Part 28
Sabay na kami ni Sir Benj na pumasok. Iniwan na muna namen si Butchok kay mama at gusto raw niyang maalagaan muna.
Kinamusta naman ako ng mga kaofficemates ko at mukhang alam nila lahat ng nangyari pero mas concern talaga si Laura sa'kin.
"Sana pala dumalaw man lang ako sa'yo sa ospital, sabi ni Jack pinuntahan ka raw niya doon ah?"
"Oo, hehe."
"Hindi na nga raw siya nakabalik kasi ang dami pa raw niyang gagawin. Pero okay na kapatid mo?"
"Okay naman na. Hehe salamat sa pag alala"
"Ano ba, naguguilty nga ako kasi wala ako sa ospital eh, sana dinalaw kita."
Kung nandon ka, ang awkward ng lahat.
"Okay lang talaga" ayon na lang sinabi ko.
Ang bait ni Laura at feeling ko may mali akong ginagawa sa kanya. Kahit wala naman para sa'kin yung ginagawa ni Sir Jack, feeling ko may mali pa rin eh.
Nagpatuloy lang ako sa trabaho at parang kada oras, tumatawag ako kung okay lang si Butchok, mabuti naman at okay lang siya.
Pag dating ng lunch time, pumunta muna ako sa office ni Sir Benj. Siguro dahil may label na 'yung relasyon namen kahit papano, hindi na ako kumatok pero dahan dahan lang akong sumilip.
May kausap naman siya sa phone at narinig kong sinabi niya na "Hindi ko alam! 'Wag mo na akong kulitin!". Pero nung nakita niya ako, bigla na lang niyang binaba 'yung tawag at sumenyas na pumasok ako.
"Sino 'yon?" tanong ko pagkasara ng pinto.
"Client, namimilit lang hehe. Kakain na ba tayong dalawa?" tanong niya.
Feeling ko may tinatago siya sa'kin sa tumatawag sa kanya eh, hindi naman ako sure kung kasama sa pagiging MU 'yung pakialamanan 'yung phone ng ka MU mo.
Sakto naman, bago ako makasagot, biglang tumawag si Sir Jack sa'kin. Hindi nakita ni Sir Benj kung sino 'yon kaya sinagot ko kaagad.
"Lunch??" bungad niya.
"Uhm... Kasama ko si Sir Benj eh."
"Ohh... Dinner?"
"Dinner? Hmm.. Hindi ko alam..." nagulat ako ng biglang hablutin ni Sir Benj 'yung phone ko at binabaan si Sir Jack.
"Ano 'yun? Sino 'yon? Bakit mo ko niloloko ng harap harapan? Akala ko ba MU na tayong dalawa?" sabi niya sa'kin at mukhang inis na inis siya pero ewan ko natatawa ako sa inasal niya.
Hindi ako sinagot at siya na mismo 'yung tumingin sa phone ko.
"Si Zachary?!!" sigaw niya.
"Ehh tumawag lang naman siya..."
"Tumawag tumawag ka diyan! Alam mong nagseselos ako doon tapos sinasagot mo pa 'yung tawag, anong sabi niya? Dinner? Dinner mamaya? Kayong dalawa? Anong sinabi mo?
"Hinablot mo 'yung phone ko di'ba? Ano pa masasabi ko sa kanya?"
"So may balak ka talagang makipag dinner?!"
"Syempre wala! Sasabihin ko naman na hindi eh, bigla mo lang hinablot phone ko!" nawala 'yung inis sa mukha niya at parang natuwa siya. Kitang kita ko sa expression ng mukha niya 'yon.
"Promise?" tanong niya.
"Oo! Eh di'ba nag usap na tayong dalawa na.... Mag ano na tayo.."
"Mag ano?"
"Alam mo na 'yon."
"Hindi ko pa alam. Ano nga?"
"Mag MU!" sabi ko sa kanya na nahihiya pero siya naman nakangiti lang na parang ewan.
"Good. Akala ko makikipagkita ka sa kanya eh!" inabot niya sa'kin 'yung phone ko.
Natahimik kaming dalawa sa discussion namen. Para kaming mga bata sa inaasal namen pero natutuwa ako, deep inside.
"May balak ka bang pakainin ako?" tanong ko sa kanya.
"Ayy oo nga pala. Halika na, sa labas tayo. Kain tayo korean food!" medyo excited pa niyang sabi.
"Korean food uli?"
"Kinain mo 'yung korean food ni Zachary na galing meeting kesa sa korean food na pinadeliver ko sa'yo, kaya hangga't hindi tayo nakakakain ng korean food sa korean restaurant, hindi ako titigil!"
Tawang tawa talaga ako sa kanya, iba iba kasi 'yung mood niya at 'yung mood niya ngayon, parang bata na dapat makukuha lahat ng gusto niya!
