Part 39
Nung makita ko si Sophie para akong nagising. Ang layo ko kumpara sa kanya. Kahit siguro naging gwapo ako eh malayo pa rin yung agwat namen ni Sophie. Ganon siya kaganda.
Gusto ko sana siya makausap kaso ano naman sasabihin ko? At bakit siya nandito? Makikipagkita kaya siya kay Sir Benj? Buti na lang pala at wala si Sir Benj dito.
Pagbalik ko sa office, dumiretso ako sa table ko at kahit anong gawin ko, hindi ako makapag focus.
++
Pumunta naman si Sir Jack sa office bago ako makapag out.
"Binigay mo kay Sophie yung report mo? Anong sabi niya sa'yo?" bigla niyang sabi.
"Po? Wala naman.... Hindi ko naman alam na siya 'yon"
"I see. Hindi ko rin naman sinabi yung tungkol sainyo ni Benjamin."
"Ehh.... Alam na ba niya?" tanong ko.
"I don't know. It's not my relationship to brag about. Kayo lang may karapatan magkalat ng tungkol sainyo."
So hindi pala sinasabi ni Sir Jack. Mabuti naman.
"I guess.... Interested si Sophie sa offer ko sa'yo. Sabi niya, siya na lang daw aalis hehe"
"Sige po, sa kanya na lang po Sir."
"I'll wait until the last second na humindi ka then sa kanya na yung offer. Ikaw naman gusto ko makasama doon, hindi siya"
"Sorry..., peroo hindi talaga ako aalis...."
"I know, hindi ko alam kung bakit pa ako umaasa sa'yo when in fact, kitang kita naman na wala akong pag asa"
Hindi ko alam kung anong nagawa ko para mainlove sa'kin ng ganito si Sir Jack.
"I guess, aalis na ako. I miss you, Ethan. Yung bonding natin noon. Sana pala hindi ko na lang sinabi nararamdaman ko sa'yo" ngumiti lang siya at umalis na.
"So.... Totoo nga?" nagulat ako akala ko ako na lang tao sa office pero nandoon pa pala si Laura.
"Laura."
"Nung una ayokong maniwala eh pero now I know, totoo ngang ikaw dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa'kin si Jack"
Shet.
"Laura...."
"Nabasa ko texts niya sa'yo. Don't worry, hindi ako galit sa'yo, magagalit lang ako kung lumalandi ka rin sakanya but I can see naman na one sided lang yung love story niyo"
"Sasabihin ko sa'yo pero....."
"You don't have to explain. Kahit ako mahihirapan akong sabihin yung ganong sitwasyon. At isa pa, I think tama lang yung ginawa mo."
Kinakabahan ako. Pinagpapawisan pero kalmado lang si Laura.
"Kaya ayoko pang sabihin sa'yo kung sino nanliligaw sa'kin baka kasi.... Alam mo na hehe. May magic touch ka kasi eh,"
Ang awkward naman makipagusap lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Like I told you, matagal ko ng alam. Ngayon ko lang naconfirm. But we're still friends right?"
"Uhm... Oo naman"
"One last question. Nagsex ba kayong dalawa habang kami?"
Nanlaki mata ko sa tanong niya at nahiya.
"Hindi ah! Hindi talaga! Tinutulungan ko siyang mapalapit sa'yo noon...."
"And siya yung nainlove sa'yo. I see. Hehe, well, naka move on na ako at may bago naman na ako so wala na 'yon. I think mas titibay pa friendship natin dahil dito"
Minsan nakakatakot na ang bait sa'yo ng isang tao matapos mo siyang magawan ng kasalanan.
"I hope so." sabi ko na lang.
"Susunduin niya kasi ako ehh... So, see you tomorrow?" ang casual talaga. Sobrang casual.
"See you." sabi ko, nakipagbeso lang siya sa'kin at umalis na.
Ang daming nangyari ngayong araw! Parang gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
+++
"Kuya, last na gamot na 'tong iinumin ko mamaya" bungad sa'kin ni Butchok pag uwi ko.
