Part 41
Pinapapunta ako ni Sir Benj sa office niya at agad niya akong niyakap nung nakita niya ako.
"Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?"
"Ha? Hindi. Antok lang ako"
"Bakit? Puyat ka ba? Ikaw ah. Ano pang ginawa mo kagabi?"
Gusto ko siyang sumbatan kaso hindi ko magawa.
"Oh... Kumain ka na ba? Sabayan mo na ako" alok niya.
"Ahh, kumain na ako sa bahay eh. Tsaka ang dami ko pang gagawin."
"Ganon ba? Hmmm.... Sige, dinner na lang mamaya? Promise, hindi ako mag OOT tonight. Tayong dalawa lang, at walang iba. Okay ba?"
Siguro mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol kay Sophie. Pumayag ako kaagad at bumalik na ako sa table ko.
+++
Sabay na kami ni Sir Benj lumabas at napapansin ko na naman na pinagbubulungan kami ng mga kaofficemates ko, iba pala talaga kapag ikaw ang chinichismis.
Nakasakay na kami sa sasakyan niya at sinabi niyang dadalhin niya ako sa sweet restaurant na pinareserve niya.
Kaso....
Biglang may tumawag.
"Hello?" narinig kong sagot niya.
"Ha? Sige, nasaan kayo?"
"Sige, papunta na ako" bigla niya naman binaba yung tawag.
"Ano yon???" tanong ko. Medyo nagaalala kasi ako.
"Sandali lang ha? May pupuntahan lang tayo. Mabilis lang." sabi niya. Hindi ko na siya kinulit kasi mukhang nag aalala talaga siya.
Gulat ko na lang ng pumunta kami sa ospital at nagmamadali kaming umakyat. Halos di ko na masundan si Sir Benj sa bilis niyang maglakad. Buti na lang at napansin kong pumasok siya sa kwarto sa dulo.
Pagtingin ko kung sino, si Sophie na naman. Nakahiga at natutulog. Tanging nurse lang yung tao doon at mukhang may chinecheck.
"Ano pong nangyari?" tanong ni Sir Benj.
"She's okay now. Bumaba lang yung dugo niya at baka na food poisoned. Pero pinainom na namen siya ng gamot at okay naman na siya. Kayo po ba yung boyfriend na tinutukoy niya?"
"Kaibigan lang ako" sagot ni Sir Benj.
"Okay po Sir, aalis na po muna ako. Tawagin niyo na lang po ko kapag may problema" sabi nung nurse.
Nakakairita yung tanong ng nurse sa kanya kaya hindi ko pinansin yung pag smile niya sa'kin nung dumaan siya.
"Benj?" napansin kong nagising na si Sophie.
"Anong nangyari?" tanong ni Sir Benj.
"Ewan ko, biglang sumakit yung tyan ko at nahilo na lang ako dahil sa pansit na kinain ko kanina"
"Pansit? Kailan ka pa natutong kumain ng pansit?
"Hehe, sabi mo kasi gusto mong kumain ng pansit ehhh."
"Anong kinalaman non?"
Bago siya makasagot, napansin niya ako.
"Uy, nandito ka rin Ethan. Sorry, naistorbo pa kita" sabi niya. Ang bait ng aura niya, anghel masyado kaya hindi ko magawang magalit sa kanya.
"Hehe, okay lang" sagot ko.
"Ohh paano yan? Sino magbabantay sa'yo?" tanong ni Sir Benj.
"Sige, okay lang ako. Baka mamaya ilabas na rin ako. Okay naman na ako eh."
"Sure ka? Eh paano 'yan, gabi na?"
Seryoso, hindi ko alam kung bakit ko pinapanuod yung dalawang to. Ang hirap pala kapag wala ka talagang laban. Feeling ko kasi may kompetensiya na eh.
"Wait lang, lalabas lang ako saglit ha?" paalam ko. Hindi ko na hinintay yung sagot nila at lumabas na ako. Pero agad naman sumunod si Sir Benj.
"Hindi ka ba komportable? Sorry."
Deep inside, gusto ko ng magalit pero pinili kong ikalma sarili ko.
"Okay lang. So hindi na tayo tutuloy?"
"Wala kasi siyang pamilya rito eh."
"Gusto mo bang bantayan mo muna?" di'ba ang tanga tanga ko lang.
"Hindi."
"Eh sino magbabantay sa kanya?"
