Part 21

Read my story: Greg's Diary! :)

++++

Palagi ko talagang naaalala si Bill sa Stick o at chocolate drink, palagi niya kasi ako dinadalhan noon at hindi niya hinahayaang hindi ako makakain non tuwing lunch o dinner.





Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ako nagkulang kay Bill. Okay naman kaming dalawa pero nagbago lang nung umalis siya para magbakasyon tapos pag balik niya, naging cold na siya uli.

Siguro narealize niya na hindi talaga lalaki ang gusto niyang makasama kaya siya nakipaghiwalay. Pero ang masakit kasi, yung nangako na kayo sa isa't isa. Yung may plano na kayo sa future tapos sisirain niya lang lahat.

Nang dahil sa kanya, natatakot na akong magmahal. Mas gusto ko na lang yung crush, yung tingin, pero nagbabago talaga lahat ng 'to dahil kay Sir Benj. 'Di ko rin ma explain pero may something talaga sa kanya na hindi ko maexplain. May something na maiinlove ka at hindi mo naman alam yung dahilan.

"Kuya! Hindi mo ata narinig yung sinabi ko eh" tinulak na ako ni Butchok sa kama. Kanina pa kasi ako nag iisip ng kung ano ano. Matutulog na kami't lahat lahat pero ang dami pang tumatakbo sa isip ko.

"Ha? Ano uli 'yon?"

"Ang sabi ko po, excited na akong pumasok! Saan niyo po ako papapasukin?" tanong niya.



"Ahh... Titignan natin ha?"



"Nako, ano kaya magiging section ko Kuya, tapos ilan kaya magiging classmate ko?"



"Oh. Easy lang, masyado kang na eexcite, bawal sa'yo yan di'ba?"


"Ayy oo nga pala, pero ang bait bait ni Kuya Boss 'no?"

"Paano ba kayo pumunta ng Ospital? Bakit sumasama ka sa ibang tao ha? Ikaw! Buti na lang kilala ko si Sir Jack!"



"Eh hindi naman po ako sasama sa iba eh. At saka ang sabi niya pupuntahan ka raw namen sa office. Eh nagpakwento siya tungkol sa sakit ko tapos ayon, dumiretso kami sa ospital"




"Sa susunod magtetext ka ah?"


"Opo opo! Pero gusto ko po uling makita si Kuya Boss! Sabi niya sa'kin pupunta raw siya uli bukas ehh"




"Bakit na naman daw?"




"Wala, maglalaro raw po kami. Eh sabi naman niya wala naman daw siyang gagawin bukas"




"Ehh bakit hindi mo sinabi?"



"Eh 'wag ko daw pong sabihin eh. Baka raw 'di kayo pumayag"




Nako, nag uusap na silang dalawa ng hindi ko alam. Agad ko naman siyang tinext.



"Saan mo dadalhin kapatid ko bukas? Bakit hindi mo sinasabi sa'kin?!" text ko kay Sir Jack.




"Easy babe, alam ko na drill, bawal pawisan, bawal mapagod, ako ng bahala. 😊😊"



"Hay nako... 😒"



"Haha namimiss na kita babe. Sana sumama ka na lang sa'min bukas"




"Babe mo mukha mo!"



"Haha, too cute. You're so cute. Anyways, thanks for the advice pala babe! 😉"




"Advice?"



"About kay Laura. And I think we're doing good now. Nakakatawa na rin ako 'pag kasama ko siya"



"Oh good. So, ready ka na magseryoso? 😊" biro ko.



"Haha seryoso naman ako, ikaw lang naman gusto kong seryosohin eh kaso may Sir Benjamin ka na 😢"




Hindi ko talaga alam kung kikiligin ako o matatawa sa text ni Sir Jack pero one thing's for sure, hindi na ako masyadong naaapektuhan sa ganitong pagpapakilig niya.



"We? Haha. Well, good to know talaga about you and Laura."




"I know! I know. How's Butchok?"



"Okay! Excited makapasok!"