Yung iniinom niyang gamot ay para ihanda yung katawan niya sa operasyon. Ibig sabihin, kailangan ko na siyang dalhin sa ospital sa susunod na araw.
"Sige, inumin mo na yan ha?"
"Opo.... At saka pala kuya, nasa kwarto mo si Kuya Pogi"
"Ha? Bakit hindi ko nakita yung sasakyan niya?"
"Hindi ko po alam. Kasama niya po si BE sa taas" sabi niya pa. Nagmadali naman akong umakyat at nakita ko nga si Sir Benj na nakahiga at nakikipagharutan kay BE.
"Andito na pala mommy mo, baby!" biglang sabi ni Sir Benj. Tumayo siya at hinalikan ako sa ulo ko. "I miss you mommy" sabi niya pa.
"Mommy ka diyan." kinuha ko si BE at hinalikan ko rin.
"Awww.... Gusto ko rin ng kiss galing sa'yo"
Hindi naman ako nagpabebe at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Kumusta yung meeting?" tanong ko.
"Okay naman. So far so good, kaya sa susunod, sana magcelebrate tayong dalawa!"
"Ano ba yung ginagawa mo don?"
"Basta, para sating dalawa naman 'yon. Hehe."
Nakipaglaro uli siya kay BE at feeling ko, tamang oras na 'to para sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
"Pwede ba tayo mag usap? Yung seryoso." sabi ko.
"Ahh... Oo naman. Halika" tumabi ako sa kanya at umakbay siya sa'kin. "Ano ba yang pinoproblema mo?"
"Well.... Kasi... Nung nakaraang gabi... Nakita kita na may kasamang babae sa tapat ng office tapos nagtatawanan kayong dalawa. Nung tinanong kita ang sabi mo magdamag ka lang sa opisina mo." buti na lang pala hindi si Sophie yung kasama niya non.
Natahimik siya at biglang nag isip.
"Baka yung tinutukoy mo yung babae na taga Batangas. Siya yung pinag arrange ko ng isusurprise ko dapat sa'yo kaso umattend tayo ng kasal. Remember? Kaya pinunta kita sa Batangas, kasi nakipag usap ako sa manager mismo."
Ayun pala yon!
"Bakit? Sa tingin mo nagchecheat ako sa'yo?" bigla niyang sabi.
"Hindi hindi.... Nakita kasi kita tapos hindi mo sinabi yung totoo"
"Siguro kasalanan ko nga yon kasi gusto kitang isurprise."
Medyo gumaan pakiramdam ko sa sinabi niya. Mabuti na lang at tinanong ko.
"Sabi ko sa'yo di'ba? Mahal kita. Totoo yon" sabi niya pa.
Parang nasa alapaap talaga ako kapag sinasabi niya 'yon.
"Ayon ba yung dahilan kung bakit parang ang lamig mo sa'kin nung isang gabi?"
Eto pa. May isa pa.
"May tumawag sa'kin, nasa Jollibee ka raw at may kasama...."
"Anong gagawin ko sa Jollibee? At saka sino nagsabi niyan?"
"May tumatawag sa'king number.,,," nilabas ko phone ko at pinakita ko sa kanya.
"Kanino ka maniniwala? Sa'kin o sa nagtetext na yan?!"
"Kaya ko nga tinatanong sa'yo. Huwag ka naman sana magalit"
"Hindi ako galit....." huminga siya ng malalim. Next thing I know, hinalikan na niya ako sa labi ko, una, mabagal lang pero nararamdaman kong hinihiga na niya ako at ayon na nga! Hawak niya kamay ko habang nakapatong siya sa'kin.
Tinigil lang namen yung ginagawa namen dahil sumisingit si BE at hinahalikan din kami sa pisngi. Natawa kami pareho ni Sir Benj at humiga na lang siya sa tabi ko.
"Sa'kin ka maniwala, Ethan."
