Part 33

Isang taon na nakalipas simula nung dinraft ko yung Part 1 ng My Marine Lover. And now, pang apat ko ng story 'to. Haha. Maraming Salamat po sa suporta! 😊

+++++

Nakahiga pa rin ako sa kama niya, nakatitig sa kisame at hinahabol ang paghinga. Kakatapos lang ng pangatlong round pero iba 'yung nararamdaman kong feeling, nagtatawanan kasi kami habang ginagawa 'yon, nagbibiruan din kaming dalawa at nagkekwentuhan.


Bigla siyang tumagilid sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. Humarap din ako sa kanya at pinagmasdan ko yung napaka gwapo niyang mukha. Sino ba naman mag aakala, na nagsimula lang ako bilang empleyado niya. Nagpanggap na kaming dalawa at ngayon, kami ng dalawa.


Pawis na pawis pa siya, at ganon din ako pero hindi nakakabawas ng pagkagwapo, ang gulo gulo pa ng buhok niya. Halos panggigilan kasi namen ang isa't isa. Napansin ko ring mapula yung katawan niya, siguro dahil sa kalmot ko. Nararamdaman ko rin na parang namumula katawan ko, dahil na rin sa panggigigil niya sa'kin.


"Anong iniisip mo ngayon?" tanong niya.


"Wala naman...."

"Talaga?"


"Bakit ikaw? Ano iniisip mo?"


"Iniisip ko kung kailan mauulit 'to!" sabay halik sa ilong ko.


"Ayoko na, ang sakit eh"


"Sabi mo kanina masarap, bakit masakit na ngayon?"

"Masakit talaga. Pero kanina masarap"


"Makakatayo ka pa ba?" tanong niya sabay pisil sa pisngi ng pwetaan ko.

"Oo naman!" sabay alis ko sa kamay niya.

"Good. Pero kung hindi mo naman kayang tumayo, bubuhatin kita"

Sa pinapakita niya sa'kin, parang willing na akong ibigay talaga ang lahat. Although, nabigay ko na yung katawan ko, ibibigay ko pa lahat ng kaya kong ibigay sa kanya.


"Hindi pa natin nauubos yung pagkain" sabi ko.


"Eh nakakain ka naman ng sauce ko ah?" pilyo niyang sabi.

"Ano ba!" medyo nahihiya kasi ako.

"Susundan na ba natin kaagad si BE?"


"Baka may mabuo!"

"Malay mo naman haha"

"Loko!" nahihiya ako kaya tumalikod ako sa kanya para matulog.


"Dito ka humarap, gusto kong nakikita ka!" pangungulit niya pero ayokong humarap sa kanya.


Kaya yumakap na lang siya sa'kin sa likod at pilit na pinapadama yung alaga niya sa likod ko. Napaharap tuloy ako sa kanya bigla.


"Oh di'ba haharap ka rin. Goodnight honey" niyakap niya ako ng mahigpit, at iba yung hatid na dala ng mainit niyang katawan na nakadikit sa'kin.


"Goodnight din" sabi ko.


"I love you" bulong niya sa tenga ko.


"I love you too" bulong ko naman sa kanya. Naririnig ko yung paghinga niya sa tenga ko na siyang nagpagaan ng nararamdaman ko kaya nakatulog na rin ako.

++++

Sabay kaming pumasok ni Sir Benj at kitang kita ko yung saya niya pagpasok, na kahit mga kaofficemates ko eh napansin.

"Good mood ang boss niyo!" may nag pop up na message sa computer ko, eto na naman yung chismis group chat ng team namen.


"Narinig ko, may dine date na raw siya ngayon!"


"Mukha naman eh, hello. Baka nakatikim na naman kagabi kaya masaya!"

Natatawa na lang ako sa groupchat nila at nagpatuloy na ako sa pagtapos ng trabaho ko.


Maya maya, lumabas uli si Sir Benj sa office at tinawag ako.


"Ethan, office! Now!" sigaw niya.


Bago ako makatayo, nagmemessage na naman sila sa group chat.


"Badtrip pala kaaagad!"


"Yari na naman si Ethan niyan haha"


Ang dami pang message pero hindi ko na binasa. Pumunta na kaagad ako sa office niya, bakit ang bilis naman niya magalit? Medyo kinakabahan tuloy ako.



"Bakit, Sir?" sagot ko.


Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya kaya ganon ginawa ko. Pagkasara ko ng pinto lumapit ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi, ayaw pa niyang tanggalin at sobrang nag eenjoy siya!


"Sir Benj!"


"Oh? Anong problema?" yung itsura niya yung akala mo wala siyang ginawang kasalanan.


