Part 36

Sorry kung paulit ulit. Another day, another vote! Haha
KJOLLIBEE J224 send to 3456! Thank you sa support!


++++++


"Nagsisinungaling si Sir Benj! Magising ka nga bes!" sigaw sa'kin ni Jaycee, magkasama kami sa Mozu ngayon.



"Ayoko naman isipin...,"


"Alam mo bes, ayan ang mahirap sa'yo eh. Tanga ka masyado sa pag ibig. Masyado kang nagpapakain sa sistema ng pagmamahal. Hindi one sided ang love, bes. Kailangan dalawa kayong loyal at hindi lang ikaw!"



"Malay mo naman kasi may dahilan siya...."


"Ang bullshht naman kasi ng dahilan kung ano pa 'yon! At isa pa, kitang kita mo, nagtatawanan. Malayo sila, kitang kita mo na si Sir Benj 'yon at hindi ibang tao! Huwag ka ngang tanga bes!"



"Naka dalawang tanga ka na ha!"


"Eh kasi totoo naman. Nung kay Bill pa lang, alam mo na sa sarili mong niloloko ka pero sige ka pa rin. Oh, anong nangyari? Niloloko ka nga di'ba?!"



"Bes, ang sakit na ah"


Tumawa lang siya at inirapan ako ng bahagya.


"Nako, ang akin lang bes, masasaktan ka lang. Ako kasi magsusuffer eh, siguradong magkukulong ka lang sa kwarto tapos syempre bilang bestfriend, icocomfort kita. Mahihirapan ako kapag nahihirapan ka. Either way, iniisip ko kalagayan nating dalawa!"



"Ehhh...."


"Natatakot kang mawala? Natatakot kang iwan ka? Pero okay lang sa'yo na niloloko ka? Bes, may Sir Jack ka pa, pwede naman siya na lang."


"Bes! Hindi naman kasi na kapag hindi okay sa isa eh doon ako sa isa. Hindi ganon 'yon!"


"Okay, Sorry.... Pero, mahal mo talaga?" tanong niya.


Napangiti lang ako at naimagine ko yung itsura ko na sobrang saya ko sa tanong niya, oo mahal ko si Sir Benj at kaya kong tanggapin ang pagsisinungaling niya. I'll give him another chance.


"Hays, iba talaga nagagawa ng pagmamahal" sabi na lang ni Jaycee


"Support ka pa rin sa'kin?" tanong ko.


"Wala naman akong magagawa. Well kung sasaktan ka naman ni Sir Benj, sasapakin ko siya ng isang beses! Magpapakalalaki ako sa'yo ng ilang segundo!"


"Haha taray naman ng bestfriend ko, pero maiba tayo... Anong balita sainyo ni Stephen?" tanong ko, napakunot lang siya ng ulo at parang wala sa mood sa ganong topic pero sinagot naman niya.



"Ayon, hindi namamansin. Ewan ko ba doon, normally kapag 12AM oras namen para... You know.... Pero tulog na siya! At saka nakakumot siya, hindi naman siya nagkukumot eh. Gusto daw niya ako yung kumot niya, kaya alam kong galit talaga siya"



"Bes! Ano ba?! Bulag ka ba oh ano?! May gusto na sa'yo si Stephen!"

"Gaga, alam ko naman 'yon. Ang ganda ganda ko kaya imposibleng hindi siya magkagusto sa'kin!"


Minsan, masasampal ko na 'to eh.



"I mean bes..." pahabol pa niya "... He's cute. Alam mo naman yung first impression ko sa kanya, sobrang kilig na kilig ako right? Pero kasi sa ilang linggo na kasama ko siya, nakikilala ko na siya. He's not a boyfriend type of guy. Kaya nga nagkasundo kami na ganito lang status namen eh."



"Ayaw mo ba mabigyan ng chance?" tanong ko.


"Well, unlike you bes, hindi ako nagpapakain sa sistema. Ako lang kakain at hindi ako kakainin."


Double meaning talaga yung ibang pinagsasasabi neto.


"Kidding aside" sabi niya ".... I'm not a risk taker. Ayokong mag risk sa bagay na walang kasiguraduhan. Gusto ko win win situation palagi. Ayoko na maaagrabyado ako sa huli."