Hindi ako sumagot at niyakap ko lang siya.
Hindi na rin siya nagsalita at naiwan kami sa ganong posisyon.
+++++
Sabado at Birthday na ni Jaycee ngayon! Kakaiba lang na hindi sa bahay gaganapin yung birthday niya kundi sa condo nila ni Stephen!
Hindi ko na sinama si Butchok dahil siguradong inuman lang yon at maeexpose siya sa alak at sigarilyo.
"Anong dadalhin natin doon?" tanong ni Sir Benj.
"Alak na lang."
"Aba, mukhang lalasingin mo ako ah!"
"Haha, hindi naman ako iinom eh, kakain lang ako" sabi ko.
"Kainin mo rin ako, masarap din ako"
"Haha loko!"
Dumiretso muna kami sa mall para bumili ng pagkain at snacks. Pagkatapos namen doon, dumiretso na kami sa condo. Pinagbuksan naman kami ni Stephen na, asusual, nakaboxer lang, pero may suot siyang party hat!
Nagbatian yung dalawang magkaibigan at hinanap ko kaagad si Jaycee, maya maya lumabas siya sa kwarto at niyakap ko rin siya.
"Happy Birthday, bes!" bati ko sa kanya.
"Thank you! Magsuot ka ng party hat ah!"
"Ano ba 'yan! Ang bata!"
"Haha, idea ni Stephen 'yan!" maya maya sinuotan ako ni Sir Benj ng party hat. Nakasuot din kasi siya.
"Bawal KJ!" Sabi niya pa.
Natawa na lang ako at nakipagkwentuhan kay Jaycee. May sounds din at mukhang nagluluto si Stephen, tinulangan naman siya ni Sir Benj doon.
"Invited ba si Blue?" tanong ko.
"Oo, mamaya pa siya pupunta."
"Alas otso na oh, may pupunta pa ba?"
"Ofcourse! Kaso konti lang. Ikaw lang naman ininvite ko at si Blue, yung iba bisita na ni Stephen"
"Eh ano nangyari sainyo? I mean.... Nagliligawan na ba kayo?"
"Bes, may isang salita ako. Fubu fubu lang kami, naiintindihan naman niya at okay siya doon. Hinahayaan niya na na manligaw sa'kin si Blue."
"So nanliligaw sa'yo si Blue tapos nagsesex kayo ni Stephen? Ganon?"
"Hoy huwag kang mapanghusga haha. Oo ganon nga!"
"Hindi ah! Haha baka sa dulo...."
"Sabi ko sa'yo, huwag mo kong alalahanin di'ba? I'm okay. Hindi ako mahina katulad mo haha"
"Tse haha, sino pa ba ininvite ni Stephen?"
Narinig naman namen na may kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Stephen. Iba rin yung dating ni Stephen, chinito kasi at malaki katawan.
Pagbukas ng pinto, si Sir Jack!
Parang ang awkward naman masyado pero bisita lang din ako. Lumapit naman si Sir Jack kay Sir Benj at may binulong. Ngumiti lang si Sir Benj at nagyakapan na rin yung dalawa. Good to know na okay na rin sila.
"Ladies" sigaw ni Stephen samin ni Jaycee.
"Yes?" sagot naman ni Jaycee. Feel na feel yung pagiging lady.
"Gutom na ba kayo? Maghain na ako, wala naman na tayong hinihintay eh"
"Meron pa!"
"Oh, si Black?"
"Black ka diyan!"
"Haha huwag na natin hintayin yon, kumain na tayo. Gutom na tong dalawang to oh!" sabi pa ni Stephen, sumang ayon naman ako na gutom na rin ako kaya pumayag na siyang kumain.
Spaghetti, fried chicken at cake yung nakahain. Children's party talaga yung theme. Maya maya, may kumatok na at si Blue na nga yung nandon.
May dala pa siyang bulaklak at regalo kay Jaycee pag pasok. Sinalubong siya ni Jaycee habang si Stephen naman eh mukhang naiirita.
