Part 32

Sa tuwing nakikita ko si papa, puro sama ng loob na lang talaga nararamdaman ko. Alam kong mali, alam kong ang sama pero hindi ko maiwasan. Sino ba naman matutuwa na iniwan ka ng tatay mo sa ibang pamilya at ngayon, sasabihin niyang halos kasing edad ko o baka mas matanda pa sa'kin yung anak niya doon.




Itinulog ko na lang talaga lahat hanggang sa makalimutan ko 'yon.



+



Buti na lang pag gising ko, wala na si papa at maaga raw umalis. Hindi ko na tinanong kung saan pumunta at kumain na ako saka pumasok sa office.




Nandoon na si Laura sa desk niya at mukhang okay naman siya ngayon kasi nakangiti siya nung binati niya ako.




"Ang tagal mong nawala ah?" sabi ko.



"Nagmuni muni lang ako. Pumunta akong Baguio haha."




"Nag move on ka sa Baguio?"




"Haha parang ganon na nga." nakakatawa na talaga siya ngayon.



"Oh. Nakapag usap na ba kayo uli?"


"What? Ofcourse not! Ano gusto mo, magdrama na naman ako? Haha. Okay na yung hindi ko siya makikita or makakausap kasi baka kapag nakita ko pa siya bumalik lahat!"



"Well, namiss kita. Hehe" niyakap ko siya at yumakap din siya sa'kin.



Maya maya, lumapit sa'min si Sir Benj na may dalang pagkain para sa'kin lang. Nilapag niya kaagad sa desk ko at umalis. May naiwan naman na note doon.




"Good Morning honey. Work hard today and I'll do the rest after. ❤"




Mukhang nabasa ni Laura 'yon at biglang napahampas sa braso ko.




"Kayo na ba? Ano ba, ganon ba ako katagal nawala para hindi ko malaman?" tanong niya.



"Ahhh... It's complicated kasi eh"


"Duh, kapag nag I love you na siya, wala ng complicated complicated, kayo na kaagad!"



"Eh ayon nga ang problema eh, hindi pa nga nag a-I love you sa'kin"




"Ahhh... Ayun lang. Hehe. Well, goodluck. Ayoko muna problemahin yung mga ganyan ngayon haha basta kapag may problema kayo, sabihan mo lang ako ah? Hehe"




Umoo na lang ako sa kanya at binuksan ko na 'yung pagkain na binigay ni Sir Benj. Syempre, korean food pa rin pero hindi ako nagsasawa, kahit ganito na lang kainin ko basta galing sa kanya, okay na okay lang.




+


Nakipagkita naman sa'kin si Jaycee pagka out ko, since busy pa si Sir Benj, pumayag siya at baka raw sumunod siya kapag natapos na sa ginagawa niya.


Aba, si Jaycee, sobrang saya. Sobrang gnda ng awra niya. Never ko pa talaga siya nakasama ng ganito.


Ang dami nameng nakakasalubong na pogi pero kahit isang beses, hindi siya na react. Kakaibang kakaiba talaga. Busy lang siya sa pakikipagtext at alam ko na kung sino 'yon.



"Ano? Mag uusap ba tayo o aalis na lang ako?" sabi ko sakanya.



"Haha, ano ba! Minsan lang akong kiligin ng ganito eh! 'Wag ka nga diyan bes!"



"Bakit ba kasi ako kasama mo at hindi siya?"




"Ehh kasi.... Ayoko... Haha, bibili kasi ako ng damit. Eh aalis daw siya kaya hindi nia ako masasamahan"




"Hala, sige ka. Paano kung may kasama na 'yung iba!" biro ko.


"Well, okay lang naman sa'kin. Sa'kin pa rin naman siya tuwing gabi. Ako pa rin uuwian niya"




Tawang tawa ako sa pagkakasabi niya, fierce na fierce.




"Nako, kapag ikaw nainlove...."



"Bes, seriously. Hindi ako shunga sa pag ibig katulad mo no. I know we're just roommates with benefits. That's all. Nothing more, nothing less"




"Sige... Sabi mo eh."

"Yeah, at hindi ko kakainin sinasabi ko, hindi katulad mo no!"

