Part 42
Sa sobrang dami ng nangyayari sa'kin, ang isa pa sa pinakamasakit na nangyari eh, wala sa tabi ko si Sir Benj. Yung kaisa isang tao na inaasahan kong nandito sa tabi ko.
Simula nung nawala si papa, hindi pa niya ako dinadalaw. Nandito na si papa sa bahay namen, pero wala pa rin siya. Ilang araw na lang, ililibing na namen si papa pero hindi pa rin siya nagpapakita.
Pinipilit ko na lang maging malakas kasi naaapektuhan na si Butchok sa nangyayari. Mabuti na lang, nandito si BE at si Sir Jack, sila nagpapagaan ng loob ng kapatid ko.
"Wala pa rin bang balita?" tanong ni Sir Jack. Tinutukoy niya si Sir Benj.
"Wala pa ring text eh." sagot ko. Naiiyak na naman ako.
"Halika muna." sabi ni Sir Jack, sabay abot ng kamay niya sa'kin. Umakyat kaming dalawa sa kwarto ko. Ni lock niya yung pinto at biglang nagpatugtog.
"Anong gagawin natin?" sabi ko.
"Shhhh...."
Familiar yung tugtog, at nakakagaan ng pakiramdam yon.
"I used to think that I was fine.
Oh, that I was doing ok.
I didn't know that I was blind.
I just went on along my way.
I didn't know what I was missing
'Til I felt you tender lips
Kissing my fears away.
I'm so glad you're here today."
Bigla niyang kinuha yung kamay ko at pinatong sa mga balikat niya. Nilagay naman niya yung mga kamay niya sa may taas ng pwetan ko at nilapit niya yung katawan nameng dalawa habang tumutugtog yung kanta.
Nagsimula kaming sumayaw. Basta, ginagalaw lang namen yung katawan namen at dahil doon, napansin ko na lang na napangiti ako.
Nagsimula naman na siyang kumanta.
" I never had somebody I could lean on.
I never had a shoulder I could cry on
'Til I found you"
"Sir Jack...."
" I never had somebody I would think about.
I Never had someone I coudln't do without
'Til I found you
'Til I found you."
Yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at dahil sa yakap na 'yon, pansamantalang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Huwag kang mag alala, Ethan. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit na anong mangyari" sabi pa ni Sir Jack.
Hinaplos niya yung likod ko dahil naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Sir Benj, kung bakit bigla na lang siyang nagbago pero sa tingin ko, malaking bagay yung pagbabalik ni Sophie.
Natapos yung kanta na nakayakap pa rin sa'kin si Sir Jack at kahit tumahimik na sa loob, hindi niya inaalis yung pagkakayakap niya sa'kin.
"Gusto mo na ba matulog? Ilang araw ka na ring walang pahinga eh" naupo kaming dalawa sa kama ko.
"Iidlip lang ako saglit." sabi ko na lang.
Bahagya siyang nahiga sa kama ko at umakbay siya sa'kin para matulog ako sa katawan niya.
Pinikit ko muna yung mga mata ko dahil sa sobrang pagod ko, pero si Sir Jack, pinaglalaruan lang yung buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam.
"Bukas...." bigla siyang nagsalita. Siguro akala niya tulog na ako.
"Bukas... Nandito pa rin ako. Sa susunod na araw, nandito pa rin ako. Hangga't kailangan mo ko, hindi ako aalis sa tabi mo."
Inayos niya yung pagkakahiga ko sa kanya at nagpatuloy sa sinasabi niya.
"Andito lang ako, kahit hindi ako pinili mo. Nandito lang ako."
Hindi pa rin ako nagsasalita.
Bigla na rin siyang tumahimik.
Ilang araw na rin si Sir Jack dito kaya siguradong pagod na rin siya. Narinig ko na lang na parang tulog na siya at hindi na rin nagtagal, nakatulog na rin ako.
+++++
Pag gising ko, napansin kong nakaupo sa kama si Sir Benj at walang damit. Napansin naman niyang gising na ako at napangiti siya.
"Ayan, nakapagpahinga ka na rin. Maligo ka na rin tapos baba ka na. May mga bisita ka eh" sabi ni Sir Jack. Nagbihis siya at hinalikan ako sa noo.
Bumangon naman na ako at naligo saka ako bumaba.
Una kong napansin kaagad sa sala, yung babae na nagtetext. Hindi pa ako sure kung sino siya, pero nung nagkatitigan kami, sure na ako. Si Sophie.