Buti na lang talaga may tugtog kung hindi magiging awkward yung katahimikan.
++
Nasa sala na kaming lahat at mag iinuman na kami. Beer lang iniinom namen. Sa kalagitnaan naman ng inuman, may kumatok na naman at may mga pumasok na babae, tatlong babae na mukhang rich kid at makikinis.
"Hay nako si Stephen" bulong ni Sir Benj.
"Bisita niya?"
"Baka kalandian niya kamo haha"
Tinignan ko naman si Jaycee pero nakikipag usap lang siya kay Blue.
Naka apat na bote na rin ako ng alak at medyo nahihilo na.
"Halika, labas muna tayo, pahangin tayo saglit" sabi ni Sir Benj. Umoo kaagad ako at lumabas ng condo. Sa dulo kasi ng floor na yon eh may maliit na terrace kung saan makikita yung magandang view at pwede pang tumambay doon.
"Baliw talaga yan si Stephen, sabi niya sa'kin susubukan niyang ligawan si Jaycee." biglang sabi ni Sir Benj.
Mahangin sa pwestong yon kaya yung buhok ni Sir Benj eh nagugulo, pero kahit ganon eh ang gwapo gwapo pa rin. Naka TShirt na lang siya ngayon kaya mas lalong nakikita yung hotness niya.
"Sinabi niya yon?"
"Oo! Baliw eh, ayan, nagdala na lang ng babae para matakpan yung nararamdaman. Hay nako talaga!"
Hindi ko naman alam kung lasing na si Sir Benj, parang pang pito na niyang bote yon eh pero malakas pa rin siya.
"Uhm...."
"Oh? May problema na naman ba?" tanong niya
"Hindi... Wala... Nakita ko lang kasi na may binulong sa'yo si Sir Jack...."
"Ahhh ayon ba? Ang sabi niya lang, namimiss na niya ako haha."
Hindi ko alam kung nagbibiro siya.
"Seryoso, sabi niya, 'pre nakakamiss ka ah? Nasayo na nga si Ethan tapos hindi pa tayo magpapansinang dalawa?', ayon, natawa ako sa sinabi kaya okay na kami."
Hindi ulit ako nagsalita.
"Uy.... Bakit ang taray mo ngayon?" tanong niya.
"Hindi ahhhh! Medyo nahihilo lang ako..."
"Ohhh... Edi.... Pwede na kitang....." lumapit siya sa'kin at niyakap kinocorner ako. "....pagsamantalahan" bigla niyang bulong sa'kin.
"Sir Benj!"
"Ohh... Sir Benj pa rin?" hinalikan niya ako sa leeg ko habang pinaparinig niya yung malalim niyang paghinga.
"Huwag po." sabi ko.
"Uhm... Huwag?" hinalikan niya ako paakyat pa sa may tenga ko.
"Huwag dito..." sabi ko.
"Aha!!! Sabi na gumugusto ka na naman ehh ahaha"
"Nakakaasar to!" sabi ko.
"Haha, ano? Tara sa loob?"
"Ayoko! Nahiya na ako"
"Haha oh ako na mag yayaya. Ano? Pwede ba?" pangungulit pa niya, hinahalikan niya ako sa pisngi ko at sa buong mukha maliban sa labi ko.
"Ayoko... Dito na lang muna tayo" sabi ko at tumalikod ako sa kanya, nilagay ko yung kamay niya sa may tyan ko para mukhang niyayakap niya ako from behind.
Ang sarap. Sobrang sarap sa pakiramdam yung mainit na alak na dumadaloy sa katawan mo plus yung simoy ng hangin sa rooftop at dagdagan pa ng yakap ng taong pinakamamahal mo.
"Gusto makipagkita ni papa sa'kin, papakilala niya raw sa'kin yung kapatid ko. Ano sa tingin mo dapat kong gawin?" bulong niya sa'kin.
"Ano bang gusto mong gawin?"
