Part 26

Lumaki akong nakikita 'yung tatay ko na hindi umuuwi sa bahay namen. Akala ko nung una may trabaho lang siya or what, pero 'yun pala, hiwalay na sila ni mama at sumasama na siya sa ibang pamilya.




Habang tumatanda ako, mas naiintindihan kong hindi pala pwede 'yon! Hindi pala pwede na dalawa ang pamilya ng tatay mo. At simula non, nagalit ko kay papa pati na rin kay mama kaya simula rin non, umalis na si papa sa bahay.




Simula ng umalis si papa, mas naging close na kami ng kapatid kong si Butchok. Kahit uhaw siya sa piling ng isang ama, ako na nagpuno ng pagkukulang na 'yon.



Natakot naman ako nung inatake noon si Butchok, at doon namen nalaman na may sakit pala siya sa puso na kapag naeexcite, naapagod eh inaatake siya. Kaya simula noon, mas naging mahigpit na ako sa kanya, hindi ko na rin siya pinapasok sa school, hindi pwedeng lumabas, oo mahigpit pero para sa kapatid ko.





Pero habang pinapasok si Butchok sa Emergency Room, hindi ko mapigilan na umiyak. Parang mas malala kasi 'yung atake niya ngayon kesa nung bata siya.




Hindi naman umalis sa tabi ko si Sir Benj habang naghihintay. Kanina pa niya ako kinakausap pero ang naiisip ko lang 'yung kapatid ko.



Halos isang oras na 'yung lumipas pero wala pa rin. Ano bang nangyayari? Bakit ang tagal?! Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko.




Maya maya, may lumabas ng babaeng doktor at nagmadali kaming lumapit.




"Kapatid po ako... Ano pong nangyari?!" medyo taranta kong sabi.




"Your brother's condition is extremely rare. We found out na may nakabara sa puso niya that cause of this attack. Ano bang ginawa niya before siya atakihin?"


Napaisip ako pero biglaan talaga 'yung nangyari.



"Good thing natakbo niyo kaagad siya rito or it might be too late."


"Doc, magiging okay na po ba siya?"



"I can say yes for now, pero sobrang umpredictable ng sakit niya. Anytime, pwede siyang atakihin. Masyadong mahina 'yung puso niya para makapag pump ng blood."




"Maingat naman po siya. Sinabihan ko siya na 'wag masyadong magpapagod at magpapawis."




"Well, that's the thing. Kahit pawisan siya or mapagod, kung gusto ng sakit niya na atakihin, aatakihin siya. At his stage, masyadong critical na yung condition niya."




Hindi ko kinakaya yung sinasabi ng doctora. Hindi ko maimagine na ganon na kalala 'yung sakit niya.




Maya maya, may lumabas na nurse at may binulong sa doctora. Sumenyas naman sila sa'min na pwede na kaming pumasok. Nagmadali kaming magsuot ng malinis na damit at nakita namen si Butchok na nakahiga, maraming nakatusok sa katawan at mukhang nakakahinga na ng maluwag.



Tulog siya ngayon pero mas nakikita ko 'yung sakit niya at ako rin, sobrang nasasaktan. Ang higpit na ng hawak ko kay Sir Benj habang pinagmamasdan si Butchok.




"Okay na siya, Ethan. 'Wag ka ng mag alala" sabi pa ni Sir Benj.



"Sa ngayon.... Paano bukas? Sa susunod na araw?"



"Shh... Ano ba, hindi ka pwedeng makita ng kapatid mo na ganyan. Dapat mas malakas ka sa kanya."




Tama naman si Sir Benj, ayoko talagang magmukhang mahina sa harap ni Butchok. Pero hindi ko mapigilan. Niyakap lang ako ni Sir Benj habang nakahawak ako kay Butchok.




Maya maya, may pumasok na nurse kaya tinanggal ni Sir Benj 'yung pagkakayakap sa'kin.




"Ichecheck ko lang po 'yung BP niya, Sir." sabi sa'min. Hindi pa rin ako mapakali hanggang sa makalabas 'yung nurse.



++



"Ethan..." 'di ko namalayan na nakatulog pala ako at ginigising ako ni Sir Benj ngayon.



Bumangon ako.



"Hey, uuwi na muna ako, kukuha lang ako ng damit for you but I need to go to work today."




"Hmm. Okay lang, sige kaya ko naman mag isa rito" sabi ko pa.



