Part 3


+++

Ang saya naman pala mag trabaho lalo na kapag gusto mo yung ginagawa mo.

Nakaupo lang ako sa sarili kong table, nakaharap sa computer at type lang ng type. Nagkekwentuhan naman kami ni Laura kasi nga, magkatabi lang kaming dalawa.

Maya maya, biglang may nag pop up sa computer ko.

"LUNCH TIME!!!!"

Mukhang lahat ata na sendan ng message kasi sabay sabay sila nag tayuan.

"Sabay tayo, Ethan!" yaya ni Laura pero biglang lumabas ng opisina niya si Sir Benj.

"Treat ko lunch today para sa bagong employee natin." ang gwapo niya talaga lalo na sa suot niya.

Natuwa naman lahat at sabay sabay kaming pumunta sa meeting room.

++

Pizza, chicken at pasta yung nakahain dun. Mukhang sanay na sanay na ang lahat sa ganito kasi hindi na sila nahiya.

Binilang ko kung ilan kami, 18 kami lahat, kasama na ako. 10 ang lalaki at walo naman ang babae.

"Sir, ang ritual!" sabi ni Allen, yung naghatid at nagturo samen ni Laura kanina.

"Okay okay..." sabi ni Sir Benj. "... Ethan!"

"Yes, Sir.... Sir, Benj" nataranta ako bigla. Nakatingin naman silang lahat saken.

"Are you gay or straight or bi?"

Whatda?! Seryoso?! Medyo natameme ako bigla at mukhang naghihintay sila ng sagot. Yung tinginan nila na nakangiti habang nag aabang ng sagot ko.

"Both?" imbis na magsinungaling ako, nasabi ko na yung totoo. Nagpalakpakan naman silang lahat, may mga nag abutan ng pera at pinagpupustuhan na pala nila ako.

"Nice! Ang pangalawang bi ng team natin!" sigaw pa ni Sir Benj.

Imbis na mapahiya ako, parang natuwa pa ako kasi wala lang sakanila yung tungkol dun. At napaisip din ako kung sino yung isa.

"Laura! Same question!" sabi naman ni Sir Benj.

"Straight sir"

Nagpalakpakan naman yung mga boys samen. Maganda naman kasi talaga si Laura at sexy pa!

"Nice, let's have dinner later!" sabi ni sir Benj.

"Sir!!!" sabay sabay na sigaw ng mga lalaki.

"Just kidding... Just kidding hehe, enjoy guys! May tatapusin lang ako sa office!" umalis na kaagad si Sir Benj at nagpatuloy kami sa pagkain.

"Seryoso, Ethan? Bakit lahat ng gwapo, bisexual o kaya gay. Hmp!" sabi ni Laura saken.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Mas nagustuhan ko pa lalo 'tong office na 'to dahil 'di ko na kailangang magtago.

++

Ang bilis lang ng oras kapag nag eenjoy ka sa ginagawa mo. Tapos na kaagad yung work at pababa na ako sa parking lot. Sakto naman na magkatabi yung sasakyan nameng dalawa ni Sir Benj.

"Oh, nice ride!" sabi niya.

"Ah, thank you, Sir."

Shet, bakit kahit maghapon na ang fresh niya pa rin tignan. Ang gwapo gwapo, ang kinis, mestiso..... Ang sarap.

"Nasa labas na tayo, you can call me Benj na!"

"Medyo awkward pa Sir, siguro next time na hehe"

"Okay. Drive safe." pumasok na siya sa sasakyan. Medyo suplado na hindi talaga 'tong si Sir kaya hindi ko na lang pinansin.

Pagkauwing pagkauwi ko, sinearch ko kaagad siya sa facebook at nakita ko naman yung profile niya.

Benjamin Llander Fortalejo. 22 lang siya pero ang taas kaagad ng ranggo niya. Nag stalk pa ako ng pictures niya, grabe, kahit saang anggulo talaga ang gwapo!