"Nasa office tayo!"


"Ano naman. Namimiss ko lang naman yung mahal ko ah"


Umagang umaga naman 'to si Sir Benj! Pero kinilig naman ako sa sinabi niya.


"Baka kasi may makakita" sabi ko.


"Kakatok naman sila eh, hehe hayaan mo na okay na ako. Mamayang break time, balik ka rito halikan kita uli"


"May oras???"


"Oo, pag lunch break matagal tagal dapat kasi matagal yung break natin eh"



"Mapudpod naman labi ko niyan haha" biro ko sa kanya.



"Ako lang pupudpod diyan!"


"Ewan ko sa'yo, magtrabaho ka na nga diyan!" sabi ko na lang at lumabas ako ng office niya pero bago ako makalabas, tinawag niya pa ako.


"Po?" sagot ko.


"I love you" sabay kindat sa'kin. Tumingin muna ako kung may papasok pa at nung napansin kong wala...


"I love you more" sagot ko sa kanya.



Kilig na kilig akong lumabas sa office niya at bumalik akong nakangiti sa table ko.


+++

"Official? Kayo ng dalawa?!!" sigaw ni Jaycee sa'kin nung nagkita kaming dalawa. May pinuntahan kasi si Sir Benj at hindi na ako sumama kaya napagpasyahan namen ni Jaycee kumain.



"Sshhh... Ano ba, nagtinginan tuloy lahat dito!"


"Sorry bes! Pero seryoso?"


"Wala naman kaming sinabi na kami na pero nag I love you na siya, tapos ayon nga may nangyari na tapos ewan.... Feeling ko oo!"


"Nako bes, 'wag puro feeling. Dapat may assurance. Pero bet, nadiligan ka na uli after how many years!"



"Hahaha baliw ka talaga!"


"Well? Details! I want details of your bed scene!"


"Ayoko nga! Sa'kin na lang 'yon!"


"Gaano na lang kalaki? Kay Stephen mga 7.5 or 8, ganern!"


"Ayoko pa rin!"


"Wooo baka maliit kaya ayaw mong sabihin!"


"Hindi!! Parang ganon lang din kay Stephen!"


"Ay gifted din! Haha!"



"Loko ka talaga! Pero wala bang improvement yung relationship niyo? I mean... Hanggang fubu lang?"


"I told you bes, masaya kami sa kung anong status namen. Nagwowork ako, siya naman hindi ko alam ginagawa pero umaalis siya palagi baka may work din, not so sure. Kakain kaming dalawa ng sabay, nagkekwentuhan din kami. Mahilig din siya sa movies at cartoons kaya nagkakasundo talaga kami sa bahay. Kaya walang problema. Open naman siya kapag may babae siyang kinikita, magtatawanan lang kami tapos may mangyayari uli, ganon lang. Kuntento ako bes."



I wish ganyan din ako kay Jaycee. Masyado siyang matured and liberated at the same time, loyal sa isa. Kahit attracted siya sa iba, isa lang talaga yung binibigyan niya ng atensyon.



Habang nagkekwentuhan naman kami, may kumalabit sa'kin at paglingon ko, nandoon si Blue.

"Uy" sabi ko.


"Hey,"


"Sino kasama mo?" tanong ko sa kanya.


"Hindi ako sinipot ng kasama ko eh hehe. Pauwi na rin ako, kakain lang din ako gutom na ako eh" sabi niya.


"Ahhh... Sige sige" sagot ko. Sa fast food lang naman kami at mukhang walang pwesto, napansin kong nakabili na si Blue pero wala talaga siyang mapwestuhan kaya sumenyas na kami ni Jaycee na pumwesto na lang sa'min.



"Sorry ah hehe" magkatabi kami ni Blue ngayon.



"Familiar ka sa'kin!" biglang sabi ni Jaycee. Napatingin lang si Blue at parang sumang ayon siya sa sinabi neto.



"Oo nga, familiar ka rin!"


"Nagkita na kayo noon, di'ba? Nilaglag mo pa ako sa kanya!" sabi ko kay Jaycee.


"Hindi bes, hindi. Iba pa promise. Nung una hindi ko siya napansin masyado eh..." mukhang nag iisip din si Blue kung saan niya nakita si Jaycee. Ako naman na OOP sa dalawa.



"TAMA! Sa concert!" sabay nilang sigaw na dalawa.


"Concert?" tanong ko.


"Naalala mo nung college? Sabi ko sa'yo non, umattend ako ng concert kasi wala kang pera. Then nagkita rin kami netong si Blue kasi wala siyang kasama."


"Oo! Tapos nilibre kita ng tubig non kasi sabi mo nawawala pera mo!"


