Part 29

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Anong nangyari sa loob? All this time akala ko fake lang 'yung pinapakita ni Sir Jack sa'kin. Ibig sabihin, lahat pala ng 'yon, totoo? Paano ko rin 'to sasabihin kay Sir Benj? Siguradong magagalit siya at yung kiss? Kailangan kong sabihin 'yon.






At lalo na, kay Laura. Paano ko sasabihin na ako yung dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Sir Jack.





"Ethan, ano bang nangyari doon? Bakit tayo nagmamadali?" tanong ni Laura sa'kin habang pababa kami ng elevator.




Sasabihin ko na dapat kaso iniba ko na lang yung topic. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya.




"Hahatid na lang kita sainyo, masyado siyang lasing at hindi makausap ng matino. Bukas na lang siguro sa office" sabi ko.




Pumayag naman siya at hindi na nagtanong uli.



Pagka uwi ko naman ng bahay, naiiyak pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak! Siguro dahil nakakatakot si Sir Jack kanina, o 'di kaya sinabi niya sa'kin na mahal niya ako na hindi ko pa naririnig kay Sir Benj.





Hindi ako naguguluhan sa nararamdaman ko, malinaw sa puso ko na si Sir Benj talaga yung gusto ko pero....may something talaga sa pagkakasabi ni Sir Jack na mahal niya ako, totoong totoo at nararamdaman ko.




Sinalubong ako ni B.E na tuwang tuwa, kasama niya si Butchok at niyakap ko siya. Mukhang napansin ni Butchok na umiyak ako kaya umiwas kaagad ako at dumiretso kay Jaycee.




Kinwento ko sa kanya yung lahat at napailing lang siya.




"Well, nakakagulat talaga bes. Pero... Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya.




"Hindi, okay lang ako"




"Kung ako sa'yo, sasabihin ko na kaagad kay Sir Benj 'yan, alam mo naman 'yon, mainitin ulo kaya kapag nalaman niya sa iba baka magalit na naman!"



Ayun din yung isang iniisip ko. Siguro, bukas ko na lang sasabihin kay Sir Benj at ihahanda ko na lang sarili ko sa mangyayari. Sana man lang eh hindi siya magalit.





"Bes, aalis na pala ako bukas" biglang sabi ni Jaycee.



"Kaya mo na ba?"



"Oo naman. At saka kailangan ko na rin umalis, nandito na mother superior mo eh. One last favor, tutulungan mo naman ako makahanap ng condo di'ba?" tanong niya.



"Sure ka na ba talaga? Kung hindi, pwede ka pa naman mag stay dito"




"Ano ba, haha. Kailangan ko ng mag solo ngayon at sisimulan ko 'yon sa pag alis dito. Saka, sobrang laki na ng tulong mo bes, sobra na. Kaya aalis na ako."





Mukhang hindi ko naman na siya mapipigilan kaya pumayag ako.



"Sabihin mo na lahat kay Sir Benj mo ah? Kapag hindi naging okay, sabihan mo lang din ako." paalala niya pa.



Sinabihan na rin ako ni Jaycee na itulog ko na lang lahat ng 'to para maging okay na ako. Ganon naman 'yung ginawa ko at pinilit kong hindi isipin 'yung nangyari.




++



Pagdating ko sa office, napansin kong wala si Laura. Hindi naman nale-late o umaabsent 'yon, sobrang laki pala ng epekto sa kanya ng hiwalayan nila ni Sir Jack.



Ako naman dumiretso sa office ni Sir Benj, nakita ko na naman siyang may kausap sa phone, pinapasok naman niya ako at hindi rin nagtagal, binaba niya yung tawag at lumapit sa'kin.




"Ang ganda naman ng pasok ng umaga sa'kin" sabi niya sabay yakap sa'kin.




Ang ganda ng mood niya ngayon at kung sasabihin ko sa kanya 'yung nangyari kagabi baka masira na naman.




"Kumain ka na ba?" tanong niya uli.




"Ahh.. Oo, sa bahay. Mamaya pala, sasamahan ko si Jaycee maghanap ng matutuluyan."




"Okay sige, pero saan ka galing kagabi? Bakit hindi mo na ako nahintay?"




"Ahh...." napahinto ako, ayoko na mag inarte at alam ko na kung saan hahantong kapag pinatagal ko pa 'to.





"May problema ba?" tanong niya.



