Part 30
"Bakit nakasimangot ka?" tanong ko kay Sir Benj habang pasakay kami ng sasakyan niya.
"Nakakabwisit lang si Zachary, nakakagigil talaga!"
"Hayaan mo na siya, ako naman kasama mo ngayon eh"
"Eh... Kahit na. Basta. Nakakainis talaga!"
Kahit naiinis si Sir Benj, natutuwa naman ako kasi kahit ganon na 'yung sitwasyon, naparamdam niya pa rin sa'kin yung nararamdaman niya. At dahil doon, plus pogi points 'yon.
Hinatid ako ni Sir Benj hanggang bahay at sumalubong sa'min si B.E na tahol ng tahol, ang cute talaga ng mga aso, tapos 'yung buntot niya na kumakaway kaway. Binuhat naman ni Sir Benj si BE.
"Kumusta ang baby ko!" binebaby talk niya yung aso.
"Hi Kuya Pogi!" bati ni Butchok.
"Ohh syempre kumusta naman ang pinakastrong na si Butchok?"
"Okay naman po Kuya Pogi, malakas pa rin po!"
"Umiimom ka ba ng gamot?"
"Opo naman."
"Good. Kumain na ba kayo ni BE?"
"Kumain na po, nagluto si mama ng ulam eh" sakto pagsabi ni Butchok non, lumabas si mama galing banyo at nagmano ako. Niyaya niya kaming kumain pero humindi na si Sir Benj kasi gabi na masyado kaya hinatid ko na siya uli sa labas.
"Ang laki laki na kaagad ni BE!" sabi niya.
"Oo, ang lakas kumain! Daming iniinom na gatas."
"Ohh... May gatas din ako mommy, you want?" pilyo niyang sabi.
Hinampas ko lang siya sa braso niya at nagtawanan kami.
"See you tomorrow mommy" pucha, ang awkward naman ng tawag niyang mommy sa'kin.
"Ingat sa pagmamaneho" Nagflying kiss siya sa'kin bago siya umalis. Pagpasok ko naman sa loob, lumapit sa'kin si mama at nagkwentuhan kami sa sala.
"Boss mo raw 'yun ha? Kwento sa'kin ni Butchok" mukhang alam ko na kung saan pupunta 'tong usapan na 'to ah.
"Ahhh opo, hehe"
"Buti ang bait bait niya kay Butchok no? Parang kapatid na rin turing niya"
"Opo ma."
"Sa kanya rin daw galing 'yung aso ah?"
"Opo, sabi ko po kasi gusto ko ng aso. Ayon, binigyan naman niya ako"
"Ahhh... Ang sweet naman pala ng boss mo" may laman 'yung pagkakasabi ni mama non na parang nang aasar. Kailangan kong ilihis 'yung topic sa iba para naman hindi na ako ang pagusapan.
"Nakapunta ka na ba ng ospital, Ma?" bigla kong tanong.
"Nako anak, ang bilis mo naman ibahin ng usapan! Nag eenjoy pa ako sa topic natin sa boss mo eh" shet, nakangiti si mama na parang hinihintay niyang umamin ako.
"Ah, wala naman kasing something doon ma"
"Bakit sinabi ko bang meron? Nako anak, nahuhuli ka talaga"
Buti na lang to the save si Butchok, hawak hawak niya si BE at lumapit sa'min ni mama.
"Kuya kanina pa sinok ng sinok si BE!" sabi niya. Yes, nakahanap ako ng tyempo kaya binuhat ko si BE at medyo lumayo kay mama. Bigla naman siyang nag laro sa phone niya at yun na ang hudyat para umakyat ako.
Ang awkward ni mama, ayoko ng ganong topic kapag siya 'yung kausap ko.
Akala ko si mama na 'yung biglang kumatok sa kwarto ko pero si Butchok pala 'yon at kinuha na niya si BE.
"Kuya..." alam ko 'tong tono na 'to ni Butchok, mukhang may kailangan 'to.
"Anong gusto ng bunso ko?" niyakap ko siya.
"Kailan po ba tayo pupuntang school?"
Sht, nakalimutan ko 'yung tungkol doon. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ayoko muna siya papasukin sa school.
