Part 46
Guys, stream, buy Lady Gaga's newest single 'Perfect Illusion'. WAG NIYONG IPIRATA!!! haha. Mahal na mahal ko si Lady Gaga kaya malaking bagay yung pag kinig sa youtube, spotify, apple music. Hihi. Salamat!!! 😊😊😊
+++++
"Bes, minumulto ka na ng nakaraan mo!" sabi ni Jaycee. Kumakain kami ngayon sa Mozu at umiinom ng kaunti. Hindi ko muna sinama si Sir Jack dahil moment namen ni Jaycee ngayon.
"Bakit naman ako mumultuhin aber? Ako ba may ginawang kasalanan?"
"Alam kong wala kang kasalanan pero closure? Wala kayo non."
"Hindi na kailangan ng closure kung niloko ka. Jusko, hahayaan ko pa sarili ko na saktan niya ng harapan? No way!"
"Ehhh bakit parang affected ka pa rin ha?"
"I'm not affected. In fact, wala akong paki sa kanya nung nakita ko siya. I mean, nagyoyosi na siya? So what. I don't care. Ang goal ko lang ngayon ay ang mapromote dahil malapit na yung promotion ko, at syempre si Butchok na nag aaral na ngayon. Lovelife? Si Sir Jack oh. Hello."
"I know you love him, bes. Kita ko sa mata mo at everytime na kasama mo si Sir Jack, iba yung aura mo."
"Ohhh... Alam mo naman pala!"
"Pero hindi pa rin kayo nag uusap ni Sir Benj. I mean, tignan mo, galit na galit ka pa. Siguro wala ka ng nararamdaman sa kanya pero mas magaan sa pakiramdam kung magkakaayos kayong dalawa."
May point naman si Jaycee pero ayoko munang problemahin si Sir Benj ngayon. Ayoko nga siyang isipin eh.
"Eh kayo ni Stephen? Ano ng meron?" iniba ko na lang yung topic.
"Ayon ganon pa rin. Everyday sex tapos casual lang."
"Grabe, everyday talaga?"
"Yup, minsan nga 3x a day pa. Depende sa mood niya o mood ko. Ganon."
"Hindi ka ba nagsasawa?"
"Hindi naman bes.... I mean, nag eenjoy naman ako sa ginagawa ko, namen."
"Ni minsan ba, hindi mo naisip na... Alam mo na... Ilevel up?"
"Hmmm.... Napag usapan namen yang dalawa. Simula nung issue kay Blue? Nagbago siya non, kaya nagbago na rin yung agreement namen."
"Paano?" tanong ko.
"Hmmm... Dati kasi pwede kami lumabas sa iba pero ngayon hindi na. Kailangan, kaming dalawa lang. Okay naman saken kasi ang sweet naman niya eh. Tapos palagi pa akong pinagluluto."
"Pero hindi kayo?"
"Hindi. Pero parang kami eh. Okay na ako sa ganon. Ayoko na ng hassle."
"Wow bes, hindi ko alam kung matutuwa ako sa way ng pag iisip mo o maiingit o maiinis. Haha."
"Haha mind over matter lang, bes."
"Pero mahal mo na ba si Stephen?" tanong ko. Natahamik siya at napangiti.
"Oo naman. Mahal ko na siya no. Matagal na."
"What if ganon din siya sa'yo? Papayag ka na bang makipag relasyon sa kanya?"
"Bes.... Hindi nagbabago desisyon ko. I'm happy sa kung anong status namen, he's happy. Okay kami. Ayon lang ang mahalaga. Ayoko ng gawing complicated ang lahat!"
"Well, ayokong umiyak ka kapag lumalim na yung feelings mo sa kanya ah?"
"Ano ba bes, hindi naman ako shunga sa love pag dating mo no. Oo naman!" binatukan ko lang siya ng kaunti at kumain na kaming dalawa.
+++
Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko kaya ako uli nagsundo kay Butchok sa school at umaasa na makita si Bwisit man. Pero kung kailan naman na inaasahan ko siyang makita eh wala siya.
Hanggang sa makita ko si Butchok na palabas na ng school, walang sign ni bwisit man o kahit man lang si Sir Benj.
Pagkauwi naman namen, may napansin ako na may lalaki sa tapat ng bahay namen at parang nagmamasid pero nung magpapark na ako, tumabi lang siya at hindi ko inaasahang si bwisit man yon!