"Sure? Mag half day na lang ako today para makasama kita rito"




"Bahala ka po" parang wala pa rin akong lakas ngayon. Tinignan ko 'yung oras, alas kwatro na pala ng umaga.




Bigla niya akong niyakap ng bigla bigla at hindi siya umalis sa ganung pwesto.



"Nandito lang ako, Ethan. Hindi kita iiwan. Kaya dapat magpalakas ka para kay Butchok ha? Dapat strong." bulong niya sa'kin.




"Ang hirap lang...."


"Sige okay lang 'yan, pero dapat paggising niya kailangan naka smile ka na ha? 'Di ka pa naman cute kapag hindi ka naka smile!" asar niya pa sa'kin.




"Akala mo naman ikaw cute kapag hindi naka smile!"


"Oh tignan mo ko ngayon.." magkaharap kami ngayon at nakatitig lang siya sa'kin, hindi nga siya nakasmile, pero ang cute pa rin niya! Sobrang cute. Walang emotion. Pero ang cute.




"Nakakainlove no?" bigla niya pang sabi.



Hindi ako sumagot at niyakap ko siya uli, nararamdaman ko kasi na kailangan ko lang ng katabi ngayon.




Nanatili kaming magkayakap non at di rin nagtagal, umalis na siya para kumuha ng damit. Naiwan naman ako sa loob kasama si Butchok.




Hinawakan ko 'yung kamay niya at sa gulat ko, nagising siya. Dali dali kong pinunasan 'yung luha ko.



"Kuya..." medyo mahina siya, ramdam ko kaya lumapit ako sa kanya.




"Nandito lang ako..."




"Kuya... Ang sakit nung nasa kamay ko" bulong niya. Tinutukoy niya 'yung nakatusok sa braso niya, wala naman akong magawa kasi kailangan 'yon. Pinipigilan kong maiyak sa sinasabi niya.



"Kailangan 'yan para lumakas ka uli" sabi ko na lang.




"Masakit talaga Kuya eh."



"Hindi mo ba matiis? Para mas mabilis kang gumaling"




"Sige po titiisin ko na lang."




Kailangan malakas. 'Wag mong pakita na nahihirapan ka rin.



"Nasaan na po si Kuya Pogi?" tanong niya.



"Kumuha lang siya ng damit para sa'kin"




"Ahhhh..." wala na siyang masabi at parang ayoko na rin siyang kausapin kasi mukhang nahihirapan siya.

"Kuya..."



"Po?"




"Galit ka ba sa'kin?"



"Ha? Saan nanggaling 'yan? Syempre hindi. Bakit naman ako magagalit sa'yo?!"




"Kasi po naexcite po ako masyado kaya po ako inatake."



"Ano ba, hindi ako galit. 'Wag mo isipin 'yan. Wala kang kasalanan"



"Sorry po Kuya."



"Huwag kang mag sorry. Okay lang. 'Wag mo ng isipin 'yung nangyari, okay na. Okay ka na."




Parang gusto ko ng ifast forward sa oras na magaling na si Butchok at nasa bahay na kaming dalawa at naglalaro ng PS4.



"Hindi na ba ako makakapag aral, Kuya?" bigla niya pang sabi.



Baka damdamin niya pa lalo kung sasabihin kong hindi ko siya papayagan kaya nagsinungaling na lang ako.



"Kapag gumaling ka na, papasok ka na ng school kaya dapat magpagaling ka na ha? Magpagaling ka na ngayon na mismo" sabi ko pa.



"Strong na ko, Kuya. Strong!" nakita ko siyang ngumiti at parang ayun lang 'yug kailangan kong makita sa ngayon.



++



Alasdyis ng umaga ng may marinig akong pumasok sa kwarto at nakita ko naman si Sir Jack na may dala dalang napakaramin lobo at mga prutas. Sakto gising naman si Butchok kaya natuwa siya ng makita si Sir Jack



"Kuya Boss!" sabi ni Butchok.



Niyakap niya si Butchok.



"Anong nangyari kay Butchok? Bakit biglang tinakbo sa ospital?" tanong niya sa'kin. Bago pa ako makasagot, si Butchok na 'yung sumagot.




"Naexcite po kasi akong makita sila Krisha kagabi!" paliwanag niya.




"Ayun ba dahilan?" tanong ko.



"Hindi ko po alam, habang tumatakbo po ako papunta sa bahay nila, bigla na lang pong sumakit 'yung dibdib ko."




