Part 25

Hindi ko na nahabol si Sir Benj, kaya bumalik na lang ako sa kwarto ni Jaycee at nung pag pasok ko, napansin kong natutulog na siya habang si Stephen at Sir Jack naman, nagkekwentuhan sa gilid.



"Ang funny ng bestfriend mo, Ethan. Pero kailangan ko ng umalis, dumaan lang talaga ako kasi sabi mo dumalaw ako" sabi bigla ni Stephen.



"Hindi ko nga ineexpect na pupunta kayo eh, biro lang naman 'yon!"


"Haha sabi sa'yo malakas ka sa'kin eh! Haha. Sige, Ethan! Pre, una na ako" paalam niya rin kay Sir Jack. Nung 'pag labas niya, saka naman ako pinatabi ni Sir Jack.




"Palagi ba kayong nagkikita ni Stephen?" tanong niya sa'kin.


"Paminsan minsan lang naman."


"Oh. Dati rati nagkekwento sa'kin si Stephen, pero ngayon nililihim niya na nagkikita kayo"


"Akala ko alam mo?"


"No, I have no idea. Puro Ethan ng Ethan na nga kwento niya ngayon eh. Siguro type ka na rin 'non!"


Dafaq naman, bakit sila pang magtotropa?


"Nako, ma fvckboy pa naman 'yon si Ethan, baliw baliw din 'yon eh! Mag ingat ka,"



Aba, sa kanya pa talaga nanggaling 'yon ah? Eh mukhang siya nga pinaka leader ng fvckboys sa Pilipinas eh.



"Teka, bakit pala ang tagal mo sa labas? Sinong kasama mo?" tanong niya pa. Hindi niya kasi nakita si Sir Benj.



"Ah, wala naman. Nakatambay lang ako sa labas"


"Tinitignan ko na naman 'tong bestfriend mo, nakakaawa talaga Ethan. Wala naman tayong magagawa, tatay niya may gawa at sundalo pa pala. Hindi ko alam kung pwedeng sampahan ng kaso kapag ganon eh"




"Hayaan mo, sa bahay muna siya. Kung gusto niya. Magpalakas muna siya rito tapos sa'min ko na siya papauwiin" sabi ko pa.




"Sige, ako naman kasi may date pa kami ni Laura mamaya kaya kailangan ko na rin umalis. But if you like, dito na lang ako, sasamahan kita."





"Ano ba, umalis ka na. Haha okay lang ako rito"



"Ayokong nag iisa ka rito, at saka, dagdag pogi points 'to oh, sasamahan kita sa ospital. Di'ba? Malay mo ma fall ka na sa'kin haha"



Ang lakas ng loob sabihin na fvckboy si Stephen eh finafvckboy nga niya ako ngayon.



"No, I'm okay. Moment nameng dalawa 'to, miss ko na rin 'tong bestfriend ko eh" sabi ko pa.


"Hehe, well, I understand so, ngayon pa lang aalis na rin ako babe. Text mo lang ako if kailangan mo ko ha?" tumayo na siya at nag ayos saka lumabas.



Pinagmasdan ko naman uli si Jaycee habang nakahiga. Atleast kahit papano okay na siya ngayon at ligtas, si Sir Benj na lang talaga iniisip ko ngayon.


+

Medyo ika ika pa rin si Jaycee nung nakauwi na kami sa bahay, tinapon na rin niya cellphone niya para hindi na siya macontact ng papa niyang sundalo.


Nung nasa kwarto na kami ni Jaycee, biglang pumasok si Butchok dala yung baby namen ni Sir Benj.


"Bessss! Ang cute, kailan ka pa nagkaroon ng dog?!"

"Hindi mo ba napansin 'yan nung isang araw?"

"Hello, hirap na hirap ako sa sakit ng katawan ko, syempre hindi!"


"Ahhh... Sorry, siya pala si B.E,"

"Ang cute naman ng namen. B.E!"


"Ohh pinakain mo na ba si B.E?" tanong ko kay Butchok.