Pinapasok ko naman kaagad si Butchok sa bahay at hinarap ko si bwisit man.
"Hoy ikaw bwisit man, bakit ka nandito? Stalker ka nga!! Sinasabi ko na nga ba eh!" sabi ko.
"Hindi kita aawayin dito dahil balwarte mo 'to! Hindi kita iniistalk ano? Huwag ka ngang assuming diyan. Feeling chicks ka na naman at saka may pangalan ako. Tom Gian! Ang ganda ganda ng pangalan ko, gamitin mo naman!"
"Aba wala akong paki kung anong pangalan mo, umalis ka na kundi tatawag ako ng pulis!"
"Nakakatawa ka. So tatawag ka ng pulis kasi tinitignan ko tong bahay niyo?"
"Hindi kasi stalker ka!"
"Hoy ikaw lalaki ka sumusobra ka na. Wala akong ginagawang masama."
"Eh bakit ka nga nandito? Anong ginagawa mo? Nagkataon lang lahat ganon?"
"Hindi. Wala. Sige na. Aalis na ako." sabi niya pa. Pero eto na yung panahon para tanungin kung ano sila ni Sir Benj. Medyo nakakahiya man pero tinawag ko siya uli.
"Huy..... Tom" sigaw ko.
Lumingon siya ng napangiti, ngiting pang asar na nakakabwisit.
"Yes??? Tinawag mo ko sa pangalan ko?" sabi niya habang suot niya yung ngiting pang asar habang lumalapit sa'kin.
"Nako.... Ewan ko sa'yo.... Kasi ano... Nung isang araw? Napansin kita na may kasama... I mean, sa may school. Umaga yon." sabi ko.
"Uhm..... Sino? Girlfriend ko? Kursunada mo girlfriend ko?!"
"Leche, hindi!"
"Ay grabe siya makaleche oh. Tinatanong lang naman"
"Eeeeehhhh. Seryoso kasi. Uhm. Yung lalaki na medyo mestiso tapos bigotilyo, yung gwapo." ayun na lang sinabi ko.
"Ahhhh... Kilala ko na.... Sabi ko na nga ba eh, nung una ayoko pa maniwala pero tama ako! Pwede kang iadobo!"
Nairita ako sa term niya pero hindi ko na lang pinansin.
"Sino nga?" tanong ko.
"Si Benj yon! Kapatid ko."
WTF!!!!!!
Kapatid? Nahanap na niya kapatid niya?
So.... Matagal na niyang kilala?
8 months kaming hindi nagkita. Sabagay, sobrang daming mangyayari non. Pero anong nangyari sa kanya sa ibang bansa?
"Uhm.... Nagdedaydream ka ba about sa kapatid ko? Sorry, huwag siya may girlfriend din yon!" sabi pa ni bwisit man.
"Hay nako! Wala akong paki!!"
"Wala raw pero interesado sa kapatid ko. Wooooh. Don't me, Ethan. Don't me"
Ang dami ko pang gustong itanong pero biglang may tumawag sa kanya.
"Sorry, Ethan. Duty calls. Sabihin ko na lang sa kapatid ko may stalker siya haha!" bigla siyang tumakbo palayo at hindi ko na natawag. Hinayaan ko na lang siya pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Magkapatid si bwisit man at si Sir Benj.
+++++
Tinanggal ko lahat ng tumatakbo sa isip ko at nagfocus ako sa trabaho ko. Inisip ko yung goal ko na makuha yung promotion. Ilang araw ako nag OT at nagpatulong din ako kay Laura. Sobrang saya lang kasi mukhanh naging worth it lahat.
+
Habang nakaupo ako at nakaharap sa computer ko, biglang may pumasok sa email ko. Hindi ko munan pinansin yun at nung sinipag ako, doon ko nakita.
PROMOTED na ako!!!!
Napasigaw pa ako sa office non at napantingin sa'kin lahat pero nung sinabi ko, natuwa naman silang lahat. Nakakatuwa lang na ng dahil nalaman nila yung tungkol samen ni Sir Benj dati eh hindi nila ako hinusgahan. Mas naging close pa nga kaming lahat.
"May bago na tayong boss!" sigaw uli ng isa. Nakakaoverwhelmed lang yung pag congratulate nila sa'kin.
Agad kong tinext si Sir Jack at nagreply naman siya.
