Part 31

Napagpasyhan namen ni Butchok na ilabas si BE at ilakad lakad. Ganon na rin yung plano ko kay Butchok, palagi kasi siyang nasa bahay baka hindi na rin healthy 'yon para sa kanya.





"Sayang po Kuya, sana kasama natin si Krisha" sabi ni Butchok habang naglalakad kami sa subdivision.




"Oh? Bakit hindi mo kasi tinawag?"



"Eh nasa school pa po siya eh." ayan na naman siya sa school. Nararamdaman ko na naman 'yung lungkot niya.




"Oh? Di'ba sabi ko papasok tayo sa school kapag super magaling ka na! Para hindi ako matatakot na iwan ka sa school mag isa. Di'ba?"




"Opo Kuya. Kaya magpapalakas na talaga ako simula ngayon!" buti naman nawala kaagad 'yung lungkot niya. Nakakaawa na rin kasi talaga eh, gusto ko palagi lang siyang masaya kaso may mga bagay talaga na kailangan mong ipagkait sa iba para na rin sa ikabubuti nila.





Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Butchok at tumakbo palayo. Napatingin ako kung saan siya papunta, tumatakbo rin si BE non.




Napansin kong lumapit sila sa isang napakagandang aso sa may puno.


"Butchok 'wag ka masyadong lumapit!" sigaw ko at tumakbo na rin ako palapit sa kanila. Naattract din ako sa aso, sobrang ganda kasi talaga.




Nag amuyan pa 'yung aso pati si BE na tuta pa lang. Tuwang tuwa naman si Butchok sa paghawak sa aso, maamo at hindi siya tinatahulan.




Bigla namang may lumapit sa'min na lalaki at medyo familiar siya. At nung naalala ko, siya pala si Blue! 'Yung kapatid ni White na nakilala ko nung isang araw.




"Hey, Fifi!" sigaw ni Blue at parang naintindihan ng aso kaya lumapit siya kay Blue.




"Hey..." bati ko.




"Uy, di'ba ikaw si Ethan?" sabi niya. Moreno si Blue, at mukhang 20yrs old lang din siya kaso mukhang nag gygym siya dahil medyo bumabakat yung katawan niya sa damit niya.




"Oo. Blue di'ba?" sabi ko.



"Yeah. May aso ka rin pala. Anong name niya? Ang cute!" nakakatuwa si Blue, lumuhod siya para laruin si BE, tuwang tuwa naman si BE sakanya.



"BE." sabi ko.



"Oh, siya naman si Fifi, ang prinsesa ng buhay ko" hinarot harot niya si Fifi.




"Ang ganda po ng aso niyo!" sabi naman ni Butchok.



"Mas maganda aso niyo, ang cute! Lalo na paglaki niyan!"




"Maganda po si Fifi!"




"Well, bagay silang dalawa. Ilang taon na ba si BE?"



"Wala pa po..."



"Mga 2 weeks pa lang 'yan" sagot ko naman.



"Oh? Haha maghihintay pa pala si Fifi. Birthday ni Fifi ngayon eh hehe. Nilabas ko lang. Gusto mo pumunta sa bahay? May handaan doon hehe."




"Talaga po?" si Butchok naman sumagot.



"Oo. Birthday ni Fifi so maraming aso don, hehe."




"No, we're okay. Naglalakad lakad lang naman kami" ako na sumagot. Pero napansin ko si White na palapit sa'min. Sobra din siyang nacute-an kay BE.




"Hey, may dog party sa bahay. Birthday kasi ni Fifi, punta ka Ethan!" yaya naman ni White sa'kin.



Dog party naman eh so sumama na rin ako. Mukhang gusto rin ni Butchok eh.




"Dog lover ka rin pala no?" sabi ni White sa'kin habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.




"Oo! Hehe"



"Mukhang baby pa siya. Sige, may baby dog foods naman kami sa bahay ayun na lang ipapakain namen sa kanya hehe"




Pagkadating namen sa kanila, totoo ngang dog party to! Ang daming aso! May nakita akong dalawang husky, may isang pug, may isang retriever, may bulldog ay may jackrussel.





Pagpasok ni BE sa loob, pinagkaguluhan din siya nung mga may ari ng mga aso kasi sobrang cute daw! Si Butchok naman sobra ding natuwa sa mga aso kaya hinayaan ko siyang makipaglaro.




"Oh. Para sa mga tao 'to!" biglang abot sa'kin ni Blue ng alak.