Agad siyang tumayo at niyakap ako.
"Condolence, Ethan" ang sincere talaga ng pagkakasabi niya. At kung nandito siya, siguradong nandito rin si Sir Benj.
Ngumiti lang ako.
"Sorry, umalis kasi kami ni Benjamin. Hindi ko alam na may ganito ng nagyayari, sorry."
"Nasaan siya?" tanong ko.
Pagkatanong ko, bigla siyang sumulpot sa gilid at hawak hawak niya si BE. Binitawan niya kaagad si BE at tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry Ethan.... Sorry talaga...." umiiyak siya nung mga oras na yon. At habang nakayakap siya, nakita ko si Sir Jack sa may pinto at palabas na. Sumenyas siya sa'kin na aalis na muna siya at hindi ko na siya napigilan dahil nakayap pa rin sa'kin si Sir Benj.
Hinila niya ako paakyat sa kwarto ko at niyakap niya ako uli. Hindi ko maintindihan, feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayon.
"Saan ka galing?" ayan kaagad una kong tanong.
"Meeting...."
"Please, please naman. Kahit ngayon lang. Huwag ka ng magsinungaling sa'kin!" pinipigilan kong umiyak. Ayokong umiyak. Kailangan kong maging matapang sa harap niya.
"Totoo yon, nasa meeting ako ng ilang araw.... Kasama si Sophie."
Natahimik siya.
Natahimik din ako.
"Kailan mo ba balak sabihin sa'kin?" tanong ko.
"Anong tinutukoy mo?"
"Alam ko lahat. Alam kong nagkikita kayo tapos hindi mo sinasabi. Kinikimkim ko na lang lahat, hindi ko alam kung bakit ko sinasaktan sarili ko pero willing ako masaktan para sa'yo. Willing ako magpakatanga!"
"Ethan...."
"Ano na? Sabihin mo na sakin lahat!!"
"Gusto ko lang ng closure. Kaya ako nakipagkita kay Sophie. Closure lang"
"Nakuha mo ba yung closure na gusto mo? O nag open-sure uli yung feelings mo?"
Hindi siya nakasagot at alam ko na yung ibig sabihin non.
Hindi ko na kinaya at napaiyak na ako. Niyakap naman niya ako pero pinagtulakan ko siya. Naupo ako sa kama ko habang takip yung mukha ko.
"Ayoko munang sabihin sa'yo dahil sa nangyari sa papa mo...."
"So alam mo na talaga? Ilang araw kitang hinintay. Kailangan kita sa tabi ko pero wala ka!"
"Sorry.... Naisip ko lang na.... Ayoko ng mainvolve pa sa buhay mo. At kung pupunta pa ako, baka mas mahirapan akong sabihin sa'yo yung totoo"
Ang sakit sakit sa dibdib. Sobrang sakit.
"Sinungaling ka! Akala ko okay tayo! Pinamukha mo sakeng okay tayong dalawa tapos bigla mo kong iiwan!"
"Ethan, maniwala ka.... Minahal kita..."
"Tangina, Benj! Hindi mo ko minahal! Kasi kung minahal mo talaga ako, hindi mo ko sasaktan ng ganito"
"Ethan.... Totoo yun, minahal kita. Ang weird sa feeling, pero minahal talaga kita. Sabi ko naman sa'yo ayoko muna ng committment di'ba? Pero mahal talaga kita...."
"So... Hindi mo pala tinuturing na tayong dalawa?"
"Wala naman tayong pinag usapang ganyan di'ba?"
Tangina. Ang sakit sakit talaga, nag assume lang pala ako na kami.
"Ano yon? Ano yung lahat ng ginawa namen? Wala lang lahat ng yon?!" sigaw ko pa sa kanya. Parang kailangan kong isigaw lahat ng nararamdaman ko ngayon.,
"Ethan.... Please, kumalma ka lang..."
"Hindi ko alam kung ano yung feeling ng namatay pero sobrang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, parang pinapatay mo ko"
Hinawakan niya kamay ko at pinagdikit yung mga noo namen.
"Sorry, Ethan... Sorry... Sorry!"
"Hindi, ipapamukha mo sa'kin kung gaano ako ka swerte sa piling mo tapos ganito lang gagawin mo? Wala kang kwenta. Isa ka sa pinakawalang kwentang tao na nakilala ko!!"
"Sorry, Ethan...."