"Congratulations!!! I know you can do it! I'm so proud of you. I wish we can celebrate it later, but hindi ako uuwi mamaya. Tomorrow?"
"Sure. Gusto kong ikaw una kong sabihan eh." reply ko naman.
"Sweet. Love mo talaga ako 😍😍"
"Hehe, oo naman."
"Sasagutin mo na ba ako? 😍😍❤"
"Right timing. 😊"
"Hehe, okay po, enjoy your promotion! We'll celebrate tomorrow, okay? I gotta go."
"Sige. Text mo ko ha?"
"Ofcourse. 😙😙"
Hindi na ako nakareply uli dahil halos pagkumpulan ako ng mga kaofficemates ko dahil sa nalaman nila. Inenjoy ko na lang din yung moment.
++++
Syempre, ang pangalawa kong sinabihan ay si Butchok. Kaagad ko siyang sinundo sa school para naman mailibre ko siya sa labas.
Hinintay ko siyang makalabas at asusual, nakita ko na naman si bwisit man na nagsisigarilyo sa tapat ng school.
Ayoko na muna siyang kausapin, bakit ko naman kasi siya kakausapin di'ba? Hinintay ko lang kapatid ko makalabas. Pero napansin ako ni bwisit man at lumapit siya sa'kin.
"Sinabi ko na sa kapatid ko na may crush ka sa kanya!" sabi ni Bwisit man.
"Ano ba yan! Ano bang problema mo?"
"Wala. Gusto lang kitang asarin!"
"Pwes, sa presensiya mo pa lang naaasar na ako so congrats!"
"Ay grabe talaga! Siguro wala kang lovelife kaya ganyan ka mag react sa mga bagay bagay, ano?"
"Hoy baka sabihin ko sa'yo, meron ako no!"
"We? Patingin nga ng picture?"
"Ayoko nga bakit ko naman gagawin yon?!"
Buti na lang nakita ko na si Butchok at lumapit na siya sa'kin.
"Ohh, hello Butchok. Gusto mo ng BBQ?" yaya ni Bwisit man.
"Aalis kaming dalawa. Sakay na sa sasakyan,"sabi ko.
"Taray talaga ng Kuya mo! Sige na," ngumiti lang si bwisit man at kahit isang ngiti lang, nabwisit na kaagad ako.
Pagsakay ni Butchok ng sasakyan, kinwento ko sa kanya yung nangyari sa office.
"Wow Kuya, ang galing mo po! Nakita ko po kung paano kayo nagpuyat dahil diyan kaya Congrats po!"
"Salamat!! Kaya dahil diyan, kakain tayo sa labas!"
"Talaga? Yehey!"
"Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan po basta may BBQ!"
"Ayan ha, naaadik ka na sa BBQ dahil doon sa bwisit man na yon!" sabi ko.
"Ahh si Kuya Tom po ba? Mabait po kasi siya. Nanlilibre pa."
"Sabi ko di'ba? Huwag ka makikipag usap sa mga hindi mo kakilala?"
"Ehhh Kuya, ang sabi po saken ng mga guards ng school, ehh kasama po siya sa security ng school sa labas. Kaya po siya nandoon palagi sa labas. Hindi lang naman po ako ang nililibre niya pati mga classmates ko"
Oh.... So nung araw na nagkabungguan kami, siguro may hinahabol siya. Kaya naman pala galit na galit siya sa'kin non dahil ganon yung trabaho niya. Well, kwits lang din naman kami. Galit din ako.
"Kuya" biglang sabi ni Butchok habang nasa byahe kami.
"Yes?"
"Parang nakita ko po si Kuya Pogi kanina."
Natahimik ako.
"Kanina po nakita ko siya sa loob ng school. Hindi ko po kasi sure kung siya kasi ang layo po pero parang siya po kasi."
"Ah hayaan mo na"
"Kuya, magkaaway ba kayo ni Kuya Pogi? Sabi niyo po nasa bakasyon lang siya? Bakit ang tagal na po niyang hindi bumibisita? Galit po ba siya sa'kin?"
"Uyy ang dami mong naiisip. Hindi siya galit sa'yo. At saka busy lang yon."
"Namimiss ko na po kasi siya eh"
Hindi ko alam kung paano ko mapapaliwanag sa kanya.
"Andiyan naman si Kuya Boss mo ah?"
Buti na lang ngumiti siya.
"Opo!!" sabi niya na lang.
