Part 48
"Oh.... Anong nangyari? Bakit nakatulala 'to?" biglang sabi ni bwisit man pagpasok niya. Kanina pa ako nakatulala sa may sala habang busy naman si Benj sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit nangyayari 'to?
"Ewan ko diyan, sinigaw sigawan ako paglabas mo. Ineenglish pa ako, tapos kung ano ano sinasabi. Nakaka inis"
"Uyy, Ethan... Ayos ka lang ba? Bakit mo siya sinigawan?"
"Ahhh... Hindi. Akala ko kasi..."
"Tol, pasensiya. Nakakainis talaga haha, aalis na muna ako. Ikaw na muna bahala rito" sabi naman ni Benj. Lumabas siya ng bahay at kita ko ngang inis na inis siya.
"Bakit mo naman ginawa yon tol? May nagawa bang masama sa'yo si Benjie?"
Hindi pa rin ako makasagot sa tanong niya.
"Pasensiya na, kailangan ko na umalis. Next time na lang natin gawin 'to, okay ba?" sabi ko naman.
"Uy, may problema ba? Pwede mong sabihin sa'kin" pigil saken ni Bwisit man. Kita ko yung pagaalala sa mga mata niya at parang 'brother's instinct' pero mas pinili ko na lang umalis. Nagpaalam naman ako ng maayos at hinatid niya pa ako paglabas non.
+++
Hindi pa ako umuwi. Dumiretso pa ako sa condo ni Jaycee para sabihin yung natuklasan ko.
Kakatok pa lang sana ako pero bumukas na kaagad yung pinto at biglang lumabas si Stephen na mukhang galit. Nagulat naman siya nung nakita niya ako.
"Kausapin mo yang kaibigan mo!" bigla niyang sabi. Naka boxer lang si Stephen at walang suot na damit pero umalis ng condo ng ganon lang yung suot. Si Jaycee naman eh parang badtrip din kaya nilapitan ko siya na nakaupo sa sofa.
"Anong problema?" tanong ko.
"Wala bes. Hayaan mo siyang umalis."
"Ay taray may ganyang moment. Ano nga bes?"
"Hindi.... Nakakainis lang.... Gusto niya ako ipakilala sa parents niya sabi ko huwag muna ngayon. Ayon, nagalit."
"Ehhh bakit ba kasi ayaw mo?"
Bigla naman siyang natahimik at parang naiyak.
"Huy bes, anong drama yan?!" niyakap ko siya at nagpatuloy niya yung pagiyak niya.
"Ehhh alam ko na kasing gusto niyang mangyari. Sabi ko nga sa'yo, ayoko ng relasyon..."
"Bes, hindi ba parang OA ka lang?"
"Huwag mo kong simulan bes!!!" medyo pasigaw niyang sabi.
"Uy, sorry..."
"Ayoko bes. Ayoko. At kung ayaw niya, aalis na lang ako rito. Sinabi ko kasi sa kanya yan kaya siya nag walk out, buti na lang dumating ka."
Grabe, hindi biro yung pagdadrama ni Jaycee ngayon. Hindi ko tuloy masingit yung chismis ko pero dinamayan ko lang siya.
"Bes, mahal ko na kasi si Stephen" bigla nyang sabi.
"Punyemas, anong inaarte arte mo diyan?!"
"Ehhhh ayoko pa nga! Ayoko lang matulad sa'yo. I mean, alam ko kung gaano ka nasaktan non, gusto ko lang matuto sa pagkakamali mo."
"Hindi naman siya katulad ng bwisit na... kilala mo na yon, iba si Stephen."
"Taray, parang Voldemort lang, ayaw banggitin pangalan" nakakainis, kahit umiiyak na siya nagagawa niya pa ring magpatawa.
"Hay, ewan ko sa'yo bes." niyakap ko lang uli siya.
"Dito ka na muna. Baka mamaya pa umuwi yon si Stephen, mag iinom pa yon."