"Hayyy siguro crush mo 'yung Krisha no? Kaya ka kinabahan. Ayieeee. Nagbibinata na si Butchok" pang aasar ni Sir Jack.



"Hala hindi po"



"Huwag mo ngang biruin ng ganyan" sabi ko kay Sir Jack. Natawa lang siya at inabutan niya ng prutas si Butchok.




"Paano mo pala nalaman na nandito kami?" tanong ko, habang nagbabalat si Sir Jack ng ponkan.




"Eh may dala kasi akong pasalubong kay Butchok. Dapat tatambay lang ako sainyo eh kaso yung bestfriend mo nagsabi na sinugod nga raw sa ospital 'tong batang 'to."




"Si Kuya Boss naman eh!"


"Haha. Dinala ko rin 'yung PSP para hindi ka mainip dito!" sabi ni Sir Jack at nakita kong natuwa naman si Butchok. Naupo kami ni Sir Jack sa gilid.




"Sorry kung masyado akong masaya ha? Ayoko kasi ng malungkot kapag nasa hospital" sabi niya, mahina lang boses niya at hindi siya naririnig ni Butchok na busy sa paglalaro.



"Okay lang."



"I really hate hospitals. Nung nasa St. Lukes nga kami ni Butchok noon, naiinis ako pero para sa kapatid mo. And by the way, kakausapin ko pala 'yung friend ko about sa case ni Butchok. Akala ko okay na pero hindi pala siya okay"




Mukhang dinadivert niya 'yung usapan, medyo curious din ako kung bakit ayaw niya sa ospital.



"May allergy ka sa hospital? Takot ka siguro rito nung bata ka no?" sabi ko.



"Haha, ayoko lang ng ambiance. Parang.... Ang creepy"



"Creepy?"



"Eh kasi maraming namamatay dito di'ba? I just hate the idea of someone dying"




Mukhang may hugot at mukhang hindi siya interesado sa pinag uusapan namen kaya hindi ko na siya sinagot.




"Makakayanan ni Butchok 'yan, 'wag kang mag alala." ayun na lang sinabi ni Sir Jack at hindi ko na uli inopen 'yung topic tungkol sa ospital.



++


"Kumain ka na?" sagot ko sa tawag ni Sir Benj sa'kin. Mga alas dos na ng hapon 'yon.

"Oo, nandito kasi si Sir Jack, bumili siya ng pagkain"



Natahimik na naman siya.



"Ohh.. Magagalit ka na naman?nandito siya kasi nag aalala siya kay Butchok" paalala ko pa.


"Alam ko naman... Kanina pa ba siya nandiyan?"



"Kaninang umaga, mga 10"




"Ang tagal niyo na rin palang magkasama"




"Ano ba...."



"Hindi ako galit, papunta na rin ako diyan, may dala akong korean food."



"Korean food again?"



"Kapag hindi mo kinain 'to, magtatampo ako kaya dapat kahit busog ka, kakain ka!"



"Ay grabe!"



"Kapag hind ka kumain ibig sabihin, hindi mo ko gusto"




Nagsisimula na naman siyang maging isip bata.



"Susubuan kita mamaya kapag ayaw mo kumain bahala ka." panakot niya pa.




"Bilisan mo na lang nako!"



"Why? Miss me? Ehh saglit lang naman ako nawala."



"Ano ba, Sir Benj"



"Haha, see you later honey. Mwa" binaba na niya 'yung tawag at kahit sandali, napangiti naman ako ni Sir Benj.




Napansin ko naman na nag aayos na si Sir Jack at mukhang paalis na siya.



"Tumawag sa'kin si dad, kailangan ko raw umattend ng meeting. I'm sorry, Ethan."


"Okay lang po" okay talaga kasi papunta na si Sir Benj at ayoko naman na magtagpo silang dalawa rito.




"Try kong dumaan mamayang gabi ha?"



"Bahala po kayo"



"Okay. Pakisabi na lang kay Butchok pag gising niya ah?"



"Okay po"



"Goodbye kiss?"



"No! Haha bye"



"Hehe, bye Ethan." niyakap niya na lang ako at saka lumabas.




Habang hinihintay ko naman si Sir Benj, inaayos ko 'yung kalat sa kama ni Butchok. Maya maya, bumukas na 'yung pinto at akala ko si Sir Benj na pero sila mama at papa pala 'yon.




"Inatake na naman siya?" alalang alala si mama na lumapit kay Butchok.



Ayokong magsalita kasi feeling ko masasagot ko siya ng todo!