So pumunta kami sa korean restaurant malapit sa office kaso puno na, pero napansin namen na nandoon si Sir Miggy at Cielo sa loob, napansin din kaming dalawa kaya pinapasok niya kami.
Mabilis naman na hinawakan ni Sir Benj 'yung kamay ko habang palapit sa kanila.
"Hi hi hi, I think wala ng space pero you two can join us. Magoorder pa lang din naman kami" sabi ni Sir Miggy.
"Uhm, kung okay lang sa honey ko" biglang sabi ni Sir Benj.
Kahit MU na kami, kahit may label na, iba pa rin 'yung trato niya sa'kin ngayon, parang kami na talaga at parang wala siyang paki sa sasabihin ng iba.
"So... Ethan? Gusto mo ba dito na lang mag lunch?" si Sir Cielo naman 'yon.
Hindi ko alam 'yung sinesenyas ni Sir Benj kaya umoo na lang ako, mukhang ganon nga 'yung gustong mangyari ni Sir Benj. Kaya tumabi na kaming dalawa sa kanila at umorder.
Kapag nakikita ko sina Sir Miggy at Cielo, feeling ko talaga may forever para sa mga third sex. Sobrang sweet kasi nilang dalawa. Parang too good to be true. Si Sir Cielo sobrang maalaga kay Sir Miggy, tapos si Sir Miggy naman sobrang touchy na sa tingin ko, gustong gusto ni Sir Cielo.
"Let's drop the formality for a while and let's eat together like we're friends, okay lang ba?" sabi ni Sir Cielo.
"Ofcourse." sagot ni Sir Benj.
"You know, I'm really curious.... Paano kayo nagkakilalang dalawa?" tanong ni Sir Miggy sa'min. Hindi ko naman alam isasagot ko kaya si Sir Benj 'yung nagsalita.
"Dahil sa korean food!"
Natawa naman silang dalawa at nagpatuloy siya sa pagkwento.
"Sa office 'yon, binilhan ko siya ng korean food kaso inayawan niya at kinain niya 'yung pagkain ng iba! Simula non, nainis na ako sa kanya!" kwento ni Sir Benj.
"Aba, eh bakit ko naman kasi kakainin 'yon? Matapos mo kong awayin?"
"Peace offering ko kaya 'yon!"
"Peace offering eh nakalagay lang sa styro tapos disposable pa 'yung spoon and fork!"
Natatawa naman yung dalawa sa'min at narealize namen ni Sir Benj na totohanan na pala 'yung ginagawa namen.
"Uhm...." hinawakan uli ako sa kamay ni Sir Benj. "....after ng incident na 'yon sa korean food, nalaman ko na patay na patay pala si Ethan sa'kin at naghihintay lang na umamin ako!"
Magsasalita sana ako kaso pinigilan ako ni Sir Benj.
"Haha, alam niyo, ang cute niyo talagang dalawa. Naaalala ko tuloy 'yung nagsisimula pa lang kami ni Cielo...." sabi naman ni Sir Miggy.
"Oh, we've been thru up and downs, pero good thing, nandito pa rin kaming dalawa. Destiny ba. And I can see na ganon din 'yung mangyayari sainyong dalawa" sabi pa ni Sir Cielo.
Napatingin naman si Sir Benj at totoong tingin niya 'yon.
"Sana nga po" sabi niya sa'kin.
Siguro kung wala kami sa korean restaurant, sa harap ng ibang tao, baka hinalikan na ako ni Sir Benj sa mga tingin niya.
"Easy. Malulusaw na si Ethan." bigla namang tinanggal ni Sir Benj 'yung pagkakatitig niya sa'kin at bumalik sa lamesa.
Sakto, dumating na 'yung pinaorder namen at sabay sabay na kaming kumain.
+++
Dahil sa lunch na 'yon, naka schedule na kami next next week para sa papakita nameng presentation at this time, totoo na raw na matutuloy 'yon.
At pagbalik namen sa office, back to work na uli. Feeling ko ang bilis bilis na ng oras sa office, siguro dahil na rin sa harutan namen ni Sir Benj thru text at email na talaga namang nakakagoodvibes.
Hindi ko namalayan na 5 na pala at nag out na ako para makauwi, hindi na sumama si Sir Benj kasi may tatapusin pa raw siya.
Pagkauwi ko, kinwento ko lahat kay Jaycee na nasa kwarto ko na naman at naglalaptop. Sa guestroom kasi siya natulog kagabi.
"Nag sex ba kayo ni Sir Benjamin?" bigla niya kaagad tanong.
"Hoy! Ano ba! Hindi no!"
"Dalawa lang kayo tapos malamig, wala talagang nangyari? Akala ko ba MU na kayo?"