"Opo, tapos sinamahan pa po kami ni Kuya Pogi kagabi!"

"Kuya Pogi? Nandito siya kagabi?" tanong ko.


"Opo, dito nga po siya natulog kaso umuwi rin po nung umaga. Hindi niya po ako iniwan kasi nga hindi ka pa raw po uuwi!"

Kahit galit siya sa'kin, hindi niya iniwan si Butchok dito mag isa sa bahay. Kahit hindi niya ako tinext o tinawagan.

"Sige na, sa baba na kayo ni B.E," sabi ko kay Butchok. Paglabas naman niya ng kwarto ko eh nakatingin sa'kin ng masama si Jaycee.


"Oh, bakit ka ganyan?" sabi ko.


"Kuya Pogi? Binigyan ng aso? Binantayan si Butchok? Yung totoo, anong meron sainyo ng Sir Benjamin mo?!"


Natawa ako sa pangungulit ni Jaycee kaya kinwento ko sa kanya lahat. From aminan namen, up to kahapon sa ospital.

"Bes! How to be you?! Baby niyo si B.E?!!" sigaw niya.

"Oo, short for Benjamin Ethan daw"



"Masasampal na kita! Ang swerte mo! Parang nung unang beses pa lang na nakita natin 'yang boss mo, kilig kilig lang. Pero ngayon, pak, nakikipaghalikan ka na!"

"Huy! 'Wag ka ngang ganyan! Marinig ka ni Butchok eh!"




"Haha. Pasensiya na bes."



"Pero, anong plano mo? Hindi ka ba uuwi...?"


"Matapos akong torjakin ng tatay ko, uuwi pa ako? No! May trabaho naman na ako, kaya ko ng buhayin sarili ko! Ang problema ko lang, baka puntahan ako sa opisina tapos sunduin na naman."



"Basta, tawagan mo lang ako kapag office hours at feeling mo nandon yung tatay mo para mapuntahan kita"



"Siguro maghahanap na rin ako ng condo malapit sa office. Para hindi kita magambala sa moment niyo ng Kuya Pogi mo!"



"Kaya mo na talaga?"



"Kakayanin ko bes. Pero pwede ba, dito muna ako hanggang sa makahanap ako?"


"Oo naman! Ikaw pa ba?"



"Maraming Salamat talaga bes." nagyakapan kaming dalawa at napagaan non yung loob nameng dalawa.



+


Ayoko sanang pansinin si Sir Benj ngayon kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, buti na lang hindi niya rin ako pinapansin ngayon.



Kinabukasan, hindi pa rin niya ako pinapansin.



Hanggang sa tatlong araw na lumipas, hindi pa rin niya akong magawang kausapin o kahit itext man lang kaya ako na yung lumapit sa kanya.


"Uy" medyo casual kong bati.


Napatingin lang siya at nagpatuloy uli sa ginagawa niya.


"Uhm... So, kailangan ng dalhin si B.E sa center, kailan ka ba pwede?" tanong ko pa.


"Sige, mag set ka na ng date, sabihan mo na lang ako" medyo malamig yung pagkakasabi niya.



"Uhm.... Sige. Okay" ayun na lang din sinagot ko.



"Okay, kung ayun lang, you may go"



Fvck, masasapak ko na 'to eh! Ilang araw na pero galit pa rin?



"Okay" lumabas na rin ako sa office niya at medyo binagsak ko yung pinto para maramdaman niya yung inis ko sa kanya.


+

Pagdating ng lunch, nilapitan ako ni Sir Benj na may dalang pagkain at tumabi sa'kin sa table ko, normally kasi lumalabas silang lahat at kumakain at ako lang talaga naiiwan sa pwesto ko.



"Ano 'yan?" medyo mataray kong sabi.



"Pagkain."



"Oh? Tapos?" ayan, galit galitan ako ngayon at nagpapatuloy pa rin ako sa ginagawa ko.



"Lunch na. Kumain ka na muna"



"Okay sige. Kung ayun lang, you may go" sabi ko pa.



