Part 37

Your daily reminder. VOTE my story please? :)
KJOLLIBEE J224 send to 3456! Thank you 😊

+++++++

Ang ganda ng reception, ang daming bulaklak. Ang daming tao na sa tingin ko sobrang malapit sa dalawa. Ang daming pagkain. At hindi pa rin nawawala yung spark sa mata ng mga kinasal. Grabe, ang saya saya siguro nilang apat dahil sa kasalan na 'to.


"Ethan, you coming?" tanong ni Sir Benj. Masyado pa akong namangha sa nakikita ko pero sumama na ako sa kanya. Inabot niya kamay niya at maghawaka kamay kaming naglakad papunta sa table namen.


Nasa isang table kaming apat, ako, si Sir Benj, Sir Miggy at Cielo. Nag uusap na sila sa mga business habang ko naman, nakikinig lang.


"I'm planning to buy him a condo na malapit lang sa'kin" sabay tingin sa'kin ni Sir Benj, hindi ko nakahabol sa usapan nila kasi natutulala ako sa nangyayari.



"Bakit hindi na lang kayo magsamang dalawa? Hindi ba kayo nainggit sa mga 'yan kanina?"



"Nakakatuwa nga po eh." sagot ko.



"Ohh nagpaparamdam na siya, Benjamin! Haha" biro ni Sir Miggy.




"Soon po. Pinagpaplanuhan po kasi 'yan, ayoko ng biglaan. I want to give him the best wedding ever. He really deserves it" inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi.



"Well, you two really deserve it."


"Si Ethan po kasi yung tipong hindi ka aware na naiinlove ka na pala sa kanya. Akala mo wala lang, pero.... One thing you know, ayaw mo na siyang nakikita na may kasamang iba" sobra nakakakilig si Sir Benj ngayon.




"I felt the same way with Miggy here, all I know, from the start, na siya na gusto kong makasama habang buhay" isa pa 'tong sila Sir Miggy at Cielo, nakakakilig din yung storya nilang dalawa.




"Let's cheers to that!" sabi ni Sir Benj at nagtaas kami ng baso at sabay sabay na uminom.




"Excuse me po, mag CCR lang po ako" sabi ko naman at tumayo ako. Pagkatapos kong umihi, dumaan muna ako sa mga pagkain at kumuha ng cake. Medyo gutom na kasi ako, pero may kumausap sa'kin habang kumukuha ng pagkain.




"Hi? I saw you with Tito Cielo and Miggy" nung tinignan ko kung sino, si Anjo pala!



"Oh, Congrats po!" sabi ko.


"Hehe, thank you. Don't tell me, business deal 'yan?"


"Ahhh ehhh....hehe"



"Sabi na eh. Nako, napaka workaholic talaga ng dalawang 'yan. Well, are you having fun?"




Grabe, ang cute pala sa malapitan netong si Anjo, ang ganda ng smile at talagang blooming na blooming.



"Hmmm.... Kakakasal lang natin cutie, nakikipagusap ka na kaagad sa iba?" may lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi, si Teejay 'to!





"Ayy sorry hindi po....."


"Hahaha I'm kidding." sabi na lang ni Teejay. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan. Sila ang ultimate relationship goals ng mga katulad kong lalaki ang hanap.



"Friend nila Tito Miggy, pogi" sabi ni Anjo.



"Ohh! Boyfriend mo yung kasama nila doon no? I saw you kissing him. Medyo agaw eksena pero okay na rin haha" sabi pa ni Teejay.




Hindi ako nakapagsalita at medyo nahiya.



"Nako, ayan nahiya tuloy loves!"



"Haha ganyan ka rin naman sa'kin. Di'ba cutie?"


Kahit pagmasdan ko sila magdamag, talagang matutuwa ka sa kilig! Ang cute pa ng endearment nila, cutie at pogi!



"Alam mo, pinagmamasdan ko kayo kanina ng boyfriend mo at medyo nakikita ko kayong dalawa na magiging matatag. May iba sa tinginan niyong dalawa eh, malagkit" paliwanag ni Teejay.

"True, I can see it." pahabol pa ni Anjo.

Napansin naman ni Sir Benj na kausap ko yung dalawa at tumayo siya para lumapit sa'min.


"Congrats, Congrats!!" bati ni Sir Benj.



"Salamat! At mukhang namiss mo kaagad ah? Saglit lang nawala sa tabi mo, lumapit ka na kaagad haha" bati ni Teejay.


"Hehe, ayoko lang siyang nawawala sa paningin ko." sagot ni Sir Benj.



"Ohhh, alam ko yang pakiramdam na yan! I heard business meeting yang pinaguusapan niyo nila Tito Miggy, come on, pahinga muna tayo! Mag inom tayo! Tara!" hinatak ni Teejay si Sir Benj at mukhang nagkasundo sila kaagad.




