Part 40

Hindi ako komportable sa nangyayari. Magkasama kami ngayon ni Sophie, sa kusina, kumukuha ng yelo at kinakausap niya ako na parang close na close kaming dalawa. Siguro kung alam niya lang ang lahat, baka pinagsasampal na ako neto.




"Actually, nakita kita na nagmamadali pababa ng elevator ehhh." bigla niyang sabi.




"Ahh... Hehe...."


"Gaano ka na katagal nagwowork kay Benjamin?"



"Huh???"

"Uyyy, sorry, parang ang feeling close ko sa'yo. Parang hindi ko komportable, I'm sorry. Sige, tatahimik na lang muna ako hehe" kahit anong gawin niya, sobrang ganda niya pa rin.




"Sorry.... Medyo nakainom lang ako." sabi ko na lang.



"Oh, I see. Well, na late kasi ako. Sayang, gusto ko pa naman sumali sa inuman"



Ayoko na talaga siyang kausap. Sobrang nakaka intimidate sa kagandahan.



Iniisip ko lang kung paano haharapin ni Sir Benj si Sophie ngayong magkasama na sila sa iisang kwarto.



Bumalik kami ni Sophie sa kwarto pero wala na doon si Sir Benj. Hahanapin ko sana siya kaso biglang nagsalita si Sophie.



"Siguro galit pa rin sa'kin si Benjamin."




Seryoso, ayoko na siyang kausap kaso parang gusto niyang magdrama at siguro oras na 'to para malaman ko yung totoo at galing mismo sa kanya.




"Bakit naman? May.... Past ba kayo?" tanong ko.



"Hehe, ex boyfriend ko si Benjamin, kaso I chose career over him, well that's what I told him."



"Huh?"



"You know...." bigla siyang napatawa "... Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa'yo to eh hehe"



"Okay lang, usapang lasing." sabi ko.



"Well, okay.... I went to US to look for someone.... Someone special kay Benjamin." bigla niyang sabi.



Shet, sino naman kaya yon?!



Mukhang sasabihin na niya sa'kin ng biglang pumasok si Stephen sa kwarto, pulang pula na katawan niya dahil sa alak.



"Sophie! Parang hindi mo pa ako niyayakap!" sabi ni Stephen at mukhang lasing na lasing na siya! Bwisit!! May sinasabi si Sophie kaso binitin ni Stephen!!




"Ethan, beybe! Halika nga rito ex crush!" bigla naman akong niyakap ni Stephen at parang lasing na lasing na siya.



"Huyy... Stephen" tulak ko sa kanya.



"Taray mo naman! Pagsibahan mo nga yang bestfriend mo! Lumalandi na naman!" inis niyang sabi.



Napansin kong wala na rin si Sophie sa kwarto.



"Ehh bakit kasi ayaw mo pang umamin. Halata naman na may gusto ka sakanya!"



"Shhhhh.... Huwag kang maingay! Hayaan mo siya! Hindi ako naghahabol! Ako dapat habulin niya!"



"Hay nako, bahala ka." palabas na ako ng kwarto ng pigilan ako ni Stephen. Ayokong lumapit kay Stephen ng ganito kalagayan niya, lasing at medyo nagiinit. Mukhang mapusok kasi talaga tong lalaking to eh.




"Stephen, ano ba...."



"Hinihintay ka ni Benj sa baba. Nasa sasakyan na raw siya, ayaw niya daw na naiilang ka" biglang sabi ni Stephen. Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi niya. Kaya naman palabas na ako ng condo non.



"Bes, uuwi ka na?" tanong ni Jaycee.



"Oo bes. Celebrate tayo ng tayong dalawa lang ha? Hehe."



"Sige bes," niyakap lang niya ako at bumaba na ako at pumunta sa sasakyan ni Sir Benj.



++++



"Bakit ka naman umalis?" tanong ko pagpasok ko sa sasakyan ni Sir Benj. Pero imbis na sumagot, hinalikan niya kaagad ako sa labi. Hiniga niya yung upuan ko at pumatong siya. Tinaas niya yung dalawang kamay ko at hindi ako makapalag. Masyadong mainit yung tagpo sa sasakyan pero nagpumiglas ako.




"Hindi ako makahinga" sabi ko, hinabol ko pag hinga ko nung inalis niya yung paghalik sa'kin.