I wish ganyan din ako magisip katulad ni Jaycee. Ang matured niya mag isip kahit na ang childish niya kumilos. Ako kasi I'll do anything for love.


"Realtalk bes, wala kang feelings for Stephen? I mean more than just a fubu?"


"Ofcourse meron! Hello, ang sarap, ang cute, malaki pa ano, ang perfect ng physical appearance niya tapos ang bait pa, gentleman, ang sarap magluto, tamad nga lang sa gawaing bahay pero equal naman kapag magkasama kami. Balance. Ofcourse, maiinlove ako pero I can control myself. Utak pa rin ginagamit ko at hindi ako nagpapadalos sa puso ko"


May words of wisdom din 'to si Jaycee kausap ehhh.


"Kaya ikaw bes, grow up. I know you love him pero that's not enough para maging tanga ka okay? Susuportahan ko pa rin yang kahibangan mo pero kung sumusobra na, ako mismo maghihiwalay sainyo."


"Grabe siya!"


"I'm serious bes. Nasa edad na tayo na dapat sure na tayo kung sino ang gusto natin makasama at wala ng oras sa fling fling"



Alam ko naman na si Sir Benj na gusto ko makasama ehh. Si Sir Benj lang at wala ng iba.


+++++

Simula ng tinanong ko si Sir Benj about nung isang gabi at hindi siya nakapagtext, every hour, nagtetext na siya! Maliligo, kakain, magsesend ng emails, kapag may nagtext sakanya ifoforward niya sa'kin. Lahat! Detalyado lahat! Tinetext niya sa'kin.


Kahit nasa office kami, kahit yung pagtingin niya sa bintana, sasabihin niya. Naguguluhan na tuloy ako, totoo kaya yung nakita ko? Baka namalikmata lang ako. Pero okay sana kung ako lang eh, kaso nakita rin nila Jaycee yon.


Pero nakikipagtawanan lang naman siya sa isang babae. Baka naman bumili lang siya ng pagkain, nakasabay niya papunta sa bilihan ng pagkain yung babae na kakilala niya at nakipagkwentuhan siya kaya siya natatawa. Oo ganon na lang iisipin ko.



Okay na okay si Sir Benj ngayon! Talagang text siya ng text. Ilang araw na rin siyang ganito, magsasama kaming dalawa, tapos kapag maghihiwalay, maguupdate siya kada oras. Ang sweet nga eh, hindi ako naiinis.



Mukhang bumabawi pero hindi pa rin niya sinasabi sa'kin eh. Siguro kakalimutan ko na lang muna iyon.




Pinatawag naman niya ako sa office niya at kailangan ko raw umattend sa meeting, ang dami pa niyang ginagawa kaya ako pinaattend niya.




Pag punta ko naman sa meeting room, nakita ko na si Sir Jack! Hindi ko siya pinansin at nag take ako ng notes para masabi kay Sir Benj, pagtapos naman ng meeting bigla niya akong tinawag.



"Nag lunch ka na? Gusto mo ba sumabay sa'min?" tanong niya.



"Ahh... Hindi na po Sir Jack, sasabay na lang ako sa officemates ko" sagot ko. Pero biglang sumingit yung isang boss doon at pinilit akong sumama.




"Halika na! Sumabay ka na sa'min!" yaya niya, matanda na 'yon at sobrang nakakahiyang tumanggi kaya wala na akong nagawa at sumama na ako.



+


Anim kaming lahat, tatlo yung medyo matanda na, yung isa naman mas matanda lang ng kaunti kay Sir Jack. Sa labas na kami nag lunch, hindi ko na rin natext si Sir Benj kasi hindi ko nadala cellphone ko.



"Oh Jack, kailan ka ba magpapakilala sa'min ng babae? Ang tagal na rin nung last na pinakilala mo ha?" asar nung isang matanda. Natawa lang si Sir Jack at hindi sumagot.




"Ang tagal na non pre ah? Hindi ka pa rin nakakamove on? Well mahirap naman talaga mag move on in your case kasi sobrang mahal mo eh!" sabi naman nung kaedaran ni Sir Jack.




"Woah, bakit ba ako yung topic niyo?" sabi ni Sir Jack. "At isa pa, I think I'm okay now, I'm ready to fall inlove. Well, actually, I'm inlove right now"




"Oh? Who's the lucky girl?"