"Alam mo naman na kailangan mong operahan di'ba? Kailangan mo lang matapos sa iniinom mo, pagkatapos non..,."
"Hindi na po ba matutuloy?" ramdam ko naman 'yung lungkot sa tono ng boses niya. Alam ko kung gaano niya kagusto na makapasok pero ayokong mag risk sa kalusugan niya.
"Pagkatapos mong maoperahan siguradong matatagalan ka sa ospital kasi kailangan mong magpalakas."
"Pagkatapos non Kuya, pwede na ba akong pumasok?"
Ayoko talaga pero baka masaktan siya.
"Sige, pagkatapos mong operahan at lumakas ka kaagad, pupunta kaagad tayo sa school. Ayos ba?"
"Sige Kuya! Alam ko po nextyear pa 'yan! Sige po!! Excited na ako!"
"Ohh... Kalma lang...." paalala ko sa kanya kaya nginitian na lang niya ako ng malaki. Ang cute talaga ng kapatid kong 'to.
Hindi ko namalayan na dito na rin siya nakatulog at katabi pa namen si BE.
++
Hindi pa rin pumapasok si Laura at feeling ko, sobra siyang naapektuhan. Si Sir Jack naman kasi ang first niya, first niya sa lahat. First date, first love at first sex kaso iniwan lang din siya. Kung tutuusin, galit din ako kay Sir Jack dahil sa ginawa niya kaya maliban sa ginawa niya sa'kin, isa 'yon sa dahilan kung bakit ayoko siya makita.
Since busy si Sir Benj sa office niya, ako ang pina attend niya sa meeting na dapat siya ang aattend. Tungkol lang sa sales at mga dapat gawin pa ng bawat department 'yung pinag usapan. Pagkatapos naman ng meeting, nagsilabasan na lahat, ako naman naiwan saglit dahil inaayos ko pa 'yung gamit ko.
Bigla naman bumukas 'yung pinto sa meeting room at nakita ko si Sir Jack, hindi ko mabasa 'yung reaksyon niya.
"Teka!" sabi ko habang palapit siya.
"Hindi ako lasing, nandito lang ako para makipag usap. Alam kong hindi na ako mabibigyan ng chance para makausap ka uli" kalmado naman siya at mukhang gusto niya lang ako makausap.
Hinintay ko siya magsalita pero tinitigan niya lang ako.
"Akala ko ba gusto mo makipag usap?" tanong ko.
"Ethan.... Sorry sa ginawa ko sa'yo nung nasa condo tayo"
"Okay. Ayon lang ba?"
"Ethan... Sorry. Pero lahat ng sinabi ko sa'yo, totoo. Gusto talaga kita, noon pa."
"Gusto? Eh akala ko ba gusto mo si Laura?"
"Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa'yo noon, at feeling ko kasi hindi tama na magkaroon ako ng feelings sa isang lalaki. Akala ko talaga nung una, asar asar lang. Pero hindi, totoo na talaga nararamdaman ko. Nagsimula 'to nung natulog ako sainyo...."
Hindi ko alam kung bakit siya naiiyak habang nagkekwento siya, pinunasan niya kasi 'yung luha ng tumulo sa mata niya.
"Ayoko pa talagang magmahal, I mean 'di pa ako ready. I still love my ex to be honest, every girl na dumaan sa'kin after her were really just a fling. Even Laura."
"Tignan mo! Manloloko ka kasi kaya ganyan nangyayari sa'yo!"
"I know Ethan. I tried so hard para mainlove ako kay Laura pero wala talaga, there comes a point na akala ko okay na ako sa kanya pero everytime I see her, everytime na nagkakatitigan kami, everytime na hinahalikan ko siya or we're making love, ikaw talaga nakikita ko. I don't know why."
Lalapit sana siya kaso sabi ko 'wag! Kaya huminto siya uli pero umiiyak pa rin siya.
"I thought hindi na ako magmamahal Ethan, akala ko sa pag iwan sa'kin ng ex ko hindi na ako makakahanap ng katulad niya pero hindi, ikaw ang best version ng taong minahal ko noon. Ikaw ang talagang hinahanap ko."
Parang kinakausap niya buong pagkatao ko, sobra rin akong naaapektuhan sa sinasabi niya ngayon.