"Yeah, nag inquire na ako sa La Salle at willing pa naman daw silang tumanggap ng students. At saka syempre ako humingi ng favor kaya dapat lang na pumayag sila"




Napaka talaga ng lalaking 'to kaya nung tinext niya ako 'non, dinial ko kaagad siya at tinawagan.



"You missed my voice already, babe" naiimagine ko itsura niya habang sinasabi niya 'yon.




"Ano ba 'yan, ang mahal masyado doon! Hindi ko kaya"



"Hmmm. Edi ako na lang magbabayad,"



"What no! Ako bahala roon, 'wag mong pakialamanan 'yon!"



"Woah, easy babe. Masyado kang High Blood"



Sumingit naman si Butchok sa usapan namen.



"Si Kuya Boss ba 'yan?" sabi niya.




"Bigay mo nga kay Butchok yung phone, kakausapin ko lang"



Inabot ko naman kaagad yung phone at nagusap sila. Medyo matagal, tumatawa lang si Butchok tapos puro opo yung sagot. Maya maya, inabot na uli sa'kin ni Butchok yung phone ko pero nakababa na yung tawag.




"Anong sabi ni Kuya Boss mo?" tanong ko.



"Wala po, nagkwentuhan lang kaming dalawa hehe. Matulog na raw po tayo sabi ni Kuya Boss!"




"Eh bakit mas nakikinig ka na sa kanya kesa sa'kin?"




"Hala, hindi po hehe. Goodnight Kuya!" ngumingiti ngiti siya habang patulog na samantalang ako, nacucurious pa rin sa pinag usapan nilang dalawa ni Sir Jack.




++++



Magkasama kaming nag lunch ni Jaycee at hindi ko talaga alam kung bakit parang ang tahimik niya lately. Simula talaga nung nagkawork siya, parang may iba na hindi niya masabi sa'kin.



Pinilit ko pa nga siyang mag lunch eh buti na lang pumayag. Nakwento ko na rin sa kanya yung nangyari sa'min ni Sir Jack kasama ni Butchok.




"Wala ka na bang ibang alam na ikwento sa'kin maliban sa mga lalaki mo?!" medyo mataas yung boses niya nung mga oras na 'yon.




"Bes, anong meron?"



"Nako, Ethan. 'Wag mo nga akong bine bes bes. Kaibigan mo lang ata ako kasi gusto mong maghanap ng tao na malalabasan niyang kalandian mo!"




Mukhang galit siya at hindi ko talaga alam yung dahilan.



"Uy, bes, anong nangyayari sa'yo?"




"Wala! Ewan ko sa'yo. Sige na, mauuna na ako!" tumayo na siya at lumabas ng pinto at walang sinabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung galit niya. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.




Pinabayaan ko na lang at tinapos ko yung pagkain ko saka ako umakyat.



Sinalubong naman ako ni Laura ni medyo masaya yung reaksyon niya.




"Uy Ethan, alam mo ba, nasa desk mo si Sir Benj kanina, mukhang may hinahanap!" sabi niya.



"Ha? Eh ano naman?"



"Ewan ko, pero mukhang may hinahanap eh. Pero maiba tayo, alam mo ba, may nakita ko sa phone ni Jack kagabi? Magkasama kasi kami tapos may katext siya..,,"



Hindi ko siya masyadong napansin kasi naghahanap ako sa desk ko kung ano nga yung kinuha ni Sir Benj.



"Tinatawag niyang babe eh. Parang may iba si Jack huhu"




Natigilan ako sa ginagawa ko. Babe kasi tawag ni Sir sa'kin sa text.



"Ahhh... Ehh... Ano bang sabi sa text?" tanong ko



"Burado yung ibang messages eh. Pero pangalan Babe, kukunin ko sana number kasi nakita niya na hawak ko phone niya eh kaya binigay ko na rin, baka isipin niya paranoid ako."




Shet. Baka nga ako 'yon.



"Mukha namang walang something kasi nabanggit niya pangalan ko, parang tinutulungan pa nga ako nung babe niya eh. Pero ewan, 'di ko maexplain talaga!"