"Oh. Sorry..."



"Ahh, loyal sa girlfriend, mukhang may magagalit haha" sabi niya.




"Under pala!" sigaw naman nung isa niyang kasama.




"Isa lang Ethan, party naman 'to eh hehe" alok pa niya. Ewan ko ba kung bakit kinuha ko rin, nakakahiya naman kasi eh.

"Isa lang ah" sabi ko.



"Oo naman hehe. Gaano na kayo katagal ng girlfriend mo?" tanong niya.




Eto na ata ang pinaka awkward na tanong na tinanong sa'kin.




"Ahh... Wala akong girlfriend hehe. MU lang" sagot ko.




"Oh. MU? Another term for landian lang tayo tapos walang label. Haha" nagtawanan din yung mga lalaki doon. Dalawang lalaki, si Blue tapos ako. May dalawang babae din tapos si White sa kabila at iba naman pinag uusapan nila.




"Mukhang may hugot ah?" sabi ko.



"Aba, hugot king 'yan si pareng Blue! Sa sobrang hugot, ayun, muntik ng makabuntis hahahha" buti na lang na gets ko 'yung joke na 'yon kaya nakitawa na rin ako.




"Gago! Haha" mukhang masayang kasama 'tong mga 'to, hindi ko namalayan na nakikipagkwentuhan na rin ako pero hindi ko binabanggit yung tungkol sa lovelife.




+++


Naglalakad na kami pauwi ni Butchok at mukhang nagenjoy din siya sa mga aso. Sinamahan naman kami ni Blue sa paglalakad at kasama si Fifi.




"Naka apat ka rin ah! Haha" sabi ni Blue.



"Oo nga, alas kwatro na pala ng hapon!" sabi ko.



"Ang bilis ng oras!"



"Oo nga eh!" pinagmasdan ko siya habang nakangiti siya sa paglalakad. Lalaking lalaki din dating neto ni Blue eh. Pero may soft spot pag dating sa aso.




"Grabe yung celebration niyo sa Birthday ni Fifi ah, I mean, para sa aso" sabi ko.



"Well, I don't treat Fifi as my pet, ang cliché pero I treat her as my family. Sobrang mahal ko si Fifi kasi simula nung napunta siya sa'min, parang gumaan na 'yung loob ko. Masama kasi loob ko sa mga tao sa bahay, broken family kasi kami at wala pa si papa palagi so Fifi is really the one who lighten up my world"





Ang cute naman non, dahil sa aso naging okay na siya.


"Kaya ganon na lang yung pag celebrate ko sa Birthday niya. Yung mga tao kanina, mga tropa ko rin 'yon sa'min. Pinapunta ko lang dito kasi walang tao diyan ngayon hehe."





"Nakakatuwa lang 'yung dog party hehe. Salamat sa pag invite" sagot ko. Malapit na kami sa bahay at napansin ko yung sasakyan ni Sir Benj sa labas.




"Oh, taga riyan lang pala kayo." sabi ni Blue.



"Kuya Blue, salamat po! Dalaw po kayo ni Fifi dito minsan!" sabi ni Butchok.



"Sige, sure! Kapag bored hehe."




Narinig ko naman na bumukas yung gate at lumabas si Sir Benj. Nag iba na naman yung tingin niya kay Blue nung mga oras na 'yon.




"So... Papasok na kami. Salamat uli" sabi ko.



"Sure, maglalakad lakad pa uli kami ni Fifi hehe! Bye Butchok, bye BE!" sabi niya at naglakad na sila palayo. Nakita kong papasok na si BE at si Butchok sa bahay at naiwan na lang kami ni Sir Benj sa labas.




"Oh. Bakit ka nandito? Hindi ka nagtext?" sabi ko.



"Sino 'yon? Bakit hinatid ka dito pauwi? Bakit nakangiti siya sa'yo?"




Aba. Parang nasa police station kami ngayon.



"Si Blue. Naglakad lang siya at sumabay sa'min. At ewan ko kung bakit siya nakangiti, baka masaya siya."




"Eh bakit hindi mo ko tinetext? Amoy alak ka pa!"




"Naiwan ko phone ko kasi maglalakad lakad lang sana kami nila BE kaso birthday ng aso niya kaya ininvite niya kami!"




"Close ba kayo? Kahapon lang kayo nagkakilala ah?"



"Galit ka ba?" tanong ko na lang.