"Nang ganon lang yung suot?"
"Oo, loko loko yon eh. Pero hintayin mo muna siyang makauwi ah bago ka umalis"
"Sure sige."
"Pero teka, bakit ka pala nandito bes? May sasabihin ka ba?"
Gusto ko na sana sabihin sa kanya pero ayoko muna siyang madamay sa nalaman ko.
"Dadalaw lang. Miss na kita eh" sabi ko uli.
"Tse, haha I mss you too" at hinayaan ko na lang muna na tahimik kaming dalawa.
++++
Araw araw kaming magkasama ni Sir Jack, parang pag breaktime at pagka out na pagka out, kaming dalawa lang magkasama.
Okay na rin sa'kin yon, kasi aalis na siya bukas. At isang linggo na naman kami bago magkitang dalawa.
Pero para sa kanya, gumawa ako ng surprise bago siya umalis.
Nagluto ako sa bahay niya at nagprepare. Kinuntsaba ko si mama at si Butchok para tumulong sa'kin. At nung tapos na ako mag decorate, pinapunta ko na si Sir Jack sa bahay niya. Natuwa naman siya sa ginawa ko pero mas nagulat ako sa surprise niya.
Nilapag niya yung mga unan sa sahig at pinaupo ako doon habang nakaharap sa dingding, pero napansin ko na may nakadikit sa pader, parang white screen yon at nung binaba niya yon, biglang may lumabas na mga pictures nameng dalawa. Isang malaking projection at parang nanunuod kaming dalawa ng sine sa sobrang laki ng white screen.
"Nakakainis ka! Ako nga magsusurprise eh!" sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya sa'kin at niyakap niya ako.
"Ano ba, hindi ako papayag na ikaw ang nagsusurprise hehe. Mas masaya na ako na nakikita kong napapasaya kita!"
"Ehhhh.... Nakakainis, paano yung niluluto ko?"
"Edi kainin natin ngayon" kinuha niya yung niluto kong mashed potato at pork steak.
Maya maya, nag play yung movie at ang palabas eh "The Proposal".
"Bakit ayan gusto mo?" tanong ko.
"Ayaw mo ba? Palitan natin."
"Tinatanong ko lang. Akala ko kasi horror pipiliin mo para nakayakap lang ako sa'yo eh."
"Ay sus, hindi ko kailangan non, yayakapin mo naman ako kahit hindi horror 'to diba?" sabay tingin sa'kin. Siya na kumuha ng kamay ko para iyakap sa kanya.
"Oh di'ba? Hindi na kailangan" sabi niya pa.
Nakakatuwa lang na natutuwa siya sa pinapanuod namen.
"Ang cute ng aso." bigla niyang sabi nung pinakita yung cute na maliit na aso sa movie.
"Nandiyan naman si BE ah?"
"Eehhhh ayoko. Nakapangalan sainyo ni Benjamin yon eh. Gusto ko may JE rin tayo."
"Para Jack Ethan?"
"Oo. Para baby nating dalawa di'ba? Gusto mo gawin na natin ngayon?" sabi niya.
"Loko ka haha"
"Try lang natin. Baka may mabuo"
Ang cute talaga ni Sir Jack lalo na kapag malapitan. Ang gwapo gwapo. Ang ganda ng smile.
"Gusto mo ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"Oo!! Oo, gusto ko!" nagmadali naman siyang patayin yung projector at naging madilim na yung sala niya. Kitang kita ko pa naman siya dahil sa ilaw sa kusina.
Bigla siyang naghubad ng suot niyang damit at tumambad yung napakalaki niyang katawan. Napalunok naman ako ng laway sa nakita ko.
"Hubarin mo na rin damit mo" siya na yung naghuhubad ng damit ko pero hndi ko tinanggal.
"Gusto mo ba talaga?" seryoso kong tanong.
Nawala yung excitement niya sa tanong ko at bahagya siyang kumalma.
