Part 4


"Bes, anong inaarte arte mo diyan?! Pucha kung ako pa nasa kalagayan mo hindi na ako mag iinarte!"

Nag iinuman kaming dalawa ni Jaycee sa Morato. Mahilig kasi kami mag inom sa mga 'di pa namen napupuntahan.

"Syempre boss ko 'yon!" sabi ko.

"Ang arte mo! Magpapanggap lang naman kayo eh!"

"Eh paano kung may mainlove?"

"Gaga! Straight 'yon! Straight! May girlfriend nga sabi mo di'ba? Ikaw lang may possibility na mainlove!"

"Ayun nga eh! Paano kung ako mainlove?!"

"Hindi 'yan! Ako ang guide mo!"

"Bakit ba gustong gusto mong ituloy ko 'to?"

"Makinig ka bes, bibigyan kita ng mga dahilan. Una, kasi yummy siya. Yung mga ganyang pagkakataon, hindi na hinihindian 'yan!

Pangalawa, magkakaroon tayo ng access sa mga friends niya! Hello, kung ganyan itsura mo edi di malayong ganyan din itsura ng mga kinakaibigan niya.

Pangatlo, wala kang magagawa, boss mo siya!"

Sa tatlong sinabi niya, yung pangatlo ang totoo. Wala akong magagawa talaga kasi boss ko siya.

"Hay nako bes, pwede ka naman mag resign kaso hello, 1 week ka pa lang? Ang pangit sa record nun!" paalala pa ni Jaycee.

"Wala akong balak mag resign!"

"Edi ituloy mo na! Shet, nakaka excite!"

"Parang may binabalak ka talaga bes!!" sabi ko.

"Gaga, gusto ko lang makalimutan mo na si Bill!"

"Bill pa rin?! Naka move on na ako bes! Tantanan mo na ako diyan sa Bill na 'yan!"

Hala siya, biglang pumasok sa isip ko lahat ng memories ko with Bill. 3 years din kaming dalawa kaso in the end narealize niya kasi na babae ang gusto niya. Hinanda ko naman sarili ko sa mga ganung pangyayari kaso syempre nalungkot din ako ng sobra.

"Oh di'ba, apektado ka pa! Tigilan mo ko bes! It's about time para maghanap ka na ng iba! Go have fun! Hindi yung palagi na lang ako yung dine date mo!"

"Ayaw mo ba?!"
  

"Syempre gusto! Libre mo palagi eh!"

"Haha leche!"

Habang nagtatawanan kaming dalawa ni Jaycee, may lumapit na waiter samen at naglapag ng sisig sa lamesa namen.

"Uhm... Hindi po kami nag order?" sabi ko.

"Pinapabigay po sir nung mga nasa table na 'yon!" sabay turo nung waiter sa lalaking dalawa na nakasuot ng white tshirt. Kilala ko 'to eh!

Sila Sir Miggy at Cielo.

Umalis na yung waiter.

"Bes, sila 'yon! Yung kailangan ni Sir Benj para mapromote! Sila 'yon!" sabi ko kay Jaycee.

"O.M.G, paano 'to? Baka isipin niya na may something sateng dalawa!"

"Teka, lalapitan ko sila! Mamaya mapahamak pa si Sir Benj!"

Tumayo ako at nag hi sakanila.

"Bakit ikaw lang mag isa?" tanong ni sir Miggy.

Ngayon ko lang napansin na bagay na bagay silang dalawa. Talagang relationship goals sila at mukhang matagal na silang nagsasama!

"Hala, myloves, 'wag mo ng tanungin mamaya magkaaway lang sila!" sabi ni sir Cielo.

Ang cute naman ng tawagan nila, myloves!!!

"Sorry, Ethan. Dito na kayo ng kaibigan mo. Samahan niyo kami!"

"Ahhh. Hindi na po, nakakahiya."

"Sige sige, enjoy kayong dalawa ng kaibigan mo" sabi niya pa.

Bumalik na ako kay Jaycee.

"Anong sabi bes?"

"Pinapaupo tayo dun kaso sabi ko 'wag na."

"Aba dapat lang, dapat umalis na tayo rito at mamaya isipin pa nun mag jowa tayo! Nakakadiri!"

"Tama! Pero maya maya konti, baka isipin nila aalis tayo kasi nalaman natin na nandito sila!"

"Ay tama ka diyan bes, mga 5 minutes tapos kunwari may tatawag saken tapos lalabas ako tapos babalik ako tapos yayayain kitang umuwi tapos kakaway ka sakanila na pauwi ka na! Ganun ha?" sabi pa ni Jaycee.


"Mukhang sanay na sanay ka sa mga ganitong scenario ah?!"

"Oo, kapag may blind dates ako eh ganun ginagawa ko haha!"

Kaya ganun na nga yung plano. Kinain na muna namen yung sisig na binigay samen. Pero may tumatawag saken bigla.

Si Sir Benj.

