Part 34
"Nasaan ka na?" tanong ko kay Sir Benj nung tumawag ako sa kanya.
"Bakit hindi ka pa tulog? Nasa byahe na po"
"Ahhh. Eh, hintayin na lang kita makauwi"
"Sige po. Maya maya naman nasa condo na ako. Nakahiga ka na ba?" naririnig kong bumubulong siya at mukhang nahihiya siya sa tito niya.
"Opo, tumabi uli si Butchok sa'kin"
"Ahh.. Sana ako na lang katabi mo"
"Hehe, wala ka naman eh."
"Gusto mo bang diyan ako dumiretso? Diyan na lang ako matulog ngayon"
"Hindi hindi okay lang. Baka makatulog na rin ako."
"Gusto mo lang ata marinig boses ko eh hehe"
"Hehe parang ganon na nga."
Natahimik siya at naririnig ko nga yung sasakyan nila na mukhang bumabyahe pauwi. Mukhang pagod na rin si Sir Benj kaya nagpaalam na rin ako.
"Sorry talaga, babawi ako sa'yo bukas ha?" bigla na lang niyang sinabi.
"Sige po, matutulog na rin ako."
"Okay okay. Goodnight. I love you." bulong niya uli. Ang cute niya pa rin kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko kasi itsura niya.
"Goodnight, I love you too"
Narinig ko yung maliit niyang pagtawa sa telepono bago ibaba yung tawag. Nakangiti na naman akong matutulog ngayong gabi dahil dito.
+++
"Bes, nasaan ka?" tanong ni Jaycee sa'kin. Kakaout ko lang sa work at pauwi na ako.
"Sakto, pababa na ako. Why?"
"Dali, may sasabihin kasi ako sa'yo" sabi niya. Hindi na ako nagsayang ng oras at nagmadaling bumaba. Nakita ko naman kaagad siya sa tapat ng office at mukhang may sasabihin na importante.
"Ano ba 'yon, bes?" tanong ko.
"I don't know pero mukhang nilalandi ako ni Blue!"
"Ha? Paano?!"
"Ewan. Hinatid niya ako sa condo tapos nag exchange kami ng number, tapos kanina pa kami magkatext. Walang pahinga."
"Ehh bakit mo din kasi tinetext?"
"Okay naman kasi siya. I mean, maraming bagay na common sa'min. Likes and dislikes kaya hindi kami nauubusan ng kwentuhan"
"Hmmm... Okay... So anong patutunguhan ng usapang 'to?" tanong ko sa kanya.
"Hay nako! Paano si Stephen?"
"Anong paano siya? Akala ko ba fubu lang kayo. Nothing more, nothing less,"
"I know! Pero sa tingin mo.... Magagalit ba siya?"
"I think hindi. Bakit? Ano bang plano mo kay Blue? Magpapaligaw ka ba? Ang ganda mo rin eh no!" sabi ko pa
"I know, maganda talaga. Pero.... Ewan... May feeling akong ewan ehh...."
"Bes, hindi kita maintindihan" sabi ko sa kanya, pero bago pa ako makasalita, napansin ko si Stephen na palapit sa'min at mukhang kakatapos lang magjogging, pawisan yung damit niya at medyo hinihingal pero nakangiti siyang lumapit sa'min.
"Uy, may extrang damit ka naman sa bag mo di'ba?" tanong ni Stephen, hindi na niya hinintay makasagot 'yon at binuksan niya yung bag ni Jaycee at kinuha yung damit doon.
"Ehhh... Di ko pa nagagamit yan, bagong bili yan!" sabi ni Jaycee.
"Haha, sige na. Palitan ko na lang, bilhan kita ng bago bukas" sabi ni Stephen. Naghubad lang si Stephen ng damit sa harapan namen ni Jaycee at automatic na kinuha ni Jaycee yung damit at pinunasan yung likod ni Stephen.
May connection na kaagad silang dalawa na parang automatic na kapag magkasama silang dalawa.
"Anong gusto mong pagkain?" tanong ni Stephen.
"Magluluto ka uli?"
