganda ganda ko.



"Well, technically, yes. But I told, I needed this deal so bad!"


"To the point na makikipaghiwalay ka sa girlfriend mo?"


"Okay, Ethan. That's too personal"


Wow! Kung maka tanong sa sex life ko gora siya pero kapag sa lovelife niya, 'too personal' na?!


"Sorry sir" sabi ko.


"Well, let's do this some other time"



Mukhang nawalan sa mood si sir at tumutok na uli siya sa laptop niya.


Ang hirap naman sabayan ng mood netong taong 'to.


'Di ko tuloy alam kung aalis na ako or what.


"Do you need anything else?" sabi niya.


Fvck, seryoso siya?!


"No, sir" sabi ko sabay tayo.


"Oh, Ethan"


"Oh?" nawala bigla yung pag po sa kanya, sobrang nakakainis kasi.


"Umakyat ka sa office, mag time in ka para maprocess ko OT Pay mo ngayon"



"Okay"

"Thank you"


ARGH! Ano bang ugali meron ka, Benjamin?!


Sa sobrang inis ko, umakyat ako sa office ng kinakausap ko sarili ko. Sayang din naman yung OT Pay, pang gas ko rin 'yon.


"Akala mo naman gwapo. Ay oo, gwapo pala. Hot pa, ang sarap pa. Pero hindi 'yon ang point! Ang moody niya, pero anong magagawa ko? Boss ko siya!"

"Well, sana hindi ako ang tinutukoy mong boss" biglang may nagsalita sa likod ko at pag lingon ko nakita ko si....


"Sir Jack"


Pasakay ako 'non sa elevator at sakto pagbukas, walang tao. Wala rin kaming kasabay.


"I remember you!" bigla niyang sabi pagpasok namen sa elevator.


"Po?"


"Ikaw yung nasa department ni Benjamin, right?"



Naalala niya ako! Shet! Okay pa 'to si Sir Jack eh, dreamy boy din ang peg. Naiimagine ko tuloy yung na google namen ni Jaycee na picture niya na nakahubad siya.

Yung mala pandesal na abs tapos naka posing sa stage. Shet. Grabe sir Jack!

"Uhm, anong floor ka?" sabi niya bigla. Hindi ko napansin masyado kaming malapit sa isa't isa.


"Ahh.... Sorry. 12 sir"


Shet, siya pa yung pumindot! Nakakahiya.


"Alam ko, walang pasok yung department ni Benjamin ng saturday eh."


"Pinapasok niya po ako"


"Ikaw lang? Well, dapat ma count yan as OT pay!"


"Kaya nga po ako pupunta ng office para na rin 'don"


"Hehe good"

Shet, yung smile niya na parang mabubuntis ka na! Pucha ang gwapo! Ang ganda ng ngiti, ang laki ng smile at sobrang... Argh!!!!


"Well, this is my floor now, see you around..... Ano nga ulit name mo?"


"Ethan po"


"Ethanpo? Well, see you around Ethanpo"


"No no, just...." pero nakababa na siya at mukhang nagmamadali. Nakakainis naman, pero shet. Tinanong niya pangalan ko!


12th floor. Pagbaba ko ng elevator at papunta na ako ng office, bigla namang may sumigaw saken.


"Sir, naiwan niyo po sa elevator!" sabi nung janitor saken sabay abot ng bag.


"Ahh, hindi saken 'to kuya"


"Eh kayo lang naman po sakay nung elevator"


Hindi akin 'to, baka kay Sir Jack.


"Ahh sige, salamat!" sabi ko na lang kay Kuya.


Inuna ko muna yung pag asikaso sa pag time in ko saka ako bumaba sa 8th floor para ihatid 'to kay Sir Jack.


Hinanap ko sa iba't ibang kwarto si Sir Jack kaso hindi ko siya makita. May mga saradong kwarto naman pero baka may meeting kaya hindi na ako kumatok.

Isosoli ko na lang sana sa ibaba 'tong gamit ni Sir. Pero pag bukas ng elevator, nandun si Sir Jack at mukhang hinihingal.


Napatingin siya sa hawak kong bag at dali dali niya itong tinignan.


"Sainyo po ata 'yan, naiwan niyo sa elevator kanina" sabi ko.


"I'm so stupid! Thank you Ethanpo, I'm sorry, I'm in a hurry." di ko na naman naexplain yung pangalan ko sakanya at umalis na siya kaagad.


+++

Pagkauwi ko naman ng bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at nagkulong. Kahit sandali lang ako sa office, parang ang dami na kaagad na nangyari.


Nag check ako ng facebook ko at may FR! Pagkatingin ko kung sino, shet!!!!

Jack Zachary Salvatierra.


Si Sir Jack!!!!


Walang pag aalinlangan. Confirm kaagad!! Shet, ano ba 'to! Bakit niya ako inadd?! Tumatayo tuloy lahat ng balahibo ko!


Shet. Shet. Shet.

Oras na para mang stalk!


Pero bago ko mabuksan photos niya, may nag pop up na message saken.


"Hi, Ethan! Ang stupid ko sa 'Ethanpo' kanina hehe. I would like to thank you sa pagkuha ng bag ko kanina! Sobrang kabado ako nung naiwan ko 'yon. I got your number kay Benj, hope you don't mind. And also, I would like to treat you for dinner, pasasalamat if that's okay with you. Thanks also for accepting my FR, - Jack."



DOUBLE SHET!!! TRIPLE QUADRUPLE!!! TINEXT AKO NI SIR JACK!!!!!


rereplayan ko sana siya ng "Sir, patikim po!" pero hello, syempre 'di ko ginawa.


"Oh, no prob sir. Dinner? Sure! 😊"


Putek, sinend ko kaagad! Ang landi ng emoji ko!!


Kaso hindi siya nagreply. Parang 1min na nakalipas, hindi pa rin siya nagrereply. Ni hindi siya nagtatype.


Fvck, nakakahiya yung emoji. Yung emoji talaga yung may kasalanan eh!


Pero, biglang may nagmessage.


"Nice. See you. 😊"


NAG EMOJI RIN SIYA!!!!! shet. Bakit ako kinikilig! No, no no. Tignan mo yung picture, lalaking lalaki. Abs kung abs. Hindi 'yan bi. Pero bakit ako tinetext? Inadd pa ako sa FB, may ganun bang straight?


Rereplayan ko sana kaso parang not replayable yung message niya.


Nag type ako ng "I love you!", gusto ko lang iscreen shot para painggitin kay Jaycee kaso mali ako ng napindot.


Tapos napindot ko pa yung send.


Okay.


I'm dead now.


+++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top