Sa di namang inaasahang pagkakataon, napindot ko yung add as a friend! Wala akong balak na iadd siya pero napindot ko! Sa sobrang taranta ko, na close ko pa yung window.

Pakshet talaga!

Nagbukas kaagad ako ng bago sabay log in pero nagulat ako ng may notif ako at inaccept na kaagad niya yung request ko.

Wow, ang bilis. Kakaadd ko pa lang.

Mas nakita ko pa yung ibang posts niya, may girlfriend din pala siya at sobrang ganda! Sabagay, sobrang gwapo rin naman niya at mukhang bagay na bagay silang dalawa.

Tinantanan ko na yung facebook niya at pinatay ko na rin yung laptop ko.

+++

Tatlong araw na rin yung lumipas at medyo gamay ko na yung trabaho ko, akala ko okay lahat ng ginagawa ko pero ng lumabas si Sir Benj sa opisina niya, galit na galit niyang tinawag yung pangalan ko.


"IN. MY. OFFICE. NOW!"

 

Sa sobrang gulat ko sa pagsigaw niya saken, natakot ako. Kinakabahan ako kung ano yung nagawa ko.

Pagpasok ko sa opisina niya, ramdam ko pa rin yung galit niya. Galit na galit talaga.

"Anong ginagawa mo?!" sigaw niya. Aba
Kahit galit eh gwapo pa rin pero nakakatakot siya.


"Po?"

"Mag paprocess ka lang ng documents, hindi mo pa sinave. Isasave mo lang! You have one job, Ethan!"

"Sir, sinave ko po...."

"Well, apparently, not! Dahil sa kapalpakan mo, malaki ang nawala saten!"

Natahimik ako, tungkol sa pera kasi yung pinapatrabaho saken ni Sir Benj at alam kong konting pagkakamali lang, mali na lahat. Kaya ingat na ingat ako at ginagawa kong mabuti ang lahat.


"Tignan mo! Tignan mong mabuti yung nawala saten!!" hinarap niya yung laptop saken. Sinilip ko naman kung magkano.


Shit! $200,000!!!!!

"See? Paano natin mahahabol ngayon yan! May mag checheck sakeng mga business partner at kapag 'yan nakita nila siguradong hindi ko na makukuha yung promotion ko!"

 

Hindi ako makasagot at halata talaga na galit na galit siya.

"Aayusin ko po...."

"Aayusin?! Paano?! Magtatanghali na! Paano mo pa maaayos 'yan?!"

"Mamadaliin ko po."


"Umalis ka na sa harapan ko, naaalibadbaran ako sa'yo!"

Natameme lang ako nung mga oras na 'yon.

"Alis na!!" sigaw niya pa uli.

Bumalik na ako sa table ko. Wala namang sinabi yung lahat at nagmadali na akong magtrabaho uli, medyo napapaluha ako pero pinipigilan ko at this time, inalalayan ako ni Laura.

++

Alasingko na at nagsisipaglabasan na silang lahat pero kalahati pa lang din nagagawa ko. Minamadali ko na.

Alasais na at ako na lang yung tao, medyo madilim na rin sa labas. Iniisip ko pa lang kung matutuloy yung meeting ni Sir Benj eh bigla na silang pumasok.


Akala ko sa ibang kwarto sila mag memeeting pero dun pala sila sa meeting room namen. Hindi ako pinansin ni Sir Benj kahit nakita niya ako na mag isa don.

Maya maya, lumabas si Sir Benj at nag abot saken ng credit card.

"This is the worst day of my life, please, buy some food for my guests. Wala na akong mautusan!"


Okay, biglang nagbago yung mood niya at naaawa na ako sa kanya kaya pumayag ako. Bayad ko na rin sa nagawa kong kasalanan.

"Good, kahit yellowcab or any food na makita mo sa labas okay? I don't care kung mahal, basta I want it ASAP!"