Hindi ko na lang pinansin sinabi niya at nagpatuloy kami sa paghahanap ng damit.




At sa malayo, may napansin akong familiar na lalaki at ngumiti rin siya kaagad nung nakita niya ako.



"Hey!" si Blue 'yon. Napatingin lang s Jaycee at tumingin si Jaycee sa'kin ng masama.



"Uy, Blue, si Jaycee pala bestfriend ko. Bes, si Blue."


"Hi, sorry may boyfriend na bestfriend ko so sana 'wag mo na siyang pormahan!" mataray na sabi ni Jaycee na may pagngiti ng kaplastikan.




Natawa si Blue ng malakas "hahahhaa we? You're gay?"

Fvck, napakaingay talaga ng besfriend kong 'to! Sa sobrang hiya, gusto ko ng magpalamon sa lupa!



"Yes, he is gay and he's proud of it. Right bes?!" sabi pa ni Jaycee.




"Well, that's a shock. Don't worry, it's okay. We're just friends. Right Ethan?" sabi naman ni Blue.



Sobrang nahihiya talaga ako at hindi ako nakapagsalita at hinatak ko na lang si Jaycee palayo.



"Bakit mo naman sinabi 'yon bes?!"



"Haha, ano ba, okay lang 'yon! Atleast hindi mo na kailangan magpanggap sa kanya di'ba? At saka nagtext sa'kin Sir Benj mo!"


"Si Sir Benj?"



"Oo! Pakiusap niya sa'kin kapag may lalapit sa'yo na lalaki at kasama mo ko, sabihin ko lang daw na may boyfriend ka!"




"Mas kampi ka kay Sir Benj?!!"



"Well, pinaloadan niya ko eh... So, sakanya muna ako kampi hahaha at saka bes, mukhang seryoso na sa'yo si Sir Benj, kasi lumalapit na rin siya sa'kin eh. Nakikisuyo. Di'ba?"




"Nakakahiya lang kasi! Taga subdivision din kasi 'yon!"




"Ayy... Sorry... Pero atleast nga di'ba alam na niya! Haha" hindi ako galit kay Jaycee, sobrang nahihiya lang talaga ako kay Blue.





Kinalimutan ko na lang lahat ng 'yon at bumili na kami ni Jaycee ng mga damit niya. Sinabi naman niya kaagad na papunta si Stephen dito kaso kasama raw si Sir Jack.


"Nako, alam mo naman magagalit si Sir Benj!"




"Alam na raw ni Sir Benj mo!"



Tinignan ko phone ko at may text nga si Sir Benj.




"Update me kung nasaan ka, papunta na ako diyan" agad naman akong nagreply kung nasaan ako at maya maya lang, nakita ko na si Stephen na kasama si Sir Jack.




Umakbay lang si Stephen kay Jaycee at binuhat yung mga pinamili niya. Hindi naman ako pinansin ni Sir Jack at mukhang busy sa pagtetext.




"Oh Ethan, papunta na rin daw si Benjamin. Kanina pa kami magkasama ni Zachary kaya siya nandito!" paliwanag ni Stephen.




"Oh,... Okay okay"



"Suplado mo naman!"




"Hindi ah. Hinihintay ko lang si Sir Benj" sabi ko pa.


"Oh, I see. Ang dami ng nakwento sa'kin ni Benjamin kaso hindi ko na sasabihin kasi nandito si Zachary. Iba rin kasi yung kamandag ng Ethan eh, dalawang tropa ko pa nag aagawan!"




"Huy ano ba!" saway ko.



"Pahumble pa!"



Sumingin naman si Jaycee. "Ehh kaso hindi pa sinasabi ang magic word na I love you. Hindi talaga seryoso yan si Sir Benj!"


Parang kanina lang boto siya kay Sir Benj tapos bumabaliktad siya ngayon.



"Well, si Benj kasi more on action." paliwanag ni Stephen.



Bigla ko naman napansin na tumingin si Sir Jack sa'kin pero agad din umiwas nung nakita niyang nakatingin ako. Bigla siyang tumingin sa phone niya at mukhang nagtext. Maya maya, may nareceive akong text galing sa kanya.