Natahimik siya at mukhang nainis sa sinabi ko kaya medyo nagdabog din siya pabalik ng office niya.



Natuwa naman ako kasi nainis din siya sa ginawa ko at napapansin kong sumisilip siya sa bintana niya mula sa office niya.



Ewan ko ba, biglang tumawag si Sir Jack, sumasabay talaga yung panahon sa pang aasar ko kay Sir Benj.


"Where are you? You busy?"bungad niya pag sagot ko sa tawag niya.


Huling huli ko naman na nakatingin si Sir Benj sa'kin mula sa opisina niya at mas lalo ko siyang inasar, sumandal ako sa upuan ko at tumawa ng malakas kahit wala namang nakakatawa.



"Nasa office lang po" sabi ko.



"Oh, bakit ka tumatawa? May kasama ka ba?"



"Wala po, ako lang. Hehe, basta po"


"It has something to do with Benjamin no? Haha you want me to come down?"



Nung sumilip ako sa office ni Sir Benj, wala na siya.


"I'm good. Hehe" sagot ko.


"I have korean food here, galing sa meeting. Talagang nanghingi ako ng dalawa for you, pababa na ako ng elevator at nandiyan na ako sa office niyo in...... 3 secs"


Bago pa ako makasalita, bumukas na yung pinto at nakita ko nga si Sir Jack na may dalang pagkain!


Iba eh. Iba talaga si Sir Jack, may something talaga sa ngiti niya na talagang mapapangiti ka, yun bang mahahawa ka sa sobrang wide ng ngiti niya at the same time, hindi nawawala yung masculinity niya.




"Hope you're hungry!" sabi niya pa. Lumapit siya sa'kin at nakita niya yung pagkain na binigay ni Sir Benj.



"Oh, may pagkain ka na pala diyan" sabi niya pa


"Ahh, bigay lang ni Sir Benj pero mas feel ko korean food ngayon!" sabi ko pa



"Good. Tara sa pantry?"


"Hmmm..." tumingin ako at nakasilip na naman si Sir Benj, siguradong nakita niya si Sir Jack. "...tara po!" sabi ko.

Nung nasa pantry na kami, nagkwento na naman siya about kay Laura.



"Hey, Okay na kami uli ni Laura. Happy happy na uli!" ang cute niya kumain, hindi siya maarte.



"Oh? Edi good 'yan!"



"Haha, well I'm really trying pa rin."



"Bakit hindi si Laura 'yung kasama mo?" tanong ko.


"Oo nga, bakit hindi siya yung kasama mo?" biglang singit ni Sir Benj na hindi ko napansin na nasa loob na pala ng pantry.




"Oh... Kain Benjamin!" yaya ni Sir Jack, pero hindi niya pinansin si Sir Jack at lumapit sa'kin.


"Bakit hindi mo kinain 'yung binigay ko sa'yo?!" tanong niya na medyo pasigaw.




"Gusto ko kasi korean food, eh inalok ako ng korean food ni Sir Jack...."




"Tinignan mo na ba 'yung binigay ko? Korean food din kaya 'yon!" medyo inis niyang sabi, hindi ko naman kasi binuksan 'yung pagkain na inabot niya.




"Tignan mo! Galing pa 'yan ng meeting! 'Yung akin, pina deliver ko pa!" inis na inis niyang sabi at sa sobrang inis niya, nag walk out na siya at naiwan kami ni Sir Jack. Tawa naman ng tawa si Sir Jack sa inasal ni Sir Benj.




"Seriously, anong meron? Dahil sa korean food?!hahaha"



"Hayaan mo na muna siya,"




"Hahahaha nakakatawa Ethan. Well, hindi pa rin naman natin alam kung seryoso 'yan o hindi!" hindi ko pa kasi nakwento sa kanya 'yung tungkol sa pag amin sa'kin ni Sir Benj, ayoko naman din kasing i-brag sa iba.




Naririnig kong sumisigaw si Sir Benj sa loob ng opisina niya pero tawa pa rin ng tawa si Sir Jack.