"Gusto mo ba?"
"Sige sige!"
"Favorite mo?"
"Sige!"
Aba, OP na naman ako sa dalawang 'to. Feeling ko may ibang mundo sila kapag magkasama silang dalawa.
"Ethan!" sigaw naman ng familiar na boses at paglingon ko, si Blue! Mukhang galing din siyang trabaho at nagmamadaling lumapit sa'min.
"Uy!" sabi ko naman. Pero hindi niya ako pinansin at kay Jaycee siya tumingin. Nginitian siya ni Jaycee at parang may nakita akong kuryente sa pag tingin ni Stephen kay Blue.
"Sino siya?" tanong ni Stephen na nkahubad pa rin.
"Ahh.. Blue, pre" pakilala niya.
"Stephen" nagkamayan naman silang dalawa, ang aliwalas ng itsura ni Blue ngayon pero si Stephen, parang nagbago.
"Cee, papunas pa ng likod ko." biglang sabi ni Stephen.
"Tapos na kaya!"
"Kulang pa. Dali na" pakiusap ni Stephen na parang bata. Sinunod naman ni Jaycee yon at ngumiti si Stephen na parang nanalo sa competition.
"Hey, gusto mo magdinner?" tanong ni Blue kay Jaycee.
"Ohh.... Sorry pre..." singit ni Stephen ",..magluluto kasi ako ng favorite niyang pagkain eh"
"Really? Kaya mo magluto ng tofu na ala Max?"
"Aba, oo! At natikman niya na yon at sarap na sarap siya!" parang bata talaga si Stephen. Natapos na siyang punasan ni Jaycee at nagbihis na siya ng damit.
"Sorry hehe" sabi na lang ni Jaycee.
"Sure, next time na lang. Paglulutuan din kita" sabi ni Blue.
"Teka, teka! Sino ka ba pre at bakit parang close na close kayo ni Jaycee? Sino siya, Cee? Bakit hindi mo ata nakwento sa'kin?"
So kinwento ni Jaycee yung concert at magkatext sila maghapon at ayon, mukhang nag init na naman ulo ni Stephen.
"Eh ikaw pre? Sino ka ba? Bakit parang jowa ka kung umasta? Bakla ka ba?" tanong naman ni Blue. Nakangiti pa rin siya at mukhang nang aasar. Mukha namang nagtagumpay siya at inis na inis na si Stephen.
"Kaibigan." sagot na lang niya.
"Oh, I see. Kaibigan lang pala. Well, that's good. So, see you tomorrow, Jaycee?" sabi ni Blue.
Umoo na lang si Jaycee at mukhang naaawkwardan sa mga nangyayari. Ngumiti lang sa'kin si Blue at umalis na,
"Sino naman 'yon? Bakit ganon umasta sa'yo?!" galit na tanong ni Stephen.
"Uhm... Katext lang naman!"
"Eh ayoko sa kanya. Wag mo na siya itetext!"
"Ay, bakit kaya biglang naging ganyan mood niya"
"Alam ko na pakay niya, baka gusto niya lang makatikim. Ganon lang habol niya sa'yo!"
"Wow! Coming from you ah eh ganon din lang naman habol mo sa'kin!"
Gusto ko na sanang umalis kaso nag eenjoy ako sa sagutan nilang dalawa. Ang cute na ewan.
"Ehh atleast sa'yo ko lang ginagawa 'yon!"
"Ehhh hindi naman ako nagagalit kapag may kasama kang babae ah?!"
"Anong kasamang babae! Kapatid ko 'yon di'ba? Trese anyos na kapatid kong babae! Ayoko lang sabihin sa'yo kasi titignan ko kung anong magigin reaksyon mo! Oh ano? Hindi ako lumalandi sa iba!"
"Ehhh kahit na hindi ka lumandi, alam mo naman kung hanggang saan lang tayo, at saka hindi ka naman dapat magalit kasi hindi naman tayo!"
Natahimik na lang si Stephen sa sinabi niya at napakamot sa ulo.
"Oo na! Sige na! Halika na! Samahan mo na akong bumili ng lulutuin ko!" sabi niya at umakbay siya kay Jaycee.