"Kapag MU kailangan may sex na kaagad?#"
"Ano ba, mutual feeling din 'yon, dapat ginawa niyo na rin!"
"Tigilan mo ko bes! Maghanap ka na lang ng matutuluyan. Ano bang gusto mo? Dorm? O condo?" tanong ko.
"I don't know, makakalakad naman na ako kahit papaano bukas, samahan mo naman ako, okay lang?"
"Oo naman!" sagot ko, okay lang sa'kin kung si Jaycee manghihingi ng favor kasi sigurado akong hindi rin ako tatanggihan neto.
"Yey! Pero may tanong ako sa'yo bes, sobrang importante neto kaya kailangan ko ng matinong sagot!" sabi ni Jaycee at pinapatabi niya ako sa kanya.
"Ano 'yon?"
"Sinabi mo na ba 'yung magic word na 'I love you' sa kanya?" tanong niya.
Napaisip ako, hindi pa naman namen nasasabi sa isa't isa 'yon at parang hindi pa dapat sabihin.
"Hindi ba masyado pang maaga?" tanong ko.
"Gaga, MU na kayo, hindi niyo ba mahal isa't isa?"
"Syempre ako... Oo"
"Ehh bakit hindi mo pa sinasabi?"
"Baka kasi mabigla siya."
"Well sabagay tama ka. Pero ayan ang turning point niyo. Kung mag I love you ka sakanya at nag I love you too back siya sa'yo, ibig sabihin totoo na 'yang nararamdaman niya sa'yo."
"Bakit? May chance ba na hindi siya mag 'I love you too' sa'kin?" tanong ko.
"Ang sabi niya sa'yo, "I think I like you", like lang 'yung ginamit niyang word nilagyan pa ng think. That means, hindi pa siya sigurado. MU kayo kasi sa tingin niya, 'I think I like you' rin yung nararamdaman mo sa kanya!"
Pinrocess ko muna sa isip ko 'yung sinabi ni Jaycee at nung naisip ko na medyo tama siya, napaisip pa ako ng todo.
"Bes, hindi ako natutuwa sa MU. Magulong Usapan 'yan, ang arte arte kasi ng MU, bakit hindi na lang maging kayo? Kayo talaga!"
Hindi ko rin siya nasagot. Iniisip ko kasi kung ano kaya magiging reaksyon niya if ever na sabihin ko na 'yung 'I love you'? Eh ayon naman talaga nararamdaman ko sa kanya, mahal ko siya.
"Nako bes, nung una binalaan kita, sabi ko 'wag ka maiinlove pero ano ngayon? Nabusog ka ba? Kinain mo lahat ng sinabi mo."
"Bakit ka ba kasi nagagalit?"
"Concern kasi ako sa'yo. Tignan mo, ikaw lang nalapitan ko sa sobrang kagipitan ko, syempre ayoko lang na masaktan ka."
"Alam ko bes, pero.... Kaya ko na sarili ko" ayon na lang sinabi ko.
"Alam ko malaki ka na.... Pero nag aalala pa rin ako sa'yo" medyo seryoso na siya at kapag ganito si Jaycee, talagang dinadamdam niya lahat ng sinasabi niya.
"Opo, bes!" sagot ko na lang.
"Boto ako kay Sir Benj pero dapat, doon ka sa sigurado ka. Doon sa may laban ka, hindi 'yung sa bandang huli, ikaw 'yung talo"
Words of wisdom na nanggaling sa bestfriend kong loko loko pero ngayon ang seryoso.
+++++
Natulog na si Jaycee sa kwarto niya at naiwan akong mag isa sa kwarto ko, tulog na rin si Butchok at so far, okay naman pakiramdam niya.
Bigla naman tumawag si Sir Jack sa'kin, hindi ko sana sasagutin kaso nagtext siya na importante raw kaya sagutin ko.
"Hello?" sagot ko
"Hey, bakit mo ko binabaan ng tawag kanina. And I'm trying to call you pa kaso hindi kita macontact"
"Ahh... Si... Ano kasi.."
"Sino?"
"Si..,. Sir Benj."
"Si Benjamin? Anong meron sa kanya?"
"Ehhh... Kasi po... Medyo..."
"Ano Ethan? Anong meron?"
"Uhm... Napagdesisyonan po kasi namen na maging... Mag MU kami..."
Natahimik siya saglit.
"Sir Jack?" sabi ko. Pero bigla na niyang binaba 'yung tawag. Hindi ko na siya tinext pa uli at sabi ko na lang sa sarili ko, sasabihin ko kay Sir Benj kinabukasan para hindi siya magalit.
+
Pagdating ko sa office, una kong napansin si Laura na sobrang namamaga 'yung mata at parang umiyak ng umiyak kagabi. Sobra naman akong naawa at tinanong ko kung anong nangyari.