"Joke lang yon! Gusto ko lang talaga makalibre! Haha"


"Ahhh ganon? Haha"


"Pero naaalala ko pangalan na binigay mo, hindi Blue eh."


"James. Blue James kasi pangalan ko, ang korny di'ba? Kaya Blue na lang ginagamit ko. Ang sagwa naman kung BJ, parang ano lang haha"



Hindi ako nagsasalita sa kwentuhan nilang dalawa. Parang long lost friend sila na nagtagpo uli.


"Haha, wow. What a world!" sabi pa ni Blue.


"Ang laki ng pinagbago ng katawan mo no?" sabi ni Jaycee.


"Oh, naging concious na kasi ako at simula nung nakakakita ako ng improvement, naadik ako so eto, medyo nagpapalaki ng katawan hehe"



Again,tahimik pa rin ako sa dalawa at sila lang magkwentuhan. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagkain ko. Nagtatawanan silang dalawa at hindi ko talaga masingit sarili ko sa kanila.



Hanggang sa pagtapos, nagkekwentuhan lang silang dalawa.


"Oh? Saan way mo?" tanong uli ni Blue kay Jaycee.

"Ahh, diyan lang ako, walking distance"


"Oh, okay. Maglalakad lang din ako eh, sabay na ako sa'yo??" yaya niya. Umokay naman ako at hinayaan ko na silang dalawa. Since wala akong dalang sasakyan, nag commute na lang ako.


Pero biglang buhos ng malakas na ulan, kaya naman nagpatila muna ako sa lobby ng office. Sakto naman, biglang dumaan si Sir Jack at napansin ako.


"Di ka pa uuwi?" tanong niya.


"Malakas pa po ulan, Sir." sagot ko. Kahit medyo awkward na kausap ko siya, kinakausap ko na lang siya as boss ko.



"Tara, hatid na kita." yaya niya.


"Ahh... Hinihintay ko pa po si Sir Benj"


"I thought nasa Pampanga siya today?" sabi niya.


Pampanga? Bakit hindi ko alam 'yon.



"Ahhh... Oo nga pala. Hihintayin ko na lang tumila yung ulan" sabi ko.

Bigla siyang may chineck sa phone niya at maya maya, tumabi na siya sa'kin sa kinauupuan ko.


"Expect moderate to heavy rainfall up to 10PM. according to PAG ASA. So kung gusto mo mag stay dito, okay lang. Not unless, ihahatid na kita."



Hindi na nga ako umuwi kagabi, pero ayoko naman magalit si Sir Benj.


"Sorry po Sir Jack...."


"I'm doing this as a friend, not because I like you. At isa pa, namimiss ko rin si Butchok, gusto ko lang dumalaw" sabi pa niya.


"Saglit lang Sir." tumayo ako at tumatawag kay Sir Benj. Pero hindi niya sinasagot, kaya nagtext na lang ako na sasabay ako kay Sir Jack pag uwi. Umupo ako uli at naghintay ng ilang minuto pero hindi pa rin siya nagtetext. Kaya pumayag na akong kasama si Sir Jack.



++

"Parang pumapayat ka ata?" biglang sabi ni Sir Jack habang nagmamaneho siya. Medyo traffic pero tolerable pa naman.


"Talaga? Parang hindi naman"


"Hehe, kumusta na si Butchok?"


"Malapit na po matapos yung iniinom niya, babalik na kami sa ospital by nextweek"



"Oh, I see. Well, gusto ko lang malaman mo na pupunta akong USA sa December" bigla niyang sabi.

"Bakasyon? Wow."


"No.... I mean, mageexpand na business namen at kailangan may mag handle ng branch natin doon so.... Ako yung pupunta" sabi niya.


"Oh? Akala ko ba gusto mong mag Pulis? Hindi mo na itutuloy?"


"Haha, wala na yon. Sira na yung pangarap kong 'yon."



"Sayang naman."


"Well, kailangan kong mag move on sa'yo kaya kailangan kong umalis. Ang hirap naman na nakikita ko kayong ni Benjamin na magkasama"


Ang awkward naman ng sinabi niya. Bakit ba ganito si Sir Jack sa'kin? Akala ko naman biro lang lahat ng pinapakita niya noon.


"Sorry, ang awkward ba? Hehe change topic na" bigla niyang sabi. Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan ko na lang siya.


Tahimik kaming dalawa na nakarating sa bahay, medyo malakas pa rin yung ulan kaya pinapasok ko na lang si Sir Jack sa loob. Binati naman kaagad siya ni Butchok at nagyakapan sila ng mahigpit. Buti maganda pa rin trato niya kay Butchok.