"Bes, sasama ka ba?"
"Hindi na bes. Ayoko ng marinig yung away niyong dalawa haha!" biro ko pa.
"Nako, ganito talaga kami haha sige. Bye, ingat pauwi!" sabi niya at umalis na sila. Naririnig ko pa silang nagtatalo habang naglalakad at ako naman umuwi na ng bahay.
++
Nabasa ko naman yung memo na iuurong na yung team building namen at gagawin na lang company outing. Okay na rin yun kasi malapit ko ng dalhin si Butchok sa ospital para maoperahan.
"Excited pa naman ako!!" sabi ni Laura sa'kin.
"Hehe, mukhang okay ka na ah?" bigla kong inopen yung ganong topic.
"Well, totoo nga sabi nila na kapag may aalis, may darating na mas okay. Hindi ko alam kung mabilis ba pero may nanliligaw sa'kin ngayon na bago!" sabi niya pa.
"Wow! Okay yan! Pwede ko ba makita?"
"Next time na lang, baka maudlot eh haha. Okay siya, may resemblance ng kaunti kay Sir Jack, pero to be honest, mas cute si Sir Jack pero iba yung humor netong bago eh. Talagang effortless yung pagpapatawa niya kaya I find him cute!"
Ang sarap talaga makinig sa kwento ng isang taong inlove.
"Soon, kapag official na papakilala ko siya sa'yo! At syempre, ikaw ang unang makakaalam hehe"
"Sure! Asahan ko 'yan ah" sabi ko na lang.
Maya maya, habang nasa kalagitnaan kami ng trabaho, nag pop up na naman yung group chat na puro chismisan. Asusual, taga tingin lang din ako ng mga message.
"Guys! Inlove ata si Sir Benjamin niyo! Pak ganern!"
"I know! Spotted kaya siya sa Pampanga last night with a girl!"
"OMG! Spluk mo na!"
Naintriga naman ako sa pinaguusapan nila at nagbasa basa muna ako. Anonymous naman kasi yung mga nagsesend kaya hindi ko alam kung sino yung nagchichismis.
"I heard... Pumunta siya ng Pampanga to have a meeting. But may insider ako, spotted daw siya with another girl!!"
"Beauty ba? Wala na atang mas gaganda pa kay Sophie!"
"Ayyy guys! Ano ba! Mali kayo ng details! Si Sophie yung kasama ni Sir Benj!"
"OMG! Iknew it! Check niyo IG ni Sir Benj, may nilike siyang pic ni Mam Sophie!"
"Legit guys! Legit! Nag like nga si Sir Benj!"
"Pak, nasira na naman pantasya ko kay Sir Benj!"
"Benjamin and Sophie again!"
Hindi ko na tinuloy yung pagbabasa chats nila. Hindi ako naniniwala doon! Hindi naman magsisinungaling sa'kin si Sir Benj! Parang naiiyak ako bigla pero pinigilan ko. Masyadong mababaw para umiyak ako sa maliit na bagay!
Pero hindi maliit na bagay ko, malaking bagay na yon para sa'kin. Bakit hindi niya sinabi? Dalawang araw na nakalipas, okay naman kaming dalawa at kahit masingit man lang, hindi niya nagawa.
Chismis lang to at gusto ko sa kanya manggaling kung totoo o hindi.
++
Hinatid niya ako pauwi at doon, hindi ako makapagsalita. Iniisip ko tuloy kung ano pinag usapan nilang dalawa, ang daming tumatakbo sa isip ko na hindi ko naman dapat iniisip.
"Kanina ka pa tahimik? Okay ka lang ba?" sabi niya.
"Uhmm.. Oo"
"Really? Walang masakit?"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Wala"
Ngumiti rin siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Akala ko didiretso kami sa bahay pero pumunta kaming dalawa sa condo niya.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko.
"Wala, may bibigay lang ako sa'yo" sabi niya. Umakyat kami sa condo niya at pagpasok namen, may hinanda ulit siyang special dinner para sa'ming dalawa.