Shet, ako nga 'yon. So babe pala pangalan ko sa phone ni Sir Jack?



Bago pa makapagsalita si Laura, narinig ko si Sir Benj na nagpapatawag ng meeting sa conference room at agad naman kaming pumuntang lahat.



"Well, as you all know, na approved na yung nirequest ko para sa Team Building natin" panimula niya.



Mukhang naexcite naman yung iba kong ka officemates.



"This time, sa Mindoro naman tayo!"



"Ayon! Ayos!" sigaw ni Allan.



"Okay, settle down. Next week na 'to ha? Paalala lang. 3 days tayo don, don't worry bayad yung pasok niyo ng monday!" sabi pa ni Sir Benj.



"Okay! Ayos talaga kayo Sir Benj!"




Ngumiti lang siya.



"So, ayun lang guys! You can go back to work na, but please stay Mr. Aguilar" sabi niya.



Nagsitayuan na silang lahat at naiwan na lang kami ni Sir Benj sa loob. Tahimik lang kaming dalawa at hinihintay ko siyang magsalita.



"Hmmm, Ethan..." panimula niya.



"Yes, Sir?"



"Nakikipagkita na uli sila Sir Miggy at Cielo sa'tin. Pero after ng team building natin 'yon."




"Oh... Okay po...."



"So... Okay ba uli na maging 'tayo'?" tanong niya.



Mabait na Sir Benj yung kaharap ko ngayon na nangangailangan ng tulong ko.



"Ofcourse Sir. May usapan tayo di'ba?" sabi ko at mukhang nagustuhan naman niya sagot ko.



"Nice! Sabihin mo na rin sa ka date mo para walang issue,"



"Okay po"



"Hmm., hindi mo ba akong kekwentuhan?"



"Hindi na po Sir hehe. Kung wala na po kayong kailangan, babalik na po ako" okay, tama 'yan Ethan. Iwan mo si Sir Benj at 'wag mong hayaan na kayong dalawa lang ang magkasama.




"Hmmm... Okay sige ayon lang." nawala yung pagiging mabait sa boses niya at naging matigas uli.



"Okay po Sir" sagot ko at lumabas na ako ng conference room.



+


Nagulat ako ng makipagkita sa'kin si Stephen. Bigla lang siyang napatawag at sinabi niya na puntahan ko raw siya sa Mozu at 'yon naman ginawa ko.


Masaya niya akong binati nung nakita niya ako, nagulat pa ako ng halikan niya ako sa pisngi nung nakita niya ako.



"Haha, sorry, na carried away lang!" sabi niya.



"Hehe okay lang... So bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong ko.



"Easy, order muna tayo!" mukhang kakagaling ni Stephen sa pag eexercise kasi naka short lang siya at Tshirt.




Pagka order namen, nagsimula na siyang magkwento.



"Anong problema niyo ni Benjamin?" sabi niya.



"Ha? Problema? Wala"



"Sus, eh bakit tumawag sa'kin at parang umiiyak? Sabi niya hindi mo raw siya kinakausap?"



Shet. Si Sir Benj, umiiyak? Bakit naman siya iiyak sa 'di ko pagpansin sa kanya?



"Nako, Ethan. Ang weirdo na talaga ng tropa ko lately. Palagi na lang ikaw bukambibig!"



'Di ako makasagot.


"Tapos si Zachary din, balita ko nilabas ka raw niya kasama kapatid mo ahh?"



"Bakit parang ang dami mong alam?!"




"Haha tropa ko kasi nalilink sa'yo eh, kaya talagang malalaman ko 'yon!"




"Ano naman mga kinwento nila?"



"Hmmm let's see. Si Benjamin, ang sabi niya hindi mo raw siya kinakausap. Almost 3 weeks na raw, parang ayaw mo raw na magkasama kayong dalawa. And it's different with Zachary, sabi naman niya, palagi kayong magkasama at nag eenjoy siya sa company mo!"