"Kung gusto mo lang naman pero kung ayaw mo.... Huwag na lang" hindi ko alam kung nangongonsensya siya kasi napayuko pa siya pero hinawakan ko ng dalawang kamay ko yung pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi.
Dinamdam ko yung malambot niyang labi.
At nung tinanggal ko, nakita ko yung reaksyon niya na nagulat siya.
"Ano??? Ayaw mo ba?" tanong ko.
"Ahhh.... Hmmm.... Gusto po." sabi niya.
"Ohh, bakit ayaw mo pa akong halikan?"
"Ahhh... Oo, eto na po" nawala siya sa ulirat pero hinalikan niya na rin ako, this time, siya na may control. Niyakap niya ko at naramdaman ko yung init ng katawan niya, ramdam ko rin yung matigas niyang katawan. Ang sarap. Sobrang sarap.
Nung niyakap niya ako ng mahigpit, tumayo siya at binuhat niya ako.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa taas"
Pagpasok namen sa kwarto niya, nilapag niya ako sa kama at parang bata na naeexcite.
"Last question, gusto mo ba talaga?" tanong niya pa sa'kin.
"Mahal mo ba ako?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. Pero ngumiti siya, yung ngiti na tuwang tuwa. Iba yung ngiting yon, parang ang daming sinasabi.
"Mahal na Mahal. You really have no idea, how much I love you. And not just because na nasa ganitong moment tayo, pero kahit anong moment yan, mahal kita, Ethan. Mahal na Mahal"
"Ako rin."
"Alam ko po."
"Mahal na Mahal din kita"
Nagulat uli siya. Ngayon ko lang kasi sinabi sa kanya yon.
"Ulit? Hindi ko narinig?" sabi niya.
"Ehhhhh...."
"Dali na..... Please?????"
"Ehhh.... Pilitin mo muna ako" sabi ko naman sabay talikod ng bahagya.
"Please....." pagmamakaawa niya.
Humarap uli ako sa kanya at hinalikan ko siya ng smack sa labi.
"Mahal kita" sabi ko.
"Promise??? So ibig sabihin???????"
"Oo! Oo na, sinasagot na kita."
Aba, nagtatatalon siya sa tuwa at niyakap niya pa ako ng mahigpit. Binuhat niya ako at niyakap.
"Seryoso ba to?!!"
"Oo nga! Ayaw mo ba?"
"Akala ko hindi mo na ako sasagutin ehh!!" nilapag niya ko sa kama at hinalikan uli ako. This time, mas madiin, mas masarap, mas nagiinit na kaming dalawa. Hinahawakan ko yung katawan niya habang ginagawa yon, pero bigla siyang tumigil at tinignan ako.
"Hindi natin to gagawin dahil gusto lang natin, gagawin natin to dahil mahal na mahal natin ang isa't isa. Mahal na mahal kita. Gusto kitang maramdaman, mas maramdaman" niyakap niya ako uli at ayon na ang pinakamasayang gabi nameng dalawa.
+++++
"Promise pagkalapag ko ng New York, sasabihin ko kaagad sa'yo." nasa airport na kami ni Sir Jack.
"Okay, maghihintay ako" sagot ko.
"Sobrang enjoy kagabi. Salamat, salamat talaga"
"Huwag ka na lang kayang umalis?" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Kung makakaalis ako kaagad, promise, babalik na ako kaagad. May dahilan na ako lalo para bumalik."
"Huwag kang tumingin sa iba doon ah! Dudukutin ko yang ano mo!" sabi ko pa.
"Dinukot mo na nga kagabi di'ba?"
"Tse, huwag kang humarot doon ah. Video call mo ko palagi. Kapag hindi ka busy, tawagan mo ko."
"Ang sweet naman ng baby Ethan ko. Opo. Opo. Promise. Promise." niyakap niya ako uli. Wala kaming paki sa mga tao basta feeling ko kaming dalawa lang ang tao
"I love you, so much." sabi niya sabay halik sa noo ko
"I love you too. So much."