"Hindi ko alam eh. May masama akong pakiramdam kapag makikipagkita ako kay Papa"
"Eh anong sabi ng mama mo?"
"Eh isa pa yon, galit din kay papa yon. Kaya naiisip kong huwag na lang kaya ako makipagkita?"
"Sa totoo lang, issue sa tatay yan kaya hindi kita maaadvice-san ng matino. Kahit ako galit din ako sa papa ko eh"
"Gusto ko sanang makipag ayos kasi ang panget tignan kapag galit ka sa magulang mo..... Hay... Bahala na nga, basta nandiyan ka lang sa tabi ko, okay na ako" hinalikan niya uli ako sa leeg ko. Ang hilig niya gawin to.
Maya maya, napagpasyahan na nameng bumalik ni Sir Benj sa loob pero sa hilo ko, nabitawan ko yung bote at nabasag, agad naman natapakan ni Sir Benj yung bubog, saktong nakayapak lang siya kaya kitang kita ko yung dugo sa sahig.
"Sht!!!!" ako pa yung napasigaw.
"Oh... Nagdudugo oh"
"Ano ba, hindi ba masakit?"
"Hmmm... Medyo lang..." nawala yung hilo ko sa dami ng dugo.
Agad ko siyang inalalayan papasok sa loob. Mukhang busy ang lahat sa loob at nagtatawanan at inuman. Buti na lang napansin kaagad kami ni Stephen at inalalayan kami.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Nakabasag ako, tapos natapakan niya. Sorry..."
"Tsk, wala pa naman akong medical kit dito...."
"May bilihan naman sa baba di'ba? Mabilis lang ako promise" sabi ko.
"Huwag na honey, okay lang ako. Yelo lang katapat neto" sabi ni Sir Benj.
"Huwag ka na pasaway. Mabilis lang ako" sabi ko pa.
Nagmadali na ako pababa at bumili ng pang medical kit at nagmadali akong umakyat uli.
Dumiretso ako kaagad sa kwarto pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may babae doon at may bandage na yung paa ni Sir Benj.
"Ayan, ang clumsy mo kasi. Hindi ka na nagbago!" sabi nung babae. Hindi ko pa mamukaan yung babae kasi nakatalikod pero nung tumayo siya at humarap, mas lalo akong nagulat.
"Kukuhanan lang kita ng yelo ah," palabas na siya pero napahinto nung nakita niya ako. "Hey.... Ikaw yung kahapon di'ba? Sa office ni Zach?"
"Ahhh... Oo" napanganga lang ako.
"Sorry, you're friends with Zach pala. Hindi ko man lang naintroduce sarili ko." bati niya. Napaka polite niya talaga.
Si Sir Benj naman walang reaksyon. Nakahiga lang siya sa kama habang may bandage yung paa niya.
"I'm Sophie pala, and you are?" inabot niya kamay niya. Nakipagkamay naman ako.
"Ethan" sabi ko.
"Oh, hi Ethan! Wait lang ah? Pakibantayan muna tong lalaking 'to, napakalikot kasi ayan tuloy. Alam mo ba dati, sa sobrang clumsy niya, natapon niya yung inorder nameng pagkain sa fastfood. Nako talaga"
"Hoy nadulas kasi ako non!" sigaw naman ni Sir Benj.
"Tse, diyan ka lang! Samahan mo na lang ako, Ethan please? Hindi ko kasi alam kung saan eh"
Hinawakan ako ni Sophie palabas. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pero kasama ko ngayon yung ex ni Sir Benj.
+++++++
Dapat walang update ngayon pero dahil sinisipag ako at syempre, LAST DAY NA NG PAG VOTE!!!
Maraming Salamat po sa lahat ng bumoto at goodluck sa'kin haha. LAST CHANCE NA LANG, LAST REQUEST, PLEASE VOTE?
KJOLLIBEE J224 send to 3456
LAst day na ngayon!!! Hihi
VOTE AND COMMENTS#!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top