"Hinayaan ko na lang nararamdaman ko, Ethan kasi ayoko aminin sa sarili ko na naiinlove ako sa kapwa ko lalaki, pero nung malaman ko 'yung status niyo ni Benjamin, ang sakit pala. Dapat noon pa, sinabi ko na sa'yo lahat!"
"Sorry Sir Jack pero...."
"Mahal ko rin kapatid mo Ethan, para ko na siyang kapatid. Sa'yo ko lang 'to naramdaman. Hindi na ako naguguluhan, totoo na 'tong nararamdaman ko."
Pinunasan niya uli yung luha niya.
"Mahal kita, Ethan."
Ayoko na muna makita si Sir Jack, hindi ko alam gagawin ko sa sinasabi niya, pero naiiyak din ako. Parang nasasaktan ako kasi nasasaktan siya. Parang pinapasa niya sa'kin yung sakit sa mga sinasabi niya.
Sa gitna ng iyak ni Sir Jack at pamuntikan kong iyak, biglang may pumasok sa meeting room at si Sir Benj 'yon na parang hingal na hingal.
"Pre, ano bang problema mo? Bakit ba ayaw mong tantanan si Ethan?!" galit na sabi ni Sir Benj.
"Wala akong ginagawa, nag uusap lang kaming dalawa"
"Hindi eh, hindi ka naman kasali sa meeting tapos pinuntahan mo pa talaga siya rito!"
"Pre, 'wag kang magmalinis."
Natahimik lang si Sir Benj at si Sir Jack naman kalmadong kalmado pa rin.
"I think I deserve Ethan way more than you do. Pero wala akong magagawa kasi alam ko naman sa simula pa lang na ikaw ang gusto niya" sabi ni Sir Jack.
"Alam mo naman pala, kaya sana layuan mo na siya"
"Natatakot ka ba? Shh. Okay, pero hindi ko siya lalayuan. Kasi alam ko yung totoo kong nararamdaman para sa kanya. Mahal ko siya, Benjamin. Mahal na Mahal" bigla na siyang lumabas ng kwarto at naiwan naman kami sa loob ng meeting room.
Niyakap naman ako kaagad ni Sir Benj na parang may nangyaring masama sa'kin.
Hindi kami nagsalita pareho, lalo na ako kasi parang nag eecho pa rin sa isip ko lahat ng sinabi ni Sir Jack.
+++
Tahimik lang ako maghapon. Ang dami kong iniisip. Parang may laman 'yung sinabi ni Sir Jack at parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Pero kung paano niya sabihin na mahal niya ako, ewan ko ba, sobra kong naappreciate.
Ang sarap kasi sa feeling na masabihan ng mahal ka ng isang tao. Bagay na hindi ko naman naririnig kay Sir Benj, pero hindi naman ako galit or what. Na touch lang ako sa ginawa ni Sir Jack.
Hanggang sa pag uwi ko sa bahay, tahimik lang ako kaya napagpasyahan kong maglakad lakad muna sa subdivision, mas nakakagaan kasi ng loob kapag naglalakad lakad ako.
May napansin naman akong babae na mukhang may hinahanap sa may damuhan. Palubog pa lang naman 'yung araw kaya nakikita ko pa siya, maganda, mukhang simple lang kasi naka tshirt at short lang siya, ngayon ko lang siya nakita sa subdivision kaya nung lumapit ako sa kanya agad naman siyang ngumiti.
"Anong hinahanap mo miss?" tanong ko.
"Hikaw ko. Ang tanga tanga ko, nahulog kasi!" sabi niya.
"Oh, sige tulungan na kita maghanap!" ayun naman ginawa ko at maya maya, bigla akong nasilaw at nung tinignan ko 'yon, may nakita akong hikaw at kinuha ko kaagad
"OMG! Thankyou!! Sorry sa istorbo!" sabi niya.
"Oh, okay lang. Hehe, bago lang kayo rito? Ngayon lang kasi kita nakita"
"No, pumunta lang ako sa tita ko. Hehe, well baka dito na rin ako tumira soon pero matagal tagal pa"
"Oh, akala ko taga rito ka rin"
"Hehe, oh Sorry, I'm White pala. Yeah, white as in kulay puti hehe." pakilala niya.
"Ethan" nakipagkamay ako.