Speechless talaga ako.



"Anong ginawa mo sa kanila? Ginawa mo silang.... Bi." sabi niya pa


"Hahaha wala akong ginagawa ah!"




"Haha nako! Apparently, may impact sa kanila ginagawa mo"




"Basta ako, wala akong ginagawa"




"Nako, bibigyan kita ng background sa dalawang tropa kong 'yan hano?"



Uminom siya ng alak at saka nagsimulang magkwento.



"Parehas fvckboy yang dalawang 'yan!"



"Wow! Siniraan mo naman sila!"



"Haha, ganon talaga yung dalawang 'yan. Pero minus that being fvckboy attitude, mabuting tao yang dalawang 'yan. Kaso parang palaging nasa competition."




"Competition?"



"Yeap, the way I see it, nasa competition silang dalawa at ikaw ang price"



"Huh?!"



"Well, I'm not saying this the bad way huh, but I think kaya sila ganyan sa'yo para malaman kung sino mananalo sa kanilang dalawa. May history 'yang dalawang 'yan eh, I don't know if nakwento ko na noon pero may pinag agawan silang babae pero si Zachary nanalo."



Napapaisip tuloy ako sa sinasabi ni Stephen.




"Ganon siguro yung nangyayari ngayon, parang hindi sila aware na nagkokompetensiya silang dalawa sa'yo. Kaya ganyan na lang sila kalapit sa'yo. Parang ayaw ni Benjamin na malamangan siya ni Zachary, same goes with Zachary"


"So parang pustahan? Pero hindi sila aware na pustahan?"



"Exactly! I really don't know, that reason or maybe they're gay for you!"



Napaisip talaga ako, ganon talaga siguro yung dahilan kung bakit mabait si Sir Jack sa'kin. Nung una kasi hindi naman ganon kabait si Sir Jack, simula lang nung nalaman niya na nagpapanggap kami ni Sir Benj saka niya lang ako tinetext. Tapos nung nalaman ni Sir Benj na magkausap kami ni Sir Jack, parang naging clingy siya.




"Hey, I'm not trying to offend you or what, yeah you're cute Ethan, maybe if I'm bisexual or gay, baka nag da moves na rin ako sa'yo pero I know them, they're straight"

"Okay lang, I'm not offended. Napaisip lang ako" sabi ko.



"Sakit sa ulo ng dalawang 'yan. Sinabihan ko naman sila na 'wag kang pagtripan or what pero ang sabi nila seryoso raw sila sa ginagawa nila. Kahit ako Ethan, naguguluhan promise pero nasa'yo naman 'yan. Ikaw naman pinag aagawan kaya dapat ikaw na lang mamroblema haha" biro niya pa.



"Loko"



"Hey, nawala ka sa mood. I hate myself, sana hindi ko na lang sinabi 'yon!"




"No, I'm okay!" sabi ko pa.



"Good, smile. Ang cute mo kaya 'pag naka smile. Ayan siguro panlaban mo 'no? Ethan's killer smile! Haha"



"Haha ewan ko sa'yo, Stephen!"




"Haha, I think I know kung bakit nababaliw sa'yo mga tropa ko. Hindi ka kasi aware na nag bbloom ka. May something sa'yo...." napatingin lang siya sa'kin sabay ngiti.




Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.



++


Alasdyis na ako nakauwi, pinagbuksan ako ni manang.



"Si Butchok? Nandito na ba?" tanong ko.



"Hindi naman po siya umalis,"




"Ahh ganon? Nasan siya?"



"Sa kwarto niyo po" nagmadali akong umakyat baka sakaling gising pa siya pero nagulat ako ng makita ko si Sir Jack na natutulog sa kama ko at katabi si Butchok! Bukas pa yung PS4 at mukhang nakatulugan nilang dalawa.



Paglapit ko, nakakatuwa silang pagmasdan. Nakanganga kasi silang dalawa. Si Sir Jack naman sobrang cute pa rin kahit ganon.



Pinatay ko yung TV at biglang nagising si Sir Jack.