At doon ko na sinabi lahat ng nangyari kina Sir Jack. Inaasahan ko naman na magagalit siya pero mali ako, pinilit niyang ngumiti at yumakap sa'kin.





"Hindi ka ba galit?" sabi ko.




"Ano ka ba, galit na galit kaya ako ngayon. Baka sasabog na nga ako sa loob eh!"




"Huh?" napatingin ako sa kanya.




"Hindi ako galit sa'yo, galit ako kay Zachary pero hindi ko ibabaling 'yung galit sa'yo. Kaya, hayaan mo na. Okay lang 'yon!"




Nakakagulat yung pinakita niya. Hinanda ko pa naman sarili ko na magagalit siya.



"Bakit gusto mo bang magalit ako?" tanong niya.




"Hindi, nasanay lang kasi ako sa'yo...."




"Hindi, nagbabago na ako, nagbabago na ako for you kasi baka nasasaktan kita sa ganong ugali ko"




"Talaga?"




"Oh, bakit? Kinikilig ka ba?"



"Hoy hindi! Masyado kang ano!"




"Haha ang hirap mo namang pakiligin"



Pero bago ako sumagot, may kumatok sa kwarto at biglang pumasok, buti na lang hindi na kami magkayakap nung mga oras na 'yon.




"Sir, urgent meeting, now." si Allan pala 'yon.




"Ang aga naman?"



"Yeah, urgent daw po eh." bigla niyang sabi.



Lumabas na ako ng opisina niya at nag usap pa silang dalawa.




Bothered pa rin ako na wala si Laura ngayon pero nagpatuloy na lang ako sa trabaho.



+


"Ang daming pinapagawa ni Zachary sa'kin, akala niya siguro hindi ko alam na personalan na 'yung away namen!" kwento ni Sir Benj habang naglulunch kami sa Mozu.




"Okay ka naman ba?" bigla siyang ngumiti sa tanong ko na parang ewan.




"Bakit ka ngumiti ng ganyan?" tanong ko.



"Wala, palagi na lang kasi ako nag eeffort pakiligin ka eh pero ngayon, pinakilig mo ko"



"Ha? Tinanong lang naman kita kung okay ka ah?"




"Kaya nga, inaalala mo ko ngayon. Kakilig kaya!"



Ako rin kinilig sa sinabi niya at ngumiti rin ako pero napayuko ako.



"Bakit ka kaya yumuyuko kapag ngumingiti ka? Ayaw mo pakita 'yung ngiti mo!"




"Haha, bakit ka nagagalit?"



"Hindi ah. Sayang kasi 'yung moment na makikita kitang masaya tapos ako pa yung dahilan. Kaya sana, 'wag mo ipagkait sa'kin ang ngiti mo"




Nagkatinginan lang kaming dalawa habang ako napakagat ng labi, pinipigilan ko kasing ngumiti pero hindi ko magawa.



Nasira lang yung moment namen ng biglang dumating 'yung dessert namen.




"So baka palagi na muna ako mag OT." sabi niya uli.




"Okay lang, babantayan ko rin kasi si Butchok di'ba?"



"Oo nga. Don't worry, dadalaw ako doon, namimiss ko na baby nating dalawa eh"




"Baby lang natin?" tanong ko sa kanya.



"Aba, syempre, si Butchok din"




"Si Butchok lang din?"




"Gusto mo bang sabihin kong namimiss kita? Eh pagkukurap pa lang mata ko namimiss na kita kaagad eh. Kung pwede lang hindi kumurap para palagi kitang nakikita eh"




"Promise?"



"Opo. Kaya dapat, hindi ka na makikipagkita kay Zachary ng hindi ko alam!"



"Bakit biglang nagbago 'yung topic?"




"Nakakainis kasi na hinalikan ka niya! Eh simula nung umamin ako sa'yo, ayon pa 'yung last kiss nating dalawa. Nakakamiss."




"Ehh hindi ko naman ginusto 'yung kiss na 'yon!"



"Kaya nga pero nakakiss pa rin siya, madaya!"




Parang isip bata si Sir Benj. Ganitong Sir Benj talaga 'yung gusto ko, isip bata na sweet.




"Next time." sabi ko.



"Sige na nga. Promise mo sa'kin ha? 'Di ka na makikipagkita. Tapos sasabihin mo kung sino mga kinakausap mo?"



Aba, boyfriend na ang dating niya.