"Hindi ako galit." pero para siyang bata na pumasok sa loob ng bahay na walang paalam at naiwan akong natatawa sa kanya.



+


Hindi niya ako pinapansin sa loob kasi nakikipagharutan siya kay BE pati kay Butchok kaya dumiretso ako sa kwarto ko.



Maya maya, sumunod naman siya kasama si BE at humiga din sila sa kama ko.



"Tignan mo 'yang mommy mo, BE! Siya na nga may kasalanan, siya pa hindi namamansin! Nako talaga!" alam kong pinaparinggan ako ni Sir Benj gamit si BE.





"Nako BE, huwag kang maniwala sa tatay mo!"



"Anong huwag? Sabi ni BE sa'kin uminom ka raw ng alak! Tapos tawa ka ng tawa doon sa party!"




"Si BE talaga nagsabi?"



"Oo! Nagkwentuhan kami ni BE!"



"Sabi niya talaga 'yon?"



"Hindi, sabi niya arf arf arf, aw aw aw. Pero feeling ko ayun yung sinasabi niya"




Tawang tawa ako kay Sir Benj ngayon at kahit siya natatawa sa sinasabi niya. Kaya tumabi ako sakanilang dalawa ni BE.



"Sorry talaga, dapat sinabi ko sa'yo" sabi ko sa kanya.



"Okay lang. Wala ka namang ginawang masama na ikagagalit ko di'ba?" sabi niya.



"Wala. Tanong mo pa si BE" sabi ko.



"Promise?"



"Promise"



"Kiss mo na muna ako, hindi mo pa ako hinahalikan eh" bulong niya.



"Ano ba!! Naririnig ka ng anak mo!"




"Ano ba, hindi tayo papanuorin ni BE, sige na. Kiss mo na ako, sa lips"



"Si BE..."



"Tatakpan ko mata niya, dali eto na" ngumunguso na siya sa'kin at paramg ready na humalik. Kaso bago ko siya mahalikan, biglang pumasok si Butchok sa kwarto at talagang nasira yung momentum.



"Kuya Pogi! Laro tayo sa baba!" sabi ni Butchok. Napatawa na lang siya at bumangon sa kama.



"Sure sure, tara!" hindi na siya nagdalawang isip at bumaba na rin siya kasama ni Butchok.




++


Kinabukasan, pumunta ako sa condo nila Jaycee at Stephen. Kaso si Jaycee lang yung nandoon.



"Ano ba! Bakit hindi ka marunong sumagot ng tawag!" medyo inis kong sabi.



"Sorry, bes. Busy lang."



"Busy saan? Kailan ka pa naging workaholic?" sabi ko.



"Ehhhh hindi kasi sa work" sabi niya at mukhang kinikilig siya habang sinasabi 'yon.




"Eh saan?!"



Napahampas siya sa braso ko ng malakas. Jusko, ang laki ng katawan ng bestfriend kong 'to eh kung makahampas akala mo hindi masakit.



"Ano ba? Alam kong kinikilig ka kasi kasama mo si Stephen!" sabi ko.



"Ehhh hindi 'yon..." mukhang may sasabihin siya kaso di niya masabi. Mukhang may idea na ako kung ano pero imposible, 4 days pa lang nakalipas. Imposibleng may nangyari na kaagad sakanila.





"Don't tell me nag anuhan na kayo?" diretso kong tanong.



Hindi siya sumagot at mukhang tama nga ako.



"Fvck!!! Bes ano na!!! Ilang araw pa lang bumigay ka na kaagad!!" sigaw ko sa kanya.



"Shhhh wag ka naman maingay bes! Mamaya biglang pumasok si Stephen tapos marinig niyang kinekwento ko sa iba!"




"Ano naman!!! Jusko bes, ilang araw pa lang!! Kailan niyo ginawa?!"




"Naalala mo nung gabi na kinuha ko 'to? Ayun, nung gabi na 'yon."




"ANO BA! Pagka alis ko non, nagpatudsadahan na kayong dalawa kaagad?!!"



Umoo naman siya.



"Jusko bes!!! Ano na! Ang bilis!!" sabi ko.




"I don't know. He's sweet kaya. At saka kakaiba siya, iba yung hagod. Iba yung passion niya habang ginagawa namen. Sobrang maaalalahanin pa. Nagkekwentuhan pa kami habang ginagawa 'yon,"



Iba rin awra ni Jaycee ngayon at mukhang masaya na siya uli. Mukhang nakalimutan naman niya yung ginawa sa kanya ng tatay niya.