Buti na lang at naglaro na siya uli sa tab at hindi na siya nagtanong.
+++
Nakarating na kami sa mall, naglaro muna kami sa timezone at naglakad lakad saka kami kumain sa may BBQ, ayun kasi yung request ni Butchok.
Maya maya, biglang tumawag si mama sa'kin.
"Po?" sagot ko.
"Anak hindi kita marinig, ang ingay." sabi ni mama. Kaya tumayo ako at lumabas muna.
"Ma" sabi ko.
"Ohh... Okay na... May sasabihin ako sa'yo anak. Pauwi ka na ba?" sabi niya.
"Maya maya Ma. Magkasama kami ni Butchok, kumakain kami sa mall."
"Talaga? Nasa mall din ako anak. Nasaan kayo?"
"3rdfloor lang Ma. Patapos na rin kami kumain. Puntahan na lang kita, gusto mo?"
"Sige. Pero may kasama ako anak."
"Sino po?"
"Basta.... Papakilala ko sa'yo mamaya." sabi niya.
"Ahhh sige po sige po" sagot ko. Binaba ko na yung tawag at pumasok na uli ako sa loob pero nagulat ako ng wala na si Butchok! Pero nandoon pa yung gamit niya.
Tinanong ko yung mga nasa tabing table namen at sinabing lumabas daw siya.
Lumabas naman ako pero wala siya.
Kinakabahan na ako. Wala pa naman cellphone yon. Kaya pumasok uli ako. Pero nakita ko na siya na pabalik.
"Saan ka ba galing?!" medyo kabado kong sabi.
"Nag cr lang po Kuya. Walang CR diyan eh"
"Nako. Magdala ka na nga ng cellphone sa susunod. Kinakabahan ako sa'yo eh!"
"Si Kuya, para namang bata pa ako. At saka nakita ko po si Kuya Tom"
"Si bwisit man? Anong ginagawa niya rito?"
"Hindi ko po alam."
Speaking of the devil, nakita ko nga si bwisit man sa may tapat ng kinakain namen. Ang kaibahan lang ngayon, nakasuot siya ng pang Pulis na uniform!
Yung kulay blue na polo shirt at fitted na pants. Tumayo naman kami ni Butchok at lumabas. Pupuntahan pa namen kasi si mama pero nakita naman kami ni bwisit man.
"Hay nako, stalker ka talaga!" sabi ni bwisit man.
"Tigilan mo ko, nagpapanggap ka pang pulis! Pwede kitang isumbong!"
"SPO1 Tom Gian Aguilar po, Sir!" pakilala niya.
Natahimik ako. Hindi ko alam na pulis pala siya. Kung kausapin ko pa naman siya parang ewan lang.
"Aba, masungit ka lang pala sa'kin kapag nakacivilian ako. Para malaman mo, hindi ako masamang tao."
"Okay. Aalis na kami" sabi ko na lang.
"Okay!" sagot niya lang at bago pa kami makalayo, napansin ko na si mama na palapit samen. Agad akong nagmano nung nakita ko siya.
"Oh.... Nasaan yung kasama mo, Ma? Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Oo anak.... Ayun na siya" turo niya.
Napansin kong palapit na naman si bwisit man samen. Jusko, ang liit ng mundo para sameng dalawa.
Pero laking gulat ko ng biglang nagmano si Bwisit man kay mama.
"Ano na naman at nandito ka pa?" sabi ni bwisit man sa'kin.
"Magkakilala na kayo?"tanong ni mama.
"Opo tita. Isa po sa nakakaasar na taong nakilala ko" sabi niya.
"Tita?! Sino siya Ma?" tanong ko.
"Mama? Anak niyo po siya tita?" tanong naman ni bwisit man.
Yung reaksyon ni mama eh parang natutuwa na ewan. Natutuwa na parang hindi makapaniwala, parang ganon yung reaksyon niya.
"Wait po.... So kung anak niyo po si Ethan.... Ibig sabihin... Kapatid ko po siya?" tanong ni bwisit man.
"Anong sinasabi mo diyan?" tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Anak. Ilang buwan ko ring hinanap yung Pamilya na naiwan ng Papa mo. At eto na siya." turo ni mama kay bwisit man.
Sht!!!! PO1 Tom Gian Aguilar? Aguilar?!! Bakit hindi ko napansin.
Kahit siya nagulat at hindi makapaniwala.
Magkapatid kami ni bwisit man.
+++++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top