Dafuq, biglang tumingin si Sir Jack sa'kin pero iniwas niya rin kaagad.


"Too bad, inlove siya sa iba" pahabol pa niya.



"Come on, you're Zachary! One of the hottest bachelor in the country!"



"Well, let's just say that I really like that person kasi hindi niya nakikita yung part ng buhay kong yon kundi yung kung sino talaga ako" ngumiti siya at tumingin uli sa'kin sabay ngiti.



"I hope to meet her soon! How about you iho?" sa'kin naman natapat yung tanong.



"Po?"



"Are you married?" fvck, kailangan ba talagang ganito yung topic masyadong personal.



"Ahh.. No sir."



"Oh? That's good. Masyado ka pa atang bata huwag kang magmadali, sakit sa ulo ang pag aasawa. Sa una masaya pero pag tumagal nako!"



Nagtawanan lang kaming lahat pero si Sir Jack kumakain lang. Napansin ko na nagbago yung mood niya ng pagusapan yung ex niya, iba rin pala magmahal 'to si Sir Jack.



Mabuti at hindi na sila nag open ng topic na medyo awkward pag usapan at bumalik na ako kaagad sa office.



"Saan ka galing? Bakit ang tagal?" tanong ni Sir Benj.



"Niyaya pa nila ako mag lunch eh"



"Tsk. Sayang naman, nag paorder pa naman ako ng korean food nating dalawa"




"Hehe, hindi rin ako kumain ng marami eh. Gusto mo sabayan na kita?"



"Ayun!! Hehe mahal mo talaga ako no? Gusto mo ko kasabay kumain!"



Grabe naman, minsan lang niya sabihin yung salitang yon pero napapangiti ako.

"Oo naman! Halika na!" sabi niya, at tumabi ako sa kanya at kumain uli.



+++++



Kinabukasan, masaya na naman na nakipagkwentuhan sa'kin si Laura.



"Ethaaaaaan!! Gosh!! Ang yummy!!"



"Sinong yummy?!"



"Yung manliligaw ko nga, hay nako! Nakaka stress, mukhang magiging tanga na naman ako at bibigay kaagad. Ang sweet sweet kasi!!"



"Haha sino ba kasi? Patingin na!"



"Ehhhh.... Ayoko muna ipagsabi. Gusto ko kapag official na at kapag kami na! Haha."




"Nako, mamaya ayaw mo lang ipagsabi!"



"Tse, ikaw pa ba Ethan? Eh updated ka nga sa'kin kay Sir Jack! Ikaw pagsasabihan ko, pero this time, no touch muna kaming dalawa. Kahit akbay, bawal. Pa Maria Clara datingan ko!"


"Haha dapat naman ganyan!"



"Nako, basta ang saya. Ehhh kayo naman ni Sir Benj? Kumusta kayo?"



Napangiti ako sa tanong pero hindi ko nasagot kasi napansin kong may pumasok sa office namen na familiar ang itsura!



Si Sir Miggy at Cielo!



Tumayo ako at sinalubong ko sila. Bumukas din yung opisina ni Sir Benj at sinalubong sila. Dumiretso kaming apat sa conference room.


"Hi, biglaan po ata pag punta niyo?" tanong ni Sir Benj.



"Well, we're really sorry kung hindi kami professional nung mga nakaraang linggo. Personal problem lang" sabi ni Sir Miggy.



"Okay lang po Sir. We can wait."



"Oh, well the wait is over. We're inviting you to attend a wedding. And there, we'll talk about that business proposal" sabi pa nila. Napangiti naman si Sir Benj at mukhang naexcite.




"Sure! Kaninong wedding naman po?"




"Friends. So, that settles. See you on saturday, okay?" sabi nila.



"Yes Sir."



"Okay, then we'll go ahead."



"Sana tinext niyo na lang po, nag abala pa po kayong pumunta rito"



"Hehe, well, makikipagkita rin kasi ako sa boss niyo eh. Didiretso na kami sa taas"



"Ahhh okay po Sir. See you on saturday!" sabi na lang ni Sir Benj. Hinatid naman sila palabas at niyakap ako ng mahigpit ni Sir Benj!



"Sana makuha na natin yung deal no?" sabi niya.



"Sana. Alam ko kung gaano mo kagustong makuha yon!"