"Masaya ka ba talaga?" text niya sa'kin. Mukhang naghihintay siya ng reply pero hindi ko ginawa. Bigla uli siyang nagtext sa'kin.




"I'm here Ethan. Still waiting..."



Hindi ko uli siya nireplayan at biglang tumawag si Sir Benj sa'kin.



"Nasaan ka? Nasa mall na ako" bungad niya.



"3rdfloor"



"Okay, nakita na kita" hinanap ko kung nasaan siya at nakita ko na siyang tumatakbo palapit sa'kin. Nagtinginan lang sila ni Sir Jack pero nagbatian sila ni Stephen.




"Awkward alert....." sabi ni Stephen at nagtawanan lang sila ni Jaycee.



"No, that's okay, aalis na lang kami ni Ethan. May pupuntahan pa kasi kaming dalawa eh" sabi ni Sir Benj.



"Saan naman?" si Sir Jack 'yon.



"None of your business."



"Dude, I'm just asking"



"Well, really, it's none of your business so, guess aalis na kami. Okay?" hindi na niya hinintay yung sagot nung iba at umalis na kaming dalawa.




"Teka, saan ba kasi tayo pupunta?" sabi ko habang nagmamadali kami.


"Wala, uuwi na kita"




"Eh bakit nagmamadali tayo?"




"Wala, gusto ko lang pauwiin ka na."



Hindi ko naman alam kung bakit ganito na naman si Sir Benj, parang may problema siya na hindi niya masabi.



Hanggang sa makauwi, hindi pa rin siya umiimik.



"Sige, see you bukas." ayun na lang sabi niya.



"May problema ka ba?"



"Wala, I'm okay. Hehe, pagod lang siguro"



"Ohh... Sige."


"Hey, I'm just not really in a good mood. It's about my dad, and I'm not comfortable na pag usapan yun ngayon. Hope you understand" mukhang malaki nga problema niya kaya hindi ko na siya kinulit. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi bago ako bumaba ng sasakyan.


Gusto kong malaman about sa dad niya kaso mukhang hindi pa siya ready. Gusto kong siya yung unang mag open up kaya pinabayaan ko muna siya.


+



Patulog na sana ako ng biglang magtext sa'kin si Blue. Nagbigayan kasi kami ng number nung Birthday ni Fifi.



"Ethan, this is Blue 😊" text niya.


Ayoko pa sana replayan kasi nahihiya ako dahil kanina.



"Oops. Na seen na yung text ko pero hindi pa rin nagrereply" text niya uli. Minsan nakakainis din kapag sobrang high tech na eh.



"Sorry, matutulog na kasi ako 😊" reply ko.




"I see. Well, nice seeing you sa mall kanina. Iba pala dating mo kapag naka formal ka ng suot!"


"Ahh, required kasi sa office na ganon yung suot"




"I see, hmm... About kanina, totoo ba 'yon? Na you're gay?"



Jusko naman! Bakit kailangan pang tanungin sa'kin mismo?! Nakakahiya talaga.




"Baliw lang yung kaibigan kong 'yon haha sige goodnight na!" reply ko at hindi ko na binasa yung text niya at pinilit ko ng matulog.



+


Medyo okay na si Sir Benj ngayon at kahit papano, nakangiti na siya. Niyaya niya akong mag dinner sa condo niya ngayong gabi at magluluto daw siya para sa'kin.



Medyo kinakabahan ako pero pumayag na rin ako. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa'kin.



Pagkarating nga namen, naghahanda siya ng lulutuin.


"Pesto carbonara, honey. Kakain mo 'to ah, kundi magtatampo!" sabi niya sa'kin. Umoo ako at pinagmasdan ko siyang nagluluto. Naka boxershort lang siya at apron habang nag gigisa. Ang gwapo niya tignan, lalo na kapag nagluluto siya, nakaka turn on.



Nahiga muna ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Gingising na lang ako ni Sir Benj.


"Doon ka na sa kama ko matulog" sabi niya.



"Kakain pa tayo di'ba?" sabi ko at medyo napasarap nga ata yung tulog ko.




"Kanina pa kaya luto pero ang sarap pa rin ng tulog mo"



"Aw, sorry po...."