"Tatawagan ko na lang si Stephen. Tara na sa loob, magpaalam ka na. Aalis na tayo" bigla niyang sabi.
Pero wala na ako sa mood umalis. Pumasok na lang ako sa loob at nagpaalam saka ko bumaba. Hinintay ko na siyang bumaba kesa hintayin ko siya doon, siguradong masasaktan lang ako.
Inorasan ko siya, as in nag stop watch talaga ako at 12minutes and 36 seconds siya bago siya nakababa.
"Tara na?" alok niya na parang hindi siya aware na nasaktan ako sa ginawa niya.
"Uhm... Nagtext kasi si Mama, nagluto raw siya. Sa bahay na lang ako kakain at saka antok na rin ako eh. Next time na lang." pagsisinungaling ko na lang.
"Ganon ba? Sige, hahatid na lang kita sainyo"
Ngumiti lang ako at nagpahatid na ako sa bahay. Ang bigat bigat pa rin ng loob ko pero hindi ko pinapahalata sa kanya.
++++
Nakahiga lang ako sa kwarto ko ng biglang pumasok si mama na may dalang pagkain.
"Ohh, hindi ka pa raw nagdidinner ah? Dinalhan na kita" sabi ni mama. Bumangon ko at naupo sa kama.
"Magkaaway kayo ng Sir Benjamin mo no? Iba kasi aura mo pag pasok ng bahay eh"
"Hala, si mama."
"Sus, anak. Nanay mo ko, alam ko na ugali mo" sabi niya pa.
Nakakainis lang kasi totoo siya. Tapos nakakasira din ng mood yung sinusubuan niya ako ng pagkain, nagugutom na kasi ko eh.
"Anak, nararamdaman ko naman, noon pa, gusto ko na ikaw lang magsabi sa'kin."
Hindi ako sumagot at ngumunguya lang ako.
"Kapag may problema ka, pwede kang magshare sa'kin" sabi niya pa.
Siguro moment na rin to para makapagusap kami ng mga ganitong bagay.
Minsan, binibigyan tayo ng problema ni God para mapalapit tayo sa Pamilya natin.
"What if..... May doubt ka sa taong mahal mo?" tanong ko.
"Hmmm... Ganyan ako sa papa mo noon di'ba?"
"Ano bang ginawa niyo noon?"
"Nagpahinga lang ako. Kasi napagod na rin ako sa kanya eh, nahuhuli ko na siya eh kaya tumigil na ako. Ayoko na. May oras para magpakatanga at may oras din para bigyan mo ng respeto sarili mo"
"Ehh bakit ngayon? Bumalik siya tapos tinanggap niyo uli?"
"Wala naman akong ibang minahal, anak. Papa mo lang. Siya lang, at nung bumalik siya, bumalik din naman lahat ng saya nameng dalawa."
"Pero paano yung ginawa niya sa'yo noon?"
"Mas marami pa rin yung mga panahong masaya kaming dalawa, kesa sa nangyari noon."
Ngayon ko lang narealize, ang tapang ni mama para harapin yung mga ganong bagay.
"Kaya ikaw...." pahabol pa niya. "Kung may doubt kay kay Benjamin, tanong mo sa sarili mo, 'worth it ba yung sakit?' o kaya 'magiging masaya ba ako sa magiging desisyon ko?', palagi mo pa rin iisipin sarili mo. O kaya, ang sabi nila, when in doubt, just ask. Ask him kung ano ba talagang problema niyo di'ba?"
Napapangiti ako sa advice ni mama. Feeling ko talaga na may nanay ako ng mga oras na 'to.
"Thank you, Ma" sabi ko.
"Ubusin mo na 'yang pagkain mo tapos ibaba mo na lang!"
"Hehe, ayoko na ma."
"Osige" kinuha na niya yung pagkain at tumayo palabas.
Humiga na ako uli at biglang tumawag si Sir Benj sa'kin. Hindi ko na muna sinagot, at nagtext na lang siya.
"Nasa bahay na po ako 😊" text niya. Hindi pa rin ako nagreply.
"Tulog ka na kaagad? 😭"
Hindi ko uli nireplayan.
"Sige, I'll sleep na rin. Goodnight, 😙😙😙 I love you"
Dati, kinikilig ako kapag sinasabihan niya ako ng ganyan pero ngayon, naiiyak na lang ako. Kasi nagsisinungaling na siya, niloloko pa niya ako. Kung umarte pa siya, parang hindi niya alam yung makakasakit sa'kin o hindi.