"Nako, ang lakas magyaya maginom, akala mo naman malakas haha" sabi ni Anjo.



"Hehe, ang saya niyong pagmasdang dalawa. Nakakainggit"

"Why?? Hindi ba kayo ganyan nung boyfriend mo?"



"Hmmm.... Masyado lang kayong sweet at mukhang napakarami niyo ng pinagdaanan kaya yung samahan niyong dalawa, parang tight na tight na"




"You really have no idea pero in the end, ang mahalaga eh nagkakaunawaan kaming dalawa at eto, kaming dalawa magkasama hanggang dulo"



"May tip ba kayo? Hehe"



"Well, as for Teejay kasi, masyado siyang.... Attached. Well, ganon din ako sa kanya, sobra. Sobrang seloso niya kaya iniiwasan kong magselos siya. He likes to cuddle, so palagi dapat kaming nagcucuddle. Mataas din pride niya kaya minsan, nag aadjust ako. Ang tip ko lang, always make your man happy. Kasi kapag nagawa mo 'yon, ang ganda na ng samahan niyo."



Hindi ko pa masyado kilala si Sir Benj pero nasa getting to know each other stage naman kaming dalawa kaya aalamin ko na lang lahat.


Maya maya, sumunod na rin kaming dalawa at nakipagsayahan sa ibang tao.


++++

Naiwan na lang kami ni Sir Benj sa may videokehan, kasama si Sir Miggy at Cielo at yung mga ibang bisita. Nakainom na kaming lahat at medyo pawisan na. Nakatshirt na lang kami ni Sir Benj pero patuloy sa paginom.


"Alam mo ba kung gaano na ako kaexcited na ikama ka" biglang bulong sa'kin ni Sir Benj.



Natawa ako at uminom ako ng alak.


"Salamat uli, salamat talaga. Salamat ng marami!" sabi niya pa.

"Okay na nga, makuha mo lang yung deal mo...."


"No, hindi yon, hindi yun ang tinutukoy ko"


Seryoso pala siya kaya napatingin din ako sa kanya. Umakbay siya sa'kin at magkalapit na mukha nameng dalawa.


"Salamat kasi dumating ka sa buhay ko"


Parang natahimik na naman yung mundo ko dahil sa sinabi niya. Napansin kong kinagat niya yung lower lip niya at akmang hahalikan ako pero bigla kaming natawang dalawa ng marinig naman yung susunod na kanta sa videoke.


Eto yung kinanta sa'kin ni Sir Benj.


Tumayo siya kaagad at kinuha yung mic. Nagpalakpakan naman si Sir Miggy at Cielo.


"This song is for my one and only love, honey." sabay turo sa'kin.


"You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you"

Hindi niya nga inalis yung tingin niya sa'kin. May pasayaw sayaw pa siya.

"You'd be like heaven to touch
I want to hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive"


Bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan yung kamay ko. Tinayo niya ako at sinasayawan niya ako.

"You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you."


Yung instrumental parts na, talagang sumasayaw na siya. Ako naman, kilig na kilig. Ang hot hot kasi niya. Niyakap pa niya ako at inamoy amoy sa leeg. Ang bango bango rin niya kahit pawisan pa siya. Pinapasok niya yung kamay niya sa damit ko, nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya gumantin rin ako.



"I love you baby and if it's quite alright
I need you baby to warm the lonely nights
I love you baby trust in me when I say"


Harapan harapan niya kinanta sa'kin yan. Hindi niya tinanggal ang tingin at bahagya kong pinunasan yung pawis nameng dalawa.

"Oh Ethan honey don't let me down I pray
Oh Ethan honey now that i found you stay
And let me love you Ethan, let me love you"



Natapos yung chorus na nagngitian kaming dalawa. Binaba niya yung mic.


"I love you, Ethan" bigla niyang sabi, hindi na siya naghintay ng sagot at hinalikan na niya ako sa labi ng madiin. Tumutugtog pa rin yung kanta nameng dalawa habang hinahalikan niya ako. Parang wala kaming paki sa ibang tao doon.




"Wait...." sabi ko pero hindi niya ako tinitigilan, halos manggigil na siya sa halik sa'kin.


"Uhm.... Wait lang talaga...." pero ayaw niya patapusin sinasabi ko. Feeling ko kasi marami ng nakatingin sa'min eh kaya kinurot ko yung nipples niya at natawa siya sa sakit.



"Feeling ko marami ng nakatingin" bulong ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid at totoo nga, nakangiti silang lahat habang pinagmamasdan kami. Nagpalakpakan naman sila nung natapos na kami maghalikan. Natawa kami ni Sir Benj at naupo na uli kaming dalawa.