"Opo, dapat ikaw din!" sabi ko at bago siya sumagot may tumawag na naman sa kanya at lumabas siya para sagutin. Pagbalik niya, nagpatuloy siya sa pagkain.




"Sino na naman 'yung tumawag?" tanong ko.



"Wala, pinapagawa lang ni Zachary"




"Bakit kailangan mo pang umalis?"




"Sorry, sige sa susunod hindi na ako aalis."




Hindi ko na lang inalam pa kung sino 'yon at papaniwalaan ko na lang 'yung sasabihin niya.



+



Nagkita na kami ni Jaycee 'pag out ko at naglakad lakad kami para maghanap ng condo.



"Malapit na pala Birthday mo bes!" bigla kong naalala.



"Nako, baka hindi ako magpainom non, binudget ko na pera ko eh at saka hindi ko muna priority 'yon!"




"Ang drama bes!"




"Haha ganon talaga 'pag maganda!"



Pumunta kami sa condo na malapit sa office niya, at bago kami makapasok, nakita namen si Stephen sa lobby at nakaupo na parang feel at home na feel at home.




Napangiti siya nung nakita kami at lumapit sa'min.



"Aba aba, ano ginagawa ng duo dito?!" tanong niya, kita ko naman 'yung kilig ni Jaycee sa mukha niya at ramdam na ramdam ko rin dahil sa higpit ng hawak niya.



"Dito ka rin ba nakatira?" tanong ko.



"Ahh... Yeap. Why?"




"Ahh si Jaycee kasi naghahanap ng condo, tatanong sana namen dito"




"Woah? Really? Him?" tanong ni Stephen.



Parang bato lang na nanahimik si Jaycee at hindi makapagsalita.



"Bakit ganyan tanong mo?" sabi ko.



"No, actually, I'm looking for a partner sa condo. Well, approved naman yung ibang friends ko pero loko loko eh, baka mamaya hindi sila tumuloy. Kung gusto mo, share na lang kami?"




Mas humigpit 'yung hawak ni Jaycee sa'kin. Alam kong gusto niya 'to kaya umoo ako. Umakyat naman kami kaagad sa condo niya at pag pasok namen, malaki 'yon at malinis.

"Wait, kuha lang ako makakain niyo" bigla niyang sabi. Naghubad kaagad siya ng damit at ngayon, nakashort lang siya.




Attractive si Stephen, pero hindi na ako masyadong naaapektuhan. Pero si Jaycee, nakatulala pa rin at mabuti naman nagsalita na siya.



"Bes, totoo ba 'to?" tanong niya.



"Oo! Kaya umayos ka, pero kung ayaw mo...."



"Gaga, push ako dito!" bulong niya uli at lumapit na si Stephen na may dalang pizza at juice.




"Sorry, nagpadeliver lang ako." sabi niya, kumain naman ako pati si Jaycee.



"So.... Magkano dito?" tanong ko.



"Well, 20,000 a month. Ang laki masyado eh so naghahanap ako ng kahati" sagot ni Stephen.



"So, tag 10K?"


"Obviously, 10K. Haha"



Napatingin ako kay Jaycee at mukhang hindi okay. Narinig ko kasing 7K lang budget niya. Ewan ko pero kumportable naman ako kay Stephen kaya sinabi ko sa kanya 'yon.




"7K? Sure, sige that'll work!"




Aba, nabuhayan si Jaycee at napangiti.



"Baka naman maraming tao rito palagi?" tanong ko pa.



"No, I don't do parties here. To be honest, tahimik akong tao at gusto ko lang ng tahimik, sana hindi ka maingay" tanong niya kay Jaycee.




"Ahh... Oo naman" aba, nauutal si Jaycee.



"Well, so is that a deal? Ang lungkot lang din dito palagi eh, wala akong kasama"




"Hmm oo naman." hindi na ako nagsasalita at hinayaan ko na silang makapag usap.



Mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob.



"Uhm, mauuna na akong umuwi" sabi ko, ready naman na si Jaycee lumipat. Wala naman siyang maraming gamit eh.




"Osige, iwan mo na rito bestfriend mo, ako ng bahala sa kanya" sabi ni Stephen.



Mukhang natutuwa talaga si Jaycee ngayon kaya hinatid lang nila ako palabas at umalis na ako.



Agad kong tinawagan si Sir Benj kung nasa office pa siya at sabi niyang oo.