"Anong meron?" tanong ko.
"Happy 1st monthsarry!" sabi niya.
"Ha?"
"1 month ago, naging "boyfriend" mo ko, remember? So, gusto ko lang icelebrate natin"
Kung normal day to at hindi ko nabasa yung mga chats, siguradong matutuwa ako pero pinilit ko na lang ngumiti para sa kanya.
"Paano ka pa naghanda ng ganito?" tanong ko.
"Ako yung nagluto, inutusan ko lang yung mga staff para ayusin yung kwarto hehe. Nagustuhan mo ba?"
Candle light dinner, may regalo din sa lamesa na maliit at hindi ko pa alam kung anong laman. Naka dim yung ilaw at naka focus lang sa lamesa.
"Nagustuhan ko" sabi ko nalang.
"Hehe good..... So here's the thing..." bigla niyang sabi, hinintay ko kung anong sasabihin niya.
"Nagkita kami ni Sophie sa Pampanga" bigla niyang sinabi.
At totoo nga!! Sa kanya na nanggaling! Parang iniisip ko lang kanina, ngayon, sinabi na niya!
"Bakit ka nagsinungaling?" tanong ko.
"No no no. Please, let me explain"
Paiyak na sana ako pero pinigilan ko talaga sarili ko sa pag iyak.
"I was really with my tito last night, gusto niya kasi magtayo ng business and kailangan niya ako para makipag usap. And, I really don't know na nandoon si Sophie. Conincidence lang talaga lahat"
"....."
"Nagkatitigan lang kami then she smiled, ako naman ngumiti din tapos ayon na. Ayun lang yon."
Hindi ko naman alam kung maniniwala ako sa kanya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko.
"Well, at first akala ko okay lang. Kasi wala naman na sa'kin eh, but there's a weird feeling na parang kailangan kong sabihin sa'yo lahat. Narinig ko kasi yung name ni Sophie kanina sa office so baka nachismis na kaagad lahat."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
"At isa pa, kaya ako sumama para ibigay sayo 'to!" inabot niya yung regalo sa'kin at nung binuksan ko, gold na bracelet 'yon na may initials na B❤E.
"Pinagawa ko pa 'yan sa Pampanga at sakto lang na tapos na nung kukunin ko. Blessing in disguise din pagsama ko kay Tito sa Pampanga"
Tumayo siya para isuot sa'kin yung bracelet at nawala lahat ng worry na iniisip ko about kay Sir Benj.
"Siguro kaya ka tahimik ngayon dahil nalaman mo yung about kay Sophie but trust me, hindi kami nag usap. Hindi ko siya nilapitan at lalong walang balikang mangyayari sa'ming dalawa. Ikaw na nagpapasaya sa'kin ngayon" sabi niya pa
"Totoo.... Nalaman ko magkasama kayo ni Sophie kaya ako natahimik...."
"Sa susunod, sabihin mo sa'kin yung mga problema mo about sa'kin kasi sasabihin ko lahat, ipapakita ko lahat at ipaparamdam ko lahat, mawala lang yung doubt mo sa'kin."
Nakakainis lang na hindi ko napigilan pagtulo ng luha ko pero dali dali naman niyang pinunasan.
"Huwag ka ng umiyak. Totoo lahat ng 'to, totoo nararamdaman ko sa'yo."
"Kasi... Mahal na kita, Sir Benj. At feeling ko, mauulit lahat ng sakit na naramdaman ko kapag...."
"Hindi kita niloloko." bigla niya akong hinalikan sa labi ko ng madiin, yumakap pa siya sa'kin ng mahigpit habang ginagawa 'yon. Hindi rin mapakali yung kamay niya na humahaplos sa'kin.
"Mahal din kita Ethan," hinalikan niya ako uli.
"Mahal" halik uli. "Na" halik uli. "Mahal" sabay halik ng madiin.
Nawawala talaga yung pag alala ko dahil sa pinapakita niya sa'kin.
Binura ko na uli lahat ng pagaalinlangan ko at nagbalik na uli yung buo kong pagmamahal kay Sir Benj.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top