"Bes...."



"Bes... Don't worry. I know how to handle this, walang commitment, just s3x. Nag aggree naman kaming dalawa at hello, aayaw pa ba ako, american size! Ang kinis at pinkish!!"




"Bes! Hindi ko gusto malaman!"



"Ehhh kakaiba talaga bes. Sobrang.... Argh. Dabest talaga. At hello, isang kwarto lang kami. Anytime pwede namen gawin at isa pa, we're friends! Talagang nagkekwentuhan at tawanan kami. Minsan nga lang kapag nagkadikit katawan namen, ayun na."





"Bes... Paalala..."



"Bes please lang, walang bearing yung pagpapaalala mo kung hindi mo kayang ihandle sarili mo!" sabi niya pa sa'kin.



"Ay grabe naman! Realtalk 'yan!" sabi ko,




"Hehe, labyu. Pero trust me, I'm okay. I'm happy. Alam mo naman parang hindi ako yung tipong nakikipagrelasyon. At feeling ko ganon din siya. Kaya hayaan mo na, okay lang ako. Kapag hindi naman ako okay, sasabihin ko sa'yo di'ba?"




Okay si Jaycee ngayon kumpara nung nasa bahay siya, mukhang iniisip pa rin niya yung sa tatay niya. Pero ngayon, iba talaga. Masayang masaya siya at kitang kita talaga sa mga mata.



At bago pa ako makasagot, bigla na ngang dumating si Stephen at may dalang pagkain.




"Hey! Ethan! Nandito ka!" bati niya.



"Hi" sagot ko.




"So okay lang sa'yo na we're hooking up?"



Dafuq! Ang casual naman sakanya ng lahat.



"Alam ko naman na sinabi na sa'yo ni bebe Jaycee eh. So.... Okay lang? Hindi ka naman kontra?" tanong niya.



Bebe. May pag bebe na siya kay Jaycee.



"I don't know...." sabi ko.



"Woah, wala ka naman magagawa eh. Haha" si Stephen naman iba na rin yung awra. Pero kasi mas fvckboy na fvckboy datingan niya ngayon. Yung confident na lalaki na nakukuha niya yung mga gusto niya, ganon yung awra niya.




"Well, just be safe!" sabi ko.



"Don't worry. We're always safe haha." si Jaycee naman kilig na kilig na sa tabi ko. Okay na rin 'to, atleast masaya naman siya at yun naman mahalaga.




Nag eeye to eye contact yung dalawa na parang sabik na sabik na sa isa't isa kaya ako na yung nag adjust at nagpaalam na ako. Hindi naman kumontra si Jaycee at agad akong pinaalis. Hinayaan ko na lang kung anong mangyayari sa kanila.



++



Pagkauwi ko naman ng bahay, nakita ko si papa na nilalaro si BE. Kung hindi niya lang katabi si Butchok baka kung ano na naman nasabi ko.



"Anak!" sabi ni papa.



Hindi ko siya pinansin at umakyat kaagad ako ng kwarto ko. Pero sumunod siya.



"Bakit ka nandito?!" sigaw ko sa kanya.



"May sasabihin lang ako sa'yo."




"Hindi ako interesado!"



"Anak naman."




"Doon ka na sa kabilang pamilya mo!"




"Anak. Sandali lang. May sasabihin lang ako."



"Hindi nga ako interesado!!"




"Importante lang 'to, please"


Bakit kasi ang bait ko at ang dali kong maawa. Naaawa ako sa kanya.



"Sige!" sabi ko.



"Gusto raw kayo makilala ng mga kapatid mo. Yung.... Mga anak ko sa kabilang pamilya..."



Wrong decision na pinagsalita ko siya.




"Hindi ako interesado at wala akong paki. Kaya pakisara na yung pinto at matutulog na ako!!"




"Anak..."



"Just stop! Konting konting respeto na lang natitira ko sainyo kaya please, 'wag ng humantong na mawala lahat ng 'yon. Lumabas na po kayo at isara niyo yung pinto!" matigas kong sabi.




Nakakainis lang. Hindi nga ako interesado sa kanya at gusto pa niyang ipakilala yung pamilya niya sa'kin!! Sobrang nakakainis!




Tumalikod na lang si papa at lumabas na ng kwarto ko.



+++++++++


VOTE AND COMMENTS GUYS#!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top