++++


Pauwi na kami ni Sir Benj at alam kong nakainom siya kaya dahan dahan lang siya magmaneho. Pero napansin kong papunta kami ng SLEx.



"Ang layo naman ng daan natin! Lasing ka ba?" tanong ko.


"Ehhh. Wait lang. Basta." sabi niya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siya. Pero sa hilo ko, nakaidlip ako at maya maya, ginigising na lang niya ako.



"Nasaan na tayo?" tanong ko. Sumilip ako at nakakita ako ng hotel sa tapat.

"Basta."bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya yung kamay ko at pumasok kami sa loob. Nakangiti lang yung babae sa'min nung nagcheck in kami pero imbis na umakyat kaming dalawa, lumabas kami at nagulat akong nasa beach na kami!!



"Nasa Batangas tayo ngayon" sabi niya.


Tinignan ko yung relo ko at alas dose na pala ng madaling araw. Tahimik lang sa lugar at syempre, mahangin. May mga table kaso walang mga tao. Parang kami lang talagang dalawa. Maya maya, may lumapit sa'min na lalaki at nag abot ng kumot.


"Ano 'to?" tanong ko.


"Susulitin na kita ngayong gabi" sabi niya.


Nilatag niya yung kumot at humiga siya. Pinapatabi niya ako sa kanya at ganon naman ginawa ko.


"Bakit ba tayo nandito?" tanong ko.


"Wala.... Ayaw mo ba?"



"Ahh... Hindi naman..."


"Gusto talaga kitang dalhin dito. Ngayon talaga yung pinareserve kong surprise dito para sa'yo kaso nag invite sila Sir Miggy eh, hindi ko matanggihan"



"Ah ganon ba... Okay lang naman yun. Nag enjoy ako kanina." sagot ko sa kanya.


"To be honest, nagulat ako sa inattendan natin. Hindi ko akalain na may ganon pala. Though sure naman akong ceremony lang yun at walang bearing kasi hindi naman pwede sa Pilipinas yon, ang sweet pa rin"



"Talaga? Kinilig ka?" tanong ko.


"Oo. Nakita ko kasi yung sarili nating dalawang sakanila. Nakakwentuhan ko si Teejay at ang sabi niya, huwag na huwag daw kita bibitawan."


Natahimik ako sandali sa kwentuhan namen. Ang perfect ng moment nameng dalawa kasi ang presko ng hangin, tapos nakahiga pa ako sa braso niya. Kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko siya na nakatingin sa langit.

"Mahal mo ba talaga ako?" bigla kong tanong sa kanya.

"Oo naman!" hindi siya nagdalawang isip sa pag sagot.



"Edi hindi ka na straight niyan?" biro ko.


"Okay ng hindi maging straight basta ikaw naman ang kayakap ng mahigpit"



"Aba! Nag rhyme ahh!"


"Haha, ikaw kasi nagpatunay na wala talaga sa gender ang love. It's really about two hearts, loving as one"


Pinaglalaruan na naman niya yung buhok ko.


"Ethan, papakasalan mo ba ako kung yayayain kita?"



Fvck! Ang sudden ng tanong niya pero napangiti ako! As in napangiti talaga ako!


"Bakit mo naman natanong yan?"


"Wala lang. Papakasalan mo rin ba ako?"


"Oo naman."


"Talaga?"


"Oo. Gusto ko yung idea ng kasal."


Tinanggal niya yung pagkakaakbay sa'kin at gumilid siya ng higa para tignan ako.

"Someday. I promise." hinalikan niya ako sa pisngi pag kasabi non. Napapikit na lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit.




++++

Nagising ako sa amoy ng itlog na piniprito. Ang liwanag na kaya kitang kita ko si Sir Benj na naka boxer lang at walang kadamit damit, sexy back talaga siya! Sobrang hot kahit nakatalikod. Napansin ko ring nakahubad ako. At saka ko naaalang may nangyari pala.



Gutom na gutom ako na naupo sa kama. Napansin naman ako ni Sir Benj at lumapit siya sa'kin at hinalikan ako.


"Good Morning" bati niya.


"Good Morning. Pwede ka bang magluto rito?"


"Haha oo naman! Bahay style kasi resorts dito eh kaya pwede. Tignan mo yung view" sabi niya. Agad akong nagsuot ng short ko at tumayo. Sumilip ako sa bintana at nakita ko nga yung napakagandang view ng dagat! Ang ganda at ang hangin pa, hindi masyadong mainit at preskong presko yung lugar.



Bigla naman siyang yumakap sa'kin sa likod.


"Gusto mo bang tumira sa ganitong lugar?" bulong niya.