 

"Never akong tinawagan neto!" sabi ko.

"Pwes, tinawagan ka na niya. Sagutin mo, mamaya importante!"

Tumayo muna ako at lumabas para tahimik lang.


"Magkasama kayo nila Mr. Herrera sa isang bar?!" ayan ang bungad ni Sir Benj saken.
 

"Paano mo nalaman?"

"Magkausap kami ngayon ngayon lang. Ang sabi may kasama ka raw lalaki! Jusko naman nakalimutan mo bang nagpapanggap tayong dalawa?"

"Aba sir, pasensiya na...."

"Where are you?"

Sht.

"Po?"

"Nasaang bar kayo, pupuntahan ko kayo!"

"Paalis na rin kami sir."

"Nonsense, pupuntahan kita. Mamaya isipin pa nun pinapabayaan kita!"

What? Sinabi niya talaga 'yon?

"Ethan James Aguilar nasaan ka?!"

"Ahhh... Nasa morato po"

"Malaki ang morato!"

Ano ba 'tong boss ko. Nakakagulat! Sinabi ko kung saan ako eksakto.

"Stay there. I'm on my way naman na, I'll be there in.... 15minutes, 'Wag kang aalis hanggat di ako nakakarating!"

"Pero sir..." busy na. Pinutol na niya yung tawag!


Pumasok ako sa loob at nakita ko sila Sir Miggy at Cielo na naglalandian. May binubulong si Sir Cielo tapos tumatawa naman si Sir Miggy, tapos nakita ko pang hinalikan ni Sir Cielo si Miggy sa pisngi.

Yung kaba ko, napalitan ng ngiti.

May forever at patunay sila Sir Miggy at Cielo dun.

"Bes, focus! Pupunta boss mo dito? Si suplado?!" tanong ni Jaycee.

"Oo, 15minutes daw nandito na siya!"

"Ay shet!" bigla siyang tumayo bitbit gamit niya.

"Bes, 'Wag mo kong iwan!"

"Gaga bes, mag reretouch lang ako!"

"Ay."

"Darating si suplado dapat fresh. Diyan ka na muna!" biglang nag CR si Jaycee at naiwan ako dun.

Sumilip ako sakanilang dalawa sa likod, mukhang wala pa rin silang balak na umalis. At 5mins na nung makalipas nung tumawag si Sir Benj.

Sa sobrang kaba ko, napainom ako ng beer. Hindi pa naman ako pala inom pero naiistress ako!

++

Nakaayos na si Jaycee, nagpalit pa ng damit ang loko!

Tapos maya maya, may humawak sa braso ko at pagtingala ko, si Sir Benj na!

"Don't act surprise. Halikan mo ko sa cheeks ko ngayon na!" sabi niya.


"Po?"

Ang ingay sa bar pero narinig ko siya.

"Tumayo ka. Yakapin mo ko tapos halikan mo ko sa pisngi ko."

"Sir..."

"Please, Ethan!"

Yung expression ni Jaycee mukhang naiinggit na natatawa samen.

Tumayo na nga ako at niyakap ko siya. Nakita ko naman na nakangiti sila Sir Miggy at Cielo samen tapos hinalikan ko siya sa pisngi.

Nagkaharap yung mukha nameng dalawa sabay ngumiti siya saken at nagpasalamat.

"Umorder na ba kayong dalawa?" tanong ni Sir Benj.

"Yes Sir Benjamin, umiinom ka ba?" fvck, si Jaycee pa sumagot.

"Is he your real partner?" tanong ni Sir Benj saken.

"Ay no sir. No, a big NO. N.O NO! we're just buddies, you know, bff." sagot ni Jaycee.

"Well, sana ganyan pa rin tingin nila Sir Miggy at Cielo!"

Hindi talaga ako pinagsasalita ni Jaycee.

"Don't worry sir, I'm like a fake phone!"

"Fake phone?"

"Yeah, dual sim sa fake phone, dual identity naman saken. I can be straight if you want or gay ocassionally pero your pick, ano pong gusto niyo?" tanong niya.

Fvxk, ano ba 'tong pinagsasasabi ni Jaycee kay Sir Benj?!

"I want you to act normal!"

"But I'm abnormal sir!"

"What?!"

"Uhm, sir.... I don't wanna interrupt our beautiful discussion pero tumayo po yung boss niyo at mukhang palapit dito saten!" sabi ni Jaycee. Siya kasi nakakakita ng pwesto nilang dalawa samantalang kami eh nakatalikod.

"Okay, you!...." sabay turo kay Jaycee. "...act straight! And you, Ethan, act as my honey!" bigla niya akong inakbayan at nagsimulang tumawa pero alam kong peke lang 'yon.

Bigla naman akong hinawakan sa buhok ni Sir Benj at sinimulan niyang masaihin 'yon.

"Hey hey hey!!" biglang sabi nila Sir Miggy at Cielo sa likuran.