"Aakyat na ako Ethan, nakaka goodvibes si Benjamin, dahil sa korean food na 'yan! Haha" lumabas na siya ng opisina at ako naman bumalik na sa desk ko. Hanggang sa matapos yung araw, hindi ako pinansin ni Sir Benj.




++



Nag grocery muna ako bago umuwi at napansin kong nasa labas ng bahay namen yung kotse ni Sir Benj, pagpasok ko sa loob, nakita kong nakikipaglaro siya kay B.E




Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto ko, naabutan ko naman si Jaycee na tulog, ayoko naman siyang gisingin kasi alam kong magagalit siya kaya bumaba na ako uli.




"Oh. Bakit ka nandito" sabi ko.



"Hindi ikaw pinunta ko, yung baby natin." bigla niyang binaby talk si B.E "Nako, 'wag mong gagayahin 'yan! Hindi nagsasabi. Kaya ikaw B.E, paglaki mo dapat sa'kin ka ha?"




Lakas magparinig ng lalaking 'to, kaya agad kong kinuha si B.E sa kanya at ako naman yung nagparinig!



"Nako B.E, sa susunod makikinig ka ha? Kapag magpapaliwanag dapat marunong makinig! Hindi 'yung mag wawalk out na lang bigla! 'Wag mong gayahin 'yung daddy mong moody na, nagagalit pa ng dahil sa korean food!"




Mukhang nainis si Sir Benj at kinuha uli si B.E



"Huwag mo ngang lasunin yung isip ng baby ko!" sabi niya.



"Oy, baby ko rin 'yan!"



"Edi sige baby natin pero kasalanan mo pa rin lahat!" medyo inis niyang sabi.



"Oh talaga? Nakinig ka na ba?"




"Hindi ko kailangang makinig, kitang kita ko!"




"Kitang kita mo 'yung ano?"



Narinig nameng tumahol bigla si B.E at nung binaba siya ni Sir Benj, tumakbo siya palayo sa'min at nagtago sa ilalim ng upuan.



"Oh, tignan mo, nagalit tuloy!" sabi ko pa, at nung kinukuha ko si B.E sa ilalim ng upuan, bigla naman akong hinila ni Sir Benj papunta sa labas.



Ineexpect ko na na magagalit siya o sisigawan niya ako pero 'pag labas namen, tahimik lang siya at walang sinabi. Nakatayo lang kami pareha.




Maya maya, sinimulan na niyang magsalita.



"Alam mo naman na gusto ko lang makasama ka di'ba?" sabi niya.




"Alam ko...."



"Eh bakit hindi mo ko pinapunta doon? Bakit mas gusto mo pang kasama si Zachary? Alam mo naman na nagseselos ako doon!"



Nagseselos. Oo, ayun yung ginamit niyang term.



"Eh kasi nga may dahilan ako kung bakit"




"Ano? Iniisip ko kasi pero wala akong maisip!"



"Hays. Hindi ko kasi alam na binubugbog na pala siya ng tatay niya kasi nalaman na bakla siya. Nung araw na parang gusto niyang ikwento sa'kin 'yon, kwento ako ng kwento tungkol sa'yo. Kaya ngayon, feeling ko, oras nameng dalawa muna at kung nandon ka, baka magalit na naman siya. Kaya ayun...."



'Di siya nakasagot at natahimik.




"Eh bakit nandon si Zachary?"



"Crush kasi ni Jaycee 'yon! Hindi mo kasi nakita, dalawa sila ni Stephen yung nandon. Si Jaycee nagrequest non kaya sila pumunta"




"Ganon pala...."



Tumahimik lang uli kaming dalawa at bigla na lang niya akong hinawakan.



"Sorry na, hindi ko.... Hindi ko kasi alam."



"Okay lang. Siguro, kailangan ko ng masanay kung talagang seryoso ka, kailangan kong masanay na ganyan talaga ugali mo" sabi ko.


"No no no no... I'll change, I promise. Just give me time. Masyado pang bago para sa'kin yung lahat. I mean..... You understand me right?"