"I love you more" hinalikan niya ako uli sa labi ng matagal na matagal at hindi rin nagtagal, umalis na rin siya. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak dahil isang linggo rin siyang mawawala.
+++
Diretso meeting ako pagkahatid ko kay Sir Jack at dahil mas mataas na position ko, mas mabibigat na yung trabaho ko.
After ng meeting, sinabihan nila ako na ako ang umattend sa meeting na gaganapin sa iba't ibang branches. Sa Makati, Pampanga at Cebu. Medyo exciting at the same time, mukhang nakakapagod.
Pero sinantabi ko muna lahat para sunduin ko si Butchok sa school, at nagkita uli kami ni bwisit man doon. Nagbatian naman kaming dalawa pero hindi ko alam na kasama yung kakambal ni Sir Benj.
"Uy, tol" biglang sabi ni bwisit man.
"Oh?"
"Baka pwede mo naman tulungan si Benjie, naghahanap kasi ng trabaho eh."
"Ehh anong problema sa trabaho niya?"
"Natanggalan kasi ng lisensiya eh. Isang buwan pa bago mabalik."
"Oh? Anong ginawa niya?"
"Nanapak ng pulis haha loko loko eh. Boss niya yung sinapak niya"
"Pulis din pala siya?"
"Oo, magkasama kaming dalawa eh hehe. Ano? Matutulungan mo ba siya?" hindi naman ako pinapansin ni Benjie, mukhang galit pa siya sa'kin dahil sa nangyari.
"Hindi ko alam ehhh, hindi naman kasi hiring samen eh. At saka, hindi naman pwede na ipasok ko siya sa office tapos magreresign siya kapag nabalik na yung lisensiya niya di'ba?"
"Sabagay. Haha, sige, hayaan mo na to malaki naman na to eh haha"
Tumawa na lang ako sa sinabi niya at nung lumabas na si Butchok, umuwi na kaming dalawa kaagad.
++++
"I'm here na. Ang init dito, summer pala kapag ganitong panahon!" message sa'kin ni Sir Jack.
"Kahit mainit eh magjacket ka, ayokong nakikita nila katawan mo diyan!"
Bigla naman siyang nagsend ng picture sa'kin at mukhang nakasakay ng kotse. Ang gwapo talaga ng smile!! Nakakainlove.
"😍😍😍😍😍😍😍😍❤❤❤❤❤❤" reply ko.
"Sa'yo lang ako. Sa'yo lang yan 😊"
"Bakit ka nasa sasakyan?"
"Aalis kaagad ako. Ang sakit ng ulo ko pero punta kaagad akong office. Tatawag ako mamaya ha?"
"Sige po gwapo. 😊"
"Yie, Miss na kita kaagad :("
"Me too :("
"Sana ka cuddle kita today just like last night :("
"Oo nga ehh :(, countdown starts now, 7 days bago ka umuwi."
"Oo nga :(, but I gotta go. Uhm, take care. I love you 😊"
"I love you too" reply ko na lang. Nalulungkot kasi talaga ako dahil sa pag alis niya pero katulad ng sabi niya, para sameng dalawa yon at kailangan ko na lang magtiis.
+++++
Kinabukasan, pagkaout ko, tinawagan ko si Jaycee para masabi ko na sakanya yung tungkol sa kakambal ni Sir Benj. At habang nakatambay ako sa labas ng Mozu, bigla kong napansin si Sir Benj na naglalakad pero yung kakambal pala yon. Medyo magkamukha kasi talaga silang dalawa eh.
Napansin niya ako kahit bahagya akong nagtago kaya lumapit siya saken.
"Uy dito ka pala nagtatrabaho no?" sabi niya.