"Well, salamat sa'yo kasi dahil sa'yo, makukuha na natin 'yon!" niyakap niya ako uli at maya maya, bumalik na kami sa trabaho namen.



+++


Umattend na kaming dalawa ni Sir Benj, parehas kaming naka formal attire kasi kasalan nga yung aattendan namen. Hindi karamihan yung bisita pero ang grande ng kasalanan. Pumwesto kami sa tabi nila Sir Miggy at Cielo. Nakaakbay lang sa'kin si Sir Benj habang naghihintay na magsimula yung kasalanan.



Dumating na yung lalaki, wow, ang gwapo! Mestisuhin at artistahin. Kitang kita yung saya sa mukha niya habang hinihintay niya yung bride niya.



Pero sa gulat ko....



Lalaki din yung naglalakad.



Napatingin ako kay Sir Benj na nagulat din.



Bigla namang bumulong sa'kin si Sir Miggy kasi siya yung katabi ko.



"Yung guy sa may altar, siya yung ex boyfriend ng anak ni Cielo, si Teejay. Yung lalaki naman, si Anjo 'yon, napakabait na bata!"




Ang cute din ni Anjo, habang naglalakad siya, nakatingin lang siya kay Teejay. Ang cute nilang dalawa, bagay na bagay! Parang kaedaran lang namen silang dalawa. Pero may isa pa palang ikakasal, dalawang lalaki din! Double wedding pala 'to!




"That's David, bestfriend ni Teejay at yung guy, si Marco, bestfriend ni Anjo." bulong pa.



Wow! Ikakasal din sila at parehas bestfriend! Parang parehas na parehas sa'min ni Jaycee! Kaso assuming ko, kasalanan agad!



Tinignan ko naman si Sir Benj na tahimik lang at walang reaksyon, nakatingin lang siya habang nagsisimula na yung seremonya.




Sobra pa akong kinilig sa sinabi ni Teejay kay Anjo.

"Hindi ako nangngako kasi gagawin ko talaga lahat mapasaya ka lang. Wala na akong mamahalin pang iba maliban sayo. Simula ngayon, lahat ng ako, lahat ng nakikita mo saken, iyong iyo lahat yan. Binibigay ko na sarili ko sayo ng buong buo. Sayong sayo lang ako Anjo. Mahal na Mahal kita ng sobra!"



Tapos yung halik nila, damang dama mo! Sobra akong natutuwa na nageexist pala yung mga ganitong love story!



Napatayo lahat, pati kami ni Sir Benj dahil doon, nagpalakpakan kami at patuloy pa rin sila sa paghaharutan sa gitna.


Tumingin sa'kin bigla si Sir Benj at hinalikan niya ako sa noo.



"Soon, Ethan. Let's just wait for the right moment" bigla niyang sinabi. Akala ko wala siyang paki sa wedding pero dahil sa sinabi niya, natuwa ako!




"Promise?" tanong ko.



"Promise."



Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Sobrang saya ko ng mga oras na yon, yung masaksihan ko at ganong klase ng kasal at yung sabihin sa'kin ni Sir Benj yon!



"Naiinggit kayo no?!" sabi ni Sir Miggy.



"Haha, loverboy talaga yang si Teejay! Pero syempre mas maganda vows namen ni Miggy noon, di'ba???" singit ni Sir Cielo.



Isa pa tong dalawang 'to, sobrang sweet pa rin kahit na may edad na sila.



"Kakasabi ko pa lang po, kami naman soon" sabi ni Sir Benj.


"Nako, dapat lang! At dapat invited kami doon ah!"



"Oo naman po!" biglang bumulong si Sir Benj. "Dahil sainyo kaya ako napamahal kay Ethan".


Nagulat ako ng nilapit niya katawan namen sa isa't isa at hinalikan niya ako sa labi, sa harap ng maraming tao. Wala na rin akong nagawa at inenjoy ko na lang yung moment namen na 'yon.




++++++

CAMEO LANG PO AHHH? HAHA.

VOTE KAYO ULI! KJOLLIBEE J224 AND SEND TO 3456!! HANGGANG AUGUST 31 LANG EHHH. HEHE SALAMAT!!



LAST 16 CHAPTERS AND I ASSURE YOU, SOBRANG DAMI PANG MANGYAYARI AS IN SOBRA!!! Kaya kapit lang hanggang dulo hhe.


VOTE AND COMMENTS!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top