"May sasabihin ako hehe nakakatuwa. Pauwi ka na ba?" sabi ko.




"Hindi pa eh, about saan ba?"



"Oh... Gusto mo umakyat na lang ako?" tanong ko.



"Talaga? Sige gusto ko 'yan! Naiistress na ako dito eh"




"Sige, pabalik na po"



Pagbalik ko ng office, umakyat ako at dumiretso sa office niya.



"Ang sakit ng ulo ko dito" bungad niya sa'kin.



"Ano ba 'yan?"



"Trabaho ni Zachary, sa'kin pinapagawa! Halika nga rito, tabihan mo ko" hindi naman ako nagdalawang isip at tumabi ako sa kanya.



"Ayoko sanang maglihim sa'yo kaya sasabihin ko na" bigla niyang sabi. Nagulat ako kasi naging seryoso kaagad yung mood niya.




"Ano 'yon?"



"Uhm. Tumawag kasi si Sophie sa'kin"



Parang nararamdaman ko na rin na si Sophie 'yung tumatawag sa kanya na hindi niya sinasabi.



"Ah talaga? Anong pinagusapan niyo?" tanong ko.



"Hindi ko sinagot. Tumawag lang siya."




"Ehh bakit hindi mo sinagot?"



"Baka kasi magalit ka eh. At saka ayoko muna,"



"Dapat sinagot mo"


"Bakit gusto mong kausapin ko siya?"




"Syempre, para.... Ewan... Para magkaayos na kayo. Parang hindi pa kasi kayo okay eh"




"Kailangan pa ba non?" napatingin siya sa'kin. "I mean, nandiyan ka naman, ikaw naman na nagpapasaya sa'kin. Bakit kailangan ko pa siya kausapin?"




"Closure."



"Sinabi ko lang naman sa'yo kasi ayokong magsinungaling sa'yo. Ayun lang 'yon" sabi niya pa at bumalik na siya uli sa trabaho.




"Akala ko siya yung nakakausap mo tuwing aalis ka para sagutin 'yung tawag"




"What? No! I told you, sa trabaho lang 'yon, wala akong ginagawang masama!"



"Uyy, hindi naman ako nagsasabi na may ginagawa kang masama...."



"Parang pinapalabas mo kasi na meron!" mukhang nainis siya sa sinabi ko at nagkaroon kami ng panandaliang katahimikan.

"Sorry... Hindi ko sinasadyang sigawan ka" bigla niyang sabi.




"Sorry din kung naoffend ka"



"No.. Basta sabi ko sa'yo, lahat ng pinapakita ko sa'yo totoo at lahat ng nakaraan, nakaraan na 'yon, sa'kin ka lang maniwala ha?" kita kong seryoso siya at hindi nagsisinungaling.




Ayoko siyang pag isipan ng masama kasi mukha naman talagang wala siyang ginagawang masama.



Kinwento ko na lang 'yung nangyari kanina sa condo ni Stephen at bumalik 'yung ngiti niya at gumanda na uli 'yung mood namen pareho.




+


Hinintay ko siya matapos at pasakay na kami ng elevator na makita namen si Sir Jack na nakasakay doon. Nagtatawanan pa naman kami ni Sir Benj at panandaliang nasira 'yung kasiyahan namen.



"Hindi ba kayo sasakay?" tanong ni Sir Jack.



Biglang hinawakan ni Sir Benj 'yung kamay ko.



"Hindi na, mamaya na." sagot niya.



"Intimidated?" pang asar na tanong ni Sir Jack.



"Not really, more like pissed" sagot naman ni Sir Benj.



"Yeah? Don't worry the feeling is mutual"



Nang aasaran lang silang dalawa at wala akong masabi.



"Well, just like our relationship status, mutual feelings" pang asar ni Sir Benj at mukhang naapektuhan si Sir Jack at sumimangot.



Pasara na 'yung elevator ng pigilan ni Sir Jack.



"Well, I just hope na it ends well between the both of you." sabi ni Sir Jack.



"Don't worry, it will"



"Really? I don't think so. As long as I'm here...."



"As long as I'm here, hindi mo maaagaw si Ethan!" napahigpit tuloy hawak ni Sir Benj sa kamay ko.




"We'll see about that. Goodnight Ethan" ngumiti lang si Sir Jack at sumara na 'yung pinto ng elevator.




+++++++


VOTE AND COMMENTS!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top