"Yes Sir Benj" kaya nagmadali ako para bumaba. Sakto pasara na yung elevator, sinigawan ko yung nasa loob ng sandali! At bumukas naman uli 'yon.


"Salamat po" sabi ko habang hingal na hingal.

"Bakit parang nagmamadali ka?" sht. Ang hot ng boses at medyo familiar, tinignan ko kung sino yun at shet! Yung anak ng boss! Si Sir Jack!


"Ay, sir! Ahm. Sorry po...."

"No no no, you don't have to hehe."

Fvck, yung smile niya nakakainlove! Tagos puso at kaluluwa pati brief!


"Nagmamadali lang po, I need to buy food for our guests"

 

"Mag aalasyete na ha? May nag memeeting pa rin?"

"Yes po, kay Sir Benj."

"Oh, si Benjamin boss mo hehe. That's good"

"Magkakilala po kayo?" ay shet, ang chismoso ko sa part na 'yon. Buti na lang bumukas na yung elevator at nasa ground floor na, nagmadali na akong lumabas at bumili ng pagkain.


Pagka akyat ko uli sa meeting room, narinig kong sinisigawan si Sir Benj at para siyang kawawang tuta na walang magawa.


Papasok sana ako pero natatakot din ako. Bigla ko naman narinig yung sinabi niya.

"I take full responsibility for the mistake that my employee has made." fvck, siguro yung nagawa ko yung tinutukoy niya.

Dalawang matandang lalaki yung ka meeting ni Sir Benj ngayon. Mga nasa early 40's.

"You should be!! I'm very disappointed, Benjamin. I expect more from you!"

Kasalanan ko 'to kung bakit napapagalitan si Sir Benj. Ewan ko ba, bigla akong naglakas ng loob na pumasok sa loob.

"Sir, actually, it's my fault" shet, ano yang ginagawa mo Ethan, umalis ka na, sabi ko sa sarili ko pero may something saken na gusto ko iligtas kahit papano si Sir Benj.


"Ethan.... Labas na..." bulong ni Sir.

"I'm new here at pagkakamali ko po lahat. Wala pong kinalaman si Sir Benj." sabi ko pa.

"Benjamin, ano 'to? Paawa mo para patawarin ka namen?" sabi nung isa.

Bago pa makasagot si Sir Benj, eh may tumawag sa isang lalaki at sinagot niya muna 'yon.

Save by the bell.

"What the hell are you doing, Ethan?!" pabulong na sigaw ni Sir Benj.

"Sorry, naguguilty lang ako sir"

"Pwes, 'di ko kailangan ng guilty mo. Leave this room now!"

"Sir, no. Eexplain ko lang sakanila yung nangyari, then aalis na ako."

"Don't you know how important this project to me?! Kung talagang gusto mong makatulong, leave!now!"

 

Medyo tagaktagak pa rin yung pawis ko dahil sa pagmamadali.

"Okay sir." sabi ko.

 

"And for christ sake, mag punas ka ng pawis mo, nakakadiri mukha kang dugyot!" nagulat naman ako ng bigla niya akong punasan gamit ang mabango niyang panyo!


Oh sht. Anong nangyayari, pwede naman ako na lang.

"Sige na, labas ka na. Kaya ko na 'to!" sabi pa niya saken.

From supladong boss, to galit na galit na boss, to nagpapaawang boss at ngayon naman, sweet na boss.

Palabas na sana ako ng pinto ng napansin namen na nakangiti yung dalawang ka meeting ni Sir Benj sameng dalawa.


"Naalala ko tuloy nung college days natin, ganyan na ganyan ka saken!" sabi nung isang lalaki sa kasama niya.


"Hehe, tigilan mo ko babe."

BABE?!!! WTF! Bakla yung mga ka meeting ni Sir Benj?!

Mukhang nagulat din si Sir Benj sa nakita niya.