"That's okay, tara na, doon ka na sa kama"




"Medyo nagugutom kasi ako eh. Kain muna tayo" sabi ko sa kanya at this time ngumiti na siya.




"Okay, wait lang maghahain lang ako" tumakbo siya sa kusina para maghain.



+



Naghain siya ng carbonara sa lamesa, may garlic bread pa at may kandila sa gitna.


"Akala ko ba, dinner lang 'to?" sabi ko.




"Oo nga, dinner lang."




"Special dinner pala"


"Well, special person deserves a special dinner so, eat well" sinubuan niya ako ng carbonara na gawa niya at nakakagulat yung sarap, sobrang sarap!




"Wow! Ang sarap!"


"Promise?"




"Opo! Baka pinadeliver mo lang 'to ah!"



"Ay grabe haha. Niluto ko yan specially for you."



"Pang ilan mo na akong nilutuan? Baka madami na kami ah" sabi ko pa.


"To be honest, pangalawa. Kilala mo naman kung sino yun diba?" si Sophie. Hindi niya rin mabanggit pangalan at hindi ko na uli inopen.



Nagpatuloy kami sa pagkain.



"Hey, I talked to stephen kanina" bigla niyang sabi.



"Oh? Ano meron?"



"Haha ang weird nga raw kasi nageenjoy daw siya with Jaycee. Haha ilang araw na raw na silang dalawa lang magkasama"



"Natatakot nga ako diyan eh, baka lokohin lang siya."




"Matanda na sila at tsaka, bakit natin poproblemahin yung problema nila? May sarili tayong problema di'ba?"



"Huh? Meron ba?"



"Yeah. May issue ka pala sa'kin, bakit hindi mo sinasabi?"



Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya pero mukhang may gusto siyang pag usapan.

"I don't want to rush things." sa pagkakasabi niya non, alam ko na tinutukoy niya, yung pagsabi ng I love you.




"Hey, wag mo ng isipin yon, okay lang. I understand"

"No no no, that's the thing. Ayun kasi ako eh, pero kailangan ko rin iconsider yung feelings mo, sanay ka na masabihan ng ganon."




"Okay lang talaga, hindi kita pinepressure...."



"I love you, Ethan"




Natahimik ako at hindi ko natuloy sinasabi ko, nakatingin lang siya sa'kin at hindi ko alam isasagot ko.




"I love you."



Inulit niya uli!! At this time, magka eye to eye kami. Nakangiti siya ng bahagya habang hawak hawak kamay ko. Parang huminto yung oras at parang ayoko ng matapos yon.




"I love you, Ethan. Mahal kita."




Pangatlong beses at dahan dahan siyang lumalapit sa'kin ngayon.



"I'm not just saying this kasi gusto mo, pero sinasabi ko 'to kasi yun talaga nararamdaman ko. I really like you to the point na gusto kitang makasama palagi."




Hindi ako makapagsalita, pero nilalapit niya yung mukha niya sa'kin. Napakagat ako ng labi, at bigla naman siyang ngumiti.



"You're so sexy when you're biting your lips" at sa pagsabi niya non, hinalikan na niya ako sa labi. Gumapang yung kamay niya sa braso ko habang mainit yung halikan nameng dalawa.



Nalalasahan ko yung pagkain sa kanya pero mas masarap dahil may halo ng lasa niya.




Ayoko ng matapos yung halikan nameng dalawa at napayakap ako sa kanya. Patuloy pa rin kami at naramdaman ko na lang na buhat buhat niya ako. Nakayakap ako sa kanya at bigla na lang niya akong hiniga sa kama. Nasa loob na pala kami ng kwarto niya.



Hinuhubad na niya yung damit ko at ganon na rin ginagawa ko sa kanya.



"Hey," tumigil siya at sabay namen hinabol yung paghinga nameng dalawa.



"Hey" ngumiti ako.



Ngumiti din siya.




"I love you"


Hinalikan ko siya uli. "I love you too" sagot ko.



"No, I love you so much" wala na akong nasabi dahil madiin na yung halik niya sa'kin at nagpaubaya na lang ako sa gusto niyang mangyari.



++++++


VOTE AND COMMENTS!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top