"Oh, ang cute ng name mo hehe"
"Ikaw din"
"Well lahat kami ng kapatid ko, kulay 'yung name. Blue, pink and ako, white."
"Well, ang cute" hindi ako marunong makipagusap sa mga babae, parang ang awkward kasi eh. Akala ko naman titigil na siya sa pakikipag usap pero nag open siya ng panibagong topic.
"Ilang taon ka na?" tanong niya.
Habanh pinagmamasdan ko siya, nakita ko ng maigi mukha niya, ang payat niya pero ang chubby ng cheeks niya at mapula. Ang kissable din ng lips niya at talagang maganda siya.
"20 po" sabi ko.
"Ano ba 'yan, ate pala ako sa'yo. I'm 23 na"
"Hindi naman po mukhang 23 hehe"
"Bolero hehe."
Kahit salita siya ng salita, hindi ako nahihiya at hindi siya nakakairita. Ang cute nga eh, kakakilala lang namen ang dami na nameng napagkwentuhan.
"Nag wowork na rin ako, pero ayoko sa work ko. I want to travel muna kasi. May pera naman ako pero ayaw akong payagan ng parents ko haha. Feeling bata pa eh no?" kwento niya.
"Hehe. Ako naman first work ko 'to kaya pinag iigihan ko"
Magsasalita sana siya kaso may lumapit sa kanyang lalaki na mukhang ka edaran ko, medyo matangkad sa'kin ng kaunti at may itsura. Kamukhang kamukha naman siya ni White, baka siya 'yung kapatid niya na si Blue.
"Tawag ka na ate!" sabi nung Blue. Napatingin lang sa'kin si Blue at mukhang suplado kasi nakasimangot.
"Ano ba 'yan, sige sige Ethan, nice talking to you!" sabi niya at kinamayan niya lang ako at umalis na kasama ng kapatid niya.
Medyo gumaan naman 'yung loob ko dahil kahit papaano, iba naman yung taong nakausap ko. Nag kwentuhan lang kaming dalawa ng kung ano ano at parang ayun lang pala 'yung kailangan ko.
++
Pagkauwi ko ng bahay, nagulat naman ako ng makita ko si Sir Benj at nakikipaglaro kay BE! Lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako ng mahigpit. Nakita naman ni mama 'yung ginawa niya at ngumiti lang siya. Lumabas kami ni Sir Benj para mag usap.
"Saan ka naman galing? Kanina pa ako rito oh tapos iniwan mo pa phone mo" sabi niya.
"Ahh naglakad lakad lang at saka may nakakwentuhan ako. Kakakilala ko lang sa kanya"
"Oh? Lalaki?" mukhang nagseselos na naman siya.
"Hindi, babae."
"Ahh good good. Okay lang babae naman pala eh hehe. Nag iisip ka ba ng malalim kaya naglakad lakad ka? Napansin ko kasi na ganun ginagawa mo kapag malalim iniisip mo eh" tanong niya.
"Hindi naman...." bigla niyang hinawakan uli kamay ko at magkaharap kaming dalawa na nag uusap.
"Alam ko marami pa akong pagkukulang sa'yo Ethan. Pero gusto ko lang kasi talaga 'yung feeling na kasama ka. Yung ganito lang tayo, masaya. Lahat naman ng pinapakita ko sa'yo totoo"
"Alam ko naman pero kasi...."
"Ano ba 'yon? Ano pang gusto mong gawin ko para mapasaya ka?"
Parang hindi naman sinasabi 'yung mga ganitong bagay. Parang mas okay kung siya makakatuklas ng gusto ko. Gusto ko lang sabihin niya sa'kin na mahal niya ako at magiging okay na uli ang lahat para sa'kin.
"I'm good. We're good. Sobra lang akong affected sa sinabi ni Sir Jack" sabi ko na lang.
"Nagdadalawang isip ka ba?"
"No.., hindi, parang may guilt na ewan kasi nakakasakit ako ng hindi naman ako aware. Ayun lang"
Ngumiti lang siya at niyakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na sinasabi niya na 'okay lang 'yan, nandito lang ako para sa'yo'. Yung ganung yakap.
Nanatili kami sa ganong pwesto hanggang sa tawagin na kami ni mama para kumain.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Last 20 chapters! 😊😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top