"I'm sorry, nakaidlip ako paghiga ko, akala ko ikaw na yung nagaayos ng paa ko"



"Okay lang... Hindi mo kailangan mag sorry." sabi ko pa



Hindi siya sumagot at hinalikan ako uli.



"Tama na, nanggigigil ka na ehh"



"Hehe sorry, uwi na tayo?"


"Ako na mag ddrive, masakit paa mo eh"



"Akala ko hindi ka mag iinsist ehh hehe kaya mahal kita ehhh..." kinurot niya ako sa pisngi at nagpalit na kami ng pwesto at hinatid ko siya sa condo niya.




+++


Pag pasok ko kinabukasan, nakasalubong ko naman na palabas ng office ni Sir Benj si Sophie.



"Uy, Good Morning" binati niya ako ng masaya at umalis kaagad.



Dahil sa issue namen ni Sir Benj sa office, nagtinginan lahat ng ka officemates ko sa'kin. Sigurado akong pinagchichismisan na nila ako.



Hindi ako dumiretso sa office ni Sir Benj kasi hindi naman niya ako pinatawag kaya sa desk ko ako pumunta at saka namang chismis sa'kin ni Laura.




"Kanina pa sila sa loob. Ang aga pumasok ni Sir Benj di'ba? Aba, maaga rin si babae!"



Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.



"Tapos chismis na kaagad na break na raw kayo ni Sir Benj!" pahabol pa ni Laura.



"Hays... Ayoko muna pag usapan 'yan? Please?" sabi ko pa.



Lumipas yung oras na halos hindi ako tinext ni Sir Benj. Siguro busy lang talaga siya. Ayokong isipin na magkausap sila ni Sophie kasi ayoko naman saktan sarili ko.



+++


Pagka out ko, ang sabi ko kay Sir Benj eh uuwi na ako, sakto naman kasi may gagawin pa raw siya. Ayoko na sanang paghinalaan pero hindi mawala sa isip ko na baka magkikita lang sila ni Sophie, so hindi muna ako umuwi at hinintay na lumabas siya ng opisina.



Nagsuot ako ng sumbrero at shades at ng jacket para hindi ako halata, tumambay ako sa tapat habang kumakain ng chichiriya, sigurado naman akong walang makakakilala sa'kin dito.



"Ethan?" narinig kong tawag sa'kin sa gilid.




Pag tingin ko, si Sir Jack.



"Hindi ako si Ethan" sabi ko at binago ko ng bahagya boses ko.



"Hahaha, alam na alam ko korte mo! At saka bakit ka nakaganyan? Anong ginagawa mo?" tanong niya. Ayoko na sanang pansinin kaso tinanggal niya yung cap ko at nakita na nga niya ako.




"Oo na! Ako nga 'to!" sabi ko.


"Nag eespiya ka? Kanino??? Kay Benjamin?" tanong niya.



Guilty ako kaya hindi ako nakasagot.



"Sino ba kasi nag invite kay Sophie kagabi sa birthday ni Jaycee? Hindi naman ata siya invited" sabi ko.



"Baka may nagtext sa kanya na pumunta siya roon. At saka sabi ko nga sa'yo, kasama siya sa circle of friends namen"



"Ehh si Jaycee naman may Birthday! Tsk."



"Alam mo, ang cute mo mag selos. Nag disguise disguise ka pa ng ganyan!"




"Hindi ako nagdidisguise, nasa locker ko talaga tong mga damit na 'to, eh teka, bakit ka pala nandito?"




"Uhm... Bawal mag break? At isa pa, gusto ko kayang tumatambay dito. Nakikita ko mga empleyado."



"Nag eenjoy ka sa ganon? Nakikita mo mga empleyado?"



"Hindi.... Actually ngayon ko lang naging favorite dito kasi nandito ka, gusto kitang nakikita eh"



Nahihiya talaga ako kapag ganito si Sir Jack sa'kin. Napapangiti rin kasi ako ng hindi ko namamalayan.



Buti na lang tumahimik siya at alam ko kung bakit, nakatingin siya sa palabas ng office at nakita ko si Sir Benj na naglalakad. Nasa tapat lang yung sasakyan niya at pumasok na siya roon.



"Siguro gusto mo malaman kung saan siya pupunta ano?" biglang sabi ni Sir Jack.



Hindi ako sumagot.



Nagstart na siya ng sasakyan niya at nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Sir Jack papunta sa sasakyan niya.