Tinulog ko na lang yung nararamdaman ko, atleast doon, mababawasan yung sakit. Kahit konti.
++++
Nakipagkita ako kay Jaycee para icelebrate na rin namen yung birthday niya ng kaming dalawa lang. Asusual, sa Mozu kaming dalawa at umorder ng alak at pagkain, libre niya lahat.
"So yung babae pala sa party si Sophie" sabi ni Jaycee.
"Bakit naman ininvite ni Stephen yon?"
"Uy, nagalit din ako kay Stephen kaso ang sabi niya hindi raw niya ininvite yon"
"Talaga?"
"Oo, pero ang sabi ni Stephen, dapat daw magkikita sila nung Sophie, hindi lang magkatagpo ng sched kaya siguro pumunta na lang sa condo"
"Nagkataon na nandoon kami ni Sir Benj?"
"Ay bes, stress. Ayoko mag isip. Nandito tayo para mag enjoy. Go, make landi to everyone na dadaan, you deserve it. Gantihan mo yang manloloko mong boss!"
"Ayokong gumanti, at saka.... Basta, ayoko"
"Eh paano kung sa kanya ka magkakasala?" biglang nguso ni Jaycee sa likod ko. Paglingon ko, nandoon si Sir Jack at palapit samen.
"Bakit mo naman pinapunta?" sabi ko.
"No! Date nating dalawa to, nagkataon lang yan" sabi ni Jaycee.
"Uy, anong meron? Bakit ang daming alak?" tanong ni Sir Jack.
"Trip lang po namen. Tara, samahan niyo po kami." sagot ni Jaycee. Tumingin lang ako sa kanya ng masama pero naupo naman si Sir Jack.
"Akala ko dahil nung isang araw" sabi bigla ni Sir Jack.
"Nako, Team Jack na ako ngayon. Buti pa siya, loyal at nagsasabi ng totoo!" sabi ni Jaycee. Natawa naman si Sir Jack pero ako namula sa hiya. Sinipa ko na lang siya sa ilalim ng lamesa.
Nagsimula na kami mag inom hanggang sa maubos namen yung tatlong bucket. Naka dalawang bote lang ako kasi mahina ako uminom.
+
Lasing na si Jaycee pero si Sir Jack, matino pa rin. Maya maya, napansin kong parating si Stephen dito sa'min. Asusual, naka boxer at sando lang siya. Kahit ganoon yung suot niya, bagay sa kanya. Hindi gusgusin tignan.
"Nako, naglasing na naman. Mahirap na naman patulugin to mamaya" sabi niya.
"Haha, ayan, diretso ng kama yan" sabi ko.
"Kapag gising to eh damay ako, ang ingay eh haha. Sabi niya kayong dalawa lang ah? Bakit nandito si Zach?"
"Nagkataon lang pre."
"Ay sht, nakalimutan ko pre, monthsarry niyo pala dapat ni ano..."
"Okay lang pre, hehe"
Monthsarry nino,? Ng ex niya?
"Oh paano, iuuwi ko na tong isang to" sabi pa ni Stephen.
"Sige, mag ingat kayo ah"
"Sure, ang dami na namang nainom, kagabi rin lasing to eh"
"Kagabi? Naginom kayo ni Jaycee?"tanong ko.
"Oo, ang dami nga rin eh. Pati ako nalasing"
"Lasing ka kagabi? Hindi ka umalis?"
"Huh? Saan naman ako pupunta?"
So, nagsinungaling uli sa'kin si Sir Benj. Sigurado akong hinatid niya si Sophie pauwi.
Nagpaalam na yung dalawa at naiwan na kami ni Sir Jack doon.
"Sino yung tinutukoy ni Stephen?" tanong ko kay Sir Jack.
"Ay wala yon, yung nangiwan sakin na ex ko haha. Wala na yon, promise"
"Oo nakwento mo nga sa'kin na iniwan ka niya"
"Oo pero... Naka move on na ako..."
"We? Haha, cinecelebrate mo pa nga ehhh"
"No, loko talaga yun si Stephen, wala lang yon. Haha, at saka hindi ako nasisinungaling sa'yo, ikaw talaga gusto ko" sabi niya pa.
Uminom lang uli siya ng alak.
"Nasaan si Benjamin?" tanong niya.