"Huy... Bakit?" kinocomfort ko siya pero parang mas pinaiyak ko siya lalo.
"Hey, may problema ka ba?" tanong ko pa uli.
Niyakap lang ako ni Laura at umiiyak pa rin. May ilan na nakakita pero hindi na nagtangkang makichismis, baka mamaya pag uusapan na lang nila sa group chat 'to.
"Hindi ko alam kung anong ginawa ko eh.." bigla niyang sabi.
"Bakit? Anong nangyari ba?"
"Si Jack kasi"
"Anong meron kay Sir Jack?"
"Ehh... Kasi.. Nakipaghiwalay na siya. 'Wag na raw ako magpakita, magtext, tumawag, pumunta sa condo niya. Kunwari raw hindi ko siya nakilala."
Fvck, ang bilis naman ng pangyayari!
"Kailan niya sinabi 'yan?"
"Kagabi, nasa condo niya ako kagabi eh tapos after ng ginawa namen, bigla na lang niyang sinabi 'yon!"
Fvck, bigla akong nainis kay Sir Jack. Nakipaghiwalay siya matapos may mangyari sa kanila.
"Kausapin natin siya, gusto mo?" tanong ko.
"Hindi raw siya papasok ngayon eh. Please, Ethan, tulungan mo ko" pakiusap niya.
Alam kong okay naman si Sir Jack kay Laura kaya sabi ko sa kanyang sasamahan ko siya pagkatapos ng trabaho.
+
Dumiretso kami ni Laura sa condo ni Sir Jack pagka out namen. Hindi 'to alam ni Sir Benj kasi siguradong magagalit 'yon kaya hindi ko muna pinaalam.
Pagdating namen sa condo ni Sir Jack, nagpaiwan sa labas si Laura at ako lang muna pinapasok niya.
Pagbukas ko ng pinto, hindi ko siya makita kaya lumabas ako sa may pool area at nakita ko siya doon, nakahubad at tanging white na brief lang 'yung suot habang umiinom ng alak.
"Sir Jack." sabi ko.
Napatingin siya sa'kin at ngumiti.
"Ethan! Nandito ka! Halika, samahan mo ko magswimming!" mukhang lasing na siya sa inaasal niya. Pero diniretso ko na siya kung bakit ako nandito.
"Nasa labas po si Laura, umiiyak. Bakit naman bigla kang nakipaghiwalay?!" tanong ko sakanya.
"Ahhh 'yon ba? Wala 'yon, okay lang 'yon sa kanya maniwala ka!"
"Anong okay? Iyak nga ng iyak!"
"Ano naman? Makakamove on din 'yon!"
"Ano bang nangyayari sainyo, Sir Jack?"
Dahan dahan siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa kamay pero inalis ko kaagad 'yon.
"Grabe kayo, ang sama niyo!" hindi na ako naghintay ng sagot sa kanya at umalis na ako pero bigla niya akong niyakap sa likod at pinigilan.
Binuhat niya ako at pinasok sa loob at hiniga sa sofa. Pumatong siya sa'kin habang hawak 'yung kamay ko, nakadagan din yung binti niya sa'kin kaya nahirapan talaga akong makagalaw.
"Sir Jack! Nasasaktan ako!"
Pero wala siyang naririnig, at hinalikan niya ako sa labi ko ng madiin! Lasang lasa ko 'yung alak sa mga labi niya! Pero hindi talaga ako makalaban, wala akong magawa. Iniiwas ko 'yung mukha ko pero kontrolado niya lahat.
"Bakit si Benjamin pa?!" sigaw niya sa'kin.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ako 'yung nandito para sa'yo Ethan!!"
Nararamdaman kong lumuluwag pagkakahawak niya sa'kin kaya natulak ko na siya at nagmadali akong bumangon. Pero ang bilis niya, nahawakan niya pa rin kamay ko.
"Ethan, ako 'yung totoong nagmamahal sa'yo. Bakit si Benjamin pa pinili mo?" parang hinang hina na siya at pagod na pagod habang nagsasalita pero mahigpit pa rin hawak niya sa'kin.
"Sir Jack, bitawan niyo na po ako!"
"Mahal Kita Ethan. Mahal kita."
Nagulat ako sa kanya at parang nanghina rin. Tinignan ko siya sa mga mata kung totoo at ramdam kong totoo 'yung sinasabi niya.
Dahan dahan na niya akong pinakawalan pero nakatitig pa rin ako sa kanya. Bigla naman siyang umiyak at nagtakip ng ulo sa mga tuhod niya.
Totoo ba 'yon? Talagang sinabi niya 'yon?!
Hindi ko na siya pinansin at lumabas ako, nakita ko naman si Laura na naghihintay pa rin pero hinatak ko na rin siya pababa at hindi na ako nakapagsalita.
+++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top