"Sundan natin!" sabi niya.



"Bakit pa?"



"Well, may doubt ka eh. At isa pa, ayokong nahihirapan ka. Para kung wala naman talaga siyang ginagawa, edi makakatulog ka ng mahimbing."



Hindi na siya naghintay ng sagot ko at sumakay na ako sa sasakyan niya. Napansin kong nagsimula ng mag drive si Sir Benj at agad naman sumunod si Sir Jack.


+


"Wala bang idea si Sophie?" tanong ko.



"Sa tingin ko wala."



"Wala kang sinabi?"



"Ofcourse, bakit ko naman sasabihin? Secret niyo ni Benjamin yon."



"Thank you."



"Well, everything for you." sabi niya pa. Medyo awkward na naman at natahimik ako.



Maya maya, nahinto yung sasakyan ni Sir Benj sa isang coffee shop. Hindi kami lumapit ni Sir Jack doon at naghintay kami sa galaw ni Sir Benj.



Maya maya, bumaba siya at pumasok. Bumaba rin ako para sumilip at hindi ko talaga inaasahan na makita ko si Sir Benj na kasama si Sophie. Oo, si Sophie yon at magkasama silang dalawa ngayon.




Parang may kurot sa puso ko nung nakita ko sila. Ang saya pa ni Sir Benj, nagkekwentuhan silang dalawa at nagtatawanan.



"Ethan...." alalay sa'kin ni Sir Jack.



Bigla na lang akong naiyak. Kahit man lang sabihin niya sa'kin na makikipagkita siya kay Sophie, hindi niya nagawa.



Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya. Nakita kong napansin niyang may tumawag sa phone niya, kinuha niya at lumabas siya para sagutin.




"Ethan, honey!" bungad niya.



Pinipigilan ko sarili ko na marinig niya akong umiiyak.



"Uy, nasaan ka na? Hindi ka nagtetext ah" sabi ko.



"Ahhh.... Hehe, nasa office pa ako. Baka mamaya pa ako makakauwi."



Nagsisinungaling siya at this time, siguradong sigurado ako.



"Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain sainyo?" tanong niya



"Ahhh., hindi na, matutulog na rin ako hehe. Sige na, goodnight na" binaba ko na kaagad yung tawag at mas lalo na akong naiyak. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin sa'kin to!




Hindi pa siya pumapasok sa loob at mukhang nagtetext siya. Maya maya, narecieve ko yon.



"Goodnight, I know you're tired. I love you. 😙 see you tomorrow!"



Ang hirap paniwalaan ng I love you niya.



Maya maya, pumasok na uli siya at nakipagkwentuhan kay Sophie. Parang hindi ko kayang makita yun kaya umalis na kami kaagad ni Sir Jack.



"Sorry, sana pala hindi na lang natin sinundan. Sorry, Ethan. Ihahatid na lang kita sainyo" sabi ni Sir Jack.



Pero hindi ako natigil sa pag iyak.



Bumalik na naman ako sa moment na "akala ko siya na pero akala ko lang pala"



"Pwede ba tayong uminom?" sabi ko sakanya.

Nakikita ko naman na naaawa sa'kin si Sir Jack pero umoo lang siya at pumunta kaming dalawa sa Novaliches, food park.



Umorder ako kaagad ng isang bucket na red horse at pulutan at tinungga yung isang bote.




"Dahan dahan lang!" hablot ni Sir Jack sa'kin ng bote.



"Please, ngayon lang to"



"Hindi mo naman kailangan uminom eh. Bakit hindi ka nalang umuwi? Magpahinga?"



Pero parang hindi ko siya naririnig. Kahit ang saya ng tugtugan, naiiyak pa rin ako.



Andon na kasi ako sa stage na mahal ko si Sir Benj, hindi lang basta gusto, talagang mahal ko na siya. Yung tipong naiisip ko na yung future ko. Yung gusto kong makasama.




Bigla namang tumabi sa'kin si Sir Jack at inakbayan ako. At nung mga oras na yon, ayun lang ang kailangan ko kaya umiyak ako sa balikat niya.



"Huwag ka ng umiyak, Ethan. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan"



Pero mas lumakas pa yung iyak ko, naramdaman ko ring humigpit yung yakap niya saken at unti unti ng gumagaan pakiramdam ko.