"Hey, Sir!" tumayo naman si Sir Benj at nakipagkamay sakanila. Tumayo rin ako at nagulat ako ng hawakan ni Sir Benj kamay ko.

Fvck, ang lambot!

"Akala tuloy namen magkaaway kayong dalawa!" sabi ni Sir Miggy.

Fvck, chismoso rin pala 'tong dalawang 'to.

"Konting tampuhan lang po, pero hindi ko matitiis 'tong honey ko!" sabay kurot sa pwetan ko ni Sir Benj.

Nagtawanan naman silang tatlo.

"Sana kanina ka pa dumating, Benjamin para nakapag inom pa tayo!" magkaakbay si Sir Cielo at Miggy habang kinakausap kami.

Bigla naman akong hinawakan ni Sir Benj sa bewang ko at dinikit niya sakanya. Fvck, ano ba 'to sir Benj! Stop please! Sobrang nadadala ako!


"Oh, tara sir! Shot muna tayo!" sabi ni Sir Benj.

"No, uuwi na kami at medyo tinamaan na kaming dalawa hehe."

"Sayang naman sir,"

"Well, if you want, i-arrange natin yung proper dinner at pwede mo na rin isama yung proposal mo sa work, if you want!"

Napahigpit yung hawak ni Sir Benj saken.

"Ofcourse, sir! Gusto namen 'yan!"

"Good! Uhm.... Friday night, nextweek?"

"Friday night sounds good"

"Okay. So mauna na kami, enjoy your night both of you!"

"We will sir, eto pang honey kong 'to. Every moment with him is really worth it" tumingin siya saken ng nakangiti at talagang nakangiti. Alam ko kasi yung pekeng ngiti sa hindi.

Masaya talaga siya ngayon.

"Haha, mas masaya rin kung sa private!" sabi ni sir Cielo.

"Oh yes, Sir! Sobrang saya talaga!" sabay palo sa pwetan ko.

"Haha, okay. Aalis na talaga kami! Bye!" paalam nilang dalawa at naiwan naman kaming tatlo 'don. Hinintay lang namen na makaalis yung sasakyan nila hanggang sa bitawan na ako ni Sir Benj.

"Pwede ka naman ng friday night di'ba?"

From 'super sweet fake boyfriend' to 'suplado' real quick.
 

"I don't know sir...."

"Good, then friday night ako na ka date mo! That's a week from now, buy new clothes okay? Color black or blue, kahit ano sa dalawa. Inform mo ko kasi balak ko parehas tayo ng kulay!"


"Sir Benj?"

"Please, Ethan. Just call me Benjamin pag sa labas ng office."

"Uhm, Benj?"

"If this is about our setup, please just go with it, ayokong sabihin na 'babayaran kita sa gagawin natin' kasi mamaya ma offend ka, pero if kailangan, gagawin ko pumayag ka lang!"

Hindi ko talaga mawari ugali ng lalaking 'to.

At for a moment, habang magkatinginan kaming dalawa, parang nakita ko na kailangang kailangan niya ako. Yung tipong kapag humindi ako sa gusto niya, madidisappoint siya.

"Sige sir, in one condition" sabi ko.

"Anything"

"Kayo magbayad ng bibilhin kong damit." sabi ko.

Ngumiti naman siya at pumayag.

"Good." sabi ko.

"So, I'm your Super hot fake boyfriend?" tanong niya sabay ngiti, natawa rin siya sa sinabi niya eh.

"Fake boyfriend lang"

"Don't you think I'm hot?" lumapit siya ng tingin saken na parang inaakit ako.

From 'suplado' to 'seductive' real quick!


"Uhm.... 'Wag niyo po sanang abusuhin yung pagkakaroon ko ng attraction sa mga lalaki" sabi ko.

"Ahahaha I'm sorry." tumawa lang siya at uminom ng beer. Yung hindi pa namen naiinuman ni Jaycee.

"Kailangan ko ng assurance. Ano, Ethan?"

"Pwede po bang mag ask kayo ng formal?" tanong ko.

"Are you serious?"

"Joke lang sir!"

Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Dalawang kamay. Tinignan niya ako sa mata.

"Can I be your fake boyfriend, Ethan?" sabi niya.

Bakit kasi fake lang?!

"Yes, Sir Benj."

"Don't call me Sir Benj, I'm your honey now!"

Hindi na lang ako sumagot dun at umoo na lang ako. Maya maya, umalis na si Sir Benj at naiwan na lang kaming dalawa ni Jaycee 'don.

"Ang ganda mo bes!" sabi niya saken.

"Ewan ko sa'yo!

"Goodluck lang. Sana hindi ka mainlove, mukhang magaling manloko yung mga ganung tipo eh!" sabi ni Jaycee.

Totoo, mukhang ganun yung tipo ni Sir Benj eh.,

"Don't worry bes, Hindi ako maiinlove" sabi ko pa sabay inom ng alak.

+++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top