"Ohh... Kanina ka pa hinihintay ni Butchok ah?" bumangon siya ng dahan dahan para hindi magising kapatid ko.




"Saan ba kayo nanggaling? Bakit hindi ka nagtetext?"



"Yieh, miss mo naman kaagad ako?"



"Ehhhh Sir Jack, saan nga kayo galing?"



"Hindi naman kami umalis. Nandito lang kami sa kwarto mo, tapos nag paorder lang ako ng pizza, nanuod lang ng movie."




Ewan ko pero sobrang nakakatuwa yung ginagawa ni Sir Jack kay Butchok. Sobrang sweet kasi at talagang mapapangiti ka na lang.



"Salamat sa pagsama sa kanya, Si... Jack" sabi ko.



"Wow, music to my ears hehe. Don't worry, anything for you"




"Hehe, salamat again!"



"Okay..." bigla uli siyang humiga at mukhang matutulog.


"Hala, hindi pa kayo uuwi?" tanong ko.




"Hindi, gabi na at saka wala akong dalang kotse, dito na ako matutulog!"



Sht. Nakakainis, mukhang wala nga siyang balak umuwi.



"Tabi ka na lang sa'kin ha? Goodnight!" pinikit niya mata niya pero alam kong joke joke lang 'yon.




Nakatayo pa rin ako at hindi ko alam gagawin ko, nakakahiya naman kung tatabi ako sa kanya.



"Ethan, patayin mo ilaw ha. 'Di ako makakatulog eh" pahabol pa niya. Wala na akong nagawa kundi magbihis at patayin yung ilaw saka tumabi sa kanya.



+


"Pst, alam kong gising ka pa" biglang nagsalita si Sir Jack. Nakatalikod ako sa kanya at medyo madilim kaya hindi ko siya nakikita.




'Di ako sumagot para kunwari tulog na ako.




"Hindi pilit yung paghinga kapag natutulog. Alam kong gising ka pa!" bulong niya uli.



"Shhh... Matulog ka na"



Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin sa likod at niyakap niya yung katawan niya sa'kin. Pinangyakap niya hita niya sa likuran ko at meron akong nararamdamang kakaiba, alam kong junjun ni Sir Jack 'yon.




"Jack, ano ba!"



"Cuddle lang eh, ang damot mo naman!" bulong niya uli.



"May tumutusok kasi!"


"Haha talagang tutusok 'yan, malaki 'yan eh!"



"Hala Sir naman!" limitado lang galawa ko para hindi magising si Butchok.



"Uy, balita ko nagkausap kayo ni Stephen kanina ah?" bulong niya uli. This time 'di na ako nagpupumiglas. Hinayaan ko na lang siya na nakayakap sa'kin.




"Kung iniisip mo na nakikipagkompetensiya ako kay Benjamin nagkakamali ka. Hindi 'to laro, hindi kita pinaglalaruan. Alam mo naman motives ko di'ba?" bulong niya uli. Ang hot ng boses niya, ang husky at parang nakakakilabot.





"Alam ko naman po Sir, buti nga sinasabi niyong wala lang 'to eh pero napaisip talaga ako roon, parang ganon kasi yung nangyayari sainyo"




"Nako, magkaibigan tayo pero sweet ako sa'yo kasi ayun nararamdaman ko sa'yo eh. Gusto kong maging sweet sa'yo, nakakatuwa kasi at saka.... Nakakakilig"



Tumahimik lang ako.




"At isa pang totoo? Gusto ko 'tong nakayakap ako sa'yo ngayon tapos nag uusap tayo. Gustong gusto ko."



Hindi totoo Ethan, Hindi totoo.




"Matulog na po tayo"sabi ko na lang.



"Okay, sige. Goodnight Ethan"


"Goodnight"



Hinigpitan niya yung yakap sa'kin at nakatulog na ako sa ganung pwesto. Nagustuhan ko rin yung yakap sa'kin ni Sir Jack.



+++++++


VOTE AND COMMENTS!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top