"Sabihin mo saken kung saan ako nagkulang. Please, parang lahat naman ginawa ko. Sabihin mo saken, para alam ko! Para hindi mo ko iwan" nagmamakaawa na ako sa kanya. Ayoko siyang mawala.
"Wala kang kasalanan... Ako lahat 'to..."
"Please, sabihin mo... O pwede ring kakalimutan ko lahat ng to, please. Kakalimutan ko lahat. Iisipin kong walang nangyari. Please, huwag mo lang ako iwan..."
"Ethan, no..."
"Please, don't say no.... Kahit ano. Promise." nawala agad yung galit ko sakanya nung malaman ko na iiwan na niya ako. Lumuhod pa ako sa kanya pero tinatayo niya ako.
"Ethan, don't do this to yourself please..."
"Please.... Okay na ako. Hindi na ako iiyak. Please. We're okay. We're good." pinunasan ko pa luha ko pero kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw na niya.
"I love Sophie, Ethan. I talked to her about closure pero hindi ko maopen yung topic na yon sa kanya. And then she smiled at me, and I remembered, that's one of the million reasons why I've fallen inlove with her. Nag usap kami and napagalamanan ko na kaya siya umalis para tulungan ako sa family issues ko....."
"So...ayaw mo na talaga?"
"You helped me with the deal I've always dreaming about. You know why? Pangarap namen ni Sophie yung deal na yon. Goal oriented kami at isa yun sa goal nameng dalawa."
Naiyak na naman ako. Hinahabol ko yung hininga dahil sumasakit yung dibdib ko.
"Ang sama kong tao Ethan, ginamit kita para sa pangarap namen ni Sophie. But, nainlove talaga ako sa'yo. It's just that, I love Sophie even more. I'm really sorry."
Mas masakit pala kapag pinapamukha na niya sa'kin lahat.
"Nakilala na kita, Ethan. And really, you're a great person. You deserve someone else, I'm really sorry...." iniwan niya ako sa loob ng kwarto ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya.
Hindi ko alam kung susundan ko siya pero hindi na kaya ng katawan ko. Ng puso ko. Ng pakiramdam ko. Ang sakit sakit na lahat.
Ilang minuto na rin nakalipas, pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak. Maya maya, biglang pumasok si mama sa kwarto ko at mukhang hingal na hingal.
"Anak...."
Bumangon ako para yakapin siya at yumakap naman siya ng mahigpit sa'kin.
"Anak.... Si Butchok." bigla niyang sabi.
"Anong meron Ma?"
"Bilisan mo! Hindi siya makahinga." kaya pala nagmamadali si mama na pumunta sa kwarto ko dahil kay Butchok. Kaya naman tumakbo kami pababa at nakaupo nga si Butchok sa may sala at hinahabol yung paghinga.
Binuhat ko kaagad siya at sinakay sa sasakyan.
+++
Nakahiga si Butchok ngayon habang hinihila yung higaan niya papunta sa Emergency Room.
"Kuya.... Ang sakit ng dibdib ko...." ramdam ko yung sakit niya sa pagkakasabi niya noon. Ang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko.
"Kayanin mo please, kaya mo yan!" sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Hindi ko na kaya. Pero para sa kapatid ko kakayanin ko
"Kuya.... Ayoko pang mamatay"
Napaluha si Butchok nung sinabi niya yon at alam ko kung gaano siya nahihirapan ngayon.
"Kuya, ang sakit talaga...." lumalakas na yung pag iyak niya. Buti na lang nasa loob ng kami ng kwarto.
"Sir, pasensiya na pero hindi kayo pwede rito" sabi nung doctor sa'kin. Pero ayaw akong bitawan ni Butchok.
"Kuya, huwag mo kong iwan. Ayokong mamatay, kuya... Ang sakit po talaga... Kuyaaa!!" umiiyak na siya at nagwawala sa sakit. Wala akong magawa kung hindi bitawan siya. Nasasaktan din ako para sa kapatid ko pero kailangan, malakas ako.
"Kaya mo yan, walang mangyayaring masama sa'yo.... Kaya mo yan ha?" sabi ko na lang sa kanya. Napansin kong may tinurok kay Butchok at unti unti na siyang nanghihina.
"Please, huwag niyo pong hayaan na may mangyari sakanya"pakiusap ko pa.
"Kami na pong bahala. Maghintay na lang po kayo sa labas" pakiusap pa ng nurse.
Naiwan ako sa labas at wala akong magawa kundi ang maghintay sa mangyayari.