Pinipilit ko naman siyang intindihin kasi alam ko 'yung pinasok ko.



"I understand" sabi ko na lang. He just smiled at inakbayan niya ako.



"Thank you." naupo uli kami sa gilid at pagkaupo namen, biglang lumabas si Butchok sa bahay dala dala si B.E




"Kuya Pogi!! Dalawin naman po natin si Ginger!" sabi ni Butchok sa'min,




"Sino si Ginger?" tanong ko.



"Yung kapatid po ni B.E!" sagot ni Butchok, ayun yung aso nila Sir Benj sa kabilang bahay.



"Osige, halika!" sabi naman ni Sir Benj. Nagmadali naman si Butchok lumabas ng bahay at tumakbo papunta sa bahay ng mama ni Sir Benj.




"Wait," pigil niya sa'kin paglabas.



"Bakit?"



Hinila niya ako hanggang sa magdikit yung katawan namen, saka niya ako hinalikan sa pisngi ko at sa noo ko.



"Bati na ba tayo?" tanong niya.



"Ano ba, may makakita sa'tin!"



"Bati na nga tayo?!"



"Oo na, bati na tayo, baka makita pa tayo ni manang o Butchok!" natawa naman siya at inalis yung pagkakayakap sa'kin.



At bago pa kami makalabas ng gate, nakita kong may nakatambay na delivery guy sa labas ng bahay namen at palapit kay Sir Benj.



"Uhm, delivery po for Sir Benjamin?" sabi nung lalaki.



"Oh, ako 'yon" inabutan siya ng pagkain nung nagdeliver. Pagkaalis ng nagdeliver, inabot sa'kin ni Sir Benj yung pagkain.




"Ano 'to?" tanong ko.



"Korean food! Kainin mo na 'yan ngayon ha? Sabi mo kasi bati na tayo eh! Nakakainis ka talaga kanina, kinain mo pa 'yung bigay ni Zachary!"




Pagkabukas ko, korean food nga! Natatawa naman ako kay Sir Benj ngayon.



"Hoy ano ba, 'wag ka ngang tumawa!" sabi niya.


"Ehh kasi nagalit ka dahil dito eh hahahhaa!"




"Aba, isa pang tawa mo hahalikan kita ng todo hanggang sa hindi ka makahinga!" ramdam ko naman na tototohanin niya 'yung sinabi niya kaya pinigil ko yung tawa ko.



Nawala yung saya ko ng makita ko 'yung expression ng mukha ni Sir Benj na parang nagulat o parang takot. Nung tinignan ko kung saan siya nakatingin, nakita ko ngang nagkakagulo doon sa tapat ng bahay nila.



At nung lumapit ko, nakita kong pinagkakaguluhan nila.... Si Butchok!!



Nakahiga siya sa sahig at parang naghahabol ng paghinga!! Nagmadali ako para lumapit sa kanya, hirap na hirap siyang huminga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sobra akong natatakot kasi ganitong ganito 'yung nangyari sa kanya noon.



Mabuti na lang, binuhat siya kaagad ni Sir Benj at sinakay sa sasakyan. Nagmadali akong sumakay din. Masyadong mabilis yung pangyayari.



"Ku...kuya" ayokong nakikita na ganito 'yung kapatid ko! Mahigpit naman hawak ko sa kamay niya habang nagdadrive si Sir Benj.




"Sige na, malapit na tayo sa ospital. Sandali na lang!!" sabi ko sakanya. Naiiyak na ako ng sobra, at feeling ko ang bagal ng takbo.




"Wala na bang mas bibilis diyan?!" sigaw ko.



"Mabilis na tayo Ethan. 'Wag kang mag alala. Magiging okay si Butchok!" sabi pa niya. Pero nung 'pag tingin ko kay Butchok, nakapikit na siya at parang walang malay.




Wala na akong magawa kundi magdasal. Ayokong mawala 'yung kapatid ko.



++++++


VOTE AND COMMENTS!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top