"Ahh... Oo hehe"
"Nako naghahanap nga ako ng trabaho eh"
"Seryoso pala ano? Akala ko biro lang ehh"
"Seryoso nga yon hehe. Mukhang may hinihitay ka ahh?" sabi niya at bago ako makasagot, nagulat ako ng biglang may sumampal kay Benjie.
At isa pang nakakagulat, si Jaycee yon!
"ANG kapal ng mukha mo!! Matapos mong saktan bestfriend ko, magpapakita ka pa sa kanya!!" napatayo ako para tulungan si Benjie sa pagtayo. Sinapak naman niya si Jaycee na kinagulat ko, medyo may eskandalo na na nangyayari pero natigil naman kaagad.
Sinipa niya pa si Jaycee na nakahiga sa sahig.
Hindi naman nagsalita si Benjie at umalis siya ng ganon ganon lang.
"Bwsit bes, akala ko di papalag ehh!" sabi ni Jaycee at naupo na siya ng maayos.
"Bakit naman kasi bigla kang nananampal?!"
"Huwag mong sabihin bumabalik yung feelings? Baka gusto mo masampal din kita?"
"Gaga, hindi."
"Ehh ano yon? Bakit may pagtulong ka pa sa pagtayo niya?"
Lumapit lang ako para ibulong sa kanya.
"Kakambal ni Sir Benj yon"
Hindi siya nakaimik.
"Ang korny bes!"
"Hindi bes, promise. Akala ko hindi totoo pero parehas sila ng pangalan, Benjamin Adrian lang siya pero parehas apelyido. May tattoo siya eh wala naman si Sir Benj na tattoo"
"Ay true? Wait, baka naman nagpapanggap lang siya."
"Hindi bes, imposible. Si Bwisit man? Siya yung patunay. Matagal na silang magkasama."
"Ayy we? Bes, rebelasyon yan!"
"Kaya nga eh. Ewan ko kung bakit ko siya nakilala"
"Ehhh sa tingin mo, totoo ba?"
"Alam ko kasi na may issue si Sir Benj sa tatay niya. Baka eto yon, hindi sinabi na may kakambal siya."
"Ang korny ng ganyang twist bes, parang teleserye."
"Ehhh ayon ang sa tingin ko yung nangyari.."
"Sige, sabihin natin na ganon. E bakit siya nandito? Wag mong sabihin na dito rin siya nagtatrabaho?"
"Hindi, naghahanap siya ng trabaho"
Natahimik si Jaycee at mukhang pinoprocess lahat ng sinabi ko.
"AY BES!!!!" bigla niyang sigaw na may kasamang hampas sa lamesa.
"Ohh!! Ano ba, bakit sumisigaw ka?!"
"Wait, so walang nakakaalam neto?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, na may kakambal si Sir Benj?"
"Hmmm... Oo, siguro wala pa."
"Shet, eto na ang oras ng paghihiganti sa kabalastugan na ginawa ni Sir Benj sayo!!"
"Ha?"
"Hindi mo ba nakikita? Pinagtagpo kayo para maghiganti. Pagkakataon mo na to, mataas na ranggo mo, habang yung kakambal niya, naghahanap ng trabaho. Hindi mo ba gets? Yung kakambal niya yung karma niya!"
"HA?!!!! Anong klaseng pag iisip yan?"
"Come on. Alam ko deep inside gusto mong makaganti. Eto na yung chance. Ikaw may hawak ng laro, bes."
Napaisip ako. Ang sama naman kung gagawin ko yung sinasabi ni Jaycee pero napaisip uli ako, alam kong may kakambal si Sir Benj pero siya hindi niya alam. At alam kong, nasa Pilipinas siya, hindi ko alam kung bakit pero ako, kilala ko yung kambal niya.
Pwede ko ngang gamitin yung kambal niya para maghiganti.
"Bes? Ano???? Game ka ba?!" sabi pa ni Jaycee
Hindi ako sumagot at nag isip ako ng gagawin kong plano para sa gagawin kong to.
++++++++
VOTE AND COMMENTS!!#!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top