"Uhm.... Mr. Herrera????" tanong ni Sir Benj.

"Yes? Sorry if nawala pagka professional namen it's just that, nakakatuwa lang talaga makakita ng same sex couple sa work!" sabi ni Mr. Herrera.


Medyo speechless ako sa mga nakikita at naririnig ko. Kahit na si Sir Benj, walang masabi.

"Gaano na kayo katagal na dalawa? I'm assuming you two are a couple right?" tanong pa samen.

"Uhm, Mr. Herrera...." sabi ko.

"Nonsense, just call me Miggy."

Okay, awkward.

"Uhm... Sir Miggy.... Herrera..." nauutal ako, hindi ko alam isasagot.

"Bago lang po kami hehe, kaka celebrate lang namen ng 6th month namen yesterday" si Sir Benj nagsalita.

WTF!!! Ano 'tong sinasabi ni Sir Benjamin.

 

"Sweet sweet!! So kaya nagkamali mali ka ng gawa dahil nag celebrate pa kayong dalawa?!" tanong saken nung isa.


"Ahhh... Hindi naman po Mr. Herrera..."

"Stop with the Mr. Herrera, call us Miggy and Cielo!"

Speechless talaga ako.

"Please, hindi naman kami nagmamadaling dalawa. Pwede nameng iextend yung deadline mo, Benjamin"

"Really sir?"

"Yes, just make sure na kasama mo si Ethan.... Ethan right?.... Kasama mo si Ethan sa presentation mo and I want it 100% ready okay?"


Umakbay naman saken si Sir Benj.

"Narinig mo honey?" sabi niya saken. Shet! Ang hot ng pagkakasabi niya ng honey!


Kinurot niya ako sa pwetan ko na kinagulat ko. Nagtawanan naman si Sir Miggy at Cielo sameng dalawa.

"Ohhhh.... I guess, we're done now!" sabi nila sabay tayo.

"I'm really sorry for the inconvenience sir! Hindi na po mauulit" paliwanag ni Sir Benjamin.

"Don't worry about it. Just please, promise me, sa next na pagkikita natin okay na ang lahat" sabi ni Sir Miggy.

"Yes sir, I'm sorry again"

"And stay happy and inlove, both of you okay?"

"We will sir, hehe" sabay kurot ni Sir Benj sa pisngi ko.

Hinatid na namen silang dalawa sa baba hanggang sa makasakay.

+++

"Sir!!!! Anong nangyari?!" tanong ko sakanya pagbalik namen sa taas.

"Shhhh.... It's your fault!"

"What?! Ako pa sir?!"

"Ang sabi ko umalis ka na diba pero may pa drama drama ka pang magpapaliwanag ka blah blah blah!"

"Well, sino ba nagpunas ng pawis ko?!pwede mo naman akong abutan ng panyo at ako na lang gumawa?!"


"Kadiri kasi itsura mo, di ko na kinaya!"


Hindi ako makapaniwala sa nangyari!

"Please Ethan...." nagbago siya kaagad. Biglang bait. Agad agad!


"Ano po bang ginagawa niyo Sir Benj?"

"I don't know. All I know is that I need you to pretend to be my boyfriend!"

Boyfriend? Si Sir Benj?! Oo okay na okay! Pero yung pretend? Mukhang mahirap!

"Wala kang gagawin, kapag nandito lang sila Mr. Herrera eh saka lang tayo magpapanggap!"

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Don't worry, I'm straight. Hindi kita gagalawin or what, we'll just pretend! Okay?"

"Pero...."

"Please Ethan, kasalanan mo naman in the first place kaya please pumayag ka na. At isa pa, wala tayong pagsasabihan, sateng dalawa lang 'to!"


Nagmamakaawa yung mga mata niya at naaawa naman ako. Hello, ang gwapo. Tinitignan ako sa mata, tagos sa puso at kaluluwa.


"Hays.... Sige po sir" sagot ko sakanya.


++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top