"Oo... Ang ganda kaya ng ganitong view,"



"Bibili tayo ng lupa rito tapos magpapatayo tayo ng bahay?" bulong niya.


Nakakagulat talaga yung mga sinasabi ni Sir Benj pero natutuwa ako.



"Ikaw bahala" medyo pabebe pa sagot ko.


"Okay. Noted yan" sabi niya sabay kurot sa pwetan ko at balik sa niluluto niya.


Pagkatapos niya magluto, kumain na kaming dalawa at parehas pa rin kaming nakahubad.



Ang ganda talaga ng katawan ni Sir Benj, ang mestiso tapos yung abs niya, kitang kita ko. At pansin kong wala siyang underwear kaya bumabakat din yung kanyang alaga. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya at napangiti siya.



"Well, madali lang naman akong kausap kung gusto mo pa ng isa pang round ehh" bigla niyang sabi.



"Ha? Ehhh hindi ah!" medyo nahiya pa ako.


"Haha, don't worry, wala ka namang kaagaw rito ehh"



Natawa na lang ako at kumain na kaming dalawa.


"Kumusta yung deal?" tanong ko.


"I don't know. Bukas siguro baka pumunta sila sa office hehe. Huwag kang mawawala ah?"



"Oo naman hehe. Sana makuha mo!"



"Oo nga eh. Basta nga huwag kang mawawala, ikaw lucky charm ko eh"


Minsan iniisip ko na baka nakalimutan lang sabihin sa'kin ni Sir Benj yung kasama niyang babae nung nakaraang gabi at wala lang talaga yun para sa kanya kaya hindi na niya binanggit.


+

Hinatid ako ni Sir Benj sa bahay at nag uwi pa ng pasalubong kina Butchok, mama at syempre kay BE.

Nung pauwi na si Sir Benj, umakyat ako sa kwarto ko kasama si BE, asusual kinakausap ko na naman yung baby namen.

"Ang sweet ng daddy mo no?"


Tumitingin lang si BE sa'kin.


"Nako, kapag palagi kaming magkasama baka masundan ka na kaagad. Nako!"

Ang cute lang ni BE habang nakatitig sa'kin.


"Nako, BE! Nakakagigil ka!" niyakap ko siya ng mahigpit at humalik halik sa'kin. Maya maya, tumawag naman si Sir Benj sa'kin at agad kong sinagot.



"Nasa condo na po ako" eto, ang bilis na talaga niyang mag update.


"Eto, katabi ko naman si BE." sabi ko.


"Miss ko na baby natin. Sa susunod, sa'kin naman siya."


"Oo naman. Baby mo rin naman 'to"


"Oo at baka masundan na siya. Alam mo na, palagi kang nagayaya...."


"Hoy hindi kaya ako nagyayaya"


"Kagabi kaya ikaw!"


"Ay hindi ko matandaan!" pero natatandaan ko, ako nga talaga.


"Haha gusto mo bang parinig ko sa'yo sinabi mo?"


"Hala hahaha huwag na po. Sige na, ako na"


"Grabe ka Ethan, purkit mapusok ako, sinasamantala mo na yung kahinaan ko"



"Haha, edi sige hindi na"


"Joke lang. I love youuuuu.... Love you....."


Halos mabaliw na ako na nakangiti sa kama ko habang kausap ko siya.


"I love you too naman diyan ohh..."bigla niyang sabi.


"Ayaw. Pilitin mo muna ako" sabi ko pa


"Ayy..." nagsimula na naman siyang kumanta! "I love you baby and if it's quite alright
I need you baby to warm the lonely nights
I love you baby trust in me when I say"


"Hehe, tuloy mo!"


"I love you muna"


"I love you"


"Say my name"


"Benjamin!"


"Full name"


"Benjamin Llander Fortalejo"


"Okay, then sabihin mo ng buo" utos niya.


"I love you, Benjamin Llander Fortalejo!"


Narinig ko yung pag ngiti niya kahit sa phone na siya ring nagpangiti sa'kin.


"I love you too, Ethan James Aguilar"


Napayakap ako sa unan ko ng mahigpit sa sobrang kilig.


"Ikaw lang ang aking mahal..." kumakanta na naman siya. "Ang pag ibig mo'y aking kailangan..."


"Pag ibig na walang hangganan" sumabay ako sa kanta niya.


"Ang aking tunay na nararamdaman"

Nanatili lang akong nakayakap sa unan ko habang nagkakantahan kaming dalawa.


+++++++

Ayan!!! Sana natuwa kayo as much as I do. Nakangiti rin ako habang sinusulat tong chapter na to haha.

Kung nag enjoy kayo, please vote? Haha KJOLLIBEE J224 and send to 3456!!!! Salamat salamat!!!!

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top