"Kuya Boss! Ang tagal niyo pong hindi dumalaw ah?" sabi ni Butchok.



"Oo, marami lang ginagawa"



"Gusto niyo po maglaro muna tayo ng PS4 sa taas? Tara po. Tara po!" hinila niya si Sir Jack at hindi ko na siya napigilan. Sumama na rin si Sir Jack doon.




Tinignan ko naman phone ko at sakto, may text galing kay Sir Benj.



"Nakauwi ka na ba?" text niya.



"Kakarating ko lang. Nandito pa si Sir Jack kasi nakipaglaro si Butchok"



Pagkareply ko non, tumawag na siya sa'kin.



"Malakas din ba ulan diyan?" sabi niya.



"Medyo medyo na lang. Bakit nga pala nasa Pampanga ka?"

"Oh paano mo nalaman?"



"Sinabi ni Sir Jack"



"Ahh oo, biglaan lang. Kina tito hehe, kumain ka na?"



"Oo, di'ba magkasama kami ni Jaycee kanina?"



"Oo nga pala. Anong ginagawa mo ngayon? Iniisip mo ba ako?" tanong niya.



"Magkasama lang tayo kanina ah?"



"Bakit? Bawal ba 'yon?"



"Hindi naman hehe. Pauwi ka na ba?" tanong ko.



"Oo, saglit lang din 'to eh. Maya maya pauwi na ako."



"Sige, mag ingat ka!"



"Okay po. Paalisin mo na kaagad si Zachary diyan ng makatulog na ako ng mahimbing mamaya hehe"



"Sige po. Pagkatapos nila ni Butchok maglaro."



"Sige..." natahimik kami ng saglit.




"Magbihis ka na at magpahinga. Paalis na kami" biglang sabi ni Sir Benj.



"Oh sige sige, bye!"



"Bye, matulog ka na ahh?"



"Opo opo."



"Okay, bye. Mwa" sabi niya at binaba na niya yung tawag. Maya maya nagtext din kaaagad siya.



"I love you. Sorry nandito kasi si tito eh hehe"



Akala ko naman nakalimutan niya.



"I love you too. Goodnight 😘" reply ko.


"I love you more. 😘"



Pumasok na ako sa loob at nagbihis. Bumaba na muna uli ako sa sala at doon ko na lang hinintay na makauwi si Sir Jack.



+



"Ethan.... Ethan" gising sa'kin ni Sir Jack, nakaidlip na pala ako sa sofa.



"Po?"


"Uuwi na ako. Tulog na rin si Butchok sa taas hehe."



"Ah sige po" tumayo ako at hinatid ko siya palabas.



"Maraming Salamat po uli sa paghatid" sabi ko.



"Sure sure. One more thing" may kinuha siya sa sasakyan niya at inabot sa'kin, envelope 'yon na kulay brown,



"Ano po 'to?" tanong ko.



"Buksan mo" pagkabukas ko nakita ko yung mga documents, akala ko galing sa work pero may kakaiba, parang important documents at lahat nakapangalan sa'kin.



"Ready na lahat lahat sa'yo, working visa, passport. May bahay ka ng tutuluyan doon, libre food at may gagamitin kang sasakyan. In 2 years, pwede mo na rin isunod mga relatives mo."



Nung una, hindi ko maintindihan yung sinasabi niya pero nung makita ko yung passport at visa, parang alam ko na.



"Kung gusto mo sumama sa'kin sa states, ready na lahat. Pirmahan mo lang yung kontrata sa loob. Katulad ng sabi ko okay na lahat. Sahod? 10x ng sinasahod mo dito." pahabol pa niya.



"Sir Jack...."



"Hey, I'm not forcing you. If ayaw mo talaga, ibalik mo na lang sa'kin but please consider. Sayang yung mga ganyang opportunity" sabi pa niya.




"Maraming dahilan kung bakit hindi ko 'to kukunin, Sir Jack."



"I understand. But, sa'yo muna 'yan hanggang December. September pa lang naman, marami pang mangyayari. Just in case okay?"



"But the answer is still no." sabi ko pa.




"Hmmm... Okay okay." kinuha niya uli yung envelope at ngumiti sa'kin na parang pilit. "....ayoko sanang maging issue sainyo 'to ni Benjamin so sana hindi mo na lang sabihin sa kanya. Tinanggihan mo naman eh" sabi niya pa.



"Good Idea, Sir." sagot ko.



"Okay, then, Goodnight"



"Goodnight Sir Jack" sumakay na siya ng sasakyan niya at umalis.



+++++

VOTE AND COMMENTS!!#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top