++
"Ethan?" narinig ko na lang na ginigising ako. Umaasa akong si Sir Benj iyon pero hindi.... Si Sir Jack pala.
Tumabi siya at niyakap ako ng mahigpit. Bigla na namang tumulo yung luha ko.
"Huwag ka ng umiyak. Okay lang yan. Sorry kung umalis ako kanina..."
Hinayaan niya lang na umiyak ako sa kanya. Kahit na napapawisan, nalalawayan yung damit niya, hinahayaan niya lang ako.
"Sige lang...." hinahaplos niya yung likod ko at pinapatahan.
"Ang sakit na.... Sobra...."
"Kayanin mo, Ethan. Makakaya mo yan. Kailangan mong maging malakas ngayon para kay Butchok..."
"Ang hirap.... Ang sakit sakit talaga..."
"Hayyy Ethan... Please. Kung pwede lang na akuin lahat sakit mo, ginawa ko na. Kaya mo yan, kaya natin to. Hindi na ako aalis uli."
Wala na akong masabi. Kinakain ako ng lungkot at pighati ko. Ang hina ko na nga, sobrang pinahina pa ako ng mga nangyari sa buhay ko.
Maya maya, nung kumalma ako. Tinayo ako ni Sir Jack.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Kailangan mo to." hinawakan niya kamay ko, at hindi niya pinansin yung mga taong nakatingin sa'men at maya maya, nasa may tapat na kami ng simbahan.
"Kailangan mo Siya ngayon Ethan. Kausapin mo na muna Siya" sabi ni Sir Jack. Pumasok kami sa loob at nagsimula akong magdasal.
Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko at nung matapos kong sabihin sa Kanya, humingi ako ng tulong at lakas ng loob kasi sobrang napanghihinaan na ako ng loob.
Tapos na ako magdasal pero nakaluhod pa rin si Sir Jack, kaya hinintay ko muna siya. Parang magic na biglang nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko.
Maya maya, naupo na uli sa tabi ko si Sir Jack.
"Kaya mo na?" tanong niya.
"Medyo."
"Kaya yan. Kaya mo yan. Magiging okay din si Butchok"
"Paano mo pala nalaman?"
"Hindi ko kasi kaya nung nakita ko kayo ni Benjamin kaya umalis muna ako. Pero naisip ko, dapat hindi ako aalis sa tabi mo kahit na anong mangyari kaya bumalik ako. Pero nandoon lang yung mama mo, mag isa lang at sinabi nga yung nangyari kaya nagmadali ako rito"
Grabe yung effort ni Sir Jack sa'kin. Nakakatuwa, sa dami ng nangyari sa'kin, hindi siya umaalis sa tabi ko.
"Kung okay ka na, balik na tayo doon baka may balita na kay Butchok." yaya pa ni Sir Jack kaya bumalik na kami sa ospital at nakita ko naman si Jaycee at Stephen sa labas ng kwarto ni Butchok na may dalang maraming lobo.
"Sorry, bes kung ngayon lang ako..." niyakap ako ng mahigpit ni Jaycee at ganon din ginawa ko.
"Okay lang bes..."
Hinila ko muna si Jaycee palayo para ikwento lahat ng nangyari kanina.
"Sinasabi ko na nga ba, masasapak ko talaga yang boss mo kapag nakita ko yan eh!!" kita kong galit na galit si Jaycee.
"Masakit pa rin bes..."
"Sorry talaga bes. Gusto sana kita pagalitan ngayon kasi sinabi ko na sa'yo yan, matagal na pero next time na lang. Hehe" niyakap niya ako uli.
Maya maya, may lumabas na doctor sa kwarto at agad ko siyang nilapitan.
"Doc, ano pong balita?" tanong ko.
"Well, to be honest, okay naman yung operation.... Pero, sumusuko yung katawan ng kapatid mo... Kailangan niyang lumaban..."
"Doc, huwag niyo ho siyang hayaang mawala. Please. Ang dami na pong nawala saken, huwag niyo na po isama kapatid ko."
"I understand but really, nasa kapatid mo yon kung lalaban siya or hindi. Let's just hope na maging okay ang lahat. And I promise you, gagawin namen lahat, okay?" pinilit kong ngumiti kahit mahirap. Umalis naman yung doctor at napaupo uli ako sa tabi ni Sir Jack.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Abangan ang malaking pagbabago sa buhay ni Ethan, NEXT part na yon 😊😊😊😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top