"Anong nangyari ba?" tanong naman ni papa.



Hindi pa rin ako sumagot.



"Ethan, ano ba, bakit ayaw mo kaming kausapin?" kalmado pa rin si mama non at pinipilit kong maging kalmado rin.




"Naexcite kasi, tapos nagulat na lang ako ng bigla siyang bumagsak."




"Ehh bakit kasi hindi mo binantayan?" nanggaling pa kay papa 'yung salitang 'yon!



"Wow ha!" medyo napalakas 'yung boses ko non. Mukhang pumunta talaga sila rito para gumawa ng ingay.


"Ang ibig kong sabihin, bakit siya naexcite para atakihin ng ganito?" malumanay pa rin siya pero sa presensiya pa lang nila nanggigigil na ako.




"Eh bakit kayo? Nasaan kayo araw araw para sabihin mo 'yan sa'kin!??"




Natahimik siya pero nanggigigil pa rin ako.



"Anak, hindi kami pumunta rito para makipagtalo" sabi naman ni mama.




"Hindi nga, eh bakit pa kayo pumunta rito?!"




"Anak ko 'to! Anak namen 'to kaya kami nandito!'" mukhang galit na rin si mama ngayon.




"Okay." ayun na lang sinabi ko.

"Bakit ba ganyan ka? Bakit nagkakaganyan ka? Ano bang nagawa namen sa'yo para pagtabuyan mo kami ng ganito?" tanong ni papa.




"Alam mo 'yung sagot ko diyan, kung hindi ka nanloko at sumasama sa iba, hindi ako magagalit ng ganito!"




"Pero pinagtatabuyan mo pa rin ako, sinusuyo kita nung mga nakaraang araw pero hindi mo ko pinapansin."



"Hindi ganon kadaling magpatawad."



"Alam ko, pero sana bigyan mo naman ako ng chance. Nahihirapan din ako anak"




Hindi ko alam kung masamang anak ba ako o masama silang magulang pero either way, sobra akong nagagalit sa kanila ngayon at parang gusto kong manapak na ewan.




"Mas nahihirapan ako! Wala ka! Si mama nandiyan nga pero wala naman! Kami lang ni Butchok 'yung palaging magkasama!"




Lumapit si mama sa'kin na parang naiiyak. Mukhang sumosobra na 'yung sinasabi ko at medyo naguilty ako.




"Wala kang alam, anak kaya 'wag mong sasabihin 'yan!" kalmado, pero ramdam mo 'yung emosyon kaya natakot ako ng bahagya.

Natahimik ako at napatungo.



"Malalaman at malalaman niya rin 'to kaya dapat sabihin mo na" biglang sabi ni mama, nakita kong si papa 'yung sinabihan niya non.




Hindi nakapagsalita si papa.




"Ano po 'yon?" tanong ko.



"May ibang pamilya na tatay mo" sabi ni mama.




"Alam ko na 'yon! Kaya nga tayo iniwan di'ba?!"



"Bago pa tayo... May iba na siyang pamilya na hindi ko alam!" naiyak na lalo si mama habang sinasabi 'yon, mas lalo namang nabuo 'yung galit ko kay papa dahil doon.




"Tayo 'yung pangalawang pamilya niya!"




Magsasalita sana si papa kaso hindi niya tinuloy.

"Bakit bumalik pa kayo?" ayun na lang tinanong ko sa kanya.




"Mas mahal ko kayo."




"Sinungaling ka!" sigaw naman ni mama "tinanggap ko ng may pamilya kang nauna pero tinago mo pa sa'kin na may anak ka sa babaeng 'yon!!"




Nagugulat ako sa sinasabi ni mama, sinilip ko si Butchok buti na lang tulog pa rin siya.




"May anak ka sa iba, Pa?" tanong ko.



"Hindi ko alam.... Hindi ko alam, kailan ko lang din nalaman. Tinago lang sa'kin ni Remy."




Ayon siguro pangalan ng una ni papa.



May ganito pala silang issue na hindi ko alam.




Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, may anak si papa sa iba ibig sabihin, may Kuya ako? O ate? Ang dami ko pang gustong itanong pero hindi ko matanong.



Sakto naman biglang pumasok si Sir Benj sa kwarto at napatayo lang doon. Tumakbo naman ako palapit sakanya at hinila siya palabas.



Ayoko munang makita sila mama at papa ngayon.




++++++



VOTE AND COMMENTS GUYS!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top