Nung inalis ko yung mukha ko sa may dibdib niya, napansin kong umiiyak din si Sir Jack.


"Ikaw ba yung heartbroken? O ako? Bakit ka naman umiiyak diyan?" biro ko pa sabay punas ng mga luha ko.




"Ayoko kasing umiiyak ka ng dahil sa ganyang bagay. Nalulungkot ako kasi kung ako kay Benjamin, hinding hindi ko magagawa sa'yo yon"



Yung iyak ni Sir Jack, parang pinipigilan niya yung pagtulo ng luha niya pero hindi niya magawa.



"Kaibigan ko si Benjamin kaya nagparaya ako. At alam kong mahal mo siya Ethan pero....... Hindi ko kayang makita kang ganyan."




Ramdam na ramdam ko si Sir Benj ngayon, at hindi ko naman alam kung anong gagawin ko para tumahan siya.



Maya maya, bigla siyang ngumiti at nagpunas ng luha niya at uminom ng alak.



"Kasalanan ko rin eh, sana hindi na natin sila sinundan edi sana hindi mo nakita." sabi niya pa.



"Ang panget naman non!"



"Ethan, What you don't know won't hurt you"



Pinasink in ko muna sa'kin yung sinabi niya.



"Sana nga hindi ko na lang nakita na sobrang nasaktan ka kasi mas nakita ko na mahal mo talaga si Benjamin at parang pinamukha mo na wala talaga akong pag asa sa'yo"




"Sir Jack, sorry...."



"You don't have to. Kasalanan ko na I fell inlove with you. I thought na kapag lumapit ako sa pamilya mo noon, mapapansin mo ko. But It turns out, masyado ng malalim yung feelings mo about kay Benjamin"



Inagawan naman ako ng moment neto ni Sir Jack.



"I really like you, Ethan.... No, I love you Ethan. I just want you to know that"



Natahimik na naman ako at napainom na lang ng alak.



Medyo tahimik lang yung gabi namen ni Sir Jack at inubos lang namen yung isang bucket at umalis na rin kami kaagad.



Pag sakay ko sa sasakyan niya, tahimik lang kami. Nakaupo at walang sinasabi.



"Kaya mo pa bang mag drive? Gusto mo ako na lang?" tanong ko.



Pero hindi siya sumagot.



Hinawakan niya lang yung kamay ko at humarap siya sa'kin.



Nagkatitigan kaming dalawa at naalala ko kung paano ako nagkacrush kay Sir Jack noon, ang funny kasi niya kasama, medyo korny pero mabenta naman. Ang seryoso ng mukha niya, mas gwapo kasi siya kapag nakangiti.



Dahan dahan siyang lumapit sa'kin. Yung mukha niya, palapit na palapit. Hindi niya inaalis yung titig niya sa'kin



Sobrang lapit na kaya napapaurong ako sa kinauupuan ko.




Nararamdaman ko na yung paghinga niya sa labi ko. Sobrang lapit na ng mukha namen.



Pero nahinto kami ng biglang nag ring yung phone ko, si Sir Benj tumatawag!



"Hello" sagot ko kaagad. Umalis naman si Sir Jack at naupo uli ng maayos.



"Nasa bahay na ako. Akala ko tulog ka na?"



"Ahhh....." napatingin ako kay Sir Jack, sasabihin ko ba yung totoo?



"Mukhang antok na antok ka na, sige po. Matutulog na rin ako" ayun na lang sinabi niya.




"Ahhh... Sige..." sagot ko.



"I love you, alam mo yan di'ba? I love you. Mwaaaaaaaaah"



Hindi ako sumagot. Bigla ko na lang binaba yung tawag kasi naiiyak na naman ako. Hindi ko nalang pinakita kay Sir Jack pero siguradong nakita niya.



Maya maya, umandar na yung sasakyan.



"Ethan?"



"Po?" tanong ko. Nakatingin lang sa daanan si Sir Jack.




"Don't settle with someone na hindi nakikita worth. I'm here, hindi kita paiiyakin ng ganyan. Paiiyakin lang kita sa sobrang kasiyahan. Wala akong ibang gagawin kundi mapasaya ka. Remember that"



Napatingin lang ako sa kanya at wala ulit nasabi.



++++++++


VOTE AND COMMENTS!!!!!!!


I Just wanna thank everyone na bumoto# thank you po!!!! 😊😊😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top