"Umuwi na 'daw'"
"Bakit may quote yung 'daw'? Haha"
"Wala. Hindi ko na alam. Parang ang hirap na niyang paniwalaan"
"Ethan, as much as I'm enjoying na hindi kayo okay ni Benjamin, ayoko pa rin nasasaktan ka. Diretsuhin mo na siya. Kausapin mo. Sabihin mong nakita mo yung mga nakita mo. Kaysa sa kinikimkim mo."
"Paano kung...."
"Paano kung iwan ka niya?"
Umoo ako.
"Okay ako maging rebound. Hanggang sa.... Matutunan mo na rin akong mahalin" sabi niya pa.
"Sir Jack....."
"I'm willing to wait. Don't worry, I'm not in a hurry." ngumiti siya sa'kin uli at uminom ng alak
Naiisip ko minsan, what if si Sir Jack na lang? What if, sa kanya na lang ako nainlove katulad ng pagkainlove ko kay Sir Benj? Magiging masaya kaya ako? O mas masaya pa? Kasi siya, kitang kita ko yung efforts niya at mas nararamdaman ko ngayon yung pagmamahal niya.
"Hey, nagriring phone mo" sabi bigla ni Sir Jack. Si mama yung tumatawag kaya sinagot ko kaagad.
"Anak, please. Pumunta ka ngayon sa ospital. Please. Please..." naririnig kong iyak ng iyak si mama. Parang nawala lahat ng ininom ko.
"Ma! Anong nangyari?!"
Hindi ko siya maintindihan at isa lang pumasok sa isip ko.
Si Butchok.
Naiiyak na rin ako at napansin ni Sir Jack yon. Sinabi ko sa kanya agad at agad kaming tumakbo papunta sa sasakyan niya.
++
Pag punta namen ng ospital, umakyat kaagad ako sa tinext na kwarto ni mama at Thank God, naka upo sa Butchok sa gilid at naglalaro lang. Si mama naman umiiyak pa rin at yung naospital pala eh si papa.
Agad akong niyakap ni mama.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Si Ethan na ba yan?" narinig kong nagsalita si papa.
Lumapit ako at pinagmasdan ko siya.
Naawa ako sa kanya. Parang hinang hina na siya at parang pinipilit na lang niya magsalita para makausap ako.
"Halika anak." inabot niya kamay niya at hinawakan ko naman. Hindi naman ako naiiyak, pero naaawa ako.
"Galit ka pa rin ba sa papa mo?" tanong niya sa'kin.
Ayokong sumagot pero humigpit yung hawak niya sa'kin.
"Patawarin mo na ako, anak" hinang hina na siya at umiiyak na rin. This time, namumuo na yung luha sa mga mata ko.
"Huwag na po kayo magsalita...."
"Ethan..." bumubulong na siya kaya bahagya kong nilapit sa kanya yung tenga ko.
Pero bigla niyang tinaas yung dalawang kamay niya at niyakap ako.
"Sorry talaga anak. Kahit ngayon lang, kahit hindi mo talaga gusto, sabihin mo lang sa'kin na pinapatawad mo na ako" bulong niya.
Hirap na hirap na siya at naiiyak na ako.
"Opo.... Okay na po, pa" sabi ko naman.
"Anak, tandaan mo. Huwag kang magtanim ng galit sa ibang tao kasi ang galit, lumilipas yan. Pero kung paano mo tratuhin yung isang tao nung panahong galit ka, hinding hindi lilipas sa isip nila yon" bulong niya uli.
Tinignan ko siya at ngumiti siya sa'kin na parang gumaan yung loob niya.
"Sinabi sa'kin ng mama mo yung problema mo, sayang lang anak..... Gusto ko sana marinig ng galing sayo lahat ng yon"
Hinang hina talaga siya at halos bumubulong na lang siya.
"Tandaan mo, mahal kita anak kahit ano ka pa. Mahal ka ng papa mo."
May ibang kurot sa puso ko nung sinabi niya yon. Hindi pa rin niya binibitawan kamay ko.
"Bantayan mo sila, Ethan.... Hindi ko na kaya. Salamat at pinatawad mo na ako"
"Pa, ano ba yang sinasabi mo!!"
"Hindi ko na talaga kaya. Sumusuko na katawan ko sa'kin, hinintay lang kita dahil ayokong umalis na galit ka sa'kin"
Umiiyak si papa. Pero nakangiti siya.
Maya maya, napapikit na lang siya at hindi na humihinga.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top